This is the Grade 9 Filipino self-learning module for Quarter 2 (Ikalawang Markahan), Module 5: “Panitikang Asyano: Maikling Kuwento ng Silangang Asya” (Asian literature: short stories of East Asia). It is for Grade 9 learners studying at home or in class, and for the parents and teachers who guide them. Learners read the Chinese short story Niyebeng Itim (Black Snow) by Liu Heng, translated into Filipino by Galileo S. Zafra, and learn how a short story is built, how it reflects culture, and how to tell their own story.
The module is a first edition (2020), prepared under DepEd’s Alternative Delivery Mode and printed by DepEd Region IX. A guide named Liway leads learners through each part.
On this page 6 sections
What learners will learn
The module states that learners are expected to:
- analyze a short story based on how its narrative begins, develops, and ends (nasusuri ang maikling kuwento batay sa estilo ng pagsisimula, pagpapadaloy at pagwawakas)
- infer the culture found in a story with local color (katutubong kulay)
- give the meaning of the images and symbols in the story
- narrate their own experience related to the culture shown in the story
- write a description of their own culture that can be used in a narrative
- use expressions for starting, continuing, and ending a story
What the module covers
The module has one lesson, Aralin 1: “Maikling Kuwento: Niyebeng Itim ni Liu Heng.” It follows the previous module on argumentative texts (tekstong argumentatibo), which it reviews first. China is introduced as one of the Asian countries with the richest literature, with a strong influence on Philippine literature.
The story itself is not printed in the module. Learners read Niyebeng Itim in the textbook Panitikang Asyano 9 by Peralta, R. N. et al. (2014), Modyul ng mga Mag-aaral, pages 133 to 142. Later they read the Filipino story Nagmamadali ang Maynila by Serafin G. Guinigundo in the same book, page 145.
Banghay (plot) of a short story
The module explains that banghay is the clear, orderly sequence of connected events in a story. It has six parts:
- Simula (beginning): where and how the story starts; it hooks the reader and often introduces the characters and the problem.
- Suliranin (problem): the problem the characters face; the module calls it the lifeblood of the story.
- Pataas na aksiyon (rising action): the characters react to and act on the problem.
- Kasukdulan (climax): the most exciting point, where the main character wins or fails in what he fights for.
- Pababang aksiyon (falling action): the unraveling (kakalasan), where the problems are answered.
- Wakas (ending): how the story ends, whether happy, sad, or open-ended.
Kuwento ng katutubong kulay, culture, images, and symbols
- Kuwento ng katutubong kulay (local color story) focuses on a place’s surroundings, customs, clothing, way of life and livelihood, beliefs, and outlook on life. Niyebeng Itim is an example because it reflects the culture and traditions of the main character’s place.
- Kultura (culture) is divided into two kinds: material culture, things you can touch such as food, clothing, tools, and houses; and non-material culture (di-materyal), such as traditions, customs, government, art, beliefs or religion, language, and literature.
- Imahe (image) is the representation of a thing, person, or idea. Simbolo (symbol) is a word that leaves different meanings for the reader, but close to what the author intended.
- The title “niyebeng itim” describes two sides of the main character’s life: white snow stands for winter, since the story happens around Christmas, while black stands for his bitter experiences.
Pangatnig and transitional devices
Pangatnig (conjunctions) link words, phrases, or clauses. Transitional devices link events in a narrative or ideas in a list. The module gives these examples, many using the story’s main character, Li Huiquan:
| Words | Use |
|---|---|
| sa wakas, sa lahat ng ito | panapos (concluding) |
| kung gayon | panlinaw (clarifying) |
| subalit, datapwat, ngunit | paninsay (contrasting) |
| samantala, saka | pantuwang (adding) |
| kaya, dahil sa | pananhi (showing cause) |
For example: “Sa wakas, nakalaya na rin si Li Huiquan sa bilangguan” (At last, Li Huiquan was freed from prison).
Activities in the module
- Subukin: a 10-item multiple-choice pretest.
- Balikan: a 5-item true-or-false review of argumentative texts.
- Tuklasin: a vocabulary web for “Niyebeng Itim,” then three tasks after reading: explaining images and symbols, answering questions on the character, theme, and plot, and identifying the Chinese tradition, outlook on life, and customs in the story.
- Pagyamanin: comparing the place, customs, and beliefs in Nagmamadali ang Maynila with the learner’s own surroundings, narrating a personal experience, and explaining images and symbols from that story.
- Isaisip: reflection questions, including why transitional devices matter.
- Isagawa: a three-paragraph essay on the spirit of bayanihan in the learner’s community during the pandemic, using sa lahat ng ito, sa wakas, dahil sa, ngunit, kaya, and samantala.
- Tayahin: a 10-item multiple-choice post-test.
- Karagdagang Gawain: draw or cut out pictures showing the learner’s own culture and write an essay about them.
Written work is scored with a rubric on content (nilalaman), mechanics (mekaniks), and organization (organisasyon), from 5 (napakahusay) to 2 (nangangailangan pa ng pagsasanay).
How to use this module
- Learners: Take the pretest first, then work through each part in order. Write all answers on a separate sheet of paper and do not write on the module. You will need the Panitikang Asyano 9 textbook to read both stories. Check your work honestly with the answer key (Susi sa Pagwawasto) at the end, and contact your teacher if any part is unclear.
- Parents and guardians: Help your child get a copy of the two stories, and encourage honest use of the answer key. The module notes that a separate teacher or facilitator guide is provided with tips for those guiding learners at home.
- Teachers: The pretest shows which learners need more help. The essay tasks in Pagyamanin, Isagawa, and Karagdagang Gawain are scored with the module’s rubric.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this Filipino module for?
It is for Grade 9 Filipino, Quarter 2 (Ikalawang Markahan), Module 5.
What story do learners read in this module?
Learners read Niyebeng Itim by Liu Heng, a short story from China translated into Filipino by Galileo S. Zafra. They also read Nagmamadali ang Maynila by Serafin G. Guinigundo for comparison.
Is the full text of Niyebeng Itim included in the module?
No. The module directs learners to the textbook Panitikang Asyano 9 by Peralta, R. N. et al. (2014), pages 133 to 142, and to page 145 for Nagmamadali ang Maynila.
What are the parts of banghay taught in the module?
The six parts are simula (beginning), suliranin (problem), pataas na aksiyon (rising action), kasukdulan (climax), pababang aksiyon (falling action), and wakas (ending).
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest (Subukin), the review (Balikan), and the post-test (Tayahin).
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Filipino Ikalawang Markahan – Modyul 5: Panitikang Asyano: Maikling Kuwento ng Silangang Asya
9
Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 5:
Panitikang Asyano: Maikling Kuwento ng Silangang Asya
[illustration: students reading and studying beside a large globe, with a lamp and a boy writing]
CO_Q2_Filipino9_ Module5
Filipino – Ikasiyam na Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 5: Panitikang Asyano-Maikling Kuwento ng Silangang Asya Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang pamahalaan ng Pilipinas. gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Jesselita Silao-Maglasang, Jill B. Lubguban, Jevic S. Cruz, Maimona S. Gumikas–Piang, Lailyn A. Pepito, Ricky C. Arabis, Godafreda C. Ugmad Editor: Josephine L. Tomboc, Susan S. Bellido Tagasuri: Alma M. Beton Tagapamahala: Ruth L. Fuentes, Eugenio B. Penales, Sonia D. Gonzales, Majarani M. Jacinto, Juliet A. Magallanes, Florencio R. Caballero, Alma D. Belarmino
Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region IX Office Address: Regional Center, Balintawak, Pagadian City E-mail Address: region9@deped.gov.ph
9
Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 5:
Panitikang Asyano: Maikling Kuwento ng Silangang Asya
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa ihihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Kumusta kaibigan? Maligayang pagdating sa ikalimang modyul. Ako ay nagagalak na natapos mo ang ikaapat na modyul. Napakagaling! Ako ang iyong kaibigang si Liway na makakasama mo sa iyong paglalakbay.
Natatandaan mo pa ba kaibigan ang ating tinalakay noong nakaraang aralin? Ito ay ang tungkol sa pagpapahayag ng sariling pananaw o opinyon at argumento sa mga napapanahong isyu sa lipunang Asya.
Bawat isa sa atin ay may kaniya-kaniyang kuwento sa buhay. Ang mga ito ay nagbibigay sa atin ng kaalaman at inspirasyon habang tayo ay nabubuhay.
Paano nga ba bubuuin ang isang napakagandang kuwento? Iyan ang lalakbayin natin sa linggong ito, aalamin at pag-aaralan natin ang tungkol sa banghay ng maikling kuwento at ang mga kultura na nakapaloob dito.
Alam ko na nasasabik ka na rin na galugarin ang mga maikling kuwento na nagmula sa Silangang Asya. Halina’t sabay nating pag-aralan ang ilan sa kanilang panitikan tulad ng maikling kuwento mula sa Tsina na may malaking impluwensiya sa uri ng panitikan na mayroon tayo ngayon sa Pilipinas.
Para mas maging kapanapanabik ang ating paglalakbay, babasahin natin ang akdang Niyebeng Itim ni Liu Heng na isinalin sa Filipino ni Galileo S. Zafra, akdang nagmula sa Tsina.
Simulan na natin ang ating aralin gamit ang inyong malikot na imahinasyon at matang mapanuri.
Sa ating paglalakbay, inaasahang matatamo ang sumusunod habang isinasagawa ang mga gawain:
- nasusuri ang maikling kuwento batay sa estilo ng pagsisimula, pagpapadaloy at pagwawakas ng napakinggang salaysay
- nahihinuha ang kulturang nakapaloob sa binasang kuwento na may katutubong kulay
- nabibigyang kahulugan ang mga imahe at simbolo sa kuwento at
- naisasalaysay ang sariling karanasan na may kaugnayan sa kulturang nabanggit sa nabasang kuwento.
- naisusulat ang isang paglalarawan ng sariling kultura na maaaring gamitin sa isang pagsasalaysay.
- nakagagamit ng mga pahayag sa pagsisimula, pagpapatuloy ng pangyayari at pagtatapos ng isang kuwento.
Subukin
Paalala lamang kaibigan na ang bawat bahagi ng modyul na ito ay nagtataglay ng mga gawain at pagsubok na lilinang ng iyong kakayahan. Huwag kang mag-alala dahil naririto naman ako nakahandang gumabay sa iyo. Sundin mo lamang ang aking mga panuto at mga gawaing ipagagawa sa iyo.
Ang bahaging Subukin, ay ang panimulang pagsusulit na susukat sa lawak ng iyong kaalaman sa pag-aaralang aralin. Sige nga, subukan natin.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang letra na tumutukoy sa wastong sagot. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot.
Anong uri ng masining na panitikan ang naglalaman ng isang maikling salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari na kinabibilangan ng isa o ilang tauhan?
a. maikling katha
b. maikling tula
c. maikling akda
d. maikling talataAlin sa sumusunod na mga bahagi ng kuwento ang naglalahad ng mga kasagutan sa suliranin ng akda?
a. panimula
b. wakas
c. banghay
d. pababang aksiyon“Puwede kang manatili dito ngayon, sabi ni Tito Rey.” Anong elemento ng maikling kuwento ang lantad sa pahayag na ito?
a. tagpuan
b. tauhan
c. banghay
d. tema“Halos Bagong Taon na.” “Puwede kang manatili dito ngayon, sabi ni Tiya Luo.” Alin sa sumusunod ay sumasalamin sa kulturang Tsino?
A. A. pag-iwas sa responsibilidad
B. B. pagpapahalaga sa pamilya
C. pakikipagkaibigan
D. pakikipagkapuwa“Isang bagay lang ang hinding-hindi ko makakalimutan tungkol kay Dingdong-hindi pa siya pumupunta dito nang hindi niya taglay ang ingay at halakhak.” Ano ang ipinapahiwatig ng nakaitalisadong mga salita?
a. masayahing tao si Dingdong
b. maraming naiinis kay Dingdong
c. mahirap kalimutan si Dingdong
d. mahilig humalakhak si DingdongAyon sa pahayag sa bilang 5, ano ang layunin ng may-akda sa paghahatid ng kaniyang kuwento?
a. ipakilala ang mga tauhan
b. maghatid ng mga mag-aaral
c. isalaysay ang mga pangyayari
d. ilarawan ang lugar at mga kaugalianAnong larangan ang sumasakop sa mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sine o bilang bahagi ng industriya ng libangan?
a. dula
b. role play
c. pelikula
d. maikling kuwentoAlin sa mga pahayag sa ibaba ang HINDI kabilang sa mga katangian ng isang mahusay na paglalarawan?
a. may tiyak at kawili-wiling paksa
b. may tiyak na layunin sa paglalarawan
c. may malinaw na pagbuo sa mga larawang nais ipakita
d. gumamit ng anumang salitang nakaaantig sa damdamin ng mambabasaAling pahayag sa ibaba ang tumutukoy sa kahalagahan ng pangatnig at transitional devices?
a. nakatutulong sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento
b. nagbibigay-kahulugan sa konotasyon at denotasyon ng mga salita
c. tumutukoy sa mga pangunahing tauhan sa maikling kuwento o alamat
d. kumikilala kung kailan naganap, nagaganap, at gaganapin ang kilos o pangyayari“Saan man siya magpunta laging may nagsasabi sa kaniya ng dapat gawin at hindi dapat gawin, sa pagtingin sa kaniya ng mababa umaangat ang kanilang sarili.” Ano ang iyong mahihinuha sa pahayag?
a. may mga taong sunod-sunuran
b. may mga taong mapagsamantala
c. may mga taong api at mapagmataas
d. may mga taong walang kakayahang ipaglaban ang sarili
Aralin 1
Maikling Kuwento: Niyebeng Itim ni Liu Heng
Salin ni: Galileo S. Zafra
Magaling, alam kong nasagutan mo nang maayos ang subukin. Ngayon naman, ating lakbayin ang makulay at mahiwagang panitikan ng Tsina. Sabay nating pag-aralan ang ilan sa kanilang mga akda na may malaking ambag sa sarili nating panitikan. Ngayon ay dumako naman tayo sa isang kuwento ng katutubong kulay, ang Niyebeng Itim. Ilalahad sa araling ito ang isang maikling kuwento na tumatalakay sa isang tauhang nagnanais na kumawala sa nakasanayang tradisyon ng kanilang lahi.
Nasasabik ka na ba kaibigan?
Balikan
Bago tayo magpatuloy ay balikan muna natin ang ating nakaraang aralin. Naalala mo pa ba ang ating huling aralin?
Napag-alaman natin na ang tekstong argumentatibo ay naglalahad ng paniniwala, pagkukuro o pagbibigay ng pananaw patungkol sa isang mahalaga o napapanahong isyu. Isang halimbawa nito ay talumpati.
Ang tekstong argumentatibo ay may pangunahing bahagi. Bawat bahagi ay magkakaugnay upang higit na maging matibay ang mga pangangatuwirang inilalahad. Ang mga bahaging ito ay panimula, katawan, at konklusyon.
Ngayon, sagutin mo muna ang katanungan sa ibaba.
Galingan mo!
Panuto: Tama o Mali: Tukuyin kung ang mga pangungusap ay tama o mali. Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang isinasaad sa pangungusap at MALI naman kung hindi ito wasto. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.
_____1. Lahat na argumento ukol sa inihaing proposisyon ay kailangang organisadong maihanay sa katawan ng tekstong argumentatibo.
_____2. Mahalagang may malawak na kaalaman ukol sa isyung tinalakay ang manunulat upang mabigyan niya ng bigat ang pangangatuwiran.
_____3. Ang pangangatuwiran ay maaaring sisimulan sa maliit na patunay tungo sa paglalahat.
_____4. Kailangang mahaba, malaman at malinaw ang unang talata ng tekstong argumentatibo.
_____5. Ang tekstong argumentatibo ay nagtataglay ng matibay na ebidensya.
Tuklasin
Bago natin basahin ang nakasasabik na akda ay pagmumuni-munihan muna natin ang tanong na “Bakit kailangan nating magpatuloy sa buhay sa kabila ng mga pagsubok na ating nararanasan?” Sa kuwentong ating babasahin ngayon ay malalaman natin ang kasagutan sa tanong na ito.
Halika! Samahan mo ako at umpisahan nating basahin at unawaing mabuti ang isang kuwento mula sa bansang Tsina. Hindi lamang sa laki ng bansa at bilang ng populasyon nangunguna ang Tsina ngunit hindi rin sila pahuhuli sa larangan ng panitikan. Isa ang Tsina sa mga bansa sa Asya na may pinakamayamang panitikan. Sinasabi nga sa mga pag-aaral na kung gaano katanda at kayaman ang sibilisasyon ng mga Tsino ay ganoon din katanda at kayaman ang kanilang panitikan. Mayaman ang Tsina sa iba’t ibang klase ng panitikan, maging ito man ay tuluyan o patula. Narito ang isa sa halimbawa ng panitikan ng Tsina, ang maikling kuwento na pinamagatang “Niyebeng Itim” ni Liu Heng na isinalin ni Galileo S. Zafra.
Bago natin tuluyang buksan ang buhay ng ating pangunahing tauhan sa kuwento ay pagyamanin muna natin ang inyong kaalaman sa talasalitaan.
Pagpapayaman sa Talasalitaan
Panuto: Magbigay ng mga salitang may kaugnayan sa salitang Niyebeng Itim.
[chart: concept web; Pagpapayaman sa Talasalitaan]
Center: Niyebeng Itim Surrounding boxes: four empty boxes (no printed text).
[transcriber’s note: the four surrounding boxes are blank answer boxes]
HALIKA, MAGBASA TAYO!
Basahin at unawain mong mabuti ang kuwentong pangkatutubong-kulay mula sa Tsina na pinamagatang Niyebeng Itim ni Liu Heng na isinalin sa Filipino ni Galileo S. Zafra na matatagpuan sa aklat na Panitikang Asyano 9 nina Peralta, R. N. et. al. (2014), Modyul ng mga Mag-aaral, pahina 133 hanggang pahina 142. Pagkatapos ay sagutin ang mga gawain na nasa ibaba.
Magaling kaibigan! Natapos mong basahin ang kuwento. Kamusta? Marami ka bang natutuhan? Magaling!
Ngayong tapos mo nang basahin ang kuwento ay sagutin mo ang mga sumusunod.
Gawain 1:
Panuto: Batay sa mga pahayag na ginamit sa binasang akda, ibigay ang kahulugan ng mga imahe at simbolo na nakapaloob dito. Isulat ang kahulugan sa kahon.
- Pakiramdam ni Huiquan ay isa siyang basurahan o isang pirasong basahan na nais magtago sa isang butas.
[transcriber’s note: the answer box to the right of item 1 is blank]
- Ang bakuran, na may mahigit sa pito o walong talampakan ang luwang, ay tulad ng balon sa ilalim ng kumikinang na bughaw na langit.
[transcriber’s note: the answer box to the right of item 2 is blank]
Gawain 2.
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong mula sa maikling kuwentong binasa.
Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento? Itala ang mga katangian nito.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
_______________________________________.Anong katangian ng pangunahing tauhan ang dapat na pamarisan? Ang hindi dapat pamarisan? Bakit?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
_______________________________________.Ano ang tema ng kuwentong binasa?
__________________________________________________________________________
_____________________________________________________________.a. Paano sinimulan ng may-akda ang kuwento?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
_______________________________________.b. Ano ang suliraning taglay ng pangunahing tauhan?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
_______________________________________.c. Paano hinarap ni Li Huiquan ang kaniyang problema?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
____________________________________________________________.d. Ano ang mga hakbang na kaniyang ginawa?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
______________________________________________.e. Paano winakasan ng may-akda ang kuwento?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.
Gawain 3:
Panuto: Ilahad ang nahihinuhang kulturang Tsino na nakapaloob sa binasang akda sa sumusunod na sitwasyon. Isulat ang iyong sagot sa loob ng mga kahon.
[chart: organizational flow diagram; Gawain 3]
Top box: PAMAGAT NG KUWENTO Second level boxes: TRADISYON | PANANAW SA BUHAY | KAUGALIAN
[transcriber’s note: the three boxes below the title box are blank answer boxes]
Sadyang pinahanga mo ako kaibigan sa iyong ipinakitang galing. Huwag kang bibitaw dahil mas marami ka pang matutuhan sa mga sumusunod nating talakayan.
Suriin
Upang madagdagan pa kaibigan ang iyong kaalaman ay sabay nating pag-aralan ang susunod na paksa. Makatutulong din ito upang mas lalo mo pang maunawaan ang ating talakayan sa araw na ito.
Ano ang Banghay?
Isang mahalagang elemento ng maikling kuwento ang banghay o plot. Ito ay kailangang maging kawili-wili at mabisang maipahayag ang kaisipang nais ikintal sa isipan ng mga mambabasa.
Ang banghay ay tumutukoy sa maayos na pagsasalaysay ng mga pangyayari tulad ng ano ang mga pangyayari at ano ang kaugnayan at kahulugan ng mga pangyayaring ito. Samakatuwid, ang banghay ay ang maayos at malinaw na pagkakasunod–sunod ng mga magkakaugnay na pangyayari sa akda.
Banghay ng Maikling Kuwento:
Simula – dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa at ipinakita kung saan at paano nagsimula ang kuwento. Sa bahaging ito maaaring mailahad agad ang suliranin at kadalasang ipinakilala ang iba pang mga tauhan sa kuwento.
Suliranin – ang problemang haharapin ng mga tauhan sa kuwento. Ito ang nagsisilbing dugo ng bawat kuwento, ang nagpapadaloy at nagbibigay ng interes sa istorya.
Pataas na Aksiyon – dito nagaganap ang paglalahad ng suliranin. Isinasaad ang mga nagiging reaksiyon o hakbang ng mga tauhan sa suliraning kinakaharap. Tinatawag din itong saglit na kasiglahan o ang panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa kuwento.
Kasukdulan – Ang pinakamataas na antas sa bahagi ng kuwento. Masasabing dito sa bahaging ito ang pinakapinanabikan na bahagi ng kuwento. Sa bahaging ito ng kuwento makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian na kaniyang ipinaglalaban. May mga kuwentong ang kasukdulan ang nagiging wakas ng kuwento.
Pababang Aksyon – dito makikita ang kakalasan. Sa kakalasan ng mga kumbensyunal o tradisyunal na kuwento, dito binibigyang kasagutan ang mga suliraning inilahad sa kuwento. Maaaring masasagot sa bahaging ito ang lahat ng tanong na nasa isipan ng mambabasa.
Wakas – ito ay tumutukoy kung paano nagwakas o nagtapos ang kuwento. Ang wakas ay maaaring masaya, malungkot o nagbubukas sa iba pang ideya o tinatawag na open-ended sa isipan ng mga mambabasa.
Batid kong nagkaroon ka na ngayon ng ideya tungkol sa banghay ng maikling kuwento. Ngayon naman ay patuloy mong basahin ang isa sa mga uri ng maikling kuwento, bilang dagdag pang kaalaman.
Huwag ka munang mabagot kaibigan. Basahin ang karagdagang impormasyon na ito upang mapadali ang susunod na mga gawain.
Mahalaga na ang bawat isa ay matutong gumamit ng mga pahayag tulad ng pangatnig at transitional devices upang magamit sa pagsisimula, pagpapatuloy ng mga pangyayari at pagtatapos ng isang kuwento.
May iba’t ibang uri ang maikling kuwento. Isa sa mga uri nito ay ang Kuwento ng Katutubong Kulay. Binibigyang-pokus sa kuwentong ito ang kapaligiran, ang mga kaugalian, at mga pananamit, ang uri ng pamumuhay at hanapbuhay sa nasabing pook, paniniwala at pananaw sa buhay. Ang kuwentong Niyebeng Itim ni Liu Heng ay isang halimbawa nito dahil ito’y sumasalamin sa kultura at tradisyong kinabibilangang lugar ng pangunahing tauhan.
Ang kultura ay nagsisilbing pagkakakilanlan ng isang lugar. Ito ay nahahati sa dalawang uri, ang materyal at di-materyal na kultura. Ang unang uri ay tumutukoy sa mga nahahawakan o konkreto, nililikha at ginagamit ng pangkat etniko tulad ng pagkain, pananamit, kasangkapan, at tirahan habang ang ikalawang uri ay tumutukoy naman sa mga hindi nahahawakan ngunit isinasagawa tulad ng tradisyon, kaugalian, gobyerno, sining, paniniwala/relihiyon, wika at panitikan.
Ang maikling kuwentong Niyebeng Itim ay naglalayong ipahayag ang mga katangian at paniniwala sa buhay ng mga Tsino. Layunin nitong ipahayag ang kanilang damdamin batay sa mga pagsubok na kanilang dinanas. Ito ay punung-puno ng mga imahe at simbolo mula sa kapaligiran, kilos at pananalita ng tauhan. Gumagamit ang mga kuwentista ng mga simbolo at imahe upang mas mapalutang ang rikit ng kanilang akda.
Ang imahe ay tumutukoy sa representasyon ng isang bagay, tao o ideya. Ang simbolo naman ay mga salita na kapag binanggit sa akda ay nag-iiwan ng iba’t ibang pagpapakahulugan sa mambabasa ngunit ang ito ay dapat di malayo sa pagbibigay-kahulugan ng may-akda.
Ang salitang niyebeng itim ay ginamit upang ilarawan ang dalawang kulang ng buhay na dinanas ng pangunahing tauhan. Ang niyebe o yelo ay kulay puti na naglalarawan ng panahon ng taglamig dahil ang kuwento ay nangyari sa panahon ng pasko. Ang itim naman ay nangangahulugan ng mapait na karanasan ng pangunahing tauhan.
Ang mga pangatnig at transitional devices ay ginagamit sa pag-uugnayugnay ng mga pangungusap at sugnay. Sa pamamagitan nito, napagsusunod-sunod natin nang tama ang mga pangyayari sa isang kuwento ayon sa tamang gamit nito. Pangatnig ang tawag sa mga salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala o sugnay.
Transitional devices naman ang tawag sa mga kataga na nag-uugnay sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari (naratibo) at paglilista ng mga ideya, pangyayari at iba pa sa paglalahad.
Transitional Devices:
sa wakas, sa lahat ng ito – panapos
Mga Halimbawa
a. Sa wakas, nakalaya na rin si Li Huiquan sa bilangguan.
b. Sa lahat ng ito, napagtanto niya ang kahalagahan ng kanyang ina.kung gayon – panlinaw
Mga Halimbawa
a. Malinaw ang paalala ng ina sa kaniya, kung gayon kaya ni Li Huiquan ang mga pagsubok sa kanyang buhay.
Narito ang ilang halimbawa ng pangatnig at transitional devices na karaniwang ginagamit sa Filipino:
subalit,datapwat,ngunit – ginagamit na paninsay o panalungat.
Mga Halimbawa:
a. Matumal ang benta datapwat hindi siya sumusuko sa pagtitinda.
b. Mahal ni Li Huiquan ang kanyang ina subalit di niya ito naipakita nang ito’y buhay pa.
c. Maaga silang pumila para makakuha ng lisensya ngunit naubusan na siya ng kota para sa pagtitinda ng mga prutas.samantala, saka – ginagamit na pantuwang
Mga Halimbawa:
a. Natutuhan niya ang paggalang sa mga nakakatanda saka ang pagsunod.
b. Masaya ang lahat sa pagsalubong sa pasko samantala siya ay abala sa pagkumpuni ng kaniyang kariton.kaya, dahil sa – ginagamit na pananhi
Mga Halimbawa:
a. Nakabenta si Li Huiquan ng dalawampung panlamig na angora kaya sumigla siya.
b. Masaya na si Li Huiquan dahil sa mayroon na siyang magawa.
Batid kong nauunawaan mo na ang mga impormasyon tungkol sa ating aralin. Tiyak kong masasagot mo nang buong husay ang susunod na gawain.
Pagyamanin
Binabati kita sa iyong kahusayan! Ituloy mo pa ang pagpapalalim ng iyong kaalaman kaugnay sa tinalakay na bahagi ng aralin.
Basahin ang isa na namang uri ng maikling kuwentong Nagmamadali ang Maynila ni Serafin G. Guinigundo na makikita pa rin sa aklat ng Panitikang Asyano 9 nina Peralta, R. N. et. al. (2014), Modyul ng mga Mag-aaral sa pahina 145 at tukuyin kung paano masasalamin sa kuwentong ito ang ating kultura bilang isang Pilipino.
Gawain 1:
Panuto: Ilarawan ang lugar, kilos/gawi, at uri ng pamumuhay ng mga tao noon sa Maynila at ihambing ito sa kapaligirang kinabibilangan mo gamit ang tsart sa ibaba.
| ASPETO NG PAGHAHAMBING | PAGHAHAMBING: PAGKAKATULAD/PAGKAKAIBA: Nagmamadali Ang Maynila | PAGHAHAMBING: PAGKAKATULAD/PAGKAKAIBA: Ang Aking Kapaligiran |
|---|---|---|
| pisikal na anyo ng lugar | ||
| tradisyon/kilos/gawi ng tao | ||
| paniniwala/pilosopiya |
Gawain 2:
Panuto: Isalaysay ang iyong sariling karanasan na may kaugnayan sa mga kulturang iyong binanggit sa Gawain 1. Ang Rubriks sa pahina 19 ang gagamitin sa pagmamarka.
Gawain 3:
Panuto: Ipaliwanag ang nakapaloob na imahe at simbolo na hinalaw na pahayag sa binasang kuwento.
| Mga Pahayag | Pagpapaliwanag |
|---|---|
| “Mga mama… mga ale… ginto…?” ang alok-anyaya ng isang babaing nakakimona at ang saya ay humihilahod sa sakong at siyang lumilinis sa makapal na alikabok sa bangketa. | |
| “Alam mo na ang bilis natin, hindi ka maaano. Hawak natin ang ibon.” |
Isaisip
Binabati kita sa malaniyebeng katapatan sa pagsagot mo sa mga gawain. Batid kong lahat ng iyong natutuhan ay hindi lang isinaisip kundi isinapuso mo rin.
Nawa’y ang mga ginintuang-aral na napulot mo mula sa pag-aaral na ito ay maging sandata mo upang ipagpatuloy ang paglalakbay mula sa modyul na ito hanggang sa susunod na modyul.
Anong konsepto ang aking natutuhan sa aralin?
Anong pagpapahalaga ang aking natamo?
Bakit mahalaga ang paggamit ng mga transitional devices?
Isagawa
Muli kitang binabati sapagkat naramdaman ko ang pagsusumikap mong matuto kaya umabot ka sa bahaging ito. Malapit mo nang matapos ang iyong paglalakbay. Ang mga ginuntuang kaisipan ay nagpapasidhi ng iyong hangarin na suungin nang walang pag-aatubili ang mga gawaing iniatas sa iyo. Ngayon ay nais kong subaybayan ka sa iyong landas kung paano mo ito huhugutin mula sa hibla ng iyong buhay.
Iugnay Mo!
Panuto: Sumulat ng isang sanaysay na may tatlong talata na nagpapakita ng diwa ng BAYANIHAN sa inyong lugar ngayong panahon ng pandemya gamit ang mga transitional devices sa ibaba.
| sa lahat ng ito | dahil sa | kaya |
| sa wakas | ngunit | samantala |
Rubriks sa Pagmamarka:
| Batayan | Napakahusay 5 | Mahusay 4 | Pauunlarin 3 | Nangangailangan pa ng Pagsasanay 2 |
|---|---|---|---|---|
| Nilalaman | Maayos na maayos ang paglalahad sa paksa at nasusunod lahat na panuntunan ng guro | Maayos ang paglalahad sa paksa ngunit hindi lahat na panuntunan ng guro ang nasusunod | Bahagya lang ang pagkakalahad sa paksa at iilan lang sa mga panuntunan ang nasusunod | Malabo ang pagkakalahad sa paksa at hindi nasusunod ang mga panuntunan ng guro |
| Mekaniks | Malinaw na malinaw na sumunod sa tamang gamit ng mga bantas, espasyo, baybay, at pagbuo ng talata. | Malinaw na sumunod sa tamang gamit ng mga bantas, espasyo, baybay, at pagbuo ng talata. | Bahagyang sumunod sa tamang gamit ng mga bantas, espasyo, baybay, at pagbuo ng talata. | Hindi sumunod sa tamang gamit ng mga bantas, espasyo, baybay, at pagbuo ng talata. |
| Organisasyon | Mahusay na mahusay ang pagkakasunud-sunod o daloy ng mga ideya | Mahusay ang pagkakasunud-sunod o daloy ng mga ideya | Hindi gaanong mahusay ang pagkakasunud-sunod o daloy ng mga ideya | Hindi mahusay ang pagkakasunud-sunod o daloy ng mga ideya |
Tayahin
Mahusay kaibigan, mukhang naintindihan mo na nga ang ating aralin. Hindi ba madali lang? At tulad ng sinabi ko, narito lang ako laging nakaagapay sa iyo. Alam kong nasunod mo naman lahat ng panuto at nagawa mo nang maayos ang mga ipinagawa ko sa iyo.
Sa bahaging Tayahin, matatasa o masusukat ang antas ng pagkatuto o lawak ng kaalaman na iyong natutuhan sa pag–aaral sa modyul na ito. Halika at tayahin na natin.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang letra na tumutukoy sa tumpak na kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot.
Anong elemento ng maikling kuwento ang nais bigyang-pansin sa bahaging ito?
Natatanaw ko ang aking sarili sa isang masusukal at tahimik na kapaligiran. Tanging huni ng ibon lamang ang maririnig at paspas ng hangin. Isang maliit na bahay na giray na giray na yari sa kawayan ang makikita sa di-kalayuan.
- A. tagpuan
- B. banghay
- C. tauhan
- D. kasukdulan
Ang krisis ay may simula, ________ may katapusan kaya hanapin ang pinakamaikling landas sa pagitan ng simula at katapusan nito. Alin sa sumusunod ang angkop na pangatnig upang mabuo ang diwa ng pangungusap?
- A. dahil sa
- B. datapwat
- C. at
- D. samantala
Anong bahagi ng kuwento ang tumutukoy sa kapana-panabik na pangyayari sa kuwento?
- A. panimula
- B. kasukdulan
- C. suliranin
- D. wakas
Tukuyin ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari batay sa kuwento na nakapaloob sa kahon.
Isang araw, namamasyal si Vilma sa plaza kasama ang kaniyang mga kaibigan. Habang naglalakad, nabangga siya ng isang batang gusgusing lalaki. Napikon si Vilma, at pinagalitan niya ang bata. Humingi ng tawad ang bata, at inirapan lang ito ni Vilma. Pumasok sila sa isang Department Store malapit sa plaza upang bumili ng mga gagamitin para sa kanilang proyekto. Nang siya ay magbabayad na, wala sa kaniyang shoulder bag ang pitaka. Bigla niyang natandaan na binangga siya ng isang batang lalaki, at tiniyak niya na ito ang kumuha ng kaniyang pitaka. Agad hinanap ng magkakaibigan ang bata. Nang makita nila ito, agad hinablot ni Vilma ang damit ng bata at pilit na pinaamin sa pagkuha ng kaniyang pitaka. Tinakot nila itong dalhin sa isang presinto ng pulis. Walang tigil naman ang pagtanggi ng bata. Dahil sa takot na madala sa pulis ay bigla itong tumakbo. Hindi niya napansin ang humarurot na sasakyan kaya siya ay nabangga.
I. Habang papunta sa plaza, nabangga siya ng isang batang lalaki.
II. Pilit na pinaamin sa pagkuha ng kanyang pitaka.
III. Nang siya ay bumili ng mga gamit para sa proyekto, napansin niya na wala sa kanyang shoulder bag ang pitaka.IV. Ngunit ang bata ay panay ang tanggi kahit na pilit na pinapaamin ni Vilma.
- A. I, II, III, IV
- B. I, III, II, IV
- C. I, IV, III, II
- D. I, III, IV, I
Ilang beses na rin kaming nagkasabay kumain ng aking ama. Maraming pagkakataon na rin na maaari ko nang maipagtapat ang tunay na saloobin ko sa ginawa niya. Subalit ang aking bibig ay waring kinandado at ang paa ko’y nangangatog sa kaba. Ano ang ipinapahiwatig ng pahayag na ito?
- A. natatakot siya sa kanyang ama
- B. may galit siya sa kanyang ama
- C. hindi niya kapalagayang loob ang ama
- D. masama ang loob niya sa kanyang ama
“Alam mo ba kung paano ka nakakuha ng lisensya gayong maraming retirado at walang trabaho ang hindi makakuha?” “Dahil…dahil kailangan ko ng trabaho?” “Kinakailangan ka ng pamahalaan, tiyak ko na alam mo iyan.” Ano ang mahihinuha sa usapang ito?
- A. dapat magbayad sa kapwa
- B. walang pakialam sa kapwa
- C. may pagpapahalaga sa mga mamamayan
- D. higit na pinahahalagahan ang lalaki kaysa babae
“Dapat lang na maging maayos ang buhay mo sa taong ito. Dapat may trabaho ka na. Ayusin mo at hahanapan kita ng nobya.” Anong katangian ng mga lalaki ang ipinakikita rito?
- A. inaasahang mangalaga sa tahanan
- B. inaasahang mag-alaga sa mga anak
- C. inaasahang magtrabaho para sa asawa
- D. inaasahang magtrabaho para sa pamilya
Alin sa sumusunod na mga pahayag ang HINDI gumagamit ng transitional devices?
- A. Maaabot din niya ang kanyang pangarap.
- B. Sa wakas, nakatapos din siya ng pag-aaral.
- C. Sa pagkakataong ito, ako na ang masusunod.
- D. Nakatanggap sila ng award dahil sa pagtutulungan.
“Gustong lumaban ni Rigor ngunit wala siyang lakas kaya nagpanggap na lamang siyang tanga.” Ano ang ibig sabihin ng pahayag?
- A. duwag
- B. mahina ang loob
- C. matapang
- D. takot
“Nakabilanggo pa rin ang kanyang isip at damdamin kahit siya ay nakalaya na mula sa ilang taong pagkabilanggo.” Ano ang ipinapahiwatig ng pahayag na ito?
- A. Naalala niya ang kanyang mga kasama sa bilangguan.
- B. Hindi pa rin siya nakalabas mula sa bilangguan.
- C. Iniisip niya ang mga naiwan sa loob ng bilangguan.
- D. Lagi niyang naalala ang mga karanasan sa loob ng bilangguan.
Karagdagang Gawain
Mahusay ang ginawa mo kaibigan! Nagawa mo lahat ang mga gawain at naunawaan mo ang ating aralin. Ito na ang huling gawain para sa modyul na ito.
Panuto: Sa iyong sagutang papel, gawin ang sumusunod.
- Gumuhit/gumupit ng mga larawang nagpapakita ng kulturang may kaugnayan sa iyo.
- Sumulat ng isang sanaysay na nagsasalaysay sa larawang napili/iginuhit.
- Gamitin ang rubriks sa pahina 19 sa pagsulat.
Sa wakas ay natapos mo rin ang modyul na ito. Pinahanga mo ako sa iyong galing! Binabati kita kaibigan sa ipinakita mong pagtitiyaga at kahusayan. Natapos mo nang buong husay at galing ang modyul na ito. Kung mayroon mang bahagi sa mga aralin na ito na hindi mo naunawaan, mangyaring makipag-ugnayan ka sa iyong guro.
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: the answer key is printed upside down across three boxes; the readings below follow the rotated labels and may need checking against the original]
Tayahin
- A
- B
- C
- D
- D
- D
- D
- A
- B
- D
Balikan
- TAMA
- TAMA
- TAMA
- MALI
- TAMA
Subukin
- A
- B
- B
- B
- A
- C
- C
- D
- A
- D
Panitikang Asyano-Filipino 9: Quarter 2 – Module 5: Maikling Kuwento ng Silangang Asya
Mga Sanggunian
Mga Aklat
Peralta, R.N. et. al (2014). Ang Panitikang Asyano- Filipino 9, Vibal Group, Inc.
Mga Elektronikong Sanggunian
Para sa mga tanong o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply