This is Module 3 of Filipino sa Piling Larang (Isports) for Grade 12, first semester. Its lesson is “Rebyu ng Episodyo ng Sports Channel (Pagsulat ng Sports Editorial)” (reviewing an episode of a sports channel and writing a sports editorial). It was developed by DepEd NCR as an Alternative Delivery Mode self-learning module. It shows learners the content, elements, and structure of an opinion article that discusses a sports event. By the end, learners should be able to tell the different kinds of opinion apart, explain what a sports editorial is, and write a short review of a sports show.
What learners will learn
The module first covers two topics: the episode and editorial writing, and the meaning of opinion (kahulugan ng opinyon). It lists these competencies:
- Nabibigyang kahulugan ang sulating pang-isports na sports editoryal (defines the sports editorial as a form of sports writing). CS_FI11/12PB-0a-c107
- Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating pang-isports (does initial research on the meaning, nature, and traits of different forms of sports writing). CS_FI11/12EP-0d-f-43
Key ideas: opinion in sports writing
The module explains that sharing opinions on current issues comes naturally to Filipinos, today often through Facebook, Twitter, or blogs. An opinion may not be based on research, but it can still persuade and attract readers.
Three kinds of opinion (Tatlong Uri ng Opinyon)
| Kind of opinion | What it is |
|---|---|
| Opinyon na nakukuha sa isang panayam (from an interview) | A conversation with a known person who has authority or expertise on the issue the writer is explaining. |
| Opinyon na nakukuha sa isang sarbey (from a survey) | A method or tool for gathering information from a group of people grouped by type, sex, age, and status in life. Everyone gets the same questions about the writer’s topic. |
| Opinyon ayon sa editor ng isang pahayagan (from a newspaper editor) | Known as the editorial: a newspaper or magazine piece that gives the editor’s comment and interprets the news. |
The sports editorial
Citing Orellana and Anot (2017), the module defines the editorial as a piece that shows the paper’s stand (paninindigan) on a sports issue. It is a commentary on a specific issue being discussed at a given time. It is bolder and more challenging than other opinion writing because its argument is more specific. The module calls it the soul of the sports section, because it aims to shape what readers think the public opinion on an issue should be.
An editorial has three parts:
- Panimula (introduction): the writer explains the issue. One or two paragraphs are enough.
- Katawan (body): the argument, philosophy, criticism, or comment on the issue. It answers “why” and “how” with reasons, statistics, interviews, or anything that stresses the issue. The writer’s aim to persuade, deny, or prove shows here.
- Katapusan (conclusion): sums everything up. It must leave a strong image, because it is what readers take with them.
The model editorial
The module uses “Marami Nang Napatunayan” (He has proven a lot), an editorial from Pilipino Star Ngayon dated August 25, 2021. It argues that Manny Pacquiao, at 42, should retire after losing to Yordenis Ugas of Cuba by unanimous decision. The editorial supports its stand with his slower punches and defense. It also points to his record as the only boxer to win world titles in eight weight classes, and to his health and plans to run for higher office.
Activities in the module
- Subukin (pretest): five multiple-choice items on opinion and editorials.
- Balikan (review): circle terms not used in basketball, such as straight set or caddy, and name the sport each belongs to.
- Suriin: watch a UAAP Season 82 basketball clip (“No Chill Mark Nonoy | UAAP 82’s Best”) and complete sentences about the players, the announcers, and the game.
- Pagyamanin: give the facts and your opinion on sports issues. These include Hidilyn Diaz’s gold medal at the 2021 Tokyo Olympics and the popularity of Mobile Legends in the Philippines.
- Isaisip: fill in a concept map of what you learned.
- Isagawa (Pagsasanay A and B): answer questions on the model editorial, then list its opinion statements with possible reasons behind them.
- Tayahin (assessment): fill in the blanks using a word box.
- Karagdagang Gawain (extra task): watch a sports channel episode and write a five- to seven-paragraph review. Suggested shows are The Score, Sports 360, Sports Desk, and Skip and Shannon: Undisputed.
How to use this module
Learners: Take the Subukin pretest first, then work through each part in order. Write all answers on a separate sheet of paper, not on the module, and keep the module clean. For the review, use the module’s format:
- Summarize the topic and give your own interpretation.
- Give positive feedback on the sports analyst’s good points.
- Offer constructive criticism aimed at the issue, not the analyst.
Parents and guardians: Help your child find a sports episode to watch on TV or online. Check that every test and activity is finished.
Teachers: The module asks facilitators to explain the objectives, activities, and expected outputs to learners. It also suggests orienting learners and parents. The Susi sa Pagwawasto (answer key) covers the Subukin and Tayahin.
Frequently asked questions
What grade and term is this module for?
It is for Grade 12 learners taking Filipino sa Piling Larang (Isports), first semester, Module 3.
What are the three parts of a sports editorial?
The panimula (introduction) presents the issue and the katawan (body) gives the argument and supporting reasons. The katapusan (conclusion) sums up the piece and leaves a lasting impression on readers.
What are the three kinds of opinion discussed?
Opinion from an interview, opinion from a survey, and opinion from a newspaper editor, which is the editorial.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto gives the answers to the Subukin pretest and the Tayahin assessment.
What is the final output of the module?
Learners watch a sports channel episode and write a review of five to seven paragraphs. The review should summarize the topic, give positive feedback, and offer constructive criticism.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Filipino sa Piling Larang (Isports) Unang Semestre – Modyul 3: Rebyu ng Episodyo ng Sports Channel (Pagsulat ng Sports Editorial)
Department of Education • Republic of the Philippines
[illustration: students and a teacher reading, writing, and studying beside a globe and a lamp; a child works by lantern light]
Government Property NOT FOR SALE
12
Copyright and Development Team
Filipino sa Piling Larang (Isports) – Baitang 12 Alternative Delivery Mode Unang Semestre – Modyul 3: Rebyu ng isang Episodyo ng Sports Channel (Pagsulat ng Sports Editorial) Unang Edisyon, 2020
Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of royalties.
Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from their respective copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim ownership over them.
Published by the Department of Education Secretary: Undersecretary: Assistant Secretary:
Printed in the Philippines by ________________________
Department of Education – NCR Office Address: Misasmis St., Bago Bantay, Quezon City Telefax: 02-929-0153 E-mail Address: depedncr@deped.gov.ph
Development Team of the Module
| Role | Name |
|---|---|
| Authors: | Pinky OL. Gomez |
| Editor: | John Albert B. Colle |
| Reviewers: | Mariel Eugene L. Luna |
| Illustrator: | Mary Jane G. Pensocas |
| Layout Artist: | May L. Borjal |
| Management Team: | Malcolm S. Garma, Director IV Dr. Jennifer F. Vivas, CLMD Chief Dennis M. Mendoza, Regional EPS In-Charge of LRMS Micah S. Pacheco, Regional ADM Coordinator Madeline Ann L. Diaz, CID Chief Dr. Gina U. Urquia, EPS In-Charge of LRMS Mariel Eugene L. Luna, EPS and Division ADM Coordinator |
Filipino sa Piling Larang (Isports) Unang Semestre – Modyul 3: Rebyu ng Episodyo ng Sports Channel (Pagsulat ng Sports Editorial)
12
Panimulang Mensahe
Para sa mga Tagapagdaloy:
Ang unang module na ito ay magsisilbing alternatibong kagamitan sa panimula ng kurso na idinisenyo upang makatulong na matugunan ang minimithi ng Kagawaran ng Edukasyon na mabigyan ng mataas na kalidad ng edukasyon ang lahat ng mga mag-aaral na Pilipino. Upang maisakatuparan ang layuning ito, nilikha ang module na ito at magsisilbing kagamitan na makatutulong sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa loob o labas ng silid-aralan.
Ang gurong tagapagdaloy ng module na ito ay kinakailangang maging handa sa pagpapaliwanag sa kanyang mga mag-aaral ng mga tiyak na layunin, gawain, at inaasahang output upang matiyak ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Makatutulong din ang pagbibigay ng oryentasyon sa mga mag-aaral, magulang, o mga tagagabay tungkol sa kahalagahan ng pagsasakatuparan ng mga gawain sa loob ng module na ito. Ang kagamitang ito ay pag-aari ng Kagawaran ng Edukasyon kaya’t pinapayuhan ang mga tagapagdaloy na magtagubilin sa gagamit nito na ingatan ang module. Iwasang tupiin o pilasin ang mga pahina, dumihan, basain, o alinmang kauri nito na makapipinsala sa kagamitan. Huwag din itong pasulatan ng mga sagot sa mga mag-aaral, at sahalip, ipasulat ang mga sagot o Gawain sa bukod na papel. Tiyaking masasagutan ng mga mag-aaral ang bawat palatuntunan ng module kagaya ng mga pagsusulit, gawain, at mga pagsulat.
Para sa mga Mag-aaral:
Ang huling module na ito ang pinal na gawain para sa kursong ito. Ang lahat ng iyong kasanayan sa pagbasa ng mga tekstong akademiko ay inaasahang natamo mo na sa yugtong ito ng iyong pag-aaral. Inaasahan sa iyo na ikaw ay makabubuo na ng iyong sariling panimulang pananaliksik batay sa mga paksa o suliraning iyong namamasid. Ang pananaliksik na iyong isusulat ay maikli lamang at ang layunin nito ay maipamalas mo ang iyong kasanayan sa pagsulat gamit ang asosasyon ng iyong mga karanasan at kasanayan sa pagbasa. Pinapayuhan kang maging masigasig at matiyaga sa pagsulat ng huling output na ito gaya ng iyong natutuhan mula sa mga naunang module. Iyong tandaan ang mga hinihinging katangian ng isang mananaliksik upang ikaw ay magabayan sa pagtatapos ng output na ito. Ipinaaalala rin sa iyo na gumamit ka ng panibagong papel sa pagsusulat at panatilihing malinis ang huling module na ito gaya ng mga naunang module.
Alamin
Ang araling ito ay magpapakita ng mga nilalaman, elemento at estruktura ng isang artikulong opinyon na nagpapalawig sa pagtalakay sa isang pangyayari sa isports
Tatalakayin sa unang yunit ng modyul ang sumusunod:
- Ukol sa episodyo pagsulat ng editoyal
- Kahulugan ng Opinyon
Sa araling ito, matutuhan mo ang ilang mahahalagang bagay na makatutulong sa iyong pag-aaral. Inaasahang malilinang mo ang mga kasanayang ito:
A. Nabibigyang kahulugan ang sulating pang-isports na sports editoryal (CS_FI11/12PB-0a-c107)
B. Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating pang-isports (CS_FI11/12EP-0d- f-43)
[illustration: hand pressing a button]
Subukin
[illustration: hand holding a pencil]
Panuto: Piliin ang wastong sagot sa bawat pahayag at isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.
______1. Ito ay nagpapahayag ng saloobin ng isang tao ukol sa isang isyu. A. Opinyon C. Balita B. Katotohanan D. Kuwento
______2. Isa itong uri ng pakikipag-usapan sa isang kilalang tao na may awtoridad o bihasa sa isang isyung binibigyang-linaw ng sumusulat. A. Opinyon ng isang sarbey C. Opinyon ng isang panayam B. Opinyon ng isang pahayagan D. Opinyon ng isang balita
______3. Kilala ito sa tawag na editoryal ng isang pahayagan, isang lathalain sa pahayagan o magasin na nagsasaad ng puna ng editor. Ito ay isang artikulong nagbibigay pakahulugan sa mga balita. A. Opinyon ng isang sarbey C. Opinyon ng isang panayam B. Opinyon ng isang pahayagan D. Opinyon ng isang balita
______4. Ito ay ginagamit sa pamamaraan o instrumento para makalikom ng impormasyon sa grupo ng mga tao ayon sa kanilang tipo, kasarian, edad at katayuan sa buhay. Bibigyan sila ng pare-parehong tanong na may kaugnayan sa paksang susulatin ng manunulat. A. Opinyon ng isang sarbey C. Opinyon ng isang panayam B. Opinyon ng isang pahayagan D. Opinyon ng isang balita
______5. Nagpapahayag ng paninindigan ng buong patnugutan mula sa isyung pinag-uusapan sa isang balita. A. Editoryal pang-isports C. Pangulong-tudling B. Ulo ng balita D. Balitang Isports
Aralin 3: Rebyu ng Episodyo ng Sports Channel (Pagsulat ng Sports Editorial)
Balikan
Panuto: Bilugan ang mga terminolohiyang hindi ginagamit sa larangan ng basketball at tukuyin kung saang isports ito angkop na ginagamit.
| quintet | unang kalahati | back stop | shutout |
| technical foul | rebound | out-of-bounds | buslo |
| straight set | caddy | fourth flier | ley-ap |
Itala sa talahanayan ang mga terminong hindi dadapat mapabilang sa pangkat. Isulat ang wastong gamit ng mga termino at sanggunian nito.
| Terminong Hindi Dapat Mapabilang | Gamit ng Terminolohiya | Sanggunian |
|---|---|---|
| 1. | ||
| 2. | ||
| 3. | ||
| 4. | ||
| 5. |
Tuklasin
Ang Pagsulat ng Opinyon
Ang pagpapahayag ng opinyon ukol sa isang isyu ay kadalasang ginagawa ng mga Pilipino. Natural na sa atin ang magkaroon ng kanyakanyang opinyon tungkol sa mga napapanahong isyu o pangyayari. Di kaila sa atin ang pagkakaroon ng modernong pamamaraan ng pagpapahayag ng mga opinyon sa pamamagitan ng facebook, twitter o blog. Malaya ang bawat isa na magbahagi ng kanyang idea, opinyon o reaksiyon man sa isang isyung pinag-uusapan.
Ang araling ito ay tumatalakay sa ilang rebyu ng isang laban at pagsulat ng editoryal na pang-isports. Tatalakayin din sa araling ito ang pamamaran sa paggamit ng opinyon. Alamin mo kung gaano kaepektibo ang paggamit ng opinyon sa mga usaping pang-isports.
Ang pagbabahagi ng sariling opinyon tungkol sa isang usapin ay nakasanayan nang mga Pilipino. Ang lahat ay malayang makapagpahayag ng kanyang nais sabihin kaya’t nahahasa ang pamamaraan natin ng pagsasalita at pagsulat.
Paggamit ng Opinyon
Ito ang tawag sa mga pahayag na nagmumula sa paliwanag tungkol sa isang totoong dokumento. Maaaring hindi ito batay sa isang pananaliksik o pag-aaral, subalit maaari itong makahikayat at makaakit ng mambabasa dahil sa kinokondisyon nito ang utak ng tao.
Tatlong Uri ng Opinyon:
Opinyon na nakukuha sa isang panayam. Isa itong uri ng pakikipag-usapan sa isang kilalang tao na may awtoridad o bihasa sa isang isyung binibigyang-linaw ng sumusulat.
Opinyon na nakukuha sa isang sarbey. Ito ay ginagamit sa pamamaraan o instrumento para makalikom ng impormasyon sa grupo ng mga tao ayon sa kanilang tipo, kasarian, edad at katayuan sa buhay. Bibigyan sila ng pare-parehong tanong na may kaugnayan sa paksang susulatin ng manunulat.
Opinyon ayon sa editor ng isang pahayagan. Kilala ito sa tawag na editorial ng isang pahayagan, isang lathalain sa pahayagan o magasin na nagsasaad ng puna ng editor. Ito ay isang artikulong nagbibigay pakahulugan sa mga balita.
Ang Sports Editorial
Ayon kina Orellana at Anot (2017) ang editoryal ay isang piyesang nagpapakita ng stand o paninindigan ng pahayagan sa isang isyu sa sports. Isa itong komentaryo sa isang partikular na isyung pinag-uusapan sa isang tiyak na panahon. Ang ikinaiba nito ay mas matapang at mas
mapanghamon ang editorial sapagkat mas tiyak ang argumentong inilalahad dito.
Ang editoryal ang itinuturing na kaluluwa ng seksyong isport dahil nais nitong pasukin ang kamalayan ng mga mambabasa at ipaunawa sa kanila ang argumento sa isang isyu sa isports. Layunin nitong impluwensyahan ang mga tao upang bumo na sa tingin nila ay dapat maging opinion ng publiko sa isang usapin.
May tatlong bahagi ang editoryal:
- Panimula -dito ipinaliliwanag ng manunulat ang isyu na nais niyang talakayin. Maikli lamang ito isa hanggang dalawang talata ay sapat na upang maipaliwanang ang panimula.
- Katawan– sa bahaging ito ipinaliliwanang ang argumento, pilosopiya, krtisismo, opuna sa isyu. Binabanggit din dito ang mga dahilan upang sagutin ang ga tanong na “bakit” at “paano” mga estadistika o numero, interbyu o ano pa mang makapagbibigay-diin sa isyu. Dito rin makikita ang mga pangungubinsi, pagpapahindi, pagpapatotoo o anumang motibo ng manunulat.
- Katapusan– dito nilalagom ang lahat, mahalaga ang bahaging ito dahil ito ang nag-iiwan ng imahen sa mga mamababasa tungkol sa isyung tinalakay. Tinitiyak na may dating ang bahaging ito dahil ito ang babaunin ng mga mambabasa matapos basahin ang editoryal.
Suriin
[illustration: magnifying glass held by a hand]
Panuto: Panoorin ang isang episodyo ng basketball sa UAAP season 82 sa link na https://fb.watch/7IOHClhC-q/ No Chil Mark Nonoy | UAAP 82’s Best. Mula sa napanood na video clip, kumpletuhin ang sumusunod na pahayag:
- Ang mga bumubuo sa naturang laro ay _____
Ang kanilang tungkulin ay _____
Habang isinasagawa ang naturang, laro napansin ko na _____
Malaki ang naitutulong ng mga field announcer sa pagbabalita ng mga kaganapan sa laro dahil _____
Mas napapaganda ang takbo ng laro dahil _____
Sa kabuuan ang laro ay _____
Pagyamanin
[illustration: hand stacking blocks]
Panuto: Ilahad mo ang iyong opinyon o reaksiyon sa sumusunod na sitwasyon o usapin.
| ISYU | TOTOONG PANGYAYARI | OPINYON |
|---|---|---|
| 1. Pagkatalo ni Manny Pacqiuao laban kay Yurdenis Ugas | ||
| 2. Pagkapanalo ng gold medal ni Hiedilyn Diaz sa 2021 Tokyo Olympics |
[transcriber’s note: table continued from the previous page]
| ISYU | TOTOONG PANGYAYARI | OPINYON |
|---|---|---|
| 3. Mainit na pagtanggap ng larong Mobile Legend sa Pilipinas | ||
| 4. Pagkamit ng medalyang ginto, silver at bronze ng mga atletang Pilipino sa Toyo Olympics 2021 | ||
| 5. Pagpasok ng Gilas Pilipinas sa 2014 FIBA World Cup of Basketball sa Spain |
Isaisip
[illustration: hand holding a light bulb]
Sa pamamagitan ng Concept Map, isulat ang mga natutuhan sa araling ito sa maiikling pangungusap. Isulat ito sa loob ng mga kahon.
[chart: concept map; three empty ovals, each linked to an empty box for writing]
Isagawa
[illustration: hand holding gears]
Panuto: Basahin at unawain ang halimbawang editorial at pagkatapos ay punan ang kahon sa ibaba.
Marami Nang Napatunayan
(Pilipino Star Ngayon) – August 25, 2021 – 12:00am
Usap-usapan ang pagreretiro ni People’s Champ Manny Pacquiao makaraan ang pagkatalo kay Yordenis Ugas ng Cuba noong Linggo via unanimous decision na ginanap sa T-Mobile Arena, Las Vegas Nevada. Maaaring iyon na ang huling laban ni Pacquiao.
Lalo pang uminit ang mga haka-haka sa pagreretiro ni Pacquiao nang sabihin mismo ng People’s Champ sa isang interbyu makaraan ang laban na maaaring hindi na raw siya makitang lumalaban sa hinaharap. Hindi raw niya alam sa ngayon. Hindi pa raw siya makapagdesisyon. Gusto raw muna niyang magpahinga.
Kung magkakatotoo ang mga balita, walang masama at baka nga makabuti pa kay Pacquiao kung magreretiro na. Sa edad na 42, dapat na talagang iwan na niya ang pagboboksing. Kapansin-pansin na mabagal na ang pagbibitaw niya ng suntok. Sa nakaraang laban kay Ugas, bagama’t tumatama pa rin naman siya, hindi na katulad sa mga nakaraan niyang laban na nayayanig ang kalaban. Kakaiba na ngayon sapagkat nagkakaedad na. Noon, kapag nakorner na niya ang kalaban, nagpapaulan siya ng suntok. Ngayon, madalang na ang ulan ng suntok at nasisingitan na siya nang matatalas na upper cut ng kalaban. Mabagal na rin siyang umiwas sa mga jab.
Marami na naman siyang napatunayan. Ano pa ba ang hinahangad niya? Siya ang tanging boksingero sa kasaysayan na nanalo ng world titles sa walong magkakaibang weight classes. Walang ibang nakagawa ng ganyan. Marami na siyang naibigay na karangalan sa bansa. Isa na siyang alamat sa larangan ng boksing.
Nararapat din namang tuunan niya ng pansin ang kanyang kalusugan. Sa ngayon ay wala pa siyang nararamdaman pero paano sa hinaharap. Walang makapagsasabi kung hanggang kailan malakas. Kaya mas mainam na kung magpapasyang iwan ang pagboboksing at magpahinga.
Ngayong may balak siyang tumakbo sa mataas na posisyon, mas kailangan ang malusog at malakas na pangangatawan. Paano makapaglilingkod sa mamamayan kung bugbog na ang katawan.
Mas malakas ang katawan mas matalas ang isipan. Ito ang kailangan ngayon lalo pa’t ang adbokasiya niya ay labanan ang mga tiwali. Matatandaan na bago siya umalis noong Hunyo para mag-ensayo, sinabi niyang marami siyang ibubulgar na katiwalian sa pamahalaan. Dapat ito ang harapin niya. At magagawa niya ito kung tatalikuran na ang boksing.
Pagsasanay A
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong.
Tungkol saan ang isyung pinag-uusapan? _____
Ano-anong mga pahayag ang ginamit ng may-akda sa pagbibigay niya ng kanyang paninindigan? _____
Naging epektibo ba ito upang mahikayat ka habang binabasa ang editoryal? _____
Pagsasanay B
Panuto: Mula sa binasang editoryal, ihanay sa unang kolum ang mga pahayag na nagsasaad ng opinyon, at sa ikalawang kolum naman ang mga posibleng paliwanag kung bakit iyon ang naging opinyon ng sumulat ng akda.
| Pahayag na Nagsasaad ng Opinyon | Mga Posibleng Paliwanag |
|---|---|
Tayahin
[illustration: hand writing with a pencil]
Panuto: Buuin ang pangungusap sa bawat bilang at isulat sa patlang ang nawawalang salita. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon
- Natural na sa atin ang magkaroon ng kanya-kanyang _____ tungkol sa mga napapanahong isyu o pangyayari.
- Ito ay ginagamit na _____ o instrumento para makalikom ng impormasyon sa grupo ng mga tao ayon sa kanilang tipo, kasarian, edad at katayuan sa buhay.
- Kilala ito sa tawag na _____ ng isang pahayagan, isang lathalain sa pahayagan o magasin na nagsasaad ng puna ng editor.
- Ang editoryal na _____ ay nagpapahayag ng paninindigan ng buong patnugutan mula sa isyung pinag-uusapan sa isang balita.
- Binibigyan sila ng pare-parehong tanong na may kaugnayan sa paksang susulatin ng _____.
manunulat opinyon editoryal pamamaraan pang-isports
Karagdagang Gawain
[illustration: gears]
Manood ng isang episodyo sa sports channel at suriin ang napapanahong isyu na pinag-uusapan dito. Kaugnay nito, sumulat ng rebyu sa paksang tinalakay ng palabas. Limitahan lamang sa lima hanggang pitong talata ang gagawing rebyu.
Maaaring panoorin sa telebisyon o internet ang mga mungkahing palabas:
- The Score (ABS-CBN Sports+Action)
- Sports 360 (Sport 5)
- Sports Desk (CNN Phillippines)
- Skip and Shannon: Undisputed (FOX sports)
Gamiting gabay ang sumusunod na pormat sa pagsulat ng rebyu:
- Isulat ang pinakabuod ng paksa at bigyan ito ng sariling interpretasyon.
- Magbigay ng positibong feedback at bigyang-diin ang magandang punto ng sports analyst.
- Maglahad ng konstruktibong kritisismo. Ituon ang pokus sa isyu o argumentong tinatalakay at hindi sa mismong sports analyst.
Susi sa Pagwawasto
[illustration: key]
| Subukin | Tayahin |
|---|---|
| 1. A | 1. Opinyon |
| 2. C | 2. Pamamaraan |
| 3. B | 3. Editoryal |
| 4. A | 4. Pang-isports |
| 5. A | 5. manunulat |
Mga Sanggunian
Filipino sa Piling Larang-Isports (2016). Kagamitan ng Mag-aaral. Kagawaran ng Edukasyon. Republika ng Pilipinas.
Orellana, Joel L. at Juanito N. Anot, Jr. (2017). Filipino sa Piling Larangan (Sports). Manila: Rex Book Store.
Viola, Bennedick T. (2016). Filipino sa Piling Larangan (Isports). Malabon City: Jimczyville Publications.
For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education –(Bureau/Office)
(Office Address)
Telefax:
Email Address:
Leave a Reply