Filipino 6 Quarter 1 Module 13: Pagpapahayag ng Sariling Opinyon o Reaksiyon sa Napakinggang Balita, Isyu o Usapan

This is the Filipino 6 self-learning module for Quarter 1 (Unang Markahan), Module 13: “Pagpapahayag ng Sariling Opinyon o Reaksiyon sa isang Napakinggang Balita, Isyu o Usapan” (expressing your own opinion or reaction to news, an issue, or a conversation you have listened to). It is written for Grade 6 learners studying at home, with a parent or relative reading texts aloud. By the end, learners should be able to listen to a news report, issue, or dialogue and state their own opinion or reaction clearly and respectfully.

The module was prepared by DepEd Region VI (First Edition, 2020) and written by Heloise N. Fangco. A friendly guide named Kokoy leads learners through each part.

What learners will learn

The module targets one competency from the Most Essential Learning Competencies:

  • Naipapahayag ang sariling opinyon o reaksiyon sa isang napakinggang balita, isyu o usapan (can express one’s own opinion or reaction to a news item, issue, or conversation that was listened to). Code: F6PS-Ij-1

Key ideas: what an opinion or reaction is

The module explains that an opinyon o reaksiyon (opinion or reaction) is:

  • a statement based on real, factual events;
  • a person’s own view about an issue or topic;
  • the result of how a person feels and how they understood something.

It also reminds learners of a few rules for giving opinions:

  • Everyone has the right and freedom to express their own feelings and views, as long as what they say does not hurt other people.
  • Before reacting, know enough about the topic so you can carefully weigh what other people are saying.
  • Respect the opinions of others.
  • A reaction can agree or disagree with an idea. Both help widen and deepen our understanding of it.

Reactions shown as faces

Many activities ask learners to pick a face that matches their reaction. The module uses four feelings:

FaceFilipinoMeaning
SmilingMasayaHappy
SadMalungkotSad
SurprisedNabiglaSurprised
AngryNagalitAngry

Texts used in the module

Learners listen to short news stories and dialogues written for the module, such as:

  • “Baitang 6 na Mag-aaral, Pinarangalan” (Grade 6 learner honored): a 12-year-old pupil is recognized for saving two children from drowning.
  • “3 Nanay Wagi bilang Super Nanay ng Taon” (three mothers win Super Nanay of the Year): mothers honored for sending their children through college and helping their barangay.
  • “Mayor Cruz Nanguna sa Pasinaya” (Mayor Cruz leads the opening): a city opens a 50-room quarantine center for COVID-19 patients.
  • Dialogues about senior citizens not yet allowed to go out, a barangay captain giving out pork and chicken, and news that the school opening may be postponed.

Learners also react to everyday issues: getting enough sleep, avoiding lies, curfews, wearing a helmet on a motorcycle, government aid (ayuda), online games, online shopping, and home vegetable gardens.

Parts of the module

  1. Alamin (learn): introduces the lesson and the competency.
  2. Subukin (pretest): five multiple-choice items on choosing the right reaction to an issue.
  3. Balikan (review): Gawain 1 reviews the previous lesson, giving a fitting title to a paragraph.
  4. Tuklasin (discover): read the news story about the honored Grade 6 pupil with someone at home.
  5. Suriin (analyze): pick your reaction and learn what an opinion or reaction is.
  6. Pagyamanin (enrich): Gawain 2 (react to sending modules home), Gawain 3 (react to a news story, a dialogue, and three issues such as postponing classes and stricter curfews).
  7. Isaisip (remember): Gawain 4, a table of what you learned and why it matters.
  8. Isagawa (apply): Gawain 5, choose the face that shows your reaction to issues and a news story.
  9. Tayahin (final test): ten items based on issues, a dialogue, and a news report read aloud.
  10. Karagdagang Gawain (additional activity): give your opinion on a phone conversation about postponing the school opening.

How to use this module

  • Learners: Take the pretest first, and do not worry about a low score. Go through the parts in order. Write all answers on a separate sheet of paper; do not write on the module so others can use it. Be honest when checking with the answer key.
  • Parents and guardians: Many activities are listening tasks. Read the news stories, issues, and dialogues aloud, then let your child say or write their reaction.
  • Teachers: The answer key (Susi sa Pagwawasto) covers the pretest, review, Gawain 3A, Isagawa, and Tayahin. Open-ended answers, such as Gawain 2, Gawain 3B and 3C, and the additional activity, depend on the learner and are checked by the teacher.

After this module, learners continue to Module 14: “Gamit ng Pangkalahatang Sanggunian sa Pananaliksik” (using general references in research).

Frequently asked questions

What grade and quarter is this Filipino module for?

It is for Grade 6 Filipino, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 13.

What competency does the module cover?

It covers expressing one’s own opinion or reaction to a news item, issue, or conversation that was listened to, with the code F6PS-Ij-1.

What does opinyon o reaksiyon mean in this module?

It is a person’s own view about an issue, based on real events and on how the person feels and understood it. Reactions may agree or disagree, but they should respect others and not hurt anyone’s feelings.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for the pretest, review, Gawain 3A, Isagawa, and the final test. Open-ended activities depend on the learner and are checked by the teacher.

Does my child need help from an adult?

Yes, for many parts. Several activities ask a parent or relative to read news, issues, or dialogues aloud while the learner listens and reacts.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Filipino

Unang Markahan – Modyul 13: Pagpapahayag ng Sariling Opinyon o Reaksiyon sa isang Napakinggang Balita, Isyu o Usapan

[illustration: students reading and studying outdoors and indoors, a teacher at a desk, a child working by lamp light, and a student with a globe]

CO_Q1_Filipino6_Module13

Filipino– Ikaanim na Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 13: Pagpapahayag ng Opinyon o Reaksiyon sa Napakinggang Balita, Isyu o Usapan Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region VI Office Address: Duran Street, Iloilo City Telefax: (033) 336-2816 (033) 509-7653 E-mail Address: region6@deped.gov.ph

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

RoleNameName
Manunulat:Heloise N. Fangco
Editor:Marijo N. Panuncio
Albert John P. Aquino
Tagasuri:Francisca L. PinosMa. Gemma A. Bimbao
Celestino S. Dalumpines IV
Tagaguhit:Jonard A. VillardeSwelyn E. Forro
Tagalapat:Esmeralda A. DagmilGlenn P. Dollete
Tagapamahala:Gemma M. Ledesma
Salvador O. Ochavo, Jr.
Elena P. Gonzaga
Donald T. Genine
Celestino S. Dalumpines IV
Segundina F. Dollete
Shirley A. De Juan
Merlie J. Rubio

Filipino

Unang Markahan – Modyul 13: Pagpapahayag ng Sariling Opinyon o Reaksiyon sa isang Napakinggang Balita, Isyu o Usapan

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/ Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung simumang gagabay at tutulong sa pag-aaral at mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang salita upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ang ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang sagot sa bawat Gawain at pagsusulit. Inaasahan naming na maging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumagamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makaranas ng suliranin pag-unawa sa mga aralin at sa paggamit ng SLM na ito.

Alamin

[illustration: boy holding a tablet with an apple logo, beside a target icon]

Kumusta ka na kaibigan? Naaalala mo pa ba ako? Ako ang iyong kaibigang si Kokoy na makakasama mo sa iyong paglalakbay. Binabati kita dahil natapos mo ang ikalabindalawang modyul. Ipagpatuloy natin ang ating paglalakbay sa ikalabintatlong modyul.

Nakahanda ka na ba sa panibagong paglalakbay? Sigurado ako na mas magiging masaya ka dahil mag-uusap tayo patungkol sa mga usapin sa ating lipunan.

Pagmasdan mo ang iyong paligid. Pakinggan mo nga sa radyo at panoorin naman sa telebisyon ang balita tungkol sa mga isyung panlipunang kinahaharap ng ating bansa.

Kaibigan, ano ang masasabi mo patungkol dito at ano ang iyong reaksyon noong napakinggan at napanood mo ang mga iyon?

Sa modyul na ito ay matututuhan mo ang pagpapahayag ng sariling opinyon o reaksiyon sa mga mapakikinggang balita, isyu o usapan.

Pagkatapos ng aralin ikaw ay inaasahang taglay ang kasanayang:

  • naipapahayag ang sariling opinyon o reaksiyon sa isang napakinggang balita, isyu o usapan (F6PS- lj-1)

Paalala lang kaibigan na bawat bahagi ng modyul na ito ay nagtataglay ng mga gawain na susubok sa iyong kakayahan. Huwag kang mag-alala dahil naririto naman ako na nakahandang gumabay sa iyo. Sundin mo lang ang aking mga panuto at gawain ang ipagagawa. Handa ka na ba? Tayo na!

1

CO_Q1_Filipino6_Module13

Subukin

PAUNANG PAGTATAYA

Panuto: Piliin ang letra ng angkop na reaksiyon sa sumusunod na mga isyu o pangyayari. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

  1. Magkaroon nang sapat na tulog at pahinga upang maging handa sa mga gawain.
    a. Walang pakialam sa kalusugan.
    b. Minsan, hindi natin iniintindi ang ating kalusugan.
    c. Ang ehersisyo ay walang mabuting idudulot sa ating katawan.
    d. Ang sapat na tulog at pahinga ay may mabuting naidudulot sa ating katawan.


  2. Madalas, ang pagsisinungaling ay nagdudulot ng kawalan ng tiwala.
    a. Masaya kapag nakalusot sa pagsisinungaling.
    b. Ang pagsisinungaling ay nakapagdagdag ng tiwala sa sarili.
    c. Sa pagsisinungaling, marami kang kaibigang maniniwala sa iyo.
    d. Iwasan ang pagsisinungaling upang makuha ang tiwala ng kapuwa.


  3. Ang pagkakaroon ng curfew mula alas – 9 ng gabi hanggang alas – 4 ng umaga.
    a. Isigaw sa lahat ang ordinansa.
    b. Pagwawalang bahala sa ordinansa.
    c. Pabayaan ang mga napagkasunduan.
    d. Sinusunod nang wasto ang bagong ordinansa.


  4. Ang ating karanasan sa buhay ay nagbibigay sa atin ng inspirasyon. Malungkot man o masayang karanasan ay magsisilbing instrumento sa ating pag-angat sa buhay.
    a. Talagang umangat ang tao dahil sa sariling pagsisikap.
    b. Magandang karanasan lamang ang dapat maranasan sa buhay.
    c. Malungkot man o masayang karanasan ay magbibigay ito ng aral sa ating buhay.
    d. Masama ang aking loob sa mga taong nagbibigay sa akin ng malungkot na karanasan.


2

CO_Q1_Filipino6_Module13

  1. Pinatunayan ni Teresa Magbanua na ang Pilipino ay handang magsakripisyo at magbuwis ng buhay para sa kalayaan ng bayan. Nanalaytay sa kaniyang dugo ang giting at tapang ng isang tunay na Pilipino.
    a. Matigas ang ulo ng mga Pilipino.
    b. Walang pakialam ang karamihan sa atin.
    c. Mahilig makipagdigmaan ang mga tao sa Pilipinas.
    d. Ipagmalaki ang mga Pilipino na handang lumaban sa kalayaan ng ating bansa.

[illustration: boy holding a tablet with an apple logo, with a thought bubble]

Mahusay kaibigan! Nagawa mong sagutin ang paunang pagtataya upang malaman ang iyong kaalaman hinggil sa ating mga paksang tatalakayin. Huwag kang mag-alala kung mababa man ang iskor na iyong nakuha dahil nakatitiyak ako na pagkatapos ng araling ito ay mapauunlad mo pa ang iyong kaalaman. Dagdagan mo lang ang iyong pagsisikap habang tayo’y naglalakbay.

3

CO_Q1_Filipino6_Module13

Aralin 1: Pagpapahayag ng Sariling Opinyon o Reaksiyon sa Napakinggang Balita, Isyu o Usapan

Kumusta ka kaibigan? Nasasabik ka na ba sa bagong araling ating tatalakayin? Sana ay maging handa ka sa mga pagsubok na darating sa modyul na ito. Galingan mo ha!

Balikan

Kaibigan! Bago tayo tuluyang maglayag, magbalik-tanaw ka muna kaugnay sa paksang ating pinag-aralan noong nakaraang talakayan. Naalala mo pa ba ang angkop na pagbibigay ng pamagat batay sa binasang talata? Magaling! Halina’t muli nating balikan. Ngayon, batid kong kayang-kaya mong gawin ang susunod na gawain. Gawin mo na!

Gawain 1: Balikan mo, Natutuhan mo!

Panuto: Basahin ang sumusunod na mga talata at ibigay ang angkop nitong pamagat. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

  1. Ang niyog (cocos nucifera) ay may karaniwang taas na 6 na metro o higit pa. Natatangi sa lahat ng puno ang niyog sapagkat bawat bahagi nito ay maaari ring sangkap sa paggawa ng sabon, shampoo, at iba pa.

Ang pamagat ng binasang talata ay_____.

  1. Ang pamilyang Pilipino ay isang napakahalagang institusyon. Sa gitna ng maraming suliranin, dapat umiral ang pagmamahalan, pagkakaisa at pagtutulungan upang lalong tumibay ang pagsasamahan ng isa’t isa. Ano mang problema ang dumating, kailangang mapanatiling buo at matatag ang pamilya. Bukod dito, biyaya ng Diyos ang ating pamilya kaya’t patuloy mong ingatan.

Ang pamagat ng binasang talata ay_____.

Magaling! Upang lalo mo pang mapagyaman ang iyong kaalaman kaugnay sa paksang tatalakayin, maghanda ka at tuklasin ang tungkol sa Pagpapahayag ng Sariling Opinyon o Reaksiyon sa Napakinggang Balita, Isyu o Usapan. Sige, simulan mo na!

Tuklasin

Magbabasa tayo kaibigan! Humanap ka ng iyong kasama sa bahay na magiging kasama mo sa pagbabasa at habang binabasa ito unawain mo sana nang mabuti. Pagkatapos ay sasagutin mo ang katanungang kaugnay dito. Nakahanap ka na ba? Simulan mo na!

Ngayon ay bigyan natin ng reaksiyon o opinyon ang ating narinig maging ito man ay mabuti o di pagsang-ayon sa ating iniisip. Alam mo ba na ang bawat isa ay may karapatan at kalayaang magpahayag ng sariling saloobin siguraduhin lamang na ang ating sinasabi ay hindi nakakapanakit ng kalooban ng ating kapuwa.

Baitang 6 na Mag-aaral, Pinarangalan

Ni Heloise N. Fangco

Pinarangalan ang isang mag-aaral ng Baitang 6 ng Sta. Elena Elementary School, matapos nitong sagipin ang dalawang batang nalulunod sa Bayan ng Santa Elena.

Kinilala ang mag-aaral na si Rodolfo Rubio, 12 taong gulang at nakatira sa Badiang, Sta. Elena, Quezon at nag-iisang anak nina G. at Gng. Mario Rubio.

Ayon kay Rubio, naliligo siya sa ilog nang biglang lumakas ang agos at nakita niya ang mga biktima na nahirapang lumangoy kaya tinulungan niya

Suriin

Kaibigan, naunawaan mo ba ang tungkol sa iyong nabasa? Ano ang iyong reaksiyon matapos mong pakinggan ang balita?

A. [illustration: surprised face]

B. [illustration: sad face]

C. [illustration: angry face]

D. [illustration: smiling face]

Alam mo ba na ang opinyon o reaksiyon ay pagpapahayag batay sa makatotohanang pangyayari. Masasabi rin natin na ito ay sariling opiyon ng isang tao tungkol sa isang isyu o usapin. Ito rin ay bunga ng nararamdaman lang niya kung paano niya naintindihan ang isang bagay.

Basahin sa ibaba ang kahulugan ng mga imahe o larawan. Ito ay mga angkop na opinyon o reaksiyon na posibleng iyong naramdaman matapos mong marinig ang balita, isyu o usapan.

Pagyamanin

Gawain 2. Opinyon mo, Ipahayag mo!

Panuto: Ipahayag ang opinyon o reaksiyon sa isyu. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

[illustration: four faces with thought bubbles labeled Masaya, Malungkot, Nabigla, and Nagalit]

Masaya

Malungkot

Nabigla

Nagalit

Isyu: Pagpapadala ng modyul sa mga bata sa kanilang tahanan.

Gawain 3. Unawain mo

A. Panuto: Basahin at unawain mo ang balita. Pagkatapos ay sagutin ang kasunod na tanong. Piliin ang titik ng iyong sagot at isulat ito sa sagutang papel.

3 Nanay Wagi bilang Super Nanay ng Taon

ni Heloise N. Fangco

Idineklarang Super Nanay ang tatlong ina dahil sa kanilang kontribusyon sa kanilang pamilya at barangay sa Torio, San Jose, Batangas, kahapon.

Kinilala ang mga nanay na sina Maria Fuentes, Rosarita Young at Dolores Ybut nang mapagtapos nila ang lahat ng kanilang mga anak sa kolehiyo at makatulong bilang miyembro ng Volunteer kontra Disaster sa kanilang barangay.

Dagdag pa, tsampeon din ang tatlo sa Gulayan ng Barangay tuon sa Backyard Gardening na isinusulong ng Barangay Council.

Ayon kay Hon. Mario San Juan, alkalde ng bayan silang tatlo ay hindi lamang naging huwaran sa kanilang pamilya kundi naging magandang halimbawa para sa lahat.

“Natutuwa ako sa mabuting halimbawang ipinakita ng mga super nanay natin,” dagdag pa ni Hon. San Juan.

Samantala, bawat isa ay nakatanggap ng tropeo, medalyang ginto at Sampung Libong piso.

Mga tanong:

  1. Kung ikaw ang isa sa mga pinarangalan ano ang iyong magiging reaksiyon tungkol dito?


    A. Magiging malungkot.
    B. Wala na akong pakialam sa ibang nanalo.
    C. Masaya ako dahil sa natanggap na parangal.
    D. Galit ako dahil kasama ko sa nabigyan ng parangal ang aking kaaway.


B. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang usapan sa ibaba. Pagkatapos ay sagutin ang tanong sa ibaba at isulat sa iyong sagutang papel.

Nagkasalubong sina Aling Bianing at Aling Celsa sa simbahan. Narito ang usapan nila.

[illustration: two-panel comic of Aling Bianing and Aling Celsa speaking, labeled 1/2 and 2/2]

Panel 1/2:

Aling Bianing: Mare Celsa magsisimba ka rin ba?

Aling Celsa: Oo mare. Sabik akong magsimba ngayon. Sana tuloy-tuloy na ito.

Panel 2/2:

Aling Bianing: Aba! Mare hindi mo ba narinig na bawal pa ring lumabas ang may edad 60 at pataas?

Aling Celsa: Naku mare hindi. Akala ko puwede na akong lumabas. Salamat mare at sinabihan mo ako.

Aling Bianing: Walang anuman mare. Mabuti na iyong ligtastayo mare.

Kung ikaw si Aling Celsa magagalit ka ba? Bakit?

C. Panuto: Ibigay ang iyong reaksiyon sa sumusunod na isyu. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

  1. Dapat bang ipagpaliban ang pasukan ngayong taon?


  2. Sang-ayon ka ba sa panukalang, “Bakuran mo, Linisin mo?”


  3. Dapat bang paigtingin ang curfew sa lugar na may maraming kasong COVID 19?


Isaisip

Gawain 4. Punan mo!

A. Panuto: Punan ang sumusunod na talahanayan tungkol sa iyong natutuhan at ipaliwanag kung gaano ito kahalaga.

Ano ang iyong mga natutuhan?Gaano ito kahalaga?

Isagawa

Gawain 5. Sagutin mo!

Panuto: Piliin ang letra ng iyong sariling opinyon o reaksiyon. Ipabasa ang mga isyu/sitwayon sa magulang o nakatatandang kapatid. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

  1. Gumamit ng helmet tuwing nakasakay o umaangkas sa motor.

[illustration: surprised face]

[illustration: smiling face]

[transcriber’s note: this item’s choices A and C show no pictures on this page; only B and D are printed here]

  • A.
  • C.
  • B. [illustration: frowning face with a wide open mouth]
  • D. [illustration: angry face with slanted eyebrows]
  1. Pamimigay ng gobyerno ng ayuda o Social Amelioration Fund (SAF) sa mga benepisyaryo nito sa panahon ng pandemya na dulot ng COVID 19.
  • A. [illustration: angry face with slanted eyebrows]
  • C. [illustration: sad face with a frown]
  • B. [illustration: face with a wide open mouth]
  • D. [illustration: smiling face]
  1. Marami sa ating mga kababayan ang nagpaabot ng tulong sa mga kapus-palad nating kababayan.
  • A. [illustration: angry face with slanted eyebrows]
  • C. [illustration: sad face with a frown]
  • B. [illustration: face with a wide open mouth]
  • D. [illustration: smiling face]

Panuto: Pakinggan ang magulang o kamag- anak habang nagbabasa ng balita at ipahayag ang sariling opinyon o reaksiyon ukol dito.

Mayor Cruz Nanguna sa Pasinaya

Ni Heloise N. Fangco

Pinangunahan ni Hon. Clarito Cruz, alkalde ng Lungsod San Agustin ang pasinaya ng Quarantine Center sa kanilang lungsod, kahapon.

Ang center ay proyekto ng lungsod at ng pamahalaang probinsiyal upang tulungan ang mga positibo sa COVID 19 ng kanilang bayan at probinsiya.

“Alam ko na makatutulong ito sa mga kababayan natin na positibo sa COVID. Ito’y isang pagkalinga ng mga opisyales ng ating bayan. Hindi lang mga taga-San Agustin ang makabenepisyo nito, dahil bukas din ito sa ating mga kababayan sa buong probinsiya,” sabi ni Mayor Cruz.

Dinaluhan ng mga opisyales ng bayan, mga mamamayan ng Lungsod ng San Agustin at mga doktor at nars ng kalapit na ospital.

“Malaki ang pasalamat natin kay Mayor Cruz dahil sa proyektong ito. Alam naman natin na siksikan na ang mga pasyente sa ospital ng ating bayan. Maliban diyan para na rin sa kapakanan ng mga pasyente na hindi mahawaan ng pandemyang ito,” pahayag ni Dr. Leoncio Mosquera, punong doctor ng lungsod.

May 50 na kuwarto at kompleto sa mga pasilidad pang medical ang naturang Quarantine Center.

  1. Ano ang reaksiyon mo sa center na proyekto ng lungsod at ng pamahalaang probinyal?
  • A. [illustration: angry face with slanted eyebrows]
  • C. [illustration: smiling face]
  • B. [illustration: face with a wide open mouth]
  • D. [illustration: sad face with a frown]
  1. Ano ang reaksiyon mo nang pasalamatan ni Dr. Leoncio Mosquera, punong doctor ng lungsod si Mayor Cruz?
  • A. [illustration: angry face with slanted eyebrows]
  • C. [illustration: sad face with a frown]
  • B. [illustration: face with a wide open mouth]
  • D. [illustration: smiling face]

Tayahin

PANGWAKAS NA PAGTATAYA

Panuto: Pakinggan ang magulang o kamag – anak habang binabasa ang mga isyu at ipahayag ang sariling opinyon o reaksiyon. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

  1. Pagpupuyat at pagkahilig ng kabataan sa paglalaro ng mga Online Games.
  • A. Dapat tangkilikin ang ganitong klase ng laro.
  • B. Pabayaan ang kabataan na tangkilikin ang Online Games.
  • C. Suportahan ang ganitong klase ng laro.
  • D. Dapat iwasan ang pagkalulong ng kabataan sa Online Games.
  1. Ang COVID 19 ay nagbigay daan sa mga Pilipino na magkaroon ng gulayan sa tahanan para makatipid at makakain ng sariwang gulay.
  • A. Makapagtinda siya ng gulay sa kanilang lugar.
  • B. Wala kaming bakuran kaya hindi kami nakapagtanim.
  • C. Nadagdagan ang trabaho sa tahanan at nakapapagod.
  • D. Sa halip na lumabas at bumili sa tindahan mamimitas na lang ng sariwang gulay sa mismong bakuran.
  1. Isyu: Pagkahilig ng mga tao sa Online Shopping sa panahon ng pandemya upang maiwasan ang pagdami ng kaso ng COVID 19.
  • A. Maaawa
  • B. Masisiyahan
  • C. Maiiyak
  • D. matatakot
  1. Isyu: Pagbabawal sa paglabas ng bahay ng mga batang may edad 20 pababa sa panahong may pandemyang COVID 19.
  • A. susunod
  • B. iiyak
  • C. magrereklamo
  • D. hindi susunod
  1. Isyu: Isa sa paraan ng pagtuturo ay isasagawa sa himpapawid o radyo.
  • A. Maiiyak
  • B. Sisigaw
  • C. Malulungkot
  • D. mahihirapan
  1. Isyu: Pamimigay ng ilang politiko ng gadyet para sa mga mag-aaral.
  • A. Maaawa


  • B. Magagalit


  • C. Masisiyahan


  • D. matatakot


Panuto: Pakinggan ang magulang o kamag-anak habang nagbabasa ng isang usapan.

Sabado nang umaga. Nagkasalubong sina Aling Daniela at Aling Romina sa kalye.

[illustration: two women, Daniela on the left and Romina on the right, in a comic panel]

  • Labels: Daniela: (under the left figure); Romina (under the right figure)
  • “Kumusta Daniela? Narinig mo ba ang usap-usapan sa ating barangay namagbibigay ang ating kapitan ng tig-isang kilong baboy at manok.”
  • “Aba, oo. Bukas daw ang bigayan ng manok at baboy sa bawat tahanan. Buti nga para may maibenta ako at magkaroon ng pera.”
  • “Ano ka ba Romina buti nga nabigyan tayo ng pang-ulam tapos ibebenta mo pa.”
  • “Ay oo nga ano pasensiya na.”

1 /2

  • “Napakasuwerte nga natin at nagkaroon tayo ng kapitan na may malasakit sa kapuwa.”
  • “Oo nga naman. Ito ay malaking tulong lalong-lalo na sa mga mahihirap gaya natin. O siya, may pupuntahan pa ako.”
  • “Sige Romina. Ingat.”

[transcriber’s note: the speaker label under the lower right figure is cut off at the bottom edge of the page]

[transcriber’s note: the bordered box at the top of this page is blank]

  1. Ano ang reaksiyon mo sa sinabi ni Romina na ibebenta niya ang matatanggap na isang kilong baboy at manok?
  • A. maaawa
  • B. magagalit
  • C. masisiyahan
  • D. matatakot
  1. Ano naman ang reksiyon mo nang sawayin ni Daniela si Romina?
  • A. maaawa
  • B. magagalit
  • C. matatakot
  • D. masisiyahan
  1. Ano ang iyong reaksiyon tungkol sa kanilang usapan?
  • A. [illustration: angry face with slanted eyebrows]
  • C. [illustration: sad face with a frown]
  • B. [illustration: face with a wide open mouth]
  • D. [illustration: smiling face]

Panuto: Makinig nang mabuti sa magulang o kamag-anak habang binabasa ang balita. Piliin ang angkop na sagot at isulat sa iyong sagutang papel.

Munisipyo ng Jamindan Pinasara

Upang madisinfect at mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 ipinasailalim ang gusali ng munisipyo ng bayan ng Jamindan sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) o lockdown ngayong araw Agosto 31, 2020 matapos magpositibo ang resulta ng RT-PCR test ng alkalde ng bayan.

Sa panayam sa hepe ng Inter-Agency Task Force o IATF ng Jamindan, sinabi ng hepe na kasabay sa pagsara ng munisipyo ay ang pagsuspende rin ng operasyon ng medical, dental at birthing clinic ng bayan hanggang sa matapos ang pagdisinfect ng pasilidad.

Ayon pa rito ang serbisyo ng Municipal Health Unit (MHU) at MDRRMO

[illegible]

[transcriber’s note: the news article continues on the next page]

10.Sa kabuuan, ano ang iyong reaksiyon tungkol dito?

  • A. [illustration: angry face with slanted eyebrows]
  • C. [illustration: sad face with a frown]
  • B. [illustration: face with a wide open mouth]
  • D. [illustration: smiling face]

Karagdagang Gawain

Panuto: Ibigay ang sariling opinyon sa isang usapan. Pakinggang mabuti habang binabasa ng magulang o kamag- anak. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Linggo ng umaga habang nanonood ng telebisyon si Nory, tumunog ang telepono.

Nory: Hello! Magandang umaga. Sino po sila?

Lani: Hello! Si Lani ito Nory. Alam mo bang hindi matutuloy ang pasukan sa Agosto 24?

Nory: Bakit naman?

Lani: Ayon sa usap-usapan, natatakot ang mga magulang para sa kanilang mga anak. Wala pa kasing vaccine kaya ipagpaliban na lang daw ang

[transcriber’s note: the dialogue continues beyond the bottom edge of the page]

[illustration: Kokoy, a boy holding a tablet]

Binabati kita kaibigan, sapagkat natapos at napagtagumpayan mo ang mga gawain sa modyul na ito. Nakatitiyak akong magagamit mo ang iyong napag-aralan sa pang – araw – araw na pamumuhay. Muli tayong magkita sa Modyul 14: Gamit ng Pangkalahatang Sanggunian sa Pananaliksik

Sa muli, ito ang iyong kaibigang si Kokoy. Paalam!

Tala para sa Guro

Iwawasto ng guro ang posibleng sagot ng mag-aaral

Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: this page is printed upside down; the text below is read in the upright orientation, and some words are uncertain]

Tuklasin
  1. D
Balikan
  1. Ang Niyog [?]
  2. Ang pamilyang Filipino
Subukin
  1. D
  2. D
  3. D
  4. C
  5. D
Pagyamanin
GAWAIN 2GAWAIN 3.AGAWAIN 3 B at C
Nakadepende sa mag-aaral ang sagot1. C [?]Nakadepende sa mag-aaral ang sagot
Tandaan [?]
  • Sa pagbibigay ng opinyon o reaksiyon sa mga isyu, balita at usapan, tayo ay may sapat na kaalaman sa paksang pinag-uusapan upang masusing mapagtimbang-timbang ang mga pagpapahayag ng ibang tao. Sa pagbibigay ng opinyon, kailangan din natin igalang ang opinyon ng iba. [?]
  • Ang pagbibigay ng reaksiyon sa anomang kaisipang nabasa o napakinggan ay maaaring maging sumasalungat o sumasang-ayon upang mapamalawak at mapalalim ang kaisipang ito. Bawat isa ay may karapatan at kalayaan na magpahayag ng sariling opinyon tungkol sa napakinggang isyu, balita at usapan. [?]
KARAGDAGANG GAWAIN
  1. Nakadepende sa mag-aaral ang sagot.

[transcriber’s note: this page is printed upside down; the three answer boxes are read here in the order they appear once the page is turned upright]

TAYAHIN
  1. D
  2. D
  3. B
  4. A
  5. D
  6. C
  7. B
  8. D
  9. D
  10. D
ISAGAWA
  1. C
  2. C
  3. D
  4. C
  5. D

Sanggunian

  • Most Essential Learning Competencies (MELCs)- (F6PS- lj-1)
  • K to 12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino
  • Sariling katha

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *