Filipino 5 Quarter 3 Module 2: Kronolohikal na Pagsunod-sunod ng mga Pangyayari

This is the Filipino 5 Quarter 3 Module 2 self-learning module, “Nakapagsasalaysay nang Napakinggang Teksto at Kronolohikal na Napagsusunod-sunod ang mga Pangyayari” (retelling a text you listened to and putting its events in chronological order). It was prepared by DepEd Region VIII as an Alternative Delivery Mode module (first edition, 2020) for Grade 5 learners studying at home. After this module, learners should be able to listen to a text, arrange its events from first to last, and retell it in the right order.

What learners will learn

The module has one lesson, Aralin 1. By the end of it, learners are expected to:

  • Arrange the events heard in a text in chronological order (F5PS-IIIf-6.6)
  • Retell a text they listened to, following the chronological order of its events (F5PN-IIIb-8.4)

A guide character named Kokoy walks learners through each part of the lesson.

What chronological order means

The module calls this skill kronolohikal na pagsunod-sunod (chronological sequencing): arranging the events you read or heard in the order they happened. Here are its main points:

  • It helps a writer present steps and events clearly, and it helps the reader or listener follow them.
  • You must first understand the text before you can put its events in the right order.
  • Numbers (1, 2, 3…) or letters (A, B, C…) are often used to show the order.
  • When events are told in order, they are easier to understand and easier to remember.

The module also links the skill to everyday tasks. Learners list the steps of handwashing and write the steps for washing dishes or cooking, such as frying fish.

Stories and activities in the module

The module follows the usual SLM parts. Each part uses a short Filipino text that learners read or hear, then arrange and retell.

PartText or taskWhat learners do
Subukin (pretest)“Pista ng Bulaklak” (Baguio’s Panagbenga flower festival)Number five sentences from 1 to 5 in story order
Balikan (review)Proper handwashingWrite the steps in the correct order
Tuklasin (discover)“Ang Kapaskuhan sa Aming Barangay” (Christmas in our barangay), read aloud by a parent or older siblingOrder five events and answer questions about the story
Suriin (analyze)“Ang Puerto Princesa Underground River” and “Ang Kasaysayan ng Tacloban” (the history of Tacloban)Order sentences using letters A to E, and explain how to retell Tacloban’s history clearly
Pagyamanin (enrich)“Pistang Bayan” (town fiesta)Answer multiple-choice questions, order six events, and retell the story using a graphic organizer
Isaisip (remember)Why chronological order mattersAnswer a question and write a short essay of steps, such as how to wash dishes
Isagawa (apply)A short text about Maria, a 10-year-old orphan, and her daily routineOrder five events and retell the text using a graphic organizer
Tayahin (assessment)A news report on how the government responds to the COVID-19 pandemicListen, outline or summarize it, and retell it in chronological order
Karagdagang Gawain (additional activity)Cooking a dish, with help from a parent or relativeWrite numbered steps from first to last

“Pistang Bayan” shows the skill clearly. Before the fiesta, people clean their homes, decorate the streets, and prepare food. At dawn, animals are butchered. During the day, people go to church, watch the parade, and visit relatives. At night, they join the procession and watch shows. After the fiesta, they clean up and count their expenses.

How to use this module

  • Learners: Start with the Subukin pretest, then work through the parts in order. Write all answers on a separate answer sheet or in your notebook, not in the module, so others can use it later. Check your work honestly with the Susi sa Pagwawasto (answer key) at the end. Contact your teacher if you have trouble understanding the lesson.
  • Parents and older siblings: Several activities (Tuklasin, Suriin Gawain 2, Pagyamanin, and Isagawa) ask you to read a story aloud while the learner listens. Read slowly and clearly, because the skill being practiced is listening. For the additional activity, help the learner find out how to cook a simple dish.
  • Teachers: The answer key gives the correct order for the sequencing tasks. Open-ended tasks are marked “Iba’t ibang sagot” (answers will vary). Retelling and step-writing tasks are scored with a rubric for paragraphs that retell a text. It rates Nilalaman (content), Balarila (grammar), and Organisasyon (organization) on a scale of 5 (complete and well sequenced) down to 1 (disorganized, with no introduction).

Frequently asked questions

What grade and quarter is this Filipino module for?

It is for Grade 5 Filipino, Quarter 3 (Ikatlong Markahan), Module 2. It was produced by DepEd Region VIII as a first edition in 2020.

What competencies does the module cover?

It covers arranging events heard in a text in chronological order (F5PS-IIIf-6.6) and retelling a text you listened to in the chronological order of its events (F5PN-IIIb-8.4).

What does kronolohikal na pagsunod-sunod mean?

It means chronological sequencing: arranging the events you read or heard in the order they happened. Numbers or letters are often used to show the order, which makes a text easier to understand and remember.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest and sequencing activities. It also includes a rubric for scoring retelling and step-writing tasks, whose answers may vary.

Do learners need someone to help them with this module?

Yes, for some parts. Several activities ask a parent or older sibling to read a story aloud while the learner listens, and the additional activity asks the learner to find out from a parent or relative how to cook a dish.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

5

Filipino Ikatlong Markahan – Modyul 2: Nakapagsasalaysay nang Napakinggang Teksto at Kronolohikal na Napagsusunod-sunod ang mga Pangyayari

[illustration: students reading and learning with a teacher, a globe, and a lamp]

CO_Q3_Filipino 5_ Modyul 2

Filipino – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 2: Nakapagsasalaysay nang Napakinggang Teksto at Kronolohikal na Napagsusunod-sunod ang mga Pangyayari Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis-Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Rosalinda A. Cabacang

Editor: Julito E. Lagrimas, Myra L. Bato

Tagasuri: Julito E. Lagrimas, Cora G. Catapan

Tagaguhit: John Christopher O. Go

Tagalapat: Beatrice A. Olmedo, Argie L. Ty, Ma. Dianne Joy R. De la Fuente

Tagapamahala: Ma. Gemma M. Ledesma, Rose Marie M. Guino, Ryan R. Tiu, Crista Joy A. Torbila, Isagani E. Licas, Elvira R. Ribo, Beatrice A. Olmedo; Arnulfo M. Balane, Joy B. Bihag, Gorgonio G. Diaz Jr., Alex B. Rejuso, Lucila R. Balondo, Julito E. Lagrimas

Inilimbag sa Pilipinas ng _____ Department of Education – Regional No. VIII Office Address: Government Center, Cadahug, Palo, Leyte Telefax: 053 – 832-2997 E-mail Address: region8@deped.gov.ph

5

Filipino

Ikatlong Markahan –Modyul 2: Nakapagsasalaysay nang Napakinggang Teksto at Kronolohikal na Napagsusunod-sunod ang mga Pangyayari

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

CO_Q3_Filipino 5_ Modyul 2

Aralin 1

Nakapagsasalaysay nang Napakinggang Kuwento at Kronolohikal na Napagsunod-sunod ang mga Pangyayari

[illustration: boy character Kokoy speaking]

Sa ating pag-aaral sa modyul na ito, tiyak kong masisiyahan ka dahil lalo mong mauunawaan kung paano makatutulong ang kronolohikal na pagsunod-sunod ng mga pangyayari sa pag-unawa sa anumang babasahin o napakinggang kwento. Makatutulong din ito para madali mo nang maisasalaysay muli ang teksto.

Sa pamamagitan ng araling ito ay higit pang tatalas ang iyong kaisipan at pag-unawa sa pagbasa at pakikinig.

[illustration: target with arrow]

Alamin

[illustration: boy holding a laptop]

Magandang araw sa iyo aking kaibigan. Panibagong araw, panibagong karunungan na naman ang ating matutuklasan

Ako nga pala si Kokoy, ang muli mong makakasama sa pagtalakay at pag-aaral ng modyul na ito.

Ngayong araw ay aalamin natin kung papaano natin mapagsusunod-sunod ang mga pangyayaring nabanggit sa teksto sa kronolohikal na paraan. Sisikapin din natin na muli mong maisalaysay ang napakinggang teksto ayon sa tama at maayos na pagkakasunod-sunod.

Pagkatapos ng ating pag-aaral, ikaw ay inaasahang:

Nakapagsusunod-sunod ng mga pangyayaring napakinggan sa teksto (kronolohikal na pagsunod-sunod) (F5PS-IIIf-6.6)

  • naisasalaysay muli ang napakinggang teksto nang ayon sa kronolohikal na pagsunod-sunod ng mga pangyayari. (F5PN-IIIb-8.4)

CO_Q3_Filipino 5_ Modyul 2

Nananabik ka na bang matuto at makapulot ng panibagong kaalaman? Maging ako ay nananabik na ring samahan ka sa pag-aaral na ito. Halina at subukin natin ang iyong kakayahan!

Subukin

Basahin nang may pag-unawa ang kuwento. Pagkatapos, ayusin ang mga pangungusap sa ibaba ayon sa pagkakasunod–sunod ng mga pangyayari sa nabasang kuwento. Ilagay sa bilang isa (1), ang pangungusap na dapat mauna hanggang sa huling pangungusap na dapat ay nasa bilang lima (5). Isulat sa sagutang papel ang iyong mga sagot.

Pista ng Bulaklak

Tuwing Pebrero, ipinagdiriwang ang pista ng mga bulaklak sa Lungsod ng Baguio. Kilala rin ito sa tawag na Pista ng Panagbenga. Ang Panagbenga ay salitang galing sa Cordillera na ang kahulugan ay panahon ng pamumukadkad ng mga bulaklak. Binibigyang halaga sa pistang ito ang magagandang bulaklak kung saan kilala ang lungsod dito.

Nagsimula ang pagdiriwang ng Panagbenga noong 1995. Isinagawa ang pistang ito para muling maibangon ang Lungsod Baguio mula sa sinapit nito dulot nang malagim na lindol noong 1990.

Maraming gawain ang makikita sa pagdiriwang ng Panagbenga. Ang pinakasikat at inaabangang gawain tuwing pista ng bulaklak ay ang parada. Kasama sa paradang ito ang sayawan sa kalsada at pagtugtog ng mga banda. Pinakabida sa paradang ito ang mga higanteng karosa na puno ng mga magaganda at mababangong bulaklak. Sa paggawa ng karosang ito, ipinapakita ng mga Pilipino ang kanilang pagiging malikhain at pagiging matulungin. Ipinaparada ang mga ito sa malalaking kalsada ng lungsod. Maraming mga taong galing pa sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas ang dumadayo sa Baguio upang mapanood ito.

-Hango sa Phil. IRI Manual 2018, DepED, pahina 104

CO_Q3_Filipino 5_ Modyul 2

_____ Kasama sa paradang ito ay sayawan sa kalsada at pagtugtog ng mga banda.

_____ Ipinagdiriwang ang pista ng mga bulaklak sa Lungsod Baguio.

_____ Binigyang halaga sa pistang ito ang naggagandahang bulaklak.

_____ Ipinapakita ng mga Pilipino ang kanilang pagiging malikhain at pagiging matulungin.

_____ Maiangat muli ang Lungsod ng Baguio mula sa malagim na lindol.

[illustration: boy character Kokoy speaking]

Kumusta, nasagutan mo ba lahat? Anoman ang iyong makuhang marka ay ayos lang, ang mahalaga ay sinubukan mo at hindi ka sumuko. Tara na! Ipagpatuloy natin ang pag-aaral.

Balikan

Batay sa iyong mga nabasa at natutuhan, alamin ang tamang paraan nang paghuhugas ng kamay. Isulat sa iyong kuwaderno ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga ito.

CO_Q3_Filipino 5_ Modyul 2

[illustration: boy character Kokoy speaking]

Madali mo bang napagsunod-sunod ang mga hakbang sa paghuhugas ng mga kamay? Ano ang dapat tandaan upang mas madaling mapagsunod-sunod ang mga ito?

Sa tingin ko’y handa ka na sa iba pang gawain. Ano pang hinihintay mo? Simulan na natin!

Tuklasin

[illustration: seedling sprouting from soil]

Ang kasunod na gawain, ay magbibigay sa iyo ng pananaw sa kung gaano kahalaga ang pagdiriwang ng Pasko at paano nito pinagbubuklod ang pamilya.

Makinig nang mabuti sa maikling kuwento na babasahin ng iyong magulang o nakatatandang kapatid.

Ang Kapaskuhan sa Aming Barangay

Ang Pasko sa aming barangay ang isa sa pinakahihintay ng lahat. Makikita mo sa bawat mamamayan ang galak at pananabik sa nasabing pagdiriwang. Ilang araw pa bago ang Pasko ay abala na ang Barangay Palanit sa pagsalubong sa Pasko. Halos lahat ng mga tao ay tulong -tulong na sa pagsasabit ng mga parol sa mga poste.

Bawat tahanan ay may kanya-kanyang pailaw at may Christmas Tree na nakahandang pailawan sa pagsapit ng Pasko. Pagsapit ng alas dose ng gabi ng araw ng Pasko, na itinuturing pagsalubong sa pagkabuhay ng Panginoon, ang bawat pamilya ay nagsasalo-salo ng kanilang Noche Buena. Nagaganap din dito ang pagpapalitan ng regalo na siyang simbolo ng kanilang pagmamahalan sa isa’t isa.

Pagsapit nang umaga ng Kapaskuhan, ika-25 ng Disyembre ay maraming bata ang nakabihis na at handa nang pumunta sa kanilang mga ninong at ninang upang tanggapin ang kanilang mga aginaldo, na maaring pera o kaya ay bagay. Sa simpleng pagdiriwang na ito, naipadadama ng bawat kasapi ng pamilya ang kanilang pagmamahal at pagbibigay sa bawat isa na siyang nagsisilbing diwa ng Kapaskuhan.

-Rosalinda A. Cabacang, Guro sa Filipino 5 & 6, Palanit ES San Isidro II

Gawain 1:

Panuto: Balikan ang napakinggang kuwento. Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari binanggit dito sa pamamagitan ng pagsulat sa patlang ng bilang 1 hanggang 5 ayon sa kronolohikal na pagkakasunod-sunod ng pangyayari. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_____ Sa ganitong selebrasyon ay mas naipapadama ang pagmamahalan ng bawat isa.

_____ May mga pagkaing nakahanda sa hapagkainan upang may mapagsaluhan sa Noche Buena.

_____ Bawat tahanan ay may kaniya-kaniyang pailaw at palamuti ng nakasabit

_____ At pagsapit ng ika-25 ng Disyembre ay mas lalo pang naging maingay dahil sa mga batang handa ng tumanggap ng aginaldo

_____ Maaga pa lamang ay abala na ang Barangay Palanit para sa selebrasyon ng Pasko.

Gawain 2:

Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat sa kuwaderno ang iyong mga sagot.

  1. Ano ang pinapaksa ng kuwento/ teksto?
  2. Bakit pinakahihintay na araw ng Barangay Palanit ang Pasko?
  3. Batay sa iyong karanasan, ganito rin ba ang paghahanda ng inyong barangay sa araw Kapaskuhan?
  4. Kung ikaw ay isa sa mga nakatira sa Barangay Palanit, anong paghahanda na iyong gagawin para sa Pasko?
  5. Ibahagi mo rito ang pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa gagawin mong plano sa pagdiriwang ng Pasko sa inyong barangay.
Suriin

Sa iyong napakinggang kuwento, napansin mo ba kung paano ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari? Hindi ba madali lamang? Kaya, ako’y nakasisiguro na kaya mo nang muling isalaysay ang mga pangyayari sa kronolohikal na pagkakasunod-sunod.

Bilang karagdagang kaalaman, basahin mo pa ang ilang mga paliwanag tungkol sa ating paksa.

Ang paraan ng pagsunod-sunod ng mga pangyayaring nabasa o napakinggan ay tinatawag na kronolohikal na pagsunod-sunod kung saan ginagamit ito upang mas madaling mailahad nang maayos ang mga hakbang at mga pangyayaring nais ipabatid ng isang manunulat. Mahalaga na nauunawaan ang binasa o napakinggang teksto para napagsusunod-sunod ito nang tama. Madalas ginagamit ang bilang sa kronolohikal na pagsusunod-sunod ng mga pangyayari. Ang paraang kronolohikal na pagsunod-sunod ay isang mainam na paraan upang mailahad ang kaisipan o pangyayari na makatutulong sa pag-unawa at pagpapalinaw ng ideya, ang hulwarang ito ay nagpapakita ng serye ng mga pangyayari na maaaring humantong sa konklusyong pagkasunod-sunod ng pangyayari.

Gawain 1:

Basahin at unawain ang kuwentong kasunod. Pagkatapos, kopyahin ang mga pangungusap na nasa ibaba sa inyong kuwaderno. Sa pagkopya, pagsunod-sunurin ang mga ito batay sa pagkakasalaysay nito kuwento. Gamitin ang titik A hanggang E upag maipakita ang pagkakasunod-sunod ng mga ito.

Ang Puerto Princesa Underground River

Ang Puerto Princesa Subterranean River National Park (PPSRNP) ay makikita sa Palawan. Ito ay matatagpuan sa hilagang kanlurang bahagi ng Puerto Princesa.

Ipinapakita sa tanyag na pook na ito ang mga higanteng limestone na nasa kuwebang pinalolooban ng ilog. Iba’t ibang kamangha-manghang hugis ang nabuo mula sa limestone sa loob ng kuweba. Ang ilog ay tinatayang 8.2 kilometro ang haba at ito ay tumutuloy sa dagat. Ang kagandahan nito ang dahilan kung bakit nakilala ang Puerto Princesa Underground River bilang isa sa Pitong New Wonders of Nature.

Makikita sa paligid ng ilog ang kabundukan at kagubatan. Ang makapal na kagubatan ang nagsisilbing tahanan ng ilang hayop na pambihira at endangered. Sa baybayin naman nito makikita ang halamang bakawan at mga coral reefs.

Mula nang maitalaga ang Puerto Princesa Underground River bilang isa sa Pitong New Wonders of Nature, dumami na ang mga taong gustong makita ito, maging Pilipino man o dayuhan.

Maliban sa pagsakay sa bangka upang makita ang limestone sa loob ng kuweba, marami pang maaring gawin dito na ikasasaya ng mga turista. Kinagigiliwan ng mga bisita rito ang jungle trekking, wildlife watching, mangrove forest tour at paglangoy sa tabing dagat na puti ang buhangin.

-Hango sa Phil. IRI Manual 2018, DepEd, pahina 107

_____ Isa ito sa kinagigiliwang puntahan ng mga turista maging Pilipino man o dayuhan.

_____ Ang Puerto Princesa ay makikita sa Palawan.

_____ May iba’t ibang hayop ang naninirahan dito.

_____ Mayroon itong mga limestone na nagtataglay ng kamangha-manghang hugis.

_____ Kinilala ito bilang isa sa Pitong Wonders of Nature dahil sa taglay na kagandahan.

Gawain 2:

Makinig at unawain ang kuwentong babasahin ng iyong magulang o kapatid.

Ang Kasaysayan ng Tacloban

Ang Tacloban ay kabisera ng Lalawigan ng Leyte. Ang Leyte ay matatagpuan sa Rehiyon 8 ng Pilipinas na bahagi ng Silangang Visayas.

Ang Tacloban ay unang nakilala bilang kankabatok, na ang ibig sabihin ay “pag-aari ng mga kabatok“. Kabatok ang tawag sa mga unang naninirahan dito. Mayaman sa yamang tubig ang lugar na ito. May ginagamit silang isang uri ng basket na panghuli ng mga isda at alimango. Ang tawag nila dito ay Taklub. Kapag may mga darayo sa lugar, ang sinasabi nila ay pupunta sila sa Tarakluban. Pagtagal ay tinawag din itong Tacloban.

Ang Tacloban ay nakilala dahil sa ginampanang papel nito sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Dito naganap ang tanyag na pagbabalik ni General McArthur. Naganap ito sa baybaying White Beach ng Tacloban. Dito rin nagtayo ng base–militar ang puwersa ng mga Amerikano at ang bayang ito ang unang napalaya mula sa puwersa ng mga hapon. Naging pansamantala itong kapital ng Pilipinas habang ang Maynila ay nasa kapangyarihan pa ng mga Hapon.

Sa siyudad na ito nanggaling ang dating Unang Ginang ng Pilipinas na si Imelda Romualdez Marcos. Ang Pamilya Romualdez ay isa sa mga kilalang pamilyang politiko ng lugar. Ang paliparan ng Tacloban ay ipinangalan sa pamilyang Romualdez.

Kakaunti lang ang nakaka-alam kung kailan naging munisipalidad ang Tacloban dahil ang mga dokumentong nakapagpapatunay rito ay sinira ng bagyo. Pero marami ang naniniwala na ang Tacloban ay opisyal na naiproklamang munisipalidad noong 1770.

Level: Grade 7

Bilang ng mga salita: 237

Reference: http://www.tourisminthephilippines.com/city/Tacloban/tacloban-city-history-fil.php;

[transcriber’s note: the second reference line, http://leytetravel.com/tacloban_city.html, is cut off in the rendered page and is not visible]

Tanong:

Paano muling isasalaysay ang kasaysayan ng Tacloban City upang higit at madali itong maunawaan ng mga makikinig? Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Pagyamanin

Panuto: Babasahin ng iyong magulang ang kuwento at making nang mabuti upang masagutan ang mga tanong sa ibaba.

Pistang Bayan

Ang pagdiriwang ng pistang bayan ay labis na nagugustuhan ng mga Pilipino. Bago pa dumating ang kapistahan ay abala na ang mga tao sa paglilinis ng kani-kanilang mga tahanan, naglalagay ng mga palamuti sa mga lansangan at naghahanda ng mga pagkain.

Sa madaling-araw ng pista maririnig ang ingay ng mga baboy, kambing, itik, manok, bibe, baka, at iba pang hayop na kinakatay.

Sa araw ng kapistahan, makikita ang matatanda at mga bata na masayang nagsisimba, nanonood ng parada at sumasakay sa iba’t ibang uri ng sasakyang pampasaya.

Masaya rin silang pumupunta sa bahay ng mga kamag-anak at kaibigan upang mamista.

Sa gabi, sumasama sila sa prusisyon at nanonood ng mga palabas.

Pagkatapos ng pista, masaya silang naglilinis ng tahanan, nagliligpit ng mga pinagkainan at nagkukuwenta ng pinagkagastusan, subali’t makikita mo naman sa kanilang mga mukha ang labis na kaligayahan.

-Rosalinda A. Cabacang, Guro sa Filipino 5 & 6 Palanit ES San Isidro II

Gawain 1:

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

  1. Sa araw ng pista, aling ang dapat gawin?

a. sumasama sa prusisyon

b. naglilinis ng tahanan

c. masayang nagsisimba

d. manood ng palabas

  1. Batay sa kuwento, alin sa mga pangyayari ang dapat ay huling bahagi?

a. naglilinis ng tahanan

b. nagkukuwentuhan ng pinagkagastusan

c. masayang nagsisimba

d. nagkakatay ng baboy

  1. Bago dumating ang kapistahan, ano ang karaniwang unang ginagawa ng mga tao?

a. naglalagay ng dekorasyon

b. naglilinis ng tahanan

c. naghahanda ng pagkain

d. nagsisimba

  1. Pagsapit ng gabi ng kapistahan, ano ang ginagawa ng mga tao?

a. sumasama sa prusisyon at nanonood ng mga palabas

b. nanunuod ng parada

c. sumasakay sa iba’t ibang uri ng sasakyang pampasaya

d. masayang nagsisimba

  1. Sa araw ng kapistahan, ano ang karaniwang makikita.

a. mga bata at matatanda na nagsisimba

b. nagliligpit ng pinagkainan

c. nagkukwentuhan ng pinagka gastusan

d. nanunuod ng palabas

Gawain 2:

Panuto:

Ayusin ang sumusunod na pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod nito sa kuwento. Lagyan ito ng bilang isa (1) para sa una, dalawa (2) sa kasunod at hanggang 6 para sa pinakahuling pangyayari. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

*_____sumasama sa prusisyon

*_____naglilinis ng tahanan

*_____masayang nagsisimba

*_____naglalagay ng dekorasyon

*_____nagkukuwenta ng pinagkagastusan

*_____nagpapatay ng hayop

Gawain 3:

Balikan ang kuwentong “Pistang Bayan” at isalaysay muli ang mga pangyayari ayon sa pagkakalahad nito sa kuwento. Gamitin ang graphic organizer na nasa ibaba upang maisalaysay ito muli.

“Pistang Bayan”

[chart: flowchart; “Pistang Bayan” graphic organizer, five empty boxes connected by downward arrows]

Isaisip

Ang kronolohikal na paglalahad ng mga pangyayari sa isang babasahin ay mahalaga dahil ito ay nakapagpapadali sa pag-unawa sa binabasa. Madali mong naiintindihan ang iyong binabasa kung sunod-sunod ang pagkakalahad ng mahahalagang pangyayari. Tumatatak sa isipan ng mga mambabasa ang mga pangyayari sa isang babasahin kung maayos at sunod-sunod ang pagkakalahad nito.

Tanong:

1 Bakit mahalaga na sunod-sunod o kronolohikal ang pagkakalahad ng mga pangyayari sa isang akda lalo na ang kuwento?

2 Sumulat ng isang sanaysay na nagtataglay ng mga hakbangin.

Halimbawa: Ang tamang hakbang sa paghuhugas ng pinggan.

Naunawaan mo ba ang kahalagahan ng paggamit ng kronolohikal na pagsunod-sunod lalo na sa pagsasalaysay ng teksto? Madali lang, ‘di ba? Halika na at isagawa ang susunod na gawain.

Isagawa

Makinig at unawaing mabuti ang tekstong babasahin ng iyong kapatid. Sagutin mo ang mga gawain na nasa ibaba. Isulat ang iyong mga sagot sa iyong sagutang papel.

Ako si Maria, sampung (10) taong gulang at ulilang lubos. Ipinanganak na mahirap lamang subalit sa kabila ng kahirapan ay pinalaki ako ng aking mga magulang na responsable at may takot sa Diyos. Sa murang edad ay natuto na ako ng mga gawaing bahay at maghanap buhay para may makain sa araw-araw. Paggising sa umaga ay agad akong nagdarasal at nililigpit ko ang aking hinigaan.

Matapos kong magligpit ay nagluluto na ako ng aking almusal pati na rin ng baon ko sa pangangalakal. Bago ako umalis ng bahay ay kumakain muna ako saka dumeretso sa lugar kung saan maraming basura, na ang puwede kong pagkakitaan. Subalit ngayong araw ay kaunti lamang ang aking nakalakal kaya nagpasya akong umuwi na lamang at bumalik kinabukasan.

Gawain 1:

Pagsunod-sunurin ang mga pangungusap na nasa ibaba ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa napakinggang teksto. Lagyan ito ng bilang 1 para sa pangungusap na dapat una, hanggang sa 5 para sa huling pangungusap.

_____ Nagluto na ako ng aking almusal pati na rin baon.

_____ Umuwi na lamang at bumalik kinabukasan.

_____ Paggising sa umaga ay agad akong nagdarasal

_____ Kumain muna ako bago umalis ng bahay.

_____ Natuto na ako ng gawaing bahay at maghanapbuhay.

Isalaysay muli ang nabasang teksto sa paraang naunawaan mo. Gamitin ang Graphic Organizer na nasa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

[chart: flowchart; Gawain 2 graphic organizer, five empty rounded boxes connected by arrows]

Tayahin

Makinig ng balita tungkol sa kung paano tinutugunan ng ating pamahalaan ang pandemyang COVID-19. Talasan ang pandinig at ituon ang atensiyon sa nagsasalita. Kung maaari ay sikaping maibalangkas o maibuod ito. Isalaysay itong muli sa paraang kronolohikal na pagkakasunod-sunod. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

Madali mo bang natukoy ang iba’t ibang paraan o hakbang ng pagtugon ng pamahalaan ukol sa pandemyang COVID-19? Mabuti! Ito ay patunay na may sapat ka nang kaalaman upang masagutan ang karagdagang gawain.

Karagdagang Gawain

Sa tulong ng iyong magulang o kamag-anak, magtanong ka kung paano magluto tulad ng pagprito ng isda at iba pa. Gumamit ng bilang para sa unang hakbang hanggang sa huling hakbang sa pagluluto nito.

Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

Nasagutan mo ba lahat ng Gawain? Subukin pa natin ang iyong kakayahan upang mas lalo mo pang maunawaan.

Susi sa Pagwawasto

RUBRIK SA PAGSULAT NG TALATANG NAGSASALAYSAY MULI

Ang pagtataya ng pagwawasto para sa gawaing napapaloob sa modyul na ito ay rubrik na nasa ibaba

Pamantayan54321
NILALAMAN
pagsunod sa uri at anyong hinihingi
lawak at lalim ng pagtalakay
Nabibigyang halaga ang paksa
BALARILA
wastong gamit ng wika/salita
baybay, bantas, estruktura ng mga pangungusap
ORGANISASYON
lohikal na pagkakaayos/daloy ng mga idea
pagkakaugnay ng mga idea

5-Kumpleto at komprehensibo ang pagkakasunod-sunod ng sulat/hakbang

4-Kumpleto ang nilalaman ng mga hakbang

3-May ilang kakulangan sa impormasyon ng talata/sulat.

2- May ideya sa pagsulat ng mga hakbang ngunit hindi gaanong nauunawaan at may kulang sa mga salitang ginamit

1- Hindi maayos ang pagkakasunod-sunod ng ideyang nais ipabatid at walang panimula

Subukin
  1. 4
  2. 1
  3. 2
  4. 5
  5. 3
Balikan
  1. Iba’t ibang sagot
Tuklasin

Gawain 1:

  1. 5
  2. 3
  3. 2
  4. 4
  5. 1

Gawain 2: Iba’t ibang sagot

Suriin

Gawain 1:

  1. E
  2. A
  3. C
  4. B
  5. D

Gawain 2: Iba’t ibang sagot

Pagyamanin

Gawain 1

  1. B
  2. B
  3. B
  4. B
  5. A

Gawain 2: (5,1,4,2,6,3)

Gawain 3: Iba’t ibang sagot

Isagawa

Gawain 1:

  1. 3
  2. 5
  3. 2
  4. 4
  5. 1

Gawain 2: Iba’t ibang sagot

Tayahin

Iba’t ibang sagot

Karagdagang Gawain

Iba’t ibang sagot

Sanggunian

Patricia Jo C. Agarrado, et.al. (2016) Alab Filipino, Batayang Aklat, Ikalimang Baitang. Quezon City: Vibal Group, Inc. pp.55

http://www.tourisminthephilippines.com/city/Tacloban/tacloban-city-history-fil.php;http://leytetravel.com/tacloban_city.html

The Philippine Informal Reading Inventory Manual, DepEd, First Edition 2018

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *