This is the Filipino 6 Quarter 1 (Unang Markahan) Module 1 self-learning module, “Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa Napakinggan/Nabasang Pabula, Kuwento, Tekstong Pang-Impormasyon at Usapan” (answering questions about fables, stories, informational texts, and conversations that you have heard or read). It was prepared by DepEd Region VI for Grade 6 learners studying at home. After working through it, learners should be able to read or listen to a text and answer questions about it correctly.
What learners will learn
The module states one learning goal. Learners are expected to:
- answer questions about a fable, story, informational text, or conversation they have heard or read (F6PN-Ia-g-3.1, F6PB-Ic-e-3.1.2)
The module’s reference list also cites MELC code F6PN-lj-28.
Four kinds of texts in this module
The lesson begins by explaining four kinds of texts that learners will read or listen to:
| Text type | What it is |
|---|---|
| Pabula (fable) | A story whose main characters are animals that act and talk like people |
| Kuwento (story) | Tells the events in the life of a main character |
| Tekstong pang-impormasyon (informational text) | Gives information about a topic |
| Usapan (conversation) | Two or more characters talking about a topic or issue |
The module gives one example of each:
- “Si Manoka” (fable): Manoka, the eldest chick, looks after her siblings while her parents are away. She saves her youngest sibling, Mikmik, from a cruel dog that left him in a mud pit.
- “Pangarap” (dream, story): Loisa runs home to tell her mother she got a high score on a test. She shares her dream of finishing school, getting a job, and helping her parents.
- “Lutasin…Dengue” (solve dengue, informational text): explains the harm dengue causes, especially to young people, and asks everyone to keep their surroundings clean.
- France and Jo’s dialogue (conversation): two friends read announcements on a school bulletin board.
Question words and what they ask for
The heart of the lesson is knowing what each question word is asking. The module explains each one using Loisa’s story:
- Sino (who) asks for the name of a person. Example: Who is Loisa looking for? Her father.
- Ano (what) asks for the name of a thing or an event. Example: What good news does Loisa bring? She got a high score on her test.
- Saan (where) asks for the place where an action happens. Example: Where is Loisa’s father? In the kitchen.
- Kailan (when) asks about time. Example: When did Loisa and her mother talk? In the afternoon, after class.
- Bakit (why) asks for the reason something happens. Example: Why does Loisa need to reach her dream? She wants to finish school, work, and help her family.
- Paano (how) asks for the way an action is done or a further explanation of a process. Example: If you were Loisa, would you follow her example? How?
The module explains that answering these questions well shows that you understood what you read or heard.
Parts of the module
The module has one lesson, organized into these parts:
- Alamin (learn): the learning goal and an introduction to fables.
- Subukin (pretest): 10 multiple-choice questions about the fable “Si Manoka”.
- Balikan (review): fill in blanks with Sino, Saan, Bakit, Ano, Kailan, or Paano.
- Tuklasin (discover): read “Pangarap” and answer questions about Loisa.
- Suriin (examine): the explanation of the question words.
- Pagyamanin (enrich): Gawain 1 on the dengue text and Gawain 2 on France and Jo’s conversation.
- Further practice and an assessment, including questions about a text on climate change.
- Karagdagang Gawain (additional activity): a reading on unity and bayanihan during the pandemic, followed by questions.
- Susi sa Pagwawasto (answer key).
How to use this module
- Learners: Start with the pretest, then go through each part in order. Write all answers on a separate sheet of paper, because the module asks you not to write on or mark it. Check your work with the answer key honestly. Do not worry about a low pretest score; the module says it is only the start.
- Parents and guardians: The module invites learners to ask a family member for help when checking answers. Read the stories and the dialogue aloud with your child, then ask the questions together.
- Teachers: Open-ended items, such as “If you were Loisa, would you follow her?” and “How can you help solve dengue?”, are marked in the answer key for the teacher to check. Learners are encouraged to contact their teacher when they have trouble with the lessons.
The next module in the series is Modyul 2: Pagsagot ng mga Tanong sa Bakit at Paano (answering why and how questions).
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is for Grade 6 Filipino, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 1.
What is a pabula?
A pabula, or fable, is a story whose main characters are animals that act and talk like people. The module’s example is “Si Manoka”, about a chick who saves her little brother from a cruel dog.
What question words does the module teach?
It covers Sino (who), Ano (what), Saan (where), Kailan (when), Bakit (why), and Paano (how), and explains what kind of answer each one asks for.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, the activities, and the assessment. Open-ended answers are left for the teacher to check.
Can learners write on the module?
No. The module asks learners to keep it clean for others and to write their answers on a separate sheet of paper.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Filipino Unang Markahan – Modyul 1: Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa Napakinggan/Nabasang Pabula, Kuwento, Tekstong Pang-Impormasyon at Usapan
[illustration: students reading and studying under a tree and at a desk, with a teacher, a student beside a globe, and a boy reading by lantern light]
CO_Q1_Filipino6_Module1
Filipino– Ikaanim na Baitang
Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 1: Pagsagot sa mga Tanong tungkol sa Napakinggan/Nabasang Pabula, Kuwento, Tekstong Pang-impormasyon at Usapan Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyulna ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Region VI Office Address: Duran Street, Iloilo City Telefax: (033) 336-2816 (033) 509-7653 E-mail Address: region6@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
| Role | Name | Name | Name |
|---|---|---|---|
| Manunulat: | Maribel M. Baltar | ||
| Editor: | Francisca L. Pinos | Lawrence B. Aytona | |
| Tagasuri: | Marijo N. Panuncio | Ma. Gemma A. Bimbao | |
| Celestino S. Dalumpines IV | |||
| Tagaguhit: | Rolan B. Bulaclac | Swelyn E. Forro | |
| Tagalapat: | Esmeralda A. Dagmil | ||
| Tagapamahala: | Gemma M. Ledesma Salvador O. Ochavo, Jr. Elena P. Gonzaga Donald T. Genine Celestino S. Dalumpines IV Segundina F. Dollete Shirley A. De Juan Merlie J. Rubio |
Filipino
Unang Markahan – Modyul 1: Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa Napakinggan/Nabasang Pabula, Kuwento, Tekstong Pang-Impormasyon at Usapan
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/ Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung simumang gagabay at tutulong sa pag-aaral at mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang salita upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ang ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang sagot sa bawat Gawain at pagsusulit. Inaasahan naming na maging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumagamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makaranas ng suliranin pag-unawa sa mga aralin at sa paggamit ng SLM na ito.
Alamin
[illustration: target icon beside the heading]
[illustration: a boy holding a laptop with an apple logo, speaking in a speech bubble]
Kumusta, kaibigan!
Isang panibagong paglalakbay na naman ang iyong kahaharapin ngayon nasa ika-6 na baitang ka na ng iyong pag-aaral. Ngunit, huwag kang mag-alala dahil sa paglalakbay mong ito, ako ang iyong makasasama.
Hindi ka rin mahihirapan sa pag-aaral mo dahil ang modyul na ito ay isinulat batay sa iyong kakayahan. Tiyak na ang mga pag-aaralan mo ay iyong kapapanabikan lalo na’t ito ay mga babasahing pupukaw ng iyong kaisipan at interes.
Pagkatapos naman ng ating paglalakbay, ikaw ay inaasahang:
- nakasasagot ng mga tanong tungkol sa napakinggan/nabasang pabula, kuwento, tekstong pang-impormasyon at usapan. (F6PN-Ia-g3.1, F6PN-Ia-g-3.1, F6PB-Ic-e-3.1.2, F6PN-Ia-g-3.1)
Handa ka na bang maglakbay?
Subukin muna natin ang iyong kaalaman tungkol sa pag-aaral na ating gagawin.
Nakapagbasa ka na ba ng kuwento kung saan ang mga tauhan ay mga hayop na kumikilos at nagsasalita na parang tao? Alam mo ba kung anong uri ito ng babasahin? Tama! Ang tawag dito ay pabula.
1
CO_Q1_Filipino6_Module1
Subukin
[illustration: pencil icon beside the heading]
Basahin mo ang isang pabula at sagutin ang sumusunod na mga tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ito sa sagutang papel.
Si Manoka
Sa isang liblib na pook ay may nakatirang pamilya ng mga manok. Simple, masaya at puno ng pagmamahal ang kanilang maliit na tirahan. Mapagmahal na ama si Tandang Diro at responsableng asawa si Inahing Nika. May lima silang anak, si Manoka ang panganay na kapag wala ang mga magulang, siya ang napag-iiwanan ng mga kapatid. Isang araw maagang umalis ang mag-asawa upang dumayo sa anihan ng mais sa karatig bayan. Pinagbilinan ng ama na bantayan at pakainin ang mga kapatid. Nagluto na si Manoka. Inisa-isa niyang ginising ang mga kapatid, laking pagtataka niya wala ang bunso niyang kapatid. Iniwan ang iba pang mga kapatid habang kumakain. Tanong dito, tanong doon ang ginawa niya ngunit ni isa man ay walang makakapagturo dito hanggang siya’y makarinig ng isang boses na tumatawa at malakas na nagsasalita, “Diyan ka nababagay munting sisiw, sa kumunoy, hanggang sa ika’y malunod, ha! ha! ha!,” malakas na tawa ni Asong Malupit. Lumapit si Manoka, nakita niya si Mikmik, ang bunso nilang kapatid umiiyak at parang takot na takot. Naghanap si Manoka ng mahabang kahoy at inihampas niya ito sa nakabungisngis na aso. “Malupit ka!, buong lakas na hinampas niya ang aso hanggang kumaripas ito ng takbo. “Yeheey! Ligtas na ako, iniligtas ako ng Ate Manoka ko,” buong kasiyahang niyakap ni Mikmik ang ateng tagapagligtas niya.
Sariling Katha ni Marijo Panuncio
Mga tanong:
Ano ang pamagat ng nabasang pabula?
a. Si Manoka
b. Ang Tandang
c. Ang Asong Malupit
d. Ang Magkapatid na ManokSino ang mapagmahal at masunurin na tagapag-alaga ng kaniyang mga kapatid?
a. Si Daga
b. Si Mikmik
c. Si Manoka
d. Si Asong MalupitSino-sino ang naghahanap ng pagkain para sa pamilya ni Manoka?
a. Si Asong Malupit
b. Sina Manoka at Mikmik
c. Si Manoka at mga kapatid
d. Sina Tandang Diro at Inahing NikaAno ang gawain ni Manoka kapag wala ang mga magulang sa bahay?
a. Naglalaro sa labas ng bahay.
b. Hinahayaan ang mga kapatid sa kalsada.
c. Hindi binibigyan ng pagkain ang mga kapatid.
d. Nagluluto, nagbabantay at nagpapakain sa mga kapatid.Kailan nalaman ni Manoka na nawawala ang kaniyang bunsong kapatid?
a. Nakita niya na lumabas si Mikmik.
b. Pagkatapos na siya ay naglalaro sa labas ng bahay.
c. Gigisingin na niya ang mga kapatid para sa kumain.
d. Pagkagising nakita niya wala na sa higaan ang kapatid.Kaninong malakas na boses ang narinig ni Manoka habang siya’y papalapit kumunoy?
a. Boses ni Pusang Malupit.
b. Boses ni Asong Malupit.
c. Tinig ng Maamong Kambing
d. Tinig ng Maamong Kalabaw.Ano ang sinabi ni Asong Malupit sa kapatid ni Manoka na nagpasidhi ng galit niya sa aso?
a. “Halika! Kumapit ka ng mabuti iaahon kita sa putikan.”
b. “Tanggalin mo ang tinik sa likod ko, parang awa mo.”
c. “Naku! Nahulog ang Sisiw kawawa naman tulungan ninyo.”
d. “Diyan ka nababagay munting sisiw, sa kumunoy, hanggang sa ka’y malunod, ha! ha! ha!”.Bakit umiyak nang sobra at takot na takot si Mikmik ng nadatnan ni Manoka?
a. Pinapalo ng Asong Malupit si Mikmik ng kahoy.
b. Inilublob sa kumunoy ng Asong Malupit si Mikmik.
c. Kinakagatkagat ng Asong Malupit ang paa ni Mikmik.
d. Napilayan ang paa ni Mikmik sa katatakbo nang hinabol ni Asong Malupit.
3
CO_Q1_Filipino6_Module1
Paano nakaligtas si Mikmik sa ginawa ng Asong Malupit sa kaniya?
a. Mabilis na nakadampot ng mahabang kahoy at hinampas sa Asong Malupit na kumaripas ng takbo.
b. Tinulungan ni Manoka na makaahon sa kumunoy si Mikmik.
c. Niyakap ng mahigpit ni Manoka ang kapatid para mawala na ang takot nito.
d. Lahat na binanggit ay wasto.Ano ang aral na makukuha sa nabasang pabula?
a. Dapat na paniwalaan ang sinasabi ng karamihan.
b. Tanggapin ang katotohanan nang walang alinlangan.
c. Nasa huli ang pagsisisi kaya’t pag-isipang mabuti ang bawat desisyon.
d. Maging masunurin sa habilin ng magulang para maiwasan ang sakunang kahihinatnan.
[illustration: a boy holding a laptop, speaking in a speech bubble]
Kaibigan, tapos ka na bang magsagot? Kung nakatapos ka, alamin mo kung tama ang iyong sagot sa Susi sa Pagwawasto. Maaari ka ring magpatulong sa iyong kapamilya sa bahaging ito.
Huwag ka ring mag-aalala kung mababa ang nakuha mong marka sa gawaing ito. Kailangan lamang na ipagpatuloy mo ang iyong paglalakbay at maasahan mong gagabayan kita.
4
CO_Q1_Filipino6_Module1
Aralin 1 Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa Napakinggan/Nabasang Pabula, Kuwento, Tekstong Pang-Impormasyon at Usapan
Magandang buhay! Isang panibagong paglalakbay ito ng iyong pag-aaral. Magiging bahagi ng paglalakbay mo ang pakikinig o pagbabasa ng pabula, kuwento, tekstong pang-impormasyon at usapan. Alam mo ba kung ano ang pagkakaiba ng mga ito sa isa’t isa? Kung hindi, basahin mo muna ito at siguradong hindi ka maliligaw sa ating paglalakbay.
Pabula – kuwentong ang pangunahing tauhan ay mga hayop na kumikilos at nagsasalitang parang tao.
Kuwento – nagsasalaysay ng mga pangyayari tungkol sa pangunahing tauhan.
Tekstong pang-impormasyon – naglalahad ng mga impormasyon tungkol sa paksa.
Usapan – pag-uusap ng dalawa o higit pang tauhan tungkol sa isang paksa o isyu.
Malinaw na ba sa iyo ang gagawin mong paglalakbay? Kung gayon, ipagpatuloy na natin ang ating pag-aaral!
Balikan
Ngayon naman, balikan muna natin ang iyong kaalaman tungkol sa ating aralin. Alam mo ba kung kailan angkop gamitin ang sino, saan, bakit, ano, kailan, at paano sa pagtatanong?
Subukan mo nga ang gawain ito.
Piliin sa kahon ang angkop na salita para sa sumusunod na mga tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Sino Saan Bakit Ano Kailan Paano
- _____ ang tauhan sa kuwento?
- _____ ka pupunta sa darating na bakasyon?
- _____ ang natutuhan mo sa aralin kahapon?
- _____ kailangan ng bata na pumasok sa paaralan araw-araw?
- _____ mo maipapakita sa iyong guro na marunong ka nang bumasa?
Ano ang nakuha mong marka? Mataas man o mababa ang nakuha mong marka, simula pa lamang ito ng ating paglalakbay at sa mga susunod na gawain tiyak na mas matututo ka pa. Tayo na!
Tuklasin
Masipag ka bang mag-aral? Kilalanin natin si Loisa na tulad mo maraming pangarap sa buhay.
Basahin mo ang kaniyang kuwento na pinamagatang “Pangarap”. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong tungkol sa kaniyang buhay. Titik lamang ang piliin. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Pangarap
“Inay! Inay! Hingal na hingal sa pagtakbo habang tinatawag ni Loisa ang kaniyang ina. “Naku! Anak, dahan-dahan ka naman sa pagsigaw at pagtakbo. Ano ang nangyari sa iyo at parang masayang – masaya ka ngayon,” tanong ng kaniyang ina.
“Nanay, saan po si tatay?” tanong ni Loisa sa ina. “Ewan ko, baka nasa kusina,” sagot ng nanay na may pag-aalinlangan. “Inay, alam mo, nakakuha ako ngayon ng mataas na marka sa aming pagsusulit, kaya natuwa ang aking guro sa akin,” tuwang-tuwang balita ni Loisa sa kaniyang ina.
“Salamat anak, masipag at masunurin kang bata sa iyong pag-aaral, sana huwag mo kaming biguin ng iyong ama,” paalala ng ina kay Loisa. Biglang niyakap ni Loisa ang ina. “Maraming salamat din po sa inyo ni itay, inay, gagalingan ko pa po ang aking pag-aaral. Gusto ko rin na makatapos ng pag-aaral at makamit ang aking ninanais na kurso, makapagtrabaho at makatulong na rin sa inyo ni itay. Palagi ko pong pinapanalangin sa Panginoon na maabot ko ang aking pangarap.
Ito ang buhay ni Loisa punong-puno ng pag-asa dahil na rin sa tulong at gabay ng kaniyang mga magulang.
Katha ni: Maribel M. Baltar
Mga tanong:
Sino ang hinahanap ni Loisa sa ina?
A. Kaklase, dahil mag-aaral sila.
B. Kaibigan, dahil mamasyal sila.
C. Kapatid, dahil yayain niya itong maglaro.
D. Ama, dahil may maganda siyang ibabalita.Ano ang magandang balita na dala ni Loisa?
A. Nanalo siya sa paligsahan.B. Mataas ang markang nakuha niya sa pagsusulit.
C. Natapos na niya ang proyektong ipinapapasa ng kaniyang guro.
D. Pinuri siya ng kaniyang guro dahil sa husay na kaniyang ipinamalas.Ayon sa ina, nasaan ang tatay ni Loisa?
A. nasa banyo
B. nasa kusina
C. nasa kuwarto
D. nasa salaAno-ano ang pinapangarap ni Loisa sa kaniyang buhay?
A. Pangarap niyang makatapos ng pag-aaral upang makapagtrabaho.
B. Pangarap niyang makapagtapos ng pag-aaral upang makatulong sa kaniyang mga magulang.
C. Pangarap niyang matapos ang nais niyang kurso upang matulungan ang kaniyang mga magulang.
D. Pangarap niyang makatapos ng pag-aaral, makamit ang nais na kurso, makapagtrabaho at makatulong sa kaniyang mga magulang.Bakit kailangang maabot ni Loisa ang kaniyang mga pangarap?
A. Gusto niyang makapagtrabaho.
B. Gusto niyang makatulong sa kaniyang magulang.
C. Gusto niyang umangat ang kanilang pamumuhay.
D. Gusto niyang maging maganda ang kaniyang kinabukasan.
Kung ikaw si Loisa, gagayahin mo rin ba siya? Paano?
Naunawaan mo ba ang kuwento ni Loisa? Mabuti! Tiyak na masasagot mo ang isa pang tanong kaugnay ng binasa mong kuwento.
Suriin
Napukaw ba ang iyong kaisipan at interes sa pagsagot sa mga tanong tungkol sa binasang kuwento?
Dagdagan pa natin ang iyong kaalaman tungkol sa ating aralin. Basahin at unawain mo lang ang impormasyong ito:
Mahalagang matutuhan ang pagsagot sa mga tanong tungkol sa anumang mapakikinggan/mababasang gaya ng pabula, kuwento, tekstong pang-impormasyon, at usapan dahil sa pamamagitan nito maipakikita ang pag-unawa rito.
Basahin:
Ang Sino ay sumasagot sa ngalan ng tao lamang.
Halimbawa: Sino ang hinahanap ni Loisa sa ina?
Sagot: Ang hinahanap ni Loisa sa ina ay ang kaniyang itay.Ang tanong na Ano ay sumasagot sa ngalan ng bagay at pangyayari.
Halimbawa: Ano ang magandang balita na dala ni Loisa?
Sagot: Ang magandang balita na dala ni Loisa sa ina ay ang pagkakuha niya ng mataas na marka sa pagsusulit.Ang Saan ay ginagamit sa tanong upang matukoy ang pinangyarihan o lugar kung saan ginaganap ang kilos.
Halimbawa: Ayon sa ina, nasaan ang tatay ni Loisa?
Sagot: Nasa kusina ang itay mo.Ang Kailan ay tumutukoy sa panahon.
Halimbawa: Kailan nag-usap sina Loisa at ang kaniyang ina?
Sagot: Pag-uwi niya ng hapon pagkatapos ng klase.Ang Bakit ay ginagamit kapag humihingi ng kadahilanan ng pangyayari.
Halimbawa: Bakit kailangang maabot ni Luisa ang kaniyang pangarap?
Sagot: Gusto ni Loisa na makatapos ng pag-aaral, makatrabaho, at makatulong sa pamilya.
Marami ka bang natutuhan kay Loisa? Magaling! Mahalaga na tinutupad natin ang ating mga pangarap kaya pagbutihin mo pa ang iyong pag-aaral.
- Ang Paano na tanong ay para masagot ang pamamaraan sa isang kilos o sitwasyon. Ito ay dagdag na pagpapaliwanag sa isang proseso.
Halimbawa: Kung ikaw si Loisa, gagayahin mo rin ba siya? Paano?
Sagot: Opo, dahil sa kaniyang pangarap nakapagtapos siya ng kaniyang pag-aaral at nagsilbing inspirasyon sa kaniyang adhika.
Maliwanag na ba sa iyo ang ating aralin? Kaya mo na bang sagutin nang tama ang mga tanong tungkol sa susunod pa nating paglalakbay? Kung hindi, muling basahin ito bago tayo magpatuloy sa ating paglalakbay.
Pagyamanin
Gawain 1
Isa sa kayamanan natin na hindi mapapalitan ay ang pagkakaroon ng malusog na pangangatawan upang hindi magkasakit. Isa sa mga sakit na tumatama sa tulad mong bata ay ang Dengue.
Basahin ang teksto at sagutin ang mga tanong sa ibaba. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.
[illustration: mosquito]
Lutasin…Dengue
Nakakatakot! Nakakapagbahala! Matinding pinsala ang hatid ng dengue sa karamihan. Halos araw-araw ay nakapagtatala ng namamatay at ang nakalulungkot dito karamihan sa tinatamaan ng sakit na ito ay mga kabataan.
Kaya naman bago pa magtuloy-tuloy ang pagtaas ng bilang ng mga apektado ng dengue ay kumilos na tayong lahat. “Kilos, Pilipino,” panawagan ng Pangulong Duterte. Makipagtulungan tayo sa ating komunidad sa pagpapanatili ng kalinisan. Maging masigasig din ang bawat lokal na pamahalaan sa pagtutok at pagbibigay ng tamang ayuda sa nasasakupan para sa mas epektibong kontra dengue.
Ugaliin sana nating lahat na maging malinis ang ating kapaligiran pati na rin ang lahat ng bagay kung kinakailangan.
Sariling katha ni: Marijo N. Panuncio
Mga tanong:
Ano ang pinag-uusapan sa teksto?
A. Lutasin ang Dengue
B. Maging malinis
C. Maging malusog
D. Matakot sa sakitBatay sa binasang teksto, anong sakit ang naghatid ng matinding pinsala sa karamihan?
A. COVID-19
B. Dengue
C. Malaria
D. Zika VirusSa iyong naobserbahan at nabalitaan, ano ang sakit na Dengue?
A. Ito ay nakatatakot.
B. Ito ay nakamamatay.
C. Ito ay dala ng lamok.
D. Ito ay walang bakuna.Sino-sino ang dapat na may gawing pagkilos upang mapigilan ang pagkalat ng sakit na ito?
A. Gobyerno
B. Bawat Pilipino
C. Mga kabataan
D. Pribadong InstitusyonKalimitan, sino ang nagiging biktima ng sakit na ito?
A. mga bata
B. mga lalaki
C. mga babaeD. mga matatanda
Ano-ano ang dapat gawin upang malutas ang sakit na dengue?
A. Panatilihin ang kalinisan
B. Sumunod sa payo ng gobyerno
C. Pangalagaan ang pangangatawan
D. Makinig sa utos ng mga magulang
Nakasagot ka ba nang tama? Mahusay!
Alam kong kayang-kaya mong sagutin ang sunod kong tanong.
Bilang kabataan, ano ang maitutulong mo upang malutas ang dengue?
Marami ka bang natutuhan tungkol sa dengue? Ang binasa mong teksto ay isang tekstong naglalahad ng mga impormasyon tungkol sa isang paksa kaya tiyak na nadagdagan ang iyong kaalaman tungkol dito.
Naging madali ba sa iyong ang gawaing ito? Isa pang gawain ang aking inihanda para sa iyo. Dito, makikilala mo sina France at Jo. Hindi ka na makapaghintay? Simulan mo nang basahin ang kanilang usapan.
Gawain 2
Basahin ang diyalogo ng magkaibigang France at Jo at sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
[illustration: France and Jo standing by a bulletin board]
“Tayo nang umuwi, Jo.”
“Sandali lamang. Tingnan natin ang mga anunsiyo sa paskilan. May gaganaping pagpupulong pala ang ating mga magulang sa darating na Sabado. Pag-uusapan sa pulong ang tungkol sa darating na pagtatapos ng mga
[transcriber’s note: the speech bubble is cut off at the bottom edge of the page; the remaining text continues on the next page]
D. Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA)
Kailan nagaganap ang climate change?
A. Nagaganap ito kapag nagbabago ang panahon.
B. Nagaganap ito kapag hindi tayo nagtatanim ng puno o halaman.
C. Nagaganap ito kapag basta na lamang tayo nagtatapon ng basura.
D. Nagaganap ito kapag tumaas ang greenhouse gases na nagpapainit ng mundo.Sa iyong pagkaunawa, ano ang climate change?
A. Ito ay nagdudulot ng sakuna.
B. Ito ay pagbabago ng klima o panahon.
C. Ito ay ang tag-init at tag-ulan na panahon sa ating bansa.
D. Ito ang dahilan kung bakit maraming bagyo sa ating bansa.Ano-ano ang naging epekto ng climate change sa ating mundo?
A. Nagdudulot ito ng sakuna.
B. Nagdadala ito ng kalamidad.
C. Nakaapekto ito sa ating kalusugan, kabuhayan, at kaligtasan.
D. Naghahatid ito ng sakuna na nakakaapekto sa ating kalusugan, kabuhayan, at kaligtasan.Sino-sino ang dapat magtulungan para hindi na lumala pa ang problema sa climate change?
A. Gobyerno
B. Kabataan
C. Mamamayan
D. Matatanda
Nakapagsagot ka na ba? Kung tapos ka na, may nakahanda pa akong dalawang tanong na susubok sa sarili mong pag-unawa sa binasang teksto. Madali lang ito kaya sagutan mo na!
- Bakit kailangan mapanuri sa mga nagaganap sa ating kalikasan sa kasalukuyan?
- Paano ka makatutulong upang maiwasan ang suliranin ukol sa climate change?
Karagdagang Gawain
Sa huling bahagi ng ating paglalakbay, may isa pang gawain na inihanda para sa iyo. Hindi ka mahihirapan sa gawaing ito sa halip ito ay magsisilbing inspirasyon sa iyo bilang bata. Sino ba ang paborito mong bayani? Bakit mo siya naging paborito? Tama! Basahin mo na ang talata at alamin ang natatanging katangian ni Vicente upang tagurian siyang “The Little Rescuer”
Basahin ang talata. Sagutin ang mga tanong sa sagutang papel.
Pagkakaisa at Bayanihan Laban Pandemya
Matamlay na umuwi si Tino Lunes ng hapon. Malungkot dahil isa siya sa apat na trabahador na pinaalis, mangyari’y humina ang kita ng Baber Shop na kaniyang pinagtatrabahuhan.
Ayon sa datos kamakailan lang, umabot na sa dawalang milyong Pilipino ang nawalan ng trabaho dahil sa COVID. Ito’y isang malinaw na indikasyon na hindi lang pandemya sa kalusugan ang dulot nito, kundi nagbubunga pa ito ng mas malalang mga problema sa mga mamamayan.
Nakalulungkot man isipin, ngunit kailangan na ng buong sambayanan na magkaisa at magbayanihan; nang sa gayo’y matulungan ang marami pang Tino na nawalan ng trahabo sa sambayanan.
Sariling Katha: Maribel Baltar
Masasagot Mo Ba?
Sino ang kinikilalang “The Little Rescuer“?
A. Enteng
B. France
C. Kokoy
D. LoisaAno ang ginawang niyang kabayanihan?
A. Iniligtas niya ang kaniyang kapatid.
B. Nagsauli siya ng perang kaniyang napulot.
C. Tumulong siya sa kaniyang mga magulang.
D. Nagbigay siya ng donasyon kahit hirap din siya sa buhay.Saan nangyari ang pagguho ng bundok ng basura?
A. Bagumbayan
B. Commonwealth Avenue
C. Diliman
D. PayatasPaano siya naging tanyag sa buong mundo?
A. Nang kilalanin siyang “The Little Rescuer”
B. Nang itampok siya sa Readers’ Digest Everyday Heroes
C. Nang iligtas niya ang kaniyang kapatid sa pagguho ng bundok ng basura
D. Nang mapabilang siya bilang kauna-unahang Pilipino sa “Everyday Heroes”Bakit siya napabilang sa Everyday Heroes?
A. Dahil sikat siya
B. Dahil siya ay Pilipinong bayani
C. Dahil siya ay isang batang bayani
D. Dahil iniligtas niya ang kaniyang kapatid sa kapahamakan
Nasagot mo ba nang tama ang mga tanong? Binabati kita! Ngayon, napatunayan mong may kakayahan ka nang makasagot ng mga tanong tungkol sa napakinggan/nabasang pabula, kuwento, tekstong pang-impormasyo, at usapan.
Batid kong naging masaya ka sa ating paglalakbay kaya naman sa susunod mong pag-aaral, asahan mong ako ay iyong makasasama sa Modyul 2: Pagsagot ng mga Tanong sa Bakit at Paano
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: this page is printed upside down in the source; the answer key below was read from the rotated print and the numbering is reconstructed from the boxes]
ISAGAWA
- Patalastas/anunsiyo
- Sa pagbigkas ng tula
- Ang mga batang may gulang 8-12.
- Gaganapin sa darating na Biyernes, Nobtembre 22, 2019.
- Gaganapin sa silid-aralan ni Gng. Baltar
- Sa ika-1:00 ng hapon
- Pupuntahan si Gng. Marijo Panuncio
- Ang susuutin ng mga kalahok ay kasuotang Pilipino.
- Kailangang mag-anunsiyo at maghanap ng mga kasuotan.
- (Iwasto ang anumang sagot ng bata)
TUKLASIN
- D
- B
- B
- D
- B
- Iwasto ng guro ang sagot ng mag-aaral.
BALIKAN
- Sino
- Saan
- Ano
- Bakit
- Paano
SUBUKIN
- B
- B
- C
- C
- C
- A
- A
- A
- C
- D
PAGAYAMANIN
GAWAIN 1
- A
- B
- C
- B
- A
- A
- Iwasto ng guro ang sagot ng mag-aaral.
GAWAIN 2
- A
- D
- D
- C
- D
ISAISIP
- Kailangang masagot ang mga tanong na ano, sino, kalian at paano.
- Ang Sino ay sumasagot sa ngalan ng tao lamang.
- Ang tanong na Ano ay sumasagot sa ngalan ng bagay at pangyayari.
- Ang Saan ay katanungang ginagamit sa pagtukoy sa pinangyarihan o lugar na kung saan ginaganap ang kilos.
- Ang Kailan ay tumutukoy sa panahon.
- Ang Bakit ay ginagamit kapag humihingi ng kadahilanan ng pangyayari.
- Ang Paano na tanong naman ay napapatungkol sa karagdagang pagpapaliwanag sa komplikadong proseso.
- Opo, upang lubos na maunawaan ang binabasa.
TAYAHIN
- D
- A
- C
- D
- D
- A
- D
- C
9-10. Iwasto ng guro ang sagot ng mag-aaral.
KARAGDAGANG GAWAIN
- A
- A
- D
- C
- D
Sanggunian
- Most Essential Learning Competencies (MELCs) F6PN-lj-28, p. 221
- K to 12 Curriculum in Filipino 2016 F6PB-Ic-e-3.1.2 p. 119
[transcriber’s note: the following box is printed upside down on the page; its heading and answers are transcribed in reading order]
KARAGDAGANG GAWAIN
- A
- A
- D
- C
- D
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply