This is Module 1 for Quarter 2 (Ikalawang Markahan) of Filipino sa Piling Larang (Isports), a Grade 12 Senior High School subject on writing about sports. Its single lesson, “Artikulong Pang-isports: Lathalain at Sports Analysis” (sports articles: features and sports analysis), teaches learners how opinion columns, sports features, and game analyses work. By the end, learners write their own sports opinion article. It is an Alternative Delivery Mode (ADM) module, First Edition 2020, from DepEd NCR, written by Lynette V. Mandap.
In this article 7 sections
What learners will learn
The module covers three topics:
- Mga opinyon o analisis ng mga pangyayari sa isports (opinions or analyses of sports events)
- Ang lathalaing sports o sports feature (the sports feature story)
- Ang game analysis o analisis ng laro (analysis of a game)
Learners are expected to:
- Explain the importance, nature, and process of a chosen form of sports writing (CS_FI11/12PS-0j- l-94)
- List the importance, nature, and process of sports writing
- Write a piece using careful, correct, and fitting language (CS_FI11/12WG-0m-o-96)
Key ideas: the sports opinion article
An opinion or analysis article still reports what happened in a game, league, or team, but it adds reasoning. It judges events and issues instead of only delivering news. It shows the writer’s stand and tries to draw readers toward it, so its language can be more colorful and forceful. These pieces are often written by regular columnists, who become known for their style and expertise.
The module stresses these points:
- Timing. An opinion responds to current news, so it must come out while the issue is still being talked about.
- Length. An opinion column usually runs 600 to 800 words.
- Peg. A good opinion always has a peg: an earlier event or story that carries an element of controversy and gives the writer a reason to offer a different view.
- Facts. The writer’s side may be unpopular, but the arguments must rest on data and facts, which is why good research matters.
Elements and structure of an opinion article
- The peg, an earlier story with controversy
- An engaging opening that catches the reader’s attention
- The view of an insider or an expert’s analysis, so different sides can be heard and compared
- A clear stand backed by propositions, arguments, and evidence
- A closing summary of the arguments that invites readers to form their own analysis
Key ideas: sports features and game analysis
Lathalaing sports (sports feature)
A sports feature helps the public get to know the athletes they follow, including their life stories, struggles, and successes. These stories inspire readers, especially young people, and present athletes as role models. A feature is a long piece that needs deep, thorough research, and the writer is free to choose a style.
- Subjects: athletes, and also coaches, officials, ball boys, team doctors, trainers, teams, or meaningful sports events. A little-known personality with a good story can be featured too.
- Focus: the person’s experiences, emotions, and beliefs. Failures, sadness, and loss are part of the story, not only victories.
- Process: it takes much longer to write than a sports news story or game story, because it depends on the full context of the story.
Game analysis
A game analysis is a commentary-style article about a game that has already been played. It answers “why” and “how” things happened, explains complex parts of the game, and shows angles that fans may not see on their own. The writer breaks the game down and fills it with details. That is why the writer needs deep knowledge of the sport. Lively language, sometimes with humor, keeps readers interested. The module’s advice: do not just say what happened; explain why and how, and try to convince the reader of your point.
Activities in the module
| Part | What learners do |
|---|---|
| Subukin (pretest) | 10 multiple-choice questions on opinion and analysis writing |
| Balikan (review) | Write a short paragraph on how sports benefit our health |
| Suriin (analyze) | Study a bar graph of the Philippines’ medals in Summer Olympics history and answer three questions |
| Pagyamanin (practice) | Read an opinion piece on reporting Olympic results, and react to news about Onyok Velasco and Nesthy Petecio |
| Isaisip (reflect) | Explain why opinion matters in sports writing and what makes a good one |
| Isagawa (apply) | Fill in a table comparing features and sports analysis by traits, purpose, writing style, importance, and readers |
| Tayahin (assessment) | Write an opinion article reacting to Ronnie Magsanoc’s column “Sana” |
| Karagdagang Gawain (extra activity) | Write a short article about a sport you enjoy |
The Tayahin piece is scored with a rubric worth 5, 3, or 2 points for each of five criteria: topic (paksa), opinion, analysis, basis (batayan), and language (wika).
How to use this module
- Learners: Answer the Subukin first, before any other part. If you get a perfect score, the module says you may skip ahead. Read every instruction carefully, finish each activity before moving on, and write your answers on separate paper, not on the module. Be honest when checking your work, and return the module to your teacher when you are done.
- Parents and older family members: The module invites learners to ask you for help when an activity is hard. You can help by talking through a recent sports news story with them.
- Teachers and facilitators: Show learners how to use the module, and monitor and record their progress. The Mga Tala para sa Guro (notes for the teacher) asks you to make sure learners read all parts and directions first and to remind them to be honest in answering and checking. The Susi sa Pagwawasto (answer key) at the end gives the answers to the Subukin. The writing tasks are open-ended and are scored with the rubric.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is for Grade 12 Senior High School learners taking Filipino sa Piling Larang (Isports). It is Module 1 of the second quarter (Ikalawang Markahan).
What is a peg in an opinion article?
A peg is an earlier event or story that carries an element of controversy. It gives the writer a reason to offer a different view, and the module says a good opinion article always has one.
What is the difference between a sports feature and a game analysis?
A sports feature is a long, well-researched story about a person, team, or event, focused on experiences, emotions, and beliefs. A game analysis is a commentary on a game already played that explains why and how things happened.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives the answers to the 10-item Subukin. The writing activities are scored with a rubric instead.
How long is a typical opinion column?
The module says an opinion column usually has 600 to 800 words.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Filipino sa Piling Larang (Isports) Ikalawang Markahan-Modyul 1: Artikulong Pang-isports: Lathalain at Sports Analysis
[illustration: students and a teacher studying together outdoors and indoors, with a globe and a lamp]
Filipino sa Piling Larang (Isports)
Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 1: Artikulong Pang-isports: Lathalain at Sports Analysis Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
| Role | Name |
|---|---|
| Manunulat: | Lynette V. Mandap |
| Editor: | John Albert B. Colle |
| Tagasuri: | Mariel Eugene L. Luna |
| Tagaguhit: | Lynette V. Mandap |
| Tagalapat: | May L. Borjal |
| Tagapamahala: | Malcolm S. Garma Dr. Jennifer F. Vivas Dennis M. Mendoza Micah S. Pacheco Madeline Ann L. Diaz Dr. Gina U. Urquia Mariel Eugene L. Luna |
Inilimbag sa Pilipinas ng ___________________
Department of Education – NCR
Office Address: Misamis St., Bago Bantay, Quezon City Telefax: 02-929-0153 E-mail Address: depedncr@deped.gov.ph
Filipino sa Piling Larang (Isports) Ikalawang Markahan-Modyul 1: Artikulong Pang-isports: Lathalain at Sports Analysis
Senior High School
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino sa Piling Larang (Isports) – Baitang 12 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Artikulong Pang-isports: Lathalain at Sports Analysis
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
[illustration: clipboard icon]
Mga Tala para sa Guro Ito’y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap Filipino sa Piling Larang (Isports) – Baitang 12 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Artikulong Pang-isports: Lathalain at Sports Analysis
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
[illustration: hand icon]
Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul.
[illustration: pencil and hand icon]
Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawanang bahaging ito ng modyul.
[illustration: hand with leaf icon]
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
[illustration: hand with leaves icon]
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
[illustration: magnifying glass icon]
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.
[illustration: hand with blocks icon]
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
iii
[illustration: lightbulb icon]
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin.
[illustration: hand with gears icon]
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.
[illustration: pencil icon]
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.
[illustration: gears icon]
Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.
[illustration: key icon]
Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
- Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
- Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.
- Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
- Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
- Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
- Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
iv
Alamin
5
Tatalakayin sa aralin na ito ang sumusunod:
- Mga opinyon o analisis ng mga pangyayari sa isports
- Ang lathalaing sports o sports feature
- Ang game analysis o analisis ng laro
Sa araling ito, matutuhan mo ang ilang mahahalagang bagay na makatutulong sa iyong pag-aaral. Inaasahang malilinang mo ang mga kasanayang ito:
- Naipaliliwanag ang kahalagahan, kalikasan, at proseso ng piniling anyo ng sulating pang-isports (CS_FI11/12PS-0j- l-94)
- Naiisa-isa ang kahalagahan, kalikasan, at proseso ng sulating pang-isports
- Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng wika (CS_FI11/12WG-0m-o-96)
Subukin
[illustration: pencil and hand icon]
Panuto: Piliin ang letra ng pinakatamang sagot.
Nagagawa ng isang artikulong opinyon/analisis na magbigay ng _____.
a. kulay sa balitang pang-isports
b. direksyon sa mga nais matuto ng isang laro
c. pagkakataon sa mambabasa na bumuo ng kuro-kuro
d. oportunidad sa manunulat na ipagsama ang pagsulat sa komentoAlin sa sumusunod ang HINDI katangian ng isang mahusay na artikulong opinyon?
a. mayroong itong peg
b. naglalarawan ng mga pangyayari
c. pagsasama ng galing sa pagsulat at opinyon
d. nagbibigay ng opinyon batay sa mga datosIto ang pinakamahalagang elemento ng opinyon.
a. peg c. layout
b. lead d. SubjectAlin sa sumusunod ang HINDI elemento ng opinyon?
a. panimulang nakagaganyak c. proposisyon at argumento
b. pananaw ng isang insider d. salaysay ng mga naganap
6
Alin sa sumusunod ang HINDI katangian ng wika ng opinyon o analisis?
a. simple c. hindi seryoso
b. maiksi d. hindi maligoyAlin sa sumusunod ang dapat iwasan o hindi dapat gamitin sa pagsulat ng opinyon?
a. mga sipi c. komentaryo
b. seksismo d. salitang InglesMahalagang ang opinyon at analisis ay _________.
a. naratibo c. sensitibo sa kasarian
b. obhetibo d. laging mapanghimokIwasang gumamit ng jargon dahil _________.
a. kadalasang nasa Ingles ito c. hindi mauunawaan
b. pinapahaba nito ang artikulo d. mahirap saliksikinAng isang analisis ay nakabatay sa _________.
a. pagsusuri ng datos c. sariling opinyon ng analyst
b. komento ng kapwa insider d. detalye ng mga pangyayariPara maging epektibo ang pagsulat ng analisis, kailangang gawin ang sumusunod maliban sa ___________.
a. pagsaliksik ng mga jargon
b. interesado sa isusulat na isports
c. alam ang patakaran ng mga laro
d. naglalaro ng nasabing isports
Aralin 1: Artikulong Pang-isports: Lathalain at Sports Anaysis
Balikan
Sumulat ng isang maikling talata at sagutin ang tanong: “Ano ang magandang naidudulot ng isports sa ating kalusugan?
Mga Tala para sa Guro
Tandaan: Tiyaking nauunawaan at masunod ng mga mag-aaral ang mga panuto sa pagsasagot. Makatutulong kung basahin munang mabuti ng mga mag-aaral ang lahat ng bahagi at panuto bago ito simulan. Ipinaaalala rin ng guro ang pagpapahalaga sa katapatan sa pagsasagot at pagwawasto nito.
Tuklasin
Mga Opinyon o Analisis sa mga Pangyayari sa Isports
Katulad ng naunang aralin, makikita sa sumusunod ang paglalahad ng mga naging pangyayari sa isang partikular na laro, liga, o koponan. Ngunit hindi gaya ng mga nauna, may elemento ng pangangatuwiran sa mga artikulong ito. Nakatuon ang mga ganitong sulatin sa pagsusuri at pagtatasa sa mga pangyayari o usapin imbes na paghahatid lang ng balita. Makikita sa ganitong klaseng mga sulatin ang perspektiba ng manunulat tungkol sa paksa at may layuning mapalitaw kundi man mahikayat ang mambabasa sa kaniyang tindig sa naturang usapin. Dahil dito, maaaring mas makulay ang gamit ng mga salita at may puwersa o diin ang mga pahayag sa artikulo. Kadalasang may regular na kolumnista ang ganitong mga sulatin sa isang pahayagan o magasin. Dahil dito, nakikilala ang manunulat sa kaniyang estilo ng pagsulat, kaalaman sa isang larangan ng isports o perspektiba at paraan ng pag-iisip sa mga bagay-bagay tungkol dito.
Para sa paksa, dahil ang opinyon ay bilang tugon sa isang napapanahong balita, mabilisan din ang pagbibigay ng komento rito. Ang sistema, para maging makabuluhan pa ang opinyon, kailangang mainit pang pinag-uusapan ang isyu. Elemento naman ng opinyon ang ikli o haba nito. Kadalasang 600-800 salita lamang ang nilalaman ng isang opinyon kolum.
Ang mahusay na opinyon at yaong nagagawang pagsamahin ang pananaw ng isang batikan sa laro at kasanayan sa propesyonal na pagsulat. Lagi itong may peg. Ito ang naunang pangyayari o kuwento na may elemento ng kontrobersiya. Ito ang nagbibigay-giya sa manunulat upang magbigay ng ibang perspektiba. Ang pinakamahalagang elemento ng isang mahusay na balitang isports ay ang kontrobersiya. Maaaring hindi popular ang panig ng manunulat ngunit doon nakasalalay ang pagkabuhay ng argumento. Ngunit laging tandaan na batay sa mga datos at katotohanan ang mga argumento. Dito papasok ang isang mahusay na pananaliksik. Binabasa ang mga opinyon hindi dahil sa mga impormasyon at detalyeng ibinabahagi nito kundi ang komento at opinyon ng sumulat na umaaliw sa mga mambabasa.
Mga Elemento at Estruktura ng Artikulong Opinyon
- Peg – Ito ang naunang kuwentong mayroong elemento ng kontrobersiya.
- Nakagaganyak na panimula na kukuha ng atensiyon ng mga mambabasa.
- Pananaw ng isang insider o analisis ng isang eksperto sa isyu upang
mapakinggan ang iba’t ibang panig ng argumento at makagawa ng paghahambing sa ibang tao o pangyayari.
- Malinaw na tindig na susuportahan ng mga proposisyon o argumento at ebidensiya.
- Lagom ng mga argumento sa isang pagwawakas. Mag-iiwan ito ng impormasyon at nag-aanyaya sa mambabasa na limiin ang kaniyang sariling analisis sa kuwento.
Mga Tampok na Lathalain sa Isports
Bukod sa mga pagbabalita at pagbibigay-kuro tungkol sa mga napapanahong pangyayari sa isports, may mga sulatin ding tumatalakay sa mga kaugnay na paksa na magiging interesante sa mambabasa. Iba’t iba ang kaanyuan, tono, at antas ng pormalidad ng mga sulating ito, depende sa layunin at target na mambabasa. Halimbawa, replektibo at impormal ang tono at anyo ng mga salaysay tungkol sa karanasan sa pagsasagawa o paglahok sa isang isports na makikita sa isang magasin. Sa kabilang banda naman, mas pormal at akademiko ang naging pagtalakay sa kasaysayan ng palakasan sa bansa na nailathala bilang kabanata sa isang libro.
Ang Lathalaing Sports o Sports Feature
Ang pamahayagang sports ang nagsisilbing tulay ng tao upang makilala nang lubusan ang mga atletang iniidolo at sinusubaybayan nila. Bukod sa mga balita at laro kaugnay ng sports, interesado rin ang publiko na malaman ang buhay at pinagdaan ng kanilang tinitingalang atleta, lalo na ang mga tagumpay sa kanilang larangan.
Ang mga kuwentong ito ang nagbibigay-inspirasyon sa mga mambabasa, lalo na sa kabataan, upang tularan. Kasama ng tagumpay ang kabiguan at hirap na pinagdaanan ng mga natatanging atleta upang magsilbing aral sa mga mambabasa.
Layunin ng lathalaing sports o sports feature na iparating sa publiko ang ganitong uri ng kuwento, hindi lamang upang itanghal ang tagumpay ng mga manlalaro kundi upang magsilbi silang modelo ng lipunan. Ito ay dahil maraming naniniwala na kung may malusog na lipunan, magkakaroon din ng malusog na bansa.
Sa pangkalahatan, ang lathalain ay isang mahabang sulatin sa pamahayagan. Ang uri ng artikulong ito ay nangangailangan ng komprehensibo at malalim na pagsasaliksik sa paksa at binibigyan ng kalayaan ang manunulat sa nais na estilo ng pagsulat. Hindi naiiba ang lathalaing sports dito.
Kadalasan, tungkol sa mga atleta at mga tagumpay nila ang paksa ng mga sports feature. Bukod sa mga manlalaro, maaari ring maging paksa ng uri ng lathalaing ito ang iba’t ibang personalidad sa sports tulad ng coach, opisyal, ball boy, team doctor, trainer, at iba pa na may interes ang mga tao.
Kadalasan, ang mga popular o sikat na personalidad sa sports ang binibigyan ng espasyo sa pamahayagang sports, ngunit maaari ding itanghal ang kuwento ng isang sports personality na hindi man popular ay may magandang kuwento na ilalahad sa mambabasa.
Ngunit hindi lamang nalilimitahan sa kanila ang maaaring talakayin sa uri ng artikulong ito. Maaari ding maing paksa ng sports feature ang tungkol sa isang koponan o sa mga pangyayari o sports event na may kabuluhan sa panahon ngayon.
Ibang-iba ang estilo ng pagsusulat ng lathalaing sports kumpara sa balitang sports at game story. Matagal na panahon ang inilalaan sa pagsulat ng lathalaing sports. Mahalagang hakbang sa pagsulat nito ang pagsasaliksik ng impormasyong kailangan sa pagbuo nito dahil umaasa ang ganitong uri ng artikulo sa kabuuan o konteksto ng kuwento.
Nakapokus sa buhay ng indibiduwal ang sports feature – ang kanilang karanasan, emosyon, paniniwala, at iba pa. Ang mga bagay na ito ang inaabangan ng mga mambabasa sapagkat sila mismo ay nakauugnay rito.
Sa sports feature, hindi lamang mga tagumpay at inspirasyon ang inaabangan ng mga mambabasa. Ang mga kabiguan, kalungkutan, trahedya, o kawalan ay mga bahagi rin ito ng kuwento ng itinatampok na indibiduwal.
Ang Game Analysis o Analisis ng Laro
Dinamiko na ang mga tagasubaybay ng sports. Hindi na lamang mga balita tungkol sa isang laro na mababasa sa game story ang kanilang inaantabayanan. May mga pagkakataon, lalo na kung ang isang laro ay nakapukaw sa kanilang interes, na naghahanap pa sila ng ibang materyal upang mas maunawaan ang mga nangyari sa isang laro.
Ito ang tinutugunan ng game analysis – isang uri ng artikulo na nasa pormang komentaryo at may pokus na naganap na laro. Sinasagot nito ang mga tanong na “bakit” at “paano” dahil ito ang hinahanap ng mga mambabasa nito.
Sa game analysis, binibigyan ng manunulat ng malalim na pagtalakay ang isang laro – kung “bakit” at “paano” nangyari ito – upang bigyan ang mga mambabasa ng posibleng paliwanag sa mga katanungang nabuo matapos ang naganap na laro. Kailangang maipaliwanag ng game analysis ang masasalimuot na bagay tungkol sa laro upang mas maging malawak ang pagkakaintindi ng mga tagasubaybay nito rito.
Mahalaga na may malalim na kaalaman ang sports analyst sa larong tinatalakay. Higit pa sa napanood ng mga mambabasa at nabasa sa mga pahayagan ang ibinibigay ng isang sports analysis. Kaya kadalasan, ang sumusulat nito ay iyong may malawak na kaalaman sa larong tinatalakay.
Ang game analysis ay nagbibigay ng ibang perspektiba sa mga mambabasa. Nagpapakita ito ng ibang mukha o anggulo na hindi agad makikita sa isang laro. Ito ang perspektiba na kadalasan ay mga sports analyst lamang ang makapagbibigay.
Sa game analysis, hinihimay-himay ng manunulat ang mga pangyayari sa laro upang ihatid ang mga mambabasa sa perspektiba na nais niyang bigyan ng tuon. Mahalaga na mapunan niya ng mga detalye ang paghihmay na gagawin upang palawakin ang pagkakaintindi ng mambabasa sa larong pinag-uusapan.
Isang importanteng kasangkapan ng isang matagumpay na game analysis ang epektibong paggamit ng wika. Hindi lamang ito simpleng pagpapaliwanag ng isang laro. Upang mahatak ang interes ng mga mambabasa sa analysis, nararapat na ang wikang gagamitin ay makapupukaw sa kanilang atensiyon. Minsan, nilalagyan ito ng humor o di naman kaya’y mga salita na makatutulong sa paghahatid ng perspektiba ng manunulat.
Huwag lamang sabihin ang pangyayari. Importante na maipaliwanag kung bakit at paano nangyari ito gamit ang wikang makapagbibigay ng mas malalim na pang-unawa sa larong pinag-uusapan. At mas mainam na mapaniwala ang mambabasa sa punto ng game analysis.
Suriin
Pag-aralan ang grap sa ibaba. Sagutin ang sumusunod na tanong pagkatapos.
[chart: bar chart; Medalya ng Pilipinas sa Kasaysayan ng Summer Olympics]
Values are not labeled on the chart.
- Categories (x-axis): 1928, 1932, 1936, 1964, 1988, 1992, 1996, 2016, 2020
- Y-axis: 0, 0.5, 1, 1.5, 2, 2.5, 3
- Legend: Ginto, Pilak, Tanso
Medalya ng Pilipinas sa Kasaysayan ng Summer Olympics
Datos mula sa Inquirer.Net
- Tungkol saan ang grap?
- Ano ang mga kaisipang inihahatid ng datos sa grap?
- Ano ang masasabi mo sa pangkalahatang ipinakikita ng mga datos sa grap?
Pagyamanin
A. Basahin at unawain ang opinyon kaugnay ng headline sa ibaba. Sagutin ang sumusunod na tanong pagkatapos.
[photo: screenshot of an article headline card]
MEDIA AND JOURNALISM ISSUES
[OPINYON] Ang atleta, ang peryodista, at ang pagbabalita ng Olympics results
JUL 27, 2021 12:35 PM PHT
BENJO GUTIERREZ
Sundan ang balita sa link na ito: https://www.rappler.com/voices/imho/opinion-athlete-journalist-reporting-olympics-results
- Makatwiran ba ang pananaw ng sumulat ng balita? Ipaliwanag.
- Sumasang-ayon ka ba sa pananaw ng manunulat? Bakit o bakit hindi?
- Nagmalabis ba ang manunulat sa pagpapahayag? Bakit o bakit hindi?
- Ano-ano ang mga puntong malinaw niyang inilatag sa kanyang opinyon?
B. Basahin at unawain ang sumusunod na balitang isports at ilahad ang iyong opinyon kaugnay nito.
[photo: screenshot of the Balitambayan news page header]
BALITA PROMO UMG! CHIKA MUNA TALAKAYAN
Pangakong biyaya kay Onyok Velasco na silver medalist sa 1996 Olympics, napako raw
[illegible]
Sundan ang balita sa link na ito: https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/balita/797545/pangakong-biyaya-kay-onyok-velasco-na-silver-medalist-sa-1996-olympic-napako-raw/story/
Ano ang masasabi mo sa “biro” o huling sinabi ni Onyok sa balitang ito?
Sundan ang video clip ng balita sa link na ito: https://news.abs-cbn.com/video/sports/08/04/21/alamin-mga-premyong-ibibigay-kay-nesthy-petecio
[photo: screenshot of the PATROL PH video thumbnail]
PATROL PH
ALAMIN: Mga premyong ibibigay kay Olympic silver medalist Nesthy Petecio
ABS-CBN News
[illegible]
Ano ang masasabi mo sa nabanggit na panghihinayang ni Nesthy Petecio nang hindi niya nakuha ang gintong medalya sa nakaraang Tokyo Olympics 2020?
Isaisip
Sagutin nang buong husay ang sumusunod na tanong.
- Bakit mahalaga ang opinyon sa pagtalakay sa isang pangyayari sa isports?
- Ano ang nagagawa ng opinyon sa isang manunulat at mambabasa?
- Ano ang mga isinasaalang-alang upang makalikha ng isang mahusay na opinyon sa isang nabasa o napanood na balita?
Isagawa
Ibigay ang katangian ng lathalain at isports analysis gamit ang talahanayan.
| Artikulong Pang-isports: Pokus | Lathalain | Sports Analysis |
|---|---|---|
| 1. Katangian | ||
| 2. Layunin | ||
| 3. Estilo ng Pagsulat | ||
| 4. Kahalagahan | ||
| 5. Mambabasa |
Paliwanag:
Tayahin
Basahin ang artikulo at bumuo ng isang artikulong opinyon na magbibigay-reaksiyon sa artikulo ni Ronnie Magsanoc. Nasa kasunod na pahina ang magiging pamantayan sa pagmamarka. Maaaring gumamit ng bukod na papel sa pagsulat.
“SANA”
Ni Ronnie Magsanoc
Sa pagpasok ng 2014, marami tayong mga nais maisakatuparan para sa mundo ng sports sa ating bansa. Mga dalangin na mabigyang katotohanan sana upang patuloy na lumapad, umangat, umunlad at tuluyang maging Asian power o ‘di kaya’y mapansin ang husay ng mga Pinoy sa global stage. Sana ay magpatuloy ang pagbabalik ni Manny Pacquiao sa kanyang dating kinalalagyan sa mundo ng boxing.
Si Pacman ang pinakakilalang Pinoy sa buong mundo. Ang tagumpay niya ay nagtutulak sa ating bansa na mapansin sa lahat ng kontinente. Ang 2014 ay kritikal sa kampanya ng Pambansang Kamao paramakabalik sa kanyang ginintuang trono. Sana ay makagawa ang Philippine Sports Commission ng panibagong “sports arena” na kayang pagdausan ng Southeast Asian Games. Bago, moderno at malayo sa trapiko. Sa loob man o labas ng Manila, napakahalaga ng isang world class stadium para sa imahen ng Pilipinas. Nais nating magdaos ng world class competition at magpasibol ng world class athletes, kaya nararapat na sa lalong madaling panahon, dapat ay makagawa tayo ng matinding kalibre na pag-eensayuhan ng ating mga national athletes para sumulong ang estado ng palakasan sa ating bansa. Isang arena o stadium na magiging bahay ng lahat ng sports.
Sana ay magpatuloy ang pag-angat ng golf sa pagpasok ng taon. Sila Celestino Tugot, Ireneo Legaspi, Ben Arda at Frankie Minoza ang mga “legends” ng golf sa Pilipinas. Magandang maipagpatuloy nila Antonio Lascuna, Juvic Pagunsan, Angelo Que, Artemio Murukami, maging nila Jennifer Rosales, Princess Mary Superal, Claire Amelia Legazpi ang dating tikas ng Filipino golfers sa Asian region. Sana ay tumibay pa ang estado ng volleyball sa Pilipinas. Tumaas na ang interes ng mga manunuod sa laro. Marapat na isang national team na sana ang mabuo at makapag-prepara sa mga Asean, maging sa Asian competitions.
Marami pa tayong palakasan na nais sanang gumaling pa ang mga Pilipino. Ang badminton, football, track and field, taekwondo ay ilan pa sa ating mga pinapanalangin na kasikatan ng mga Pilipino. Sana ay pagsama-samahin ng ating mga sports leaders ang mga pamamaraan upang lubusan pang tumibay ang kalagayan ng sports sa Pilipinas sa pagpasok ng 2014.
| PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA | 5 | 3 | 2 |
|---|---|---|---|
| Paksa | Malinaw na naipapaliwanag ang paksa | May nabanggit na paksa ngunit hindi nabigyan ng diin | Hindi malinaw ang paksa |
| Opinyon | Mahusay at malinaw na naipahatid ang opinion | Maligoy at hindi malinaw ang punto | Hindi nagpapakita ng tindig tungkol sa isyu |
| Analisis | Mahusay at malinaw ang paglalahad ng mga hinuha o prediksyon | Nagbibigay ng hinuha at prediksyon ngunt hindi naging masinsin ang pagtitimbang | Hindi malinaw ang ibinibigay na analisis sa paksa |
| Batayan | Naibibigay ng suportang detalye na batay sa matamang pagsusuri sa isyu | Nagbibigay ng suporta sa argumento ngunit hindi ganoon kalinaw ang ugnayan | Walang batayan ang mga ginawa |
| Wika | Naipaliliwanag nang mahusay ang punto dahil sa mahusay na paggamit ng wika | Naipahahatid ang nais sabihin gamit ang wastong wika | Gumagamit ng mga hindi akmang salita sa kaisipang nais ipahayag |
Karagdagang Gawain
Sumulat ng isang maikling artikulo batay sa inyong isports na kinagigiliwan. Bibigyan ng marka ang iyong artikulo batay sa pamantayang nasa Suriin.
Mga Sanggunian
Aguilar, Jennifer L. and Jomar I. Canega. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.
Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.
Nuncio, Rhoderick V. and Elizabeth Morales Nuncio. Sidhaya 11: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.
Santos, Corazon at Ma. Althea Enriquez. Filipino sa Piling Larang Isports – Kagamitan ng Mag-aaral.
Susi sa Pagwawasto
Susi sa Pagwawasto
Subukin
1C, 2B, 3A, 4D, 5C, 6B, 7C, 8C, 9D, 10D
[transcriber’s note: the answer key box is printed upside down in the source; the text above is read from the rotated box]
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply