Filipino 6 Quarter 4 Module 3: Iba’t Ibang Uri ng Pelikula, Piksiyon at Di-Piksiyon

This is the Grade 6 Filipino self-learning module for Quarter 4, Module 3, titled “Iba’t Ibang Uri ng Pelikula, Kathang-isip at Di-kathang-isip na Teksto (Piksiyon at Di-Piksiyon)” (types of films, and fictional and non-fictional texts). It is written in Filipino for Grade 6 learners studying at home or in class. By the end, learners should be able to tell fiction from non-fiction and compare different kinds of films.

The module was published under the Alternative Delivery Mode (First Edition, 2020) and printed by DepEd Region VI. Its writers are Clarissa V. Sayon and Agnes G. Belmonte.

What learners will learn

After this module, learners are expected to:

  • analyze the difference between kathang-isip (fiction) and di-kathang-isip (non-fiction) texts (F6PB-IVc-e-22)
  • compare the different types of films (F6PD-IVe-i-21)

Fiction and non-fiction: the key ideas

The module opens by asking learners what they did for fun during the pandemic. For many, it was watching films or reading stories. Some stories are based on real life. Others come only from the writer’s imagination.

The module defines the two key terms this way:

  • Kathang-isip (piksiyon, fiction): made up, or taken from the author’s own imagination. It contains events that do not really happen in real life.
  • Di-kathang-isip (di-piksiyon, non-fiction): taken from real life, from history, or from events that could really happen. It has a factual basis.

The module also calls the pelikula (film) a literary art that people watch. Whether it is fiction or non-fiction, a film connects to daily life. It can teach lessons, build awareness of what is happening around us, and give new understanding of past events.

The module uses familiar Filipino shows and films as examples:

Fiction (kathang-isip)Non-fiction (di-kathang-isip)
Naruto (anime)Maalaala Mo Kaya (drama based on real life stories)
Shake, Rattle and Roll (horror)Magpakailanman
Enteng Kabisote and Encantadia (fantasy)Ang Probinsyano (realistic action)
Bidoy Bidoy (musical)Jose Rizal (historical)
Mara Clara (drama)Heneral Luna (historical)

The module also reminds learners to watch any show with their parents, so that a parent can guide them and answer their questions.

Types of films in the module

The module describes these film types (uri ng pelikula):

  1. Pantasya (fantasy): takes the viewer to an imagined world, such as a world of princes and princesses, folk tales, or stories drawn from science discoveries.
  2. Drama: focuses on personal problems or conflicts. It stirs emotions and is meant to make viewers cry.
  3. Komedya (comedy): the actors show happiness, and the stories are light and easy to talk about.
  4. Musikal (musical): described as a comedy with a love theme, full of music, singing, and dancing.
  5. Katatakutan (horror): gives viewers goosebumps with its frightening story and acting. It often shows creatures such as the kapre, duwende, and tiyanak.
  6. Romansa (romance): revolves around the love story of the characters.
  7. Historikal (historical): based on real events in history.

Other types the module mentions include aksiyon (action, focused on physical fights), animasyon (animation, where drawings are brought to life), and epiko (epic). The module stresses that any of these types can be fiction or non-fiction.

Activities in the module

  • Subukin (pretest): label sentences as M (makatotohanan, true to life) or DM (di-makatotohanan, not true to life), then match descriptions to film types.
  • Balikan (review): mark statements as K (katotohanan, fact) or O (opinyon, opinion).
  • Tuklasin: decide whether films such as Bonifacio, Krystala, and Magnifico are fiction (K) or non-fiction (DK).
  • Pagyamanin: read a short story about twin princes, Noel and Roel, and a kind duwende. Learners then explain which events are realistic and which are not. They also name the type of each film poster shown.
  • Isaisip: a short summary of the lesson.
  • Isagawa: write your own story, fiction or non-fiction, that you would like to turn into a film someday, with an eye-catching title.
  • Tayahin (assessment): read short film summaries of Heneral Luna and Lola Igna. For each, decide if it is fiction or non-fiction and name its type.
  • Karagdagang Gawain (extra activity): pick two favorite Filipino films or TV shows and compare them in a Venn diagram.

How to use this module

Work through the parts in order, starting with the pretest (Subukin). The pretest shows how much you already know and whether you need extra help. Write all answers on a separate sheet of paper, not on the module, so that other learners can use it later.

  • Learners: Check your answers against the answer key (Susi sa Pagwawasto) honestly, and contact your teacher right away if a lesson is hard to understand.
  • Parents: Guide your child through the activities, and watch shows together, as the module advises.
  • Teachers: The answer key covers the pretest, review, Tuklasin, Pagyamanin B, and Tayahin. You check the open-ended tasks yourself: Pagyamanin A, Isagawa, and Karagdagang Gawain.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this module for?

It is Grade 6 Filipino, Quarter 4, Module 3.

What is the difference between piksiyon and di-piksiyon?

Piksiyon (fiction) is made up from the author’s imagination and has events that do not really happen. Di-piksiyon (non-fiction) is based on real life, history, or events that could really happen.

What competencies does the module cover?

It covers analyzing the difference between fiction and non-fiction texts (F6PB-IVc-e-22) and comparing different types of films (F6PD-IVe-i-21).

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for the pretest, review, Tuklasin, Pagyamanin B, and Tayahin. The teacher checks the writing tasks.

What types of films does the module discuss?

It explains pantasya, drama, komedya, musikal, katatakutan, romansa, and historikal. It also mentions action, animation, and epic films.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Filipino Ikaapat na Markahan – Modyul 3: Iba’t Ibang Uri ng Pelikula Kathang-isip at Di-kathang-isip na Teksto (Piksiyon at Di-Piksiyon)

6

[illustration: students reading and studying outdoors and at a desk, with a globe and a lamp]

CO_Q4_Filipino 6_ Modyul 3

Filipino – Ikaanim na Baitang

Alternative Delivery Mode

Ikaapat na Markahan – Modyul 3:

  • Iba’t ibang uri ng Pelikula
  • Kathang-isip at Di-kathang-isip na Teksto (Piksiyon at Di-Piksiyon)

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak, o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat:Clarissa V. SayonAgnes G. Belmonte
Editor:Juliet P. Quezon
Tagasuri:Juliet P. Quezon
Edwin Pameroyan
Jenelyn G. Navajas
Celestino S. Dalumpines, IV
Antonette Espora
Emily D. Claro
Carmel Joy P. Aujero
Roselyn Roldan
Angela B. Dilag
Tagalapat:Jerry R. Baguios
Jerome B. Reynes
Joy P. Nakamura
Tagapamahala:Ramir B. Uytico
Nicasio S. Frio
Federico P. Pillon, Jr.
Carmel Joy P. Aujero
Gladys Amylaine D. Sales
Elena P. Gonzaga
Juliet P. Quezon

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region VI Office Address: Duran Street, Iloilo City Telefax: (033) 336-2816 (033) 509-7653 E-mail Address: region6@deped.gov.ph

FILIPINO

Ikaapat na Markahan – Modyul 3: Iba’t Ibang Uri ng Pelikula Kathang-isip at Di-kathang-isip na Teksto (Piksiyon at Di-Piksiyon)

6

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

1

CO_Q4_Filipino 6_ Modyul 3

Alamin

[illustration: target with an arrow, icon beside the heading]

Kumusta ka? Ano ang naging libangan mo ngayong may pandemya?

Sa marami, naging libangan nila ang panonood ng pelikula o pagbabasa ng iba’t ibang uri ng kuwento.

Ang kuwento ay maaaring makapagbigay-aliw at magbigay-impormasyon na maaaring maging batayan ng pagkatuto.

May mga kuwento tayong nababasa na makatotohanan, iyong batay sa totoong buhay. May mga kuwento ring kathang-isip lamang na batay sa guniguni o imahinasyon ng nagsusulat.

Ang iba’t ibang uri ng pelikula tulad ng drama, aksiyon, historikal, animasyon, katatakutan, musikal, komedya, romansa, epiko, pantasya, at iba pa ay nagbibigay ng mahahalagang impormasyon, sining, aral, at ideya na magagamit sa pang-araw-araw na gawain.

Sa pagtatapos mo ng modyul na ito, inaasahang:

  • nasusuri mo ang pagkakaiba ng kathang-isip at di-kathang-isip na teksto (fiction at non-fiction) (F6PB-IVc-e-22); at
  • napaghahambing-hambing mo ang iba’t ibang uri ng pelikula (F6PD-IVe-i-21).

1

CO_Q4_Filipino 6_ Modyul 3

Subukin

[illustration: pencil icon beside the heading]

A. Panuto: Suriin ang sumusunod na pangungusap at isulat ang M kung ito ay makatotohanan at DM kung di-makatotohanan. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

_____1. Sumisikat ang araw sa Silangan at lumulubog sa Kanluran. _____2. Tuwang-tuwa si Nene habang nakikipaglaro siya sa kaniyang kaibigang duwende. _____3. Nakatulog ang hari nang isang taon. _____4. Ikinuskos ni Lita ang kaniyang mga palad at unti-unti na siyang naglaho. _____5. Habang dumidikit ang kuwintas sa kaniyang katawan ay lalo siyang lumalakas.

B. Panuto: Basahin at suriin kung sa anong grupo ng pelikula naaangkop ang sumusunod na pahayag. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Sagutan ito sa iyong sagutang papel.

Kababalaghan Aksiyon Komedya Musikal Animasyon

_______ 1. Puno ito ng musika at kantahan. _______ 2. Ito ay nakapokus sa mga bakbakang pisikal. _______ 3. Binibigyan ng buhay ang mga guhit o larawan. _______ 4. Hangarin nito ang mapatawa ang publiko. _______ 5. Ito ay patungkol sa mga mahiwagang pangyayari, maalamat, at makasaysayan.

2

CO_Q4_Filipino 6_ Modyul 3

Balikan

[illustration: puzzle-piece icon beside the heading]

Panuto: Isulat ang K sa kung ang teksto ay nagpapahayag ng Katotohanan at O kung Opinyon. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

_____1. Ang dengue ay nakamamatay. _____2. Ang mga babaeng may mahahabang buhok ay magaganda. _____3. Si Corazon Aquino ang kauna-unahang babaeng pangulo ng Pilipinas. _____4. Ang Pilipinas ay binubuo ng tatlong malalaking pangkat ng mga pulo. _____5. Lahat ng mga Pilipino ay masisipag. _____6. Ang Probinsiyano ay isang uri ng aksiyon na palabas sa telebisyon. _____7. Makatotohanang kuwento ang ipinalalabas sa Maalala mo Kaya (MMK). _____8. Nakaaalis ng pagod ang panonood ng telebisyon. _____9. Gustong–gusto ng mga batang panoorin ang animasyon. _____10. Nakalulungkot manood ng musikal na palabas sa telebisyon.

Tuklasin

[illustration: sprouting plant icon beside the heading]

Isa sa mga libangan ng mga Pilipino ay ang panonood ng telebisyon at pelikula. Marami tayong pagpipiliang mga palabas. Mayroong makatotohanan o tinatawag nating di-kathang-isip. Ito ay maaaring nangyari o mangyayari sa totoong buhay tulad ng programang pantelebisyon na Maalaala Mo Kaya. Ito ay isang drama at totoong kuwento ng buhay ng mga tao na isinapelikula.

Mayroon ding mga aksiyon o bakbakan na makatotohanan. Ang Probinsyano ay isang halimbawa nito. Kabilang din dito ang makasaysayang pelikula na Jose Rizal na hango sa totoong pangyayari sa ating kasaysayan.

3

CO_Q4_Filipino 6_ Modyul 3

Ang mga palabas na anime o larawan na binigyang buhay tulad ng Naruto, katatakutan o kababalaghan tulad ng Shake, Rattle and Roll at pantasya na Enteng Kabisote ay mga kuwento na kathang-isip lamang. Bunga lamang ito ng imahinasyon ng manunulat.

Hindi rin nawawala ang pang-aliw na palabas tulad ng mga pelikulang musikal at katatawanan na nakatutulong sa pagtanggal ng pagkabagot at pagod sa maghapong trabaho.

Alin sa mga ito ang gusto mong panoorin?

Mga halimbawa ng kathang-isip na palabas:

[photo: movie posters of Encantadia (Pantasya), Shake, Rattle and Roll (Katatakutan), Bidoy Bidoy (Musikal), and Mara Clara (Drama)]

Pantasya Katatakutan Musikal Drama

Mga halimbawa ng mga di-kathang-isip na pelikula:

[photo: movie posters of Maalaala Mo Kaya (Drama), Ang Sakripisyo ng Isang Ina (Magpakailanman), and Jose Rizal (Bayani, Historikal)]

Maalaala Mo Kaya (Drama) Magpakailanman Bayani (Historikal)

Paalaala sa mga mag-aaral at magulang: kailangang kasama ninyo ang inyong mga magulang sa panonood ng kahit anong palabas para magabayan kayo kung mayroon kayong mga katanungan.

Napanonood mo ba ang mga palabas o pelikulang ito? Ngayon, tuklasin mo kung kathang- isip o di- kathang isip at anong uri ng palabas o pelikula ang nasa sumusunod na gawain.

4

CO_Q4_Filipino 6_ Modyul 3

Panuto: Suriin ang sumusunod na mga palabas o pelikula. Isulat ang K kung ito ay Kathang-isip at DK naman kung Di-kathang-isip. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.


[photo: movie poster, script title “Bonifacio”; smaller subtitle [?]; two portraits of men in profile and front view]


[photo: movie poster with a woman in a dark costume, title “KRYSTALA”]


[photo: movie still of a couple, with script text “Hello, Goodbye” and faded word “Love” [?]]


[photo: movie poster with printed text “Everyone loves MAGNIFICO”, “54th Kinderfilmfest”, “WINNER”, “Winner of a Record Breaking 7 Awards”, and script title “Magnifico”]


[photo: two smiling young men; the word “RECAP” appears mirrored at top left]

Suriin

Ang pelikula ay sining pampanitikan na mapanonood ng mga tao. Naguugnay ito sa pang-araw-araw na buhay kahit ito ay kathang-isip (piksiyon) o di-kathang-isip (di-piksiyon). Kapupulutan ito ng aral at kamalayan sa mga pangyayari sa kapaligiran. Nagiging daan din ito ng makabagong kaalaman na maaari nating magamit o bagong pag-unawa sa nakaraang pangyayari na huhubog sa bagong pananaw sa ating lipunan.

Alin sa mga ito ang paborito mong panoorin, piksiyon, o di-piksiyon?

Alamin natin ang kahulugan ng mahahalagang salita sa araling ito.

Kathang-isip (Piksiyon) Ito ay gawa-gawa lamang o mula sa sariling imahinasyon ng may-akda. Naglalaman ito ng mga pangyayari hindi totoong nangyayari sa tunay na buhay.

Di-kathang-isip (Di-Piksiyon) Ito ay hango sa totoong buhay o mga pangyayaring maaaring magkatotoo.

Iba’t ibang uri ng pelikula na kathang-isip (piksiyon) at di-kathang-isip (di-piksyon):

  1. Pantasya – Ito ay nagdadala sa manonood sa isang mundong gawa ng imahinasyon, tulad ng mundo ng mga prinsipe/prinsesa, kuwentong bayan o mga istoryang hango sa mga natutuklasan ng Siyensiya.


  2. Drama – Ito ay pelikulang nakapokus sa mga personal na suliranin o tunggalian. Nagtutulak ito sa damdamin at ginawa upang mapaiyak ang manonood.


  3. Komedya – Ito ay pelikula kung saan ang mga nagsisiganap ay nagsasaad ng kasiyahan. Ipinakikita sa mga ganitong palabas o pelikula ang mga kuwentong magaan lamang na pag-usapan.


  4. Musikal – Ito ay komedyang may temang pag-ibig. Puno ito ng musika at kantahang may sayawan.


  5. Katatakutan – Ito ay pelikulang humihikayat nakapagpapatindig balahibo sa mga manonood dahil sa nakakikilabot nitong kuwento at pagganap ng mga tauhan. Kadalasang tungkol sa kapre, duwende, tiyanak, malign, at iba pang nilalang ang ipinakikita nito.


  6. Romansa – Ito ay umiikot sa kuwento ng pag-iibigan ng mga tauhan sa pelikula.


  7. Historikal – Ito ay mga pelikulang base sa mga tunay na pangyayari sa kasaysayan.


Pagyamanin

Gawain

A. Panuto: Basahin ang maikling kuwento at sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Sa Kahariang Rollano ay may isinilang na kambal na sanggol na kapuwa lalaki. Ipinagdiwang ng buong kaharian ang pagdating ng mga sanggol dahil sila ang kauna-unahang anak ng mahal na hari at reyna. Pinangalanang Noel at Roel ang kambal.

Nang magbinata ang kambal, nabahala ang hari sa nakitang pag-uugali ng kambal. Si Prinsipe Noel ay lumaking kimi, matatakutin, at ayaw makihalubilo sa mga tao sa palasyo. Si Prinsipe Roel naman ay naging tuso, pangahas, at hambog.

Lingid sa kaalaman ng hari ay may mabait na duwendeng nagmamatyag sa kaharian. Batid niya ang suliranin ng hari at umisip siya kaagad ng paraan upang matulungan ang hari.

Minsan, nang namamasyal na nag-iisa si Prinsipe Noel, tinawag siya ng duwende at ipinagtapat ang dinaramdam ng hari. Nang ito’y malaman ni Prinsipe Noel, siya ay nangakong magbabago. Sinabi rin ng duwende na mayroon siyang plano upang mapagbago si Prinsipe Roel ngunit kailangang si Prinsipe Noel ang magsagawa nito. Sumang-ayon naman si Prinsipe Noel.

Kinaumagahan, bago mag-ikaapat ng umaga, nagtungo si Prinsipe Noel sa hardin ng palasyo at hinanap ang halamang inilarawan ng duwende. Pinitas niya ang dilaw na bulaklak nito, kinuha ang katas, at lihim na inihalo sa iinuming gatas ng kapatid. Ininom ni Prinsipe Roel ang inihandang gatas ng kapatid. Nang sumunod na araw, ibang-iba na ang Prinsipeng kanilang nakita.

Mga tanong:

  1. Ano-anong mga pangyayari sa kuwento ang masasabi mong makakatohanan? Bakit?
  2. Ano-anong mga pangyayari sa kuwento ang masasabi mong hindi makakatohanan? Bakit?

B. Panuto: Tukuyin kung Romansa, Drama, Katatakutan, Komedya, Kasaysayan, o Pantasya ang uri ng sumusunod na pelikula. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.


[photo: movie poster “Anak The Movie” with names Vilma Santos and Vilma Santos]


[photo: movie poster titled “EL PRESIDENTE” with a uniformed man and several figures]


[photo: movie poster with text “Official Entry to the Metro Manila Film Festival”, “Shake, rattle and scream this Christmas!!”, and title “Bahay ni Lola”, “Video 48”]


[photo: movie poster with text “KATHRYN BERNARDO and DANIEL PADILLA with JOHN ESTRADA”; script title [illegible]]

Isaisip

Ang teksto at pelikula ay maaaring kathang-isip (piksiyon) o di-kathang-isip (di-piksiyon).

Ang piksiyon ay hindi makatotohanang mga pangyayari. Ito ay kathang-isip lamang o mula imahinasyon ng manunulat.

Ang di-piksiyon naman ay makatotohanan at mayroong pagbabasehan. Hango ito sa totoong buhay o mga pangyayaring mula sa kasaysayan.

Ano naman ang iba’t ibang uri ng pelikula?

Ilan sa mga uri ng pelikula ay ang: drama, aksiyon, kasaysayan, animasyon, katatakutan, musikal, komedya, pag-ibig, epiko, at pantasya. Ito ay nagbibigay ng mahahalagang impormasyon, sining, aral, at ideya na magagamit sa pang-araw-araw na gawain. Ito ay maaaring isang piksiyon o di-piksiyon.

Isagawa

Panuto: Sumulat ng sariling kuwento batay sa iyong karanasan na gusto mong isapelikula sa hinaharap. Maaaring ito ay piksiyon o di-piksiyon. Lagyan ng kakaiba at makatawag-pansin na pamagat ang iyong kuwento. Gawin ito sa sagutang papel.

[transcriber’s note: empty box printed for the learner’s writing]

Tayahin

Panuto: Basahin ang maikling daloy ng pelikula at suriin kung ito ay piksiyon o di-piksyon. Matapos ito, tukuyin kung ito ay Pag-ibig, Drama, Katatakutan, Komedya, Kasaysayan, o Pantasya. Gamit ang gabay sa ibaba, isulat ang sagot sa sagutang papel.

  1. [photo: movie poster titled “HENERAL LUNA” showing a man in a military cap]

Pelikula: Heneral Luna

Daloy ng pelikula: Ito ay batay sa totoong buhay ng isa sa ating mga bayani, si Hen. Antonio Luna, komandante ng rebolusyonaryong hukbo. Siya ay pinatay at hindi nalutas ang kanyang kaso o nahusgahan ang mga pumatay sa kaniya.

Piksiyon o Di-piksiyon: _______________________________

Uri ng Pelikula: ____________________________________

  1. [photo: movie poster titled “LOLA IGNA” showing an elderly woman’s face within a sunburst design]

Pelikula: Lola Igna

Daloy ng Pelikula: Si lola Igna ay isang 118 na taong gulang ngunit salbahe at malaswa kung magsalita. Isa siyang retiradong hilot at sa kanyang edad ay nakiramay na siya sa libing ng taong tinulungan pa niyang ipinanganak. Nagpatulong na siya sa kanyang apo sa tuhod na si Kim na gumawa ng ataul niya. Gusto niya nang mamatay ngunit gusto ng mga kapitbahay niya na manalo siya bilang pinakamatanda tao na nabubuhay sa mundo.

Piksiyon o Di-piksiyon: _______________________________

Uri ng Pelikula: ____________________________________

Karagdagang Gawain

Panuto: Magtala ng dalawang paborito mong pelikulang Pilipino o palabas sa telebisyon. Suriin kung ito ay piksiyon o di-piksiyon. Matapos ito, gamit ang venn diagram, ilahad ang pagkakatulad at pagkakaiba ng iyong dalawang paboritong pelikula sa pamamagitan ng malinaw na pagpapaliwanag. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

[chart: Venn diagram; Karagdagang Gawain]

  • Left circle: “PAGKAKAIBA” (outer arc), “Paborito Kong Pelikula 1”
  • Right circle: “PAGKAKAIBA” (outer arc), “Paborito Kong Pelikula 2”
  • Overlap: “PAGKAKATULAD”

Susi sa Pagwawasto

Subukin
AB
1. M1. Musikal
2. DM2. Aksiyon
3. DM3. Animasyon
4. DM4. Drama
5. DM5. Kababalaghan
Balikan
  1. K
  2. O
  3. K
  4. K
  5. O
  6. K
  7. O
  8. O
  9. O
  10. O
Tuklasin
  1. DK
  2. K
  3. DK
  4. K
  5. DK
Pagyamanin
Gawain A

1-2: Guro ang magwawasto

Gawain B
  1. Drama
  2. Kasaysayan
  3. Katatakutan
  4. Romansa
Isagawa

Guro ang magwawasto.

Tayahin
  1. Di-piksiyon
    Kasaysayan
  2. Piksiyon
    Komedya
Karagdagang Gawain

Ang guro ang magwawasto.

Sanggunian

Alberto, M. R., Arellano, L. A., Cayari, R. M., Cheng-Mendoza, R., Santos, M. S. & Victorino, G. T. (1988). Wikang Filipino, Batayang Aklat sa Pagbasa para sa Ikaanim na Baitang, Edisyong Pampaaralan. Bookman Incorporated. p 124

Cinema. (21 Sept. 2019). Pagbalik. Cinema. https://medium.com/cbcpcinema/pagbalik-79c7c000f119

Iba’t ibang uri ng pelikula. (n.d.) Google. https://www.google.com/search?q=iba%27t+ibang+uri+ng+pelikula&tbm=isch&ved=2ahUKEwjsobyZwpDwAhWUzIsBHcTvBwAQ2-cCegQIABAA&oq=iba%27t+ibang+uri+ng+pelikula&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyAggAMgQIABAYOgQIABBDOgUIABCxAzoKCAAQsQMQgwEQQzoHCAAQsQMQQzoICAAQsQMQgwE6BggAEAgQHlDq9wFY6-UCYPLrAmgAcAB4BIABrAGIAdQjkgEEMC4zMpgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nsAEAwAEB&sclient=img&ei=wriAYOy4A5SZr7wPxN8f&bih=667&biw=1366&rlz=1C1CHBF_enPH946PH946

Mga halimbawa ng maalaala mo kaya. (n.d.) Google. https://www.google.com/search?q=mga+halimbawa+ng+maalaala+mo+kaya&rlz=1C1CHBF_enPH946PH946&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwj89JSXwpDwAhWBZt4KHXfyAmwQ_AUoAXoECAEQAw&biw=1366&bih=667#imgrc=jXkiQwL9fbrRfM

Mga halimbawa ng magpakailanman. (n.d.). Google. https://www.google.com/search?q=mga+halimbawa+ng+magpakailan+man&tbm=isch&ved=2ahUKEwjsobyZwpDwAhWUzIsBHcTvBwAQ2cCegQIABAA&oq=mga+halimbawa+ng+magpakailan+man&gs_lcp=CgNpbWcQAzoCCAA6BggAEAgQHjoECAAQGFCvMliclgFg_ZoBaABwAHgAgAHPA4gBzCiSAQowLjE5LjUuMS4ymAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=wriAYOy4A5SZr7wPxN8f&bih=667&biw=1366&rlz=1C1CHBF_enPH946PH946#imgrc=2u6q9fo8u1IwdM&imgdii=11wWs5hFCtxSdM

Mga halimbawa ng pelikula pantasya. (n.d.) Google. https://www.google.com/search?q=mga+halimbawa+ng+pelikula+pantasya&rlz=1C1CHBF_enPH946PH946&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjBm8_0r5DwAhVNPHAKHQS-CNgQ_AUoAXoECAEQAw&biw=1366&bih=667

Roncom movies of kathniel. (n.d.). https://www.google.com/search?q=romcom++movies+of+kathniel&tbm

Tagalog movies horror. (n.d.) https://www.google.com/search?q=tagalog+movies+horror&tbm

TBA Studios. (9 Sept. 2015). Heneral Luna. TBA Studios. https://www.tba.ph/heneral-luna/

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *