Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalamanng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Ang modyul na ito ay inihanda at dinisenyo para sa paglinang ng iyong kakayahan sa pagbasa at pag-unawa. Huwag kang magdalawang isip na gamitin ang pagkakataong ito na mapaunlad ang iyong mga kakayahang maipaliliwanag ang bisa ng nabasang akda sa iyong sariling kaisipan at damdamin. Sa dulo ng karanasang ito ay makakamit mo ang kakayahang nabanggit sa ibaba:
- naipapahayag ang damdamin sa napakinggang akda.
Pansinin mo ito. Ano kaya ang mararamdaman mo o kaya ay maiisip mo tungkol sa mga pahayag na ito?
- Marami ang may sabi na unti-unti nang nawawala ang kagandahang asal ng mga kabataan ngayon.
- Ang social media ay tambakan ng parehong basura at ginto.
May epekto ba ang mga pahayag na ito sa iyo?