Filipino 9 Quarter 2 Module 6: Dula – Munting Pagsinta at Dahil sa Anak

Grade 9 Filipino Q2 Module 6 on drama: the plays Munting Pagsinta and Dahil sa Anak, parts and elements of a play, comparison, and connectives.

This is the Grade 9 Filipino self-learning module for Quarter 2 (Ikalawang Markahan), Module 6: Dula: “Munting Pagsinta” at “Dahil sa Anak”. It continues the class’s study of East Asian literature (panitikan ng Silangang Asya) and focuses on drama (dula). After it, learners can identify the parts and elements of a play, compare two plays, and write a short play of their own using the right connecting words (pang-ugnay).

The module was prepared by the Department of Education Region IX for home learning under the Alternative Delivery Mode. Its writers are April Rose T. Sumalpong, Cherry Pinck Acaylar Amarilla, Rosalie A. Pastor, and Secil L. Veranda.

On this page 7 sections

What learners will learn

The module lists these competencies:

  • Classify the specific parts and characteristics of a play based on a dialogue they hear (F9PN-IIg-h-48)
  • Analyze a play they read based on how it is built and its elements (F9PB-IIg-h-48)
  • Compare plays they watched based on their characteristics and elements (F9PD-IIg-h-48)
  • Use suitable connectives in writing a short play about the everyday life of a group of people in some Asian countries (F9PU at WG-IIg-h-51)

The two plays

“Munting Pagsinta” (a little love) was adapted by Mary Grace A. Tabora from a film by Sergei Bordov from Mongolia. It reflects Mongolian culture: settling with a family one owes by marrying off a child, choosing a future spouse at a young age, and parents agreeing on their children’s marriage. Its characters include the father Yesugei, his son Temujin, and the young woman Borte.

The second play, “Dahil sa Anak” (because of the child), has a character named Manuel. Both plays are about a father and his child. They show parents interfering in a child’s choice of spouse, but in the end love and forgiveness win.

The module does not print the plays. Learners read them in the textbook Panitikang Asyano 9, Modyul ng Mag-aaral sa Filipino, pages 151 to 158.

Key ideas: parts and elements of a play

The module explains that dula imitates real-life events on stage. It can preserve history, correct wrongdoing, and point the way to the future.

Parts of a play

PartMeaningExample from “Munting Pagsinta”
Yugto (act)The main division of a play, like a chapter in a novel; a one-act play happens in one place and eventThe end of the talk between Yesugei and Temujin
Eksena (scene)Makes up an act; one event in one place and time, also the entry and exit of charactersYesugei and Temujin discussing marriage as they leave
Tagpo (setting change)The change of setting where events happenTemujin ends up at the hut where Borte lives

Characteristics of a play

A play’s theme is often not stated directly. It takes shape through symbols created by the director and actors. The module quotes Ricky Lee, who says creative artists take a different route from everyone else. A play is also shaped by the actor’s voice (for delivering lines and setting the mood), body (for movement and dance), and mind (for interaction between characters).

Elements of a play

  • Iskrip (script): the written dialogue and technical needs of the play
  • Banghay (plot): the order of events
  • Gumaganap/aktor (actors): those who bring the characters to life
  • Tanghalan (stage): any place chosen for the performance, such as a stage or a street
  • Direktor (director): interprets the script and decides on the setting, costumes, and acting
  • Manonood (audience): those who react to the emotions the play expresses

Key ideas: comparison and connectives

Two kinds of comparison

  • Paghahambing na magkatulad (comparing equals): things with the same quality, for example “Sintangkad ng aming pintuan ang tatay ni Emman.”
  • Paghahambing na di-magkatulad (comparing unequals): things with different qualities, for example “Mas matangos ang ilong ni Maria kaysa ilong ng kakambal niyang si Marta.”

Pang-ugnay (connectives)

  • Pangatnig (conjunctions): pamukod (o, ni, maging, man), paninsay or pasalungat (ngunit, datapwat, subalit, samantala, kahit), panubali (kung, kapag, pag, sakali, sana), and pananhi (dahil sa, sanhi sa, sapagkat, mangyari)
  • Pang-angkop (ligatures): na after words ending in a consonant (masarap na pagkain), ng after words ending in a vowel (mabuting anak), and g after words ending in n (bayang magiliw)
  • Pang-ukol (prepositions): such as ni/nina, kay/kina, para sa, tungkol sa, ayon sa, laban sa, hinggil sa, and alinsunod sa

How to use this module

The module follows the usual order: Alamin (objectives), Subukin (a 10-item pretest), Balikan (review of the short story lesson), Tuklasin (reading the two plays), Suriin (discussion), Pagyamanin (practice), Isaisip, Isagawa, Tayahin (a 10-item posttest), and Karagdagang Gawain (writing a short play).

  • Learners: Take the pretest first, then read the two plays in your textbook before answering the activities. Write your answers on separate paper and do not write on the module. Gawain 3 asks you to write a play script on bond paper about how you help with chores, underlining the connectives you use. A rubric is included.
  • Parents and guardians: The module encourages learners to ask an older sibling or family member for help and to ask questions when something is unclear.
  • Teachers: An answer key covers the pretest, posttest, and Pagyamanin items. The script and play-writing tasks come with scoring rubrics.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this Filipino module for?

It is for Grade 9 Filipino, Quarter 2 (Ikalawang Markahan), Module 6.

Are the plays Munting Pagsinta and Dahil sa Anak included in the module?

No. The module asks learners to read both plays in the textbook Panitikang Asyano 9, Modyul ng Mag-aaral sa Filipino, pages 151 to 158.

Where does Munting Pagsinta come from?

It is a play adapted by Mary Grace A. Tabora from a film by Sergei Bordov from Mongolia. It shows Mongolian customs on early betrothal and parents arranging their children’s marriage.

What is the difference between yugto, eksena, and tagpo?

Yugto is the main division of a play, like a chapter. Eksena is one event in one place and time within an act. Tagpo is the change of setting where events happen.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for the pretest, posttest, and practice activities, while open-ended tasks depend on the learner’s own answers.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Filipino

Ikalawang Markahan – Modyul 6: Dula: “Munting Pagsinta” at “Dahil sa Anak”

[illustration: students reading and learning outdoors and at home, with a teacher, a globe, and a lamp]

CO_Q2_Filipino9_ Module6

Filipino – Ikasiyam na Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 6: Dula: “Ang Munting Pagsinta” at “Dahil sa Anak”

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtatakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Anomang parte ng materyales na ito ay hindi maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumubuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: April Rose T. Sumalpong, Cherry Pinck Acaylar Amarilla, Rosalie A. Pastor, Secil L. Veranda Editor: Josephine L. Tomboc, Susan S. Bellido Tagasuri: Thelma P. Opada, Mario Shoji N. Romarate, Alma M. Beton Tagapamahala: Ruth L. Fuentes, Eugenio B. Penales, Sonia D. Gonzales, Majarani M. Jacinto, Juliet A. Magallanes, Florencio R. Caballero, Alma D. Belarmino

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region IX Office Address: Regional Center, Balintawak, Pagadian City E-mail Address: region9@deped.gov.ph

9

Filipino Ikalawang Markahan – Modyul 6: Dula: “Munting Pagsinta” at “Dahil sa Anak”

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa ihihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umasa kani na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

[illustration: hand pointing at a circle, section icon]

[illustration: character speaking]

Maligayang pagdating sa ikaanim na modyul! Kumusta ang araw mo? Malugod kong binabati ang iyong ipinamalas na kagalingan. Muli ako’y naririto, ang iyong kaibigan na si Liway hangad lagi ang iyong tagumpay!

Handa ka na ba? Sa pagkakataong ito, ihanda ang iyong sarili para sa panibagong kaalaman. Tara at lakbayin natin ang mundo ng panitikan ng Silangang Asya!

Oops! Alam kong ikaw ay nasasabik nang pag-aralan ang mga panitikan ng Silangang Asya, sa araw na ito sabay nating pag-aralan ang mundo ng dula. Inaasahang maipamalas mo ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Silangang Asya at makasusuri sa dula na may pamagat na “Munting Pagsinta” at “Dahil sa Anak” at mga elemento nito.

Halina’t sabay nating linangin ang kakayahan mo sa pagsusuri sa binasang dula batay sa pagkakabuo at elemento nito.

Sa araling ito, inaasahang maipamalas mo ang pag-unawa at pagpapahalaga sa dula na may pamagat na “Munting Pagsinta” na hinalaw ni Mary Grace A. Tabora sa pelikula ni Sergei Bordov na mula sa Mongolia. Sumasalamin sa dula ang kultura ng mga taga-Mongolia patungkol sa pakikipag-ayos sa mga lahing pinagkakautangan sa pamamagitan ng pagpapakasal sa anak nito. Mahihinuha rin dito na ang mga Mongolian ay nagsasagawa ng pagpili ng magiging kabiyak sa hinaharap sa murang edad. Isa pa ay ang pakikipagkasundo ng mga magulang sa pag-iisang dibdib ng kanilang mga anak.

Kaibigan, sa pagtatapos ng ating paglalakbay, inaasahan kong magagawa mo ang kasanayang ito:

  • nauuri ang mga tiyak na bahagi at katangian ng isang dula batay sa napakinggang diyalogo o pag-uusap (F9PN-IIg-h-48);
  • nasusuri ang binasang dula batay sa pagkabuo at mga elemento nito (F9PB-IIg-h-48);
  • napaghahambing ang mga napanood na dula batay sa mga katangian at elemento nito (F9PD-IIg-h-48); at
  • nagagamit ang mga angkop na pang-ugnay sa pagsulat ng isang maikling dula tungkol sa karaniwang buhay ng isang pangkat ng tao sa ilang bansa ng Asya. (F9PU at WG-IIg-h-51).

Subukin

[illustration: hand holding a pencil, section icon]

[illustration: character speaking]

Magandang buhay! Heto na, heto na talaga ang iyong unang gawain! Handa ka na ba?

Bago natin tatahakin ang mundo ng Mongolia upang alamin ang kanilang mga dula, nais ko munang subukin ang inyong kakayahan sa pagsagot ng mga katanungan na siyang makatutulong sa iyo sa paglalakbay sa modyul na ito. Handa ka na ba?

Gawain: Piliin Mo!

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat bilang, pagkatapos, piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.

  1. “Kawangis ng madilim na kalangitan ang nadarama ng magiting na mandirigmang naninimdim sa takbo ng kapalarang sinapit na nakatalungko sa isang sulok ng makipot at karima-rimarim na piitan.” Alin ang maaring tagpuan sa pangungusap?
    a. Madilim na kalangitan c. Takbo ng kapalaran
    b. Magiting na mandirigma d. Makipot na piitan


  2. Ang mag-amang Dan at Danilo ay masayang naglakbay pauwi sa kanilang dampa sa malayong nayon ng Mabini. Ang nakasalungguhit na mga salita ay tumutukoy sa __________ ng isang teksto.
    a. Banghay c. Iskrip
    b. Tagpuan d. Tauhan


  3. Masayang namamasyal ang munting binibini sa malawak na parang kung saan napapalibutan ng malaparaisong tanawin. Ang maaaring tauhan sa pangungusap ay _________.
    a. Masayang namamasyal c. Munting binibini
    b. Malawak na parang d. Malaparaisong tanawin


  4. Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasiyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng iyong buhay gayundin sa isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang buhay at ekonomiya. Ang teksto ay pumapaksa tungkol sa _________.
    a. Pagbabago sa ekonomiya
    b. Pagkakalugmok sa kahirapan
    c. Pagtatapos ng matibay at mataas na edukasiyon
    d. Paghahangad ng masagana at marangal na buhay


5-10. Panuto: Basahing mabuti at isulat ang letra ng angkop na pang-ugnay sa sumusunod na pahayag.

  1. Ang kanyang nilutong ulam na tinolang manok ay _______ lahat.
    a. para sa c. tungkol sa
    b. ukol kay d. hinggil sa


  2. Gusto niyang bumili ng damit, _________ wala siyang pera.
    a. dahil c. ngunit
    b. kung gayon d. sapagkat


  3. Masama sa may sakit na diabetes ang matatamis _____ pagkain.
    a. sa c. ng
    b. na d. nang


  4. Umasenso ang kanyang buhay ________ sa kanyang pagsisikap sa trabaho.
    a. dahil c. ngunit
    b. subalit d. sapagkat


  5. Ang pagsusulit sa araw na ito ay __________ mga uri ng tula.
    a. para sa c. dahil sa
    b. tungkol sa d. ukol kay


  6. Napagod sa kaniyang paglalakbay si Elmo kaya nagpahinga siya _____ lilim ng punongkahoy.
    a. sa c. ng
    b. na d. nang


Aralin 1: Dula: “Munting Pagsinta” at “Dahil sa Anak”

[illustration: hand holding a puzzle piece, section icon]

Balikan

[illustration: character speaking]

Bago natin ipagpatuloy ang iyong paglalakbay subukin nga nating balikan kung naaalala at natatandaan mo pa ba ang iyong huling aralin? Gamit ang iyong kuwaderno, sagutin ang mga sumusunod na tanong.

  1. Ano ang maikling kuwento?
  2. Ilahad ang mga bahagi ng maikling kuwento at kahulugan nito.
  3. Ano ang kahalagahan ng maikling kuwento sa panitikang Asyano?
Tuklasin

[illustration: hand holding a plant sprout, section icon]

[illustration: character speaking]

Halika! Samahan mo ako at umpisahan nating alamin at unawain ang isang nakakakilig na dula mula sa bansang Mongolia.

Magbasa Tayo!

Panuto: Basahin ang dalawang dula na pinamagatang “Munting Pagsinta” at “Dahil sa Anak” na makikita ninyo sa inyong libro na Panitikang Asyano 9, Modyul ng Mag-aaral sa Filipino na nasa pahina 151-158.

Ang mga pangyayari sa dalawang dula ay tungkol sa ama at anak, na nagpapakita na ang mga magulang ay nakikialam sa pagpapasya ng anak tungkol sa kanilang pag-asawa ngunit sa kalaunan ay pag-ibig pa rin at pagpapatawad ang mananaig sa bawat isa.

Mga Tala para sa Guro

[illustration: hand holding a sheet of paper, section icon]

Mga bagay na dapat ipaalam sa mga mag-aaral:

  1. Magpatulong sa nakatatandang kapatid kung nahirapan.
  2. Huwag mag-atubiling magtanong kung may hindi naunawaan.
  3. Basahin at sundin ang mga panuto at gawin ang mga pagsasanay.
Gawain 1: Ideya mo, Ilahad mo!
Gawain 1: Ideya mo, Ilahad mo!

Panuto: Isulat ang iyong sagot sa inyong sagutang papel.

  1. Nakaantig ba ng damdamin ang mga linya ng mga aktor sa dula?
  2. Malinaw bang naiparating ang tema ng dula sa mga mambabasa?
  3. Paano mo maihahambing ang dalawang dulang iyong nabasa?
  4. Ano ang iyong sariling pananaw tungkol sa mga magulang na nagpapasya para sa kanilang mga anak?
Suriin

Magaling kaibigan! Natapos mong basahin at sagutin ang gawain, kumusta? Marami ka bang natutuhan? Ngayon ipaliwanag ko sa iyo ang mga ito. Sundan at tandaan ang mga mahahalagang kaalaman dahil magagamit mo ito sa susunod pang mga gawaing iyong tatahakin.

Alam mo ba na?

Inilalarawan ng panitikang Filipino ang damdamin nating mga Pilipino sa pamamagitan ng pasalita o pasulat. Sa pamamagitan nito, binibigyang interpretasyon natin ang ating pamumuhay, kaugalian, tradisyon, paniniwala at maging pulitika. Samantalang, bahagi ng panitikang Filipino ang dula. Bilang isang panitikan ito ay ang paraan ng panggagagad ng mga pangyayari sa tunay na buhay sa entablado.

Ginagamit rin ang dula bilang midyum upang panatilihin ang nakaraan at kasaysayan, maituwid ang maling pamamalakad, at matalunton ang direksiyon ng bukas. Binanggit ni Villafuerte (2000) na ayon kay Rentra (1972) nilalayon ng dula na makalikha ng pagbabago, naghahamon ay nagyayakag na makisangkot ang manonood sa dalawang kaparaanan; ang pagpapakilala ng pamantayang panlipunan at ang pagwawasto sa mga walang katarungan.

Binubuo ang dula ng iba’t ibang bahagi na nagdaragdag ng pagiging malikhain nito:

  1. Yugto – Nahahati ang mga dula sa iba’t ibang yugto depende sa haba nito. May mga dulang may iisang yugto na kung saan nagaganap ang dula sa isang lugar at pangyayari lamang.
    Hal. Ang pagtatapos ng pag-uusap ng mag-amang Yesugei at Temujin.
  2. Eksena – Ang bumubuo sa isang yugto. Sa madaling sabi, ito ay isang pangyayari sa isang lugar sa isang panahon. Ito rin ay maituturing na paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhang gumaganap sa dula.
    Hal. Ang pagdidiskusyon ng mag-amang Yesugei at Temujin hinggil sa pagaasawa habang papaalis.
  3. Tagpo-. Ang pagpapalit o ang iba’t ibang tagpuan na pinangyarihan ng mga pangyayari sa dula.
    Hal. Mapapadpad si Temüjin sa isang dampa kung saan nakatira ang dalaginding na si Borte.

Mga Katangian ng Dula

May kani-kaniyang katangian ang bawat dula gayunman, nakapokus ang mga katangiang ito sa paksa at pangkalahatang ideyang nais ipahiwatig nito. Mga paksang binibigyang interpretasyon sa dula. Madalas tulad ng ibang uri ng panitikan hindi ito kaagad nilalantad. Binibigyang hugis ito ng simbolo na resulta ng pagiging malikhain ng direktor sa kaniyang pagpapatakbo sa dula at pagganap ng mga artista.

Nagtataglay ang bawat artista at direktor ng mga teknik na naiiba sa iba. Inilarawan ni Ricky Lee ang mga teknik na ito tulad ng pagpunta sa Quiapo na kung ang isang tao ay malikhain, hahanap ito ng ibang direksiyon na hindi dadaanan ang gagawin ng iba. Naniniwala rin si Lee na ang bawat artista ay may maliit na taong gumagamit ng lente sa naiibang paraan.

Naiimpluwensiyan rin ang katangian ng dula sa paggamit ng mga sangkap ng dula; ang boses, katawan at isip. Ginagamit ang boses ng mga artista sa pagbigkas ng mga iskrip at ito rin ang nagtatakda ng maaaring maging damdamin ng mga manonood. Ginagamit ang katawan sa bawat pagkilos, pagsayaw, pag-indayog at paggalaw ng bawat artista. Ginagamit naman ang isip para sa pagbibigay interaksiyon ng bawat karakter ng dula sa bawat isa.

Elemento ng Dula

  1. Iskrip– nakasulat ang detalyadong dayalogo ng mga tauhan sa isang dula. Para kay Ricky Lee ang isang epektibong script ay iyong bumubuhay sa imahinasyon at dumadausdos sa kaibuturan ng kaniyang mambabasa, manonood at maging ng gaganap nito. Nakalagay rin sa mga iskrip ng dula ang mga teknikal na kailanganin at kahingian ng isang dula.


  2. Banghay– pagkasunod-sunod ng mga pangyayari


  3. Gumaganap/Karakter o Aktor– Ang nagbibigay buhay sa mga tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas ng diyalogo; sila ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa dula; ang nagsasabuhay sa iskrip ng dula.


  4. Tanghalan– anumang lugar na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula. Maaaring entablado, kalye at iba pa.


  5. Direktor –Nagbibigay ng pagpapakahulugan sa iskrip. Ito rin ang nagpapasya sa itsura ng tagpuan, damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan sa iskrip.


  6. Manonood– ang siyang manonood na siyang nagbibigay reaksiyon sa mga damdaming ipinahihiwatig ng isang dula


Mga Pantulong sa Paghahambing

Dalawang-uri ng Paghahambing

Ang dalawang uri ng paghahambing ay magkatulad at di-magkatulad na paghahambing. Ang dalawang uri ng paghahambing na ito ay ginagamit upang ipahayag o ilarawan ang mga bagay na mas madaling maunawaan ng nakikinig o mambabasa sapagkat maaaring kilala niya ang isa sa mga bagay na inihahambing. Maaaring paghambingin ang mga tao, hayop, halaman, lugar o ideya.

Paghahambing na Magkatulad

Ang paghahambing na magkatulad ay paghahambing sa dalawang bagay na may parehong katangian, anyo o katayuan. Halimbawa ng inihahambing na magkakatulad ay mga kambal o mga pare-parehong lugar na maunlad. May mga panandang ginagamit sa paghahambing na magkatulad gaya ng mga sumusunod na halimbawa.

  • Magkasintangos ang ilong ng kambal na sina Maria at Marita.
  • Kawangis ng bulaklak na sampaguita ang hinhin at yumi ni Isabel.
  • Sintangkad ng aming pintuan ang tatay ni Emman.

Paghahambing na Di- magkatulad

Ang paghahambing na di-magkatulad ay paghahambing sa dalawang bagay na may iba’t ibang katangian, anyo o katayuan. Maaari ring ihambing na di-magkatulad ang kambal na may iba’t ibang katangian o anyo. May mga pananda ring ginagamit sa paghahambing na di-magkatulad gaya ng mga sumusunod na halimbawa.

  • Di hamak na mas matatalino ang mga batang kumakain ng gulay kaysa mga batang pihikan sa pagkain.
  • Hindi gaanong matamis ang niluto mong keyk ngayon kumpara sa keyk na ginawa mo kahapon.
  • Napakalambing umawit ni Mericris di katulad ng kanyang kapatid na parang laging galit pag kumakanta. Rakista kasi ang kapatid ni Mericris.
  • Mas matangos ang ilong ni Maria kaysa ilong ng kakambal niyang si Marta.

Ang Mga Pang-ugnay

Ang mga pang-ugnay ay mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa pangungusap, maaaring salita, dalawang parirala o ng dalawang sugnay.

Uri ng mga Pang-ugnay (Connectives)

A. Pangatnig (conjunction) – mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay na pinagsunod-sunod sa pangungusap.

Mga Uri ng Pangatnig:

  1. Pamukod – ginagamit upang itangi ang isa sa isa pang bagay gaya ng o, ni, maging at man.
    Halimbawa: Batid ko ang pagkapanalo ng ating grupo kung si Josephine man ang piniling lider natin.
  2. Paninsay o pasalungat – ginagamit kung nagsasaaad ng pagsalungat gaya ng: ngunit, datapwat, subalit, samantala, kahit.
    Halimbawa: Maganda nga si Marie ngunit suplada naman.
  3. Panubali o Panlinaw – nagsasaaad ng panubali o pasakali, gaya ng: kung, kapag, pag, sakali, sana.
    Halimbawa: Hindi tayo makapamasyal kapag hindi makauwi ng maaga ang nanay.
  4. Pananhi – tumutugon sa tanong na bakit, nagsasaaad ng kadakilaan, nagbibigay ito ng dahilan o katuwiran para sa pagkaganap ng kilos, gaya ng: dahil sa, sanhi sa, sapagkat, mangyari.
    Halimbawa: Namaos si Jane dahil sa matagal na pagtatalumpati.

B. Pang-angkop (ligature) – mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan.

  1. Pang-angkop na na– ito ay iniaangkop sa mga salitang nagtatapos sa katinig tulad ng b, k, p, at iba pa.
    Halimbawa:

    • kapatid na babae
    • masarap na pagkain
    • matatag na kinabukasan
    • marangal na pag-uugali
  2. Pang-angkop na ng– ito ay ginagamit kapag ang kaangkupan ay nagtatapos sa patinig. Ikakabit ito sa unang salita.
    Halimbawa:

    • babaeng kapatid
    • bagong bayani
    • mabuting anak
    • pag-uugaling marangal
  3. Pang-angkop na g– ito ay ikakabit sa mga salitang nagtatapos sa titik n sa magkasunod na salitang naglalarawan at inilalarawan.
    Halimbawa:

    • butihin manugang – butihing manugang
    • bayan magiliw – bayang magiliw
    • maalinsangan lugar- maalinsangang lugar

A. Pang-ukol– (Preposition sa wikang Ingles) ay kataga o salitang nag-uugnay sa pangngalan o panghalip sa ibang salita sa pangungusap.

Iba’t ibang Pang-ukol:

ni/nina kay/kina, laban sa/kay ayon sa / kay para sa/kay ukol sa/kay tungkol sa/kay hinggil sa/kay alinsunod sa kay ng

Pagyamanin

Kumusta? Siksik-liglig na ba ang iyong kaalaman? Ngayon, muling balikan ang dulang “Munting Pagsinta”. Handa ka na bang gawin ito?

Sige, maaari mo nang simulan.

Gawain 1: Pagyamanin Mo!

Panuto: Tukuyin kung anong bahagi ng dula ang nakapaloob sa sumusunod na pahayag: Hanapin mula sa kahon ang inyong kasagutan.

Tauhan Eksena Yugto Tagpo

_____ 1. Ito ay ang paglabas at pagpasok ng kung sinong tauhang gumanap o gaganap sa eksena. _____ 2. Maaaring magbadya ng pagbabago ng tagpuan ayon sa kung saan gaganapin ang susunod na pangyayari. _____ 3. Ito ang paghahati sa dula, kung baga sa nobela ito ay kabanata. _____ 4. Lumabas si Amelia, umiiyak habang hinahaplos ang tangan tangan na alaga. _____ 5. Sa isang dipang lugar nakatirik ang isang napakalaking krus.

Gawain 2.a. Bubble Map

Panuto: Gamit ang bubble map, kilalanin mga bahagi ng dula ayon sa mga detalyeng naglalarawan sa bawat bahagi na nakapaloob sa dulang “Munting Pagsinta“.

[chart: bubble map; Gawain 2.a. Bubble Map]

  • Center bubble: Bahagi ng Dula
  • Left bubble: . Sa makipot na piitan / . Sa maliit na dampa / . Sa ilog
  • Upper-right bubble: . pag-uusap ng mag-amang Yusegei at Temujin / . pag-uusap ni Borte at Temujin / . nakita nina Temujin at Borte si Yesugei
  • Bottom bubble: . pagtatapos ng pag-uusap ng mag-ama / . matapos na magkasundo na magpakasal / . paghingi ng pahintulot ni Temujin na si Borte ang pakasalan
Gawain 2.b Ibahagi Ko ang Natutunan Ko

Panuto: Magbanggit ng dalawang dulang nabasa o napanood at paghambingin ang mga elemento nito sa tulong ng mga pang-ugnay. Isulat ang inyong sagot sa tsart ng paghahambing.

TSART NG PAGHAHAMBING

ELEMENTO NG DULAPAGHAHAMBING (iba pang nabasa o napanood na dula): Pamagat ng DulaPAGHAHAMBING (iba pang nabasa o napanood na dula): Pamagat ng Dula
Iskrip
Aktor
Tanghalan
Direktor
Manonood
Isaisip
ISIP…ISIP…

Ang buhay ay tulad ng isang dula ikaw ang direktor, artista at scriptwriter at nakadepende ito kung paano mo idederehe ang dula ng sarili mong buhay.

Kung bibigyan ka ng pagkakataong maging dula ang kuwento ng iyong buhay tungkol saan ito? Bakit mo ito napili? Isulat ang sagot sa kwaderno.

Isagawa

Sa bahaging ito, gusto kong malaman kung gaano kahusay ang iyong antas ng pagkatuto at pag-unawa upang makamit ang layunin sa natutuhang aralin.

Dito mo mapapatunayan kaibigan kung talagang naunawaan mong mabuti ang ating talakayan at mga gawain. Gamitin ang iyong kaalaman sa gawaing ito at ibahagi ang kahalagahan nito sa iyong buhay.

Gawain 3

Panuto: Bilang isang mabuting anak sumulat ng iskrip ng dula na naglalarawan kung paano ka makatutulong sa mga gawaing bahay. Salungguhitan ang mga ginamit na pang-ugnay. Isulat ito sa isang buong bondpaper at gamiting gabay ang rubriks na ito sa pagmamarka ng iyong awtput.

PamantayanDi – Pangkaraniwan 4Kahanga – hanga 3Katanggap – tanggap 2Pagtatangka 1
PaksaTumpak at mapanghamonMay kaugnayan sa paksaMay kaunting kaugnayanWalang kaugnayan
PagkamalikhainNapakamalikhain at napakahusay ang paggamit ng sangkap ng iskripMalikhain ngunit kulang sa mga sangkap ng iskrip, gaya ng dayalogo, tauhan, sulyap sa suliranin, tagpuan, at iba pa.May kakulangan sa mga sangkap ng iskrip gaya ng dayalogo, tauhan, sulyap sa suliranin, tagpuan, at iba pa.Hindi malikhain
Kalidad ng GinawaMakapukaw interes at tumitimo sa isipanMakatawag pansinPansinin ngunit di- makapukaw interesDi – pansinin, di – makapukaw interes.
KalinisanMaganda, malinis at kahanga- hanga ang pagkagawaMalinisGinawa nang mabilisan ngunit malinisMinadali ang pagbuo at marumi
Takdang OrasNakapagsumite nang maagaNakapagsumite sa takdang orasNakapagsumite ngunit hindi sa takdang orasHigit sa isang linggo ang kahulihan
Iskala ng Pagmamarka: 16-20 – Di – pangkaraniwan
11-15 – Kahanga – hanga
6-10 – Katanggap – tanggap
1-5 – Pagtatangka

Tayahin

Bravo! Talagang pinaghusayan mo…

Sa bahaging ito, ating tatayahin ang iyong nalalaman mula sa modyul na ito.

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

  1. Paano mo maihahambing si Temujin sa dulang Munting Pagsinta kay Manuel sa dulang “Dahil sa Anak” batay sa pangyayari sa dula?

    • A. Mas magalang si Temujin kaysa kay Manuel.
    • B. Si Manuel ay mas pasaway kaysa kay Temujin.
    • C. Si Temujin ay mas matapang kaysa kay Manuel.
    • D. Sina Temujin at Manuel ay parehong masunurin.
  2. Paano mo ihahambing ang tanghalan ng dalawang dula?

    • A. Parehong maaliwalas ang tanghalan ng dalawang dula.
    • B. Mas magara ang tanghalan ng dulang Dahil sa Anak kaysa sa Munting Pagsinta.
    • C. Mas malawak ang tanghalan ng dulang Munting Pagsinta kaysa sa dulang Dahil sa Anak
    • D. Ang tanghalan ng dulang Munting Pagsinta ay mas makulay kaysa sa dulang Dahil sa Anak.
  3. Paano mo ihahambing ang mga pangyayari sa dalawang dula?

    • A. Higit na masalimuot ang mga eksena sa dulang Munting Pagsinta.
    • B. Magkakatulad ang dinanas na pagsubok ng mga pangunahing tauhan.
    • C. Magkaiba ang paraan ng paglutas ng suliranin ng mga pangunahing tauhan sa dula
    • D. Higit na nakakaaliw ang simula ng dulang Dahil sa Anak kaysa sa Munting Pagsinta.
  4. Alin sa dalawang dula ang sa tingin mong higit na angkop panoorin ng mga batang manonood?

    • A. Ang Munting Pagsinta dahil mas marami ang mga aktor na gumaganap.
    • B. Ang Dahil sa Anak, dahil ang mga eksena ay nangyayari sa totoong buhay.
    • C. Ang Dahil sa Anak, dahil maayos ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari nito.
    • D. Ang Munting Pagsinta, dahil higit na maayos ang pakikitungo ng anak sa kanyang ama.

5 – 6. Panuto: Suriin ang dayalogo at tukuyin kung anong bahagi ito ng dula

  1. Pag-uusap nina Borte at Temüjin:

    Borte: “Anong mayroon sa akin, bakit ako ang pinili mo?”

    Temujin: “Di ko rin alam. Ang tanging alam ko lamang ay ito ang ibinigay ng pagkakataon sa akin. Ikaw ang aking nakita. Kaya naman pagbigyan mo na ako. Hindi naman ibig sabihin na pumayag ka ay pakakasal na tayo.”

    • A. Tagpo
    • B. Yugto
    • C. Banghay
    • D. Eksena
  2. Yesügei: “Ganang desidido ka na, sino ba ako para di-sumang-ayon sa iyong kagustuhan. Ang iyong buhay naman ang nakataya rito” (Matiim na titingnan si Borte) “Okay lang ba sa iyo?”

    Borte: “Opo!”

    Yesügei: “Kung gayon halina kayong dalawa at kausapin natin ang mga magulang mo Borte.”

    Matapos makipagsundo sa mga magulang ni Borte, ang mag-ama ay naglakbay pauwi sa kanilang dampa sa malayong nayon ng Mongolia.

    • A. Tagpo
    • B. Yugto
    • C. Banghay
    • D. Eksena
  3. Ano ang tawag sa katumbas ng “salaysay” o pagsasaayos ng dula ng mandudula o “playwright”?

    • A. banghay
    • B. paksa
    • C. kilos
    • D. tanghal
  4. Ano ang tawag sa pinakaluluwa ng isang dula?

    • A. tauhan
    • B. iskrip
    • C. manonood
    • D. entablado

9 – 10. Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag at tukuyin kung ano ang kataga o salitang pang-ugnay ang angkop gamitin sa sumusunod na pahayag.

  1. Matalino si Anthoneth ________ siya ay sakitin.

    • A. ngunit
    • B. tungkol sa
    • C. ayon sa
    • D. pati
  2. Masipag ____ bata si Mariel lalo na sa mga gawaing bahay.

    • A. ng
    • B. na
    • C. –g
    • D. at

Karagdagang Gawain

Binabati kita dahil nakaabot ka hanggang dulo, kaibigan! Ibig sabihin matagumpay mong nasagutan at nalagpasan ang mga pagsubok na aking inihanda para sa iyong makabuluhang pagkatuto. Narito na ang huling pagsubok na ibibigay ko sa iyo, handa ka na ba?!

Pagbuo ng Dula
Sumulat Na!

Panuto: Sumulat ng isang maikling dula tungkol sa karaniwang buhay ng isang tao sa ilang bansa sa Asya. Tiyaking nakapaloob ang bawat bahagi ng dula, elemento at katangian nito.

(Pamagat)____


[transcriber’s note: the page has about 18 ruled writing lines below the title, shown here as one line]

Pamantayan sa Pagsulat ng Dula

PamantayanDi – Pangkaraniwan 5Kahanga – hanga 4Katanggap – tanggap 3
Paggawa sa IskripTumpak at maayos ang pagkasunod-sunod na pangyayariDi masyadong maayos ang pagkasunod-sunod na pangyayariMay kaunting kamalian sa pagkasunod-sunod na pangyayari
Pagpapahalagang AsyanoNapakamalikhain at napakahusay ang paglalahad sa pagpapahalagang AsyanoMalikhain ngunit kulang sa mga sangkap sa paglalahad ng pagpapahalagang AsyanoMay kakulangan sa mga sangkap sa paglalahad ng pagpapahalagang Asyano
Kabuoang PagkabuoMakapukaw interes at maganda ang pagkakabuoMakatawag pansin at may maayos na pagkakabuoPansinin ngunit di-makapukaw interes at di masyadong maayos ang pagkakabuo
Iskala ng Pagmamarka: 10-15 – Di – pangkaraniwan 7-9 – Kahanga – hanga 1-6 – Katanggap – tanggap

Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: this page is printed rotated 180 degrees; the text is transcribed in its upright reading order]

Subukin
  1. d
  2. d
  3. c
  4. d
  5. a
  6. c
  7. b
  8. a
  9. b
  10. a
Tayahin
  1. A
  2. B
  3. C
  4. D
  5. B
  6. D
  7. A
  8. B
  9. A
  10. B
Isaisip

Nakadepende sa sagot ng mga mag-aaral

Pagyamanin
  1. Tagpo
  2. Eksena
  3. Yugto
  4. Eksena
  5. Tagpo

Nakadepende sa sagot ng mga mag-aaral

Isaisip

PAGYAMANIN Isaisip

Bubble Map

Tagpo

Eksena

Yugto

Ibahagi ko ang natutunan ko

Nakadepende sa mag-aaral ang sagot

Sanggunian

Peralta, Romulo, et al. Ang panitikang Asyano-Filipino: Modyul ng mag-aaral sa Filipino. Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2014.

Largo, Rowena C, et al. Hinirang: Wika at Panitikang Filipino sa Makabagong Panahon. Quezon City. Intelligente Publishing Inc. 2019.

Lee, Ricky. Trip to Quiapo. Quezon City. Philippine Writers Studio Foundation, Inc.1998.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district