Filipino sa Piling Larang (Isports) Quarter 2 Module 5: Sanaysay ukol sa Proseso ng Pagsasagawa ng Isang Anyo ng Isports

Grade 12 Filipino sa Piling Larang (Isports) Q2 Module 5 on writing a process essay about a sport, with a model reading, activities, and answer key.

This is the Alternative Delivery Mode (ADM) self-learning module for Filipino sa Piling Larang (Isports), Grade 12, Quarter 2 (Ikalawang Markahan), Module 5. Its lesson is “Sanaysay ukol sa Proseso ng Pagsasagawa ng Isang Anyo ng Isports” (an essay on the process of carrying out a form of sport). It is for Senior High School learners studying at home or in class. After the module, learners should be able to explain and write an essay on how a sport is played or developed, using careful language, research, and ethics. The module is written in Filipino and was prepared by DepEd NCR (first edition, 2020).

On this page 7 sections

What learners will learn

The module lists four competencies:

  • Naipaliliwanag ang kahalagahan, kalikasan, at proseso ng piniling anyo ng sulating pang-isports (explain the importance, nature, and process of a chosen form of sports writing), CS_FI11/12PS-0j-l-94
  • Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto at angkop na paggamit ng wika (write using careful, correct, and fitting language), CS_FI11/12WG-0m-o-96
  • Nakapagsasaliksik ng datos kaugnay ng isusulat na piniling anyo ng sulating pang-isports (research data for the chosen form of sports writing), CS_FI11/12EP-0m-o-44
  • Naisasaalang-alang ang etika sa binubuong sulating pang-isports (keep ethics in mind when writing about sports), CS_FI11/12PU-0m-o-101

Key ideas: what a sanaysay is

The module opens by pointing out that today’s sports fans are not satisfied with game stories alone. They look for other writing that helps them understand what happens in a game. A process essay about a sport meets that need.

According to the module, a sanaysay (essay) is writing that aims to express, explain, and narrate views or knowledge. It differs from other kinds of writing because it focuses on a single topic and idea, no matter how long it is. It usually has three parts:

  • Simula (beginning)
  • Katawan (body)
  • Wakas (ending)

This structure makes it easier for the writer to express ideas and feelings clearly.

The reading: “Ang Kahalagahan ng Sports”

The model text is “Ang Kahalagahan ng Sports” (the importance of sports) by Al Eugenio, first published in Pinoy Gazette in 2014. Its main points:

  • Children in cities often lose places to play, and traditional games such as patintero, tumbang preso, and piko have given way to video games played alone indoors.
  • Playing outside with others teaches children about different kinds of people, including helpful friends and those who refuse to accept defeat.
  • In Japan, schools let students join sports clubs even with no prior skill. These clubs build friendships and produce world-class players.
  • Many Filipino athletes struggle because of little or no government support.
  • The author suggests building more than basketball courts: tennis, badminton, and volleyball courts, baseball and soccer fields, and parks that are free and open to girls as well as boys. He also suggests radio and TV programs about different sports.
  • He cites figure skater Michael Christian Martinez, who reached the Winter Olympics in Sochi without government help and finished 19th, as a hero to Filipinos.

Parts and activities of the module

PartWhat learners do
Subukin (pretest)Match five descriptions to sports: volleyball, badminton, basketball, boxing, football, baseball
Balikan (review)List the good and bad effects of new games on health
Tuklasin (discover)Read the essay by Al Eugenio
Suriin (analyze)Answer questions on the reading, then choose a sport that needs development in the Philippines and describe why, its challenges, and ways to improve it
Pagyamanin (practice)Describe how basketball, volleyball, boxing, football, and chess are played
Isaisip (reflect)Explain what to consider, what steps to take before writing, and why this skill matters
Isagawa (apply)Write an essay on the process of playing a sport you enjoy
Tayahin (assessment)Five true-or-false items on the importance of sports
Karagdagang Gawain (extra task)Research three athletes you admire, list five little-known facts about each, and write an essay, citing sources

How to use this module

  • Learners: Answer the Subukin first before moving on. Read each instruction carefully, finish one activity before starting the next, and write your answers on a separate sheet of paper, not on the module. Be honest when checking your answers, and return the module to your teacher when you are done.
  • Parents and older family members: The module invites learners to ask you for help when an activity is hard. You can help by reading the essay with them or talking about sports they know.
  • Teachers: The teacher’s note asks you to make sure learners understand and follow the instructions, read all parts before starting, and value honesty in answering and checking. The answer key (Susi sa Pagwawasto) covers the Subukin and Tayahin. Please check the Subukin key before sharing it: it gives D (Boxing) for item 2 and E (Football) for item 4, but item 2 describes football and item 4 describes boxing, so these two answers appear to be swapped.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this module for?

It is for Grade 12 Filipino sa Piling Larang (Isports), Quarter 2 (Ikalawang Markahan), Module 5.

What is a sanaysay according to the module?

A sanaysay, or essay, is writing that expresses, explains, and narrates views or knowledge on a single topic. It usually has a beginning, a body, and an ending.

What reading does the module use?

It uses “Ang Kahalagahan ng Sports” by Al Eugenio, an essay about the value of play and sports and how the Philippines can better support them.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for the Subukin pretest and the Tayahin assessment. In the Subukin key, the answers for items 2 and 4 appear to be swapped, so teachers should check them.

What is the main writing task?

In Isagawa, learners write an essay explaining the process of playing a sport they enjoy. The extra task asks for an essay about three admired athletes, with sources cited.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Filipino sa Piling Larang (Isports) Ikalawang Markahan-Modyul 5: Sanaysay ukol sa Proseso ng Pagsasagawa ng Isang Anyo ng Isports

[illustration: students and a teacher reading and studying under a tree and at a desk, with a globe, a lamp, and a child writing on paper]

Senior High School

Filipino sa Piling Larang (Isports)

Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 5: Sanaysay ukol sa Proseso ng Pagsasagawa ng Isang Anyo ng Isports Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education – NCR Office Address: Misamis St., Bago Bantay, Quezon City Telefax: 02-929-0153 E-mail Address: depedncr@deped.gov.ph

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Pinky O.L.Gomez Editor: John Albert B. Colle Tagasuri: Mariel Eugene L. Luna

Tagaguhit: Pinky O.L. Gomez Tagalapat: May L. Borjal Tagapamahala: Malcolm S. Garma, Dr. Jennifer F. Vivas, Dennis M. Mendoza, Micah S. Pacheco, Madeline Ann L. Diaz, Dr. Gina U. Urquia, Mariel Eugene L. Luna

Filipino sa Piling Larang (Isports)

Ikalawang Markahan-Modyul 5: Sanaysay Ukol sa Proseso ng Pagsasagawa ng Isang Anyo ng Isports

Senior High School

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino sa Piling Larang (Isports) – Baitang 12 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Sanaysay Ukol sa Proseso ng Pagsasagawa ng Isang Anyo ng Isports

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

[illustration: clipboard icon]

Mga Tala para sa Guro Ito’y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayanang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap Filipino sa Piling Larang (Isports) – Baitang 12 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Sanaysa Ukol sa Proseso ng Isang Anyo ng Sulating Isports.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

[illustration: hand icon] Alamin: Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul.

[illustration: hand with pencil icon] Subukin: Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawanang bahaging ito ng modyul.

[illustration: hands icon] Balikan: Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

[illustration: hand with leaf icon] Tuklasin: Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

[illustration: magnifying glass icon] Suriin: Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.

[illustration: hand with blocks icon] Pagyamanin: Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii

[illustration: lightbulb icon] Isaisip: Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

[illustration: hands with gears/tools icon] Isagawa: Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

[illustration: hand with pen icon] Tayahin: Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

[illustration: gears icon] Karagdagang Gawain: Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

[illustration: key icon] Susi sa Pagwawasto: Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian: Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

  1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
  2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.
  3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
  4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
  5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
  6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv

Alamin

Sa panahon ngayon ang mga tagsubaybay ng isang isports ay lubhang dinamiko. Hindi na lamang sila nakukuntento sa mga nabasang game story bagkus ay naghahanap sila ng iba pang materyal na makapupukaw sa kanilang interes upang higit na maunawaan ang mga nangyayari sa isang laro.

Ang araling ito ay naglalaman ng pagtalakay sa sanaysay ukol sa proseso ng pagsasagawa ng isang anyo ng isports.

Sa modyul na ito, matutuhan mo ang ilang mahahalagang bagay na makatutulong sa iyong pag-aaral. Inaasahang malilinang mo ang mga kasanayang ito:

  1. Naipaliliwanag ang kahalagahan, kalikasan, at proseso ng piniling anyo ng sulating pang-isports (CS_FI11/12PS-0j- l-94)
  2. Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto at angkop na paggamit ng wika (CS_FI11/12WG-0m-o-96)
  3. Nakapagsasaliksik ng datos kaugnay ng isusulat na piniling anyo ng sulating pang- isports (CS_FI11/12EP- 0m-o-44)
  4. Naisasaalang-alang ang etika sa binubuong sulating pang-isports (CS_FI11/12PU-0m-o-101)

1

Subukin

Panuto: Piliin ang isports na tinutukoy sa bawat bilang. Letra lamang ang isulat sa patlang.

A. VolleyballD. Boxing
B. BadmintonE. Football
C. BasketballF. Baseball

_____ 1. Ito ay larong pampalakasan na binubuo ng dalawang koponan ng limang manlalaro bawat isa. Layunin ng laro na maihulog ang bola sa net na nakasabit sa backboard sa bawat dulo.

_____ 2. Isang uri ng sipaang bola o isports na nilalaro ng dalawang koponan, na may 11 manlalaro gamit ang isang bilog na bola.

_____ 3. Isang uri ng palakasan na ginagamitan ng raketa. Ito ay maaaring laruin ng dalawang magkalabang manlalaro (isahan) o kaya ng dalawang magkalabang pares (dalawahan).

_____ 4. Isang laro sa larangan ng palakasan kung saan dalawang magkatunggali na may parehong timbang ang naglalaban sa pamamagitan ng kanilang mga kamao o buntalan sa natakdang oras sa loob ng ring.

_____ 5. Isang larong pangkoponan, kung saan ang dalawang magkatunggaling koponan ay pinaghihiwalay ng net. Tinatangka ng bawat isang koponan na magkaiskor ng puntos sa pamamagitan ng pagpapatama ng bola sa court ng kalabang koponan alinsunod sa mga nakabalangkas na tuntunin.

2

Aralin 5: Sanaysay ukol sa Proseso ng Pagsasagawa ng Isang Anyo ng Isports

Sanaysay ang tawag sa isang sulatin na naglalayong magpahayag, magpaliwanag, at magsalaysay ng mga pananaw o kaalaman. Ang isang sanaysay ay naiiba sa ibang uri ng sulatin dahil nakatuon ito sa iisang paksa at diwa lamang.

Ang kabuuan ng sulatin, gaano man kahaba, ay iisa lamang ang paksa nito. Tinatawag itong ‘essay’ sa English na mayroon ding sistematikong paraan ng pagpapahayag ng mga pananaw o kalaaman. Karaniwang mayroon itong simula, katawan, at wakas na nagiging dahilan upang maging mabisa ang pagpapahayag ng damdamin ng sumusulat.

Balikan

Bakit mahalagang makapagsulat ng mga pagsusuri tungkol sa mga bagong likhang laro sa kasalukuyan? Ilahad mo ang mga kabutihan at di-kabutihang dulot nito sa kalusugan ng tao.

Mga Kabutihang Dulot









Mga Di-Kabutihang Dulot









Mga Tala para sa Guro

Tandaan: Tiyaking nauunawaan at masunod ng mga mag-aaral ang mga panuto sa pagsasagot. Makatutulong kung basahin munang mabuti ng mga mag-aaral ang lahat ng bahagi at panuto bago ito simulan. Ipinaaalala rin ng guro ang pagpapahalaga sa katapatan sa pagsasagot at pagwawasto nito.

Tuklasin

Basahin ang tekstong “Ang Kahalagahan ng Sports” ni Al Eugenio upang magkaroon ka ng ideya tungkol sa proseso sa pagsasagawa ng mga paraan upang mapaunlad ang isang anyo ng sports.

Ang Kahalagahan ng Sports

Ni Al Eugenio

Ilan sa atin ang pinapayagan ng ating mga magulang na makipaglaro sa labas ng ating tahanan noong tayo ay mga bata pa? Maaaring kung sa probinsiya tayo lumaki at malawak ang ating mga ginagalawan, marahil ay natural lamang na tayo ay pinapayagan. Subalit kung tayo naman ay nagsipaglaki sa siyudad, maraming bagay ang ipinag-aalala ng ating mga magulang kaya’t hindi tayo pinapabayaan makipaglaro sa labas ng ating tahanan. Isa sa mga dahilan ay ang kanilang pag-aalala na baka tayo ay maimpluwensyahan ng mga elemento na makakasama sa ating buhay.

Habang tayo ay lumalaki ay mabilis namang nawawala ang mga lugar na mapaglalaruan ng mga kabataan sa mga siyudad dahil na rin sa kakulangan ng kaalaman ng marami sa ating mga namumuno na gawan ng kaayusan ang ating kapaligiran.

Dahil na rin sa mga maling pananaw, naging dahilan ito na mabago ang proseso ng paglaki ng marami sa ating mga kabataan. Nawala ang mga laro na ating kinagisnan tulad ng patintero, tumbang preso at piko. Napalitan ang lahat ng ito nang magsulputan ang mga video games na nilalaro kahit na mag-isa habang nakaupo o nakahiga pa kung minsan sa loob ng bahay. Dahil sa mga makabagong larong tulad nito, maraming karanasan ang nawawala sa ating mga kabataan habang sila ay lumalaki. Isa na rito ang pakikihalubilo sa kapwa.

Sa pakikipaglaro natin sa labas ng ating bahay ay natututuhan natin ang iba’t ibang ugali na mayroon ang mga tao. Mayroon sa kanila ang madaling maging kaibigan, mga batang matulungin, mga batang hindi nagsasawang magturo sa atin ng maraming bagay na hindi pa natin alam. Mayroon din namang mga kalarong ayaw tumanggap ng pagkatalo kahit na sila ay mandaya pa ay ipinipilit pa rin na sila ang tama. Sa mura pa lamang nating edad ay nagkakaroon na tayo ng pagkakataon na maranasan ang iba’t ibang ugali ng tao na maaari nating makasalamuha sa ating paglaki.

Dito sa Japan, dahil sa halos subsob sa paghahanap-buhay ang mga magulang, ang mga paaralan ay mayroong sistema na binibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na makisali sa iba’t ibang uri ng sports. Maaaring pumili ang isang bata ng gusto niyang salihang laro at maaaring sumali sa isang sports club kahit na siya ay wala pang kaalaman tungkol dito.

Tutulungan siya ng club na matutuhan ang lahat ng kaalaman upang siya ay humusay sa napili niyang laro. Kasabay nito ay mararanasan din niya ang makipagkaibigan at makipag-ugnayan sa iba niyang mga kalaro. Ang mga karanasang ganito ay tutulong sa isang mag-aaral na matutuhan ang iba’t ibang paraan ng pakikisama at pakikipagkapwa kahit na wala sa tabi ang mga magulang nito.

Mula sa mga sports club na tulad nito ay maraming magagaling na manlalaro ang napipili upang maglaro sa malalaking koponan. Tulad nang napapanood natin sa Olympics, kilala sa buong mundo ang mga manlalaro mula Japan. Marami na sa kanila ang naglalaro ng baseball sa Major Leagues pati na rin sa mga sikat na soccer teams.

Marami sa ating mga manlalaro ang hirap maipakita ang kanilang mga kakayahan at husay sa larangan ng palakasan dahil sa kulang o halos walang suporta mula sa ating pamahalaan.

Maaaring mayroong nagsasabi na ang sports ay walang maitutulong para sa kaunlaran ng bayan. Ngunit napapagkaisa nito ang mga mamamayan saanman sulok ng mundo lalo na’t may mga nagwawagi tayong mga atleta tulad ni Manny Pacquiao.

Ang ating pagkakaisa ang kinakailangan upang tunay na maiayos ang ating pamumuhay lalo pa at patuloy na lumolobo ang ating papulasyon. Kung magkakaroon lamang ng sapat na lugar ng palaruan para sa mga kabataan sa ating mga bayan, maaaring magkaroon ng ibang pagtutuunan ng pansin ang ating mga kabataan upang mapalayo sila sa masasamang bisyo tulad ng droga.

Huwag naman sanang mga basketball court lamang ang ipinatatayo ng mga nanunungkulan. Magkaroon din sana ng mga tennis, badminton, volleyball courts, baseball at soccer fields na libre para sa kanilang mga nasasakupan. Hindi lamang sana mga kalalakihan lamang ang makapaglalaro kung hindi pati na rin ang mga kababaihan. Kailangan din ang mga parke na maaaring pasyalan ng mga magkakapitbahay na mayroon ding lugar na mapaglalaruan ng maliliit pang mga kabataan. Kasama ang kanilang mga magulang, pagkakataon na rin na magkakilala ang magkakapitbahay.

Makatutulong din kung magkakaroon ng mga programa sa radyo at telebisyon na nagbibigay kaalaman tungkol sa iba’t ibang uri ng mga sports. Suporta mula sa ating pamahalaan upang mailapit ang ating mga kababayan sa kahalagahan ng sports sa lipunan.

Ikinagulat ng buong mundo na mula sa isang bansa na wala namang snow ay nagkaroon ang Pilipinas ng isang figure skater sa kakatapos pa lamang na Winter Olympics sa Sochi, Russia. Mas lalo pang bumuhos ang simpatya ng marami nang malaman na walang tulong na ibinigay ang ating pamahalaan para sa manlalarong ito.

Dahil dito ay marami ang gumawa ng paraan upang makalikom ng tulong para maipagpatuloy ni Michael Christian Martinez ang kanyang pangarap na makapagbigay ng karangalan para sa Pilipinas. Bagamat pang-labing siyam na pwesto lamang ang kanyang naabot, para sa bawat Pilipino, si Michael ay isang bayani.

Pinagkunan:

Eugenio, Al. (27 Marso 2014). “Ang Kahalagahan ng Sports” Pinoy Gazette. http://pinoygazetteofficial.blogspot.com/2014/03/ang-kahalagahan-ng-sports-nial-eugenio.html

Suriin

A. Batay sa binasang seleksyon na ” Ang kahalagahan ng Isports” ni Al Eugenio sagutin ang sumususnod:

  1. Tungkol saan ang seleksyon?


  1. May kabutihang bang dulot ang pagbibigay ng pagkakataon sa mga bata na makapaglaro ng isports na kanilang nais?


  1. Magbigay ng mga mungkahing binanggit sa akda upang mas mapalawig ang isports sa buhay ng tao?


B. Magbigay ng isang sports na sa palagay mo ay nangangailangan pang paunlarin sa ating bansa. Maglahad ng mga pamamaraan upang lalo itong mapaunlad at tangkilin ng mga kabataang Pilipino.

Pangalan ng Sports:
Bakit mahalagang paunlarin ito?
Anong mga hamon o balakid ang kinakaharap nito?
Anong mga pamamaraan ang maimumungkahi mo upang mapaunlad ito?
Pagyamanin

Panuto: Punan ng tamang pamamaraan ang teybol sa ibaba kung paano nilalaro ang sumusunod:

Pangalan ng laroParaan ng paglalaro
Basketball
Volleyball
Boxing
Football
Chess
Isaisip

Sagutin ang sumusunod na tanong:

  1. Ano-ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng sanaysay ukol sa proseso ng pagsasagawa ng isang anyo ng isports?








  1. Ano-ano ang mga hakbang na dapat gawin bago sumulat ng isang sanaysay ukol sa proseso ng pagsasagawa ng isang anyo ng isports?








  1. Bakit mahalagang magkaroon ng kasanayan sa pagsulat ng isang sanaysay ukol sa proseso ng pagsasagawa ng isang anyo ng isports?








Isagawa

Sumulat ng isang sanaysay na naglalahad ng mga proseso sa pagsasagawa ng isang anyo ng kinagigiliwan mong sports. Isulat mo ito sa espasyong nakalaan sa ibaba.














































Tayahin

Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang ipinapahayag tungkol sa kahalagahan ng sports at MALI naman kung hindi wasto. Sagot lamang ang isulat sa patlang.

_____ 1. Habang tayo ay lumalaki ay mabilis namang nawawala ang mga lugar na mapaglalaruan ng mga kabataan sa mga siyudad.

_____ 2. Dahil sa mga makabagong laro, maraming karanasan ang nawawala sa ating mga kabataan habang sila ay lumalaki. Isa na rito ang pakikihalubilo sa kapwa.

_____ 3. Sa pakikipaglaro sa labas ng ating bahay ay natututuhan natin ang iba’t ibang ugali na mayroon ang mga tao.

_____ 4. Marami sa ating mga manlalaro ang hirap maipakita ang kanilang mga kakayahan at husay sa larangan ng palakasan dahil sa kulang o halos walang suporta mula sa ating pamahalaan.

_____ 5. Kung magkakaroon lamang ng sapat na lugar ng palaruan para sa mga kabataan, maaaring mapalayo sila sa masasamang bisyo tulad ng droga.

Karagdagang Gawain

Maglista ng tatlong atleta (lokal o internasyonal) na iniidolo mo. Maaaring magsaliksik sa internet tungkol sa kanila tulad ng mga teknik nila na ginagamit sa paglalaro, preparasyon at iba pa. Maglista ng tiglilimang impormasyon na sa tingin mo ay hindi gaanong alam ng publiko tungkol sa kaniya. Sumulat ng isang sanaysay patungkol dito.Huwag kaliliutang tukuyin ang pinagmulan ng impormasyon.

Susi sa Pagwawasto

Tayahin
  1. TAMA
  2. TAMA
  3. TAMA
  4. TAMA
  5. TAMA
Subukin
  1. C
  2. D
  3. B
  4. E
  5. A

Mga Sanggunian

Eugenio, Al. (27 Marso 2014). “Ang Kahalagahan ng Sports” Pinoy Gazette. http://pinoygazetteofficial.blogspot.com/2014/03/ang-kahalagahan-ngsports-nial- eugenio.html

Filipino sa Piling Larang-Isports (2016). Kagamitan ng Mag-aaral. Kagawaran ng Edukasyon. Republika ng Pilipinas.

Orellana, Joel L. at Juanito N. Anot, Jr. (2017). Filipino sa Piling Larangan (Sports). Manila: Rex Book Store.

Viola, Bennedick T. (2016). Filipino sa Piling Larangan (Isports). Malabon City: Jimczyville Publications.

https://tl.wikipedia.org/wiki/Volleyball https://tl.wikipedia.org/wiki/Basketbol https://tl.wikipedia.org/wiki/Futbol https://tl.wikipedia.org/wiki/Badminton https://tl.wikipedia.org/wiki/Boksing

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district