This is the Filipino 6 self-learning module for the fourth quarter (Ikaapat na Markahan), Module 1. It has two lessons: “Paggawa ng Patalastas at Usapan Gamit ang Iba’t Ibang Bahagi ng Pananalita” (making advertisements and conversations using the parts of speech) and “Paggamit ng Pangkalahatang Sanggunian sa Pagtipon ng mga Datos na Kailangan” (using general references to gather needed information). It was prepared by DepEd Region VI for Grade 6 learners studying at home. By the end, learners should be able to write a short ad and a dialogue, and pick the right reference book for a piece of information.
What learners will learn
- Make advertisements and conversations using the different parts of speech (nakagagawa ng patalastas at usapan gamit ang iba’t ibang bahagi ng pananalita). F6WG-IVb-i-10
- Use general references to gather the information they need (nagagamit ang pangkalahatang sanggunian sa pagtitipon ng mga datos na kailangan). F6EP-IVg-6
Lessons in this module
- Aralin 1: Paggawa ng Patalastas at Usapan Gamit ang Iba’t Ibang Bahagi ng Pananalita. Learners review the eight parts of speech, find them in sample ads and dialogues, and then write their own ad and conversation.
- Aralin 2: Paggamit ng Pangkalahatang Sanggunian. Learners find out which general reference to use for different kinds of facts and practice reading sample pages from an almanac, a dictionary, and an atlas.
Lesson 1: Patalastas, usapan, and the parts of speech
A patalastas (advertisement) announces a product or service through mass media such as radio, television, and magazines. Its goal is to persuade people to buy, so a good ad is easy to understand and catches attention. The module’s example is an ad for “Kamis lotion” that asks, “Gusto mo bang kuminis ang iyong kutis?” (Do you want smoother skin?).
A usapan (conversation) is communication between two or more people who take turns speaking. The module’s example is a short dialogue between Nina and Ginang Marcel, who greet each other as Nina brings breakfast to her father in the field.
Both use the eight bahagi ng pananalita (parts of speech):
| Part of speech | What it does | Examples from the module |
|---|---|---|
| Pangngalan (noun) | Names a person, thing, place, animal, or event | Arturo, Silay City, bata, Pasko |
| Panghalip (pronoun) | Replaces a noun to avoid repetition | ako, ito, siya, sila, tayo |
| Pandiwa (verb) | Shows action or movement | sayaw, lakad, takbo, laba |
| Pang-uri (adjective) | Describes a noun or pronoun | maganda, mahaba, berde |
| Pang-abay (adverb) | Describes a verb, adjective, or another adverb | taimtim, bukas, sa paaralan |
| Pangatnig (conjunction) | Joins words, phrases, or sentences | ngunit, kung, kasi, subalit |
| Pang-ukol (preposition) | Links words to the object of an action or ownership | ukol sa/kay, laban sa/kay, para sa/kay |
| Pang-angkop (linker) | Connects words so they flow smoothly | na, ng, g |
In the activities, learners name the part of speech of underlined words in a shampoo jingle, a dialogue among Letty, Mario, and Ben, and a “Nangangailangan” (help wanted) ad for a household helper. They then write their own ad about an unforgettable place and a conversation between a mother and child.
Lesson 2: Choosing the right general reference
The module explains that general references (pangkalahatang sanggunian) are a good first stop for basic information on a topic, and they can also point you to other sources. It names four:
- Diksyonaryo (dictionary): the meaning, syllable division, and correct pronunciation of a word.
- Atlas: maps, land area, and the landforms of a country, such as the map of Asia or the topography of Japan.
- Almanac: facts and records, such as the fastest runner in the world or the strongest earthquake of 2020.
- Encyclopedia: explanations of topics, such as the parts of a telescope or the scientist who invented the telephone.
Learners practice with a sample almanac page about boxer Manny Pacquiao, a dictionary page with words like palatok (ginataang kamote) and palaw (island), and an atlas page about Japan.
How to use this module
- Learners: Start with Subukin (pretest), then work through Balikan, Tuklasin, Suriin, Pagyamanin, Isaisip, Isagawa, Tayahin, and Karagdagang Gawain in order. Write all answers on a separate sheet of paper, and do not write on the module so others can use it. Check your work honestly with the answer key (Susi sa Pagwawasto) at the end.
- Parents: Help your child choose a product and topic for the final tasks. The module lists choices such as a cellphone, ice cream, perfume, or shoes, and topics like planning a family vacation or caring for a pet.
- Teachers: The ads and conversations in Isagawa, Tayahin, and Karagdagang Gawain are marked “Ang guro ang magwawasto” (to be checked by the teacher). Use the two rubrics in Tayahin, which rate attention-grabbing appeal, clarity, content, form, and flow on a 1 to 5 scale.
If learners have trouble understanding a lesson, the module asks them to contact their teacher right away.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this Filipino module for?
It is for Grade 6 Filipino, fourth quarter (Ikaapat na Markahan), Module 1.
What competencies does the module cover?
F6WG-IVb-i-10, making ads and conversations using the parts of speech, and F6EP-IVg-6, using general references to gather needed information.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the identification activities, while the ads and conversations learners write are checked by the teacher.
What is the difference between a patalastas and an usapan?
A patalastas is an advertisement that persuades people to buy a product or service. An usapan is a conversation in which two or more people exchange lines or ideas.
Which general references does Lesson 2 teach?
The dictionary, atlas, almanac, and encyclopedia. The lesson introduction also mentions the internet as a source.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Filipino 6 Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Paggawa ng Patalastas at Usapan Gamit ang Iba’t Ibang Bahagi ng Pananalita Paggamit ng Pangkalahatang Sanggunian sa Pagtipon ng mga Datos na Kailangan
[illustration: group of students reading and studying outdoors and at a desk, with a globe and a lamp]
CO_Q4_Filipino 6_ Modyul 1
Copyright and Development Team
Filipino – Ikaanim na Baitang Alternative Delivery Mode Ikaapat na Markahan – Modyul 1:
- Paggawa ng Patalastas at Usapan Gamit ang Iba’t Ibang Bahagi ng Pananalita
- Paggamit ng Pangkalahatang Sanggunian sa Pagtipon ng mga Datos na Kailangan
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtulis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Clarissa V. Sayon, Roselyn C. Roldan Editor: Juliet P. Quezon Tagasuri: Juliet P. Quezon, Emily D. Claro, Edwin Pameroyan; Carmel Joy P. Aujero, Jenelyn G. Navajas, Roselyn Roldan; Celestino S. Dalumpines, IV, Angela B. Dilag, Antonette Espora Tagaguhit: Ednan Jamandre, Ana Mae P. Aujero Tagalapat: Jerry R. Baguios, Joy P. Nakamura, Jerome B. Reynes Mga Tagapamahala: Ramir B. Uytico; Gladys Amylaine D. Sales; Nicasio S. Frio; Elena P. Gonzaga; Donald Genine; Federico P. Pillon, Jr.; Juliet P. Quezon; Carmel Joy P. Aujero
Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education: Region VI Office Address: Duran Street, Iloilo City Telefax: (033) 336-2816 (033) 509-7653 E-mail Address: region6@deped.gov.ph
6
FILIPINO
Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Paggawa ng Patalastas at Usapan Gamit ang Iba’t Ibang Bahagi ng Pananalita
Paggamit ng Pangkalahatang Sanggunian sa Pagtipon ng mga Datos na Kailangan
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
[illustration: target with arrow]
Kamusta mag-aaral? Binabati kita! Nasa ikaaapat na markahan na tayo ngayon.
Sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan, pasulat man o pasalita, gumagamit tayo ng iba’t ibang bahagi ng pananalita upang patalasin ang ating kasanayan sa paggawa ng maayos at epektibo na patalastas at usapan: mapa-tv, mapa-radyo, maging sa pahayagan, o sa iba’t ibang uri ng akdang pampanitikan. Inihanda ang araling ito upang mahasa ang iyong kasanayan.
Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahan kang:
- nakagagawa ng patalastas at usapan gamit ang iba’t ibang bahagi ng pananalita. (F6WG-IVb-i-10)
Subukin
[illustration: pencil icon]
Panuto: Batay sa larawan A at B na makikita mo sa ibaba, gumawa ng usapan at patalastas gamit ang iba’t ibang bahagi ng pananalita. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
A. Usapan
[illustration: line drawing of five young people laughing and talking under a roof]
B. Patalastas
[illustration: line drawing of two children walking toward a large tree on a hill]
1 CO_Q4_Filipino 6_ Modyul 1
Bago natin umpisahan ang isa pang bagong aralin, subukin natin ang iyong kaalaman sa mga bahagi ng pananalita.
Kaya mo bang kilalanin kung anong bahagi ng pananalita ang mga salita sa loob ng pangungusap? Sagutin ang sumusunod na gawain.
Balikan
[illustration: puzzle-piece icon]
Panuto: Kilalanin kung anong bahagi ng pananalita ang kataga/salitang may salungguhit. Piliin ang iyong sagot sa: pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri, pang-abay, pang-ukol, pangatnig, at pang-angkop. Isulat sa sagutang papel.
- Isang malakas na bagyo ang Yolanda.
- Si Miriam ay bumili ng pasalubong para sa mga kapatid niya.
- Makinis ang kaniyang pisngi.
- Darating na ang mga bisita mamaya.
- Sumasagot si Ian ng kaniyang modyul.
Aralin 1
Paggawa ng Patalastas at Usapan Gamit ang Iba’t Ibang Bahagi ng Pananalita
2 CO_Q4_Filipino 6_ Modyul 1
Tuklasin
[illustration: plant sprouting from soil icon]
Ang tao ay may mga pangangailangan upang magkaroon ng isang disenteng buhay at nadadagdagan ito ng sobrang daming ninanais na makamtan maliban sa simpleng pangangailangan.
Dahil hindi maiwasan ang kompetisyon sa pag-akit sa mga mamimili, ang mga negosyante ay may iba’t ibang paraan upang hikayatin ang mamimili. Sa radyo, telebisyon, at mga magasin ay maraming mga patalastas upang maging mabili ang kanilang mga paninda o produkto.
Paraan din ito upang mabatid ng mga mamimili ang kanilang maaasahan sa mga bagay o produktong kanilang nais bilhin. Kaya, mahalaga na ang isang patalastas ay madaling maunawaan at nakakaakit sa atensiyon ng mamamayan.
Panuto: Suriin ang sumusunod na patalastas at usapan. Kilalanin kung anong bahagi ng pananalita ang mga salitang may salungguhit. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
[illustration: advertisement for “Silak” shampoo showing a woman with long hair, with the verse below]
1Ako ang mutya ng 2Kansilay, Siyampong Silak ang gamit kong 3tunay, 4Mabango, madulas sa buhok kong taglay, 5Kaya’t gamitin habambuhay
3 CO_Q4_Filipino 6_ Modyul 1
[illustration: comic panel of two people talking, with speech bubbles]
Speech bubble (left figure): 6kita kahapon. Saan ka pumunta?
Speech bubble (left figure): Bakit ka pumunta 8roon? Ano-ano ang mga ginawa mo roon?
Speech bubble (right figure): 7Pumunta ako sa taniman
Speech bubble (right figure): Naghatid ako ng agahan nina inay at itay. Pinakain ko ang mga alagang hayop namin, naligo 9sa sapa at tumulong sa pag-aani ng 10palay.
4 CO_Q4_Filipino 6_ Modyul 1
Suriin
Ano ang patalastas?
Ang patalastas ay isang paraan ng pag-anunsyo ng produkto o serbisyo sa pamamagitan ng iba’t ibang anyo ng komunikasyong pangmadla.
Ito ay naglalayong hikayatin ang mga tao na bilhin ang mga bagay o produkto na nais nilang tangkilikin at dito rin nalalaman kung ang mga bagay na ito ay epektibo o de kalidad.
Ang patalastas ay ang pakikipag-ugnay sa mga tao na ginagamitan ng iba’t ibang uri ng pananalita.
Halimbawa:
Gusto mo bang kuminis ang iyong kutis? Gumamit na ng Kamis lotion! Puputi ka na, kikinis pa ang kutis mo! Mabibili ito sa lahat ng grocery store.
Ano naman ang usapan?
Ang usapan ay ang komunikasyon na namumutawi sa dalawang tao. Ito rin ay palitan ng linya ng dalawa o higit pang tauhan na nag-uusap.
Halimbawa:
Nina : Magandang umaga po, Ginang Marcel! Ginang Marcel: Magandang umaga naman, Nina. Saan ka pupunta? Nina : Maghahatid po ako ng agahan ni tatay sa taniman namin. Ginang Marcel: O, sige mag-ingat ka sa daan. Nina : Maraming salamat po! Aalis na po ako.
Ang patalastas at usapan ay gumagamit ng iba’t ibang bahagi ng pananalita. Naaalala mo pa ba ang mga ito?
Iba’t ibang bahagi ng Pananalita
Pangngalan – Ito ay salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook o lugar, hayop, o pangyayari.
Halimbawa: Arturo, Adidas, Silay City, bata, Pasko, gusali
Panghalip – Ito ay bahagi ng pananalita na pamalit o panghalili sa pangngalan o kapuwa panghalip upang mabawasan ang paulit-ulit na pagbanggit nito.
Halimbawa: ako, ito, siya, ayan, sila, ayon, tayo, kami
Pandiwa – Ito ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw.
Halimbawa: sayaw, lakad, takbo, laba
Pangatnig – Ito ay mga salita, lipon ng mga salita o kataga na ginagamit sa pag-ugnay ng isang salita sa kapuwa salita, ng isang parirala sa kapuwa parirala, o ng isang pangungusap sa kapuwa pangungusap.
Halimbawa: ngunit, kung, kasi, subalit, o, para
Pang-ukol – Ito ay bahagi ng pananalitang nag-uugnay sa pangngalan, panghalip, pandiwa, at pang-abay sa pinag-uukulan ng kilos, gawa, ari, balak, o layon.
Halimbawa: ukol sa/kay, ng, laban sa/kay, para sa/kay
Pang – angkop – Ito ay mga katagang nag-uugnay sa magkakasunod na salita sa pangungusap upang maging madulas o magaan ang pagbigkas ng mga ito. Ginagamit din ito upang pag-ugnayin ang mga panuring at ang mga salitang binibigyang-turing nito.
Halimbawa: na, ng, at g
Pang-uri – Ito ay isang bahagi ng pananalita na nagbibigay-turing sa isang pangngalan, o panghalip, karaniwang sinasalarawan nito o ginagawang mas partikular.
Halimbawa: maganda, mahaba, hugis puso, berde
Pang-abay – Ito ay bahagi ng pananalitang nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri, o kapuwa pang-abay.
Halimbawa: taimtim, bukas, sa paaralan, kaunti
Pagyamanin
Gawain 1
Panuto: Basahin at unawain ang usapan. Tukuyin kung anong bahagi ng pananalita ang salitang may salungguhit. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
Letty : Uy, 1Ben! Kumusta ka na? Bakit hindi ka na pumapasok sa klase?
Mario : May problema 2ka ba? May maitutulong ba kami sa ‘yo?
Ben : 3Tinutulungan ko kasi ang nanay ko sa pagtitinda ng gulay 4sa bayan.
Letty : O sige, aasahan namin na papasok ka na 5bukas at tutulungan ka naming magpaliwanag kay Gng. Cortes kung bakit ka lumiban sa klase.
Gawain 2
Panuto: Basahin at unawain ang patalastas. Kilalanin kung anong bahagi ng pananalita ang mga salitang may salungguhit. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
NANGANGAILANGAN!!!
6KASAMBAHAY NA BABAE Gulang: 22-30 Pinag-aralan: Tapos ng 7Sekundarya
Makipagkita 8kay: 9Bb. Clarissa Sayon Blk. 40, Lot 1, Carmel Subdivision Brgy. 59, Lungsod Silay, Negros Occidental 10Tumawag sa Telepono 0998-089-9041
Gawain 3
Panuto: Salungguhitan ang salita sa sumusunod na patalastas at usapan ayon sa hinihinging bahagi ng pananalita sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
[transcriber’s note: the source has no column headers; the first column gives the required word class and the second gives the numbered sentence]
| Hinihinging bahagi ng pananalita | Patalastas o usapan |
|---|---|
| Pangngalan | 1. Maging sikat sa barkada! Isuot, Kamisetang Piña. |
| Pang-uri | 2. Matibay at malambot sa paa ang sapatos ko. |
| Pang-abay | 3. Ang sabong Sinag ay tunay na pampaputi. |
| Pangatnig | 4. Malambot at matibay na, magaan pa sa bulsa! |
| Pang-ukol | 5. Para sa lahat ang lasa Sorbetes-Pinoy malasa talaga! |
[transcriber’s note: table continued from the previous page]
| Hinihinging bahagi ng pananalita | Patalastas o usapan |
|---|---|
| Panghalip | 6. Ako ang mutya ng Pasig. |
| Pandiwa | 7. Umiinom ako ng gatas tuwing umaga. |
| Pang-angkop | 8. Ang tibay, sariling atin |
| Pangngalan | 9. Masarap kainin ang mainit na saging. |
| Pang-uri | 10. Maganda ako. |
Isaisip
Ano ang dapat isaisip sa paggawa ng mga patalastas at usapan?
Kailangan natin ang iba’t ibang bahagi ng pananalita sa paggawa ng patalastas at usapan.
Ang patalastas ay isang uri o anyo ng kumunikasyon o pakikipagtalastasan para sa pagmemerkado o pagbebenta upang mahikayat o mahimok ang madla na magpatuloy o gumawa ng ilang bagong kilos. Sa pinakakaraniwan, ang inadhikang resulta ay ang maimpluwensiyahan ang ugali ng mamimili alinsunod sa isang alok na kalakal o produkto.
Ang usapan ay kumunikasyon na namumutawi sa dalawang tao; pagpapalitan ng ideya ng isang tao sa kaniyang kausap; maaaring tumukoy sa tipan, diyalogo, talakayan, o kuwentuhan.
Isagawa
Panuto: Gumuhit at gumawa ng isang patalastas at usapan gamit ang iba’t ibang bahagi ng pananalita. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
A. Patalastas tungkol sa pinuntahang lugar na di-malilimutan
[transcriber’s note: empty answer box]
B. Usapan ng ina at anak
[transcriber’s note: empty answer box]
Tayahin
Panuto: Gumawa ng isang patalastas at isang usapan gamit ang iba’t ibang bahagi ng pananalita batay sa pinili mong produkto at paksa at sa rubrik sa ibaba. Gawin ang sagot sa iyong sagutang papel.
Rubrik sa paggawa ng patalastas
| Pamantayan | 5 | 4 | 3 | 2 | 1 |
|---|---|---|---|---|---|
| 1. Nahihikayat at kaagad na nakakuha ng atensyon ang patalastas. | |||||
| 2. Maikli ngunit malinaw ang pagkakalahad ng mensahe. | |||||
| 3. Mahusay, praktikal at kaakit-akit ang patalastas. | |||||
| 4. Matapat nitong nailahad ang mga benipisyo ng patalastas. | |||||
| 5. Sa kabuoan, mahusay na nakapaglahad ng impormasyon. |
Rubrik sa paggawa ng usapan
| PAMANTAYAN | NAPAKAHUSAY 5 | MAHUSAY 4 | KATAMTAMAN 3 | KAILANGAN NG PAGSASANAY 2-1 |
|---|---|---|---|---|
| Paggawa ng usapan (Kalidad ng paggawa o angkop na usapan) | ||||
| Nilalaman ng usapan | ||||
| Anyo ng usapang ginawa | ||||
| Dating / Hikayat sa mambabasa | ||||
| Daloy ng buong usapan |
Karagdagang Gawain
Panuto: Gumawa ng isang patalastas at isang usapan gamit ang iba’t ibang uri ng pananalita batay sa rubrik na ibinigay sa Tayahin. Pumili ng produkto/paksa sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
Produkto:
- cellphone
- ice cream
- pabango
- sapatos
Paksang pag-uusapan:
- pagpaplano ng pagbakasyon ng isang pamilya
- paghahain sa pananghalian
- pag-aasikaso sa isang alagang hayop
- paghahalaman
Alamin
Magandang araw!
Ngayong panahon ng pandemya, isang libangan na kapaki-pakinabang ay ang pagkalap ng mahahalagang mga impormasyon na iyong makukuha sa pagbasa ng iba’t ibang pangkalahatang sanggunian.
Sadyang mahalaga sa atin ang paggamit ng mga sanggunian sa pagtipon ng mga kaalaman na ating kailangan.
Isa sa una mong maaring sangguniin upang makakuha ng mga pangunahing impormasyon tungkol sa iyong paksa ay ang pangkalahatang sanggunian tulad ng mga sumusunod: diksyunaryo, encyclopedia, Atlas, Almanac, at internet. Bukod sa mga datos na makukuha mula rito, maaari ring gamitin ang mga ito upang malaman kung anong materyales pa ang puwede mong mapagkukunan ng mga kaalaman para sa iyong sinasaliksik.
Maliban sa mga datos na makukuha natin dito, magagamit din natin ito upang malaman kung saan pa tayo maaaring makakuha ng iba pang kaalaman tungkol sa paksang nais nating matutuhan.
Pagtatapos mo ng modyul na ito, inaasahang:
- nagagamit ang pangkalahatang sanggunian sa pagtitipon ng mga datos na kailangan. (F6EP–Ivg-6)
Subukin
Panuto: Tukuyin kung anong uri ng pangkalahatang sanggunian ang gagamitin sa pagkuha ng sumusunod na mga datos o impormasyon. Piliin ang sagot sa loob ng kahon at isulat ang titik lamang sa sagutang papel.
A. almanac B. atlas C. diksyonaryo D. encyclopedia
- kahulugan ng isang salita
- lawak nga bansang Amerika
- mga bahagi ng teleskopyo
- taong pinakamabilis tumakbo sa buong mundo
- tamang pagpapantig ng isang salita
- mapa ng kontinenteng Asya
- siyentipikong nakadiskubre ng telepono
- topograpiya ng bansang Hapon
- tamang bigkas ng isang salita
- pinakamalakas na lindol na tumama sa taong 2020
Gawain 1 (continued)
Mga Gabay na Salita:
- lawak _____________________________
- lokasyon _____________________________
- distansya mula sa kontinente ng Asya _____________________________
- anyong lupa _____________________________
- anyong tubig _____________________________
Gawain 2
Panuto: Makikita sa isang pahina ng almanac ang mga datos o impormasyon tungkol kay Manny Pacquiao. Isulat sa sagutang papel ang iyong mga sagot sa tanong sa ibaba.
Manny Pacquiao
[photo: portrait of Manny Pacquiao speaking into a microphone]
Bantog na Boksingero
[transcriber’s note: the almanac table has no printed header row; the header “Datos” is added for structure]
| Datos |
|---|
| Junior Flyweight sa edad na 16 Enero 22, 1995 |
| Unang major title nang mapatumba si Chatchai Sasaku ng Thailand Disyembre 4, 1998 |
| Unang laban sa Amerika, napatumba si Lehlo Ledwaba. Nakamit ang International Boxing Federation (IBF) junior featherweight title. Hunyo 23, 2001 |
[transcriber’s note: table continued from the previous page]
| Datos |
|---|
| Kasunod ng apat na matagumpay na depensa, napatumba si Marco Antonio Barrera ng Mixeco. Naging The Ring Magazine Featherweight Champion. Nobyembre 15, 2003 |
| Lumipas ang maraming taon, napasubo sa sunod-sunod na laban, nanalo ng World Boxing Association (WBA) at IBF Featherweight title. |
| Umangat sa boksing sa tulong ng kanyang Amerikanong tagasanay na si Freddie Roach |
| Naging Boxing Writers Association of America at The Ring’s Fighter’s noong 2006 at 2008 |
| Natalo niya ang kilalang Amerikanong boksingero na Si Oscar Dela Hoya sa Las Vegas Disyembre 6, 2008 |
| Tinaguriang Pound for Pound, World’s Finest Boxer |
| Nanalo ng The Ring’s Junior Welterweight Champion nang maitumba si Ricky Hatton ng England Mayo 2, 2009 |
| Nadagdagan ang kanyang championship belt sa rekord na Seventh Weight class nang matalo niya si Miguel Cotto ng Puerto Rico Nobyembre 14, 2009 |
| Natalo niya si Ghanaian boxer Joshua Clottey Marso 13, 2010 |
| Natalo niya ang WBC Super Welterweight Champion na si Antonio Margarito Nobyembre 13, 2010 |
| Nagkaroon ng 15 panalo na nagtapos noong Hunyo 2012 nang matalo ang kanyang WBO Welterweight title laban kay Timothy Bradly |
| Natalo din siya kay Juan Manuel Marquez Disyembre 2012 |
| Naibalik niya ang WBO Welterweight belt noong natalo niya si Bradley Abril 2014 |
| Natalo niya si Keith Turman at naibalik ang kanyang WBA Super Welterweight Belt Hunyo 20, 2019 |
| Sa edad na 40, siya ang pinakamatandang Welterweight Champion sa kasaysayan ng boksing. |
Mga tanong:
- Sino si Manny Pacquiao?
- Sa anong edad niya nakamit ang Junior Flyweight?
- Sino ang kaniyang Amerikanong tagasanay?
- Sino ang kilalang Amerikanong boksingero ang natalo niya sa Las Vegas?
- Kailan naibalik ang kaniyang WBA Super Welterweight Belt?
Gawain 3
Panuto: Gamitin ang isang pahina ng diksyonaryong ito. Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na mga salita at isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
[transcriber’s note: the dictionary table has no printed header row; the header “Salita | Kahulugan” is added for structure]
| Salita | Kahulugan |
|---|---|
| Palatandaan, pang | -batayang pagkakakilanlan ng anuman |
| Palatanong, pnr. | -mahilig magtanong |
| Palatimpo, pnr. | -nakaupo nang patingkayad |
| Palatitikan, png | -palabaybayan |
| Palatok, png | -ginataang kamote |
| Palatuhak, png | -bunton ng bigas na hanggang baywang |
| Palatuhat, png | -mga piraso ng kahoy sa habihan na pinag-uunatan ng mga sinulid, at itinutulak at hinahatak ng tagagabi sa pagbuo ng tela. |
| Palatunugan,png. | -pag-aaral at pag-uuri sa iba’t ibang makahulugang tunog na ginagamit sa pagsasalita. |
| Palaw, png | -pulo |
| Palawakyaw,pnr | -may ugaling gumamit ng mapanlait na salita |
| Palawan, png | Isang probinsya na matatagpuan sa Rehiyon IV-B ng MIMAROPA (Mindora, Marinduque, Romblon, Palawan) |
Mga salitang bibigyan ng kahulugan:
- palatimpo – _____________________________
- palatok – _____________________________
- palatunugan – _____________________________
- palaw – _____________________________
- Palawan – _____________________________
Isaisip
Siguradong alam mo na ang apat na pangkalahatang sanggunian at kung alin ang iyong gagamitin sa pagsaliksik ng mga datos o impormasyon na kailangan mo. Ito ay tinatawag sa Ingles na general references.
Ang apat na pangkalahatang sanggunian na ginamit natin sa ating mga gawain upang makatipon ng mga mahalagang datos o impormasyon sa isang paksa na nais nating pag-aralan ay ang almanac, atlas, diksyonaryo, at encyclopedia.
Isagawa
Panuto: Gamit ang isang pahina ng atlas na makikita mo sa larawan, magbigay ng limang datos tungkol sa bansang Hapon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Hapon
日本国
Nihon-koku/Nippon-koku
[transcriber’s note: the atlas table has no printed header row; the header “Katangian | Datos” is added for structure]
| Katangian | Datos |
|---|---|
| Pununglunsod (at pinakamalaking lungsod) | Tokyo 35°41′N 139°46′E |
| Opisyal na wika | Wala |
| Kinikilalang pampook na wika | Aynu itak, Wikang Ryukyuan, Silangang Hapones, Kanlurang Hapones, at iba pang Diyalektong Hapones |
| Pambansang Wika | Hapones |
| Pangkat-lahi | 98.5% Hapones, 0.5% Koreano, 0.4% Tsino, 0.6% iba pa |
| Pangalang-turing | Hapones |
| Pamahalaan | Unitaryong parlamentaryong demokrasya at monarkiyang konstitusyonal |
| Emperador | Naruhito |
| Punong Ministro | Shinzo Abe |
| Batasan | Diet |
| Mataas na Kapulungan | Kapulungan ng mga Konseho |
| Mababang Kapulungan | Kapulungan ng mga Kinatawan |
| Pagkakatatag | |
| Pambansang Araw ng Pagkakatatag | Pebrero 660 BC |
| Panunumbalik ng Panahong Meiji | 29 Nobyembre 1890 |
| Kasalukuyang Saligang Batas | 3 Mayo 1947 |
| Kasunduan sa San Francisco | 28 Abril 1952 |
| Lawak | |
| Kabuuan | 377,944 km² 145, 925 sq mi |
| Katubigan (5) | 0.8 |
| Santauhan | |
| Pagtataya ng 2011 | 127, 799,000 |
| Lahatambilang ng 2010 | 128, 056,026 |
| Kakapalan | 337.1/km² 873.1/sq mi |
| KGK (KLP) | Pagtataya ng 2011 |
| Kabuoan | $4.440 trilyon |
[transcriber’s note: the folio printed on this page reads 25, but the page images supplied for this batch carry folios 21 to 28. The page markers below follow the requested numbering, 25 to 32.]
[transcriber’s note: this answer key is printed rotated 180 degrees, and the text layer is out of order. Items are given in their upright reading.]
Susi sa Pagwawasto
Aralin 1
Subukin
ng guro ang magwawasto A
Balikan
- Pang-angkop
- Pang-ukol
- Pang-uri
- Pang-abay
- Pandiwa
Tuklasin
- Panghalip
- Pang-abay
- Pangngalan
- Panghalip
- Pangatnig
- Panghalip-ka
- Naligo-Pandiwa
- sa sapa-Pang-abay
- bayabas-Pangngalan
- Namitas-Pandiwa
Pagyamanin
Gawain 1
- Pangngalan
- Panghalip
- Pandiwa
- Pang-abay
- Pang-abay
Gawain 2
- Pangngalan
- Pangngalan
- Pang-ukol
- Pangngalan
- Pandiwa
Gawain 3
- Pangngalan-Kamisitang Pina
- Panghalip-Ako
- Pandiwa-Umiinom
- Pang-uri-Matibay at malambot
- Pang-abay-tunay
- Pangatnig-at
- Pang-ukol-Para sa
- Pang-angkop-ng
- Pangngalan-saging
- Pang-uri-Maganda
Isagawa
Ang guro ang magwawasto
Tayahin
Ang guro ang magwawasto
Karagdagang Gawain
Ang guro ang magwawasto
[transcriber’s note: this page is printed rotated 180 degrees, and the text layer is out of order. Items are given in their upright reading.]
Aralin 2
Pagyamanin
Gawain 1
- Lawak – 300,000 km²
- Lokasyon – Southeast Asia
- Distansya – 100 kilometro ang layo nito sa Kontinente ng Asya.
- Anyong Lupa – bulkan, bundok, kapatagan, burol, lambak, talampas, pulo, yungib, at bulubundukin, tangway
- Anyong Tubig – karagatan, dagat, look, ilog, talon
Isagawa
- Ang Hapon ay binubuo ng 6,852 mga pulo.
- Ang bansang Hapon ay may 128 milyong katao.
- panghukay
- nars
- barko
- gatas
- paliparan
- hawla
- bahay
- buhok
Maaring tanggapain ang ibang angkop na sagot.
Gawain 2
- bahagi
- gamit
- bahagi
- bahagi
- bahagi
Gawain 3
Ang guro ang magwawasto
Subukin
- C
- B
- D
- A
- C
- B
- D
- B
- C
- A
Balikan
- pangngalan
- pangngalan
- pandiwa
- uri-pang
- pangngalan
Tuklasin
Ang isang kompyuter o computer ay isang pangkalahatang paggamit na kasangkapan na maaaring iprograma upang magsagawa ng isang may hangganang hanay ng mga operasyong aritmetiko o lohikal.
CPU ang utak ng kompyuter na nagpoproseso na tipikal.
ALU (arithmetic logic unit) bahagi ng CPU na nagsasagawa ng mga operasyong aritmetiko.
CU (control unit), bahagi ng CPU na kumukuha ng mga instruksiyon sa memorya at nagsasalin at nagsasagawa ng mga ito na tumatawag sa ALU kung kinakailangan.
Ang modernong kompyuter na nakabatay sa mga integrated circuit.
Ang bansang Hapon ay ang ikatlong pinakamalaking ekonomiya sa buong mundo noong 2012.
Tokyo ang pununglunsod ng Hapon.
May lawak ang bansang Hapon ng 377,944 km²
Tayahin
- Ang gumamela ay may pangalang pangagham na Hibiscus.
- Mayroong 200-220 mga uri ang gumamela.
- Ang gumamela ay tinatawag na bulaklak ng Hamayka.
- Ang gumamela ay nagmula sa Kingdonm og Plantae.
- Tumutubo ang gumamela sa maligamgam at hindi gaanong kalamigan o hindi kainitan.
Karagdagang Gawain
Guro ang magwawasto.
Sanggunian
Atlas of the Philippines. (2020, June 13). In Wikimedia. https://commons.wikimedia.org/wiki/Atlas_of_the_Philippines
Collins, N. (n.d.). Manny Pacquiao, Filipino boxer and politician, Britannica. www.britannica.com.biography/MannyPacquiao
Gumamela. (2019, Pebrero 4). In Wikipedia. https://tl.wikipedia.org/wiki/Gumamela
Hapon. (2021, Pebrero 19). In Wikipedia. https://tl.wikipedia.org/wiki/Hapon
Kobe Bryant. (2020, Hunyo 24). In Wikipedia. https://tl.wikipedia.org/wiki/Kobe_Bryant
Kompyuter. (2020, Hunyo 14). In Wikipedia. https://tl.wikipedia.org/wiki/kompyuter
Lydia B. Liwanag, L. B. PhD. (2011). Landas sa Wika 6, EduResources Publishing, Inc., pahina 129, 131, 154-158, 161, 167
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply