This is the Filipino 8 self-learning module for the first quarter (Unang Markahan), Modyul 2: “Matatalinghagang Pahayag at Eupemistiko o Masining na Pahayag” (figurative expressions and euphemistic or artful expressions). It is a Grade 8 Alternative Delivery Mode module prepared by DepEd Region Caraga (first edition, 2020) for learners studying at home. After working through it, learners should be able to explain the meaning of figurative and euphemistic expressions in poems and other literary works, using synonyms and antonyms.
On this page 7 sections
What learners will learn
The module targets this competency: learners explain the meaning of figurative, euphemistic, or artful expressions in poems, balagtasan (poetic debates), legends or short stories, and epics, using words with similar and opposite meanings (F8PT-Ia-c-19).
Its specific objectives are to:
- Explain the meaning of figurative, euphemistic, or artful expressions in a poem.
- Identify figurative expressions in selected parts of literary works.
- Identify the synonym and antonym of a word.
- Give a euphemistic expression for a vulgar or harsh word.
- Research the figurative expressions that parents and elders commonly used when giving advice in their time.
Lesson in this module
The module has one lesson, Aralin 2: “Pagbibigay-kahulugan sa mga Talinghaga, Eupemistiko o Masining na mga Pahayag” (explaining figurative, euphemistic, or artful expressions). It builds on Module 1, which covered karunungang-bayan (Filipino folk wisdom such as proverbs and sayings).
The lesson uses these literary works:
- Selected stanzas of the poem “Sa Aking mga Kabata” by Dr. Jose Rizal (in the pretest)
- The poem “Ang Guryon” (The Kite) by Ildefonso Santos, in which a parent compares life to a kite
- Short excerpts from “Alamat ng Pinya,” “Ang Dila ng Tao” by Jose Corazon de Jesus, and “Republikang Basahan” by Teodoro Agoncillo
Key ideas: figurative expressions
The module explains that Filipino culture values good relationships with family and others. Since early times, Filipinos have used figurative or euphemistic words to advise people and correct their behavior without hurting their feelings.
Matatalinghagang pahayag (figurative expressions) are expressions whose real meaning is not stated directly. They often compare things in a way that sharpens the reader’s senses. The module’s examples:
- Magdilang-anghel (to have an angel’s tongue): angels deliver true messages, so when someone “magdilang-anghel,” what they said comes true.
- Di-mag-aso ang kalan (the stove does not smoke): wood stoves smoke when cooking, so this describes a poor family with no food to cook.
- Buwaya sa katihan (crocodile on dry land): describes a greedy person, especially a lender who charges high interest even to people in need.
In “Ang Guryon,” phrases such as “lagutin ng hanging malakas” (snapped by strong wind) and “sa lupa’y sumubsob” (to fall face-first to the ground) are examples of figurative expressions about life’s trials.
Key ideas: euphemistic expressions
Eupemismo (euphemism) means choosing pleasant words or expressions to respect other people’s feelings. The module notes that the level of language depends on the topic, the people talking, and the place.
Euphemisms can speak about something painful indirectly. For death, the module gives:
- Sumakabilang buhay na siya. (He or she has gone to the other life.)
- Kapiling na siya ng Panginoon. (He or she is now with the Lord.)
- Tapos na ang kanyang paghihirap. (His or her suffering is over.)
They can also make a statement sound softer, such as asking “Hindi ba kayo nagugutom?” (Aren’t you hungry?) instead of saying “Gutom na gutom na ako” (I am very hungry).
Gentler words for describing people:
| Direct word | Gentler expression |
|---|---|
| bulag/duling (blind/cross-eyed) | walang paningin |
| bingi (deaf) | mahina ang pandinig |
| pilay (lame) | nahihirapang lumakad |
| mataba (fat) | medyo malusog |
| pandak (short) | may kaliitan |
| pangit (ugly) | di-gaanong maganda |
The module also reminds learners that sawikain (idioms) work as euphemistic and idiomatic expressions because they can hide painful, vulgar, or indecent words.
How to use this module
The module follows the usual self-learning module parts:
- Alamin: read the objectives.
- Subukin: pretest on the Rizal poem; explain five underlined expressions.
- Balikan: review of Module 1 by matching proverbs and sayings to situations.
- Tuklasin: read “Ang Guryon” and answer five questions.
- Suriin: the lesson discussion on figurative and euphemistic expressions.
- Pagyamanin: find and explain figurative expressions in excerpts, and match euphemisms with their opposites.
- Isaisip: fill in the blanks to sum up the lesson.
- Isagawa: ask an elder about expressions used in advice, then complete a paragraph about the pandemic using euphemisms.
- Tayahin: final test on synonyms and antonyms of expressions.
- Karagdagang Gawain: give euphemisms for vulgar words.
For learners: Write all answers on a separate sheet of paper and do not write on the module. Check your work honestly with the answer key (Susi sa Pagwawasto); the module tells you to get it from your teacher.
For parents: Help your child with the Isagawa task by sharing figurative sayings your own parents used when giving advice.
For teachers: The answer key is at the end of the module, and the module asks learners to contact you if they have trouble understanding the lesson.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this Filipino module for?
It is for Grade 8 Filipino, first quarter (Unang Markahan), Module 2.
What is the competency code of this module?
The module lists F8PT-Ia-c-19: explaining the meaning of figurative, euphemistic, or artful expressions in literary works using synonyms and antonyms.
What is the difference between matatalinghagang pahayag and eupemismo?
Matatalinghagang pahayag are figurative expressions that do not state their meaning directly, such as buwaya sa katihan for a greedy person. Eupemismo is the use of pleasant words to avoid hurting feelings, such as sumakabilang buhay instead of saying someone died.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end of the module has answers for the pretest, activities, and final test.
What poems are used in this module?
It uses stanzas from Sa Aking mga Kabata by Dr. Jose Rizal and the poem Ang Guryon by Ildefonso Santos.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Filipino Unang Markahan – Modyul 2: Matatalinghagang Pahayag at Eupemistiko o Masining na Pahayag
[illustration: students and a teacher at a desk, a student reading under a tree, a student with a lantern, and a globe]
CO_ Q1_Filipino 8_Module 2
Diagonal stamp text: PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI
Filipino – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 2: Matatalinghagang Pahayag at Eupemistiko o Masining na Pahayag Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa aklat na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat : Felma R. Alanzado at Mildred I. Alejandrino Editor : Maria Consuelo C. Jamera, Dores P. Claro, Jeriel B. Caracol Tagasuri : Jessie C. Torreon, Jocelyn P. Abellano, Noviemar T. Maur, Donna May D. Pinguit, Kristy Joyce E. Anino, Japheth K. Salar Tagaguhit : Swelyn E. Forro, Sarreyl Felijude C. Balanghig Tagalapat : Felma R. Alanzado at Mildred I. Alejandrino Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas, Isidro M. Biol Jr., Maripaz F. Magno, Josephine Chonie M. Obseñares, Gilda G. Berte, Antonieta O. Narra, Feldrid P. Suan, Victoria B. Pabia, Jessie C. Torreon, Dores P. Claro
Inilimbag sa Pilipinas ng _____________________
Department of Education – Rehiyon ng Caraga
Office Address: Learning Resource Management Section (LRMS) Teacher Development Center, J. Rosales Avenue, Butuan City, Philippines 8600 Telefax: (085)342-8207 /(085)342-5969 E-mail Address: caraga@deped.gov.ph
Filipino
Unang Markahan – Modyul 2: Matatalinghagang Pahayag at Eupemistiko o Masining na Pahayag
8
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
[illustration: female teacher character pointing, with a speech bubble]
Magandang araw mag-aaral! Kumusta ka sa araw na ito? Mabuti naman at nasa maayos kang kalagayan. Muli, sasamahan kita sa paglalakbay na ito. Binabati kita dahil nakarating ka na sa bahaging ito.
Matapos mong matuklasan ang mga karunungang-bayan ng ating lahi. Pag-uusapan naman natin ang mga eupemistikong pahayag. Alam mo ba na ito ay mahalaga sa pagpapaliwanag sa araw-araw dahil sa pamamagitan nito maipahahayag mo ang mga kaisipan, pananaw, at kuro-kuro na maiiwasan ang hindi pagkakaunawaan. Kaya’t pagbutihan mo hanggang matapos. Handa ka na bang tuklasin ang mga ito?
Sigurado akong gustong- gusto mo nang magsuri ng mga ito.
Kaya, simulan mo na! Ngunit bago ang lahat tukoyin muna natin ang mga inaasahan sa iyo sa pagtatapos ng modyul na ito.
Sa pagtatapos ng ating paglalakbay, inaasahan na ikaw ay:
- Nabibigyang-kahulugan mo ang mga talinghaga, eupemistiko o masining na pahayag sa mga tula, balagtasan, alamat/ maikling kuwento, epiko ayon sa mga kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan. F8PT-Ia-c-19
Mga tiyak na layunin:
- Nabibigyang kahulugan ang talinghaga, eupemistiko o mainsing na pahayag sa tula;
- Natutukoy ang mga matatalinghagang pahayag sa mga piling bahagi ng akda;
- Matukoy ang kasingkahulugan at kasalungat ng salita;
- Maibigay ang eupemistikong pahayag sa mga salitang bulgar;
- Makapagsaliksik tungkol sa kadalasang matatalinghang salita na ginamit sa pagpayo o pangaral ng kanilang mga magulang sa kanilang panahon.
Subukin
[illustration: female teacher character gesturing, with a speech bubble]
Huwag kang mag-alala mahal kong mag-aaral. Panimulang pagsubok lamang ito. Layunin nito na subukin kung kailangan mo pa ang modyul na ito o ikaw’y magpapatuloy na sa susunod.
Panuto: Basahin ang kasunod na mga piling saknong ng tulang Sa Aking mga Kabata ni Dr. Jose Rizal at pansinin ang mga talinghaga, eupemistiko o masining na pahayag na ginamit at pagkatapos ay bigyan ito ng kahulugan. Tandaang gumamit ng hiwalay na sagutang papel.
Saknong 1: Kapagka ang baya’y sadyang umiibig, Sa kanyang salitang kaloob ng langit. Sanlang kalayaan nasa ring masapit, Katulad ng ibong nasa himpapawid.
Saknong 3: Ang hindi magmahal sa kanyang salita Mahigit sa hayop at malansang isda Kaya ang marapat pagyamaning kusa Na tulad sa inang tunay na nagpala.
Saknong 5: Ang salita nati’y tulad din sa iba Na may alfabeto at sariling letra, Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa Ang lunday sa lawa noong dakong una.
[transcriber’s note: in the original, the phrases “salitang kaloob ng langit”, “ibong nasa himpapawid”, “mahigit sa hayop at malansang isda”, “pagyamaning kusa”, and “dinatnan ng sigwa” are underlined within the stanzas]
| Bilang ng Saknong | Matalinghagang salita/mga salita | Kahulugan |
|---|---|---|
| Saknong 1 | …salitang kaloob ng langit | |
| Saknong 1 | …ibong nasa himpapawid | |
| Saknong 3 | …mahigit sa hayop at malansang isda | |
| Saknong 3 | …pagyamaning kusa | |
| Saknong 5 | …dinatnan ng sigwa |
Nabigyang-kahulugan mo ba ang mga ginamit na talinghagang salita o mga salita sa tula? Kung hindi, kailangan mong pag-aralan ang modyul na ito. Ngunit, kailangan muna nating balikan ang naunang aralin upang sukatin ang natutuhan mo.
Aralin 2: Pagbibigay-kahulugan sa mga Talinghaga, Eupemistiko o Masining na mga Pahayag
Kumusta? Nasagutan mo ba nang maayos ang paunang pagsubok? Magaling!
Sa nakaraang modyul, nalaman mo na ang karunungang-bayan ay isang uri ng panitikang Pilipino na nagpapamalas ng talas at tayog ng kaisipan ng ating mga ninuno. Sa modyul naman na ito ay sisisirin natin ang mundo ng mga matatalinghagang salita para sa mas malinang sa iyo ang kasanayan sa pagpapakahulugan sa mga ito.
[illustration: female teacher character gesturing, with a speech bubble]
Balikan
[illustration: puzzle-piece hands icon]
Panuto: Gamit ang iyong natutuhan sa naunang aralin, iugnay ang mga karunungang-bayan na nasa HANAY A sa angkop na sitwasyon na nasa HANAY B. Isulat ang titik ng iyong sagot sa sagutang papel.
| HANAY A | HANAY B |
|---|---|
| 1. Matibay ang walis, palibhasa’y nabibigkis. | A. May magandang resulta ang pinagsisikapan ni Andrea dahil lubusan niyang ipinagdasal ito sa Maykapal. |
| 2. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. | B. Nabisto ang pagpapanggap ni Mario na siya ay maysakit. |
| 3. nagsusunog ng kilay | C. Madaling nalutas ang problema ng pamilya ni Jose dahil nagtutulungan ang bawat isa. |
| 4. basa ang papel | D. Dahil may pasulit si Keisha sa Lunes, kailangan niyang mag-aral nang mabuti. |
Tuklasin
[illustration: female teacher character gesturing, with a speech bubble]
Nahanap mo ba ang kaugnay na pangyayari sa kaisipang hatid ng salawikain, kasabihan at kawikaan kaibigan? Kunin mo ang susi ng Pagwawasto sa iyong guro. Iwasto nang maayos at tapat. Ilan ang nakuha mong tama? Kung nasagot mo ng tama ang 3 o 4 sa lima. Magaling. Binabati kita. Maaari ka nang magpatuloy sa susunod na aralin.
[illustration: hand holding a plant sprout icon]
Basahin mo ang tulang sinulat ni Ildefonso Santos na pinamagatang “Ang Guryon”, Pagkatapos, sagutin mo ang sumusunod na mga tanong.
Ang Guryon ni Ildefonso Santos
Tanggapin mo anak, itong munting guryon Na yari sa patpat at “papel de Hapon” Magandang laruan pula, puti, asul Na may pangalan mong sa gitna naroon.
Ang hiling ko lamang, bago paliparin, Ang guryon mong ito ay pakatimbangin; Ang solo’t paulo’y sukating magaling Nang hindi mag-ikit o kaya’y magkiling.
Saka, ‘pag umihip ang hangin, ilabas At sa papawiri’y bayaang lumipad; Datapwa’t ang pisi’y tibayan mo, anak, At baka lagutin ng hanging malakas.
[transcriber’s note: in the original, “bayaang lumipad” and “lagutin ng hanging malakas” are underlined]
Ibigin ma’t hindi, balang araw, ikaw
Ay mapapabuyong makipagdagitan;
Makipaglaban ka, subalit tandaan
Na ang nagwawagi’y ang pusong marangal.
At kung ang guryon mo’y sakaling madaig
Matangay ng iba o kaya’y mapatid;
Kung saka-sakaling di na mapabalik
Maawaing kamay nawa ang magkamit!
Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,
Dagiti’y dumagit saan man sumuot…
O, paliparinmo’t ihalik sa Diyos,
Bago pa tuluyang sa lupa’y sumubsob!
[transcriber’s note: the phrases “ihalik sa Diyos” and “sa lupa’y sumubsob” are underlined in the original]
Ano ang kahulugan ng salitang guryon?
- A. damit
- B. eroplanong papel
- C. laruan
- D. saranggola
Sino ang nagsasalita sa tula?
- A. ama
- B. kaibigan
- C. kapatid
- D. kapitbahay
Ano ang ipinahiwatig ng ikalawang saknong?
- A. Makipaglaban ka hanggang sa ikaw ay magwagi.
- B. Hayaan ang pagsubok na dumating sa buhay ng tao.
- C. Magsanay at magsikap upang maging handa sa mga pagsubok na darating sa ating buhay.
- D. Kung ikaw ay mabigo sa buhay, matutong tumayo at lumaban kahit anumang mangyari sa buhay.
Paano inihambing ng akda ang guryon sa buhay ng tao?
- A. Tulad ng guryon, ang buhay ng tao ay puno ng kasiyahan lalo na kung kasama ang buong pamilya.
- B. Tulad ng guryon, ang buhay ng tao ay puro problema ang kinakaharap mula ng isinilang hanggang mamatay.
- C. Tulad ng guryon, ang buhay ng tao ay dumaan sa pagbabalanse ng mga dapat gawin upang maging matatag sa pagsubok na darating.
- D. Tulad ng guryon, ang tao ay mahina at madaling matangay sa problemang kinakaharap kaya nabibigo sa alinmang tinatahak.
Ano ang tawag sa mga salitang nakasalungguhit sa tula?
- A. Mabulaklak na Pahayag
- B. Mahihirap na Pahayag
- C. Malalalim na Pahayag
- D. Matalinghagang Pahayag
Suriin
Ang araling ito ay nakapokus sa mga salita/mga salitang nakasalungguhit sa tula. Ano-ano kaya ang mga ito? Sige, basahin mo ang tungkol dito at nang malaman mo.
Handa ka na bang malaman kung ano ang matatalinghagang salita? Magaling! Alam kong sabik na sabik ka na. May dati ka na bang kaalaman tungkol dito? Mahusay! Kung gayun, tayo na at ating dagdagan ang iyong kaalaman.
Isang katangian ng kulturang Pilipino ang pagpapahalaga ng mabuting pakikitungo at pakikipagrelasyon sa pamilya at sa ating kapwa. Kaya nga, maging noong unang panahon, gumamit sila ng matatalinghaga o eupemistikong salita upang mangaral at maiwasto ang ugali o kilos ng isang nakababata o nakatatanda na hindi nakakasakit ng damdamin.
Matatalinghagang Pahayag
Ang mga matatalinghagang pahayag ay mga pahayag na gumagamit ng mga salita na hindi tuwirang inihahayag ang tunay na kahulugan nito. Karaniwan itong ginagamitan ng paghahambing ng mga bagay na nagpapataaas ng pandama ng mga mambabasa.
Magdilang-anghel
Ang Diyos ay nagsugo ng anghel upang maghatid ng mensahe sa kanyang mga propeta o alagad. Ang anghel ay nagsasabi ng pawang katotohanan at sadyang ang sinabi ay nagaganap o mangyayari. Kaya’t kapag sinabi sa isang tao ang siya’y magdilang-anghel, magkatotoo ang kanyang winika.
di-mag-aso ang kalan
Kung magluluto sa kalan, na noon ay ginagamitan ng kahoy, ang kalan ay nag-aaso o umuusok. Kung mahirap ang buhay ng isang tao, walang mailulutong pagkain ang pahayag ay di-mag-aso ang kalan.
buwaya sa katihan
Ang buwaya ay isang malaki at mapanganib na hayop na maaring kumain ng tao o hayop. Kapag ito’y ginamit upang ilarawan ang isang tao, nangangahulugang siya’y ganid, sakim, matakaw sa salapi at kahit na ang kapwa-tao’y nagigipit ay malaki pa rin ang hinihinging patubo sa pautang. Dahil sa wala ang taong ito sa tubig, angkop ang siya’y tawaging buwaya sa katihan.
Eupemistikong Pagpapahayag
Nauuri ang wika batay sa antas nito ayon sa:
- a. paksa ng usapan
- b. taong sangkot sa usapan
- c. lugar
Mataas ang pandama o sensitibo sa mga pahayag na nagpapahiwatig lamang.
Gumagamit ng talinghaga para di-tuwirang tukuyin ang nais ipahayag na nakatutulong upang lalong mag-isip ang nagsasalita at kinakausap.
Halimbawa:
- Sumakabilang buhay na siya.
- Kapiling na siya ng Panginoon.
- Iniwan na niya tayo.
- Tapos na ang kanyang paghihirap.
- Maligaya na siya sa kabilang buhay.
Para maging mas malambot o mas magaan ang dating ng sasabihin:
Pahayag 1: Gutom na gutom na ako.
Mas magaan: Hindi ba kayo, nagugutom?Pahayag 2: Kumain na ba kayo ng almusal?
Mas magaan: Kumain muna tayo.Para mas mainam pakinggan gamitin ang sumusunod:
bulag/ duling- walang paningin
bingi- mahina ang pandinig
pilay- nahihirapang lumakad
mataba- medyo malusog
pandak- may kaliitan
pangit- di-gaanong maganda
Eupemismo
Umiisip ng magagandang salita o pahayag na kilala sa tawag na eupemismo ang mga Pilipino. Ang paggamit ng magagandang pahayag ay naglalayong pahalagahan ang damdamin ng iba.
Ngayong tapos mo nang basahin, kung iyong babalikan ang naunang modyul, iyong natutuhan na ang sawikain ay mga salitang eupemismo, patayutay at idyomatiko. Ginagamit din ang idyomatikong ekspresyon dahil ang mga ganitong pahayag ay nakatatago rin ng masakit, bulgar at mahahalay na salita.
Malinaw na ba sa iyo ang Eupemistikong Pagpapahayag? Kung gayon, ipagpatuloy mo ang ating gawain.
Pagyamanin
A. Panuto: Hanapin mo ang mga matatalinghagang pahayag sa mga piling bahagi ng akda sa bawat bilang. Itala sa talahanayan at bigyan ng kahulugan. Pansinin ang halimbawa kung paano ito sasagutin.
Pagkaraan ng ilang araw ay magaling-galing na si Aling Rosa. Hinanap niya si Pinang. Tinanong niya ang mga kapitbahay kung nakita nila ang kanyang anak ngunit naglahong parang bula si Pinang.
Alamat ng Pinya/Pinoycollection.comOh, dila ng taong ang bulong ay sigaw,
Espada ng bibig na nakamamatay.
Ang dila ng Tao ni Jose Crorazan de Jesus. Hiyas ng Diwa. 2007Bawat hakbang na gawin mo sa Templo ng Kalayaan,
Ay hakbang na papalapit sa bunganga ng libingan.
Republikang Basahan ni Teodoro Agoncillo. Hiyas ng Filipino 1997
| Matalinghagang Pahayag | Salitang may nakatagong kahulugan | Tahas na kahulugan ng salita | Kahulugan |
|---|---|---|---|
| Hal. nagdilang-anghel | anghel | tagapaghatid ng totoong mensahe | nagkatotoo ang sinabi. |
| 1. | |||
| 2. | |||
| 3. |
B. Panuto: Ang nasa Hanay A ay mga eupemestikong pahayag. Suriin ang kahulugan at hanapin ang kasalungat nito sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
| Hanay A | Hanay B |
|---|---|
| 1. sumakabilang bahay | A. nakakakita, hindi bulag |
| 2. walang ilaw ang mata | B. malumay magsalita |
| 3. matalim ang dila | C. masunurin |
| 4. matigas ang ulo | D. busog |
| 5. kumukulo ang tiyan | E. tapat sa asawa |
| F. madaldal |
Isaisip
Buoin Mo!
Panuto: Punan ng salita ang patlang upang makabuo ng konsepto batay sa iyong natutuhan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Mahalaga ang mabuting pakikipag-ugnayan sa ating kapwa tao. Kaya sa kulturang Pilipino gumagamit ng mga matatalinghaga o 1. _____ salita upang 2. _____ at maiwasto ang 3. _____ ng isang nakababata o nakatatanda na hindi nakakasakit ng damdamin.
Gumagamit ng mga 4. _____ pahayag na hindi tuwirang inihahayag ang tunay na kahulugan nito. Gumagamit sila ng magagandang salita o pahayag na kilala sa tawag na 5. _____. Ang paggamit ng magagandang pahayag ay naglalayong pahalagahan ang damdamin ng iba.
Nabigyan mo ba ng tamang kahulugan ang mga pahayag kaibigan? Kunin mo ang susi sa pagwawasto. Kung nasagot mo ang gawain. Binabati kita! Maaari ka nang magpatuloy sa susunod na gawain.
Isagawa
Punan Mo!
Panuto: Magtanong ka sa nakakatanda o magsaliksik tungkol sa kadalasang matatalinghang salita na ginamit sa pagpayo o pangaral ng kanilang mga magulang sa kanilang panahon. Itala ito sa talahanayan at bigyan ng kahulugan.
Malinaw na ba sa iyo ang Eupemistikong Pagpapahayag? Kung gayon, ipagpatuloy mo ang ating gawain.
| Matalinghagang Pahayag | Salitang may nakatagong kahulugan | Tahas na kahulugan ng salita | Kahulugan |
|---|---|---|---|
| Hal. Nagdilang-anghel | Anghel | Tagapaghatid ng totoong mensahe | Nagkatotoo ang sinabi. |
| 1. | |||
| 2. | |||
| 3. |
Panuto: Basahin mo ang talata at punan ang patlang upang buoin ang kaisipan nito. Pumili ng angkop na eupemistikong pahayag mula sa kahon sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na sagutang papel.
Nasagot mo na bang lahat mahal kong mag-aaral? Iwasto ito gamit ang susi ng pagwawasto. Kung nakuha mo ang mataas na marka, binabati kita. Isa lang ang ibig sabihin nito, naunawaan mong mabuti ang tekstong iyong binasa. Puwede ka nang magpatuloy sa susunod na gawain. Kung hindi naman, huwag kang mag-alala. Balikan mong muli ang teksto at hanapin ang bahaging sumasagot sa tanong.
- lumulusog
- bukas ang palad
- butas na ang bulsa
- sumakabilang buhay
- naghihikahos sa buhay
“Manatili sa bahay. Magliligtas ito ng buhay.”
Ang linyang ito ay karaniwan nating naririnig sa radyo, telebisyon at nababasa rin maging sa mga pahayagan ngayong panahon ng pandemya. Ito ay mungkahi ng Department of Health at ng ating pamahalaan.
Marami-rami na nga ang (1.) _____ kaya’t hindi dapat ito isawalang-bahala. Hindi naman nagkulang sa pagpapaalala sa atin ang ating pamahalaan sa posibleng pagkalat ng sakit. Kaya naman dapat tayong sumunod sa batas. Mahalaga pa rin ang ibayong pag-iingat.
Sa kabilang dako naman, nakatutuwa pa rin ang iba’t ibang reaksiyon ng sambayanang Pilipino sa pagtugon sa pandemyang kinahaharap natin ngayon. Ang iba, sinasabing (2.) _____ sila dahil sa ilang buwang pamamalagi sa loob ng bahay. Kahit marami ang (3.) _____, may saya pa rin sa mukha kahit (4.) _____. (5.) _____ naman ang paglilingkod ng ating mga kababayang frontliners upang makatulong sa mga nangangailangan.
Ang mga ito ay nagpapatunay lamang na tayong mga Pilipino ay likas na masayahin at mapagpasalamat sa kabila ng problemang naranasan natin ngayon. Likas din sa atin ang pagiging matulungin.
Sabi pa nga ng ating pangulo, “Ito ang panahon na maging halimbawa tayo sa nakararami.”
Kumusta? Kung napunan mong lahat ang patlang, binabati kita, mahal kong mag-aaral! Maaari mo nang kunin ang susi ng pagwawasto sa iyong guro.
Narito ka na sa dulo ng modyul. Handa ka na ba sa pangwakas na pagsusulit? Sige, simulan mo na.
Tayahin
Panuto: Tukuyin ang kasingkahulugan ng sumusunod. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
| A. | B. |
|---|---|
| _____ 1. maamong kordero | A. matulungin |
| _____ 2. bukas-palad | B. mahinhin |
| _____ 3. busilak ang puso | C. mabait na tao |
| _____ 4. di-makabasag pinggan | D. tapat, malinis ang kalooban |
| _____ 5. butas ang bulsa | E. magpakasal |
| _____ 6. lumagay sa tahimik | F. walang pera |
Panuto: Tukuyin ang kasalungat na kahulugan ng sumusunod. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
Iba ang tabas ng mukha.
- A. Bilog ang mukha.
- B. Maganda ang mukha.
- C. Mahaba ang mukha.
- D. Makinis ang mukha.
pabalat-bunga
- A. mali
- B. peke
- C. tama
- D. tunay
ibang babae
- A. asawa
- B. kaibigan
- C. kamag-anak
- D. kinakasama
nagbibilang ng poste
- A. maraming poste
- B. may trabaho
- C. nangangarap
- D. walang trabaho
Karagdagang Gawain
[illustration: teacher character gesturing toward a speech bubble]
Wow! Ang galing mo naman! Oh, diba? Sabi ko naman sa’yong kayang-kaya mo ‘yan. Dagdagan pa natin ang iyong kaalaman.
Panuto: Ibigay ang eupemistikong pahayag sa mga salitang bulgar na may guhit na ginamit sa pangungusap.
[transcriber’s note: the target words are underlined in the original; they are marked here with underlining]
Nalasing ang binata sa magdamag na inuman.
A. nalunod sa bote
B. nababad sa bote
C. nadaganan ng bote
D. nasagasaan ng boteSa hindi inaasahan, siya ay nabuntis na wala sa panahon.
A. nagdadalang-tao
B. nagdadalang-poot
C. nagdadalang-habag
D. nagdadala ng buhayHuwag maniwala sa tsismis.
A. kuwentong- tubero
B. kuwentong-barbero
C. kuwentong-bangkero
D. kuwentong- karpenteroMag-ingat sa magnanakaw.
A. mabilis ang kamay
B. manipis ang kamay
C. mabagal ang kamay
D. makapal ang kamayPresinto ang hantungan ng mga taong luko-luko.
A. basag ang pula
B. basag ang tinig
C. basag ang bungo
D. basag ang pinggan
Susi sa Pagwawasto
[illustration: key icon beside the heading]
Modyul 2 – Mga Eupemistikong Pahayag
Subukin
- wika
- kalayaan
- di-katanggap-tanggap
- linangin
- pagsubok
Balikan
- C
- A
- D
- B
Tuklasin
- D
- A
- C
- C
- D
Pagyamanin
A.
| Naglahong parang bola | Bola | Madaling mawala | Biglang naglaho |
|---|---|---|---|
| Espada ng bibig | Espada | Matulis, nakakasugat | Masakit kung magsalita |
| Bunganga ng libingan | Bunganga | Bukana, sa harap | Nasa harap ng hukay/ kamatayan |
[transcriber’s note: the table has no printed header row; the first printed row is used as the header]
B.
- E
- A
- B
- C
- D
Isaisip
- paglalarawan
- ikinagaganda
- matatalinghaga
- masasalamin
- mahihinay
- masakit
- hindi tuwiran
Isagawa
A. Iba-iba ang sagot.
B.
- Sumakabilang-buhay
- lumulusog
- naghihikahos sa buhay
- butas na ang bulsa
- bukas ang palad
Tayahin
- C
- A
- D
- B
- F
- E
- B
- C
- A
- B
Karagdagang Gawain
- D
- A
- B
- A
- A
Sanggunian
Mga Aklat:
Nakpil, Lolita R., Dominguez, Leticia F. PhD. 2000, Gintong Pamana Wika at Panitkan II, Batayang Aklat FILIPINO. Ikalawang Taon. SD Publications, Inc.,
DepEd Module, Gabay sa Pagtuturo ng Filipino 8
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifcaio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph* blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply