Filipino 6 Quarter 1 Module 15: Pagsulat ng Kuwento; Talatang Nagpapaliwanag at Nagsasalaysay

This is Filipino 6 Quarter 1 (Unang Markahan) Module 15, “Pagsulat ng Kuwento; Talatang Nagpapaliwanag at Nagsasalaysay” (writing a story; explanatory and narrative paragraphs). It is a self-learning module for Grade 6 learners, first published in 2020 by DepEd Region VI under the Alternative Delivery Mode. After working through it, learners should be able to write a story that uses both explanatory and narrative paragraphs.

What learners will learn

The module states one learning objective. Learners are expected to:

  • write a story, an explanatory paragraph, and a narrative paragraph (nakasusulat ng kuwento; talatang nagpapaliwanag at nagsasalaysay)

Competency codes printed in the module: F6PU-Id-2.2, F6PU-If-2.1, and F6PU-Ih-2.1.

The module has one lesson (Aralin 1). A friendly guide character named Kokoy leads learners through it.

The model story: Binago ng Pandemya

The lesson is built around a short story, “Binago ng Pandemya” (changed by the pandemic). Rosanna always comes to school early to help clean her classroom and review her lessons while her classmates play outside. When COVID-19 arrives, she can no longer go to school and must stay home. She tells her mother she misses school. Her mother answers by describing their neighbor, Dr. Vince Andrada, a frontliner who wears a face mask and PPE, bathes and changes clothes as soon as he gets home, and prays for everyone’s safety.

Before answering questions about the story, learners study four words from it:

WordMeaning given in the moduleEnglish meaning
nagrepasonagbalik-aralreviewed
sintomaspalatandaansign, symptom
pandemyasakit na laganap sa buong mundoa disease spread across the whole world
nakasasalamuhanakahahalubilo o nakahaharapmeets or interacts with

Key ideas: stories and the two kinds of paragraphs

Kuwento (story)

The module explains that a story is a product of a person’s creative mind. It can be shared through writing, drama, or film. A story may be made up, like a folk tale (kuwentong bayan), or based on real life and real events. A story is made of paragraphs, and “Binago ng Pandemya” uses both narrative and explanatory paragraphs.

Talatang nagsasalaysay (narrative paragraph)

A narrative paragraph tells about events and aims to tell a story. In the model story, the opening paragraphs about Rosanna’s daily routine at school, and the later part where she stays home and talks with her mother, are the module’s examples.

Talatang nagpapaliwanag (explanatory paragraph)

An explanatory paragraph presents ideas or information about a topic so that it is easy to understand. The module’s example is the paragraph that explains what COVID-19 is, that it is contagious, that difficult breathing is one of its symptoms, and that social distancing, wearing a face mask, staying healthy, and avoiding crowded places help prevent it.

Tips for writing

The module says the message of what you write should be clear. Writing becomes easier if you:

  1. Know the topic you are writing about.
  2. Plan how you will present your ideas in the paragraph (organization).
  3. Have an interesting beginning and ending.
  4. Keep unity (kaisahan) among your ideas from beginning to end.

Activities in the module

  • Subukin (pretest): Look at a picture of an accident and write a short story about it.
  • Balikan (review): Read a short passage about the delayed school opening for School Year 2020-2021 and answer 10 multiple-choice questions.
  • Tuklasin (discover): Read “Binago ng Pandemya” and answer five questions about it.
  • Pagyamanin (practice): Write a five-sentence explanatory paragraph about a picture of health workers (Pagsasanay 1), a narrative paragraph about a picture of a rural home (Pagsasanay 2), and a story about yourself using guide questions such as your birthday, parents, siblings, grade, teacher, and favorite food (Pagsasanay 3).
  • Isaisip (remember): Copy and fill in a table on what you learned and why it matters.
  • Isagawa (apply): Write a story with explanatory and narrative paragraphs on the topic of social distancing.
  • Tayahin (assessment): Write a story with explanatory and narrative paragraphs based on a picture of people at a small store, worth 10 points.
  • Karagdagang Gawain (additional activity): Write an explanatory or narrative paragraph about the bad effects of COVID-19 on children.

How to use this module

  • Learners: Work through the parts in order, from Subukin to Karagdagang Gawain. Do not write on the module; use a separate answer sheet or your notebook, as each activity says. Contact your teacher right away if you have trouble understanding the lesson.
  • Parents and guardians: The module comes with a teacher’s or facilitator’s guide (Gabay sa Guro/Tagapagdaloy) with reminders and strategies for helping your child at home. Encourage your child to check answers honestly with the answer key.
  • Teachers: The module’s teacher note describes Balikan as an initial assessment; you may record the scores to find learners’ weak areas. The answer key (Susi sa Pagwawasto) gives the Balikan answers and sample responses for the writing tasks, most of which are scored at 10 points.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this Filipino module for?

It is for Grade 6 (Ikaanim na Baitang), Quarter 1 (Unang Markahan). It is Module 15 of the quarter.

What is the difference between talatang nagsasalaysay and talatang nagpapaliwanag?

A talatang nagsasalaysay (narrative paragraph) tells about events and aims to tell a story. A talatang nagpapaliwanag (explanatory paragraph) presents ideas or information about a topic so it is easy to understand.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto gives the answers to the 10-item Balikan quiz and sample answers for the writing activities, since the stories and paragraphs learners write will vary.

What competencies does this module cover?

It covers writing a story and writing explanatory and narrative paragraphs, with the competency codes F6PU-Id-2.2, F6PU-If-2.1, and F6PU-Ih-2.1.

What story is used as the example in the module?

The module uses “Binago ng Pandemya,” a story about a girl named Rosanna whose school routine changes because of COVID-19. It contains both narrative and explanatory paragraphs.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Filipino Unang Markahan – Modyul 15 Pagsulat ng Kuwento; Talatang Nagpapaliwanag at Nagsasalaysay

CO_Q1_Filipino6_Module15

[illustration: students reading, studying, and working outdoors and at a desk, with a globe, a lamp, and a teacher]

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

Filipino– Ikaanim na Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 15: Pagsulat ng Kuwento; Talatang Nagpapaliwanag at Nagsasalaysay

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyulna ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat:Ma. Lennie B. Andrada
Editor:Gemma B. ObsianaJeriel B. Caracol
Tagasuri:Catherine DiazJunrey M. Esparar
Celestino S. Dalumpines IV
Tagaguhit:Junard VillardeSwelyn E. Forro
Tagalapat:Raymund D. MagbanuaGlenn P. Dollete
Tagapamahala:Gemma M. Ledesma
Salvador O. Ochavo, Jr.
Elena P. Gonzaga
Donald T. Genine
Celestino S. Dalumpines IV
Segundina F. Dollete
Shirley A. De Juan
Merlie J. Rubio

Inilimbag sa Pilipinas ng ______________________ Department of Education – Region VI Office Address: Duran Street, Iloilo City Telefax: (033) 336-2816 (033) 509-7653 E-mail Address: region6@deped.gov.ph

6

Filipino

Unang Markahan – Modyul 15 Pagsulat ng Kuwento; Talatang Nagpapaliwanag at Nagsasalaysay

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/ Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung simumang gagabay at tutulong sa pag-aaral at mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang salita upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ang ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang sagot sa bawat Gawain at pagsusulit. Inaasahan naming na maging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumagamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makaranas ng suliranin pag-unawa sa mga aralin at sa paggamit ng SLM na ito.

Alamin

[illustration: Kokoy, a boy holding a tablet]

Kumusta na kaibigan? Narito akong muli, ang iyong kaibigan na si Kokoy para samahan ka sa panibagong paglalakbay. Kaibigan, lilinangin natin sa paglalakbay na ito ang iyong kaalaman sa Pagsulat ng Kuwento; Talatang Nagpapaliwanag at Nagsasalaysay.

Pagbati sa iyo kaibigan. Handa ka na ba sa panibagong hamon? Magaling! Alam kong handang-handa ka na.

Pagkatapos ng ating paglalakbay, ikaw ay inaasahang:

• nakasusulat ng kuwento; talatang nagpapaliwanag at nagsasalaysay. (F6PU-Id-2.2; F6PU-If-2.1; F6PU-Ih-2.1)

Subukin

Kaibigan, bago tayo tutungo ay susubukin muna natin ang iyong kaalaman. Sagutan mo nang maayos ang nasa ibaba. Galingan mo!

Panuto: Tingnan mo ang larawan sa ibaba at sumulat ng maikling katha tungkol sa iyong nakikita. Isulat mo ito sa iyong sagutang papel.

[illustration: two adults kneel beside an injured child lying on the ground; a girl points, and two vehicles are parked behind them]

Aralin 1

Pagsulat ng Kuwento; TalatangNagpapaliwanag at Nagsasalaysay

Kumusta ang iyong mga paglalakbay kaibigan? Nasasabik ka na ba sa bagong mundo na ating lalakbayin ngayon? Magaling! Ating lalakbayin ngayon kaibigan ay ang tungkol sa pagsulat ng kuwento; talatang nagpapaliwanag at nagsasalaysay. Handa ka na ba sa bago natin pag-aaralan? Magaling!

Balikan

Kaibigan basahin muna natin ang maikling talata sa ibaba at sagutin mo ang sumusunod na mga tanong. Isulat mo ang iyong sagot sa sagutang papel. Galingan mo!

“Ayon sa kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon, na si Leonor M. Briones, ang pasukan para sa Taong Panuruan 2020-2021 ay magsisimula sa 24 Agosto ng taong kasalukuyan sa halip na Hunyo. Ito ay dahil sa COVID-19 na isang pandemyang tumama sa atin, at sa buong mundo, na napakadelikado sa lahat ng mamamayan”, pahayag ng punong-guro na si Gng. Ramos. “Lubhang mapanganib ang COVID – 19 kaya kailangan ang ibayong pag-iingat. Hangga’t maaari ay bawal lumabas, kaya pinapapanatili na lamang muna sa kanilang mga tahanan ang mga tao.”

“Kaugnay nito, nais naming ipaalam sa inyo na ang pagpapatala ng lahat ng mga mag-aaral ay gaganapin sa buong buwan ng Hunyo. Hindi ninyo kailangang pumunta sa paaralan upang magpalista”, pagpapaliwanag ni Gng. Ramos.

“Ipagbigay alam po ninyo sa amin ang inyong intensiyon, sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono gamit ang mga numerong naibigay na sa inyo ng mga guro, o di kaya’y sa pamamagitan ng on-line na pagkontak sa amin”, sambit pa niya.

“Ang paaralan ay bukas din po mula Lunes hanggang Biyernes sa mga nais makipagkita sa amin. Magsuot lamang po kayo ng face mask at itaguyod ang isang metrong “social distancing”, panapos niyang pahayag.

Mga Tanong:

  1. Sino ang kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon?
    A. Kalihim Jenalyn A. Ocampo
    B. Kalihim Leonor M. Briones
    C. Kalihim Delia C. Diestro
    D. Kalihim Vicky B. Gonzales


  2. Sino ang punong-guro na nagbigay ng paliwanag ukol sa pagbubukas ng klase?
    A. Gng. Binondo
    B. Gng. Ramos
    C. Gng. Andrada
    D. Gng. Ureta


  3. Kailan magsisimula ang pasukan sa Taong –Panuruan 2020-2021?
    A. 1 Hunyo 2020
    B. 24 Hulyo 20201
    C. 1 Agosto 2020
    D. 24 Agosto 2020


  4. Kailan ang paglilista o pagpapatala ng mga nais mag-aral ngayong taon?
    A. buong buwan ng Mayo
    B. buong buwan ng Hunyo
    C. buong buwan ng Hulyo
    D. buong buwan ng Agost


  5. Naantala ang pagbubukas ng klase dahil sa?
    A. Kakulang sa badyet
    B. COVID-19 na pandemya
    C. nagkaroon ng bagyo
    D. hindi lumalabas ang mga tao


  6. Upang makipagkita sa mga guro, kinakailangan ng mga magulang na?
    A. Magsuot sila ng face mask at magkaroon ng social distancing
    B. Magsuot lamang sila ng face mask
    C. Itaguyod lamang nila ang 1 metrong social distancing.
    D. Maligo muna sila bago pumunta sa paaralan.


  7. Anong uri ng talata ang iyong binasa?


  • A. nagsasalaysay
  • B. nagpapaliwanag
  • C. naglalarawan
  • D. nangangatuwiran
  1. Paano makapag-enrol ang mga bata?
  • A. Pupunta ang mga bata sa paaralan.
  • B. Pupuntahan ng kanilang magulang ang guro.
  • C. Tatawagan ng kanilang magulang ang guro upang magpatala.
  • D. Pupuntahan sila ng guro sa kanilang bahay.
  1. Kailangang gumamit ng face mask ang mga magulang kung sila ay pupunta sa paaralan upang?
  • A. hindi sila maalikabukan
  • B. hindi sila mahawaan o makahawa ng sakit na COVID-19
  • C. makita sila agad ng guro
  • D. makahinga silang Mabuti
  1. Sino ang nagbigay ng paliwanag tungkol sa mga dapat gawin sa pagpagpapatala ng mga bata?
  • A. Gng. Ramos
  • B. Gng. Santos
  • C. Gng. Andrada
  • D. Gng. Gonzales
Mga Tala para sa Guro

Ito ay panimulang pagtatasa lamang. Maaaring itala ang iskor para mabigyang – tuon ang kahinaan ng mag-aaral.

Tuklasin

Kaibigan, nasasabik ka na bang magbasa ng kuwento? Magaling! Ako rin ay nasasabik na. Hali na kaibigan basahin natin ang kuwento na may pamagat na Binago ng Pandemya.

Binago ng Pandemya

Tuwing may pasok, maagang pumupunta sa paaralan si Rosanna. Pagdating niya sa paaralan, siya ay tumutulong sa paglilinis ng kanilang silid-aralan.

“Rosanna! Halika maglaro tayo!” Yaya ni Beth na kaniyang kaklase.” Pasensiya ka na, marami pa akong ginagawa,” sambit ni Rosanna. “Naglilinis pa ako, kayo nalang muna ang maglaro diyan,” dagdag pa niya. Pagkatapos niyang maglinis, siya ay nagbasa ng aklat at nagrepaso ng mga nakaraang aralin nila, habang hinihintay ang pagdating ng kanilang guro. Samantala ang mga kaklase niya ay naglalaro sa labas hanggang naabutan na ang mga ito ng kanilang guro.

Ngunit isang araw, nagbago ang buhay ni Rosanna dahil sa COVID -19 na isang pandemya. Ang Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ay virus na nagdudulot ng iba’t ibang klaseng sakit, mula sa karaniwang ubo’t sipon hanggang sa mas malulubhang impeksiyon tulad ng MERS-CoV at SARS-CoV. Ito ay nakahahawang sakit. Isa sa mga sintomas ay ang mahirap na paghinga ng mga tao na nahawaan nito. Ito ay dahil sa virus na nakapasok sa iyong katawan. Maaari itong kumalat sa ibang tao na nakasalamuha mo. Kung kaya’t kailangang mapanatili ang social distancing, paggamit ng face mask, pagpapalakas ng katawan, at laging pag-iwas sa matataong lugar.

Hindi na nagawa ni Rosanna ang mga nakasanayan na niyang gawin sa paaralan. Nananatili na lamang siya sa bahay sapagkat pinagbabawalang lumabas ang mga batang may edad na dalawamput-isa pababa, at ang mga matatanda na animnapung taong gulang pataas.

“Nanay, kailan pa po kaya mawawala ang COVID-19 ano?, miss ko na pong pumasok sa paaralan,” sabi ni Rosanna sa ina. “Ipagdasal natin anak na matatapos na ang pandemyang ito. Kawawa lalo na ang ating mga frontliners kagaya ng ating kapitbahay na si Doktor Vince Andrada na nagtatrabaho sa isang pribadong ospital. Araw-araw maraming siyang mga pasyenteng nakasasalamuha na dinadala sa pagamutang pinagtatrabahuan niya. Mabuti at palagi niyang sinisigurado ang kaniyang kaligtasan. Gumagamit siya ng face mask at PPEs upang maprotektahan

Ang kaniyang sarili pati na rin ang kaniyang pamilya, at maging ang mga pasyente niya. Pag-uwi niya sa bahay, agad siyang naliligo at nagpapalit ng damit bago siya makipaghalubilo sa kaniyang mga minamahal sa buhay. Higit sa lahat, lagi siyang nagdarasal sa Poong Maykapal para sa proteksiyon at kaligtasan nilang lahat,” mahabang pagsasalaysay ng ina, sabay punta sa kusina para magluto ng kanilang hapunan habang naiwang nag-iisip si Rosanna.

Bago natin sagutin ang mga tanong tungkol sa binasang kuwento, alamin mo muna ang kasingkahulugan ng ilang salitang ginamit sa akda. Pansinin ang sumusunod na mga salita na ginamit sa mga pangungusap at ang kahulugan ng mga ito.

  • Nagrepaso ng kaniyang mga aralin si Rosanna habang hinihintay ang guro.


    Ang kasingkahulugan ng nagrepaso ay nagbalik-aral.


  • Isa sa mga sintomas ng COVID-19 ay ang mahirap na paghinga.


    Ang kasingkahulugan ng sintomas ay palatandaan.


  • Ang COVID-19 ay isang pandemya.


    Ang kasingkahulugan ng pandemya ay sakit na laganap sa buong mundo.


  • Araw-araw, maraming pasyenteng nakasasalamuha si Dr. Vince Andrada.


    Ang kasingkahulugan ng nakasasalamuha ay nakahahalubilo o nakahaharap.


Ngayon ay handa ka na para sagutin ang mga tanong.

  1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
  2. Bakit nahinto siya sa pagpasok sa paaralan?
  3. Paano makaiiwas sa COVID-19?
  4. Ano-ano ang ginagawa ni Dr. Andrada para maproteksiyonan ang kaniyang pamilya?
  5. Ano-anong uri ng talata ang ginamit sa kuwento?

Suriin

Tara kaibigan, pag-aralan natin ang Kuwento at talatang nagsasalaysay. Alam mo ba kaibigan na ang binasa natin sa bahaging Tuklasin ay halimbawa ng isang kuwento.

Ang kuwento ay mga produkto ng malikhaing-isip ng tao at naipapahayag sa pamamagitan ng pagsulat, pagdadrama o pagsasapelikula. Maaaring ito ay gawa-gawa lamang tulad ng kuwentong bayan. Maaari rin namang hango sa totoong buhay o pangyayari. Ito ay binubuo na mga talata. Ang kuwentong “Binago ng Pandemya” ay binubuo ng mga talatang nagsasalaysay at talatang nagpapaliwanag

Halimbawa ng Talatang Nagsasalaysay na nakapaloob sa kuwentong binasa.

Tuwing may pasok, maagang pumupunta sa paaralan si Rosanna. Pagdating niya sa paaralan, siya ay tumutulong sa paglilinis ng kanilang silid-aralan.

“Rosanna! Halika maglaro tayo!” Yaya ni Beth na kaniyang kaklase. ”Pasensiya ka na, marami pa akong ginagawa,” sambit ni Rosanna. “Naglilinis pa ako, kayo nalang muna ang maglaro diyan,” dagdag pa niya. Pagkatapos niyang maglinis, siya ay nagbasa ng aklat at nagrepaso ng mga nakaraang aralin nila, habang hinihintay ang pagdating ng kanilang guro. Samantala ang mga kaklase niya ay naglalaro sa labas hanggang naabutan na ang mga ito ng kanilang guro.

Karagdagang halimbawa

Hindi na nagawa ni Rosanna ang mga nakasanayan na niyang gawin sa paaralan. Nananatili na lamang siya sa bahay sapagkat pinagbabawalang lumabas ang mga batang may edad na dalawamput-isa pababa, at ang mga matatanda na animnapung taong gulang pataas.

“Nanay, kailan pa po kaya mawawala ang COVID-19 ano?,miss ko na pong pumasok sa paaralan,” sabi ni Rosanna sa ina. “Ipagdasal natin anak na matatapos na ang pandemyang ito. Kawawa lalo na ang ating mga frontliners kagaya ng ating kapitbahay na si Doktor Vince Andrada na nagtatrabaho sa isang pribadong ospital. Araw-araw maraming siyang mga pasyenteng nakasasalamuha na dinadala sa pagamutang pinagtatrabahuan niya. Mabuti at palagi niyang sinisigurado ang kaniyang kaligtasan. Gumagamit siya ng face mask at PPEs upang maprotektahan ang kaniyang sarili pati na rin ang kaniyang pamilya, at maging ang mga pasyente niya. Pag-uwi niya sa bahay, agad siyang naliligo at nagpapalit ng damit bago siya makipaghalubilo sa kaniyang mga minamahal sa buhay. Higit sa lahat, lagi siyang nagdarasal sa Poong Maykapal para sa proteksiyon at kaligtasan nilang lahat,” mahabang pagsasalaysay ng ina, sabay punta sa kusina para magluto ng kanilang hapunan habang naiwang nag-iisip si Rosanna.

Ang Talatang Nagsasalaysay ay nagpapahayag ng mga pangyayari at may layuning magkuwento.

Narito naman ang halimbawa ng Talatang Nagpapaliwanag mula pa rin sa kuwentong binasa.

Ngunit isang araw, nagbago ang buhay ni Rosanna dahil sa COVID -19 na isang pandemya. Ang Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ay virus na nagdudulot ng iba’t ibang klaseng sakit, mula sa karaniwang ubo’t sipon hanggang sa mas malulubhang impeksiyon tulad ng MERS-CoV at SARS-CoV. Ito ay nakahahawang sakit. Isa sa mga sintomas ay ang mahirap na paghinga ng mga tao na nahawaan nito. Ito ay dahil sa virus na nakapasok sa iyong katawan. Maaari itong kumalat sa ibang tao na nakasalamuha mo. Kung kaya’t kailangang mapanatili ang social distancing, paggamit ng face mask, pagpapalakas ng katawan, at laging pag-iwas sa matataong lugar.

Ang Talatang Nagpapaliwanag ay naglalahad ng mga ideya o impormasyon tungkol sa isang paksa para madaling maunawaan.

Sa pagsulat ng kuwento; talatang nagpapaliwanag at nagsasalaysay, dapat maging malinaw ang misyon o mensahe. Magiging madali ang pagsulat ng anomang sulatin kung susundin ang sumusunod:

  1. Magkaroon ng kaalaman sa paksang isusulat.
  2. Alamin kung paano ilalahad ang mga ideyang nais mong ilagay sa talata. Tinatawag itong organisasyon.
  3. Magkaroon ng maganda at kaakit-akit na simula at wakas.
  4. Dapat may kaisahan ang mga ideyang inilahad mula sa simula hanggang sa hulihan nito.

Pagyamanin

Opps! Palalawakin pa natin ang iyong kaalaman kaibigan. Kayang kaya mo to! Sa pamamagitan ng pagsasanay, matutuhan mo ang pagsusulat ng talatang nagsasalaysay.

Pagsasanay 1

Panuto: Tingnan mo ang larawan sa ibaba. Sumulat ng isang talatang nagpapaliwanag na binubuo ng limang pangungusap. Gawin mo ito sa iyong kuwaderno.

[illustration: two health workers in face masks and protective gear beside a sign reading “SAFETY FIRST” with a virus image]

Pagsasanay 2

Panuto: Tingnan mo ang larawan sa ibaba. Sumulat ng isang talatang nagsasalaysay tungkol sa iyong nakikita. Gawin mo ito sa iyong kuwaderno.

[illustration: rural scene with a thatched house, a person hanging clothes on a line, vegetable plots, a wooden fence, a mountain, and the sun in the sky]

Pagsasanay 3

Panuto: Sumulat ka ng kuwento tungkol sa iyong sarili. Gawing mong gabay ang mga tanong na nasa kahon upang ikaw ay makabuo ng isang magandang kuwento. Gawin mo ito sa iyong kuwaderno.

  1. Kailan ka ipinanganak?
  2. Sino ang mga magulang mo?
  3. Sino-sino ang kapatid mo?
  4. Nasa anong baitang ka na ngayon?
  5. Sino ang guro mo?
  6. Ano-ano ang paborito mong pagkain?

Isaisip

Matapos nating pag-aralan ang tungkol sa pagsulat ng kuwento; Talatang nagpapaliwanag at nagsasalaysay, Alam kong handang-handa ka na para sagutin ang sumusunod.

Kopyahin mo sa iyong sagutang papel ang talahanayan sa ibaba at sagutan ito. Husayan mo!

ANO ANG IYONG MGA NATUTUHAN?GAANO ITO KAHALAGA?

Isagawa

Kaibigan, alam kong magaling kang sumulat. Galingan mo!

Panuto: Sumulat ng kuwento na may talatang nagpapaliwanag at nagsasalaysay batay sa paksang nasa ibaba. Isulat ito sa iyong kuwaderno.

Paksa:

Social Distancing

Tayahin

Mahusay kaibigan at naabot mo ang bahaging ito. Ngayon naman ay bumuo ka ng kuwento na may talatang nagpapaliwanag at nagsasaysay batay sa larawan sa ibaba. Gawin mo ito sa iyong sagutang papel. Tandaan ito ay 10 puntos kaya’t galingan mo.

[illustration: people seated and standing outside a small store with bottled drinks on shelves, a man at a cooler stand, and customers at tables]

Karagdagang Gawain

Kumusta kaibigan? Narito ka na sa panghuling bahagi ng ating aralin. Sana ay naging masaya ka sa ating paglalakbay at marami kang natutunan. Para lubos nating matapos ang ating aralin ay sagutan mo muna ang gawain sa ibaba. Galingan mo!

Panuto: Sumulat ka ng isang talatang nagpapaliwanag o nagsasalaysay tungkol sa masamang epekto ng COVID – 19 sa batang tulad mo. Isulat mo ito sa iyong kuwaderno.

Nasagot mo ba nang tama ang mga tanong? Binabati kita dahil natapos mo ang lahat ng pagsubok sa ating paglalakbay.

Batid kong naging masaya ka sa ating mga paglalakbay. Nawa’y ang lahat ng iyong natutuhan ay madala mo sa susunod na baitang. Huwag kalilimutan ang mga aral at kakayahan na idinulot sa iyo ng modyul na ito. Hanggang sa muli sa iyong Baitang 7

Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: the answer key on this page is printed upside down and sideways; readings marked [?] are uncertain]

Subukin

Positibong sagot: (10 puntos)

Habang naglalakad si Jovie Rose sa kalsada pauwi, bigla na lamang siyang nakarinig nang malakas na sigawan ng mga tao. “Tulong! Tulong! Ang mama, nabundol ng sasakyan,” sigaw ng isang lalaking nakakita sa pangyayari. Dali-daling lumapit si Jovie Rose at iba pang mga tao sa lugar na pinangyarihan ng aksidente. “Naku! Napuruhan yata. Halikayo, tulungan natin siyang madala sa ospital,” [?] sigaw ni Jovie Rose. Pinigilan ng [?] ang [?] at dinala ang mama sa ospital. Natatarantang sambit ni Jovie Rose. [?] Nguni’t nakasagupang [?] ng [?] na [?] sa pagpapaunlad.

Balikan
  1. B
  2. B
  3. D
  4. B
  5. B
  6. A
  7. B
  8. C
  9. B
  10. A
Tuklasin

Positibong sagot:

  1. Ang pangunahing tauhan sa kuwento ay si Rossana.
  2. Nahinto siya sa pagpasok dahil sa pandemya.
  3. Makakatulong sa pag-iwas sa COVID-19 ang pagsunod sa mga pag-iingat gaya ng social distancing, paggamit ng face mask, [?] at pagpapanatili ng kalinisan ng katawan.
  4. Para maprotektahan ang sarili, pag-uwi niya sa bahay, agad siyang maligo at magpalit ng damit bago siya makipaglaro sa kanyang mga minamahal sa buhay.
  5. Ang mga talatang ginamit sa kuwento ay talatang nagpapaliwanag at talatang nagsasalaysay.
Pagsasanay 1

Positibong sagot: (1 – 10 puntos)

Sila ay mga frontliners. Sila ay bunga ng pagsusumikap ng mga nangangalagang [?] pasong [?] pumuntong … [?]

Pagsasanay 2

Positibong sagot: (10 puntos)

May isang mahal sa buhay na naghihintay sa aking pag-uwi. [?]

Isagawa

Positibong sagot: (10 puntos)

Paksa: Social Distancing (Positibong sagot)

Isang araw, napag-usapan ng aming pamilya ang tungkol sa pandemya, ang COVID-19. Ang sabi ng nanay ay makatulong sa pag-iwas sa malubhang sakit ang pagsunod sa mga [?] tulad ng social distancing. [?]

“Tandaan natin na ang COVID-19 ay nakakahawa. Kaya laging maghugas ng kamay at panatilihin ang layo sa ibang tao,” [?] sabi ni nanay. [?]

“Dapat tayong magsuot ng face mask sa tuwing lalabas at manatili sa bahay kung hindi kailangan.” [?]

Ang social distancing ay isang paraan para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 at maprotektahan ang sarili at ang mga mahal sa buhay.

Tayahin

Positibong sagot: (10 puntos)

Paksa: Di makakalimutang karanasan kasama ang mga kaibigan

Tandang-tanda ko pa noon. Nang hapon ay pumunta kami sa ilog kasama ang aking mga kaibigan. Naglaro kami nang masaya sa tubig at nagtampisaw sa dalampasigan. [?] Nagkaroon kami ng masayang oras na hindi ko malilimutan.

Ang munting bahay ay malapit sa dagat. Lahat kami ay nagsama-sama sa bahay ni [?] para maghanda ng hapunan. [?]

Sanggunian

  • Most Essential Learning Competencies (MELCs) F6PU-Id-2.2; F6PU-If- 2.1; F6PU –Ih-2.1, p.222
  • K TO 12 Curriculum in Filipino 2016, p.119-120
  • LR Portal

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *