Filipino 7 Quarter 1 Module 12: Proyektong Panturismo – Video Clip at Patalastas

This is the Self-Learning Module (SLM) for Filipino 7, Unang Markahan (Quarter 1), Modyul 12: “Pangwakas na Gawain: Proyektong Panturismo – Halimbawa ng Napanood na Video Clip at Patalastas” (culminating activity: tourism project, with examples of viewed video clips and advertisements). It was prepared by DepEd Region XII for Grade 7 learners studying at home. By the end, learners can research a video about their own place or region and identify what to consider when making a video advertisement.

What learners will learn

The module is built on this Most Essential Learning Competency (Pinakamahalagang Kasanayan sa Pampagkatuto):

  • F7PD-Ij-6: Share a video clip viewed on YouTube or another website that can be used.

After the lesson, learners are expected to:

  • Research a video about their own place or region.
  • Examine the aspects to consider when making a video advertisement.

The module is guided by Kokoy, a cartoon boy with a cellphone. He opens with questions many learners can relate to: Do you have a phone that takes video? Have you tried making a vlog and sharing it on Facebook or YouTube? What did you think about while making it?

Key ideas: advertisements and video clips

What a patalastas is

A patalastas (advertisement) is a way of announcing a product or service to persuade people to support it, using different forms of mass communication. The module reminds learners that an advertisement should always suit what all viewers want to see, and that it should stay positive.

Two categories of advertisements

CategoryExamples from the module
Print na patalastas (print ads)newspapers, magazines, brochures, leaflets
Non-print or dihital na patalastas (digital ads)television, radio, video clips

What a video clip is

A video clip is a kind of documentation that shows the situation of a particular event. It is usually paired with music or sound to attract viewers more and to make the message clearer.

Features of a video clip

  • Tema (theme): the message you want to show or deliver to viewers.
  • Paraang ginagamit (method used): how the video persuades, for example by using music or sound so viewers remember it, and by showing the positive features and benefits of a product, service, or place.
  • Elementong ginagamit upang makahikayat (persuasive elements): tools such as technology and audio-visual effects, or famous personalities who endorse the product or place.

Activities in this module

  • Subukin (pretest): 15 Tama or Mali (true or false) items about advertisements and videos.
  • Balikan (review): learners write how they share information they want others to know.
  • Tuklasin: Gawain 1 asks learners to research a video clip and record its title, theme, and link. Gawain 2 asks them to watch a TV episode and mark whether it shows different destinations in a place.
  • Pagyamanin: a dialogue between friends Toti and Kakay about the Coconut Festival and the coconut tree as the “Puno ng Buhay” (tree of life), its many uses, and products like virgin coconut oil and coconut biofuel, followed by five questions.
  • Isaisip: a T-chart of advertisement types and examples, and a sentence to complete on why knowing about advertisements matters.
  • Isagawa (performance task): learners make their own video promoting a tourist spot in their area.
  • Tayahin (final test): 15 check or X items.
  • Karagdagang Gawain (extra task): learners create a print ad about a tourist spot in the Philippines they have visited or like.

Rubric for the video (Isagawa)

CriterionWhat a score of 3 looks like
Tema (theme)The video fits the theme very well.
Organisasyon (organization)Events are well organized and in a clear order.
Orihinalidad (originality)The concept is fresh and unique, not overused.
Boses/Tinig (voice)The narrator’s voice is clear and uses varied tones to express feeling.

Each criterion is scored 3, 2, or 1.

How to use this module

  • Learners: Answer the pretest first, then work through the parts in order. Write all answers on a separate answer sheet and do not write on the module, so others can use it. Contact your teacher if you have trouble understanding the lesson.
  • Parents and guardians: Help your child find a video about your place or region and, if possible, record a short tourism video using a phone. Check that answers are written on separate paper.
  • Teachers: An answer key (Susi sa Pagwawasto) is included. The research tasks, the video, and the print ad are scored by the teacher, the video using the rubric above. Some answer key entries may need checking before use (see the FAQ). The next lesson is Modyul 13, on carrying out a realistic and persuasive tourism project.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this module for?

It is for Grade 7 Filipino, Unang Markahan (Quarter 1), Modyul 12. It was prepared by DepEd Region XII as an Alternative Delivery Mode self-learning module.

What competency does the module cover?

It covers F7PD-Ij-6: sharing a video clip viewed on YouTube or another website that can be used.

What are the two categories of advertisements in the module?

Print ads, such as newspapers, magazines, brochures, and leaflets, and non-print or digital ads, such as television, radio, and video clips.

Does the module have an answer key?

Yes, the Susi sa Pagwawasto is at the end. A few items appear inconsistent with the lesson, such as the item saying a theme should not be part of an ad being marked true, and the Pagyamanin Gawain 2 key has no matching activity, so teachers should review it.

What is the final output of this module?

Learners make their own video promoting a tourist spot in their area, scored with a rubric on theme, organization, originality, and voice. An extra task asks them to make a print ad about a Philippine tourist spot.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Filipino 7 Unang Markahan – Modyul 12: Pangwakas na Gawain: Proyektong Panturismo – Halimbawa ng Napanood na Video Clip at Patalastas

CO_Q1_Filipino7_Module12

[illustration: students reading and studying outdoors and at a desk, with a globe and a lamp]

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

Filipino – Baitang 7

Alternative Delivery Mode

Unang Markahan – Modyul 12: Pangwakas na Gawain: Proyektong Panturismo: Halimbawa ng Napanood na Video Clip at Patalastas

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
RoleName
Manunulat:VENNA LIZA D. TORETA
Editor:NORMA E. PASCUA, VIRGILINA CABAYLO
LILIBETH DUMOL
Tagasuri:MA. NILA D. FUENTEBELLA
Tagaguhit:IHRYN T. JARANILLA, SWELYN E. FORRO
Tagalapat:GUINEVIER T. ALLOSO
Tagapamahala:ALLAN G. FARNAZO
GILBERT B. BARRERA
ARTURO D. TINGSON, JR.
PETER VAN C. ANG-UG
JULIET F. LASTIMOSA
SALLY A. PALOMO
GREGORIO O. RUALES
Department of Education – Region XII

Office Address: Department of Education – Region XII Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893 Email Address: depedroxii.org Email: region12@deped.gov.ph

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag- aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

[illustration: Kokoy, a cartoon boy holding a cellphone, speaking in a speech bubble]

Kumusta kang muli kaibigan? Naririto na naman ang iyong kabigang si Kokoy upang gabayan ka sa iyong paglalakbay. Naririto na tayo ngayon sa pangwakas na gawain at batid kong kayang-kaya mong maisakatuparan ang mga gawaing nakapaloob dito na maghahatid sa inyo ng malawak na kaalaman tungkol sa panonood mong proyektong panturismo. Batid kong lalo kang masisiyahan. Gawin mong kawili-wili ang pagsagot sa mga gawaing naiatang sa iyo. Yakang yaka ito ng powers natin. Tara, simulan na natin ang pagtuklas ng bagong kaalaman sa modyul na ito.

Meron ka bang sariling cellphone? Ito ba ay may pangkuha ng video? Nasubukan mo bang mag vlog? Ibinahagi mo ba ito sa media katulad ng facebook o Youtube? Ano ba ang tema ng inyong video? Marami ba ang nahikayat manood nito? Ano ba ang mga isinaalang-alang mo sa paggawa nito? Alam mo ba na sa paggawa ng mga vlog o video ay may mga bagay ka na dapat tandaan?

Pagkatapos ng araling ito ikaw ay inaasahang:

  • Makapagsaliksik ng isang video tungkol sa sariling lugar o rehiyon.
  • Makasusuri ng mga aspeto na dapat isaalang – alang sa paggawa ng patalastas na video.

Halina’t tuklasin natin ang dapat nating matutuhan sa modyul na ito.

Subukin

[illustration: Kokoy, a cartoon boy holding a cellphone, speaking in a speech bubble]

Oops…. huwag kang kabahan sa pagsubok na ito! Ito’y panimulang pagsubok lamang upang sukatin ang iyong kaalaman sa paksa.

Bago tayo magsimulang tahakin ang daan patungo sa pangwakas na gawain, kinakailangan ibahagi mo ang iyong kaalaman kung ano ang alam mo na sa ating pag-aaralan.

Subukin (Panuto)

Panuto: Isulat ang Tama kung ito ay nagpapahayag ng totoo at Mali naman kapag hindi. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

_______1. Ang patalastas ay isang paraan upang makahikayat ng mga tao upang tumangkilik sa isang produkto o serbisyo. _______2. May dalawang kategorya ang palastas ito ay print at electronic. _______3. Sa paggawa ng patalastas dapat sarili lamang ang isaalang-alang. _______4. Ang tema ay hindi dapat isali sa patalastas. _______5. Dapat suriin ang paraan na ginagamit upang makahikayat. _______6. Ang music video/video ay isang mainam na paraan ng patalastas. _______7. Ang elemento ay dapat din na isaalang-alang sa paggawang patalastas. _______8. Nabibilang sa electronic ads ang video. _______9. Ang video ay may kailangang may kasamang musika upang mas makaakit pa. _______10. Sa paggawa ng music video o pataslastas dapat ito ay naayon o naangkop sa lahat ng manonood. _______11 Panatilihing maging positibo ang buong tema ng naisagawang video. _______12. Gawing maikli ang video ngunit nakasaad na ang detalye na nais ipaabot nito. _______13. Ang print na paatalastas ay mas madaling nakahihikayat kaysa electronic. _______14. Ang elemento ay dapat din na isaalang alang sa paggawa ng patalastas _______15. Sa paggawa ng music video o patalastas dapat ito ay naayon o naangkop sa lahat ng manonood.

[illustration: Kokoy, a cartoon boy holding a cellphone, speaking in a speech bubble]

Nasagot mo ba nang tama ang pagsubok? Ibig sabihin na may dati ka ng kaalaman tungkol sa mga nabasa o napapanood mong video clip at patalastas. Ito na ang iyong pagkakataon upang mararagdagan pa ng mga sumusunod na gawain ang iyong mga kaalaman tungkol sa paksa.

Kung may kamalian ka man, huwag kang mag-alala, matutulungan ka ng mga gawaing inihanda ko.

Aralin 12

Pangwakas na Gawain: Proyektong Panturismo – Halimbawa ng Napanood na Video Clip at Patalastas

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pampagkatuto: F7PD-Ij-6

Naibabahagi ng napanood na video clip mula sa youtube o ibang website na maaaring magamit.

Balikan

[illustration: Kokoy, a cartoon boy holding a cellphone, speaking in a speech bubble]

Magandang buhay! Nakahiligan at naging libangan na natin ang paggamit ng teknolohiya upang idokumento ang alinmang nais nating balik-balikang karanasan lalong-lalo na sa mga makahulugang lugar nating napuntahan, produktong ating nasubukan, at pagkaing natikman.

Ikaw, sa anong paraan mo ipinaabot ang iyong nais ipagbigay alam na mga impormasyon sa madla? Isulat ang nabuong sagot sa sagutang papel.

Mga Tala para sa Guro

Ang Modyul na ito ay inihanda para sa mga mag-aaral upang lubusang matuto at maunawaan ang pinakamahalagang layunin ng pampagkatuto. Naglalaman din ito ng mga gawain at pagsasanay upang malinang ang kakayahan nila.

Tuklasin

[illustration: Kokoy, a cartoon boy holding a cellphone, speaking in a speech bubble]

Tara na’t lalakbayin natin ang landas ng bagong kaalaman sa pamamagitan ng mga sumusunod na gawain.

Sa gawaing ito, ikaw ay inaasahang makapagsaliksik ng isang video tungkol sa sariling lugar o rehiyon.

Punan ang tsart sa ibaba ng wastong tugon upang magawa mo ang gawaing ito. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Gawain 1. Pananaliksik sa Napanood na Video Clip

Isulat ang link ng video clip na sinaliksik.

NAPANOOD NA VIDEO CLIP
PamagatTemaLink ng video clip
Gawain 2

Panuto: Manood ng isang episodyo sa telebisyon. Tuklasin kung ito ay nagpapakita ba ng iba’t ibang destinasyon sa isang lugar o kapuluan. Lagyan ng hugis bituin ☆ kung Oo at X naman kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Pamagat☆ / X
1.
2.
3.
4.
5.

Suriin

[illustration: Kokoy, a cartoon boy holding a cellphone, speaking in a speech bubble]

Magaling at nasagot mo ang mga katanungan, ngunit, ano nga ba ang patalastas at ang iba’t ibang kategorya nito? Ano- ano ang mga bagay na dapat isaalang-alang o tandaan sa paggawa nito? Halika’t sabay nating suriin ang mga sumusunod na konsepto.

Hinati ko sa dalawa ang paksang ating tatalakayin, at ito ay tungkol sa mga sumusunod:

1. Patalastas na print, at 2. Non-Print

Ang patalastas ay isang paraan ng pag-aanunsyo ng isang produkto o serbisyo upang makahikayat ng mga tao na tumatangkilik nito. Ito ay sa pamamagitan ng iba’t ibang anyo ng komunikasyong pang madla.

Palaging tatandaan na ang patalastas ay palaging naayon sa nais makita ng lahat ng mga manonood. Panatilihin itong positibo.

DALAWANG KATEGORYA NG PATALASTAS
  1. Print na patalastas– ito ay kinabibilangan ng diyaryo, magasin, brochure, at palyeto.
  2. Non-Print /Dihital na patalastas– kabilang dito ang telebisyon, radyo, at video clips.

Ang video clip ay uri ng dokumentasyong nagpapakita ng kalagayan tungkol sa partikular na kaganapan o pangyayari. Karaniwang sinasabayan ng musika/tunog upang higit na makahikayat sa mga nanonood at nabibigyang-linaw ang episodyong nais na maipabatid.

KATANGIAN NG VIDEO CLIP

  1. Tema– dito natin ipahayag o ipakita kung ano ang nais nating iparating sa mga manonood.


  2. Paraang ginagamit– dito natin malalaman ang mga paraan na ginagamit upang makahikayat, halimbawa ginagamitan natin ng musika o tunog upang mas madaling matandaan ng nakapanood. Dito natin ipinakita ang mga positibong katangian ng isang produkto, serbisyo o lugar na nais tangkilikin. Dito ipinakita kung ano ang makukuha nating magagandang katangian o benepisyo.


Elementong ginagamit upang makahikayat– dito natin makikita ang mga elementong ginagamit, katulad ng teknolohiya, (audio-visual effects) o mga 4 sikat na personalidad na nag- eendroso upang mas makahikayat sa madla.

Pagyamanin

[illustration: hand stacking blocks]

[illustration: character standing beside a speech bubble]

Tiyak kong naging maliwanag na sa atin ang landas na ating dinaraanan. Pero, hindi pa ito ang dulo ng ating paglalakbay. Halika’t payamanin pa natin ang ating kaalaman tungkol sa araling nais nating matutuhan nang lubos.

Gawain 1.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang usapan ng magkaibigan sagutin ang mga kasunod na mga tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Madalas, makikitang nakatayo si Toti sa likod ni Kakay. Si Kakay ang proteksiyon ni Toti laban sa ibang hayop. Si Toti naman ang tagakain ng mga kuto sa likod ni Kakay. Habang nabubusog si Toti sa mga kuto ni Kakay, nalilinis naman ni Toti ang balat ng kaibigan. Isang araw, nagkitang muli ang magkaibigan sa bukid ni Mang Marcelo.

[illustration: coconut palm tree]

Toti : Kakay! Galing lang ako sa kabilang bayan. Nakakalula ang dami ng tao! Kakay: Siguro dahil sa Coconut Festival? Toti : Mismo! Nakalimutan ko na ngayon nga pala yun. Ang daming programa! Lahat ay may kinalaman sa niyog. May paligsahan din sa pagluluto gamit ang niyog. Ang sasarap ng niluto nila! Kakay: Meron pa ba nung palakihan ng buko pie? Toti : Meron! At dapat nakita mo kung gaano kalalaki ang dala nila! Dambuhala talaga! Kakay: Hindi ka pa rin ba sanay sa dami ng tao sa Coconut Festival, Toti? Toti : Parang parami kasi nang parami ang tao, kaibigan. Kakay: At sigurado akong dadami pa sila. Taunang pagdiriwang ang Coconut Festival. Hindi lang ito panahon ng mga paligsahan. Pasasalamat rin ito sa patron ng kanilang bayan, si San Pablo. Itinatampok din sa pista ang industriya ng pagniniyog. Matutunghayan sa pista ang iba’t ibang kagamitan, pagkain, at benepisiyong makukuha mula sa puno ng niyog.

[illustration: Coconut Festival scene with a banner labeled “COCONUT FESTIVAL”, coconuts, a hut, and people holding coconuts]

Toti : Paano mo nalalamang malapit na ang pista, Kakay? Kakay: Sa karaniwang araw, puro ginapas na damo at kawayan ang isinasakay ni Mang Marcelo sa akin. Kapag dumalas na ang pagsasakay niya ng niyog, iyon na ang hudyat na malapit na ang pista. Toti : Ibig sabihin, tuwing Enero lang din napapakinabangan ang puno ng niyog? Hindi pala totoo ang bansag dito na “Puno ng Buhay.” Kakay: Totoo iyon! Napapakinabangan ang puno ng niyog buong taon. Kaya nga tinawag itong “Puno ng Buhay.” Alam mo bang may pakinabang ang bawat bahagi ng punong ito? Yung bao, halimbawa, puwedeng gawing kasangkapan gaya ng basket, lalagyan ng pagkain, o dekorasyon. Nakakain naman ang laman ng niyog. Ang mga dahon ay maaaring ipanggawa ng bubong, walis tingting, at dingding ng bahay. Maaari ring gawing bag o kaya’y sombrero ang dahon. Ang bulaklak naman ay ginagawang lambanog, suka, asukal, at pulot. At ‘wag na ‘wag mong itatapon ang sabaw ng niyog, dahil maaari itong inumin. Toti : Parang nakalimutan mong sabihin yung mismong katawan ng puno. Siguro wala kang maisip na gamit nito? Kakay: Siyempre may gamit din ‘yon! Maaaring gawing uling o materyales sa paggawa ng kasangkapan ang mismong katawan ng puno. Kahit nga yung ugat ng puno, Toti, may gamit. Ginagamit sa paggawa ng lubid ang mga ugat ng puno ng niyog. Toti : Grabe naman pala ang puno ng niyog. Napakarami nitong silbi kaya tama lang na tawagin itong “Puno ng Buhay!” Kakay: Ibang klase, di ba? Kaya naman isa sa pangunahing industriya ng Pilipinas ang pagniniyog. Paano’y tumutubo ang puno ng niyog sa klimang tropikal. Angkop na angkop ang klima natin para sa pagniniyog. Toti : Kaya pala may niyog kahit saan! Kakay: Dahil sagana tayo sa niyog, marami pang ibang produkto ang nagagawa dito sa Pilipinas. Isa na riyan ang coconut oil. Ang coconut oil ay sangkap sa paggawa ng sabon, shampoo, at iba pang produkto. Naging sikat rin nating produkto ang virgin coconut oil. Kilala kasi sa buong mundo ang bisa ng virgin coconut oil sa paggamot sa ilang sakit. Mayroon din tayong lumalagong industriya ng coconut biofuel. Maaari itong gamitin sa pagpapatakbo ng kotse at ibang makina. Toti: Kaya gustong-gusto kitang kausap, Kakay. Ang dami mong alam!

https://lrmds.deped.gov.ph/detail/11888
  1. Tungkol sa ano pinag-uusapan ng magkaibigan?



  1. Anong puno ang tinaguriang puno ng buhay?



  1. Ano-anong mga produkto ang maaaring mapakinabangan sa nasabing puno?



  1. Bakit naging interesado si Toti sa ibinabahaging kaisipan ni Kakay?



  1. Anong paraan ang ginamit ni Kakay kay Toti upang mapahanga ito sa puno ng buhay?



Isaisip

[illustration: character beside a speech bubble]

Binabati kita at nasagutan mo lahat ang mga gawain. Napakadali ng mga ito hindi ba?

Tiyak na nadagdagan na ang iyong husay sa pagsasagawa ng proyektong panturismo gamit ang patalastas na print at video clip. Bukod sa nakatulong ito, lalo pang lumawak ang iyong kaalaman.

Napangiti ka na ba? Sige nga’t alalahanin natin.

A. Punan ng wastong impormasyon ang sumusunod na T-Tsart.

MGA ARALING NATUTUHAN: URI NG PATALASTASMGA ARALING NATUTUHAN: HALIMBAWA

B. Kumpletuhin ang sumusunod na pahayag. Mahalagang pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa patalastas sapagkat




Isagawa

[illustration: character beside a speech bubble]

Ito na ang yugtong ating hinihintay. Gagawa tayo ng sariling video na humihikayat sa panturista ninyong tanawin sa sariling lugar. Ibatay sa kasunod na rubrik ang inyong isasagawang gawain.

RUBRIKS SA PAGGAWA NG VIDEO

PAMANTAYAN321
TemaAngkop na angkop sa tema ang ihihandang videoHindi gaanong angkop ang tema ng videoWalang kinalaman sa ang tema ng video.
OrganisasyonMahusay ang organisasyon at pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa bidyoMay lohikal ang organisasyon ngunit hindi masyadong mabisa ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayariHindi maayos ang organisasyonng mga ideya /pangyayari, walang angkop na panimula at wakas
OrihinalidadAng video na ginawa ay naaayon sa makabago at natatanging paksa, hindi gasgas ang konsepto.Mahusay dahil hindi masyadong karaniwan o madalas mangyari ang konsepto ng video.Masyado ng gasgas at karaniwan ang konsepto ng video.
Boses/TinigAng boses /tinig ng tagapagsalaysay ay maayos at malinaw para sa mga tagapakinig/tagapanood. Gumagamit ng iba’t ibang himig sa pagpapahayag ng damdaminAng tinig ng tagapagsalaysay ay hindi gaanong malinaw para sa mga tagapakinig /tagapanood. Gumagamit lamang ng iilang himig sa pagpapahayag ng damdaminHindi malinaw ang boses/tinig ng tagapagkuwento at hindi gumagamit ng iba’t ibang himig sa pagbibigay-diin sa pagpapahayag ng damdamin

[illustration: character beside a speech bubble]

Binabati kita kaibigan! Napakagaling mo! Natapos at napagtagumpayan mo ang aralin. Sana’y naiwan sa iyong isipan ang lahat ng mga napag-aralan natin sa araw na ito.

Bagaman tapos na tayo sa araling ito, ihandang muli ang iyong sarili sa panibago na namang aralin, ang Modyul 13: PAGSAGAWA NG ISANG MAKATOTOHANAN AT MAPANGHIKAYAT NA PROYEKTONG PANTURISMO

Tayahin

Nakita mo na? Ang galing mo sa pagsagot sa mga naunang gawain sa modyul na ito. Naririto na ngayon ang huling hamon. Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

A. Panuto: Lagyan ng ✓ kung ang kung totoo ang ipinahahayag at X kapag hindi.

_______ 1. Sa e-brochure dapat naipakita ang tourist spot ng nasabing lugar. _______ 2. May dalawang kategorya ang palastas ito ay print at non-print. _______ 3. Ang patalastas ay isang paraan upang makahikayat ng mga tao upang tatangkilik sa isang produkto o serbisyo. _______ 4. Ang video ay may kinakailangang may kasamang musika/tunog upang mas makaakit pa sa mga manonood. _______ 5. Dapat suriin ang paraan na ginagamit upang makahikayat. _______ 6. Ang paggamit ng video clip ay isang mainam na paraan ng patalastas. _______ 7. Panatilihing maging positibo ang buong tema ng naisagawang video. _______ 8. Napabilang sa print ads ang video. _______ 9. Sa paggawa ng patalastas dapat sariling interes lamang ang isaalang alang _______10. Sa paggawa ng video na patalastas, kailangang nakatatawag-pansin ang kabuoan nito. _______11. Ang tema ay hindi dapat isali sa patalastas. _______12. Gawing maikli ang video ngunit nakasaad na ang detalyeng nais ipaabot nito. _______13. Ang print na paatalastas ay mas madaling nakahihikayat kaysa sa dihital sa kasalukuyan. _______14. Ang elemento ay dapat ding isaalangalang sa paggawa ng Patalastas. _______15. Naaayon o naangkop sa lahat ng manonood ang ginawang video sa pagpapatalastas.

Karagdagang Gawain

[illustration: character beside a speech bubble]

Opps! May huling hirit pa pala! Bumuo/Gumawa ng patalastas (print) tungkol sa isa sa mga panturismong lugar sa Pilipinas na iyo nang napuntahan o nagustuhan. Maari mo itong gawin sa paraang pinaniniwalaan mong kahika-hikayat sa mga mambabasa. Isulat sa sagutang papel.

[transcriber’s note: the printed page holds an empty bordered answer box for this activity; no text is printed inside it]

Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: this answer key page is printed rotated 180 degrees; the sections below are transcribed in their logical order]

SUBUKIN
  1. Tama
  2. Tama
  3. Mali
  4. Tama
  5. Tama
  6. Tama
  7. Tama
  8. Tama
  9. Tama
  10. Tama
  11. Tama
  12. Tama
  13. Mali
  14. Tama
  15. Tama
BALIKAN

Sa pamamagitan ng video clip o patalastas na ipinopost sa social media o ipinaririnig sa radyo at ipinapanood sa telebisyon

TUKLASIN

Ang sagot ay nakadepende sa video clip at e-brosure na sinuri. Guro ang magpapasiya sa pagwawasto ng sagot.

PAGYAMANIN
Gawain I
  1. Coconut festival
  2. niyog
  3. virgin coconut oil/biofuel
  4. gusto niyang magkaroon ng bagong kaalaman
  5. sa pamamagitan ng panghihikayat o patalastas
Gawain 2
  1. D
  2. B
  3. C
  4. A
  5. C
ISAISIP

A.

  • Print – magasin, diyaryo, atbp.
  • Non-Print – video clip; e-brochure

B. (Posibleng sagot) … naghahatid ito ng tiyak na impormasyon tungkol sa produkto/serbisyo. (nasa guro ang pagpapasiya sa sagot)

ISAGAWA

Ang iskor ay nakadepende sa pag-ebalweyt ng guro batay sa inihandang rubriks.

Karagdagang Gawain

Ang iskor ay nakadepende sa pag-ebalweyt ng guro sa sagot ng mag-aaral.

TAYAHIN
  1. ✓
  2. ✓
  3. ✓
  4. ✓
  5. ✓
  6. ✓
  7. ✓
  8. X
  9. X
  10. ✓
  11. ✓
  12. ✓
  13. ✓
  14. ✓
  15. ✓

Sanggunian

MELCs 2020-2021 pahina 27

https://video.search.yahoo.com/search/video?fr=mcafee&p=patalastas+ng+i sang+produkto+sa+regio n+XII [transcriber’s note: this URL wraps across two lines in the original; the line break falls inside “isang” and “region”, and the space shown is a line-wrap artifact of the layout as printed]
https://lrmds.deped.gov.ph/detail/11888

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *