This is the Self-Learning Module (SLM) for Filipino Grade 7, Unang Markahan (Quarter 1), Modyul 2: “Kuwentong-Bayan: Mga Pahayag sa Pagbibigay ng mga Patunay” (folk tales and statements used to give proof). It was prepared by DepEd Region XII as part of the Alternative Delivery Mode (First Edition, 2020) for learners studying at home. After working through it, learners can explain the meaning of words in a folk tale, spot sentences that give proof, and write proof that a folk tale reflects the traditions of the place it comes from.
The module is guided by Kokoy, a friendly character who continues the journey through Mindanao from Module 1. Its reading selection is “Si Kamamwem,” a kuwentong-bayan from Koronadal.
What learners will learn
The module’s most essential learning competency is:
- Nagagamit nang wasto ang mga Pahayag sa Pagbibigay ng mga Patunay (uses statements that give proof correctly) (F7WG-Ia-b-1)
By the end of the module, learners are expected to:
- Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa akda (give the meaning of words used in the selection).
- Natutukoy ang mga pangungusap na nagbibigay ng mga patunay (identify sentences that give proof).
- Nakasusulat ang mga patunay na ang kuwentong-bayan ay salamin ng tradisyon o kaugalian ng lugar na pinagmulan nito (write proof that a folk tale mirrors the traditions or customs of its place of origin).
Lesson content: Aralin 2, Kuwentong-Bayan
The lesson has two parts:
- Panitikan (literature): “Si Kamamwem,” a kuwentong-bayan from Koronadal.
- Wika at Gramatika (language and grammar): Mga Pahayag sa Pagbibigay ng mga Patunay.
What a kuwentong-bayan is
A kuwentong-bayan (folk tale, also called poklor) is part of Philippine native literature that began before the Spanish arrived. It was passed from generation to generation by word of mouth. Key features the module points out:
- It is written in prose (anyong tuluyan).
- It usually shows the customs and traditions of the place where it started.
- It often shows local color, such as things, places, animals, or events found only in that place.
- No single person owns it; it belongs to the whole community.
- Its stories are about life, adventure, love, horror, and humor, and they carry a good lesson.
The module also introduces Mindanao, the “Lupang Pangako” or Land of Promise, known for its embroidery, carving, and weaving. The sarimanok is an important symbol in its literature and stands for friendship and harmony.
The story: Si Kamamwem
Kamamwem goes hunting and hides his mother so that Busaw, a one-eyed creature, cannot eat her. He hides her under the house, then in a kurukya hole, then in a termite hole, but each time Busaw finds her and tries to swallow her, stopping only when he hears Kamamwem’s voice. Finally Kamamwem hides her in a bubu (fish trap). Busaw goes inside, but the mother escapes through the small opening while Busaw gets stuck and pricked by the trap’s thorns. Kamamwem then shoots Busaw in his single eye with an arrow.
Vocabulary practiced in the module includes:
| Word | Meaning |
|---|---|
| bubu | patibong ng isda (fish trap) |
| nangaso | hunted animals using a spear |
| patpat | a thin piece of wood |
Learners are also asked to find the meaning of kurukya and kumaripas from the story.
Mga Pahayag sa Pagbibigay ng mga Patunay
Statements that give proof make an idea clearer and more believable. They are used in narrating, arguing, explaining, and describing. The module lists these markers (pananda):
- batay sa pag-aaral (based on a study)
- totoong (it is true that)
- mula sa mga datos na aking nakalap (from the data I gathered)
- ang mga patunay na aking nakalap ay tunay na (the proofs I gathered truly show)
- ayon sa (according to)
- napatunayan na (it has been proven that)
- napatunayang mabisa ang (has been proven effective)
- pinatutunayan ni (proven by)
The practice reading, “Pag-aalala at Pangamba sa Gitna ng Pandemya” (worry and fear during the pandemic), uses these markers. For example, “Ayon din sa WHO…” gives proof because it cites a source, while “Walang nakaaalam kung kailan ito matatapos” does not.
How to use this module
The module follows the usual SLM parts:
- Subukin: a 15-item pretest on Mindanao, the story, vocabulary, and proof statements.
- Balikan and Tuklasin: a review of what a kuwentong-bayan is and a graphic organizer about your own fears and how you overcame them.
- Suriin: reading “Si Kamamwem,” then Gawain 1 (vocabulary), Gawain 2 (processing questions that ask for proof), and Gawain 3 (a table of Mindanao traditions with proof).
- Ating Alamin and Pagyamanin: the lesson on proof markers, the pandemic reading, and Pagsasanay 1 and 2.
- Isaisip: arranging words into statements and reacting to two issues using proof markers.
- Isagawa: “Kuwentong-Bayan ng Bayan Ko,” where you research a folk tale from your own town or province, summarize it, and write proof of the culture it reflects.
- Tayahin: a 15-item posttest.
- Karagdagang Gawain: writing a travelogue about a place you visited in Mindanao.
For learners: Write all answers on a separate sheet of paper and do not write on the module. Check your work with the Susi sa Pagwawasto (answer key) only after answering, and be honest. Contact your teacher if a part is hard to understand.
For parents and guardians: Help your child keep to the order of the parts and keep the module clean so other learners can use it.
For teachers: The Isagawa and Karagdagang Gawain outputs show whether learners can write proof that a folk tale reflects local culture. The next module is Modyul 3: Pabula.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this Filipino module for?
It is for Filipino Grade 7, Unang Markahan (Quarter 1), Modyul 2, prepared by DepEd Region XII.
What story does the module use?
It uses “Si Kamamwem,” a kuwentong-bayan from Koronadal about a son who protects his mother from Busaw, a creature who keeps trying to eat her.
What are Mga Pahayag sa Pagbibigay ng mga Patunay?
They are statements that give proof so an idea becomes clearer and more believable. They use markers such as batay sa pag-aaral, ayon sa, napatunayan na, and mula sa mga datos na aking nakalap.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the Subukin pretest, Pagsasanay 1, and the Tayahin posttest.
What is the competency code of this module?
The module states the competency Nagagamit nang wasto ang mga Pahayag sa Pagbibigay ng mga Patunay, code F7WG-Ia-b-1.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
FILIPINO Unang Markahan – Modyul 2: KUWENTONG BAYAN: MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY NG MGA PATUNAY
[illustration: students reading and studying under a tree, at a desk, and with a globe and a lantern]
CO_Q1_Filipino7_Module2
PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI
Filipino – Baitang 7 Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 2: Mga Pahayag sa Pagbibigay ng mga Patunay Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
| Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul | |
|---|---|
| Manunulat: | MYLEN E. DONGOSA |
| Editor: | LELITA A. LAGUDA, ALICE B. MAGLINTE |
| Tagasuri: | SALLY A. PALOMO |
| Tagaguhit: | NAOMI PAPAS, SWELYN E. FORRO |
| Tagalapat: | GUINEVIER T. ALLOSO |
| Tagapamahala: | ALLAN G. FARNAZO GILBERT B. BARRERA ARTURO D. TINGZON, Jr. PETER VAN C. ANG-UG JULIET F. LASTIMOSA SALLY A. PALOMO GREGORIO O. RUALES |
Department of Education – Region XII Office Address: Department of Education – Region XII Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893 Email Address: depedroxii.org Email: region12@deped.gov.ph
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag- aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
[illustration: Kokoy, a boy character holding a phone]
Magandang Buhay!
Naririto akong muli si Kokoy ang iyong kaibigan na nakahandang gumabay sa iyong paglalakbay. Noong nakaraan naglakbay tayo sa mga isla ng Mindanao at pinag-usapan ang tungkol sa mga kapatid nating Blaan.
Alam kong handang-handa ka na sa pangalawang modyul at tiyak kong marami ka nang natutuhan sa mga modyul na pinag-aralan nitong mga nakaraang araw. Dagdagan pa natin ha? May inihanda akong bagong modyul para sa iyo. Tiyak na mawiwili ka sa pagsagot sa mga gawaing inihanda ko dito.
Bago pa man dumating sa Pilipinas ang mga Espanyol, ang Pilipinas ay mayroon ng mayamang panitikan. Sa panahong iyon karaniwang binibigkas ang panitikan o ipinapasang salimbibig sa halip na nakasulat. Kabilang sa mga panitikang nabanggit ay ang kuwentong bayan o poklor na kadalasang sumasalamin sa kultura ng lugar na pinagmulan nito.
Isa sa may pinakamayamang panitikan ay ang Isla ng Mindanao, ang ikalawang pinakamalaking pulo sa Pilipinas na matatagpuan sa katimogang bahagi ng kapuluan. Bukod tanging pook heograpikal sa Pilipinas na tirahan para sa karamihan ng mga Moro o Muslim sa bansa.
Kilala ang Mindanao sa kanilang makulay at masining na sining,kultura at tradisyon.Sakop ng kanilang kultura ang pagbuburda,pag-uukit at paghahabi. Ang sarimanok naman ay napakahalagang simbolo sa kanilang literatura. Ito ay sumasagisag sa pagkakaibigan at pagkakasundo.Sila ay naniniwala sa pagiging matapang at determinado sa buhay.Malakas ang kanilang kumpiyansa sa sarili at ito ay kanilang isinasabuhay upang magiging matatag sa laban ng buhay araw-araw. Sa kabila ng modernisasyon ng buhay napapanatilihing buhay ng taga-Mindanao ang mga kulturang kanilang kinagisnan.Patunay lamang ito na sadyang pinapahalagan ng mga mamamayan ang lahi at kulturang kinalakhan.
Paano natin mapapatunayan na ang ating mga paliwanag ay kapani-paniwala at katanggap tanggap ang mga impormasyong ito?
Pagyayamanin ng araling ito ang ating mga isipan sa mga Pahayag sa Pagbibigay ng mga Patunay. Handa na ba kayong matuto? Kung handa na, dapat ay inyong basahin ang kabuuan ng modyul na ito.
Subukin
Alamin natin kung gaano na ang lawak ng iyong kaalaman sa nilalaman ng modyul na ito. Sagutin mo muna ang sumusunod na mga katanungan.
A. Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
Kilala ang islang ito bilang “Lupang Pangako o Land of promise”
a. Luzon
b. Mindanao
c. Visayas
d. PalawanMga pahayag na naglalayong higit na maging malinaw ang isang kaisipang inihahayag.
a. nagpapatunay
b. naglalarawan
c. nangangatuwiran
d. nagsasalaysayAng matapang na anak nagligtas sa ina sa kapahamakan
a. Busaw
b. Kamamwem
c. Kurukya
d. Aso
Ano ang matututuhan mo?
Matapos mong pag-aralan ang modyul na ito ay inaasahan kong matatamo mo ang mga sumusunod na kasanayan:
Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa akda.
Natutukoy ang mga pangungusap na nagbibigay ng mga patunay.
Nakasusulat ang mga patunay na ang kuwentong-bayan ay salamin ng tradisyon o kaugalian ng lugar na pinagmulan nito
Alin sa sumusunod na mga kuwentong-bayan ang nanggaling sa Mindanao?
a. Si Malakas at Si Maganda
b. Mariang Makiling
c. Si Kamamwem
d. Si Pula at Si PutiSinasalamin ng kuwentong-bayan ang mga sumusunod maliban sa:
a. kaugalian
b. tradisyon
c. paniniwala
d. tunggalianItinago ni Kamamwem ang ina sa bubu. Ang bubu ay nangangahulugang?
a. sibat
b. baril
c. patibong sa isda
d. gamit sa papipintaIniwan ni kakamwem ang ina sa bahay at nangaso. Ang salitang may salungguhit ay nangangahulugang:
a. nanghuli ng isda
b. nagtanim ng palay
c. nanguha ng panggatong
d. nanghuli ng mga hayop gamit ang sibatSinundot ni Busaw ang ilalim ng bahay ni Kamamwem gamit ang isang patpat. Ang salitang patpat ay nangangahulugang ?
a. kutsilyo
b. tungkod
c. batang payat
d. manipis na kahoy“Huwag kang magtatagal anak baka kainin ako ni Busaw,” Anong damdamin ang nangingibabaw sa pahayag na ito?
a. pagkagalit
b. pagkatuwa
c. pangangamba
d. pagkalungkotAlin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng pagkagalit?
a. “Humanda ka Busaw. May araw ka rin sa akin!
b. “Magaling talagang magtago ng kaniyang ina si Kamamwem!.
c. Ngayon,makakain ko na talaga ang ina ni Kamamwem!” sabi ni Busaw
d. “Muntik na naman akong kainin ni Busaw, tatlong beses niya ulit akong sinubukang lunukin,”
B. Lagyan ng tsek (√) ang kahon kung ang pahayag ay naglalahad ng patunay at ekis (X) naman kung hindi.
☐ 11. Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng mga eksperto ang Covid -19 o kilala rin sa tawag na Novel Corona virus ay isang nakahahawang sakit na bagong tuklas sa populasyon ng tao.
☐ 12. Batay sa ginawang pagsusuri at pag-aaral kabilang sa mga sintomas nito ang isang biglaang lagnat,ubo, pagkapagod,pagkawala ng panlasa at hirap sa paghinga.
☐ 13. Bilang paunang pag-iingat ay inirekomenda ng DOH bukod sa iba pa na manatili sa bahay ang mga tao at magsagawa ng physical distancing ng hindi bababa sa isang metro o tatlong piye, sa pagitan ng mga tao lalo na sa mga pinaghihinalaan o nakumpirma na nahawahan ng sakit.
☐ 14. Pangalagaan ang kalusugan, lalo na ang isipan.
☐ 15. Ayon din sa WHO, ang mga respiratory droplet at pagdikit sa ibabaw ng mga bagay na may virus ang nananatiling pangunahing pamamaraan ng transmission ng COVID-19 virus sa mga tao.
Aralin 2 Kuwentong – Bayan
A. PANITIKAN: Si Kamamwem Kuwentong-bayan ng Koronadal
B. WIKA AT GRAMATIKA: Mga Pahayag sa Pagbibigay ng mga Patunay
Pinakamahalagang Kasanayan sa Pampagkatuto:
Nagagamit nang wasto ang mga Pahayag sa Pagbibigay ng mga Patunay (F7WG – Ia-b-1)
Balikan
[illustration: hand holding a puzzle piece]
Kamusta ang pagsagot mo? Nakuha mo ba ang tamang sagot? Magaling! Kung gayon ikaw ay handa na sa pagtalakay ng bagong aralin.
Ngunit bago ang lahat, muli nating balikan ang Isla ng Mindanao na tinaguriang Lupang Pangako o “Land of Promise”. Pangalawa sa tatlong malalaking isla na bumubuo sa Pilipinas, bihirang bisitahin ng bagyo at maliban dito ay busog sa mga likas na yaman at pangunahing produkto, at higit sa lahat ang Mindanao ay puno ng mga makukulay na kuwento na nakakubli sa angking ganda nito. Isa na nga rito ang Kuwentong -bayan
Ano ba ang kuwentong –bayan? Halina`t ating muling sariwain.
[illustration: Kokoy, a boy character holding a phone, beside the speech bubble]
Ang kuwentong – bayan ay bahagi ng ating katutubong panitikang nagsimula bago pa man dumating ang mga Espanyol. Ito’y lumaganap at nagpasalin-salin sa iba’t ibang henerasyon sa paraang pasalindila o pasalita. Nasa anyong tuluyan ang mga kuwentong-bayan at karaniwang naglalahad ng kaugalian at tradisyon ng lugar kung saan ito nagsimula at lumaganap.
Ngayon, ay may alam ka na kung ano ang kuwentong-bayan. May alam ka bang kuwentong bayan na mula sa Pilipinas? Magaling! Kung gayun, isulat sa grapikong pantulong sa ibaba ang mga nakalap na impormasyon saka sagutin ang mga katanungan sa ibaba
[chart: graphic organizer; three blank boxes (top, left, right), each with an arrow pointing to a central circle labeled “Kuwentong Bayan”]
- Anong katangian ng kuwentong – bayan ang nahinuha mong nagsasaad sa kahalagahan nito sa kultura ng isang bayan? Bakit?
- Bakit makabuluhan para sa mga Pilipino na alamin ang mga kuwentong – bayan nito ?
- Ano ang tila masasalamin mo sa kasalukuyang kalagayan ng lugar kung saan nagmula ang kuwentong-bayang nakalap? Ano-anong detalye mula sa kuwento ang makapagpapatunay sa iyong sagot?
Tuklasin
Handa ka na ba sa susunod na gawain? Magaling! Bago natin basahin ang nakasasabik na kwentong-bayan ay alamin muna natin kung ano ang mga bagay na kinatatakutan mo. Gawin mo ang nasa ibaba.
Ilahad sa grapikong pantulong kung ano –ano ang mga kinakatakutan mo sa buhay at paano mo nalampasan ang mga ito.
[chart: flowchart; top box “Ang aking mga kinakatakutan” branching to two blank boxes, each leading down to a box labeled “Paano ko ito nalampasan” (two such boxes)]
Suriin
Alamin natin sa akdang nagmula sa Mindanao kung paanong prinotektahan ng isang anak ang kaniyang ina sa kinatatakutan nito. Basahin mo ang halimbawa ng kuwentong-bayan na nagmula pa rin sa Mindanao at pagkatapos ay isagawa ang mga gawaing inihanda.
Si Kamamwem
(Koronadal)
Isang araw nagpaalam si Kamamwem sa kaniyang ina. “Inay, ako ay mangangaso”. “Huwag kang magtatagal anak baka kainin ako ni Busaw,” ang sagot ng kaniyang ina. “Huwag kang matatakot inay, kasi itatago kita sa ilalim ng ating bahay,” sabi niya sa nag-aalalang nanay.
“Aha! Nangaso na si Kamamwem, hahanapin ko ang kaniyang ina,”sabi ni Busaw. Pinuntahan niya ang nanay ni Kamamwem sa kanilang bahay. Tinawag niya ito ngunit hindi sumasagot ang matanda dahil sa takot. Sinundot ni Busaw ang ilalim ng bahay ni Kamamwem gamit ang isang patpat. Natamaan ang matandang babae. “Aray! Aray!” ang reklamo nito.
“Magtago ka na dahil kakainin kita,”pananakot ni Busaw. Hinila ni Busaw ang matanda nang kaniya itong makita. Nilulunok na niya ang kalahati ng katawan nito. Napatigil si Busaw nang marinig ang boses ni Kamamwem.
“Uy, uy, uy!” tawag ni Kamamwem.
“Nandiyan na si Kamamwem, iluluwa ko na ang nanay niya.”
“Aray! Aray!” sabi ng Ina ni Kamamwem.”
“Anong nangyari, Inay?” nag-aalalang tanong ni Kamamwem. “Ay naku nakita ako ni Busaw! Mabuti at hindi niya ako tuluyang nakain pagkatapos niya akong lunukin ng tatlong beses.”kuwento ng ina.
“Bukas kapag mangangaso ulit ako ay itatago kita sa butas ng kurukya. Huwag kang sasagot kapag tinawag ka ni Busaw,” bilin nito sa ina.
“Oo anak,” sagot nito.
Kinaumagahan, “Uy,uy, uy!” tawag ni Kamamwem sa kaniyang alagang aso at muling umalis upang mangaso. Bigla na namang dumating si Busaw sabay tawag sa matandang babae. “Ina ni Kamamwem!” tawag ni Busaw. Hindi sumasagot ang matanda. Hinanap ito ni Busaw sa bubong ng bahay. Bumaba siya dahil hindi niya ito nakita doon. Sa kaniyang pagyuko, nakakita siya ng bahay ng kurukya. Tinusok-tusok niya ang butas.Aray! Aray! makakain na talaga ako nito ni Busaw! ” takot na sabi ng ina ni Kamamwem.
Nakita siya ni Busaw. Hinila siya at nilawayan. Sinubukan niya itong kainin ngunit hindi na naman natuloy dahil narinig niya na naman ang boses ni Kamamwem.”Ano ka ba naman Kamamwem,bakit ngayon ka pa dumating?”Gutom na ako.Lulunukin ko na sana ang nanay mo!” Sabi ni Busaw sabay luwa sa matanda.
“Muntik na naman akong kainin ni Busaw, tatlong beses niya ulit akong sinubukang lunukin,” pagkukwento ng ina.
“Humanda ka Busaw. May araw ka rin sa akin!” Galit na pahayag ni Kamamwem.
“Huwag mo na akong iwan bukas anak. Baka hindi mo na ako maabutan pa,”pag-aalala ng ina.
“Ah, itatago kita sa butas ng anay. Siguradong hindi ka na doon makikita ni Busaw.”
“Uy!” Tawag ni Kamamwem sa aso habang papunta sa gubat. Pagkaalis nito ay dumating na naman si Busaw.Tumingin siya sa taas ng bahay ngunit wala siyang nakita. Patuloy siya sa paghahanap hanggang nakita niya ang mga butas ng anay. Tinusok-tusok niya ang mga butas ng poste ng bahay nina Kamamwem. “Aray!Aray !” reklamo ng matanda.
“Magaling talagang magtago ng kaniyang ina si Kamamwem!Pero mas magaling akong maghanap!” nagbubunying sabi ni Busaw. Hinila niya ang matanda palabas, nilawayan at sinubukang lunukin. Paa na lang ng matanda ang makikita. Subalit hindi niya na naman nalunok ng buo ang matanda dahil masikip na ito sa kaniyang bunganga.
“Uy!” Tawag ni Kamamwem. Dali-daling niluwa ni Busaw ang matanda nang marinig niya ang boses ni Kamamwem. Kumaripas ng takbo si Busaw at hindi alam kung saan pupunta. Hindi na nakita ni Kamamwem at tanging bakas na lang ng paa ni Busaw ang naabutan. Kasing laki ang mga ito ng dahon ng marang. “Tuluyan na sana akong nilunok ni Busaw kung hindi niya narinig ang boses mo anak,”sabi ina ni Kamamwem.
“Bukas mangangaso ulit ako Inay. Itatago kita sa aking gamit sa panghuli ng isda na bubu (patibong ng isda)”.
“Anak,baka tuluyan na talaga ako sa pang-apat na pagtatangka ni Busaw. Kahit saan mo ako itatago makikita niya pa rin ako,” pag-aalala ng ina ni Kamamwem.
Nangaso na naman si Kamamwem kinaumagahan. “Ngayon makakain ko na talaga ang ina ni Kamamwem!” sabi ni Busaw. “Nasaan ka ina ni Kamamwem?” tawag nito. Sa kaniyang paghahanap ay nakita niya ang matanda sa loob ng bubu. Bigla siyang pumasok dito ngunit mabilis ding nakalabas sa maliit na butas ang matanda. Naipit si Busaw sa loob dahil hindi niya kayang lumabas sa maliit na butas. Sinubukan niyang makawala ngunit hinsi siya nagtagumpay. Inabutan ni Kamamwem ang naipit na si Busaw na natusok ng mga tinik sa loob ng bubu. Pinana niya ito at tinamaan ang kaniyang nag-iisang mata.
Gawain 1: Paglinang ng Talasalitaan
Ibigay ang kahulugan ng mga salitang italisado at gamitin ito sa sariling pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang sagot.
- Sa kaniyang pagyuko, nakakita siya ng bahay ng kurukya.
Kahulugan: _____
Pangungusap: _____
- Itinago ni Kamamwem ang ina sa bubu.
Kahulugan: _____
Pangungusap: _____
- Sinundot ni Busaw ang ilalim ng bahay ni Kamamwem gamit ang isang patpat.
Kahulugan: _____
Pangungusap: _____
- Iniwan ni kakamwem ang ina sa bahay at nangaso.
Kahulugan: _____
Pangungusap: _____
Handa ka na bang sagutin ang mga tanong matapos basahin ang kuwento? Tara, simulan mo na!
Ang akdang binasa mo isang halimbawa ng kuwentong-bayan o poklor na nagmula sa pook na naglalahad ng katangi-tanging salaysay ng kanilang lugar. Ito ay pasalitang pasalaysay sa tradisyong patuluyan na nauuri ayon sa nilalaman at pamamaraan ng paglalahad. Kadalasan ito ay nagpapakita ng katutubong- kulay tulad ng pagbabanggit ng mga bagay, lugar, hayop o pangyayari na doon lamang nakikita o nangyayari. Nagpasalin-salin sa bibig ng ating mga ninuno, walang tanging nagmamay-ari nito kundi ang taumbayan.
Ang kuwentong-bayan ay binubuo ng mga kuwento tungkol sa buhay, pakikipagsapalaran, pag-iibigan, katatakutan at katatawanan na kapupulutan ng magandang – aral.
- Kumaripas ng takbo si Busaw at hindi alam kung saan pupunta.
Kahulugan: _____
Pangungusap: _____
Gawain 2: Sagutin mo ang sumusunod na pamprosesong tanong.
- Anong uri ng pag-uugali mayroon si Kamamwem bilang isang anak? Bakit?
- Paano nakaapekto si Busaw sa tahimik na pamumuhay ng mag –ina?
- Anong ugali mayroon si Busaw? Magbigay ng mga patunay.
- Tama ba ang ginawang hakbang ni Kamamwem upang maprotektahan ang ina kay Busaw? Patunayan
- May kakilala ka bang katulad ni Busaw? Anong mga pag-uugali niya ang may pagkakatulad kay Busaw? Magbigay ng mga patunay sa sinabi
Gawain 3: Tukuyin ang mga kultura o tradisyong masasalamin sa lugar na pinagmulan ng kuwentong- bayan at bigyan ng mga patunay o ebidensiya ang mga kultura/tradisyong naisulat.
| Si KAMAMWEM Kultura/tradisyon ng mga mamamayan sa Mindanao | MGA PATUNAY |
|---|---|
Magaling! Ipinakita mo ang iyong buong kahusayan sa pagsagot ng mga tanong. Ito’y nagpapakita na naunawaan mo ang aralin.
Halika’t sagutan mo pa ang ikalawang pagsasanay.
Ating Alamin
Mga Pahayag sa Pagbibigay ng mga Patunay
Sa iba`t ibang pagpapahayag -mapasalaysay, pangangatuwiran ,paglalahad at paglalarawan mahalagang malaman nating gumamit ng mga pahayag na nagbibigay ng patunay . Ang mga pahayag na nagpapatunay ay may layuning higit na maging malinaw ang isang kaisipang nais ipahayag. Sa paglalahad nito ay mahalagang gumamit ng mga pananda. Narito ang ilang pananda na ginagamit sa pagbibigay ng mga patunay:
➢ batay sa pag-aaral,
➢ totoong
➢ mula sa mga datos na aking nakalap
➢ ang mga patunay na aking nakalap ay tunay na
➢ ayon sa
➢ napatunayan na
➢ napatunayang mabisa ang
➢ pinatutunayan ni
[transcriber’s note: the printed page numbers on these images read 14 to 21; the markers below follow the requested numbering, 17 to 24]
Pagyamanin
Upang lubos mong maunawaan ang ating aralin basahin ang talata at pagkatapos ay isagawa ang mga pagsasanay na inihanda.
Pag-aalala at Pangamba sa Gitna ng Pandemya
“Ang kalusugan ay kayamanan” mga pahayag na kadalasang namumutawi sa bibig ng bawat isa. Sabi nga ng iba, hindi bale walang pera bastat maayos ang kalusugan. Mabilis ang mga pagbabago sa daigdig natin sa kasalukuyan. Dumating ang Corona Virus Disease o COVID -19 na sumubok sa katatagan ng mga tao hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Marami ang nagulat, at nangamba lalo pat tumataas ang bilang ng mga nasawi. Nakasalalay ang kaligtasan ng mamamayan sa pamahalaan. Ngayong dinadagsa tayo ng masasamang balita, mahirap umiwas sa pag-aalala para sa iyong sarili, maging sa mga mahal sa buhay. Ngunit ano nga ba ang maaari nating gawin upang maging handa tayo sa maaring maging epekto ng pandemyang ito? O sapat ba ang mga paghahanda na ginagawa natin para tayo ay maging ligtas?
Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng mga eksperto ang COVID -19 ay isang nakahahawang sakit na bagong tuklas sa populasyon ng tao. Isang malaking pamilya ng mga virus na maaaring magdulot ng sakit mula sa karaniwang sipon hanggang sa mas malubhang sakit. Batay sa ginawang pagsusuri at pag-aaral kabilang sa mga sintomas nito ang isang biglaang lagnat, ubo, pagkapagod,pagkawala ng panlasa at hirap sa paghinga. Kaya ang sinumang nakararanas ng ganitong sintomas ay pinaalalahanang magpakonsulta sa doktor at manatili sa bahay. Ayon din sa WHO, ang mga respiratory droplets at pagdikit sa ibabaw ng mga bagay na may virus ang nananatiling pangunahing pamamaraan ng transmission ng COVID-19 sa mga tao. Bilang paunang pag-iingat at batay na rin sa pag-aaral ay inirekomenda rin ng DOH bukod sa iba pa na manatili sa bahay ang mga tao, at magsagawa ng physical distancing ng hindi bababa sa isang metro o tatlong piye sa pagitan ng mga tao lalo na sa mga pinaghihinalaan o nakumpirma na nahawaan ng sakit. Batay na rin sa rekomendasyon ng Interagency Task Force on emerging Infectious Diseases, ay isinailalaim hindi lamang ang Luzon kundi ang buong Pilipinas sa community quarantine upang mapigilan ang pagkalat ng covid-19 sa bansa. Ipinatupad din ang malawakang pagsusuot ng facemasks at faceshields sa mga mamayan na lalabas ng kanilang tahanan upang masiguradong ligtas at mapigilan ang pagkalat ng virus.
Sa isang iglap nagbago ang buhay ng mga Pilipino. Nangamba, natakot. Hindi man sanay sa “Buhay New Normal” ngunit walang magagawa kailangang sumunod. Walang nakaaalam kung kailan ito matatapos, kung kailan lalabas ang bakuna pangontra sa virus na ito. Babalik ang dating sigla ng pamumuhay, tiyak `yun !. Ang mahalaga lamang sa panahong ito ay maging ligtas ang lahat at isiping may katapusan ka rin COVID-19. Pangalagaan ang kalusugan lalo na ang isipan.
Sundin ang mga safety protocols na ibinilin sa atin ng mga eksperto, maging malinis sa pangangatawan at parating maghugas ng kamay. Iwasang mag-isip ng mga bagay na magdudulot sa atin ng pangamba. Maging kalmado sa lahat ng oras. Higit sa lahat huwag din nating kalimutang humingi ng gabay sa Panginoon na siyang magliligtas sa atin. Ayon nga sa pahayag ni Pangulong Duterte noong Hulyo 21, 2020 sa isang press briefing sinabi niyang “Marunong ang Diyos. Hindi tayo pababayaan, lalo na Pilipino tayo, Kristiyano tayo”. Ang ating pasanin, agam-agam at suliranin ay ating idulog sa Poong Maykapal, tiyak na tayo ay pakikinggan. Lahat ng paghihirap matatapos at sisibol ang bagong buhay at pag-asa!
Pagsasanay 1
Pagsasanay 1: Isulat ang bituin (★) sa iyong sagutang papel kung ang pangungusap ay nagbibigay ng patunay at ekis (X) naman kung hindi.
_______1. Ayon sa WHO ang mga respiratory droplets at pagdikit sa mga bagay na may virus ang nananatiling pangunahing pamamaraan transmission ng COVID-19 virus sa mga tao.
_______2. Bilang paunang pag-iingat ay inirekomenda ng DOH na manatili sa bahay ang mga tao ,magsuot ng facemask at faceshields at magsagawa ng physical distancing ang hindi bababa sa isang metro o tatlong piye sa pagitan ng mga tao lalo na sa mga pinaghihinalaan o nakumpirma na nahawaan ng sakit.
_______3. Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng mga eksperto ang COVId -19 o kilala rin sa tawag na Novel Corona Virus ay isang nakahahawang sakit.
_______4. Batay na rin sa rekomendasyon ng Inter-agency Task Force on emerging Infectious Diseases ay isinailalaim hindi lamang ang Luzon kundi ang buong Pilipinas sa community quarantine upang mapigilan ang pagkalat ng COVID -19 sa bansa.
_______5. Walang nakaaalam kung kailan ito matatapos kung kailan lalabas ang bakuna pangontra sa virus na ito.
Pagsasanay 2
Pagsasanay 2: Gamitin ang sumusunod na mga pahayag sa pagbuo ng mga pangungusap na nanghihikayat sa mga kabataan na patuloy na basahin at paunlarin ang mga kuwenong-bayan ng kanilang lugar.
- Batay sa pag-aaral
- Ang mga patunay na aking nakalap ay
- Napatunayang mabisa ang
Binabati kita dahil matagumpay mong naisagawa ang mga naunang gawain sa modyul na ito. Sa bahaging ito, sasagutin mo ang mga sumusunod upang mailahad ang iyong natutuhan sa modyul.
Isaisip
A. Isaayos ang mga salita sa loob ng kahon upang makabuo isang makabuluhang pahayag.
- kapani-paniwala, pahayag, ebidensiya, sumusuporta, matibay, paglalahad
Pahayag: ___________________________________________________________
- nakapagbibigay, isang pahayag, mayroon, katotohanan, patunay
Pahayag: ___________________________________________________________
B. Sagutin ang mga isyu at magbigay ng reaksiyon ukol dito gamit ang mga pananda na nagbibigay patunay.
- Dahil sa COVID -19 isa sa mga naging solusyon ng pamahalaan upang masugpo ito ay ang malawakang pagpapatupad ng curfew sa buong bansa. Ang mga lokal na pamahalaan ay mabilisan ding tumugon sa panawagang ito. Sa Lungsod ng Heneral Santos ang lahat ng mamamayan ay pinagbabawalang lumabas ng tahanan mula alas nuwebe ng gabi hanggang alas kuwatro ng umaga. Para sa iyo, nakatutulong ba ito upang masugpo ang paglaganap ng virus.
Ang aking Reaksiyon at Patunay :
- Pagbubukas ng klase sa Oktubre sa halip na Hunyo. Inilahad ng kalihim ng Edukasyon Leonor M. Briones na ang pagbubukas ng klase sa pampublikong paaralan ay sa Oktubre ito ay dahil pa rin sa banta ng COVID -19 . Ito ay base na rin sa ginawang sarbey, pakikipagpulong at rekomendasyon ng IATF. Inilahad din ng kalihim ang iba`t ibang modalities na maaaring gamitin sa pagtuturo upang maipaabot sa mga mag-aaral ang edukasyon sa gitna ng pandemya. Handa na ba kaya tayo sa pagbubukas ng klase sa Oktubre?
Ang aking Reaksiyon at Patunay:
Isagawa
Kuwentong-Bayan ng bayan ko
Matapos mong maisagawa ang lahat ng gawain tiyak kong lubusan mo nang nauwaan ang ating aralin. Ngayon ay ikaw naman ang magpapakita ng iyong galing. Gawin mo ito sa iyong sagutang papel.
- Mag-isip ka o magsaliksik ng isang kuwentong-bayan mula sa inyong bayan o lalawigan
- Ilahad ang pamagat nito, maikling salaysay ng buod, kultura o tradisyong itinampok, at ang mahalagang aral na maaaring matamo
- Sumulat ka ng mga patunay mula sa kuwentong-bayan na ito na sumasalamin sa mga kultura o tradisyon ng nasabing bayan.
A.
Pamagat ng Kuwentong-Bayan
Buod:
B.
| Kultura o Tradisyong itinampok | Mahahalagang aral na maaring matamo | Mga patunay na ang Kuwentong-bayan ay salamin ng kultura/tradisyon ng nasabing bayan |
|---|---|---|
Natupad mo na ang inaasahang pagganap sa araling ito. Binabati kita sa iyong husay sa pagsagot ng mga gawaing inihanda. Upang lubos na maunawaan ang ating aralin, sagutin mo ang sumusunod na mga katanungan. Ihanda ang sarili, huminga muna ng malalim. Simulan mo na!
Tayahin
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na mga tanong. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
Binubuo ng mga kuwento tungkol sa buhay, pakikipagsapalaran, pag-iibigan, katatakutan at katatawanan na kapupulutan ng magandang aral.
A. epiko
B. alamat
C. maikling kuwento
D. kuwentong-bayanMga pahayag na naglalayong higit na maging malinaw ang isang kaisipang inihahayag.
A. nagpapatunay
B. naglalarawan
C. nangangatuwiran
D. nagsasalaysayAng mga sumusunod ay pahayag na nagpapakikilala sa kuwentong-bayan maliban sa isa?
A. Nagpasalin-salin sa iba’t ibang henerasyon sa paraang pasalindila o pasalita
B. Nagtataglay ng anyong tuluyan at naglalaman ng mga kaugalian at tradisyon ng lugar na pinagmulan nito.
C. May iisang pangunahing tauhan na may mahalagang suliranin na dapat lutasin.
D. Pagmamay-ari ito ng buong bayan.Batay sa pag-aaral na isinagawa ng mga eksperto ang COVID -19 ay isang nakahahawang sakit na bagong tuklas. Alin sa mga sumusunod na pananda ang nagpapatunay?
A. batay sa pag-aaral
B. isang nakakahawang sakit
C. isinagawa ng mga eksperto
D. kilala sa tawag na COVID-19Kilala ang islang ito bilang “Lupang Pangako o Land of Promise”
A. Luzon
B. Mindanao
C. Visayas
D. PalawanSinasalamin ng kuwentong-bayan ang mga sumusunod maliban sa:
A. kaugalian
B. tradisyon
C. paniniwala
D. tunggalianIniwan ni Kamamwem ang ina sa bahay at nangaso. Ang salitang may salungguhit ay nangangahulugang:
a. nanghuli ng isda c. nanguha ng panggatong
b. nagtanim ng palay d. nanghuli ng mga hayop gamit ang sibatItinago ni Kamamwem ang ina sa bubu. Ang bubu ay nangangahulugang?
a. sibat c. patibong sa isda
b. baril d. gamit sa pagpipintaSinundot ni Busaw ang ilalim ng bahay ni Kamamwem gamit ang isang patpat. Ang salitang may salungguhit ay nangangahulugang
a. sandok c. batang payat
b. tungkod d. manipis na kahoyAlin sa sumusunod na mga kuwentong-bayan ang nanggaling sa Mindanao?
a. Si Malakas at Si Maganda
b. Mariang Makiling
c. Si Kamamwem
d. Si Pula at Si PutiAng matapang na anak nagligtas sa ina sa kapahamakan
a. Busaw c. Kurukya
b. Kamamwem d. AsoMay layuning higit na maging malinaw ang isang kaisipang inihahayag.
a. pahayag na nagbibigay patunay
b. pagsasalaysay
c. pangangatuwiran
d. mahalagang kaisipan“Huwag kang magtatagal anak baka kainin ako ni Busaw,” Anong damdamin ang nangingibabaw sa pahayag na ito?
a. pagkagalit c. pangamba
b. pagkatuwa d. pagkalungkot“Aray! Aray! makakain na talaga ako nito ni Busaw!” Ano ang damdaming ipinahahayag ng pangungusap?
a. takot c. galit
b. tuwa d. pagkabiglaAlin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng damdaming pagkagalit?
a. “Humanda ka Busaw may araw ka rin sa akin!”
b. “Magaling talagang magtago ng kaniyang ina si Kamamwem!.
c. “Ngayon makakain ko na talaga ang ina ni Kamamwem!” sabi ni Busaw.
d. “Muntik na naman akong kainin ni Busaw, tatlong beses niya ulit akong sinubukang lunukin”.
Karagdagang Gawain
Tiyak na kinagiliwan mo ang mga gawain sa modyul na ito. Dahil nagawa mo ang lahat ng mga gawain at lubusan mong naunawaan ang ating aralin ay bibigyan kita ng karagdagang gawain na siyang magpapamalas ng iyong kahusayan sa pagsulat at paglikha.
Gumawa ng isang travelogue hinggil sa lugar na iyong napuntahan o lugar na nilakbay mo dito sa Mindanao. Narito ang magiging gabay sa paggawa ng travelougue:
a. Likas na kagandahan ng lugar b. Mga pahayag na magpapatunay sa kagandahan ng lugar c. Natutuhan sa paglalakbay d. Hihikayatin mo ang kapwa mo kabataan na pahalagahan at tangkilikin ang sariling atin, Ang Isla ng Mindanao
Binabati kita kaibigan! Napakagaling mo! Natapos at napagtagumpayan mo ang aralin. Sana’y naiwan sa iyong isipan ang lahat ng mga napag-aralan natin sa araw na ito.
Bagaman tapos na tayo sa araling ito, ihandang muli ang iyong sarili sa panibago na namang aralin, ang Modyul 3: Pabula
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: the answer key is printed sideways in three columns, rotated 180 degrees; the columns are transcribed below in the order SUBUKIN, PAGYAMANIN, TAYAHIN]
SUBUKIN
A.
- B
- A
- B
- C
- D
- C
- D
- D
- C
- A
B. 11. √ 12. X 13. X 14. X 15. √
PAGYAMANIN
Pagsasanay 1
- X
- X
[transcriber’s note: the answer key shows star graphics beside items 1, 3 and 4 and beside item 5]
TAYAHIN
- D
- A
- D
- A
- B
- D
- D
- C
- D
- C
- B
- A
- C
- A
- A
Sanggunian
Delfin, C. et al, Si Kamamwem Fakal 2, Linggu 6 pahina 14, Conrado & Ladisliwa Alcantara Foundation Inc. and Blaan Indigenous Cultural Communities
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply