This is the Filipino 6, Unang Markahan (Quarter 1), Modyul 7 self-learning module: “Pagbibigay ng Hinuha sa Kalalabasan ng Pangyayari Bago, Habang at Matapos ang Pagbasa” (making inferences about the outcome of events before, during, and after reading). It was prepared by DepEd Region VI for Grade 6 learners studying at home through Alternative Delivery Mode. After this module, learners should be able to read a story or situation and make a sensible guess about what will happen next, and explain it.
What learners will learn
The module says that, by the end of the lesson, the learner:
- understands the stories and events being read (nakauunawa sa mga kuwento at pangyayaring binabasa);
- answers questions about the story or event that was read (nakasasagot sa mga tanong tungkol sa kuwento at pangyayaring binasa); and
- makes inferences about the outcome of events before, during, and after reading (nakapagbibigay ng mga hinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari bago, habang, at matapos ang pagbasa). Competency codes: F6PN-Id-e-12, F6PB-IIIf-24.
The module has one lesson, Aralin 1, with the same title as the module. A friendly guide named Kokoy walks the learner through each part.
What a hinuha is
A hinuha is an inference: a guess or prediction (hula o palagay) about what happened, why it happened, or what will happen next, based on what you read. The module explains that giving a hula or palagay is giving a hinuha about the events in a situation you read, and that it is one way of practicing critical understanding (mapanuring pang-unawa).
The module asks learners an important question: is your inference just your own opinion, or do you have a basis for it? A good hinuha is backed by clues in the text. For example, in the Suriin part, Fe’s family has just moved from the province to Manila and she knows no one. Learners are asked what Fe might do, using only those details.
How the module builds the skill
The module moves from simple cause-and-effect to longer stories:
- Subukin (pretest): Learners sing the familiar song “Ako ay may Lobo” and answer questions such as what happened to the balloon and what comes out when a balloon pops.
- Balikan (review): Learners match an event in Column A with its likely result in Column B, such as eating a lot of chocolate leading to a toothache, or heavy rain leading to a flooded street.
- Tuklasin: Learners read “Ang Kagubatan” (the forest), a short text about illegal logging and kaingin (slash-and-burn farming), and predict what happens to the forest and the land. They then choose the most likely outcome of short situations, such as a boy playing video games until dusk, or people ignoring health rules after the ECQ.
- Pagyamanin: Learners infer what a character is about to do from clues. Example: Bob drinks hot coffee at dawn, takes his net, and brings out his motorboat, so he is likely going fishing.
- Isaisip: Learners fill in a table of what they learned and why it matters.
- Isagawa: Learners read “Isang Tagpo sa Daan” (a scene on the road), about a child hit by a jeepney and a police officer who stops an angry crowd. They answer comprehension questions, then write two possible inferences for each question, such as why the child suddenly crossed and whether the driver went to jail.
- Tayahin (assessment): Learners choose the correct inference for each situation.
- Karagdagang Gawain: Learners write the likely result of ten environmental actions, such as throwing garbage in rivers, cutting trees, dynamite fishing, and smoking in crowded places.
How to use this module
- Learners: Answer the Subukin first to see what you already know, then follow the parts in order. Write all answers on a separate sheet (sagutang papel). Do not write on the module, so others can use it. Contact your teacher right away if you have trouble understanding the lesson.
- Parents and guardians: Guide your child through each part and encourage honest use of the answer key. When your child makes a guess, ask what clue in the story supports it.
- Teachers: The module includes a Susi sa Pagwawasto (answer key) for checking answers. Many items, especially in Isagawa and Karagdagang Gawain, have open answers, so check that learners give reasons based on the text. The next module is Modyul 8: Magagalang na Pananalita (polite expressions).
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is for Grade 6 Filipino, Unang Markahan (Quarter 1). It is Modyul 7 of the quarter.
What does hinuha mean?
A hinuha is an inference: a guess or prediction about an event, based on what you read. The module describes it as a way of practicing critical understanding.
What competencies does the module cover?
The module prints the competency codes F6PN-Id-e-12 and F6PB-IIIf-24, which focus on making inferences about the outcome of events before, during, and after reading.
Does the module have an answer key?
Yes, it includes a Susi sa Pagwawasto at the end. Some activities have open-ended answers, so learners should explain the clues behind their inferences.
What module comes after this one?
The module says the next lesson is Modyul 8: Magagalang na Pananalita (polite expressions).
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Filipino
Unang Markahan – Modyul 7: Pagbibigay ng Hinuha sa Kalalabasan ng Pangyayari Bago, Habang at Matapos ang Pagbasa
CO_Q1_Filipino6_Module7
PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI
Filipino– Ikaanim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 7: Pagbibigay ngHinuha sa Kalalabasan ng mga Pangyayari Bago, Habang at Matapos ang Pagbasa
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyulna ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Catherine C. Genova
Editor: Francisca L. Pinos; Jeriel B. Caracol
Tagasuri: Marijo N. Panuncio; Ma. Gemma A. Bimbao; Celestino S. Dalumpines IV
Tagaguhit: Jonard Villarde; Swelyn E. Forro
Tagalapat: Esmeralda A. Dagmil
Tagapamahala: Gemma M. Ledesma; Salvador O. Ochavo, Jr.; Elena P. Gonzaga; Donald T. Genine; Celestino S. Dalumpines IV; Segundina F. Dollete; Shirley A. De Juan; Merlie J. Rubio
Inilimbag sa Pilipinas ng _____
Department of Education – Region VI Office Address: Duran Street, Iloilo City Telefax: (033) 336-2816 (033) 509-7653 E-mail Address: region6@deped.gov.ph
6
Filipino
Unang Markahan – Modyul 7: Pagbibigay ng Hinuha sa Kalalabasan ng Pangyayari Bago, Habang at Matapos ang Pagbasa
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/ Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung simumang gagabay at tutulong sa pag-aaral at mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang salita upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ang ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang sagot sa bawat Gawain at pagsusulit. Inaasahan naming na maging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumagamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makaranas ng suliranin pag-unawa sa mga aralin at sa paggamit ng SLM na ito.
Alamin
Kumusta na kaibigan? Narito akong muli, ang iyong kaibigan na si Kokoy para samahan ka sa panibagong paglalakbay. Kaibigan, iyong matutuhan ang aralin tungkol sa pagbibigay ng hinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari bago, habang at matapos ang pag basa. Ating aalamin kung paano magbigay ng hinuha sa isang kuwento at pangyayari na babasahin mo.
Pagkatapos ng aralin na ito ikaw ay inaasahang:
- nakauunawa sa mga kuwento at panyayaring binabasa;
- nakasasagot sa mga tanong tungkol sakuwento at pangyayaring binasa; at
- nakapagbibigay ng mga hinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari bago, habang, at matapos ang pagbasa. (F6PN-Id-e-12) (F6PB-IIIf-24)
Subukin
Bago tayo tutungo sa ating paglalakbay kaibigan ay subukin mo muna ang iyong nalalaman sa paghinuha ng isang pangyayari. Siguro naman ay alam mo ang kantang “Ako ay may Lobo”, atin itong kantahin at pagkatapos ay sagutin mo ang mga tanong na nasa ibaba.
[illustration: boy holding a balloon that drifts into the sky, with clouds and grass]
Ako ay may lobo
Lumipad sa langit
Di ko na nakita
Pumutok na pala
Sayang ang pera ko
Binili ng lobo
Kung pagkain sana
Nabusog pa ako
Mga tanong:
Ano ang nangyari sa lobo?
Sa iyong palagay, saan napunta ang pumutok na lobo?
Kapag pumutok ang lobo ano ang lalabas?
Kung kulay pula ang lobo kulay pula din ba ang hanging lalabas dito? Bakit?
Ano ang nasa loob ng lobo, bakit lumaki ito?
Aralin 1: Pagbibigay ng Hinuha sa Kalalabasan ng mga Pangyayari Bago, Habang at Matapos ang Pagbasa
Ngayon kaibigan ay buksan mo ang iyong kaisipan upang balikan ang mga pangyayari ng sa gayon makapagbigay ka ng mga saloobin at palagay na kalalabasan ng isang pangyayari. Galingan mo kaibigan.
Balikan
Panuto: Basahin ang mga lipon ng mga salita sa Hanay A at hanapin sa Hanay B ang maaaring kalalabasan ng mga pangyayari. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
| Hanay A | Hanay B |
|---|---|
| 1. nakipagsuntukan si Aldrin | A. sumakit ang kaniyang ngipin |
| 2. kumain ng maraming tsokolate si Pam | B. nasugatan siya sa noo |
| 3. nahuli sa klase si Anthony | C. bumaha sa kalsada |
| 4. nakakuha ng mababang marka | D. wala siyang masakyan |
| 5. umulan nang malakas | E. hindi siya nag-aral nang mabuti |
Tuklasin
Bagong-aralin na naman ang iyong matutuhan sa araw na ito kaibigan. Ito ay ang pagbibigay ng mga palagay o hula ng mga pangyayari at sitwasyon.
Basahin at unawain mo ang kuwento. Isulat ang iyong hinuha sa bawat pangyayari. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
[illustration: people planting seedlings in a forest area, with a child and adults tending young trees]
Ang Kagubatan
Ang mga kagubatan ay unti-unting nakakalbo. Walang ingat ang ginawang pagpuputol sa mga puno. Patuloy ang pagsasagawa ng sistemang kaingin. Patuloy ang pagsunog ng mga kainginero sa kagubatan. Ginawa nila itong lupang mapagtataniman. Unti-unting gumuguho at nawawala ang matabang lupa. Dahil ditto wala nang makapitan ang mga sumisipsip sa tubig sa kabundukan kapag umuulan. Napipigil nito ang pagguho ng lupa at pagbaha sa mababang lugar.
Dapat tayong makiisa sa pananatiling malinis at luntian ng kapaligiran. Labanan ang polusyon sa tubig at hangin. Isipin ang mundo at ang kalagayan ng susunod na salinlahi. Iligtas natin ang ating kalikasan upang matamo ang pinapangarap na mundo sa hinaharap.
Mga tanong:
- Kung patuloy ang pagsunog ng mga kainginero sa kagubatan, ano ang mangyayari sa gubat?
- Ano ang mangyayari kung wala ng makapitan ang mga ugat ng puno?
- Ano ang dahilan at unti-unting nakakalbo ang mga gubat?
- Kapag patuloy ang pagguho ng lupa, ano ang mangyayari?
- Dapat tayong makiisa sa pagpapanatiling malinis at luntian ng kapaligiran. Ano ang mangyayari kung susundin natin ito?
Panuto: Basahin ang sitwasyon at isulat ang sagot ng iyong palagay o hinuha sa bawat pangyayari.
- Pagkauwi ni Johnrey mula sa paaralan ay dumiretso kaagad siya sa bahay ng kaniyang kaklase upang maglaro ng “video games”. Sa paglalaro ay hindi namalayan ni Johnrey na takipsilim na.
A. Matatakot siya sa pag-uwi.
B. Mag-aalala ang kaniyang mga magulang. C. Pagagalitan siya ng kaniyang mga magulang. D. Matutuwa ang kaniyang mga magulang sa kaniyang pag-uwi
- Maagang na ulila sa ina ang tatlong magkakapatid. Nasa ikaanim na baitang ang panganay. Palaging malungkot ang kanilang tatay, hatinggabi na kung umuwi at lasing pa.
A. Inaway nila ang ama. B. Matutuwa ang magkakapatid. C. Maiisipan nilang humingi ng tulong sa pamahalaan. D. Magkakaroon ng malaking problema ang magkakapatid.
- Maagang gumising si Angelica dahil unang araw ng pasukan. Subalit biglang bumuhos ang malakas na ulan.
A. Matutulog na lamang siya. B. Hindi na siya papasok ng paaralan. C. Susuungin ang napakalakas na ulan. D. Hihintaying tumila ang ulan at hihingi ng paumanhin sa guro kung bakit nahuli sa klase.
- Pagkatapos ng ECQ/ Enhance Community Quarantine sa kanilang lugar, parang mga kabute na nagsulputan ang mga tao sa lansangan, gala dito, gala doon. Hindi inalintana ang bilin ng gobyerno na social distancing, palaging magsuot ng mask at huwag munang lalabas ng bahay kung hindi naman kinakailangan. Ano ang susunod na mangyayari kung patuloy na pasaway ang mga tao?
A. Sasakitang tiyan. B. Maraming tao ang magugutom. C. Maraming tao ang manghihina. D. Maraming mahahawaan ng sakit na Covid-19.
- Ang mga tao sa barangay nila ay mahilig magtapon ng basura. Tapon dito, tapon doon. Ano kaya ang mangyayari sa kanilang lugar?
A. Gaganda ang kapaligiran. B. Matutuwa ang namamasura. C. Lalago ang mga tanim sa paligid. D. Dadami ang mga insekto na maaaring magdala ng mga sakit sa tao
Suriin
Tara kaibigan, basahin natin ang sitwasiyon at pag-aralan ang pabibigay ng hula o palagay.
Galing probinsya ang pamilya ni Fe. Bagong salta pa lamang sila sa Maynila. Wala siyang kakilala. Ano kaya ang gagawin ni Fe?
Sa binasa mong pangyayari at sitwasyon nakapagbigay kaba ng makabuluhang palagay o hula? Paano ka nakapagbigay ng hinuha? Sariling opinion mo ba o may basihan ka?
- Ang pagbibigay ng hula o palagay ay pagbibigay ng hinuha sa mga pangyayari sa binasang sitwasyon o isang paraan ng pagsasagawa ng mapanuring pang-unawa.
Pagyamanin
Kaibigan, atin palalawakin ang iyong kaalaman sa pamamagitan nng pagsagot sa tamang hinuha ng bawat pangyayari sa sitwasyong ilalahad. Isulat mo ang itong sagot sa sagutang papel. Husayan mo kaibigan.
Gumising nang maaga si Vincent. Naligo, kumain, nagsipilyo at nagsuot ng uniporme. Siya ay_____________?
- A. mamimili sa palengke
- B. papasok sa paaralan
- C. mamasyal sa plasa
- D. manonood ng sine
Kumuha ng palanggana si Aling Lita, hiniwalay niya ang mga puti sa may kulay na damit. Nilagyan ng tubig at sabon ang palanggana. Ano kaya ang susunod na gagawin ni Aling Lita?
- A. isasampay ang mga damit
- B. maglalaba ng may kulay na damit
- C. unang lalabhan ang puting damit
- D. babanlawan ang mga damit na iba-iba ang kulay.
Uminom ng mainit na kape si Bob nang madaling-araw, kinuha niya ang lambat at nilabas ang bangkang de-motor.
A. maliligo sa dagat
B. mag-iigib ng tubig
C. maglalayag siya upang mangisda
D. mamasyal sa karagatan upang makalanghap ng sariwang hangin
Tuwing hapon nagwawalis ng silid-aralan si Tony. Subalit ng hapong iyon hindi siya nakapaglinis dahil tinawag siya ng kaniyang guro at pinagsabihang magdala ng pala, kalaykay at panghakot sa lupa. Ano kaya ang gagawin niya?
- A. magsusunog ng mga basura
- B. gagawa ng plot para taniman
- C. maglilinis ng palikuran ng paaralan
- D. magrerepaso para sa paligsahan
Si Justine ay naghahanda ng iluluto, ang sumusunod namga sangkapay itlog, asin, mantika, sibuyas at kamatis. Ano kaya ang lulutuin niya?
- A. Hot cake
- B. Scramble na itlog
- C. Nilagang itlog
- D. Sunny side-up na itlog
Isaisip
| ANO ANG IYONG MGA NATUTUHAN? | GAANO ITO KAHALAGA? |
|---|
| | |
Ang galing mo kaibigan, titingnan naman natin ngayon kung ano ang iyong natutuhan. Kopyahin mo sa sagutang papel at punan ang mga sumusunod na talahanayan sa ibaba. Galingan mo kaibigan!
Isagawa
Kaya pa ba kaibigan? Magaling, alam kong kayang-kaya mo pa. Susubukin natin ngayon ang iyong kakayahan sa paghihinuha sa pamamagitan ng pagbasa ng kuwento, Isulat ang iong sagot sa sagutang papel.
Isang Tagpo sa Daan
[illustration: a boy standing on a road beside a parked car, a house, and a bush]
Biglaan ang nangyari, hindi malaman kung saan nanggaling ang batang paslit. Bigla itong tumawid sa gitna ng daan at bago niya namalayan na bundol na siya ng isang dyip. Nagkagulo ang mga tao at nag-usyuso kasama ang ina ng bata. Lumuluha itong sumama sa ambulansiyang nagdala sa kaniyang anak sa ospital. Galit na galit ang mga tao, gusto nilang bugbugin ang tsuper. Nang kanilang dadaluhungin ang tsuper, siyang pagdating ng pulis. “Hintay!” sigaw ng pulis. “Hindi kayo ang batas. Hayaan niyong ang batas ang magparusa sa kanya. Maghintay kayo hanggang mapatunayan ng hukuman ang kaniyang pagkakasala,” paliwanag ng pulis.
Tingnan nga natin kung naunawaan mo ang kuwentong iyong binasa sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na mga katanungan. Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.
- Sino ang nabundol ng dyip?
- Saan siya nabundol?
- Sino ang sumama sa kanya sa ospital?
- Bakit siya nabundol ng dyip?
- Paano mo maiiwasan ang ganitong disgrasya sa daan?
Panuto: Isulat ang sagot sa sagutang papel sa mga hinuha sa mga pangyayari sa kuwento sa Isang Tagpo sa Daan.
Nasaan kaya ang kaniyang ina nang mangyari ang aksidente?
- Hinuha 1: _____
- Hinuha 2: _____
Ano kaya ang ginawa ng mga tao pagkatapos magpaliwanag ng pulis?
- Hinuha 1: _____
- Hinuha 2: _____
Bakit kaya biglang tumawid ang bata sa daan?
Hinuha 1: _____
Hinuha 2: _____
Ayon sa batas bakit kailangan parusahan ang isang taong nagkasala?
- Hinuha 1: _____
- Hinuha 2: _____
Nakulong kaya ang drayber? Bakit?
- Hinuha 1: _____
- Hinuha 2: _____
Tayahin
Mahusay kaibigan at naabot mo ang bahaging ito. Ngayon naman ay basahin at unawain mo ang bawat sitwasyon at piliin mo ang wastong hinuha sa bawat pangyayari. Isulat mo ang iyong sagot sa iyong sagutang papel. Galingan mo kaibigan.
May humintong ambulansiya sa tapat ng bahay ni Gng. Teresita Mendoza. Maraming tao ang nang-usyuso sa mga pangyayari. Ano kaya ang nangyari kay Gng. Teresita Mendoza?
- A. Dadalhin sa ospital si Gng. Teresita Mendoza.
- B. Naubusan ng gasolina ang ambulansiya.
- C. Napahinto lamang ang ambulansiya.
- D. May inihatid lamang ang tsuper ng ambulansiya kay Gng. Teresita Mendoza.
Maraming mag-aaral ang hihinto ngayong pasukan dahil sa covid-19 bakit kaya sila hihinto?
- A. ayaw na nilang mag-aaral
- B. natatakot siya sa bagong guro
- C. walang perang pantustos ang kanilang mga magulang
- D. dahil natatakot silang madapuan ng hindi nakikitang sakit na ito
Maraming mag-aaral ang hihinto ngayong pasukan dahil sa covid-19 bakit kaya sila hihinto?
- A. matutulog na lang siya
- B. hindi siya uuwi sa kanilang bahay
- C. magagalit siya sa kaniyang mga magulang
- D. hahayaan niya na lang dahil lilipas din ang araw na ito
Nadulas si Alvin sa balat ng saging dahil hindi itinapon ng kaniyang kapatid sa basurahan. Ano kaya ang nangyari kay Alvin?
- A. gumanti sa kaniyang kapatid
- B. pinagalitan niya ang bunsong kapatid
- C. pinagsabihan niya ito na hindi na niya ito uulitin
- D. dapat pagalitan ng kanilang ina ang kaniyang kapatid
Nanalo si Henry sa lotto ng sampung milyong piso. Ano ang gagawin nito sa sampung milyong piso na napalunan?
- A. ibibigay sa nanay niya
- B. ipamimigay lahat sa mahihirap
- C. idedeposito sa bangko upang lumago ito
- D. gagastuhin lahat ang kaniyang napanalunan
Karagdagang Gawain
Kumusta kaibigan? Narito ka na sa panghuling bahagi ng ating paglalakbay. Sana ay naging masaya ka at marami kang natutunan. Para lubos nating matapos ang ating paglalakbay ay sagutan mo muna ang gawain sa ibaba. Galingan mo!
Panuto: Basahin mo ang mga pangyayari at isulat mo ang sagot sa sagutang papel ang mga hinuha sa bawat pangyayari.
| Pangyayari | Hinuha |
|---|
[transcriber’s note: table continued from the previous page]
| Pangyayari | Hinuha |
|---|---|
| 1. patuloy na pagtatapon ng basura sa ilog 2. paglanghap ng makapal at maitim na usok ng mga sasakyan 3. pagputol ng puno sa kagubatan 4. pagbabara ng mga estero 5. pagbuga ng usok ng mga pabrika 6. paggamit ng dinamita sa pangingisda 7. pagtapon ng mga kemikal sa ilog at dagat 8. paninigarilyo sa mataong lugar 9. pagmimina sa mga bundok 10. pagkakaingin sa mga kabundukan |
Binabati kita kaibigan! Napakagaling mo! Natapos at napagtagumpayan mo ang aralin. Sana’y naiwan sa iyong isipan ang lahat ng mga napag-aralan natin sa pagbibigay hinuha. Bagaman tapos na tayo sa araling ito. Ihandang muli ang iyong sarili sa panibago na namang aralin, ang Modyul 8: Magagalang na Pananalita
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: this answer key is printed rotated 180 degrees across several boxes; entries marked [?] are provisional readings and the rest of the rotated text could not be read reliably]
Tukuyin
[illegible]
Subukin
- pumutok
- lumipas [?]
- hangin [?]
- hindi walang kulay ang hangin [?]
- hangin [?]
Balikan
- B
- A
- D
- E [?]
- C
[illegible]
Sanggunian
- Most Essential Learning Competencies MELCs 2020 F6PB-Ib-5.4 F6RC-IIe-5.2
- Filipino- K to 12 Gabay Pangkurikulum, 2016
- Sariing Katha
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply