This is the Filipino 6 self-learning module for Unang Markahan (Quarter 1), Modyul 4: “Pagbibigay Kahulugan sa Kilos at Pahayag ng mga Tauhan sa Napakinggang Pabula” (giving meaning to the actions and words of characters in a fable you have listened to). It was prepared by DepEd Region VI as an Alternative Delivery Mode module (First Edition, 2020) for Grade 6 learners studying at home. After working through it, learners should be able to explain what a character’s actions and statements reveal about that character’s traits, feelings, and intentions.
What learners will learn
The module targets one competency:
- Nabibigyang-kahulugan ang kilos at pahayag ng mga tauhan sa napakinggang pabula (gives meaning to the actions and statements of characters in a fable listened to), F6PN-Ic-19
The module is a listening lesson. In almost every part, a parent or older sibling reads a fable aloud while the learner listens, and the learner then answers questions about it. The guide character Kokoy leads learners through the lesson.
Key idea: actions and words show character
The module teaches that a character’s traits and habits can be seen in how the character speaks and acts. To give the right meaning to a character’s action or statement, look at three things:
- what the character does (kilos)
- how the character speaks (pahayag or pananalita)
- how the character reacts to situations in the story
For example, in “Ang Uwak at ang Maya” (The Crow and the Sparrow), the crow says he wants to prove who is the best. That statement shows he is mayabang (boastful). When the crow secretly plans how to make the sparrow lose, he is tuso (cunning). When the sparrow says they should agree on the rules first, she is asking for pag-uusap nang maayos (talking things through properly).
Fables in this module
Each part of the module uses a short fable with animal characters:
| Part | Fable | What it shows |
|---|---|---|
| Subukin (pretest) | Ang Uwak at ang Maya | A boastful crow cheats in a flying contest, then apologizes, and the two become friends again. |
| Balikan (review) | Matching animals to actions | A carabao pulling heavy loads is strong; a dog guarding the house is loyal; a snake that strikes is angry. |
| Tuklasin (discover) | Ang Pamilya Langgam | A hardworking ant family gathers food before the rainy season; the father reminds his children to stay in line and thanks them for their help. |
| Suriin (analyze) | Ang Ahas | A horse warns the other animals about a snake and lets the pig ride on his back, showing pagmamalasakit (care for others). |
| Pagyamanin (enrich) | Sa Kagubatan | A tiger and a lion fight to become king of the forest but stop when they see crows waiting to eat the loser. |
| Isagawa (apply) | Pusa, daga, at aso | A kind cat tidies the dog’s things after a boastful mouse dirtied them. |
| Tayahin (assessment) | Ang Pamamasyal | Three cat friends go to the park after finishing their homework. |
| Karagdagang Gawain (extra activity) | Ang Aso | A hungry dog begs for help, and a cat brings him food out of pity. |
In the Pagyamanin activities, learners also match sounds and actions to feelings (for example, a growling lion shows galit, or anger) and name traits such as maka-Diyos (God-fearing) for a bird family that prays before eating, and pagtanaw ng utang na loob (gratitude for a debt of kindness).
How to use this module
The module gives these instructions:
- Start with Subukin. Ask a parent or older sibling to read the dialogue while you listen, then answer the five questions. This shows how much you already know.
- Go through the parts in order: Balikan, Tuklasin, Suriin, Pagyamanin, Isaisip, Isagawa, Tayahin, and Karagdagang Gawain.
- Write all answers on a separate answer sheet (sagutang papel). Do not write on or mark the module so others can use it.
- In Isaisip, complete the sentence explaining why it is important to give the right meaning to a character’s actions and words.
- Check your work with the Susi sa Pagwawasto (answer key) at the end, and be honest when using it.
For learners: listen carefully to each fable, and think about what each action or line tells you about the character. Contact your teacher right away if you have trouble understanding the lesson.
For parents: your main role is to read each fable aloud clearly while your child listens. The module comes with a guide for parents and facilitators with reminders and strategies.
For teachers: the pretest results show which learners need more help. The Tayahin has 10 items and the other activities have five items each, all with answers in the key.
The next module is Modyul 5: “Pagbibigay Kahulugan ng mga Sawikain” (giving the meaning of idioms).
Frequently asked questions
Which grade and quarter is this module for?
It is for Grade 6 Filipino, Unang Markahan (Quarter 1), Modyul 4.
What competency does this module cover?
It covers giving meaning to the actions and statements of characters in a fable that the learner listens to, competency F6PN-Ic-19.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, all activities, and the assessment.
Why does the module ask a parent to read the fables aloud?
The competency is a listening skill, so the learner listens while a parent or older sibling reads each fable, then answers the questions.
What is the next module after this one?
The next module is Modyul 5: Pagbibigay Kahulugan ng mga Sawikain, about the meaning of idioms.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
CO_Q1_Filipino6_Module4
Filipino
Unang Markahan – Modyul 4: Pagbibigay Kahulugan sa Kilos at Pahayag ng mga Tauhan sa Napakinggang Pabula
6
[illustration: students reading and studying under a tree, with a teacher at a desk and a globe in front of a student]
Filipino– Ikaanim na Baitang
Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagbibigay Kahulugan sa Kilos at Pahayag ng mga Tauhan sa Napakinggang Pabula
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyulna ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
| Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul | Name | Name |
|---|---|---|
| Manunulat: | Teresita S. Silvestre | |
| Editor: | Abadesa D. Sabordo | Jeriel B. Caracol |
| Tagasuri: | Marissa Olilang | Ma. Gemma A. Bimbao |
| Celestino S. Dalumpines IV | ||
| Tagaguhit: | Jefrry Julian | Swelyn E. Forro |
| Tagalapat: | Esmeralda A. Dagmil | |
| Tagapamahala: | Gemma M. Ledesma | |
| Salvador O. Ochavo, Jr. | ||
| Elena P. Gonzaga | ||
| Donald T. Genine | ||
| Celestino S. Dalumpines IV | ||
| Segundina F. Dollete | ||
| Shirley A. De Juan | ||
| Merlie J. Rubio |
Inilimbag sa Pilipinas ng ______________________ Department of Education – Region VI Office Address: Duran Street, Iloilo City Telefax: (033) 336-2816 (033) 509-7653 E-mail Address: region6@deped.gov.ph
6
Filipino
Unang Markahan – Modyul 4: Pagbibigay Kahulugan sa Kilos at Pahayag ng mga Tauhan sa Napakinggang Pabula
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/ Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung simumang gagabay at tutulong sa pag-aaral at mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang salita upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ang ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang sagot sa bawat Gawain at pagsusulit. Inaasahan naming na maging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumagamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makaranas ng suliranin pag-unawa sa mga aralin at sa paggamit ng SLM na ito.
Alamin
Kumusta ka na kaibigan? Naaalala mo pa ba ako? Ako ang iyong kaibigang si Kokoy na makasasama mo sa iyong paglalakbay. Tiyak na matututuhan natin sa araling ito ang tungkol sa pagbibigay kahulugan sa kilos at pahayag ng mga tauhan sa napakinggang pabula.
Pagkatapos ng aralin ikaw ay inaasahang malinang ang kasanayang:
- nabibigyang-kahulugan ang kilos at pahayag ng mga tauhan sa napakinggang pabula F6PN-lc-l9
Subukin
Kaibigan! Ipabasa mo nga sa iyong magulang o nakatatandang kapatid ang diyalogo habang ito ay pinapakinggan mo. Unawaing mabuti ang napakinggang diyalogo. Simulan mo na!
ANG UWAK AT ANG MAYA
Uwak: Maya! Nais kong mapatunayan kung sino talaga sa atin ang pinakamagaling!
Maya: Ahhhh! Yon bah? Ano, gusto mong magsubukan tayo ng tapang o kakayahan?
Uwak: Kakayahan Maya.
Nagpaikot-ikot ng lipad si Uwak matapos sagutin si Maya.
Maya: Anong gagawin natin Uwak? Dapat magkasundo tayo sa paligsahang ito.
Uwak: Tayong dalawa ay may kakagating patpat habang lumilipad patungo sa kabilang bundok na iyon. Bawal ang magsasalita Maya para manalo sa paligsahang ito.
Maya: Payag ako Uwak, at magkatimbang lang dapat ang patpat na kakagatinnatin.
Uwak: Oo naman, kaya magsisimula na tayo rito ha! Ayon ang dalawang patpatMaya, iyo ang isa sa akin ang isa.
Sabay silang nagsimula ng lipad kagat-kagat ang patpat.
Uwak: Dapat matalo ko si Maya, dapat mag-iisip ako kung anoba ang ikatatalo niya. Maya may humahabol saatin! Ay Naku! nahulog ang patpat ko.
Maya: Paano iyan, ikaw ang unang nagbalewala ng ating kasunduan na huwag magsasalita para di-mahulog ang patpat?
Uwak: Akala ko kasi kapag tinakot kita na may humahabol sa atin. Matatakot ka at mabibitawan mo ang patpat na tangan mo. Patawad Maya hindi ako dapat nag-isip ng masama sa iyo.
Maya: Tinatanggap ko na ang paghingi mo ng patawad Uwak. Sige magkaibigan na tayo uli, pareho tayong magaling.
Nagustuhan mo ba ang pabulang iyong narinig/nabasa? Tiyak ko na nagustuhan mo. Sagutin mo muna ang mga tanong bago basahin ang iba pang mga pabula. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Pag – unawa sa binasa
Panuto: Basahin at ibigay ang kahulugan ng mga kilos o pahayag ng mga hayop sa sumusunod na pangungusap? Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
“Maya! nais kong mapatunayan kung sino talaga sa atin ang pinakamagaling!” Si Uwak ay _____.
- A. mabait
- B. magalang
- C. mayabang
- D. malungkot
“Ahhhh! Yon bah? “Ano gusto mong magsubukan tayo ngtapang o kakayahan”? Si Maya naman ay _____.
- A. palaban
- B. masipag
- C. maalaga
- D. mapagmahal
Nagpaikot-ikot ng lipad si Uwak. Si Uwak ay lumipad _____.
- A. palayo
- B. palapit
- C. taas-baba
- D. pabalik-balik
“Anong gagawin natin Uwak? Dapat magkasundo tayo sa paligsahang ito,” sabi ni Maya. Si Maya ay humihingi ng _____.
- A. pagdamay
- B. pagdaramdam
- C. pag-aalinlangan
- D. pag-uusap nang maayos
Sa isip ni Uwak, dapat matalo niya si Maya, dapat mag-iisip siya kung ano ba ang ikatatalo ni Maya. Si Uwak ay _____.
- A. tuso
- B. masaya
- C. mahinahon
- D. maalalahanin
Aralin 1: Pagbibigay Kahulugan sa Kilos at Pahayag ng mga Tauhan sa Napakinggang Pabula
Madali ba ang mga tanong na ipinasagot sa iyo? Gusto mo bang malaman kaagad ang ibig sabihin ng mga kilos at pahayag ng isang tauhan sa iyong naririnig na mga pabula? Isang mabisang batayan ng paglalarawan ng tauhan ang ipinapakita nitong kilos at pahayag o pananalita. Ipagpatuloy lang ang pag-aaral upang maunawaan mong mabuti ang aralin sa modyul na ito.
Balikan
Panuto: Kilalanin kung anong hayop ang gumagawa nito. Piliin sa ibaba ang tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.
| KILOS | PAHAYAG | HAYOP |
|---|---|---|
| 1.humihila ng mabibigat na bagay | malakas | |
| 2.umiiyak kapag may ulan | takot sa ulan | |
| 3.sumusunod sa amo na bantayan ang bahay | matapat | |
| 4.nangunguha ng mga pagkain | gutom | |
| 5.nanunuklaw | galit |
aso pusa kambing ahas kalabaw
Tuklasin
Sa muli, ipabasa mo sa iyong magulang o kasamahan sa bahay ang pabula habang ikaw ay nakikinig. Sana’y maaliw ka sa nilalaman nito.
Ang Pamilya Langgam
May magpamilyanglanggam na sobrang sipag. Araw-araw ay naghahanap sila ng pagkain upang pagdating ng tag- ulan ay may sapat silang makakain. Tuwing lalabas ang magpamilya, naiiwan ang inang langgam. Ang mga anak at ama lamang ang naghahanap-buhay. “Huwag lilihis sa linya upang hindi maligaw,” paalala ng ama sa mga anak.
Pagsapit nang hapon ay tinatawag ng ama, isa-isa ang mga anak kung kumpleto sila. “Magaling mga anak, walang naligaw sa ating mga kasama,” masayang wika ng ama. “Yeheeey,” masayang sigaw ng mga anak. “O sige mga anak magpahinga na muna kayo ha! Bukas maglalakbay tayong muli, salamat sa tulong ninyo marami tayong naipong pagkain, at mga butil,” pahayag ng amang langgam.
Nagustuhan mo ba ang pabulang binasa sa iyo? Sagutin mo nga ang sumusunod na tanong bago mo ipagpatuloy ang iyong pag-aaral. Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.
[transcriber’s note: a partly hidden fragment “1_F” appears at the edge of a speech bubble on this page]
Mga tanong
- Ano ang pamagat ng pabula?
- Sino-sino ang mga tauhan sa pabula?
- Anong katangian ang nagustuhan mo sa inang langgam?
- Sa iyong palagay, tama ba ang ginagawa ng ama sa pagpapahanap ng pagkain sa kanyang mga anak?
- Bakit kaya ginagawa ng mag-ama ang pag-alis sa bahay araw-araw?
Sa narinig mong pabula may mga kilos ng tauhan kang napansin di ba? Ano-ano ba ang ibig sabihin ng mga ito? Tingnan nga natin kung kaya mong sagutin ang mga sitwasyon sa ibaba.
Panuto: Basahin ang mga sumusunod ayon sa kilos at pahayag ng mga tauhan sa narinig na pabula. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
Walang tigil sa paggawa ang pamilyang langgam. Anong kaugalian ang ipinakita ng pamilya langgam ayon sa kilos nila?
A. pagkamasipag
B. pagkamatulungin
C. pagkamasunurin
D. pagkamatipidTuwing lalabas ang magpamilya, naiiwan ang inang langgam.
Ano ang kahulugan ng kilos ng tauhan mula sa pabula?
A. tamad
B. lagalag
C. masayahin
D. maasikaso sa bahay“Huwag lilihis sa linya, upang hindi maligaw,” paalala ng ama sa mga anak. Ang ama ay isang _______
A. masipag
B. palautos
C. malungkot
D. maalalahaninPagsapit ng hapon ay tinatawag ng ama isa-isa ang mga anak kung kumpleto sila. Anong ibig sabihin ng tinatawag isa-isa ayon sa kilos ng mga langgam?
A. kinokolekta ang mga langgam
B. hinahayaan lang ang mga langgam
C. pinaparusahan ang mga langgam
D. tiningnan kung kumpleto ang mga langgam“Salamat sa tulong ninyo, marami tayong naipong pagkain at mga butil,” pahayag ng amang langgam. Anong kahulugan ng kilos ng mga langgam batay sa napakinggang pabula?
A. pagpapasalamat
B. pagpupuri
C. pagdadakila
D. pagbibigay
Nahihirapan ka pa ba sa ating aralin ngayon? Huwag mabahala. Ipagpatuloy lang ang ginagawa upang lalong mapayabong ang iyong kaalaman tungkol dito. Halina’t ipagpatuloy natin.
Humingi ka ng tulong upang may bumasa ng mga susunod pang mga pabula habang ikaw ay nakikinig nang mabuti.
Suriin
GAWAIN 1
Panuto: Basahin ang mga nakalahad na sitwasyon mula sa napakinggang pabula. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong na kasunod nito. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.
Ang Ahas
“Takbo!!! Dali! Sumunod kayo sa akin,” sigaw ni kabayo. “Naku! Sandali, di ka namin kayang sabayan kabayo ang bilis-bilis mo,” sagot ni baboy at kalabaw. “Ha? Basta sumunod kayo,” wika ni kabayo. “Takbo, nandiyan na si ahas,” sagot ni baboy at kalabaw.
Si manok naman ay lumipad nang mabilis para hindi maiwan.
“Buti pa si manok mabilis. Ako talaga ang maiiwan kasi mabigat ako,” ang sabi ni baboy.
“Sakay sa likod ko baboy,” payo ni kabayo, “para makarga kita.”
“Ay, salamat kaibigan,” malaking pasasalamat ni baboy.
“Takbo nang mabilis kalabaw,” sigaw ni kabayo, “Lagot tayo kay ahas kapag naabutan niya tayo. Nangangagat kaya iyon at nakamamatay pa ang kamandag. Kailangang makalayo tayong lahat.”
“Oo nga kaibigang kabayo, salamat talaga ha! sa pagmamalasakit mo sa akin, at sa iba nating kasama,” sagot ni kalabaw na binilisan ang takbo.
“Takbo! dali, sumunod kayo sa akin”, sigaw ni kabayo.
Ano ang kahulugan ng kilos ng mga tauhang nabanggit sa pabula?
A. mabagal na pagkilos
B. malumanay na pagtakbo
C. may kabagalang pagtakbo
D. napakabilis tumakbo“Naku! sandali! Hindi ka namin kayang sabayan, kabayo, ang bilis-bilis mo,” sagot ni baboy at kalabaw. Ano ang kahulugan ng kilos na nasa sitwasyon sa pabula? Sobrang _____.
A. maliksi tumakbo
B. mabagal tumakbo
C. mahinhin tumakbo
D. mabilis tumakboSi manok naman ay lumipad nang mabilis upang hindi maiwan. Anong ibig sabihin ng kilos ni manok sa napakinggang pabula? Siya ay _____
A. iniwanan
B. naabutan
C. nakasabay
D. hindi nakasabay“Sakay sa likod ko baboy para madala kita,” sigaw ni kabayo. Ayon sa sitwasyon ano ang kahulugan ng kilos ng tauhan?
A. pag-alala sa kasama
B. pagpapabaya sa kasama
C. pagpapasalamat sa kapuwa
D. pagwawalang bahala sa kasama“Lagot tayo kay ahas kapag naabutan niya tayo. Nangangagat kaya iyon at nakamamatay pa ang kamandag. Kaya kailangan makalayo tayong lahat.” Ayon sa pahayag ng tauhan sa sitwasyon, ano ang kahulugan ng kilos ng kabayo, baboy, manok at kalabaw?
A. pagmamahalan
B. pagmamalasakit
C. pagkakasama-sama
D. Pagwawalang-bahala
Kumusta mahal kong mag-aaral? Nalibang ka ba sa iyong pakikinig? Madali lang ba sa iyo ang pagbibigay kahulugan sa mga kilos at pahayag ng mga tauhan sa pabula?
Alam mo ba na ang pagbibigay ng tamang kahulugan sa kilos o pahayag ng isang tauhan ay maaaring malalaman sa pamamagitan ng pagunawa kung ano ang kaniyang ikinikilos, paano ito nagsasalita at kung paano nagpapakita ng kaniyang naging reaksiyon sa mga sitwasyon sa kuwento.
Pagyamanin
Gawain 1
Panuto: Ipabasa sa iyong magulang o nakatatandang kapatid ang pabula habang nakikinig ka.
Sa Kagubatan
Tigre: Kaibigang Leon sino kaya ang susunod na hari ng kagubatan?
Leon: Ewan ko kaibigang Tigre, pero sana ako na kasi kaya ko naman di ba?
Tigre: Sige kaibigan, magtunggali tayo, kung sinong panalo iyon ang imumungkahi natin sa hari na ipalit na bagong hari ng gubat.
Aso: Sige ako ang magiging tagahatol ninyo.
Leon: Nanlilisik ang mga mata nito dahil determinadong manalo.
Tigre: Grrrrrrrrr (sabay sunggab kay Leon).
Leon: Rrrrr! Rrrrrr! Rrrrr! (malakas na ungol ni Leon).
Uwak 1: Wak! wak! wak! Bahhh! nag-aaway sina Leon at Tigre.
Uwak 2: Wak wak wak, oo nga! Hahaha! mukhang may makakain tayo.
Leon: Anong nasa itaas?
Tigre: Aba! mukhang tuwang-tuwa sina uwak.
Leon: Oo nga, kasi kung sino ang matutumba sa atin siguradong kakainin nila.
Tigre: Huwag na tayong mag-away para wala silang makain.
Leon: Oo nga! kaibigan, bahala na kung sino ang susunod na hari ng kagubatan.
Aso: Magaling kayong dalawa…..aw !aw!aw!
Panuto: Piliin ang kahulugan sa katapat na kahon. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.
KILOS
| KILOS |
|---|
| 1. umuungol ang Leon |
| 2. umaatungal ang tigre |
| 3.tumatahol ang aso |
| 4. humalakhakang uwak |
| 5. palinga-linga sa paligid si uwak |
| KAHULUGAN |
|---|
| galit |
| nag-aalala |
| natutuwa |
| nagugutom |
| napapagod |
Gawain 2
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng katangiang nabanggit sa bawat bilang batay sa mga isinasaad na kilos. Isulat sa iyong sagutang papel ang iyong sagot.
Inayos ni ibon ang mga gamit ng kaniyang nakababatang sisiw na nagkalat sa sahig.
A. masipag
B. matulungin
C. burara sa gamit
D. maayos sa mga gamitNagdarasal muna ang mag-anakna ibon bago kumain.
A. Makatao
B. Maka-Diyos
C. Makabansa
D. makakalikasan“Maghugas kayo ng kamay bago kumain,” utos ng inang ibon sa mga sisiw nito.
A. Masipag
B. Matiyaga
C. matulungin
D. Maalalahanin“Maraming salamat sa mga tulong,” banggit ni Amang ibon sa mga kasama sa paglilinis ng paligid.
A. mapagtimpi
B. mapag-unawa
C. mapagpasalamat
D. mapagpakumbaba“Hindi ko makalilimutan ang ibinigay ninyong halaga sa pagpapagamot ng aking ina,” nabanggit ni Amang ibon sa mga kasama sa trabaho.
A. pagkamasinop
B. pagpapasalamat
C. pagpapakumbaba
D. pagtanaw ng utang na loob
Isaisip
Ang katangian at ugali ng isang tauhan ay makikita sa kaniyang pananalita at pagkilos. Dapat mo itong unawaing mabuti upang mabatid mo ang mga kahulugan nito
Panuto: Kumpletuhin ang sumusunod na pahayag upang maibahagi mo ang iyong natutuhan sa araling ito. Kopyahin at isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
Mahalagang matutuhan ang pagbibigay ng tamang kahulugan sa kilos o pahayag ng isang tauhan dahil _____ _____.
Isagawa
Panuto: Ipabasa sa iyong magulang o nakatatandang kapatid ang pabula habang nakikinig ka.
“Ano na naman ang ginawa mo daga?” sigaw ni pusa kay daga. “Bakit dinumihan mo ang gamit ni aso? hala ka,” pagbabanta ni pusa kay daga. Walang nagawa si pusa, maingat niyang inayos ang mga gamit ni aso. “Pabayaan mo nga diyan, buti nga sa asong iyan,” pagmamayabang ni daga. “Huwag ka ngang ganiyan, alalahanin mo kaibigan natin si aso,” pagpapaliwanag ni pusa. Inayos
niya isa-isa ang mga gamit ni aso. Tiniklop niya nang maigi ang mga damit nito at iba pang mga kagamitan ni aso.
Dumating si aso at agad niyang hinanap ang mga kaibigan. Nakita niya ang larawan ng Panginoon sa may sala, huminto siya at matamang nagdasal ng pasasalamat. Nakita niya si pusa na naglilinis ng kanilang bahay. Ipinagmamalaki niya ang kaibigan sa lahat dahil minsan man hindi niya binilang ang ginawang tulong sa kaniya.
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng katangian ng tauhang nabanggit sa pabula batay sa isinasaad na kilos nito. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
- “Bakit dinumihan mo ang gamit ni aso? Hala ka!” pagbabanta ni pusa kay daga.
a. pagpapaalala
b. pagbabanta
c. pagsisigaw
d. pagkagalit - Maingat na inayos ni pusa ang mga gamit ni aso.
a. mabait
b. maayos
c. matulungin
d. maalalahanin - “Huwag ka ngang ganiyan,” sagot ni pusa.
a. pinapagalitan
b. pinaalalahanan
c. pinakikinggan
d. pinaparusahan - “Alalahanin mo kaibigan natin si aso,” pagpapaliwanag ni pusa.
a. pagkampi
b. pagtatanggol
c. pagpapaalala
d. pagpapaliwanag - “Buti nga sa asong iyan,” pagmamayabang ni daga.
a. nag-alala sa kapuwa
b. nagkagusto sa kapuwa
c. nabagot sa kapuwa
d. nang-api sa kapuwa
Tayahin
Ipabasa sa magulang o nakatatandang kapatid ang pabula. Makinig at sagutin ang mga tanong sa ibaba.
Ang Pamamasyal
Nagkita-kita ang magkaibigang pusa sa plasa. Jupit: Satur, Mercu punta tayo sa parke. Satur: Sige! Matagal ko nang gustong maglaro doon. Jupit: Ikaw Mercu gusto mong sumama? Mercu: Oo, sige kaya lang baka hindi ako payagan ng nanay. Satur: Mamayang hapon pa tayo pupunta.! Mercu: Sige! Pero gawin muna natin ang ating mga takdang-aralin bago maglaro. Sa parke….. Mercu: Dito ako sa swing, hahaha. Jupit: Sige, dito naman ako sa slide, wow!!! ang sarap magpadulas. Hahaha. Satur: Okey, sa seesaw naman ako, hahaha! Sana maulit pa ito mga kaibigan. Jupit: Sige basta wala lang tayong maraming gawain sa atin. Mercu: Oo, naman Jupit at Satur, kasi kailangan din nating tulungan ang ating mga magulang sa mga gawaing bahay. Satur: Ay oo, kaibigang Mercu at Jupit, sa amin pagagalitan ako kapag hindi napakain ang aming aso. Jupit: Paalam kaibigan sa susunod gawin na natin ang mga gawain sa bahay, nang maaga tayong makapaglaro uli.
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga kilos o pahayag ng mga tauhan sa napakinggang pabula. Piliin ang titik ng tamang sagot sa loob ng kahon at isulat sa sagutang papel.
A. nasasabik D. matulungin B. natutuwa E. nalulungkot C. nag-aalala
- Humahangos na inanyayahan ni Jupit ang mga kaiibigan na maglaro sa plasa.
- Pumalakpak na sumang-ayon sina Mercu at Satur kay Jupit.
- Nagsisisigaw sa saya si Mercu habang dumuduyan siya sa swing.
- Taas-kamaynaman si Jupit habang pumapadausdos sa saslide.
- Nagdalawang isip si Mercu baka hindi siya payagan ng mga magulang.
- “Sige matagal ko nang gustong maglaro doon.” wika ni Mercu.
- “Ay oo kaibigang Mercu at Jupit, sa amin pagagalitan ako kapag hindi napakainangaming aso.” sabi ni Satur.
- “Sige, dito naman ako sa slide, wow!!! ang sarap magpadulas.,” sabi ni Jupit.
- “Sige! pero gawin muna natin ang ating mga takdang-aralin bago maglaro,” sambit naman ni Mercu.
- “Oo, sige kaya lang baka hindi ako payagan ng nanay?” wika ni Mercu.
Karagdagang Gawain
Ipabasa sa magulang o nakatatandang kapatid ang pabula. Makinig at sagutin ang mga tanong sa ibaba.
Ang Aso
“Aw! Aw! Aw!” Malakas na tahol ng aso na parang di mapakali.” “Tulong! Tulong! maawa kayo sa akin, gutom na gutom na ako.” pagmamakaawa ni aso. Sa di kalayuan ay narinig ng pusa ang panaghoy ng aso. Pinuntahan niya ito.
“Anong nangyari sa ‘yo, bakit ganiyan ang itsura mo?” pagtatanong ng pusa. “Bigyan mo naman ako ng pagkain, kaibigang pusa,” mangiyak-ngiyak na pagsamo ng aso.
Labis na awa ang nadama ni pusa sa aso. Nilisan niya ang lugar. Bumalik siyang may bitbit na pagkain. Lumaki ang mga mata ni aso, hindi siya makapaniwala na tutulungan siya ng pusa. Mula noon naging magkaibigan na ang aso at pusa.
Panuto: Bigyang kahulugan ang mga kilos ng tauhan batay sa sitwasyon sa pabulang narinig. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
- “Aw, aw, aw!” malakas na tahol ng aso na parang di-mapakali.
a. nag–aalala
b. nagmamadali
c. humihingi ng tulong
d. nagmamakaawa - “Tulong! Tulong! maawa kayo sa akin, gutom na gutom na ako.” sabi ni aso.
a. pagpapansin
b. pagmamadali
c. pagmamakaawa
d. paghingi ng tawad - Narinig ng pusa ang panaghoy ng aso.
a. pagsisi
b. pagka-inis
c. pagkabahala
d. pagtataka - “Anong nangyari sa iyo, bakit ganiyan ang hitsura mo?”
a. pagka-inis
b. pagkabahala
c. pagtataka
d. pagsisisi - Binigyan ng pagkain ni pusa si aso.
a. pagkaawa
b. pagbahala
c. pagkatakot
d. pagkasuplado
Binabati kita kaibigan, sapagkat natapos at napagtagumpayan mo ang mga gawain sa modyul na ito. Nakatitiyak akong magagamit mo ang iyong napag-aralan sa pang – araw – araw na pamumuhay.
Muli tayong magkita sa Modyul 5: Pagbibigay Kahulugan ng mga Sawikain. Ito ang iyong kaibigan na si Kokoy, Paalam!
[illustration: Kokoy, a boy character holding a tablet, beside the closing message]
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: the answer key is printed rotated 180 degrees in boxes; the box titles and answers below are transcribed from the rotated print, and the Isaisip text is a best reading with uncertain words marked]
Subukin
- C
- A
- D
- D
- A
Balikan
- kalabaw
- kambing
- aso
- pusa
- ahas
Pagyamanin
Gawain 1
- galit
- galit
- nag-aalala
- natutuwa
- nag-aalala
Gawain 2
- D
- B
- D
- C
- D
Isaisip
Mahalagang matutunan ang pagbibigay ng kahulugan sa kilos o pahayag ng tamang [?] isang tauhan dahil ito’y nagbibigay kaalaman sa akin kung paano ko maiuunawaan ng madali ang kahulugan ng damdamin at gustong ipahiwatig kahit hindi man niya direstahang sabihin. [?]
Isagawa
- B
- B
- C
- C
- D
Suriin
- D
- D
- C
- A
- B
Tayahin
Gawain A
- A
- B
- B
- B
- C
- A
- C
- B
- C
- C
Karagdagang Gawain
- A
- C
- C
- B
- A
Binabati kita kaibigan, sapagkat natapos at napagtagumpayan mo ang mga gawain sa modyul na ito. Nakatitiyak akong magagamit mo ang iyong napag-aralan sa pang – araw – araw na pamumuhay. Sa muli, ito ang iyong kaibigan na si Kokoy Paalam!
Sanggunian
- Most Essential Learning Competencies 2020 MELCs– F6PN-Ic-19 pahina 221
- 2016 K-12 Curriculum in Filipino 6
- LR Portal
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph


Leave a Reply