Filipino 6 Quarter 4 Module 2: Salitang Magkakaugnay at Pagpapahayag ng Opinyon o Reaksiyon

This is the Grade 6 Filipino self-learning module for Quarter 4, Module 2 (Ikaapat na Markahan – Modyul 2). It is an Alternative Delivery Mode module from DepEd Region VI, written by Agnes G. Belmonte and Suzette P. Calsa (first edition, 2020). It has two lessons: grouping related words, and expressing your own opinion or reaction to news, an issue, or a conversation you heard or read.

The module is written in Filipino for learners studying at home, with guidance from a parent, facilitator, or teacher.

What learners will learn

By the end of the module, learners are expected to:

  • Group related words, or napapangkat ang mga salitang magkakaugnay (F6PT-IVb-j-14).
  • Express their own opinion or reaction to news, an issue, or a conversation they heard or read, or maipapahayag ang sariling opinyon o reaksiyon sa isang napakinggan/binasang balita, isyu, o usapan. The module prints the code F3PS-IIId-I for this objective.

Lessons in this module

  1. Aralin 1: Pagpapangkat ng mga Salitang Magkakaugnay (grouping related words). The lesson opens with Joey Ayala’s song “Magkaugnay” (connected). It then teaches that words can be related by use, location, or part.
  2. Aralin 2: Pagpapahayag ng Sariling Opinyon o Reaksiyon sa Isang Napakinggan/Binasang Balita, Isyu, o Usapan (expressing your own opinion or reaction). Learners read a short story, a text-message conversation, and real issues. They then write their own views and are scored with a rubric.

The module explains that words are easier to understand when we see how they are connected. It names three kinds of relationships.

RelationshipMeaningExamples from the module
Gamit (use)What the thing is used forkutsilyo : panghiwa (knife : for cutting), sapatos : paa (shoes : feet)
Lokasyon (location)Where the thing is foundkabayo : kuwadra (horse : stable), barko : tubig (ship : water)
Bahagi (part)A part of a thing, person, or placeilong : mukha (nose : face), sanga : puno (branch : tree)

The activities ask learners to:

  • Match related words, such as araw and gabi (day and night) or pulis and presinto (police and police station).
  • Supply a related word for a given relationship, for example bolpen : pansulat (ballpen : for writing) and eroplano : paliparan (airplane : airport).
  • Sort word pairs such as gunting : panggupit (scissors : for cutting) and abogado : korte (lawyer : court) into the correct column.

Lesson 2: What an opinion or reaction is

The module defines a reaksiyon or opinyon as the free expression of your own view or feeling, based on what you saw, heard, or read. An opinion may be true, but other people can disagree with it or challenge it. The module asks learners to share opinions calmly and respectfully.

Opinions often begin with phrases such as:

  • sa nakikita ko (as I see it)
  • sa palagay ko (I think)
  • sa pakiwari ko (I feel)
  • para sa akin (for me)
  • kung ako ang tatanungin (if you ask me)
  • sa aking narinig (from what I heard)

In the module’s example, Bunso politely tells Ate that a red blouse suits her better. Ate disagrees and says she prefers the blue one, which shows that an opinion can be challenged.

Learners practice on topics close to their lives:

  • The suspension of graduation ceremonies during COVID-19
  • A group chat about online classes
  • Arguments over household chores
  • DepEd’s 2010 directive against giving homework on weekends
  • Telling statements of opinion apart from statements that are not opinions
  • Sorting opinions into positive (P) and negative (N)

Written opinions are scored with a four-part rubric, at 5, 3, or 1 point for each part:

  • Clarity
  • Persuasiveness
  • Correct sentences, punctuation, and spelling
  • Staying on the right topic

How to use this module

  • Learners: Start with the pretest (Subukin), then work through each lesson in order: Balikan, Tuklasin, Suriin, Pagyamanin, Isaisip, Isagawa, Tayahin, and Karagdagang Gawain. Write all answers on a separate answer sheet, and do not write on the module so others can use it.
  • Parents and facilitators: Use the pretest result to see where your child needs help. Check answers with the answer key (Susi sa Pagwasto) at the end, and contact the teacher if your child has trouble understanding the lessons.
  • Teachers: The answer key covers the objective items. Many tasks, especially the opinion-writing activities in Lesson 2, are marked “Ang guro ang magwawasto” (the teacher will check), so score these with the rubric. For Lesson 1 Gawain 1, the key notes that other fitting answers may be accepted.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this Filipino module for?

It is for Grade 6 Filipino, Quarter 4 (Ikaapat na Markahan), Module 2.

What are the three ways words can be related in Lesson 1?

Words can be related by use (gamit), location (lokasyon), or part (bahagi). Examples are kutsilyo : panghiwa, kabayo : kuwadra, and sanga : puno.

What is an opinion or reaction according to the module?

It is the free expression of your own view or feeling based on what you saw, heard, or read. Others may disagree with it, so it should be shared calmly and respectfully.

Does the module have an answer key?

Yes, the Susi sa Pagwasto at the end gives answers for both lessons. Open-ended writing tasks are checked by the teacher using the rubric.

What phrases can learners use to express an opinion?

The module lists phrases such as sa nakikita ko, sa palagay ko, sa pakiwari ko, para sa akin, kung ako ang tatanungin, and sa aking narinig.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Filipino Ikaapat na Markahan – Modyul 2: Pagpapangkat ng mga Magkakaugnay Pagpapahayag ng Sariling Opinyon o Reaksiyon sa Isang Napakinggan/Binasang Balita Isyu o Usapan

[illustration: students reading and studying under a tree, with a globe and a lamp]

CO_Q4_Filipino6_Modyul 2

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

Filipino – Ikaanim na Baitang

Alternative Delivery Mode

Ikaapat na Markahan – Modyul 2:

  • Pagpapangkat ng mga Salitang Magkakaugnay
  • Pagpapahayag ng Sariling Opinyon o Reaksiyon sa Isang Napakinggan/Binasang Balita Isyu o Usapan

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Agnes G. Belmonte, Suzette P. Calsa

Editor: Juliet P. Quezon

Tagasuri: Juliet P. Quezon, Emily D. Claro, Edwin Pameroyan, Carmel Joy P. Aujero, Jenelyn G. Navajas, Roselyn Roldan, Celestino S. Dalumpines IV, Angela B. Dilag, Antonette Espora

Tagaguhit:

Tagalapat: Jerry R. Baguios, Joy P. Nakamura, Analyn J. Madera

Mga Tagapamahala: Ramir B. Uytico, Gladys Amylaine D. Sales, Nicasio S. Frio, Elena P. Gonzaga, Federico P. Pillon, Jr., Juliet P. Quezon, Carmel Joy P. Aujero

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon VI

Office Address: Duran Street, Iloilo City Telefax: (033) 336-2816 (033) 509-7653 E-mail Address: region6@deped.gov.ph

6

FILIPINO

Ikaapat na Markahan – Modyul 2: Pagpapangkat ng mga Salitang Magkakaugnay Pagpapahayag ng Sariling Opinyon o Reaksiyon sa Isang Napakinggan/Binasang Balita Isyu o Usapan

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Kamusta ka?

Narinig niyo na ba ang awiting pinamamagatang “Magkaugnay” ni Joey Ayala?

Ayon sa awit, lupa, laot, langit ay magkaugnay.

Hayop, halaman, tao ay magkaugnay.

Ang lahat ng bagay ay magkaugnay.

Magkaugnay tayong lahat.

Maraming bagay sa mundo ang magkakaugnay, ganoon din sa mga salita. Maaaring magkakaugnay ang mga ito ayon sa gamit, lokasyon, at bahagi. Inihanda ang modyul na ito para tulungan kang mapaunlad ang iyong kasanayan sa pagkilala ng mga salitang magkakaugnay. Inihanda ito ayon sa kakayanan mo.

Sa pagtatapos mo ng araling ito, inaasahang: napapangkat mo ang mga salitang magkakaugnay (F6PT-IVb-j-14).

Subukin

Panuto: Pagtambalin ang mga salita sa Hanay A sa mga salitang kaugnay sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

Hanay AHanay B
_____1. arawa. papel
_____2. palayb. tinidor
_____3. buhanginc. palengke
_____4. pulisd. garahe
_____5. tinderae. presinto
_____6. lapisf. tatay
_____7. kutsarag. taniman
_____8. nanayh. gabi
_____9. dagati. mesa
____10. sasakyanj. dalampasigan
k. barko

Aralin 1: Pagpapangkat ng mga Salitang Magkakaugnay

Mas madali nating maunawaan ang mga bagay kung naintindihan natin ang kanilang ugnayan.

Bago tayo magpatuloy sa ating bagong aralin. Sagutin mo muna ang sumusunod na gawain.

Balikan

Panuto: Piliin sa Hanay B ang salitang magkaugnay sa Hanay A. Isulat ang titik lamang sa iyong sagutang papel.

AB
_____1. mahalimuyaka. pandama
_____2. matamisb. pang-amoy
_____3. makinisc. pandinig
_____4. matiningd. panlasa
_____5. maputie. paningin
Tuklasin

Panuto: Maaari nating pangkatin ang mga salita upang mas madaling maunawaan ang ugnayan ng mga ito. Gawin ang sumusunod na gawain.

Ibigay ang hinihinging kaugnay na salita ayon sa gamit, lokasyon, at bahagi. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

  1. bolpen : _____ (gamit)
  2. eroplano : _____ (lokasyon)
  3. daliri : _____ (bahagi)
  4. silid : _____ (bahagi)
  5. gunting : _____ (gamit)
Suriin

Nasagutan mo ba nang tama ang gawain? Magaling!

Ang mga salita ay magkakaugnay. Maiuugnay ang mga salita ayon sa gamit, lokasyon, at bahagi nito.

Halimbawa:

Gamit

  1. kutsilyo : panghiwa
  2. sapatos : paa

Lokasyon

  1. kabayo : kuwadra
  2. barko : tubig

Bahagi

  1. ilong : mukha
  2. sanga : puno
Pagyamanin
Gawain 1

Panuto: Ibigay ang kaugnay na salita ayon sa gamit, lokasyon, at bahagi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

  1. ugat : _____
  2. pari : _____
  3. pala : _____
  4. doktor: _____
  5. daungan: _____
  6. kape : _____
  7. eroplano : _____
  8. ibon : _____
  9. bubong : _____
  10. shampoo: _____
Gawain 2

Panuto: Isulat kung ang mga salita ay magkaugnay ayon sa gamit, lokasyon, o bahagi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_____ 1. ugat : puno _____ 2. silya : upuan _____ 3. silid : bahay _____ 4. dahon : sanga _____ 5. kawad : poste

Gawain 3

Panuto: Magbigay ng limang magkakaugnay na salita ayon sa gamit, lokasyon, bahagi, o magka-ugnay sa iba pang paraan. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Isaisip

Laging tandaan na mas madaling maunawaan ang mga salita kung maliwanag sa atin ang kanilang ugnayan.

Ang mga salita ay maaaring magkakaugnay ayon sa gamit kung saan ito ginagamit, lokasyon o lugar kung saan ito makikita at bahagi ng isang bagay, tao, o lugar.

Mahalagang matutuhan natin ang wastong gamit ng bawat ugnayan ng mga salita upang lalong maunawaan at maipahayag natin ito nang tama.

Isagawa

Panuto: Uriin ang mga salitang magkakaugnay na nasa ibaba. Isulat sa angkop na hanay kung ito ay ayon sa gamit, lokasyon, o bahagi. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Ayon sa GamitAyon sa LokasyonAyon sa Bahagi
  1. abogado : korte
  2. tinta : bolpen
  3. gunting : panggupit
  4. sanga : puno
  5. aklat : silid-aklatan
Tayahin

Panuto: Ibigay ang kaugnay na salita ayon sa hinihinging gamit, lokasyon, o bahagi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

  1. mesa : _____ (bahagi)
  2. kape : _____ (lokasyon)
  3. sapatos : _____ (gamit)
  4. kabayo : _____ (lokasyon)
  5. bintana : _____ (bahagi)
Karagdagang Gawain

Panuto: Batay sa iyong karanasan, sagutin ang sumusunod na mga tanong. Ipahayag ang iyong sagot sa isang talata. Isulat ito sa sagutang papel.

  1. Mahalaga ba ang kaalaman tungkol sa magkakaugnay na mga salita?
  2. Paano nakatutulong ang paggamit ng magkakaugnay na mga salita sa iyong pang-araw-araw na pakikipagtalastasan?
  3. Magbigay ng halimbawa.
Alamin

Kamusta? Nasagutan mo ba nang tama ang unang aralin? Kung ganoon, binabati kita.

Sa iyong paglaki, mas napapansin mo na ngayon ang mga pangyayari sa iyong kapaligiran. Mas nagiging malawak ang iyong pag-unawa sa mga nangyayari sa iyong komunidad.

Ang modyul na ito ay isinulat upang ikaw ay maihanda sa pagpahayag ng sarili mong ideya o damdamin tungkol sa iyong napakinggan o nakita.

Sa pagtatapos mo ng modyul na ito, inaasahang:

  • maipapahayag mo ang sariling opinyon o reaksiyon sa isang napakinggan/binasang balita, isyu, o usapan. (F3PS-IIId-I)
Subukin

Panuto: Basahin ang isyu tungkol sa hindi pagkakaroon ng “Graduation Ceremony” sa lahat ng paaralan sa bansa sa taong 2019 – 2020. Pagkatapos, ibigay ang iyong reaksiyon o opinyon tungkol dito ayon sa pamantayan sa ibaba. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.

Ang Pilipinas ay nasa state of public health emergency dahil sa nakaaalarmang Coronavirus Disease o COVID-19. Dahil dito sinuspendi ng Kagawaran ng Edukasyon ang lahat ng pagtatapos o graduation ceremonies sa lahat ng antas sa ating bansa. Ipinagliban ito upang masiguro ang kaligtasan ng nakararami sa atin at upang maiwasan din ang malaking pagtitipon na may kaugnayan sa pagkumpleto ng mga kulang at dapat pang isumite ng mga magtatapos. Ito ay rekomendasyon ng World Health Organization (WHO) na dapat sundin ng Kagawaran ng Edukasyon.

Pamantayan o rubric sa pagpapahayag ng opinyon/ reaksiyon:

Mga Pamantayan5 puntos3 puntos1 puntos
1. Linaw ng pagpapahayag ng opinyon/ reaksiyonNapakalinaw at napakahusayMalinaw at mahusayDi-gaano kalinaw
2. Kahika-hikayat na pagpapahayagNapakagalingMagalingDi-gaano kagaling
3. Tamang pagsulat ng mga pangungusap/talata, bantas, at baybay ng mga salitaPinakamahusayKatangap-tanggapNangangailangan ng gabay sa wastong pagsulat
4. Tama at angkop ang paksa sa pagpapahayagNapakagalingMagalingDi-gaano ka galing

Aralin 2

Pagpapahayag ng Sariling Opinyon o Reaksiyon sa Isang Napakinggan/Binasang Balita, Isyu, o Usapan

Batay sa ating karanasan, narinig, o nabasa, makapagbibigay tayo ng ating pananaw sa mga bagay. Ngunit, bago natin talakayin ang susunod na aralin, sukatin muna natin ang iyong kasanayan sa pagkuha ng mga importanteng detalye sa iyong nabasa.

Gawin ang sumusunod na gawain.

Balikan

Panuto: Basahin ang kuwento sa ibaba. Pagkatapos, sagutin ang mga kasunod na mga tanong tungkol dito. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Kaibigan

ni: Suzette P. Calsa

Marangya ang pamumuhay ng pamilya ni Rex. Isang kilalang negosyante ang kaniyang ama sa kanilang lugar. Ang kanyang ina naman ay isang simpleng maybahay. Tatlo silang magkakapatid at si Rex ang bunso.

Sa tatlong magkakapatid, itong si Rex ang malapit sa mga tao sa kanilang lugar dahil mahilig itong makipagkuwentuhan sa kanila. Minsan nakikikain din siya sa bahay ng tinuturing n’yang malapit na kaibigan na si Nato. Pero itong kaniyang mga kapatid ay tila hindi nagustuhan ang masyadong pagkamalapit nito sa mga tao. Minsan na rin silang nag-away ng kaniyang ate na si Grace at kaniyang kuya na si France.

“Ano ka ba naman Rex, bakit sinasama-sama mo palagi iyang kaibigan mo dito sa ating bahay! Baka magnanakaw at masamang tao ‘yan!” Ito ang

sinabi ng kaniyang kuya at ate sa kaniya, kaya sumama ang loob nito sa kanila. Ganon din ang kaniyang ama, ayaw n’ya rin sa kaibigan nitong si Nato.

Isang gabi, bumuhos ang napakalakas na ulan hanggang kinaumagahan. Bumaha at hindi sukat akalain ng pamilya ni Rex na aabutin sila kahit nasa ikalawang palapag na sila. Hindi nila alam ang gagawin. Wala silang matawagan dahil ang lahat ay abala naman sa kani-kanilang kaligtasan. Umiiyak na ang kaniyang nanay at ate. Sa hindi inaasan, may bangkang lumapit sa kanilang bahay. Ito ay dala ni Nato, ang kabigan ni Rex sa kanilang lugar. Nailikas n’ya nang ligtas ang buong mag-anak. Laking pasasalamat ni Rex at ng pamilya nito.

“Maraming salamat Nato, kung hindi dahil sa iyo baka napahamak na kami,” wika ng tatay ni Rex.

Kinamayan din siya ng kuya at ate nito. Nahiya sila sa inasal at ipinapakita nila kay Nato noon. Inimbitahan din nila ito na bumisita palagi sa kanilang tahanan. – Sariling gawa ng gurong manunulat

Mga tanong:

  1. Sino-sino ang nabanggit sa kuwento na magkapatid?
  2. Anong ugali mayroon si Rex?
  3. Ayaw ng mga kapatid ni Rex na makipagkaibigan siya kay Nato. Ano ang reaksiyon mo tungkol dito?
  4. Kung kayo si Nato, ililigtas mo rin ba sila? Magbigay ng opinyon tungkol dito.
  5. Anong aral ang napulot mo sa kuwentong ito?
Tuklasin

Panuto: Basahin ang usapan ng mga magkakaibigan sa pamamagitan ng pagte-text. Dito makikita ang reaksiyon o opinyon ng bawat isa tungkol sa “online classes”.

Shella: Ayoko ng online classes kasi wala kaming internet dito. Dagdag lang ‘yan sa bayarin namin.

Cris : Ako rin, wala kaming laptop na gagamitin at saka internet. Ngayon lang nga ako nagka-load dahil binigyan ako ni Sam. Salamat Sam!

Sam : Ako ay pumapayag sa online classes dahil malakas ang internet namin dito at may sariling laptop naman ako.

Luisa: Wow! Ang yaman-yaman ni Sam! Sana all. Ako hindi sang-ayon dahil para sa akin pangmayaman lang ang online classes.

Rena : Ako, okey lang sana, kaso nag-iisa lang ang laptop namin. Eh, apat kaming magkakapatid. Paano ‘yan?

Cris : Hahaha! Eh di mag-aagawan kayo n’yan. Bahala na, mas gusto ko ‘yong nandoon ako sa silid-aralan.

Shella: Hindi na lang muna ako papasok ngayong pasukan. Nakakatakot daw sabi ni Nanay. Baka magka COVID-19 pa kami.

Ikaw, ano ang masasabi mo tungkol sa “online classes”? Ibigay ang iyong opinyon o reaksiyon tungkol dito batay sa pamantayan sa ibaba. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

Pamantayan o rubric sa pagpapahayag ng opinyon/ reaksiyon:

Mga Pamantayan5 puntos3 puntos1 puntos
1. Linaw ng pagpapahayag ng opinyon/ reaksiyonNapakalinaw at napakahusayMalinaw at mahusayDi-gaano kalinaw
2. Kahika-hikayat na pagpapahayagNapakagalingMagalingDi-gaano kagaling
3. Tamang pagsulat ng mga pangungusap/talata, bantas at baybay ng mga salitaPinakamahusayKatangap-tanggapNangangailangan ng gabay sa wastong pagpapahayag
4. Tama at angkop ang paksa sa pagpapahayagNapakagalingMagalingDi-gaano ka galling
Suriin

Kaya mo na bang magbigay ng reaksiyon o opinyon? Kaya mo na ito.

Ano ba ang reaksiyon o opinyon?

Ito ay isang malayang pagpapahayag ng sariling pananaw o saloobin batay sa nakita, narinig, at nabasa. Ang opinyon ay maaaring totoo pero puwede itong kontrahin o tutulan ng iba.

Sa paglalahad ng reaksiyon o opinyon, mas maganda kung ito ay nailalahad sa mahinahon at magalang na pamamaraan.

Ginagamitan ito ng parirala o salita tulad ng: sa nakikita ko, sa palagay ko, sa pakiwari ko, para sa akin, kung ako ang tatanungin, sa aking narinig, at iba pa.

Halimbawa:

Bunso: Ate, may sasabihin po ako sa iyo. Sana huwag kang magalit. Para po kasi akin, mas bagay sa iyo ang kulay pulang blusa. (Ito ay isang malaya at magalang na opinyon.)

Ate: Talaga ba? Pero, para kasi sa akin mas maganda at bagay sa akin itong asul na blusa. (Opinyon ni bunso na tinutulan o pinasubalian ni ate.)

Pagyamanin
Gawain 1

Panuto: Lagyan ng tsek (✓) kung ang pahayag ay isang reaksiyon o opinyon. Ekis (x) naman ang ilagay kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

_____ 1. Para sa akin, mainam na magsuot ng face mask at faceshield sa tuwing aalis ng bahay.

_____ 2. Kung ako ang tatanungin, mas mabuti na manatili na lamang sa loob ng bahay kung wala namang importanteng lakad.

_____ 3. Walang face to face classes ngayon dahil pa rin sa banta ng COVID-19.

_____ 4. Maraming problemang kinakaharap ang mga magulang at pamilya sa panahon ng pandemyang ito.

_____ 5. Ang pagpapabakuna ay isa sa pinakamabuting instrumento para mawakasan ang pandemya ayon sa narinig ko.

Gawain 2

Panuto: Tingnan ang mga larawan. Magbigay ng reaksiyon o opinyon tungkol sa mga ito batay sa pamantayan sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

  1. [illustration: two large dinosaur sculptures in a park with trees and a tower-like structure]


  2. [photo: people in a clear pool beside a forest with a waterfall]


  3. [photo: several children sitting on a concrete floor, writing on papers]


  4. [photo: green mountains with a valley and trees under a cloudy sky]


  5. [photo: a man wearing a face mask and eyeglasses standing beside curtains, holding a small object; printed labels on image: “Samsung Triple Camera” and “SDO SILAY LR”]


Pamantayan o rubric sa pagpapahayag ng opinyon/ reaksiyon:

Mga Pamantayan5 puntos3 puntos1 puntos
1. Linaw ng pagpapahayag ng opinyon/ reaksiyonNapakalinaw at napakahusayMalinaw at mahusayDi-gaano kalinaw
2. Kahika-hikayat na pagpapahayagNapakagalingMagalingDi-gaano kagaling
3. Tamang pagsulat ng mga pangungusap/talata, bantas at baybay ng mga salitaPinakamahusayKatangap-tanggapNangangailangan ng gabay sa wastong pagpapahayag
4. Tama at angkop ang paksa sa pagpapahayagNapakagalingMagalingDi-gaano ka galing
Gawain 3

Panuto: Ipahayag ang iyong sariling opinyon tungkol sa mga karaniwang gawaing bahay na naging isyu palagi sa isang pamilya batay sa pamantayan sa ibaba. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

  1. Palaging pag-aaway ng magkakapatid dahil lang sa kung sino ang maghuhugas ng pinggan pagkatapos kumain.
  2. Napapagalitan palagi ng nanay dahil sa katamaran
  3. Minsan napapalo ang anak ng kaniyang magulang dahil sa pagdadabog sa tuwing siya’y mauutusan.
  4. Nagtatalo kung sino ang magliligpit ng higaan.
  5. Hindi nagwawalis ang mga kapatid na lalaki dahil para sa kanila gawaing pambabae ito.

Pamantayan o rubric sa pagpapahayag ng opinyon/ reaksiyon:

Mga Pamantayan5 puntos3 puntos1 puntos
1. Linaw ng pagpapahayag ng opinyon/ reaksiyonNapakalinaw at napakahusayMalinaw at mahusayDi-gaano kalinaw
2. Kahika-hikayat na pagpapahayagNapakagalingMagalingDi-gaano kagaling
3. Tamang pagsulat ng mga pangungusap/talata, bantas at baybay ng mga salitaPinakamahusayKatangap-tanggapNangangailangan ng gabay sa wastong pagpapahayag
4. Tama at angkop ang paksa sa pagpapahayagNapakagalingMagalingDi-gaano ka galling
Isaisip

Kumusta? Sige, tumayo ka muna at mag-unat ng katawan. O, okey ka na ba?

Ngayon, ating aalamin kung gaano kalawak ang natutuhan mo sa araling ito sa pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod. Sigurado, alam na alam mo ang mga ito. Umpisahan na natin.

  1. Ano ang tawag sa isang malayang pagpapahayag ng sariling pananaw o saloobin?
  2. Ang opinyon o reaksiyon ba ay talagang totoo at tama? Oo o Hindi?
  3. Ang isang opinyon ay maaaring pasubalian o tutulan ng ibang tao. Tama o mali?
  4. Paano mo ipapahayag ang iyong opinyon o reaksiyon?
  5. Ano-ano ang mga pariralang ginagamit para sa pagpapahayag ng opinyon o reaksiyon?
Isagawa

Basahin at unawain:

Inilabas ng DepEd ang direktiba noong 2010 na nagbabawal sa pagbibigay ng takdang-aralin tuwing weekend sa mga mag-aaral ng pampublikong paaralan. Sa tingin mo nakabubuti o nakatutulong ba sa isang mag-aaral na katulad mo na walang takdang-aralin tuwing weekend? Ibigay ang iyong opinyon tungkol dito batay sa pamantayan sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Pamantayan o rubric sa pagpapahayag ng opinyon/ reaksiyon:

Mga Pamantayan5 puntos3 puntos1 puntos
1. Linaw ng pagpapahayag ng opinyon/ reaksiyonNapakalinaw at napakahusayMalinaw at mahusayDi-gaano kalinaw
2. Kahika-hikayat na pagpapahayagNapakagalingMagalingDi-gaano kagaling
3. Tamang pagsulat ng mga pangungusap/talata, bantas at baybay ng mga salitaPinakamahusayKatangap-tanggapNangangailangan ng gabay sa wastong pagpapahayag
4. Tama at angkop ang paksa sa pagpapahayagNapakagalingMagalingDi-gaano kagaling
Tayahin

Panuto: Basahin ang sumusunod na mga sitwasyon. Pagkatapos, ipahayag ang sariling opinyon o reaksiyon tungkol dito batay sa pamantayan sa ibaba. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

Pamantayan o rubric sa pagpapahayag ng opinyon/ reaksiyon:

Mga Pamantayan5 puntos3 puntos1 puntos
1. Linaw ng pagpapahayag ng opinyon/reaksiyonNapakalinaw at napakahusayMalinaw at mahusayDi-gaano kalinaw
2. Kahika-hikayat na pagpapahayagNapakagalingMagalingDi-gaano kagaling
3. Tamang pagsulat ng mga pangungusap/talata, bantas at baybay ng mga salitaPinakama-HusayKatangap-tanggapNangangailangan ng gabay sa wastong pagpapahayag
4. Tama at angkop ang paksa sa pagpapahayagNapakagalingMagalingDi-gaano kagaling
  1. Iminumungkahi pa rin sa buong bansa ang pagsuot ng facemask at face shield sa tuwing aalis ng bahay.
  2. Ayaw patingnan ni Aling Anita sa doktor ang may sakit n’yang anak, sa halip sa albularyo n’ya ito dinadala.
  3. Sobrang hirap ng buhay nina Lanny dahil marami silang magkakapatid. Kaya, sinisisi n’ya ang kanilang mga magulang.
  4. Nahihiyang makipagkaibigan itong si Ben dahil mataba siya.
  5. Kuripot daw si Yanna dahil hindi ito magasta.
Karagdagang Gawain

Panuto: Kilalanin kung aling reaksiyon o opinyon ang positibo at negatibo. Isulat ang P para sa positibo at N para sa negatibong pahayag. Suriing mabuti. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

  1. Para sa akin, maganda ang kaniyang boses.
  2. Hay naku! Ang pangit kaya ng kaniyang boses. Boses palaka.
  3. Sa tingin ko, hindi bagay sa kaniya ang suot niyang damit.
  4. Magandang sumayaw itong si Cora.
  5. Sino ang nagluto nitong adobo? Ang sarap nama

[transcriber’s note: this page is printed upside down; it is transcribed upright, in reading order]

Susi sa Pagwasto

Aralin 1
Subukin
  1. h
  2. g
  3. j
  4. e
  5. c
  6. a
  7. b
  8. f
  9. k
  10. d
Balikan
  1. b
  2. d
  3. a
  4. c
  5. e
Tuklasin
  1. pansulat
  2. paliparan
  3. kamay
  4. bahay
  5. panggupit
Pagyamanin
Gawain 1
  1. puno
  2. simbahan
  3. panghukay
  4. nars
  5. barko
  6. gatas
  7. paliparan
  8. hawla
  9. bahay
  10. buhok

Maaring tanggapain ang ibang angkop na sagot

Gawain 2
  1. bahagi
  2. gamit
  3. bahagi
  4. bahagi
  5. bahagi
Gawain 3

Ang guro ang magwawasto

Isagawa
Ayon sa GamitAyon sa LokasyonAyon sa Bahagi
Gunting:panggupitAbogado:korteTinta:bolpen
Aklat: silid-aklatanSanga:puno

[transcriber’s note: the table has three blank rows below the entries]

Tayahin
  1. Silya
  2. tasa
  3. gamit sap aa [?]
  4. kuwadra
  5. bahay
Karagdagang Gawain
  1. E
  2. F
  3. B
  4. C
  5. D

[transcriber’s note: this page is printed upside down; it is transcribed upright, in reading order]

Aralin 2
Subukin:

Ang guro ang magwawasto.

Balikan:
  1. Rex, Grace at France
  2. Palakaibigan
  3. Baka ito ay magnanakaw at masamang tao
  4. Sa tulong ni Nato na malapit na kaibigan ni Rex.
  5. Huwag husgahan ang kapwa
Tuklasin:

Ang guro ang magwawasto

Pagyamanin:
Gawain 1
  1. ✓
  2. ✓
  3. x
  4. x
  5. ✓
Gawain 2:

Ang guro ang magwawasto

Gawain 3:

Ang guro ang magwawasto

Isaisip:
  1. opinyon o reaksyon
  2. Hindi
  3. tama
  4. Ipahayag nang magalang
  5. sa nakita ko, palagay ko, sa pakiwari ko, para sa akin, kung ako ang tatanungin, kung ako ang masusunod, sa aking narinig at iba pa
Tayahin:

Ang guro ang magwawasto.

Karagdagang Gawain:
  1. P
  2. N
  3. N
  4. P
  5. P

Sanggunian

Ayala, J. (n.d.). OPM “Magkaugnay” lyrics. https://www.lyricsmode.com/lyrics/j/joey_ayala/magkaugnay.html

Bumacas, D. (2015, June 25). Pagkilala sa mga opinyon o katotohanan. Slideshare.net. https://www.slideshare.net/divinabumacas98/pagkilala-sa-mga-opinyon-o-katotohanan

Mga Larawan. (2020). Learning Resource Schools Division Office of Silay City localized photo

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *