This is the self-learning module (SLM) for Filipino 5, Ikatlong Markahan (Third Quarter), Modyul 3. It covers three skills: Pagbuo ng mga Tanong Matapos Mapakinggan ang Isang Salaysay (forming questions after listening to a narrative), Pagbibigay ng mga Salitang Magkasalungat/Magkasingkahulugan (giving antonyms and synonyms), and Angkop na Pamagat sa Tekstong Napakinggan (giving a fitting title to a text you heard). It was prepared by DepEd Region VIII as an Alternative Delivery Mode module (first edition, 2020), so Grade 5 learners can study at home with help from a parent or guardian.
The module is guided by a friendly character named Kokoy, who walks the learner through each activity.
What learners will learn
After the module, the learner is expected to:
- Form questions after listening to a narrative, or salaysay (F5PS-IIIb-e-3.1)
- Give words that are antonyms (magkasalungat) and synonyms (magkasingkahulugan) (F5PT-IIIc-h-10)
- Give a fitting title to a text they listened to (F5PN-Ii-j-17)
Parts of the module
The module has one lesson (Aralin 1) arranged in the usual SLM parts:
- Alamin (what you will learn): the objectives above.
- Subukin (pretest): read the story “Pistang Bayan” (the town fiesta) and write questions using Ano, Sino, Kailan, Bakit, and Paano.
- Balikan (review): read “Talaarawan ni Edrian” (Edrian’s diary about Typhoon Glenda in 2014) and put five events in order from A to E.
- Tuklasin and Suriin (discover and examine): short explanations of the three skills, with practice on questions about school recess, synonym and antonym pairs, and a title for a story about the friends Romel and Recel.
- Pagyamanin (enrichment): a parent or guardian reads “Piyestang Pampamilya” (a family fiesta during COVID-19) aloud; the learner writes questions, matches synonyms and antonyms, and titles a paragraph about the coconut tree.
- Isaisip and Isagawa (remember and apply): more practice on the same skills.
- Tayahin (assessment): a listening task with the fable “Ang Unggoy at Buwaya” (the monkey and the crocodile), sentences with synonym and antonym pairs, and a paragraph about dengue mosquitoes to title.
- Karagdagang Gawain (additional activities): questions about “Taniman sa Bukid” (planting in the fields), a synonym and antonym table, and a title for a paragraph about the Filipino family.
- Susi sa Pagwawasto (answer key).
Key ideas in this module
Forming questions from a story
The module starts from the idea that Filipinos are naturally curious: when something we hear or read is unclear, we ask. You can form questions from any diary, story, or statement you heard or read, and the answers should come from that text. For Edrian’s diary, for example, you can ask who wrote it and when the disaster happened.
Questions use question words such as ano (what), sino / sino-sino (who), saan (where), kailan (when), bakit (why), paano (how), and alin (which). Sample answers from the key for “Pistang Bayan” include:
- Anong pagdiriwang ang labis na nagugustuhan ng mga Pilipino? (What celebration do Filipinos love most?)
- Bakit kailangang maglinis pagkatapos ng pista? (Why do people need to clean up after the fiesta?)
Synonyms and antonyms
Knowing synonyms and antonyms widens your vocabulary (talasalitaan) and helps you understand what you read and communicate well. The module’s examples:
| Magkasingkahulugan (synonyms) | Magkasalungat (antonyms) |
|---|---|
| inanyayahan – kinumbida | matamis – maasim |
| agwat – layo | mataas – mababa |
| alay – handog | maganda – pangit |
Other pairs in the activities include luntian – berde (green), tigang – tuyot (dry), mahirap – mayaman (poor – rich), and panganay – bunso (eldest – youngest).
Giving a fitting title
A fitting title is a key to understanding a text. The main sentence and the supporting sentences should share one idea that matches the title. To give a title, first find the main idea (paksang diwa) or topic sentence (paksang pangungusap). For instance, the answer key suggests “Niyog: Puno ng Buhay” (coconut: the tree of life) for the paragraph on the many uses of the coconut, and “Ang Tunay na Magkaibigan” (true friends) for the story of Romel and Recel.
How to use this module
- Learners: Take the pretest (Subukin) first to see what you already know, then work through the parts in order. Write all answers in your notebook or on a separate answer sheet; do not write on the module. Check your work honestly with the answer key, and contact your teacher if a lesson is hard to understand.
- Parents and guardians: Some activities need you to read a story aloud so your child can practice listening. Many answers, such as the questions and titles, can differ from the key; accept them if the question words are used correctly and the answers come from the text.
- Teachers: The module comes with a guide for teachers and facilitators, and the pretest shows which learners may need extra help. The final test (Tayahin) measures what learners gained from the lesson.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is for Grade 5 Filipino, Third Quarter (Ikatlong Markahan), Module 3.
What skills does the module teach?
It teaches learners to form questions after listening to a narrative, to give synonyms and antonyms, and to give a fitting title to a text they heard.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for each part, though many answers, such as the questions and titles, are only samples because learners’ answers may differ.
What is the difference between magkasingkahulugan and magkasalungat?
Magkasingkahulugan are words with the same meaning, like alay and handog. Magkasalungat are words with opposite meanings, like mataas and mababa.
How do I choose a fitting title for a paragraph?
First find the main idea or topic sentence of the text, because it tells you what the title should be. The title should match the idea shared by the main and supporting sentences.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Filipino – Ikatlong Markahan – Modyul 3: Pagbuo ng mga Tanong Matapos Mapakinggan ang Isang Salaysay, Pagbibigay ng Mga Salitang Magkasalungat/Magkasingkahulugan, Angkop na Pamagat sa Tekstong Napakinggan
5
Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 3: Pagbuo ng mga Tanong Matapos Mapakinggan ang Isang Salaysay Pagbibigay ng Mga Salitang Magkasalungat/Magkasingkahulugan Angkop na Pamagat sa Tekstong Napakinggan
[illustration: Filipino learners reading, studying and working at home and outdoors, with a globe and a lamp]
GOVERNMENT PROPERTY – NOT FOR SALE
CO_Q3_Filipino 5_ Modyul 3
Filipino – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 3: Pagbuo ng mga Tanong Matapos Mapakinggan ang Isang Salaysay, Pagbibigay ng mga Salitang Magkasalungat/Magkasingkahulugan, Angkop na Pamagat sa Tekstong Napakinggan Unang Edisyon, 2020
Ayon sa isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang bahagi ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis-Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
| Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul | |
|---|---|
| Manunulat: | Jesusan G. Tulipas |
| Editor: | Julito E. Lagrimas, Cristina M. Giray, Esther O. De la Cruz |
| Tagasuri: | Ronaldo N. Verano, Vicky Rance-Catubig |
| Tagaguhit: | |
| Tagalapat: | Beatrice A. Olmedo, Argie L. Ty, Jerome S. Jabel |
| Tagapamahala: | Ma. Gemma M. Ledesma Arnulfo M. Balane Rose Marie Guino Joy Bihag Ryan Tiu Gorgonio G. Diaz Jr. Crista Joy A. Torbila Alex B. Rejuso Isagani E. Licas Lucila R. Balondo Elvira R. Ribo Julito E. Lagrimas Beatrice A. Olmedo |
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – Regional No. VIII Office Address: Government Center, Cadahug, Palo, Leyte Telefax: 053 – 832-2997 E-mail Address: region8@deped.gov.ph
5
Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 3: Pagbuo ng mga Tanong Matapos Mapakinggan ang Isang Salaysay Pagbibigay ng Mga Salitang Magkasalungat/Magkasingkahulugan Angkop na Pamagat sa Tekstong Napakinggan
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Aralin 1
- Nakabubuo ng mga tanong matapos mapakinggan ang isang salaysay.
- Nakapagbibigay ng mga salitang magkakasalungat at magkakasingkahulugan.
- Nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa tekstong napakinggan
[illustration: boy character speaking in a speech bubble]
Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging palatanong. Ang anumang napakinggan o nabasa na hindi masyadong maliwanag ay ating itinatanong sa mga higit na may alam. At doon sa ating mga pagtatanong minsan nakagagamit tayo ng mga salitang magkakasalungat at magkakasingkahulugan. Minsan din sa ating mga pagtatanong, hindi angkop na pamagat o kaisipan ang naibibigay sa atin bilang kasagutan. Kaya patuloy tayong nagtatanong para mahanap ang tamang kasagutan. Di ba magaling tayo riyan, kaibigan?
Alamin
Kumusta ka na kaibigan? Nandito na naman ang iyong kaibigang si Kokoy para samahan ka sa iyong panibagong paglalakbay.
Alam kong lalo kang gaganahan sa pagsasakatuparan at pagsagot sa mga kasunod na mga gawain dito dahil sasamahan kita hanggang sa matapos mo ang modyul na ito.
Pagkatapos nang ating paglalakbay at pag-aaral, ika’y inaasahang:
- Nakabubuo ng mga tanong matapos mapakinggan ang isang salaysay. (F5PS-IIIb-e-3.1)
- Nakapagbibigay ng mga salitang magkasalungat at magkasing kahulugan. (F5PT-IIIc-h-10)
- Nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa tekstong napakinggan. (F5PN-Ii-j-17)
CO_Q3_Filipino 5_ Modyul 3
Subukin
Sandali kaibigan, bago tayo magpatuloy sa ating paglalakbay gusto kong malaman muna ang iyong kakayahan sa kasanayang ating pag-aaralan.
Gawain A. Panuto: Basahin at unawain mo ang kasunod na kuwento. Pagkatapos, mula rito bumuo ka ng mga tanong. Mga tanong na Ano, Sino, Kailan, Bakit, at Paano.
Pistang Bayan
Ang pagdiriwang ng pistang bayan ay labis na nagugustuhan ng mga Pilipino. Bago pa dumating ang kapistahan ay abala na ang mga tao sa paglilinis ng kani-kanilang tahanan, naglalagay ng dekorasyon sa mga lansangan, at naghahanda ng mga pagkain.
Sa madaling-araw naririnig ang ingay ng baboy, kambing, itik, manok, bibe, baka, at iba pang hayop na pinapatay.
Sa araw ng kapistahan, makikita ang mga matatanda at bata na masayang nanonood ng parada at sumasakay sa iba’t ibang uri ng sasakyang umiikot. Masaya rin silang lumilibot sa bahay ng mga kamag-anak at kaibigan upang pagsaluhan ang inihandang pagkain.
Sa gabi, sumasama sila sa prusisyon at panonood ng palabas. Pagkatapos ng pista, masaya silang naglilinis ng tahanan, nagliligpit ng pinagkainan, at nagkukkuwento ng pinagkagastusan subali’t makikita mo sa kanilang mga mukha ang labis na kaligahayan.
-Hango sa DepEd Regional Test Item Bank Filipino 5
CO_Q3_Filipino 5_ Modyul 3
Balikan
Narito ang isang talaarawang sinulat ni Edrian sa panahon matapos ang pananalasa ng bagyong Glenda.
Magpatuloy tayo sa ating paglalakbay kaibigan. Tara na! Simulan na natin! Basahin mo ang talaarawan ni Edrian para malaman mo ang nilalaman nito. Sigurado akong naalala mo pa ito dahil tungkol ito sa nakaraan mong leksyon.
Halika ka na! Kayang-kaya natin ito.
Talaarawan ni Edrian
Ika-14 hulyo, 2014, alas-2 ng hapon, Sabado
Maagang nagising ang aking mga magulang para mamili ng mga ihahanda nilang pagkain para sa kaarawan ng bunso kong kapatid na babae bukas. Nalungkot ako nang pagbukas ko ng telebisyon ay nalaman ko na ang Laoang ang posibleng tatamaan ng paparating na bagyong Glenda. Taimtim akong nagdasal na sana lumihis o humina ang bagyo.
Ika-15 Hulyo 2014, alas-10 ng umaga, Linggo
Kaarawan ni Edril, ang bunso kong kapatid. Maaga silang nagsimba ni nanay para magpasalamat sa Panginoong Diyos.
Tanghali ng manalasa ang bagyong Glenda sa aming bayan. Nalungkot ako dahil hindi natuloy ang selebrasyon para sa ika-7 taong kaarawan ng aking kapatid na babae.
Ika-16 Hulyo 2014, alas-6 ng umaga, Lunes
Nakita ko ang malaking pinsala ng bagyong Glenda sa aming lugar. Taimtim akong nagdasal na sana makayanan naming lahat ang pagsubok na ito lalong lalo na doon sa mga nawalan ng tirahan at pangkabuhayan.
Tumulong ako sa paglilinis sa aming barangay.
Ika-17 Hulyo 2014, alas-7 ng gabi, Martes
Napag desisyunan ng mga magulang ko na ibenta ang baboy na gagamitin sana na panhanda sa kaarawan ng aming bunso. Ipinambili ng mga gamit para mapaayos ang bubong ng bahay ng lolo at lola ko na nasira ng bagyo. Laking pasasalamat ng mga ito sa aking mga magulang ng makita nila na maipapaayos na ang bubong ng kanilang bahay. Paglilinis naman ng bahay ang ambag ko sa aking mga magulang.
-Jesusan G. Tulipas, P.M. Geta MCES Laoang II District
CO_Q3_Filipino 5_ Modyul 3
Gawain A. Panuto: Basahin ang mga pangungusap sa ibaba, at sikaping buoin ang daloy ng mga pangyayari. Pagsunod-sunurin ang mga ito batay sa talaarawang binasa. Isulat sa iyong kuwaderno ang letrang A para sa pangyayaring dapat mauna, B, C, D, ng mga kasunod na pangyayari at E para sa huling pangyayari.
_______1. Napagdisiyunang ibenta ang baboy na gagamitin sana panghanda sa kaarawan ng bunsong kapatid ni Edrian.
_______2. Kaarawan ni Edril.
_______3. Nakita ni Edrian ang malaking pinsalang dulot ng bagyong Glenda sa kanilang lugar.
_______4. Napanood ni Edrian sa telebisyon ang balita tungkol sa paparating na bagyo.
_______5. Masaya ang lolo at lola ni Edrian nang malamang may pampaayos na sa kanilang bubong.
Alam mo ba na maaari kang makabuo ng mga tanong mula sa binasa mong talaarawan, o kaya sa anumang kuwento o pahayag na iyong narinig o nabasa? Mula sa binasa mong talarawan, maaari mong itanong kung sino ang sumulat nito? Kailan nangyari ang kalamidad? At marami pang ibang mga tanong na ang kasagutan ay magmumula sa binasa o sa napakinggan. Dagdag pa rito, ang mga babasahing ikaw ang sumulat ay puwede mong baguhin o lagyan ng ibang pamagat, lalo’t hindi ka kontento sa nauna mong pamagat.
Gayundin, higit pang lalawak ang iyong pag-unawa sa anumang binasa o napakinggan kung malawak ang iyong talasalitaan. Kung marami kang alam na mga salitang magkakasingkahulugan at magkakasalungat, at siguro, pati na ang mga salitang hindi pamilyar sa iyo ay dapat marami kang alam na kahulugan.
Ang tanong sa unang bilang ay binuo ko na, gawin mo na lamang ang mula sa ikalawa hanggang lima.
- Saan nagpupunta ang mga mag-aaral tuwing recess?
- Kailan_____
- Ano_____
- Alin_____
- Sino-sino_____
Ang pag-alam sa kasingkahulugan at kasalungat na mga salita ay isang paraan upang mapalawak ang iyong taglay na talasalitaan. Ito ay isang daan para maging mahusay sa pakikipagtalastasan ang isang batang tulad mo.
Pag-aralan ang kasunod na mga halimbawa
| Magkasingkahulugan | Magkasalungat |
|---|---|
| a. inanyayahan – kinumbida | a. matamis – maasim |
| b. agwat – layo | b. mataas – mababa |
| c. alay – handog | c. maganda – pangit |
Gawain B
Gawain B. Panuto: Balikan ang talatang basahin sa itaas, ang Gawain A, at mula rito, piliin ang mga salitang magkasingkalugan at magkasalungat. Gawin ito nang pahanay sa iyong kuwaderno:
| Magkasingkahulugan | Magkasalungat |
|---|---|
| – | – |
| – | – |
| – | – |
Ang pagbabasa ay higit na nagiging masaya kung ito ay ganap na nauunawaan. Samantalang ang angkop na pamagat nito ay isang susi para higit na maintindihan ang binabasa. Kailangan din na ang pang-ulo at pantulong na mga pangungusap ay magkakaugnay ang kaisipan. Umaayon ang mga ito sa nais ipahiwatig ng pamagat.
Sa pagbibigay ng pamagat ng talata/teksto, ay alamin muna ang paksang diwa o paksang pangungusap, sapagkat ang mga ito ang siyang magbibigay sa mag-aaral ng ideya kung ano ang angkop na pamagat.
Gawain C
Gawain C. Panuto: Basahin ang teksto sa ibaba at bumuo ng angkop na pamagat para rito. Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot.
Tuwing hapon, ito ang oras na pinakahihintay nina Romel at Recel, dahil tapos na nilang sagutin ang mga gawain sa kanilang modyul. Ito ang oras kung saan pinapayagan na silang maglaro ng kanilang mga magulang,
Magkapitbahay at magkaibigan sina Romel at Recel. Silang dalawa ay parehong nasa ikalimang baitang. Paborito nilang laruin ang habulan. Tuwang-tuwa sa kanila ang kanilang mga magulang lalo’t kung sila’y naghahabulan na hindi maabot-abutan ni Recel si Romel. Mabilis itong tumakbo kaysa kay Recel. Minsan, sinasadya na lamang ni Romel na maabutan siya ni Recel para magtagal pa ang kanilang paglalaro. Umaayaw kasi si Recel kung palagi siyang taya.
Sa sobrang paglalaro nina Romel at Recel, minsan naliligo na sila sa sarili nilang mga pawis. Basang-basa na ang kanilang mga damit, ngunit hindi pa rin sila tumitigil sa paglalaro. Humihinto lamang sila kung napapansin nila na takipsilim na pala. Hindi nila namamalayan ang oras! Kaya, kung gabi na, naisin pa man nilang ituloy ang paglalaro kailangan talaga nilang maghiwalay na. Naghihiwalay silang may ngiti sa kanilang mga labi dahil minsan pa, napatunayan nilang sila’y mga batang magkaibigan.
-Jesusan G. Tulipas P.M. Geta MCES Laoang II District
Pagyamanin
Kaibigan, may mga gawain na namang inihanda para sa’yo.
Pagbutihin mo ha? Madali lang ‘yan para sa’yo!
Panuto: Ipabasa mo nang malakas sa iyong tagapag-alaga ang kasunod na sanaysay. Pakinggan itong mabuti at pagkatapos gawin mo ang maikling pagsusulit sa ibaba.
Piyestang Pampamilya
Umaga palang ay abalang-abala na ang magkakapatid na Ronnie, Rex, at Roy sa paglilinis ng kanilang bahay. Malapit na kasi ang piyesta sa kanila. Sinisipagan nila ang kanilang pagtatrabaho para sila’y makahingi ng pera sa kanilang nanay at makapunta sa peryahan kinagabihan. Gustong-gustong bumili ng cotton candy at maglaro ng color game doon.
Ang pangyayaring yaon ay noong wala pang COVID-19. Ngayon ay malaki na ang ipinagkaiba. Ang dating maingay, masaya, at bonggang selebrasyon tuwing sasapit ang piyesta ay nauwi sa simpleng selebrasyon. Tahimik, kaunting pagkain na lamang ang inihahanda ng bawat tahanan. Limitado ang mga taong nagsisimba dahil kailangang sundin ang health protocols tulad ng social distancing. Walang maraming mga bisita ang makikita sa mga bahay-bahay. Ito ay para maiwasan ang pagkahawa sa COVID-19, ang sakit na nakamamatay na dulot ng virus. Bawal din lumabas ngayon ang mga bata at matatanda dahil sila ang mga taong madaling kapitan ng virus.
Malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ni Ronnie sabay sabi sa malakas na boses “September 29…..Happy Fiesta Everyone!”, tawanan ang buong pamilya! Sila-sila lang kasi ang kakain sa kanilang inihandang pagkain para sa araw ng pista.
Malungkot na lumapit si Ronnie sa mesa kung saan hinihintay na siya ng kanyang mga magulang at mga kapatid para kumain. Nagdasal at taimtim na hiniling niya sa Panginoong Diyos na sana matapos na ang pandemyang ito at maibalik na sa normal ang lahat. Ipinagpagsalamat din niya na masaya at buo ang kanilang pamilya sa araw na ito at walang sinumang may karamdaman.
Napawi ang lungkot sa mukha ni Ronnie nang maya-maya’y narinig niya ang tugtog mula sa kanilang karaoke. Nakita niya ang kanyang Kuya Roy na nagsisimula nang sumayaw mag-isa. Hanggang sa silang lahat ay nagsipagsayawan at nagkantahan na. Tunay ngang masaya ang buong pamilya pagsama-sama sa araw ng pista.
-Jesusan G. Tulipas P.M. Geta MCES Laoang II District
Gawain A
Gawain A. Panuto: Bumuo ng (5) limang katanungan gamit ang mga salitang pananong na: ano, sino, saan, kailan, at bakit. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
Gawain B
Gawain B. Panuto: Hanapin mula sa Hanay B ang kasingkahulugan o kasalungat ng mga salitang nasa hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kuwaderno.
| Hanay A | Hanay B | |
|---|---|---|
| Kasalungat | 1. mahirap | a. bunso |
| Kasalungat | 2. panganay | b. ginawa |
| Kasingkahulugan | 3. nilikha | c. mayaman |
| Kasingkahulugan | 4. luntian | d. gahaman |
| Kasalungat | 5. mapagbigay | e. berde |
Gawain C
Gawain C. Panuto: Basahin ang kasunod na talata at pagkatapos bigyan mo ito nang angkop na pamagat.
Ang puno ng niyog (cocos nuciferia) ay masaganang tumutubo sa mga kabukiran ng Hilagang Samar. Kung may gulang na, ito ay karaniwang may taas na 6 na metro o higit pa. Natatangi sa lahat ng mga puno ang puno ng niyog dahil ang bawat bahagi nito ay halos may gamit o kaya halaga. Ang laman ng bunga nito ay puwedeng gawing sangkap sa paggawa ng sabon, lotion, shampoo, gata, at iba pa. Ang sabaw, ay puwedeng inumin, at panghugas sa sugat. Ang bunot ay puwedeng panlinis at pampausok. Ang bao ay puwedeng panggatong, uling, botones, palamuti, at gamit sa loob ng bahay. Ang dahon ay puwedeng gawing walis, tingting, basket, at bubong. Ang katawan nito ay puwedeng gawing gamit sa pagpapatayo ng mga bahay, at materyales sa paggawa ng iba’t ibang kasangkapan sa loob ng bahay. Kaya, ang niyog ay maituturing puno ng buhay.
-Julito E. Lagrimas, Sangay ng Hilagang Samar
Ang unggoy at buwaya (continuation from page 16)
pampang. Ngunit dahil maraming buwayang gutom ang nakaabang sa kanila, wala silang madaraanan. Gustong-gusto ng buwaya ang masarap nilang atay.
Pumunta ang tusong unggoy sa tabi ng ilog at tinawag ang pinuno ng mga buwaya. “Pinunong Buwaya, may mahalagang mensahe ang hari,” ang kaniyang pakli.
Lumabas naman ang pinuno na halos nasa tabi ng unggoy. “Ano ang maipaglilingkod naming sa mahal na hari?” usisa ng punong buwaya.
“Nais malaman ng hari kung ilan kayong lahat. Magpapasko na kasi at bibigyan kayo ng regalo. Pumila kayo at bibilangin ko kung ilan kayong lahat,” sagot ng unggoy. “Isa, dalawa, tatlo, apat…tatlumpu’t pito,” sabay talon sa kabilang pampang. Nakatawid siya sa kabilang pulo nang walang kapagud-pagod.
-Hango sa DepEd Teacher’s Guide, Filipino 5
Gawain A
Panuto: Bumuo ng mga tanong tungkol sa napakinggang kuwento gamit ang sino-sino, saan-saan, ano-ano, bakit, at paano. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Gawain B
Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap at pagkatapos piliin ang mga salitang magkakasingkahulugan at magkakasalungat. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
- Maligayang-maligaya sina Claude at Joel ng sabadong yaon. Ngunit pagkatapos ng isang oras ay lungkot na lungkot sila dahil hindi sila maaaring maligo at mamingwit sa ilog.
- Ibig na ibig na nilang makarating sa bukid. Gustong-gusto na ni Joel na mamitas ng mga prutas.
- Si Claude ay nais maligo sa ilog ngunit hindi ito natuloy dahil marumi at mababaw ang tubig.
- Ang mga pabrika ay nagtatapon sa ilog ng kanilang chemical waste. Ang chemical waste ay yaong mga dumi ng ginamit na kimiko at iba pang bagay sa pabrika na hindi na maaaring gamitin pang muli kaya itinapon na.
- Hindi maaaring mabuhay nang malusog ang mga gulay sa lupang tigang. Maaaring lagyan ng pataba ang tuyot na lupa upang mapagtaniman ito.
Gawain C
Panuto: Basahin nang may pag-unawa ang kasanod na talalata. Pagkatapos, bigyan ito ng angkop na pamagat. Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot.
Pamagat
Ang mga lamok na may dalang virus na dengue ay nagingitlog at nagpaparami sa mga pook na napag-iimbakan o napag-iipunan ng tubig tulad ng mga lata, mga bote, mga gulong na nakatiwang-wang o iba pang mga lalagyan na palaging basa.
-Hango sa DepEd Regional Test Item Bank, Filipino 5
Karagdagang Gawain
Gawain A
Panuto: Basahin nang may pag-unawa ang kasunod na maikling salaysay. Mula rito bumuo ng mga tanong gamit ang mga salitang pananong. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Taniman sa Bukid
Isa sa pinakamasayang panahon sa kabukiran ang pagtatanim. Masiglang isinagawa ng mga magsasaka ang gawaing ito. Nasa takdang panahon ang pagtatanim.
Naniniwala ang mga magsasaka na hindi aani ng maganda kung ‘di mabuti ang panahon ng pagtatanim. Nasa kabukiran ang kaligayahan ng magsasaka. Maluwag sa loob nilang tinanggap ang anumang kapalaran. Maligaya nilang hinaharap ang kaloob sa kanila ng Maykapal.
Marunong makipagsapalaran ang mga magbubukid. Taimtim nilang idinadalangin na sana’y ang susunod na anihan ay maging masagana.
-Hango sa DepEd Teacher’s Guide Filipino 5
Gawain B
Panuto: Punan ang kahon ng kasingkahulugan at kasalungat ng mga salitang nasa kanan. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Gawain B (table)
| Kasingkahulugan | Kasalungat | |
|---|---|---|
| 1. Madami | ||
| 2. Kilala | ||
| 3. Mabango | ||
| 4. Payat | ||
| 5. Mainit |
Gawain C
Panuto: Basahin ang talatang kasunod at pagkatapos bigyan ito ng angkop na pamagat. Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot.
Pamagat
Ang pamilyang Pilipino ay isang napakahalagang institusyon. Sa gitna ng maraming suliranin, dapat umiral ang pagmamahalan, pagkakaisa, at pagtutulungan upang lalong tumibay ang pagsasamahan ng isa’t isa. Ano mang problema ang dumating, kailangang mapanatiling buo at matatag ang pamilya. Bukod dito biyaya ng Diyos ang ating pamilya kaya’t patuloy mong ingatan.
-Hango sa DepEd Teacher’s Guide, Filipino 5
Susi sa Pagwawasto
Subukin
Gawain A: (Puwede ganito ang mga sagot)
- Anong pagdiriwang ang labis na nagugustuhan ng mga Pilipino?
- Sino-sino ang makikita sa araw ng kapistahan?
- Kailan naglalagay ng mga dekorasyon ang mga magpipista?
- Bakit kailangang maglinis pagkatapos ng pista?
- Paano ipinagdiriwang ang pista ng mga Pilipino?
Balikan
Gawain A:
- D
- B
- C
- A
- E
Tuklasin
Gawain A
- Ang nabubuo sa ating mga isipan kung hindi natin maliwanag na naiintindihan ang naririnig at binabasa ay mga tanong o mga katanungan.
- Kailangang gumamit natin ng magkakasingkahulugan o magkasalungat na mga salita para lumawak ang ating kaalaman sa wika at talasalitaan.
Gawain B
(Iba-iba ang sagot ng mga bata. Pero maaari ganito ang mga sagot)
- Ang binasa kong kuwento ay tungkol kay Pedro at ang pangarap niya sa buhay.
- Kung ako ang magbibigay ng pamagat sa aking binasa, ang pamagat ko ay Si Pedro, May Pangarap.
- Naibigan ko ang binasa ko dahil nalaman ko na ang mahalaga pala ang pag-aaral.
- Bubuoin ko ang tanong sa pamamagitan ng paggamit ng salitang pananong na ano.
- Bubuoin ko ang tanong sa pamamagitan ng paggamit ng salitang pananong na sino.
Gawain C
| Kasingkahulugan | Kasalungat |
|---|---|
| may trabaho | wala/ walang laman |
| Gabi | |
| Nais | |
| mayaman |
[transcriber’s note: the answer-key page is printed upside down; it is transcribed in reading order after rotating it. The table’s cell placement is read from the rotated image and may need checking against the original.]
Gawain D
- Kung ako ang tatanungin, hindi ako sang-ayon sa pamagat, dahil sa palagay ko hindi ito tugma sa kaisipang nakapaloob sa basahin. At kung ako, ang pamagat ko ay Ang Pangarap ni Pedro.
Suriin
Gawain A (Maaaring ganito ang mga sagot ng bata)
- ….
- Kailan nagsasama-sama ang mga mag-aaral sa kantina?
- Anong uri ng pagkain o inumin o bilihin ang mabibili mula sa kantina?
- Alin ang masarap sa kantina?
- Sino-sino ang maiingay kapag recess?
Gawain B
| Magkasalungat | Magkasingkahulugan |
|---|---|
| a. mura – mahal | a. malinamnam – masarap |
| b. marumi – malinis | b. ilan – marami |
| c. tahimik – maingay | c. masaya – nagkakatuwaan |
| d. kainan – kantina |
Gawain C (Maaaring iba ang sagot. Pero puwede ganito ang sagot)
Sagot-Ang Tunay na Magkaibigan
Pagyamanin
Gawain A (Maaaring magkaiba ang mga sagot. Tanggapin ang mga sagot kung tama ang pagkakabuo sa mga ito)
- Ano ang pinagkakaabalahan ng magkapatid isang umaga?
- Sino-sino ang magkakapatid na abala sa paglilinis ng kanilang bahay?
- Saan pumupunta ang mga tao tuwing pista para sambahin ang Diyos?
- Kailan nangyari ang piyestang pampamilya?
- Bakit naging malungkot si Ronnie sa araw ng kapistahan?
Gawain B
- c
- a
- b
- e
- d
Gawain C
-Niyog: Puno ng Buhay
Isaisip
Gawain A (Ang mga sagot ay maaaring ganito)
- Paano nagkaiba ang magkapatid na Teng at Enjeza?
- Bakit nagtapos na may karangalan si Teng?
- Sino sa magkapatid ang mahilig manood ng telebisyon?
- Ano ang hilig ni Enjenza?
- Ilan kaya ang telebisyon sa bahay ng magkapatid?
Gawain B
1). magkasingkahulugan 2). hindi magkapareho ang kahulugan
Gawain C
-Ang Kadiwa
Isagawa
Gawain A (Magkaiba ang mga sagot ng mga bata gamit ang mga salitang patanong)
Gawain B
| Magkasalungat | Magkasingkahulugan |
|---|---|
| mayaman – mahirap | covid-19 – virus |
| ipagsawalang-bahala – bigyang-pansin | pag-iingat – pangangalaga |
| – | paglabas – paggala |
Gawain C (Magkaiba ang sagot ng mga bata)
Puwede, Ang Pandemya ng COVID
Tayahin
Gawain A (Iba-iba ang sagot ng mga bata. Ang mahalaga, ang mga itinatanong ay galing sa binasang maikling kuwento at tama ang pagkagamit sa mga salitang patanong)
Gawain B
- maligayang-maligaya – lungkot na lungkot (magkasalungat)
- ibig na ibig – gustong-gusto (kasingkahulugan)
- nais (maligo) – hindi (natuloy) (magkasalungat)
- waste – dumi (kasingkahulugan)
- tigang – tuyot (kasingkahulugan)
Gawain C (Maaaring magkaiba ang sagot ng mga bata)
Karagdagang Gawain
Gawain A (Inaasahang magkaiba ang sagot ng mga bata. Susulat ang mga bata ng mga pangungusap na nagtatanong gamit ang mga salitang patanong)
Gawain B (Puwede ganito ang sagot ng mga bata)
| Salita | Kasingkahulugan | Kasalungat |
|---|---|---|
| 1. madami | sobra sa isa | kaunti |
| 2. kilala | batid | hindi kilala |
| 3. mabango | masamyo | mabaho |
| 4. payat | maliit | mataba |
| 5. mainit | mapaso | malamig |
Gawain C (ang sagot ay depende sa pagkaunawa ng bata sa basahin)
Sanggunian
Anacta, R., et.al. (2000). Regional Test Item Bank Filipino 5, DepEd Region 8
Gaza, Alice B. (2000). Teacher’s Guide in Filipino 5, DepEd Region 8
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply