Filipino 6 Quarter 4 Module 5: Pagsulat ng Ulat, Balitang Pang-Isports, Liham sa Editor, at Iskrip ng Balitang Panradyo at Teleradyo

This is the Grade 6 Filipino self-learning module for the fourth quarter, Module 5: “Pagsulat ng Ulat, Balitang Pang-Isports, Liham sa Editor, at Iskrip ng Balitang Panradyo at Teleradyo” (writing reports, sports news, letters to the editor, and radio and teleradyo news scripts). It was prepared by DepEd Region VI as an Alternative Delivery Mode module (first edition, 2020) for learners studying at home. By the end, learners should be able to write a news report, a sports news story, a letter to the editor, and a short broadcast script.

What learners will learn

The module states these competencies:

  • Write a report and a sports news story, “nakasusulat ng ulat at balitang pang-isport” (F6PU-IVb-2.1; F6PU-IVc-2.1.1)
  • Write a letter to the editor, “nakasusulat ng liham sa editor” (F6PU-IVf-2.3)
  • Write a script for radio and teleradyo news, “nakasusulat ng iskrip para sa balitang panradyo at teleradyo” (F6PU-IVe-2.12.1)

Lessons in this module

  1. Aralin 1: Pagsulat ng Ulat at Balitang Pang-isports (writing reports and sports news). Learners read sample news stories, learn the inverted pyramid, and write their own report and sports story.
  2. Aralin 2: Pagsulat ng Liham sa Editor (writing a letter to the editor). Learners review the parts of a business letter and arrange and write a letter in full block style.
  3. Aralin 3: Pagsulat ng Iskrip ng Balitang Panradyo at Teleradyo (writing radio and teleradyo news scripts). Learners study a full sample radio newscast and a teleradyo segment, then write their own script and infomercial.

Key ideas: writing news and sports news

The module defines balita (news) as delivering accurate information about a real event. News follows the inverted pyramid: the first paragraph holds the most important facts, and the details become lighter as the story goes on. That first paragraph answers six questions:

  • Ano? What happened?
  • Sino? Who was involved?
  • Saan? Where did it happen?
  • Kailan? When did it happen?
  • Bakit? Why did it happen?
  • Paano? How did it happen?

Reminders for news writers: use simple, current, easy words; do not be wordy; keep paragraphs short; and leave out the reporter’s personal comments or opinions.

Balitang Pampalakasan o Pang-isports (sports news) reports events in the world of sports. The module names two types:

  • Paunang Balita (Advance News): reports an upcoming match, the strengths and weaknesses of the players, and why the game matters.
  • Kasalukuyang Balita (Actual Coverage): tells what happened during the game.

Sports news is written like regular news, using the inverted pyramid. The result of the game goes in the lead, the writer uses strong, lively words, names the player who won the game for a team, explains why a team lost, and writes so readers understand easily. A sports writer should know the rules of the sport, use the right sports terms, analyze game records, stay unbiased toward any team, and be curious and alert.

Sample texts include a report on retired teachers in Silay City giving rice and groceries to families, and a sports story about two Grade 6 athletes from Patag Elementary School winning gold and silver in track-and-field at a Division Meet.

Key ideas: letters to the editor

The module explains that a letter to the editor is a kind of Liham Pangangalakal (business letter) used to share views, ideas, or opinions on an important issue with an editor of a newspaper, magazine, or other publication. It can also be sent by email. Learners identify its parts:

  • Pamuhatan (heading: sender’s address and date)
  • Patutunguhan (inside address: name, position, and office of the recipient)
  • Bating Panimula (greeting)
  • Katawan ng Liham (body or message)
  • Bating Pangwakas (closing)
  • Lagda (signature or name of the writer)

The sample letter is from a school paper editor-in-chief submitting an article on the No Assignment Policy.

Key ideas: radio and teleradyo scripts

An iskrip (script) is the manuscript used in a newscast. It contains every word the speakers will say and guides reporters, directors, music staff, editors, and technicians. Teleradyo is a cable television channel that is the TV version of a radio station, so its hosts are both heard and seen.

Broadcast terms learners match in the pretest:

TermMeaning in the module
Station IDjingle or spoken line that identifies the station
Program IDline that introduces the program
Teaserattention-getting line
Bumpersays the program will return after the ad
Billboardtells who sponsors the program
Anchorintroduces the news presenters
News Presenterdelivers the news
Scriptwriterwrites the whole script
Technical Applicationadds sound effects during the newscast
Infomercialadvertisement

Tips for a radio script: make it clear and easy to understand, use simple words, keep the news quick but complete, avoid personal opinion, and write the script in capital letters. A script keeps the program flowing, makes sure the facts are correct, and avoids wasting airtime.

How to use this module

  • Learners: Start with the Subukin pretest of each lesson, then go through Balikan, Tuklasin, Suriin, Pagyamanin, Isaisip, Isagawa, and Tayahin in order. Write all answers on a separate sheet of paper and do not write on the module. Some Isagawa tasks ask you to watch video clips (flooding in Negros Occidental, or a boxing, basketball, or sepak takraw game) and write a news story from them.
  • Parents: Help your child check pretest answers with the Susi sa Pagwasto (answer key) at the end, and encourage honest use of it. Contact the teacher if your child has trouble.
  • Teachers: Most writing tasks are marked “Ang guro ang magwawasto” (the teacher will check). Lesson 1 includes a rubric scoring Nilalaman (content), Presentasyon, Organisasyon, and Sangkap Panggramatika (spelling, capitalization, word use, punctuation) from 2 to 5 points each.

Frequently asked questions

Which grade and quarter is this Filipino module for?

It is for Grade 6 Filipino, Quarter 4 (Ikaapat na Markahan), Module 5.

What lessons does the module cover?

It has three lessons: writing reports and sports news, writing a letter to the editor, and writing scripts for radio and teleradyo news.

What is the inverted pyramid in news writing?

It is a format where the first paragraph gives the most important facts, answering what, who, where, when, why, and how, and the following paragraphs give lighter details.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwasto at the end gives answers for the objective items, while most writing tasks are checked by the teacher.

What is teleradyo?

The module describes teleradyo as a cable television channel that is the TV version of a radio station, so listeners can also watch the people on the program.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Filipino – Ikaapat na Markahan – Modyul 5: Pagsulat ng Ulat, Balitang Pang-Isports, Liham sa Editor, at Iskrip ng Balitang Panradyo at Teleradyo

6

Filipino

Ikaapat na Markahan – Modyul 5: Pagsulat ng Ulat, Balitang Pang-Isports, Liham sa Editor, at Iskrip ng Balitang Panradyo at Teleradyo

[illustration: students reading and writing outdoors and indoors, a teacher at a desk, and a globe; the scene is decorative]

Diagonal banner text: PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

CO_Q4_Filipino 6_Modyul 5

Filipino – Ikaanim na Baitang Alternative Delivery Mode Ikaapat na Markahan – Modyul 5: Pagsulat ng Ulat, Balitang Pang-Isports, Liham sa Editor, at Iskrip ng Balitang Panradyo at Teleradyo Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak, o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Rosemarie G. Basiosa, Genalyn A. Tablatin, Clarissa V. Sayon, Rotchelle S. Vargas Editor: Juliet P. Quezon Tagasuri: Juliet P. Quezon, Emily D. Claro, Edwin Pameroyan, Carmel Joy P. Aujero, Jenelyn G. Navajas, Roselyn Roldan, Celestino S. Dalumpines IV, Angela B. Dilag, Antonette Espora Tagalapat: Jerry R. Baguios, Joy P. Nakamura, Leomel B. Ledda Tagapamahala: Ramir B. Uytico, Gladys Amylaine D. Sales, Nicasio S. FrioI, Elena P. Gonzaga, Federico P. Pillon, Jr., Juliet P. Quezon, Carmel Joy P. Aujero

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon VI Department of Education – Region VI Office Address: Duran Street, Iloilo City Telefax: (033) 336-2816 (033) 509-7653 E-mail Address: region6@deped.gov.ph

6

FILIPINO

Ikaapat na Markahan – Modyul 5: Pagsulat ng Ulat, Balitang Pang-Isports, Liham sa Editor, at Iskrip ng Balitang Panradyo at Teleradyo

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Kumusta na? Ano ang pinakahuling balita sa inyong lugar? Paano ba naipaaabot ang mga pangyayari o balita sa ibang tao?

Maraming paraan upang maipapaabot ang balita sa ibang tao tulad ng ulat sa mga pahayagan, radyo, telebisyon, at ngayon, sa social media.

Oras–oras may nangyayari sa paligid natin. Minsan ay nakasasaksi at nakaririnig tayo ng mga kakaibang pangyayari, masama man o mabuti. May mga balitang nakakikilig o kapana-panabik lalo na kung ang balita ay tungkol sa idolo mo sa larangan ng isports o iba pa. Sa pagiging mulat sa mga pangyayari sa lipunan at sa pagnanais na maging aktibong mamamayan, makatutulong kung may kaalaman ka tungkol sa mahusay na pagbabalita.

Sa araling ito, tatalakayin natin ang pagsulat ng ulat at balitang pang-isports. Makatutulong kung pagbubutihin mo ang paggawa sa mga gawaing nakahanda rito. Inihanda ang mga ito upang hasain ang iyong kakayahan sa pagsulat ng ulat at balitang pang-isports na maaari mong magamit sa anumang kahingian ng panahon.

Sa pagtatapos mo ng aralin na ito, ikaw ay inaasahang:

  • nakasusulat ng ulat at balitang pang-isport (F6PU-IVb-2.1; F6PU-IVc-2.1.1)

Subukin

A. Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na impormasyon sa ibaba at sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

a. Pagsasagawa ng Clean and Gren Project ng Supreme Pupil Government (SPG) sa pangunguna ng Pangulo ng SPG na si Marissa Lualde ng ikaanim na baitang

b. Naglinis ng buong paligid ng Emiliano Lizares Elementary School nitong kataapos na Biyernes, ika-8 ng umaga ng Enero 7, 2020 bilang paghahanda sa pagsimula ng klase sa bagong taon

c. Nagtanim din ng mga puno sa bakanteng lupa ng Sitio Pula, Brgy. E. Lopez, Lungsod Silay

d. Nakisali rin ang mga opisyal ng PTA sa pangunguna ni Pangulong Ma. Luisa Morales at ng ibang mga opisyal ng barangay sa pamumuno ni Ginoong Dante Magsipoc, unang Brgy. Kagawad ng barangay

e. Nagbigay ng donasyon ang barangay para sa mga sumuporta at sumama sa proyekto

f. Nagpasalamat ang Punong Guro na si Bb. Erlita Samos sa lahat ng sumuporta at nakilahok sa proyekto ng SPG

Mga Tanong:

  1. Ano ang pangyayari?

  1. Sino-sino ang mga taong sangkot sa pangyayaring ito?

  1. Saan isinagawa ang proyekto?

  1. Kailan isinagawa ang proyekto?

  1. Bakit ito isinagawa?

  1. Paano isinagawa ang proyekto? Isa-isahin ang mga hakbang.

B. Panuto: Pagtambalin ang mga salita sa Hanay A sa isport na pinaggagagamitan nito sa Hanay B. Isulat ang titik ng iyong sagot sa sagutang papel.

Hanay AHanay B
_____1. Knock-outA. Volleyball
_____2. Home runB. Basketbol
_____3. FreestyleC. Boksing
_____4. Underhead serveD. Swimming
_____5. Free-throwE. Baseball

Aralin 1: Pagsulat ng Ulat at Balitang Pang-isports

Isa sa ating mga naging aralin ay ang pagbibigay ng opinyon o reaksiyon sa isang balita o isyu. Ito ay isang mabuting kasanayan dahil naipahahayag natin ang sariling saloobin, opinion, o pananaw hinggil sa mga kaisipang inilahad.

Ang pagbibigay ng reaksiyon ay maaaring maipahayag sa pamamagitan ng pagsang-ayon o pagsalungat sa kaisipan ng sumulat, nagsalita, o kausap. Sikapin lamang na maging magalang upang maiwasan ang makasakit ng damdamin ng kapuwa.

Subukin natin ang iyong kasanayan sa pagbigay ng reaksiyon o opinyon. Gawin ang sumusunod na gawain.

Balikan

Panuto: Pag-aralan ang mga larawan sa ibaba. Pumili ng isa at ilahad ang maaaring kuwento sa likod ng iyong napiling larawan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

[photo: a health worker in a white coat giving an injection to a man wearing a face mask]

[photo: a flood scene with a person in a basin-shaped boat and flooded houses and roads]

Pinagkunan: https://www.voanews.com/covid-19-pandemic/philippines-finally-receives-first-batch-covid-19-vaccine

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2020/11/14/2056849/pcg-195-nasagip-sa-mga-pagbaha-ng-cagayan-valley-dulot-ni-ulysses

Tuklasin

A. Panuto: Basahin ang ulat sa ibaba at sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Maagang Pamasko ng mga Retiradong Guro

ni Genalyn A. Tablatin

Disyembre 6, 2020, sinorpresa ng mga retiradong guro ng Lungsod ng Silay ang mga residente ng Barangay Kapitan Ramon. Namigay sila ng tigsasampung kilong bigas at grocery sa bawat pamilyang sakop ng barangay. Laking pasasalamat ng mga tao sa naturang barangay sa maagang pamasko lalo na sa panahon ng pandemya kung saan mas marami ang naghihirap. Nagbigay din sila ng mga buto ng iba’t ibang gulay para sa proyektong pangkabuhayan upang tulungang makabangon ang mamamayang nakatira roon.

Ito ay isang paraan ng mga retiradong guro upang ipaabot ang tulong sa kanilang kapuwa at magbahagi ng biyaya mula sa Maykapal. Isa rin itong magandang halimbawa na dapat pamarisan ng karamihan.

Tanong:

  1. Sino-sino ang namigay ng maagang pamasko?

  1. Kailan at saan naganap ang pangyayari?

  1. Ano-ano ang kanilang ipinamigay na tulong?

  1. Anong katangian mayroon sila? _____

  2. Ano pa ang ibang impormasyong nakuha mo mula sa ulat?

B. Panuto: Basahin ang halimbawa ng balitang pang-isports sa loob ng kahon at sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Patag ES nasungkit ang pilak at ginto sa track-and-field ni: Genalyn A. Tablatin

Nasungkit ni Rico Batoliño ang gold medal at ni Leo Aldamar ang silver medal sa track-and-field sa isinagawang Division Meet nitong Pebrero 10-12, 2020 kung saan muli na namang nagpakitang gilas ang mga estudyanteng-atleta ng Lungsod Silay sa larangan ng isports.

Sina Batoliño at Aldamar ay parehong mag-aaral sa ikaanim na baitang ng Mababang Paaralan ng Patag. Pareho silang pasok para lumaban sa mas mataas na nibel ng laro – ang Area Meet na inaasahang gaganapin sa buwan ng Marso. Iba’t ibang laro ang ginanap sa Doña Montserrat Lopez Memorial High School (DMLMHS) gaya ng volleyball, basketball, softball, badminton, at track-and-field.

Maraming napanalunan ang mga malalaking paaralan sa lungsod ngunit hindi nagpahuli ang ilang mag-aaral mula sa maliliit at malalayong paaralan sa lungsod gaya nina Batoliño at Aldamar.

Tanong:

  1. Tungkol saan ang balitang iyong binasa?

    _____________________________________________________________________

  2. Paano inumpisahan ng manunulat ang balita?

    _____________________________________________________________________

  3. Ano ang napansin mo sa mga ginamit na salita sa balita?

    _____________________________________________________________________

  4. Nagbigay ba o hindi ng opinyon ang taga-ulat? Bakit oo? Bakit hindi?

    _____________________________________________________________________

    _____________________________________________________________________

  5. Anong katangian ang dapat taglayin ng isang manunulat ng balitang pangkalakasan?

    _____________________________________________________________________

Suriin

Ano ang balita? Ito ay ang paghahatid ng tumpak na impormasyon tungkol sa isang totoong pangyayari.

Sa pagsulat ng isang balita, sinusunod ang tinatawag na inverted pyramid kung saan ang unang talata ay naglalaman ng pinakamahalagang impormasyon tungkol sa pangyayari. Sinasagot nito ang mahahalagang tanong, tulad ng:

  • Ano? – Ano ang nangyari?
  • Sino? – Sino ang mga taong sangkot sa pangyayari?
  • Saan? – Saan nangyari ang balita?
  • Kailan? – Kailan ito nangyari?
  • Bakit? – Bakit ito nangayari?
  • Paano? – Paano ito nangyari?

Papaliit o papagaan na ang sumusunod na mga pangyayari sa talata.

Dapat tandaan:

  • Gumamit ng simple, napapanahon, at naiintindihang mga salita.
  • Iwasang maging maligoy.
  • Gawing maikli ang talata.
  • Iwasang magbigay ng personal na komento o opinyon ng tagaulat.

Ang Balitang Pampalakasan o Pang-isports ay isang pagpapahayag ng mga balitang kaugnay sa mga pangyayari sa mundo ng palakasan. Ito ay isa sa pinakamaganda at nakaaaliw na gawaing pamperyodiko.

Uri ng Balitang Pang-isports
  1. Paunang Balita (Advance News) – ibinabalita ang napipintong labanan ng mga koponan. Ito ay hinggil sa kakayahan at kahinaan ng bawat manlalaro sa koponan. Tinatalakay rin ang kahalagahan ng larong gaganapin.
  2. Kasalukuyang Balita (Actual Coverage) – ito ay naglalahad ng mga pangyayari sa laro.
Paraan sa Pagsulat ng Balitang Isports:
  1. Isinusulat ito katulad ng pagsusulat ng karaniwang balita.

  2. Inuuna rin sa pagsulat ng balitang isport ang malaking pangyayari sa pamamaraang baliktad na piramide (inverted pyramid).

  3. Gumagamit ang isang manunulat ng balitang pang-isport ng mga salitang ‘malalakas’ at buhay.

  4. Laging nasa patnubay ang resulta ng laro o tunggalian upang mapukaw o maakit ang mambabasa.

  5. Kung ang laro ay labanan ng koponan na katulad ng basketball o softball, huwag kalimutang banggitin ang nagpanalo sa laro.

  6. Sa pagsulat ng balitang isports ay ipinakikita kung bakit hindi nanalo ang isang koponan.

  7. Isinusulat ito sa paraang madaling maunawaan ng mambabasa.

Pagyamanin

Sa bahaging ito, isasagawa mo ang mga gawain upang higit pang mapagyaman ang iyong kaalaman sa natalakay na aralin.

Gawain 1

Panuto: Suriin ang mga detalye sa loob ng kahon at sumulat ng isang ulat hinggil dito. Isulat ang iyong sagot sa loob ng kahon sa iyong sagutang papel.

Ano: Pagpapauwi sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa kanilang probinsiya sa panahon ng COVID-19 Sino: Mga OFW mula sa Saudi, Dubai, at Kuwait, Gob. Lacson ng Probinsiya ng Negros Occidental Saan: Sa Maynila, kung saan na-stranded ang mga OFW patungo sa probinsiya ng Negros Occidental Kailan: Sabado, ika-5 ng Abril, 2020 Paano: Nagdesisyon ang gobernador ng Negros Occidental na payagang makauwi ang mga OFWs na na-stranded sa Maynila sa probinsiya dahil na rin sa pag-aalala sa kanilang sitwasyon ngunit kailangang sumunod sila sa health protocols gaya ng pagpapa-swab test at pagsailalim sa quarantine sa loob ng labing-apat na araw Bakit: Dahil sa COVID-19 kaya nagbawas ng mga manggagawa sa ibang bansa at na puwersang pauwiin ang mga OFW sa Pilipinas.

_______________________________________________________________________________________________________

Gawain 2

Panuto: Gumawa ng balitang pang-isports ayon sa ibinigay na datos sa ibaba. Isulat ito sa loob ng kahon sa iyong sagutang papel.

Ano: Laro ng Lahi (Palo-Sebo) Saan: Patag Elementary School Kailan: Biyernes, Agosto 23, 2019; ika-1:00 n.h. (sinariwa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika) Mga kalahok: Romy Villamor (Baitang 6), Leovec Villarena (Baitang 5), Aldrin Mape (Baitang 4) Oras ng pagkuha ng banderitas: Villamor (5 minuto at 35 segundo), Villarena (8 minuto at 21 segundo), Mape (10 minunto at 11 segundo) Kondisyon ng panahon: mainit na hapon Mga manonood: Mga magulang, mga mag-aaral, mga guro, at mga bisita, puno ng hiyawan sa kapana-panabik na pag-akyat at pagdausdos ng mga kalahok sa madulas na kawayan. Papremyo: Isang libong piso (P1,000.00) – unang pwesto Limang daang piso (500.00) – ikalawang pwesto Tatlong daang piso (300.00) – ikatlong pwesto Pag-aanunsiyo ng Nagwagi: Ika-4:00 n.h., sa pamumuno ni Bb. Ellen A. Luceño, Punong Guro, kasama ang mga guro

Gawain 3

Panuto: Bumuo ng iyong sariling ulat batay sa iyong obserbasyon sa mga pangyayari sa kinabibilangan mong pamayanan. Upang magawa ito, unang itala ang Ano, Sino, Saan, Kailan, Paano, at Bakit ng pangyayaring nasaksihan at saka ito pagsamasamahin sa isang talata upang makabuo ng malinaw na ulat. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Isaisip

May mahahalagang bagay na dapat alalahanin ng isang manunulat ng balita.

Sa pagsulat ng isang ulat at balitang pang-isports, kailangan ang mga datos na sumasagot sa katanungang: ano, sino, saan, kailan, paano, at bakit. Dinadagdagan na lamang ito ng mga magagaan o malilit na detalye.

Sa pagsulat ng balitang pang-isports, dapat may alam ang manunulat sa mga tuntunin ng isport na kaniyang iuulat. Dapat marunong siyang gumamit ng lengguwahe o angkop na mga salitang gamitin sa mundo ng isports. Dapat marunong din siyang mag-analisa ng mga talang nakuha sa laro. Napakahalaga na wala siyang kinikilingan o hindi siya biased sa alinmang koponan. Mahalaga ang pagiging mausisa, alerto, at may matalas na pakiramdam sa galaw at ikinikilos ng mga manlalaro.

Isagawa

A. Panuto: Panoorin ang pangyayari tungkol sa pagbaha sa Northern Negros Occidental gamit ang link sa ibaba. Sumulat ng balita batay rito gamit ang sumusunod na rubrik bilang gabay. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. (20 puntos)

https://www.youtube.com/watch?v=b5MB1AkPN04 https://www.youtube.com/watch?v=JYg9dW2I73E

_______________________________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________________________

B. Panuto: Pumili ng isa sa mga video clip ng isport na iyong naiibigan mula sa mga link sa ibaba. Matapos ito, sumulat ng balitang isport sa iyong sagutang papel. Sumangguni sa itinakdang pamantayan sa ibaba.

https://www.youtube.com/watch?v=oXAUEcHKo18 (boksing) https://www.youtube.com/watch?v=SuTjWY37ITE (basketbol) https://www.youtube.com/watch?v=UMc3y3DAkM0 (sepak takraw)

_______________________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________________________

Rubrik para sa Pagsulat ng Ulat/Balita

Napakahusay 5 puntosMahusay 4 puntosNalilinang 3 puntosNagsisimula 2 puntos
NilalamanKumpleto at wasto ang lahat ng impormasyon.May ilang nakaligtaan ngunit wasto ang lahat ng naisulat na impormasyon.May maraming kulang ngunit wasto ang mga impormasyonMay maraming kulang at mali na impormasyon
PresentasyonNakapupukaw ng interes ang paglalahad ng ulat/balita. Maayos ang daloy. Malakas ang tinig ng paglalahad.Maayos na nailahad ang balita. Nauunawaan ang nilalaman.Hindi gaanong maayos na nailahad ang balita.Hindi maayos na nailahad ang balita at hindi gaanong nauunawaan ang nilalaman.
OrganisasyonOrganisado, malinaw, simple at may tamang pagkakasunod-sunod ang mga imporsmasyon sa ulat/balita. Malinaw ang daloy at organisado ang paglalahad ng kaisipan.Malinaw at maayos ang presentasyon ng mga ideya sa sulat. Malinaw ang daloy ng paglalahad ng kaisipan.Maayos ang presentasyon ng mga pangyayari at ideya. May bahaging di gaanong malinaw.Hindi maayos ang presentasyon ng mga ideya. Maraming bahagi ang hindi malinaw sa paglalahad ng kaisipan.
Sangkap Panggramatika (baybay, kapitalisasyon, gamit ng salita, at pagbabantas)Malinaw, maayos, at tama ang baybay, kapitalisasyon, gamit ng salita, at pagbabantas.Wasto ang baybay, kapitalisasyon, gamit ng salita, at pagbabantasMay ilang pagkakamali sa baybay, kapitalisasyon, gamit ng salita, at pagbabantasHindi kinakitaan ng sinop sa pagsulat.

Alamin

May mensahe ka bang nais ipaabot?

Sa panahon ngayon ng social media, ginagamit pa rin ang liham bilang pormal na komunikasyon na maaring ipadala sa electronic mail. Sa panahon ng pandemya, naging gamitin ang paglilihaman gamit ang mga sulatroniko o email upang maipagpatuloy ang pormal na komunikasyon sa mga paaralan, pamahalaan, opisina, at iba pa.

Isa sa mga uri ng liham ay ang Liham Pangangalakal na isinusulat upang makipag-ugnayan, makapag-abot, at makapaglahad ng mga saloobin, ideya, o opinyon hinggil sa isang mahalagang isyu o paksa para sa mga kinauukulan tulad ng sa isang editor sa pahayagan, magasin, o iba pang publikasyon.

Paano ba inihahanda ang isang sulat sa editor? Iyan ang tatalakayin natin sa araling ito.

Pagkatapos ng aralin na ito, ikaw ay inaasahang:

  • nakasusulat ng liham sa editor (F6PU-IVf-2.3).

Subukin

Panuto: Ayusin at isulat nang tama ang sumusunod na mga bahagi ng isang liham sa editor gamit ang estilong full block. Isulat ito sa iyong sagutang papel. (10 puntos)

  1. Ginoong/Ginang/Binibining Editor:

  2. Lubos na gumagalang,
    Maria Fe Reyes

  3. Sa Tagapamahala
    Sun Star Bacolod Publishing, Inc.
    Room 119, Ground Floor, VSB Building
    6th Street, Bacolod City

  4. Kalye ng Bonifacio
    Lungsod ng Silay
    Ika-30 ng Marso, 2019

  5. Magandang araw po!

    Ako po’y isang mag-aaral sa ikaanim na baitang. Nabasa ko po na nangangailangan kayo ng isang ilustreytor sa inyong pahayagan.

    Nais ko pong mag-aplay sa posisyong ito. Mahilig po ako sa pagguhit. Marami na po akong mga iginuhit na nanalo sa mga paligsahan sa aming paaralan. Sana po ay mabigyan ninyo ako ng pagkakataon na makapagtrabaho ngayong bakasyon upang makatulong naman po ako sa aking mga magulang. Kung inyong mamarapatin, nais ko pong makipagkita sa inyo para sa interbyu at para ipakita ang mga gawa ko.

    Lubos po akong umaasa sa inyong pagsagot.

Aralin 2: Pagsulat ng Liham sa Editor

Balikan

Panuto: Bago mo pag-aralan ang pagsulat sa editor, balikan mo muna ang mga bahagi ng Liham Pangangalakal. Kilalanin ang bawat bahagi ng liham at isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

[transcriber’s note: the letter is printed as a labeled diagram with brackets and arrows pointing to its parts; the numbered blanks are shown beside those parts]

Mababang Paaralan ng Hilagang Silay
Kalye Rizal
Lungsod Silay
Oktubre 12, 2019

_____________ 1.

Sa Tagapamahala
Claro Publishing House, Inc.
Kalye Tres Fuentes
Lungsod Silay

Ginoo/Ginang/Binibini: 3. _____________

Mangyaring padalhan ninyo kami ng mga sumusunod na aklat at babasahin:

2 Talatinigan (Filipino-Filipino)
2 Mga Alamat
2 Panitikang Pambata

Ang bayad ay ibibigay po namin sa inyong tagapaghatid.

Lubos na sumasainyo, 5. _____________
Lydia G. Luceros 6. _____________
Mag-aaral, Baitang VI-A

Tuklasin

Panuto: Suriin ang liham sa ibaba at sumulat ng liham pangangalakal gamit ang sariling datos. Gawing batayan ang gabay sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Violeta Integrated School
Hacienda Violeta, Brgy. Kapitan. Ramon
Lungsod Silay
Pebrero 5, 2019

Sa Tagapamahala
Visayan Daily Star
Araneta Avenue
Lungsod Bacolod

Ginang/Ginoo/Binibini:

Isang magandang araw po sa inyo!

Ako po ay si Jazmin A. Gonzales, Editor-in-Chief ng aming pampaaralang pahayagan sa Filipino. Nais ko pong magsumite ng aking panulat batay sa napapanahong isyu ukol sa No Assignment Policy.

Naway mabigyang-pansin at mailathala ito sa inyong pahayagan.

Ang inyong positibong pagtugon ay lubos kong pasasalamatan.

Lubos na gumagalang,
Jazmin A. Gonzales

Gabay:

  1. Palitan ang pamuhatan.

  2. Gamitin ang petsa ngayon.

  3. Palitan ang taong sinusulatan, ang katungkulan at ang tirahan.

  4. Palitan ang bating pambungad.

  5. Palitan ang isyu na inilahad sa katawan ng liham.

  6. Palitan ang bating pamitagan at pangwakas.

  7. Palitan ang pangalan ng sumulat.

Alamin

Alam mo ba?

Ang radyo noon ang pinakamabilis na tagapagpaabot ng mga balita at iba pang- impormasyon? Nagagamit ito sa mga lugar na walang elektrisidad at hindi naaabot ng mga peryodiko.

Maliban sa radyo, may isang sistema ng komunikasyon para sa pagpapahayag at pagtanggap ng mga gumagalaw na mga larawan at tunog sa kalayuan. Ito ay ang telebisyon.

Alam mo rin ba na may tsanel ang telebisyon na nakakabit sa radyo? Ang bersiyong ito ay tinatawag na teleradyo.

Sa araling ito, tatalakayin natin ang pagsulat ng iskrip sa Balitang Panradyo at Teleradyo.

Pagkatapos mo ng araling ito, inaasahang:

  • nakasusulat ka ng iskrip para sa balitang panradyo at teleradyo (F6PU-IVe-2.12.1).
Subukin

Panuto: Ang sumusunod ay mga ekspresyon na ginagamit sa pagsulat ng iskrip na panradyo. Pagtambalin ang mga termino sa Hanay A sa kahulugan nito sa Hanay B. Isulat ang titik lamang ng iyong sagot sa sagutang papel.

AB
1. Station IDa. patalastas
2. Program IDb. linyang pang-akit ng pansin
3. Teaserc. jingle o pasalitang linyang ginagagamit sa pagkilala ng istasyon
4. Bumperd. pag-aaplay ng mga sound effects habang dumadaloy ang balitaan
5. Billboarde. linyang ginagamit sa pagpapakilala ng programa
6. Anchorf. linyang ipinapaalam kung sino ang isponsor ng programa
7. News Presenterg. Ipinapaalam na muling magbabalik ang programa pagkatapos ng patalastas
8. Scriptwriterh. tagapagpakilala ng tagapagbalita
9. Technical Applicationi. tagasulat ng buong iskrip
10. Infomercialj. tagapaghatid ng balita
k. iskrip
Kumusta ka na?

Ang pagsulat ng iskrip para sa Balitang Panradyo at Teleradyo ay pagbibigay-oportunidad sa kabataan na maipahayag ang kanilang saloobin kaugnay sa isang napapanahong isyu o isyung kanilang napiling i-broadcast. Nakatutulong ito upang maging isang epektibong tagasulat o maging tagapagbalita ang isang mag-aaral.

Balikan

Panuto: Kilalanin kung anong bahagi ng liham ang sumusunod. Hanapin ang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang wastong sagot sa iyong sagutang papel.

Pamuhatan, Patutunguhan, Bating Panimula, Katawan ng Liham, Lagda, Bating Pangwakas, Patalastas

  1. Dito nakapaloob ang pangalan ng sumulat.
  2. Ito ang pinakahuling bati ng sumulat.
  3. Nakapaloob dito ang nilalaman o mensaheng nais ipabatid ng sumulat.
  4. Dito nakalagay ang pangalan ng sinusulatan.
  5. Binubuo ng pangalan at katungkulan ng susulatan, tanggapan, o opisina ng direksiyon ng sulat.

Aralin 3: Pagsulat ng Iskrip ng Balitang Panradyo at Teleradyo

Tuklasin

Handa ka na ba sa isa namang bagong kaalaman? Kung ganoon, tingnan ang susunod na gawain.

Panuto: Basahing mabuti ang buong iskrip para sa Balitang Panradyo. Pag-aralan ang pormat at ang papel na ginagampanan ng bawat kasapi. Gagamitin dito ang mga ekspresyon o mga termino na nakikita sa bahaging Subukin. Pagkatapos nito ihanda ang sarili sa pagsulat ng iskrip tulad nito.

DZXP

(Malakas na bagsak ng tunog at biglang hihina)

Station ID: Boses ng kabataan, mata ng bayan. DZXP, radyo pampubliko, 6.84 sa palapihitan ng inyong mga radyo

Anchor 1: Renzelle S. Vargas

News Presenter: Rona Santos (Balitang Lokal) Adrian Lucero (Balita mula sa Ibayong Dagat) Gretchen Natividad (Balitang Pampalakasan)

Scriptwriter: Aubrey Lopez

Technical Application: Andrew Samson

Infomercial: Rona Santos, Adrian Lucero, Gretchen Natividad (Sound effects malakas)

Station ID: Mula sa bulwagang pambalitaan himpilan at sandigan ng bayan, ito ang DZXP Radyo Pampubliko. 684 sa palapihitan ng inyong mga radyo. (*sound effects*)

Anchor 1: Magandang hapon Pilipinas. Ito po ang inyong lingkod Renzelle Vargas, maghahatid sa inyo ng mga bago at rumaragasang balita sa loob at labas ng ating bansa. Sa ulo ng ating mga nagbabagang balita… (Sound effects)

Anchor 1: Balitang Lokal. DSWD: Pamilya ni Michelle Silverio, nakatanggap ng ayuda. Balita mula sa Ibayong Dagat. Mga Pinoy sa Rome, Italy nag-alay ng dugo para sa mga kritikal ang lagay dahil sa COVID-19

Balitang Pampalakasan. Bumangon mula sa malalim na hukay ang Defending Champion ng De La Salle University upang itabla ang serye kontra Ateneo de Manila University

Anchor 1: Para sa balitang lokal narito si Rona. Rona, pasok!

Balitang Lokal:

Nakatanggap na ng ayuda ang pamilya ni Michelle Silverio, ayon sa Department of Social Welfare & Development (DSWD). Ayon sa DSWD, ipinaabot nitong Huwebes ang kanilang mga kawani sa DSWD Field OFfice V sa Bicol Region ang ayuda sa naiwang pamilya ni Silverio, na isang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), at nakatanggap din ng tulong mula sa Social Amelioration Program. -Rona Santos, nag-uulat. (*sound effect*)

Anchor 1: Maraming salamat Rona. Balita mula sa ibayong dagat, narito ang ating lingkod, Adrian, idetalye mo!

Balita mula sa Ibayong Dagat:

Tinatayang 30 mga Pilipino ang boluntaryong nagbigay ng kanilang dugo bilang tulong sa mga pasyente ng COVID-19 na kritikal and kondisyon. Sa tulong ng IPARAMEDIC founder na si Rogelio, naisagawa ang blood donation drive. Ang Italy ay isa sa mga bansa sa buong mundo na may pinakamataas na bilang ng mga namatay sa COVID-19. -Adrian Lucero, nagbabalita. (*sound effect*)

Anchor 1: Maraming salamat, Adrian. Ang ating oras ay 5 minuto bago mag alas 5 ng hapon.

Infomercial:

Tao 1: Pagtatanggal ng mga lumang jeep at papalitan ng bago?

Tao 2: Ito lang ba ang tanging paraan?

Tao 3: Para ito sa kabutihan ng lahat ng tao na gumagamit ng jeep.

T2: Paano na lamang ang mga jeepney drivers? Ang mga pamilya nila?

T1: Hindi na ba kayang bigyan ng marami pang panahon upang mapag-ipunan nila ang mga bagong jeep?

Tao 1, 2, 3: Unawain at intindihin ang ating jeepney drivers. Bigyan pa sila ng panahon, say no to immediate jeepney phase out. (*sound effect*)

Anchor 1: Muling nagbabalik ang DZXP Radyo Pampubliko. Sa Balitang Pampalakasan. Narito si Gretchen para sa balita.

Balitang Pampalakasan:

Bumangon mula sa malalim na hukay ang defending champion ng De la Salle University upang itabla ang serye kontra Ateneo de Manila University, 92-83, sa Game 2 ng UAAP men’s basketball finals sa Araneta Coliseum ngayong Miyerkoles. Nalubog ang Green Archers sa 21 na puntos na tambak, 28-49, ngunit bumulusok sa ikatlong yugto kung saan nilimitahan nila ang blue eagles sa walong puntos

upang dalhin ang serye sa do or die match sa Linggo. -Gretchen Natividad, nag-uulat. (sound effect)

Anchor 1: At ‘yan ang mga balitang nakalap sa aming mas malawak na pagbabantay. Ito po ang inyong lingkod Renzelle Vargas. Maraming salamat at magandang hapon, bayan.

Station ID: Boses ng kabataan, mata ng bayan. DZXP Radyo Pampubliko, 6.84 sa palapihitan ng inyong mga radyo

Mga tanong:

  1. Ano ang pangalan ng istasyon na umaarangkada?

  2. Sino ang unang rumatsada sa programa?

  3. Napapanahon ba ang isyu na ibinalita ni Rona Santos? Patunayan.

  4. Bakit kailangan ang infomercial?

  5. Paano isinusulat ang iskrip para sa balitang panradyo?

Narito ang isang pasada sa teleradyo. Alin kaya ang mas madaling isulat, ang iskrip sa balitang panradyo o ang iskrip sa teleradyo. Basahin at unawain ang iskrip sa ibaba.

Station ID: HO! HO! HO! MERRY CHRISTMAS! SIGURADONG MAGIGING MALIGAYA ANG PASKO AT MANINGNING ANG BAGONG TAON NINYO KUNG ANG LAHAT AY LIGTAS. PARA SA KALIGTASAN NG BUONG SAMBAYANAN, ISANG PAALALA HATID SA INYO NG TELERADYO. MAY PLANO KA BANG PUMUNTA SA MALL O DI KAYA’Y LUMABAS? NARITO ANG ILAN SA MGA TAGUBILIN PARA MAGING LIGTAS. HUWAG KALIMUTANG MAGSUOT NG FACE MASK, PALAGING BITBITIN ANG SANITIZER O ALCOHOL, DUMISTANSIYA NG NANG ISANG METRO, SA PAGBATI, KAWAY-KAWAY LANG MUNA NA MAY KASAMANG NGITI SA MGA AMIGO’T AMIGA, KUMARE, KUMPARE, O SA MGA KAKILALA. ANG MGA PAALALANG ITO AY HATID SA INYO NG DZXM TELERADYO.

ANG MGA BALITA AT IMPORMASYONG NAKALAP AY MAPAKIKINGGAN SA PROGRAMANG ITO AT MAAARI DING PUMUNTA SA GOOGLE STORE AT APPLE STORE PARA SA IBA PANG IMPORMASYONG NAIS MALAMAN.

[transcriber’s note: the word “NG” in “DUMISTANSIYA NG NANG ISANG METRO” is struck through in the original]

KAMI AY MAGBIBIGAY SA INYO NG IBAYONG KAKUWELAHAN AT KAALAMAN MULA LUNES HANGGANG BIYERNES ALAS 4:00 NG HAPON ANG PROGRAMANG PAKWELA TAYM.

KUWELAHANG MAY MATUTUHAN KAYO KAYA ANO PANG HINIHINTAY N’YO SUMALI NA AT TUMUTOK SA KUWELAHANG ITO NA MAGPAPA-HAPPY NG ARAW MO.

Hosts: AKO SI ANGELICA SALCEDO KASAMA SI RODERICK PALCES ANG MAGHAHATID SA INYO NG MGA TIPS KUNG PAANO SASAYA ANG ARAW NINYO………TUMUTOK AT HUWAG BUMITIW SA PROGRAMANG PAKWELA TAYM.

Mga tanong:

  1. Ano ang pangalan ng Teleradyo?

    _____.

  2. Sino kaya ang boses sa likod ng unang talata?

    _____.

  3. Ilan kaya ang bumubuo sa programang Teleradyo?

    _____.

  4. Maliban sa balita, ano pa ang hatid ng Teleradyo?

    _____.

  5. May pagkakaiba ba ang Balitang Panradyo at Teleradyo?

    _____.

Suriin

Ano ang iskrip?

Iskrip. Ito ay manuskrito ng isang Awdyo-Biswal materyal na ginagamit sa pagbabalita. Dito makikita ang lahat ng mga salitang dapat bigkasin o sasabihin ng tagapagsalita sa programa. Ito ang ginagamit sa produksiyon. Dito rin makikita ang lahat ng mga mensahe na dapat ipabatid sa mga tagapakinig. Nagsisilbi itong gabay sa mga tagapag-ulat, direktor, tagaayos ng musika, editor, at mga teknisiyan.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Iskrip Panradyo

  1. Ang isusulat na iskrip ay dapat malinaw at madaling maintindihan.
  2. Gumamit ng mga salitang madaling unawain.
  3. Gawing mabilis at simple ang balita ngunit naglalaman ng mahahalagang impormasyon.
  4. Iwasang haluan ng personal na opinyon ang balita.
  5. Isulat ang iskrip gamit ang malalaking letra.

Teleradyo. Ito ay isang tsanel na pantelibisyong nakakable (cable television channel). Ito ang bersiyong pantelibisyon ng himpilan ng radyo. Hindi lamang maririnig ang mga bumubuo sa teleradyo kung hindi mapanonood pa

Pagyamanin
Gawain 1

Panuto: Punan ng angkop na salita o ekspresyon ang mga sumusunod na patlang upang mabuo ang iskrip panradyo. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Isulat ang kumpletong iskrip.

(Bagsak ng tunog na malakas at biglang hihina)

1._____ : DXXL RADYO ALISTO, MATA NG BAYAN, TINIG NG KATOTOHANAN. DXXL RADYO ALISTO 24/7 SA PALAPIHITAN NG INYONG MGA 2._____.

Anchor 1: Bea S. Venteroso

News Presenters: Stephany S. Ditchilla (Balitang Lokal) Jedell O. Siason (3.___________) Trishia S Javelona (Balitang Pampalakasan)

Scriptwriter: Shane S. Jadoc

Technical Application: Gene Anthony J. Villa

Infomercial: Renz S. Rojero, Trexie J. Solano

(Sound effects malakas)

Station ID: MULA SA BULWAGAN 4., HIMPILAN AT SANDIGAN NG BAYAN ITO ANG 5. 24/7 SA INYONG MGA RADYO

Anchor 1: MAGANDANG BUHAY KABABAYAN. ITO ANG INYONG LINGKOD 6., MAGDADALA NG MGA MAIINIT UMAATIKABONG 7. SA LOOB AT LABAS NG ATING BANSA. SA 8._____ NG ATING MGA NAGLALAGABLAB NA BALITA……..

(Sound effects)

Anchor 1: BALITANG 9. _____ : PAMAHALAAN NG LUNGSOD NG SILAY MAMIMIGAY NG AYUDA SA MGA BIKTIMA NG PANDEMYA.

BALITA MULA SA 10._____, MGA KABABAYANG NASA WEST VIRGINIA MAGPAPADALA NG TULONG SA MGA DINAANAN NG BAGYONG ULYSSES.

BALITANG 11._____ : ITINANGHAL NA KAMPEON ANG GILAS PILIPINAS SA LOS ANGELES CALIFORNIA LABAN SA IBANG KOPONAN.

Gawain 2

Panuto: Gumawa ng isang angkop at mabisang infomercial sa paksa na “Walang Pasok kung Walang Bakuna”. Gawing gabay ang halimbawang ibinigay sa pagtalakay ng aralin. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

[transcriber’s note: about fifteen ruled writing lines follow in the original; they are not transcribed]

Gawain 3

Panuto: Sumulat ng maikling iskrip sa kahit anong napapanahong isyung panlipunan na ninanais mo para sa Teleradyo. Gawing gabay ang halimbawa sa bahaging Tuklasin. Gumamit ng simple at malinaw na mga salita. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

[transcriber’s note: a large empty box for the written answer is printed here]

Isaisip

Bakit mahalaga ang iskrip?

Mahalaga ang pagkakaroon ng iskrip para sa maayos na pagdaloy ng programa, masigurado ang kawastuhan ng mga ilalahad na impormasyon, at magamit nang buong-buo o maiwasang maaksaya ang oras ng pagsasahimpapawid. Ito ang nagsisilbing gabay ng programa.

May iilang bagay na dapat tandaan sa paghahanda ng iskrip. Dapat ang mensahe nito ay malinaw at madaling maintindihan. Kung nagbabalita, walang personal na opinyon ang ibibigay.

Isagawa

Panuto: Itala sa loob ng kahon sa anumang pagkakasunod-sunod kung sino-sino ang bumubuo sa isang broadcasting team. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

[transcriber’s note: a large empty box for the written answer is printed here]

Tayahin

Panuto: Sumulat ng maikling iskrip para sa Balitang Panradyo na ang infomercial ay tungkol sa “Edukasyon sa Panahon ng Bagong Kadawyan”. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

[transcriber’s note: about seven ruled writing lines follow in the original; they are not transcribed]

Karagdagang Gawain

Panuto: Ang mga nasa larawan sa ibaba ang bumubuo sa broadcasting team. Kilalanin kung kaninong linya ang sumusunod na pahayag. Isulat lamang ang bilang ng iyong sagot sa sagutang papel.

[photo: four photographs of students holding microphones, in a row]

  • Mga mag-aaral ng Dibisyon ng Lungsod Silay
    Photo credit: Rotchelle S.Vargas
  1. Station ID 2. Anchor 3. News Presenter 4. Infomercial

  2. SNN, Radyo Romantiko…Magandang umaga ka usizero’t usizera! Ito po ang isyu 24/7 ng 139.09 life radio. Maglilingkod nang tapat at todo-todo.

  3. Ako si Nicka Salazar, narito ang unang ratsada ng mainit na balita sa umagang ito. Juliana Joaquin pasok…

  4. Akala ko ba mahalaga ako sayo? Eh bakit di mo pinaparamdam? Tubig lang ako, nababawasan at nauubos din, kaya ‘pag ‘di mo ako tinipid, iningatan, at pinahalagahan, mawawala ako sa ‘yo.

  5. Balitang Lokal… Limang kaso ng Covid 19 naitala sa Bacolod City…

  6. Sa ating balitang isports, mula sa Silay, Carlo Katigbak ibahagi mo.

  7. Pinagyamang Pluma 6 (K to 12) pahina 387-389.

  8. Wika at Pagbasa para sa Elementarya

Susi sa Pagwasto

Aralin 1

Subukin

A.

  1. Pagsasagawa ng Clean and Green Project
  2. Mga opisyales ng SPG, PTA, at ng barangay
  3. Sa Emiliano Lizares Elementary School at Sitio Pula, Brgy. E. Lopez, Lungsod ng Silay
  4. Noong ika-8 ng umaga ng Enero 7, 2020
  5. Bilang paghahanda sa pagsisimula ng klase sa bagong taon
  6. Naglinis sila ng paligid ng paaralan at nagtanim ng mga puno sa mga bakanteng lupa.

B.

  1. C
  2. E
  3. D
  4. A
  5. B
Balikan

Ang guro ang magwawasto.

A.

Tuklasin

A.

  1. Ang mga retiradong guro ng Lungsod ng Silay
  2. Sa Barangay Kapitan Ramon, Lungsod ng Silay nitong nakalipas na Linggo, Disyembre 6, 2020 na may grocery
  3. Tigsasampung kilo ng bigas at kasamang dalawang milyong donasyon sa mga barangay
  4. Matulungin, mapagbigay at may malasakit sa kapwa
  5. Iba pang impormasyong sumasagot sa mga tanong na ano, sino, saan, kailan, bakit at paano

B.

  1. Division Meet 2020
  2. Sa Doña Montserrat Lopez Memorial High School nitong Pebrero 10-12, 2020
  3. Volleyball, basketball, softball, badminton at track-and-field
  4. Sina Rico Batoliño at Leo Aldamar ng Mababang Paaralan ng Patag
  5. Iba pang impormasyong sumasagot sa mga tanong na ano, sino, saan, kailan, bakit at paano
Pagyamanin

Gawain 1: Ang guro ang magwawasto.

Gawain 2: Ang guro ang magwawasto.

Isagawa

A. Ang guro ang magwawasto.

B. Ang guro ang magwawasto.

Tayahin

Ang guro ang magwawasto.

Karagdagang Gawain

Ang guro ang magwawasto.

Aralin 2

Subukin

Kalye Bonifacio Lungsod Silay Ika-30 ng Marso, 2019

Sa Tagapamahala, Sun Star Bacolod Publishing, Inc. Room 119, Ground Floor, VSB Building 6th Street, Bacolod City

Ginoong/Ginang/Binibining Editor:

Ako po’y isang mag-aaral sa ikaanim na baitang. Nabasa ko pa na nangangailangan kayong isang ilustreytor sa inyong pahayagan.

Marami na po akong mga aplay sa posisyong ito. Mahilig po ako sa pagguhit. Marami na po akong mga iginuhit na nanalo sa mga paligsahan sa aming paaralan. Sana po ay mabigyan ninyo ako ng pagkakataon na makapagtrabaho ngayong bakasyon upang makatulong naman po ako sa aking mga magulang. Kung inyong mamarapatin, nais ko pong makipagkita sa inyo para sa interbyu at para ipakita ang mga gawa ko.

Lubos na gumagalang,

Maria Fe Reyes

Balikan
  1. Pamuhatan
  2. Patutunguhan
  3. Bating Panimula
  4. Katawan ng Liham
  5. Bating Pangwakas
  6. Lagda
Tuklasin

Guro ang magwawasto.

Pagyamanin

Gawain 1

Guro ang magwawasto.

Isagawa
  1. Guro ang magwawasto.
Tayahin

Guro ang magwawasto.

Karagdagang Gawain

Guro ang magwawasto.

Aralin 3

Tuklasin

A.

  1. DZXP
  2. Anchor 1

B.

  1. DZXM Teleradyo
  2. Anchor 1
  3. 2
  4. opinyon
  5. Mayroon. Ang teleradyo ay mapapanood sa tv.
Subukin
  1. c
  2. e
    3-5. Guro ang magwawasto.
  3. b
  4. g
  5. f
  6. Ang guro ang magwawasto.
  7. j
  8. Ang guro ang magwawasto.
  9. d
  10. a
Pagyamanin

Ang guro ang magwawasto.

Isagawa

Ang guro ang magwawasto.

Tayahin

Ang guro ang magwawasto.

Karagdagang Gawain

Ang guro ang magwawasto.

Balikan
  1. Lagda
  2. Bating Pangwakas
  3. Katawan ng Liham
  4. Bating Panimula
  5. Patutunguhan
Karagdagang Gawain
  1. Station ID
  2. Anchor
  3. Infomercial
  4. News Presenter
  5. News Presenter

Sanggunian

ABS-CBN News. (2021 January 9). Malaking bahagi ng Negros Occidental binaha dahil sa walang tigil na pag-ulan. [Video]. YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=b5MB1AkPN04

Eagle News. (2019 December 9). Mga pambato ng Pilipinas sa boksing, umaani ng mga gintong medalya. [Video]. YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=jRnq7D0RD3g

GMA News & Public Affairs Digital. (2020 November 14). Baha sa Cagayan. [Video]. YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=IIOm2QZmNVo

Marasigan, E. (2007). Ikalawang Edisyon, Pluma 6: Wika at Pagbasa sa Batang Pilipino

NB TV. (2020 October 28). Bigboy Belga Nangalabaw sa Labanang Ginebro vs. Rain or Shine. Sting-Rey Nambatac to the Rescue. [Video]. YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=uOz2i126DI4

PTV. (2017 September 13). High-end Football Pitch sa Cavite, malaking bagay sa PH Boosters para kay Dooley. [Video]. YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=erD8J1Y8VBg

Rubrik sa Pagsulat ng Sanaysay. (n.d.) Course Hero. https://www.google.com/imgres?imgurl=https://www.coursehero.com/thumb/05/0c/050ce546c8e38ea83bd3a53b82cbd9083ff9547d_180.jpg&imgrefurl=https://www.coursehero.com/file/44231145/Rubrik-sa-Pagsulat-ngSanaysaydocx/&tbnid=jOCg42z9UgET_M&vet=1&docid=O5dMe0lb60nU_M&w=181&h=233&hl=en-US&source=sh/x/im

VOA News. (2021 March 1). Philippines Finally Receives First Batch of COVID-19 Vaccine. https://www.voanews.com/covid-19-pandemic/philippines-finally-receives-first-batch-covid-19-vaccine

Liwanag, L. B. PhD. (2011). Landas sa Wika 6. EduResources Publishing, Inc., 200-204

Franco, R. A. P. (Peb. 12, 2019). Pagsulat ng iskrip ng programang panradyo. SlideShare. https://www.slideshare.net/reinaantonette/pagsulat-ng-iskrip-ng-programang-panradyo

Marasigan, E. V. & Tesalona, L. C. (2017). Pinagyamang Pluma 6 (K to 12): Wika at Pagbasa para sa Elementarya. Phoenix Publishing House, Inc; 387-389

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *