This is a Filipino 7 self-learning module for Quarter 1 (Unang Markahan), Module 10: “Pagsusuri ng mga Datos sa Pananaliksik sa Isang Proyektong Panturismo” (analyzing research data in a tourism project). It is written for Grade 7 learners studying at home. It teaches them how a travel brochure presents a place to tourists, so they can make one to show off the beauty of their own hometown. Two friendly guide characters, Kokoy and Dodong, lead learners through each part.
The module was prepared by DepEd Region XII, with Liezl A. Resuelo as writer. Its examples come from tourist spots in South Cotabato and Sarangani.
In this article 5 sections
What learners will learn
The module states this main goal:
- Nasusuri ang ginamit na datos sa pananaliksik sa isang proyektong panturismo, halimbawa ang pagsusuri sa isang promo coupon o brochure (analyze the research data used in a tourism project, such as a promo coupon or brochure)
Under it are two more specific goals:
- Nakikilala at naipaliliwanag ang isang proyektong panturismong travel brochure (recognize and explain a travel brochure as a tourism project)
- Naiisa-isa ang mga hakbang at panuntunan sa paggawa ng travel brochure (list the steps and rules for making a travel brochure)
Key ideas: tourism and the travel brochure
Turismo and turista
The module first reviews two terms. Turismo (tourism) is travel to different places for leisure. The module also quotes Mathieson and Wall (1982), who describe tourism as people moving for a while to places outside their usual home and workplace. It also covers what they do there and the facilities built for them. A turista (tourist) is any traveler who visits a country or place to see its beauty or culture.
The module explains that tourism matters to a country’s economy. It brings in money and gives local people jobs in the service industry. This is why the government spends a lot on advertising tourism.
What a travel brochure is
A brochure or travel brochure is a kind of print advertisement. Tourists use it as a guide to find places they want to visit. Because it has room for only a few sentences, the details must be chosen carefully. It should have a good design and pictures. It can feature three or more places and should show why each place matters and what visitors can do there.
Three things to consider when making a brochure
- Nakapupukaw-pansin na coverpage (an eye-catching cover): a colorful, creative cover gets the tourist’s attention.
- Alamin ang turistang target (know your target tourist): find out which group of people will be interested, so you can plan the brochure’s look.
- Simple at malinaw na nilalaman (simple, clear content): keep the content concrete but easy to understand, so tourists are not confused.
Five contents of a travel brochure
| Part | What it includes |
|---|---|
| Introduksiyon (introduction) | A description and short history of the place, using taglines or local dialect to catch interest |
| Lokasyon o mapa (location or map) | A map or directions to landmarks and tourist spots, plus outdoor activities such as cycling, zipline, or mountain climbing |
| Lugar kainan at pahingahan (places to eat and rest) | Where to eat and stay, including local delicacies; often forgotten but very important |
| Mga larawan (pictures) | Organized photos of places to visit, eat, and rest, since tourists look at pictures before details |
| Halaga ng transportasyon (transportation cost) | Travel costs suited to the target tourist, so they can budget |
The model text: Lake Holon
The reading “Nakamamanghang Lake Holon South Cotabato” (amazing Lake Holon, South Cotabato) shows these parts in action. Lake Holon is in T’boli, South Cotabato. It is called the “Crown Jewel of the South” because it is shaped like a crown. “Holon” means deep water.
The lake is a crater lake on Mount Melibingoy, also known as Mt. Parker. It is described as a “beautiful disaster” because it formed after a volcanic eruption on January 4, 1641.
The text also covers:
- T’boli beliefs about the lake
- The two trails up the mountain: a regular trail and a harder hunter’s trail
- The three-hour walk to the view deck
- A campsite for up to 150 campers
- Fare estimates, such as Php 75 to 85 from General Santos City to Koronadal City and Php 100 from Koronadal to T’boli
How to use this module
The module follows the usual self-learning module order:
- Subukin: a 10-item pretest.
- Balikan: a review of tourism terms.
- Tuklasin: the brochure lesson and a matching activity on Mindanao tourist spots.
- Suriin: an unscrambling vocabulary activity and comprehension questions on the Lake Holon text.
- Pagyamanin: a table of places to visit at Lake Holon.
- Isaisip: a graphic organizer and a fill-in-the-blank review of brochure contents.
- Isagawa: writing a short paragraph about a tourist spot and its food, then filling in a three-column brochure layout.
- Tayahin: a 5-item quiz and listing the steps for making a brochure.
- Karagdagang Gawain: making a travel brochure.
An answer key (Susi sa Pagwawasto) is at the end of the module.
- Learners: Answer on a separate sheet of paper, and do not write on the module. Be honest when checking your work with the answer key.
- Parents: For the final task, the learner will ask you or another older family member to cook a delicacy your place is proud of. The learner then photographs it and describes it for the brochure.
- Teachers: The pretest shows which learners need more help. This module leads into Module 11, Proyektong Panturismo.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this Filipino module for?
It is for Grade 7 Filipino, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 10.
What are the contents of a travel brochure according to the module?
It lists five: an introduction, the location or map of tourist spots, places to eat and rest, pictures, and the cost of transportation.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end has answers for the pretest, Tuklasin, Suriin, Isaisip Gawain 2, and Tayahin.
Why is Lake Holon called the Crown Jewel of the South?
According to the module, it is called that because the lake is shaped like a crown. It is a crater lake on Mt. Parker, or Mount Melibingoy, in T’boli, South Cotabato.
What is the final output of the module?
Learners make a travel brochure featuring a delicacy from their place. A family member cooks the dish, and the learner photographs it and adds a description.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
FILIPINO Unang Markahan – Modyul 10: PAGSUSURI NG MGA DATOS SA PANANALIKSIK SA ISANG PROYEKTONG PANTURISMO
7
[illustration: students reading and studying under a tree, at a desk, and with a globe and a lamp; a child writing on paper]
ALTERNATIVE DELIVERY MODE
CO_Q1_Filipino7_Module10
PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI
Filipino – Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 10: Pagsuri ng mga Datos sa Pananaliksik sa isang Proyektong Panturismo Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Manunulat: LIEZL A. RESUELO Editor: MA. NILA D. FUENTEBELLA, VIRGILINA L. CABAYLO ELENA DUKA-TATEL Tagasuri: SALLY A. PALOMO Tagaguhit: LHRYN T. JARANILLA, SWELYN E. FORRO Tagalapat: GUINEVIER T. ALLOSO Tagapamahala: ALLAN G. FARNAZO GILBERT B. BARRERA ARTURO D. TINGSON, JR. PETER VAN C. ANG-UG JULIET F. LASTIMOSA SALLY A. PALOMO GREGORIO O. RUALES
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – Region XII Office Address: Department of Education – Region XII Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893 Email Address: depedroxii.org Email: region12@deped.gov.ph
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag- aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
[illustration: the characters Kokoy and Dodong with speech bubbles]
Kumusta kaibigan? Narito akong muli si KOKOY, ang iyong kaibigan upang samahan ka sa iyong paglalakbay ngayong araw.
Ops! Teka muna kaibigan.
Makakasama mo rin ngayong araw si DODONG. Ang aking kaibigan at s’yempre, kaibigan mo na rin.
Oo! tatlo na tayong magkakasama ngayon. Nagagalak akong makasama ka kaibigan. Kaya’t ‘wag kang mag-alala dahil nandito kami upang gabayan ka.
Nasubukan mo na bang ipakilala at imbitahin ang iyong mga kaibigang pumunta sa inyong lugar? Kung hindi pa, huwag kang mag-alala dahil tutulungan ka ng modyul na ito upang ipakilala ang kagandahang taglay ng iyong lugar sa pamamagitan ng gagawing Proyektong Panturismo. Ito ang travel brochure.
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw bilang mag-aaral ay inaasahang:
- Nasusuri ang ginamit na datos sa pananaliksik sa isang proyektong panturismo (halimbawa: pagsusuri sa isang promo coupon o brochure)
- Nakikilala at naipaliliwanag ang isang Proyektong Panturismong Travel Brochure
- Naiisa-isa ang mga hakbang at panuntunan na dapat gawin upang maisakatuparan ang proyektong travel brochure
Subukin
[illustration: Kokoy holding a pencil]
Bago ka magpatuloy, sagutin mo muna ang sumusunod na mga katanungan. Piliin ang letra ng napili mong sagot at isulat ito sa sagutang papel.
Ito ay naglalaman ng mga lugar na nais puntahan ng mga tao upang maging kumpleto ang kanilang karanasan.
a. Poster
b. Travel Brochure
c. Blog
d. Audio Visual PresentationBahagi ng travel brochure na naglalarawan sa lugar ukol sa kasaysayan. Maaaring gumamit ng iba’t ibang tagline o dayalekto na makapupukaw sa itneres ng turista upang magpatuloy ito sa pagbabasa sa brochure.
a. Lugar kung saan maaaring kumain at magpahinga
b. Halaga ng transportasyon
c. Introduksiyon o panimula
d. Wala sa nabanggitGinagamit sa travel brochure ang isang partikular na lugar upang pukawin ang interes ng mga dayuhan na puntahan ito.
a. mukha
b. tagline o dayalekto
c. kulay
d. font styleIto ay isang bagay na inilalagay sa travel brochure upang madaling mahanap ng isang turista ang lugar na pupuntahan.
a. sulat
b. larawan
c. sketch
d. mapaKatangiang dapat taglayin ng isang travel brochure upang mapukaw ang interes ng turista.
a. Nakagagalit at hindi klaro
b. Nakababagot dahil walang kakulay-kulay
c. Nakapupukaw ng atens’yon
d. Nakaaaliw ang larawan ngunit hindi mabasa ang mga letraTumutukoy ito sa paglalakbay sa labas o loob ng bansa para sa layuning paglilibang, pagsasaya, o mga bagay na may kinalaman sa negosyo o komersyo.
a. turismo
b. turista
c. tourist spot
d. tourist guideAng Lake Holon ay tinaguriang ________________.
a. Crown Jump of the South
b. Crown Jam of the South
c. Crown Jeans of the South
d. Crown Jewel of the SouthAng salitang Holon ay nangangahulugang______________.
a. malalim na putikan
b. malalim na tubig
c. malalim na dagat
b. malalim na balontranscriber’s note: the printed answer choices label the last option “b.” as well as the second option; both labels are reproduced as printed.
Ang Lake Holon ay inihahalintulad sa hugis ___________
a. buwaya
b. puso
c. korona
d. palakaAng paglalakbay patungong Lake Holon ay umaabot ng ___________.
a. dalawang oras
b. tatlong oras
c. limang oras
d. isang oras
Aralin 10 Pagsuri ng mga Datos sa Pananaliksik sa isang Proyektong Panturismo
Alam mo ba na ang Pilipinas ay may taglay na magagandang tanawing masayang pasyalan? Hindi lamang d’yan kilala ang ating bansa kundi maging sa masasarap na mga pagkain. May iba’t ibang kultura at kaugalian na tiyak kagigiliwan ng lahat. Ang mga ‘yan ay ilan lamang sa mga bagay na mararanasan mo sa paglalakbay o pamamasyal sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.
Balikan
[illustration: Kokoy with a thought bubble; Dodong standing]
Ang husay ng kaibigan natin Dodong. Madali lang niyang natapos ang bahaging Subukin.
Oo nga Kokoy! Ipagpatuloy mo na ang iyong paglalakbay. Batid naming sabik ka nang tuklasin ang iba pang mga gawain.
Basahin mo ang kasunod na talata.
Alam mo na ba kung ano ang kahulugan ng turismo at kung paano gumawa ng proyektong panturismo?
Kung hindi pa, balikan mo muna ang ilan sa mga natutuhan mo sa mga nagdaang modyul. Ang turismo ay isang paglalakbay sa ibat-ibang lugar para magliwaliw. Ito ay isang patnubay o pampamahala ng mga turista o tungkuling pampamahalaan. Ayon naman kay Mathieson at Wall (1982) lumikha ng kahulugan ng turismo ito ay “pansamantalang paggalaw ng mga tao sa mga destinasyon sa labas ng kanilang normal na lugar ng trabaho at tirahan at ang mga aktibidad na isinagawa sa panahon ng kanilang pananatili sa mga destinasyon, at mga pasilidad na nilikha upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan. “
Ang sinumang biyaherong nagbuhat sa ibat-ibang dako ng daigdig na nagtutungo sa isang bansa o lugar upang makita ang kagandahan o kalinangan nito ay tinatawag na turista.
Ang turismo ay napakahalaga sa ekonomiya ng isang bansa. Bukod sa salaping ipinapasok ng mga turista, ito ay nagbibigay ng hanapbuhay sa mga lokal na mamamayan ng isang bansa sa industriyang serbisyo. Ayon sa World Tourism (WTO) na ang turismo ay kasalukuyang pinakamalaking industriya sa mundo na may taunang kita na higit sa $ 3 trilyong dolyar. Ang turismo ay nagbibigay ng higit sa anim na milyong mga trabaho sa Estados Unidos, na ginagawa itong pinakamalaking employer sa bansa.
Dahil sa kahalagahan ng turismo sa ekonomiya ng bansa, ang pamahalaan ay gumagastos ng malaking halaga sa advertisement upang itaguyod at isulong ang industriya ng turismo. Ano pang hinihintay mo? Ipagpatuloy mo na ang iyong pagbabasa upang tuklasin ang kahulugan ng travel brochure na ginagamit sa proyektong panturismo.
Tuklasin
[illustration: Kokoy and Dodong]
Salamat sa iyong pagbabasa kaibigan. Tara na’t tuklasin mo ang landas ng bagong kaalaman sa pamamagitan ng isang gawain.
Tama ka Kokoy. Maraming matutuklasang bagong mga kaalaman itong kaibigan natin. Basahin mo ang isang teksto tungkol sa brochure.
Ating Alamin:
Ang Brochure/ Travel Brochure ay naglalaman ng mga lugar na nais dalawin ng mga tao upang maging kumpleto ang kanilang karanasan. Piliin lamang ang detalyeng ilalagay dito dahil kaunti lang ang maaaring isulat na pangungusap. Lagyan ng magandang disenyo at larawan kung mayroon. Tatlo o higit pang lugar ang maaaring ilagay. Dapat ding makita ang kahalagahan ng bawat lugar at maaaring gawin doon.
Isang uri ng print advertisement ang brochure na madalas gamitin ng mga turista upang maging gabay sa paghahanap ng lugar na nais nilang puntahan. Tulad ng ibang uri ng advertisement, kailangan itong paglaanan ng panahon, sapat na detalye at masusing paglalagay ng iba’t ibang larawan at disenyo na angkop sa tema at layunin ng gagawing brochure.
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGGAWA NG TRAVEL BROCHURE
- Nakapupukaw-pansin na coverpage– ang pagkakaroon ng makulay at malikhaing coverpage ay nakatutulong upang maging kapansin-pansin sa mata at makuha ang interes ng mga turista.
- Alamin ang turistang target– sa bawat destinasyon, kailangang alamin ang pangkat demograpiko na magiging interesado sa gagawing brochure. Makakatulong ito upang malaman ano ang biswal na presentasyon ng iyong brochure.
- Simple at malinaw na nilalaman – mahalaga ang travel brochure na mga konkretong nilalaman. Gayonpaman, kailangan itong maging simple upang madali nila itong maunawaan at hindi makapagdudulot ng kalituhan sa mga turista.
MGA NILALAMAN NG ISANG TRAVEL BROCHURE
Introduksiyon – naglalarawan sa lugar ukol sa kasaysayan ng lugar na itatampok sa travel brochure. Maaaring gumamit ng iba’t ibang tagline o dayalekto na makapupukaw sa interes ng turista upang magpatuloy ito sa pagbabasa sa brochure.
Lokasyon (mapa) ng mga landmark o tourist spots – Higit na magiging madali sa mga turista ang paghahanap ng mga landmark o tourist spots kung may kasama itong mapa o paraan kung paano ito pupuntahan. Huwag kalilimutang isali ang mga outdoor activities tulad ng cycling, zipline, pagdaan sa isang maze, pag-akyat sa bundok at iba pa.
Lugar kung saan maaaring kumain at magpahinga – Ito ang isa sa pinakamahalagang nilalaman ng brochure na madalas makaligtaan. Marapat itong isali dahil kadalasan gusto ng turista ang magpalipas ng oras o ilang araw sa lugar at gayon ang mga delicacies na siyang magpapagana sa bakasyon ng turista.
Mga larawan ng mga lugar na maaaring pasyalan, kainan at mapagpapahingahan – madalas na inuuna ng mga turista ang pagtingin sa larawan kaysa sa mga detalye. Kaya mahalagang sa unang tingin pa lamang ay nakapupukaw na ito ng atensiyon. Higit na makapagbibigay ng ideya sa turista ang mga larawan na ilalagay sa brochure. Gawing organisado ang pagkakasunud-sunod ng larawan upang lalong ganahan ang turista sa pagtingin sa brochure.
Halaga ng transportasyon – iangkop ang halaga ng magagastos sa iyong turistang target. Sa ganitong paraan ay makapaghahanda ang turista sa angkop na halagang gagastahin sa kabuuan ng pagpunta destinasyon.
Ngayon, tingnan namin kung mahuhulaan mo ang ilang kilalang tourist spot sa ating bansa partikular sa Mindanao.
Huwag kang mag-alala, nandito lang kami ni Kokoy.
A. Hanapin sa Hanay B ang katumbas na pangalan ng mga larawan sa Hanay A. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
| HANAY A | HANAY B |
|---|---|
| [photo: sunflower field] | Lake Sebu-T’boli, South Cotabato _____ |
| [photo: lily pads and pink water lilies in a pond] | Tuka Eco Marine Park Kiamba, Sarangani _____ |
| [photo: forested shoreline beside clear turquoise water] | Blooming Petals, Tupi, South Cotabato _____ |
Ang gaganda ng mga lugar na ‘yan ‘di ba Dodong?
Oo naman Kokoy. Alam kong nahulaan ang mga ‘yan ng ating kaibigan.
Muli mong ituloy ang pagbabasa.
NAKAMAMANGHANG LAKE HOLON SOUTH COTABATO
ni: Liezl A. Resuelo
Sa bawat akyat mo sa isang bundok ay maituturing na isang ‘di malilimutang paglalakbay. May madaling akyatin, may mahirap ding akyatin. Ngunit hindi-hindi mo makakalimutan kung sa iyong paglalakbay ay mayroon kang makitang kumikinang na lawa pagkatapos ng mahaba at ilang oras ng lakaran. Tunay na ika’y mapapa-WOW!
Sa pusod ng T’Boli South Cotabato, ay may isa silang pinakatago-tagong yaman, ang Lake Holon. Sa sobrang ganda ng lugar na ito tinawag itong Crown Jewel of the South, dahil sa kapansin-pansin ang hugis nitong parang korona. Ang Lake Holon ay isa sa mga lugar na dinarayo ngayon ng mga turista sa Rehiyon XII.
[photo: crater lake surrounded by forested mountains]
Kuha ni: Erel Joy M. Benitez
Pinangalan itong Holon na ang ibig sabihin ay malalim na tubig. Isa itong crater lake sa Mount Melibingoy o kilala rin sa tawag na Mt. Parker. Inilalarawan ang lawa bilang isang beautiful disaster dahil resulta ng pagsabog ng bulkan noong Enero 4, 1641.
[photo: sunset over a lake with tents on the shore]
Kuha ni: Erel Joy M. Benitez
Paniniwala rin ng tribo ng T’Boli may nagsisilbi daw tagabantay at taga panatili ng ganda ng lake Holon. Batay sa kanilang kuwento, ang lawang ito ay may kaharian daw sa ilalim.
Bago marating ang Paraiso, ang mga T’Boli ay nagsasagawa muna ng ritwal bago maglakbay dahil aabutin kasi ito ng hanggang tatlong oras. Matapos ang mahabang treck, mainit kang sasalubungin ng mga tribo. Talagang ang pagod sa pag- akyat ay matatanggal pagdating mo.
[chart: map; route to Lake Holon showing trail from Brgy. Salacafe]
Labels printed on the map: Brgy. Salacafe; Mt. Melibingoy; PARKER; VIEW DECK; Lake Holon; Lake Holon Campsite. Other small labels: [illegible]
Lokasyon:
Matatagpuan ang Lake Holon sa bunganga ng Mt. Parker o mas kilala bilang Mount Melibingoy — isang strato volcano na dahil sa pagsabog ay nabuo ang lawa.
Dalawang Trails
Mayroong dalawang trail paakyat ng Mt. Parker: ang regular trail na puwedeng subukin ng mga bata at ang hunter’s trail na bahagyang mas mahirap daanan.
Tatlong oras ang lakaran bago makarating sa view deck kung saan makikita ang kabuuan ng crater lake ng Holon. Hanggang 150 campers ang puwedeng tumuloy sa campsite ng bundok. Maaari ring mag-relax sa fish spa rito.
Muling binuksan sa mga turista ang lawa nitong Marso lamang matapos itong isara nang tatlong buwan para sa isinagawang rehabilitasyon.
Halaga na Gagastahin Papunta sa Lake Holon
- General Santos City hanggang Koronadal City – Php 75-85
- Koronadal hanggang T’boli – Php 100
- Lake Sebu – Surallah Php 40 hanggang T’boli -Php 50
Suriin
Sa bahaging ito, aayusin mo ang ginulong mga salita o scrambled words upang matukoy ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap.
Makatutulong ito upang madagdagan ang alam mong mga salita na magagamit mo sa iyong paglalakbay.
Tara!
Wow! Ang gaganda ng mga lugar na ‘yon Dodong.
Tiyak na maraming nalaman ang ating kaibigan.
At alam ko Dodong na handang-handa na ang ating kaibigan sa susunod na bahagi ng kanyang paglalakbay.
Gawain 1: Buoin ang mga ginulong salita para matukoy mo ang kasingkahulugan ng mga sinalunguhitang salita sa pangungusap.
- Ang Lake Holon ay isa sa mga lugar na dinarayo ng mga turista.
T A N H A P I U N U N P
P_______________________N
- Ito ang resulta ng pagsabog ng bulkan.
A N A L K I S A A B N
K_______________________N
- Nagsisilbing tagabantay at taga- panatili ng ganda ng Lake Holon.
N A T O D
T___________D
- Binuksan sa mga turista ang lawa nitong Marso matapos itong isara nang tatlong buwan para sa rehabilitasyon.
N S I U Y A
A____________________N
U N P
A B N
Gawain 2: Subukin mong sagutin ang ilang tanong mula sa binasa mong “Nakamamanghang Lake Holon South Cotabato”. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Saan makikita o matatagpuan ang lawa ng Holon?
Bakit tinagurian itong “Crown Jewel of the South”?
Sa iyong palagay, bakit tinawag itong isang beautiful disaster?
Makatotohanan ba ang paniniwala ng tribo na may kaharian sa ilalim ng lawa? Pangatwiranan.
Bilang isang turistang Pilipino, paano mo ipakikilala ang tanawing ito sa iba pang turista nang sa gayon ay mapukaw mo ang kanilang interes na puntahan ang Lawa Holon?
Pagyamanin
Magaling ka kaibigan! Naisagawa mo agad ang dalawang gawaing ‘yon.
Upang mas lalo pang lumawak ang iyong kaalaman, gawin mo pa ang kasunod na pagsasanay.
Alam kong matiyaga ka. Sige, simulan mo na.
Pagsasanay 1:
Batay sa mga detalyeng ibinigay tungkol sa Lake Holon, punan mo ang talahanayan sa ibaba nang angkop na sagot upang mabuo ito. Ang unang bilang ay sinagot na upang maging gabay mo. Gawin mo ito sa isang sagutang papel.
LAKE HOLON
| PANGALAN NG MGA MAARING PASYALAN | MAKIKITA SA PASYALAN NA ITO |
|---|---|
| 1. Lake Holon | – matatagpuan ang isang lawa sa pinakatagong lugar ng Mt. Parker |
| 2. | |
| 3. |
TRAVEL BROCHURE
Isaisip
[illustration: two animated characters, one on the left and one on the right, with thought and speech bubbles]
Ang husay n’ya talaga kaibigang Dodong.
Sang-ayon ako sa ‘yo kaibigang Kokoy.
Binabati ka namin kaibigan. Nagpapatunay lamang ito ng iyong determinasyon sa pagkatuto. Ipagpatuloy mo ang ilan pang inihandang gawain para sa ‘yo.
Gawain 1: Punan ang graphic organizer kung ano ang mga dapat isaalang-alang sa paggawa ng isang Travel Brochure.
[chart: graphic organizer; Gawain 1, graphic organizer on the considerations in making a Travel Brochure]
Center circle: TRAVEL BROCHURE Three outer circles are blank.
Gawain 2: Ano- ano ang mga nilalaman ng isang Travel Brochure? Isulat ang nawawalang salita sa ibaba.
Mga Nilalaman ng Isang Travel Brochure
Ang 1._______________________naglalarawan sa lugar ukol sa kasaysayan ng lugar na itatampok sa travel brochure. Maaaring gumamit ng iba’t ibang tagline o dayalekto na makapupukaw sa interes ng turista upang magpatuloy ito sa pagbabasa sa brochure. Sa 2.____________________________________________________, Higit na magiging madali sa mga turista ang paghahanap ng mga landmark o tourist spots kung may kasama itong mapa o paraan kung paano ito pupuntahan. Huwag kalilimutang isali ang mga outdoor activities tulad ng cycling, zipline, pagdaan sa isang maze, pag-akyat sa bundok at iba pa. Naglalaman rin ito ng 3. _____________________________________, ito ang isa sa pinakamahalagang nilalaman ng brochure na madalas makaligtaan. Marapat itong isali dahil kadalasan gusto ng turista ang magpalipas ng oras o ilang araw sa lugar at gayon ang mga delicacies na siyang magpapagana sa bakasyon ng turista. Pang-apat ay ang 4._____________________dahil madalas na inuuna ng mga turista ang pagtingin sa larawan kaysa sa mga detalye. Kaya mahalagang sa unang tingin pa lamang ay nakapupukaw na ito ng atensiyon. Higit na makapagbibigay ng ideya sa turista ang mga larawan na ilalagay sa brochure. Gawing organisado ang pagkakasunud-sunod ng larawan upang lalong ganahan ang turista sa pagtingin sa brochure. Panghuli, 5., iangkop ang halaga ng magagastos sa iyong turistang target. Sa ganitong paraan ay makapaghahanda ang turista sa angkop na halagang gagastahin sa kabuuan ng pagpunta destinasyon.
Isagawa
[illustration: two characters, one on the left and one on the right, with thought and speech bubbles]
Kokoy, madali kayang naisagawa ‘yon ng ating kaibigan?
Oo naman Dodong. Bilib nga ako sa kanya.
Tiyak naming madali pa rin para sa ‘yo ang susunod na gawain.
Sundin mo lang ang ibinigay naming gabay sa ibaba.
Gawain 1: Pumili ng isang tourist spot. Pagkatapos, sumulat ka ng isang maikling talata na nagpapakilala sa lugar na napili mo. Isaalang -alang ang lokasyon at ang mga natatanging pagkain sa gagawing pagpapakilala.
Tourist Spot:
(Tourist Spot na napili)
Pagkain:
(Pangalan ng Pagkain)
Gawain 2: Isagawa ang sumusunod na gawain. Punan mo ang bawat patlang nang hinihinging mga detalye.
[chart: template form; Travel Brochure layout with three columns]
Left column: Travel Brochure (title); (Pangalan ng Lugar); blank lines and a blank box for the image.
Middle column heading: Mga Nakatutuwang bagay na puwedeng gawin Five bulleted blank lines; a blank box below.
Right column heading: Gusto kong magbakasyon dito dahil A blank box, followed by five blank lines.
Tayahin
[illustration: two characters, one on the left and one on the right, with speech bubbles]
Pagbati sa ‘yo mahal naming kaibigan. Ang ginawa mo ay isang halimbawa ng travel brochure.
Ang ganda ‘di ba?
Malapit mo nang makamit ang tagumpay sa iyong paglalakbay.
Ang susunod na bahagi ay tiyak naming madaling – madali na lamang sa ‘yo kaibigan.
Gawain 1:
Panuto: Tukuyin mo ang letra nang wastong sagot batay sa sumusunod na mga pahayag o mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Bahagi ng travel brochure na naglalarawan sa lugar ukol sa kasaysayan. Maaaring gumamit ng iba’t ibang tagline o dayalekto na makapupukaw sa itneres ng turista upang magpatuloy ito sa pagbabasa sa brochure.
a. Lugar kung saan maaaring kumain at magpahinga
b. Halaga ng transportasyon
c. Introduksiyon o panimula
d. walang nabanggitAng pagkakaroon ng makulay at malikhaing coverpage ay nakatutulong upang maging kapansin-pansin sa mata at makuha ang interes ng mga turista. Alin ang tamang paksa sa ideyang ito?
a. Lugar kung saan maaaring kumain at magpahinga
b. Simple at malinaw na nilalaman
c. Alamin ang turistang target
d. Nakakapukaw-pansin ang coverpageSa pahayag na “Higit na magiging madali sa mga turista ang paghahanap ng mga landmark o tourist spots kung may kasama itong mapa o paraan kung paano ito pupuntahan”. Ano ang tamang paksa sa pahayag na ito?
a. Lokasyon ng mga landmark o tourist spot
b. Alamin ang turistang target
c. Introduksiyon o panimula
d. Lugar kung saan maaaring kumain at magpahingaSa iyong palagay, mahalaga ba ang pagkilala sa target na audience sa pagbuo ng travel brochure?
a. Oo
b. Hindi
c. Hindi gaano
d. siguroSa iyong palagay, nakahihikayat ba ang magandang layout ng travel brochure sa isang turista?
a. oo, dahil nakadaragdag ito sa kanilang kasabikan sa kanilang pupuntahan
b. hindi, lalong malilito ang turista
c. siguro, dahil iba-iba naman ang gusto ng isang turista
e. siguro, dahil ito ang lugar kung saan maaaring kumain at magpahinga[transcriber’s note: the options for item 5 are printed as a, b, c, and e; there is no option d]
Gawain 2:
Panuto: Batay sa iyong mga natutuhan, isa-isahin ang mga hakbang/ panuntunan na dapat gawin upang maisakatuparan ang proyektong Travel Brochure.
Unang Hakbang: ______________________________________________________________
Ikalawang Hakbang: __________________________________________________________
Ikatlong Hakbang: ____________________________________________________________
Karagdagang Gawain
[illustration: two characters, one on the left and one on the right, with speech bubbles]
Wow! Ang galing mo talaga.
Natapos mo lahat ang mga gawain. Masaya kami ni Dodong para sa tagumpay mo.
Oo Kaibigan. Ang aming taus pusong pagbati sa ‘yo.
Para naman sa karagdagang gawain, sundin mo lamang ang panuto sa ibaba. Huling gawain na lamang ito mahal naming kaibigan.
Bubuo ka ng isang travel brochure.
Himukin ang iyong ina o sinomang nakatatandang kasapi ng pamilya sa inyong bahay na lutuin ang isang pagkain /delicacy na ipinagmamalaki sa inyong lugar. Kuhanan ng larawan ang pagkain at lagyan ng deskripsyon. Maaari ring ilagay ang lugar kung saan ito matatagpuan at madalas na niluluto. Gawin itong makulay at malikhain ayon sa iyong disenyo.
At ako si Kokoy. Hanggang sa susunod nating paglalakbay kaibigan.
Kaibigan, akong muli si Dodong. Salamat sa iyong pagtitiyaga.
Susi sa Pagwawasto
[illustration: key and hand inside a circle]
[transcriber’s note: this page is printed rotated 180 degrees. The sections below are listed in their logical order.]
Subukin
- B
- A
- B
- D
- C
- A
- D
- B
- C
- B
Tuklasin
- Mount Motutum, Polomolok
- Lake Sebu, T’boli, South Cotabato
- Tuka Eco Marine Park, Kiamba, Sarangga1ni [?]
Suriin
Gawain 1
- Pinupuntahan
- Kinalabasan
- Tanod
- Ayusin
Gawain 2
- T’boli, South Cotabato
- Dahil sa hugis nitong parang korona
3-4. Inaasahan ang iba’t ibang sagot
Isaisip
Gawain 2
- Introduksiyon/panimula
- Lokasyon
- lugar
- larawan ng mga lugar
- halaga ng transportasyon
Tayahin
- C
- D
- A
- A
- A
[illustration: young male character standing with a bag, pointing with one hand]
Binabati kita kaibigan! Napakagaling mo! Natapos at napagtagumpayan mo ang aralin. Sana’y naiwan sa iyong isipan ang lahat ng mga napag-aralan natin sa araw na ito. Bagaman tapos na tayo sa araling ito, ihandang muli ang iyong sarili sa panibago na namang aralin, ang Modyul 11: PROYEKTONG PANTURISMO
Sanggunian
Diksyunaryo:
Diksyonaryong Sentinyal ng Wikang Filipino (Ika-75 Anibersaryong Edisyon).(2011). Komisyon ng Wikang Filipino.
Internet:
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply