This is the Filipino 7 Quarter 3 Module 3 self-learning module (SLM), “Iba’t ibang Paraan sa Pagpapakahulugan ng Salita” (different ways of finding the meaning of a word). It covers word grouping, context clues, synonyms and antonyms, and denotation and connotation. It was prepared by DepEd Region XII as an Alternative Delivery Mode module (first edition, 2020) for Grade 7 learners studying at home. After it, learners should be able to explain what a word means from how it is used in a sentence.
In this article 6 sections
What learners will learn
The module’s most essential learning competency (Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto) is explaining the meaning of words by grouping, by the context of the sentence, by denotation and connotation, and by synonyms and antonyms (F7PT-IIIA-c-13 / F7PT-IIIh-i-16 / F7PT-IIi-11).
By the end of the module, learners are expected to:
- Explain the meaning of words through grouping (pagpapangkat).
- Give the meaning of words based on their denotation and connotation.
- Give the meaning of words based on the context of the sentence.
Key ideas in this module
The module has one lesson, Aralin 3. It reviews synonyms and antonyms, then introduces denotation, connotation, and grouping related words.
Kasingkahulugan and kasalungat (synonyms and antonyms)
- Kasingkahulugan (synonym): two words are synonyms when they have the same meaning or the same purpose in describing something. The sentence usually holds a clue. In “May natatanging kariktan si Mariang Sinukuan kaya maraming humahanga sa kanya,” the word kariktan means kagandahan (beauty), because people admire her for it.
- Kasalungat (antonym): words with the opposite meaning of another word. Connecting words such as ngunit, subalit, samantala, bagaman, kaya, and datapuwa’t (but, however, meanwhile, although, so) often signal an opposite meaning. In “Maraming bulaklak sa paligid ngunit may umaalingasaw na masangsang na amoy,” the opposite of masangsang (foul-smelling) is mabango or mahalimuyak (fragrant).
The module also gives this table of examples:
| Word | Synonym | Antonym |
|---|---|---|
| masipag | masikap, matiyaga | tamad |
| maganda | marikit | pangit |
| makinis | makintab | magaspang |
| mabilis | maliksi | mabagal |
| mataas | matayog | mababa |
Denotasyon and konotasyon (denotation and connotation)
- Denotasyon is the literal meaning of a word, usually the one found in a dictionary. Example: “Ayaw ko ng bola” where bola is a toy ball.
- Konotasyon is an indirect meaning that comes from how the word is used and what the speaker intends. Example: “Ayaw ko ng bola” where bola means being fooled or flattered.
More examples from the module:
| Word | Denotation | Connotation |
|---|---|---|
| ahas | a crawling, venomous reptile | traitor (traydor o taksil) |
| bola | a round object used in games | sweet talk (matamis na dila) |
| ginto | a shiny metal used for jewelry | wealth (kayamanan) |
| bato | a hard object | numb or hard-hearted |
| araw | the central star of the solar system | hope (pag-asa) |
Pagpapangkat ng mga salita (grouping words)
Grouping means putting together words that are related in meaning or connected to one idea. This widens vocabulary. Grouping can also be based on the senses (what we see, hear, smell, feel, and taste) and on what we already know from experience. The module’s graphic organizer links KAYAMANAN (wealth) to alahas, kotse, and bahay (jewelry, car, house), because these are connected to wealth in real life.
Activities in the module
- Subukin (pretest): 10 multiple-choice items on synonyms and antonyms in sentences.
- Balikan and Tuklasin: the review and the discussion summarized above.
- Suriin: write a word with denotative and connotative meanings related to the pandemic, and list three words each to group under Pandemya, Teknolohiya, and Edukasyon, with reasons.
- Pagyamanin: Pagsasanay 1 (decide if an underlined word is denotative or connotative and give its meaning) and Pagsasanay 3 (choose the fitting meaning of an underlined word).
- Isaisip: complete a graphic organizer on what you learned about each way of finding meaning.
- Isagawa: group words under karunungan, ayuda, musika, and laro, then explain their shared meaning.
- Tayahin (final test): give denotative and connotative meanings from a word box (10 points), then write a short narrative about the pandemic using synonyms and antonyms.
- Karagdagang Gawain: answer one essay question, such as how synonyms and antonyms help avoid redundancy, or why regular reading sharpens understanding of meaning.
How to use this module
- Learners: Start with the Subukin pretest to see what you already know, then work through the parts in order. Write all answers on a separate answer sheet and do not write on the module. Check your work honestly with the Susi sa Pagwawasto (answer key) at the end, and contact your teacher if a lesson is hard to understand.
- Parents and guardians: The module is designed for learning at home with your guidance. Help your child follow the instructions in each part and keep the module clean so other learners can use it.
- Teachers: The pretest shows which learners need extra help. The answer key covers Subukin, Pagyamanin, and Part I of Tayahin; the writing tasks (Suriin, Isagawa, Tayahin Part II, and Karagdagang Gawain) need your own checking.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this Filipino module for?
It is for Grade 7 Filipino, Quarter 3 (Ikatlong Markahan), Module 3.
What is the difference between denotasyon and konotasyon?
Denotasyon is the literal, dictionary meaning of a word, while konotasyon is an indirect meaning based on how the word is used and what the speaker intends. For example, ahas denotes a snake but can connote a traitor.
What is pagpapangkat ng mga salita?
It is grouping words that are related in meaning or connected to one idea, such as linking alahas, kotse, and bahay to kayamanan (wealth). It helps learners widen their vocabulary.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for the Subukin pretest, Pagsasanay 1 and 3, and Part I of the Tayahin. The writing activities are checked by the teacher.
What words signal an antonym in a sentence?
The module lists ngunit, subalit, samantala, bagaman, kaya, and datapuwa’t as clues that a word may have an opposite meaning in the sentence.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Filipino – Ikatlong Markahan – Modyul 3: Iba’t ibang Paraan sa Pagpapakahulugan ng Salita (Pagpapangkat, Konteksto, Kasingkahulugan at Kasalungat, at Konotasyon at Denotasyon)
[illustration: students reading and studying outdoors and at a desk, with a globe and a lamp]
CO_Q3_Filipino 7_Modyul 3
Filipino – Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 3: Iba’t ibang Paraan sa Pagpapakahulugan ng Salita (Pagpapangkat, Konteksto, Kasingkahulugan at Kasalungat, at Konotasyon at Denotasyon) Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo Sa Pagsusulat Ng Modyul
Manunulat: Eunice Neneth Mejellano Editor: Mylene Arzadon, Lelita A. Laguda Tagasuri: Virgilina T. Cabaylo, Sally A. Palomo Tagaguhit: Lhryn T. Jaranilla Tagalapat: Guinevier T. Alloso, Jannibal A. Lojero Tagapamahala: Allan G. Farnazo, Fiel Y. Almendra, Gilbert B. Barrera, Arturo D. Tingson, Jr., Peter Van C. Ang-Ug, Leonardo B. Mission, Romelito G. Flores, Carlos G. Susarno, Juliet F. Lastimosa, Sally A. Palomo, Gregorio O. Ruales, Lelita A. Laguda
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – Region XII Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893 Website: depedroxii.org Email Address: region12@deped.gov.ph
7
Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 3: Iba’t ibang Paraan sa Pagpapakahulugan ng Salita (Pagpapangkat, Konteksto, Kasingkahulugan at Kasalungat, at Konotasyon at Denotasyon)
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Ano ang nakapaloob sa Modyul na ito?
Magandang araw sa iyo, kaibigan.
Nakaranas ka na bang magkompara ng mga bagay-bagay sa iyong paligid? Kung ang mga bagay bang ito ay magkatulad o magkaiba? Naaalala mo pa ba ang natutuhan mo sa mga salitang magkasingkahulugan at magkasalungat at maging sa denotasyon at konotasyon?
May mga salitang kapag iniuugnay sa isa pang salita ay madaling maiintindihan. Kapwa magkapareho ang kahulugan nito. May mga salitang kabaligtaran naman ang inihahatid na kahulugan. Sa araling ito, makikilala ang mga salitang magkasingkahulugan o magkasalungat. Maipaliliwanag mo rin ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pagpapangkat-pangkat batay sa konteksto o sa nais ipahiwatig nito sa pangungusap.
Maaari mong gamitin ang iyong kaalaman at kahusayan sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:
Naipaliliwanag ang kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng pagpapangkat, batay sa konteksto ng pangungusap, denotasyon at konotasyon, batay sa kasingkahulugan at kasalungat nito. (F7PT-IIIA-c-13/ F7PT-IIIh-i-16/ F7PT-IIi-11)
Layunin:
Pagkatapos pag-aralan ang aralin sa modyul na ito inaasahang:
- Naipaliliwanag ang kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng pagpapangkat
- Naibibigay ang kahulugan ng mga salitang ginamit batay sa denotasyon at konotasyon nito
- Naibibigay ang kahulugan ng mga salita batay sa konteksto ng pangungusap
Subukin
Bago tayo magpatuloy, sagutin mo muna ang sumusunod na katanungan. Isulat sa iyong sagutang papel ang titik o wastong sagot sa bawat bilang.
Panuto: Tukuyin ang kasingkahulugan at kasalungat ng mga salita batay sa pagkakagamit ng mga ito sa pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
Palaging napagsasabihan ang mga batang nakagawa ng mga kamalian. Ibigay ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit.
a. napapalo
b. nakukulong
c. nasisigawan
d. napaaalalahananDapat mong tanggapin ang katotohanan na ikaw ay wala pang alam. Ibigay ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit.
a. realidad
b. kamalian
c. kasiyahan
d. kasamaanNaumid ang dila ng bata at pagkatapos ng ilang sandali’y nagwika, “Inay, igagalang ko ang gusto mo.” Ibigay ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit.
a. di-nakaimik
b. di-nakapagsalita
c. di-nagulat
d. di-nabahalaLingid sa kaalaman ng marami, may kapangyarihan ang binatang makipag-usap sa mga hayop at insekto. Ibigay ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit.
a. hindi alam ng lahat
b. inilihim sa tao
c. alam na alam ng lahat
d. ipinagsabi sa taoMahigpit na ipinatupad ng reyna ang batas at kung sinumang lumabag ay pinarurusahan. Ibigay ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit.
a. mabagsik
b. malupit
c. mapusok
d. masungitMasayang nagtatawanan ang mga mumunting-bata. Ibigay ang kasalungat ng salitang may salungguhit.
a. paslit
b. sanggol
c. maliit
d. matandaMakinig tayo sa payo ng ating mga magulang. Ibigay ang kasalungat ng salitang may salungguhit.
a. magbigay-atensiyon
b. magsawalang-bahala
c. pahalagahan
d. isaisipAng mga taong walang-alam ay madalas masangkot sa gulo. Ibigay ang kasalungat ng salitang may salungguhit.
a. matalino
b. inosente
c. tahimik
d. manlolokoNamangha ang mga turista sa aking kagandahan ng lake holon sa T’boli, South Cotabato. Ibigay ang kasalungat ng salitang may salungguhit.
a. nadismaya
b. nabighani
c. nabigla
d. nagulatNatuwa ang karamihan nang dumating na sa wakas ang bakuna kontra Covid-19 sa Pilipinas. Ibigay ang kasalungat ng salitang may salungguhit.
a. nasiyahan
b. namangha
c. nalungkot
d. nagalak
Aralin 3: Iba’t ibang Paraan sa Pagpapakahulugan ng Salita (Pagpapangkat, Konteksto, Kasingkahulugan at Kasalungat, at Konotasyon at Denotasyon)
Balikan
Mahalaga ang ginagampanan ng pagtukoy ng magkasingkahulugan at magkasalungat ng mga salita ayon sa pagkakagamit nito sa pangungusap. Sapagkat ang isang salita ay maaaring magbigay ng iba’t ibang kahulugan. Sa pamamagitan ng pag-alam ng kahulugan ng isang salita ay magiging malinaw at angkop ang nais nating ipahiwatig.
A. Kasingkahulugan ng mga salita ayon sa pagkakagamit sa pangungusap. Maituturing na magkasingkahulugan ang dalawang salita kapag ito ay nagtataglay ng parehong kahulugan o nagtataglay ng parehong layunin sa pagbibigay-turing.
Kadalasan, ang mga pangungusap ay naglalaman ng pahiwatig upang matukoy ang magkasingkahulugan na salita. Kailangan suriin ang pangungusap para sa tamang kahulugan.
Halimbawa:
May natatanging kariktan si Mariang Sinukuan kaya maraming humahanga sa kanya.
Paliwanag: Ang kasingkahulugan ng kariktan ay kagandahan. Nahihiwatigan ang kasingkahulugan ng salita dahil batay sa pagsusuri sa pangungusap, dahil sa kakaibang kagandahan ni Mariang Sinukuan maraming humahanga sa kaniya.
B. Kasalungat ng mga salita ayon sa pagkakagamit sa pangungusap. Mula sa mismong pangalan nito, ang mga salitang magkasalungat ay mga salitang kabaligtaran ang kahulugan mula sa isa pang salita.
Katulad ng pagtukoy ng kasingkahulugan, mahalagang suriin din ang pangungusap upang matukoy ang kasalungat ng isang salita. Maaari din nating maging palatandaan ang mga salitang gaya ng, ngunit, subalit, samantala, bagaman, kaya at datapuwa’t na ginagamit upang maging pahiwatig ng kasalungat na kahulugan ng salita.
Halimbawa:
Pagdating sa dagat, agad na sumisid si Pilandok at pagkaahon ay may dala na itong perlas.
Paliwanag: Makikita mismo sa pangungusap ang kasalungat ng salitang sumisid. Kapag sinuri ang pangungusap, madaling matutukoy kung paano ginamit ang salita sa pangungusap. Ang kasalungat ng sumisid ay umahon o pagkaahon.
Maraming bulaklak sa paligid ngunit may umaalingasaw na masangsang na amoy.
Paliwanag: Gumamit ng salitang ngunit upang maipahiwatig na sa kabila ng maraming bulaklak sa paligid may nangngamoy na masangsang. Samakatuwid, ang kasalungat na kahulugan ng salitang masangsang ay mabango o mahalimuyak.
Upang madagdagan ang iyong kaalaman, narito pa ang sumusunod na halimbawa ng mga salitang magkasingkahulugan at magkasalungat.
| Mga salita | Kasingkahulugan | Kasalungat |
|---|---|---|
| 1. masipag | masikap, matiyaga | tamad |
| 2. maganda | marikit | pangit |
| 3. makinis | makintab | magaspang |
| 4. mabilis | maliksi | mabagal |
| 5. mataas | matayog | mababa |
Kumusta, kaibigan?
Muli mo bang nabalikan ang iyong natutuhan sa mga aralin kung saan ay nagagamit ang pagtukoy ng kasingkahulugan at kasalungat ng mga salita? Magaling! Ipagpatuloy mo lang iyan, halina’t tayo ay magpatuloy sa ating aralin!
Tuklasin
Iba’t ibang Paraan ng Pagpapakahulugan ng Salita
Bukod sa kaalaman sa kasingkahulugan at kasalungat ng mga salita, isa pang dapat nating malaman na ang mga salita ay maraming kahulugan batay sa konteksto o pagkakagamit nito sa isang pangungusap. Mayroon tayong dalawang uri ng pagpapakahulugan na hindi lang mapapansin sa pag-unawa sa panitikan kundi maiuugnay rin sa pang-araw-araw nating pakikipagtalastasan:
a. Denotasyon- Ito ang literal na pagpapakahulugan sa isang salita. Karaniwang makukuha ito sa diksiyonaryo. Halimbawa: Ayaw ko ng bola. (laruan)
b. Konotasyon – Ito ang kahulugan ng salita o pahayag kapag ito ay hindi tuwiran. Nagkakaroon ito ng iba pang kahulugan batay sa pagkakagamit ng isang salita sa pangungusap at batay na rin sa intensiyon/kagustuhan ng isang taong gumagamit ng salita sa isang pangungusap. Halimbawa: Ayaw ko ng bola. (niloloko o binibiro lamang)
Mga Tala para sa Guro
Ang Modyul na ito ay inihanda para sa mga mag-aaral upang lubusang matuto at maunawaan ang pinakamahalagang layuning pampagkatuto. Naglalaman din ito ng mga gawain at pagsasanay upang malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral.
Iba pang mga halimbawa:
| Salita | Denotasyon | Konotasyon |
|---|---|---|
| ahas | isang uri ng reptilya na gumagapang at makamandag. | traydor o taksil |
| bola | hugis bilog na ginagamit sa laro | matamis na dila |
| ginto | uri ng metal na kumikinang, ginagamit bilang palamuti (jewelry) | kayamanan |
| Bato | matigas na bagay | manhid o matigas ang puso |
| araw | Pinakasentrong bituin ng sistemang solar na iniiunugan ng mga planeta. | pag-asa |
Isa pang paraan ng pagpapakahulugan ng salita, ay ang pagpapangkat nito. Ang pagpapangkat ng mga salita ay pagsasama sama ng mga salitang pareho ang kahulugan. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga salitang magkakaugnay mas napapalawak ang bokabularyo. Napapalawig ang ating kaalaman sa mga salita sa pamamagitan ng pagkilala sa mga kahulugan at pagpapangkat o pag-uugnay-ugnay ng mga salita.
Ang salitang magkakaugnay ay mga salitang maaaring kaugnay ng isang konsepto o kaisipan o kaugnay na kahulugan ng isang salita.
Pansinin natin ang mga halimbawang pangungusap at unawaing mabuti ang mga salitang may salungguhit na magkakaugnay.
Samantala, isa pang paraan upang mabigyan ng kahulugan at higit na maunawaan ang ilang mga salita ay sa pamamagitan ng pagpapangkat dito. Ang pagpapangkat na ito ay maaaring batay sa ating pandama (nakita, narinig, naamoy, naramdaman, at nalasahan) na mula sa ating karanasan at dati nang nalalaman.
Halimbawa:
Suriin ang simpleng grapikong pantulong at tingnan ang mga salitang may kaugnayan sa salitang KAYAMANAN.
[chart: graphic organizer; Halimbawa: simple graphic organizer] KAYAMANAN → alahas KAYAMANAN → kotse KAYAMANAN → bahay
Pansinin na ang mga salitang itinuturo ng bawat linya ay ilan sa mga salitang maaaring ipangkat sa salitang kayamanan dahil makikita ang kaugnayan ng mga ito sa nasabing salita sa tunay na buhay.
Ngayon ay binabati kita kaibigan!
Sapagkat natitiyak kong malawak na ang iyong natutuhan sa iba’t ibang paraan ng pagpapakahulugan sa mga salita. Alam kong handa ka na rin sa mga inihandang pagsasanay upang lalo pang mahasa ang iyong galing sa pagpapalawak ng talasalitaan. Halina’t tayo ay magpatuloy!
Suriin
Panuto: Subukin nating sagutin ang ilang tanong sa binasang detalye. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Pagpapakahulugan ng mga Salita batay sa Denotasyon at Konotasyon
Magtala ng isang salitang maaaring bigyan ng kahulugan sa paraang denotatibo at konotatibo. Tiyaking ang salitang iyong itatala ay may kaugnayan sa kasalukuyang kalagayan sa Panahon ng Pandemya.
Pagpapakahulugan ng mga Salita batay sa Pagpapangkat
Magtala ng tatlong (3) salitang maaaring maipangkat sa sumusunod na salita. Matapos ito, isulat ang dahilan sa likod ng mga salitang iyong ipinangkat sa ibaba ng talahanayan.
| Pandemya | Teknolohiya | Edukasyon |
|---|---|---|
| 1. | 1. | 1. |
| 2. | 2. | 2. |
| 3. | 3. | 3. |
Maikling Pagpapaliwanag sa Dahilan:
Pandemya: _____
Teknolohiya: _____
Edukasyon: _____
Nasagot mo ba ang mga tanong nang maayos? Ito ay isang paraan upang malaman natin kung nauwaan mo ang natalakay na aralin.
Pagyamanin
Pagsasanay 1.
Panuto: Suriin ang pangungusap at bilugan kung denotatibo o konotatibo ang dimensiyong pagpapakahulugan sa salitang may salungguhit sa bawat pangungusap. Matapos ito, ibigay ang kahulugan ng may salungguhit na salita batay sa konteksto ng pagkakagamit nito sa pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.
Konotatibo Denotatibo 1. Maliwanag ang ilaw sa aming tahanan. Kahulugan: _____
Konotatibo Denotatibo 2. Nag-aapoy sa galit ang ama nang malamang pinatay ang kaniyang alagang aso Kahulugan: _____
Konotatibo Denotatibo 3. Maraming kalapati ang nagliliparan sa himpapawid, isang umaga nang ako ay magising sa aming probinsiya Kahulugan: _____
Konotatibo Denotatibo 4. Isang malaking bundok ang pasan-pasan niya simula nang mamatay ang kaniyang asawa. Kahulugan: _____
Konotatibo Denotatibo 5. Ang magagandang bulaklak sa Lungsod ng Baguio ay ipinaparada tuwing pista ng Panagbenga. Kahulugan: _____
Pagsasanay 3.
Panuto: Piliin ang letra ng pahayag na nagbibigay ng angkop na pagpapakahulugan sa salitang may salungguhit batay sa pagkakagamit sa pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
Sadyang kaygaganda ng pulang rosas na paboritong ibigay sa babaeng sinisinta tuwing araw ng mga puso.
a. uri ng bulaklak na kulay pula
b. sumisimbolo ng pag-ibigMapait na karanasan ang sinapit ng ina sa pagtatrabaho sa ibang bansa.
a. isang uri ng panlasa
b. kabiguan at paghihirap na dinanas sa buhayUbod ng hangin ang taong nakausap ko kanina.
a. mayroong mayabang na pag-uugali
b. nararamdamang dumarampi sa balat ngunit hindi nakikita.Napakaganda ng panahon kapag kulay bughaw ang langit.
a. bahagi ng mundo na natatakpan ng ulap
b. pakiramdam ng taong walang problemaTadtad ng barya ang binti ng dalaga.
a. uri ng pera na yari sa tanso
b. markang naiiwan sa balat matapos maghilom ng sugat.
Isaisip
Ngayon ay lubos mo na bang nauunawaan ang pagkakaiba ng Kasingkahulugan at Kasalungat na salita, pagkakaiba ng Denotasyon sa Konotasyon, at Pagpapangkat ng mga Salita?
Panuto: Upang higit na matandaan ang pagkakaiba ng mga ito ay ilahad ang iyong natutuhan tungkol sa iba’t ibang paraan ng pagpapakahulugan sa pamamagitan ng pagpupuno ng mga pahayag grapikong pantulong sa ibaba. Isulat ito sa sagutang papel.
| Kasingkahulugan | Kasalungat |
|---|---|
| Natutuhan ko na ito ay _____ | Natutuhan ko na ito ay _____ |
| Denotasyon | Konotasyon |
| Natutuhan ko na ito ay _____ | Natutuhan ko na ito ay _____ |
| Pagpapangkat ng mga salita | |
| Natutuhan ko na ito ay _____ |
[transcriber’s note: the last row, “Pagpapangkat ng mga salita”, spans both columns in the original]
Isagawa
Kumusta, kaibigan? Nasagutan mo ba nang maayos ang lahat ng gawain? Alam kong kayang-kaya mo iyan!
Panuto: Magtala ng mga salitang maaaring ipangkat sa mga salita sa itaas ng talahanayan. Mula sa ginawang pagpapangkat ay bumuo ng paliwanag tungkol sa pangkalahatang kahulugan ng mga salitang pinagsama-sama upang mapalitaw ang kahulugan ng mga nakatakdang salita.
| karunungan | ayuda | musika | laro |
|---|---|---|---|
| 1. | 1. | 1. | 1. |
| 2. | 2. | 2. | 2. |
| 3. | 3. | 3. | 3. |
| 4. | 4. | 4. | 4. |
| Paliwanag: | Paliwanag: | Paliwanag: | Paliwanag: |
Tayahin
Binabati kita sa iyong kagalingan sa pagsunod sa mga panuto sa lahat ng gawain. Upang lubos mong maunawaan ang ating aralin ay sagutin mo ang sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
I. Denotasyon at Konotasyon
Panuto: Ibigay ang Denotatibo at Konotatibong Pagpapakahulugan sa mga salitang may salungguhit sa bawat pangungusap. Piliin ang tamang sagot sa kahon at isulat ito sa sagutang papel (10 puntos).
mineral bahagi ng isang halaman pagmamahal namatay isinapuso kagandahan ipinunla kayamanan nawala bumubuhay sa tao
Namumukadkad na bulaklak ang dalawang anak ni Aling Myrna.
Denotatibong Kahulugan: _____
Konotatibong Kahulugan: _____
Ang bawat butil ng bigas ay ginto para sa pamilyang naghihikahos.
Denotatibong Kahulugan: _____
Konotatibong Kahulugan: _____
Itinanim sa isipan ng batang paslit ang payo ng kaniyang mga magulang.
Denotatibong Kahulugan: _____
Konotatibong Kahulugan: _____
May puso para sa mahihirap ang aking kapatid.
Denotatibong Kahulugan: _____
Konotatibong Kahulugan: _____
Nangalagas ang pangarap ng binata nang malulong ito sa droga.
Denotatibong Kahulugan: _____
Konotatibong Kahulugan: _____
II. Kasingkahulugan at Kasalungat
Panuto: Sumulat ng maikling pagbabahagi ng iyong karanasan sa Panahon ng Pandemya. Tiyaking sa pagbabahagi ay hayagang maipamamalas ang paggamit ng mga salitang magkasingkahulugan at magkasalungat. Matapos ito, itala sa ibaba ang mga salitang magkasingkahulugan at magkasalungat na iyong ginamit sa iyong maikling naratibo. Isulat ang iyong likha sa iyong sagutang papel.
[transcriber’s note: table continued from the previous page]
| Magkasingkahulugan | Magkasalungat | ||
|---|---|---|---|
Karagdagang Gawain
Dahil nagawa mo ang lahat ng mga gawain at lubusan mong naunawaan ang ating aralin ay bibigyan kita ng karagdagang gawain na siyang magpapamalas ng iyong kahusayan sa pagsulat at paglikha.
Panuto: Pumili ng isang tanong na nais sagutin at ipaliwanag sa ibaba. Ipaliwanag nang buong husay ang iyong sagot sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga halimbawang patunay mula sa iyong karanasan. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.
- Paano nakatutulong ang kaalaman sa mga salitang magkasingkahulugan at magkasalungat sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan at sa pagsulat ng mga naratibo? Paano ito nagiging kasangkapan upang maiwasan ang paulit-ulit na paggamit ng isang salita sa isang paglalahad (redundancy)?
- Bakit mahalaga ang palaging pagbabasa sa pagpapatalas ng kaalaman sa pagpapakahulugan? Tiyaking magbibigay ng mga kongkretong halimbawa o patunay sa pagpapaliwanag.
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: this page is printed upside down; the three boxes are transcribed in upright reading order, left to right: Tayahin, Pagyamanin, Subukin]
Tayahin
I.
- bahagi ng isang halaman
kagandahan - mineral
kayamanan - ipinunla
Isinapuso - bumubuhay sa tao
pagmamahal - nawala
namatay
Pagyamanin
(Pagsasanay 1)
- Denotatibo
- Konotatibo
- Denotatibo
- Konotatibo
(Pagsasanay 3)
- A
- B
- A
- A
- B
Subukin
- D
- A
- B
- A
- B
- D
- B
- A
- A
- C
Sanggunian
Aklat
Api-it, Marilyn S. et al. Panitikang Rehiyunal Kagamitan ng Mag-aaral. Pasig City: FEPPrinting Corporation, 2020.
Internet
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply