Filipino 5 Quarter 3 Module 1: Paggamit ng Pang-Abay sa Paglalarawan ng Kilos at Pang-Uri sa Paglalarawan ng Katangian ng Pangngalan

This is the Filipino 5 self-learning module for Quarter 3, Module 1 (Ikatlong Markahan – Modyul 1), titled “Paggamit ng Pang-Abay sa Paglalarawan ng Kilos at Pang-Uri sa Paglalarawan ng Katangian ng Pangngalan” (using adverbs to describe actions and adjectives to describe the qualities of nouns). It is for Grade 5 learners studying at home under the Alternative Delivery Mode, with help from a parent or teacher. Prepared by DepEd Regional Office VIII (first edition, 2020), it guides learners through reading, examples, and practice so they can use both parts of speech correctly in their own sentences.

What learners will learn

By the end of the module, learners are expected to:

  • Use pang-abay (adverbs) to describe actions (F5WG-IIIa-c-6)
  • Use pang-uri (adjectives) to describe the qualities of nouns (F5WG-IIId-e-9)

The module is presented as one lesson, Aralin 1, with the same title as the module. A friendly guide character, Kokoy, talks to the learner throughout.

Pang-abay: words that describe actions

The module defines pang-abay (adverb) as a part of speech that modifies a verb, an adjective, or another adverb. It names three kinds, but this lesson focuses on the pang-abay na pamaraan (adverb of manner), which describes how an action is done.

Kind of pang-abayWhat it tellsQuestion it answersExample from the module
Pamanahon (time)When the action happensKailan? (when)Pumupunta kami sa Maynila taon-taon.
Panlunan (place)Where the action happensSaan? (where)Namasyal kami kahapon sa parke.
Pamaraan (manner)How the action happensPaano? (how)Umiiyak nang palihim ang ama.

More examples of pang-abay na pamaraan in the module: dahan-dahan, pabigla, pangiti, pabulong, sadya, pahalik, and agad.

The module also explains three small words that learners often mix up:

  • ng marks the doer or object of a verb, as in “Nagbasa ng makapal na modyul si Kia.”
  • nang is followed by an adverb or links a repeated verb, as in “Nagsayaw nang nagsayaw.”
  • na is a linker placed between a describing word and the word it describes, as in “malinis na bahay” and “masarap na pagkain.”

Pang-uri: words that describe nouns

Pang-uri (adjective) modifies a noun or pronoun. It describes the kind or quality of a person, thing, animal, place, or event. Examples: masipag, maganda, maamo, malayo, magaspang, masaya.

The module teaches the three degrees of adjectives:

  1. Lantay (simple): plain description, such as mainit, maaraw, makulay.
  2. Pahambing (comparative): compares two nouns or pronouns. Equal qualities use the prefixes magkasing-, sing-, or kasing- (kasing-init, magkasintamis). Unequal qualities use words like mas, higit na, di-gaano, and kaysa sa or kay, as in “Mas matangkad si Maria May kay June Reynald.”
  3. Pasukdol (superlative): the quality stands out above all. It uses pinaka-, napaka-, or kay-, the phrases ubod ng or walang kasing-, or a repeated adjective, as in “Kilalang-kilala ang Tarsier sa Bohol.”

Panghalip review

Because pang-uri also describes pronouns, the module reviews the five kinds of panghalip (pronoun): panao (personal, like ako and siya), pamatlig (pointing, like ito and iyon), pananong (question, like sino and saan), panaklaw (quantity, like lahat and madla), and pamanggit (linking, like na and ng).

Reading selection

In the Tuklasin part, learners read “Pangarap Pasyalan ni Andrea” (Andrea’s dream destination) by Maria May C. Froilan. It tells how Andrea studied hard, saved part of her salary, and finally visited the Underground River in Puerto Princesa, Palawan. Learners answer questions about the story and pick out the pang-abay and pang-uri used in it.

How to use this module

The module follows the usual parts of a DepEd self-learning module:

  1. Alamin: read the objectives.
  2. Subukin: a pretest where you find the pang-abay or pang-uri in five sentences. Do not worry about a low score; it only checks what you already know.
  3. Balikan: use five given words, such as padabog and maliksi, in your own sentences.
  4. Tuklasin and Suriin: read the story, answer the questions, and study the lesson.
  5. Pagyamanin: four practice activities, including filling in blanks with adverbs of manner and matching each adjective to the noun it describes.
  6. Isaisip and Isagawa: review the key points, then write sentences about situations like Christmas in the Philippines.
  7. Tayahin: the final assessment.
  8. Karagdagang Gawain: write a short essay about an environmental problem you face and how to solve it, using adverbs of manner and adjectives.

For learners: Write all answers on a separate answer sheet or in your notebook, and do not write on the module so others can use it. Check your work honestly with the answer key (Susi sa Pagwawasto) at the end, and contact your teacher if a lesson is hard to understand.

For parents: The pretest shows whether your child needs extra help. Many answers, such as the sentence-writing tasks, can vary; the key says to accept any answer that uses the pang-abay or pang-uri correctly.

For teachers: The module ends by pointing learners to the next lesson, Modyul 2, on sequencing events in a text that was listened to and retelling it.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this Filipino module for?

It is for Grade 5 Filipino, Quarter 3 (Ikatlong Markahan), Module 1.

What is the difference between pang-abay and pang-uri?

Pang-abay (adverb) describes a verb, an adjective, or another adverb, while pang-uri (adjective) describes a noun or pronoun. In this module, the focus is on the pang-abay na pamaraan, which tells how an action is done.

What are the three degrees of pang-uri?

Lantay is simple description, pahambing compares two nouns or pronouns, and pasukdol shows that a quality stands out above all, often using pinaka- or napaka-.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest and activities, and notes that sentence-writing answers may vary as long as the pang-abay or pang-uri is used correctly.

Which competencies does the module cover?

It covers F5WG-IIIa-c-6, using pang-abay to describe actions, and F5WG-IIId-e-9, using pang-uri to describe the qualities of nouns.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

CO_Q3_Filipino 5_ Modyul 1

Filipino

Ikatlong Markahan – Modyul 1: Paggamit ng Pang-Abay sa Paglalarawan ng Kilos at Pang-Uri sa Paglalarawan ng Katangian ng Pangngalan

[illustration: students studying under a tree and at a table, a woman teaching, a child reading by a lamp, and two students with a globe]

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

Filipino – Ikalimang Baitang

Alternative Delivery Mode

Ikatlong Markahan – Modyul 1: Nagagamit ang Pang-abay sa Paglalarawan ng Kilos at Pang-uri sa Paglalarawan ng Katangian ng Pangngalan Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa aklat na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Regional Office VIII Office Address: Government Center, Candahug, Palo, Leyte Telefax: (053) 832-2997 E-mail Address: region8@deped.gov.ph

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Maria May C. Froilan Editor: Julito E. Lagrimas, Cristina M. Giray Tagasuri: Ronaldo Verano Tagaguhit: Argie Ty Tagalapat: Beatrice A. Olmedo, Ma. Dianne Joy R. dela Fuente Tagapamahala: Ma. Gemma M. Ledesma | Arnulfo M. Balane Rose Marie M. Guino | Joy B. Bihag Ryan R. Tiu | Gorgonio G. Diaz Jr. Crista Joy A. Torbila | Alex B. Rejuso Isagani E. Licas | Lucila R. Balondo Elvira R. Ribo | Julito E. Lagrimas Beatrice A. Olmedo | Teodorico C. Peliño Jr.

Filipino

Ikatlong Markahan – Modyul 1: Paggamit ng Pang-Abay sa Paglalarawan ng Kilos at Pang-Uri sa Paglalarawan ng Katangian ng Pangngalan

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Kumusta ka na kaibigan? Naaalala mo pa ba ako? Ako ang iyong kaibigang si Kokoy na makakasama mo sa iyong paglalakbay. Binabati kita dahil natapos mo ang Ikalawang kuwarter ng modyul. Ipagpatuloy natin ang ating paglalakbay sa ikatlong kuwarter ng iyong modyul. Nakahanda ka na ba sa panibagong paglalakbay? Sigurado ako na mas magiging masaya ka dahil maguusap tayo tungkol sa mga usapin sa ating lipunan.

Hindi ka rin mahihirapan sa pag-aaral mo dahil ang modyul na ito ay isinulat batay sa iyong kakayahan. Tiyak na ang mga pag-aaralan mo ay iyong kapapanabikan lalo na’t ito ay mga babasahing pupukaw ng iyong kaisipan at interes.

Pagkatapos nang ating paglalakbay, ikaw ay inaasahang:

a. Nakagagamit ng pang-abay sa paglalarawan ng kilos; at (F5WG-IIIa-c-6)

b. Nakagagamit ng pang-uri sa paglalarawan ng katangian ng pangngalan (F5WG-IIId-e-9)

[illustration: cartoon boy holding a laptop with an apple logo]

1

CO_Q3_Filipino 5_ Modyul 1

Subukin

Gawain 1: Panuto: Basahin ang sumusunod na parirala. Pagkatapos, piliin ang pang-abay o pang-uri na ginamit sa bawat bilang, at isulat mo ang mga ito sa iyong sagutang papel.

Huwag kang matakot sa pagsasanay na ito. Layon lamang nitong masukat ang dati mo nang kaalaman tungkol sa paksa.

Handa ka na ba?

Magsimula ka na.

  1. Matagumpay na nakapasa sa pagsusulit si Ana.
  2. Patiwarik na nahulog ang mangga at santol na nasa mesa.
  3. Napakaganda ng boses ng batang umawit sa Tawag ng Tanghalan.
  4. Pagalit na kinausap ni Nanay Eday si bunso dahil sa pasong nabasag.
  5. Mabilis na tumakas ang batang kumuha ng malalaking mangga sa puno.

Mahusay kaibigan! Nagawa mong sagutan ang paunang pagtataya upang malaman ang iyong kaalaman hinggil sa ating mga paksang tatalakayin. Huwag kang mag-alala kung mababa man ang iskor na iyong nakuha dahil nakatitiyak ako na pagkatapos ng araling ito ay mapa-uunlad mo pa ang iyong kaalaman. Dagdagan mo lang ang iyong pagsisikap habang tayo’y naglalakbay.

[illustration: cartoon boy holding a laptop with an apple logo]

2

CO_Q3_Filipino 5_ Modyul 1

Aralin 1: Paggamit ng Pang-abay sa Paglalarawan ng Kilos at Pang-Uri sa Paglalarawan ng Katangian ng Pangngalan

Magandang buhay! Isang panibagong paglalakbay ito ng iyong pag-aaral. Magiging bahagi rito ang paggamit ng pang-abay sa paglalarawan ng kilos ng pandiwa, at pang-uri sa paglalarawan ng katangian ng pangngalan at panghalip. At alam mo ba kung ano ang pagkakaiba ng dalawang ito? Malalaman mo ang sagot sa nasabing tanong sa susunod na aralin. Siguradong hindi ka maliligaw sa ating paglalakbay.

[illustration: cartoon boy holding a laptop with an apple logo]

Pero kaibigan, bago ka tuluyang maglayag sa araling nabanggit, balikan mo muna ang katuturan ng dalawang bahagi ng pananalitang ating pag-aaralan, ang Pang-abay at Pang-uri. Siguro naaalala mo pa ang mga ito, ano? Magaling! Halina’t pag-aralan mo ang kasunod na mga kaisipan.

Ang Pang-abay ay bahagi ng pananalita na nagbibigay turing sa pandiwa, pang-uri, at kapwa pang-abay. Samantala, ang Pang-uri naman ay nagbibigay turing sa pangngalan at panghalip. Inilalarawan nito ang katangian ng tao, bagay, hayop, pook, o pangyayari.

Subukan mong suriin nang mabuti ang mga nakahilig na mga salita sa sumusunod na halimbawa sa ibaba. At maghanda rin para sa susunod na mga gawain.

Halimbawa ng Pang-abay: -Niyakap ko siya nang mahigpit -Pupunta ako bukas sa palengke

Halimbawa ng Pang-uri: –Mapait ang naging karanasan ng buong mundo sa sakit na Corona Virus. –Napakalungkot ang naging karanasan ni Angelo nang siya ay ma-quarantine ng 14 na araw.

3

CO_Q3_Filipino 5_ Modyul 1

Balikan

Gawain: Panuto: Gamitin nang tama sa isang pangungusap ang sumusunod na pang-abay at pang-uri sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

  1. padabog

  1. malawak

  1. maliksi

  1. taos-puso

  1. sa susunod na taon

Magaling! Upang lalo mo pang mapagyaman ang iyong kaalaman kaugnay sa paksang higit na tatalakayin, maghanda at tuklasin mo ang tungkol sa paggamit ng pang-abay sa paglalarawan ng kilos at pang-uri sa paglalarawan ng katangian ng pangngalan at panghalip. Sige, simulan mo na!

[illustration: cartoon boy holding a laptop with an apple logo]

4

CO_Q3_Filipino 5_ Modyul 1

Tuklasin

Gawain: Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang kuwento. Pagkatapos, subukang sagutin nang tama ang kasunod na mga tanong sa ibaba. Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.

Pangarap Pasyalan Ni Andrea

Akda ni Maria May C. Froilan

Noong bata pa lamang si Andrea, lagi na siyang namamasyal sa palibot ng kanilang tumana. Pangarap niyang malibot ang mga sikat na pasyalan sa buong Pilipinas. Mahirap lamang sila kaya naman siya ay nagsunog ng kilay sa pag-aaral upang makamit ang kaniyang pangarap na maging isang flight stewardess nang sa gayon ay malibot niya ang mga gusto niyang makita at mapasyalang lugar. Sa kaniyang pagsusumikap siya’y nagtapos ng pag-aaral at agad na nakahanap ng trabaho pero hindi ang pagiging flight stewardess. Sa buwanang sahod niya ay nagtatabi o nag-iipon siya ng kaunting halaga para sa pinapangarap na papasyalang lugar.

Isa sa mga nasa bucket list niya na puntahan ay ang Palawan. Matatagpuan dito ang Underground River na nasa Puerto Princesa. Ayon sa kaniyang nabasa, kasama ito sa 7 Wonders of the World dahil sa nakahuhumaling na kagandahan ng kuweba nito. Sabik na sabik niyang puntahan ang mga nasabing lugar lalo na ang makasakay sa naglalakihan at makukulay na bangka papunta sa mga lugar na iyon.

Buwan ng Mayo, summer time ika nga, nag-file ng leave of absence si Andrea sa pinagtatrabahuhang kumpanya. Kasama ang pinsang si Jade ay pumunta sila sa Puerto Prinsesa, Palawan. “Wow! Sadyang ang gaganda at ang lalaki ng mga bangka rito!”, bulalas na sambit ni Andrea habang sakay sila patungong Underground River. Hindi niya alintana ang hampas ng alon habang binabaybay ang napakalawak at matingkad na kulay asul na karagatan, Aliw na aliw si Andrea at Jade na panay ang pagkuha ng litrato sa dinaraanang naglalakihang bato.

Pagdaong na pagdaong ng bangka ay agad na tumalon si Andrea at sabik na yumakap sa karatula na may nakasulat na Welcome to Underground River at kumuha ng litrato. Halos nanlaki ang singkit niyang mga mata sa pananabik na makita ang loob ng kuweba. Sumakay sila sa pansampuang bangka na may taga sagwan, tourist guide at isang taga hawak ng ilaw na tanglaw sa loob ng kuweba. Manghang-mangha at sabik na sabik na nakikinig si Andrea sa bawat sinasabi ng tourist guide habang nililibot ang kabuuang lawak ng kuweba.

Naglalakihang stalactites at stalagmites ang kaniyang nakita at siya’y aliw na aliw at buong paghangang kinukuhanan ng litrato ang bawat makita. “Hoy! Andrea!” sigaw ni Jade sa nakatulalang si Andrea habang walang kurap na tinititigan ang unti-unti nilang paglayo sa kuweba pabalik sa kabayanan ng Palawan kung saan

sila naka check-in sa isang hotel. OMG! “Sa wakas, narating din kita Palawan. Akala ko sa panaginip lang kita mararating.” ang sambit ni Andrea na punumpuno ng kagalakan.

Mga tanong:

  1. Saan malimit namamasyal si Andrea noong bata pa siya?
  2. Ano ang ginawa ni Andrea para makamit ang kaniyang mga pangarap?
  3. Paano natupad ni Andrea ang kaniyang kasabikan na makapasyal sa isa sa bucket list niyang lugar?
  4. Ano-anong mga pang-abay ang ginamit sa kuwento? Sumipi nang ilan.
  5. Ano-anong mga pang-uri ang ginamit sa kuwento? Sumipi ng ilang binanggit na halimbawa mula sa kuwento.

[illustration: magnifying glass with a question mark, beside the heading “Suriin”]

Suriin

Ang Pang-abay – ay bahagi ng pananalita na tumuturing sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay.

Narito ang ilang halimbawa ng Pang-abay:

  • Sabik na yumakap si Andrea sa nakapaskil na karatula pagdating sa kuweba.
  • Buwan-buwan na nagtatabi ng kaunting halaga si Andrea ng kaniyang sahod.
  • Talagang kitang-kita ang pagsusumikap ni Andrea na makapagtapos ng pag-aaral
  • Masigasig na tinupad ni Andrea at Jade na mapuntahan ang Underground River.

[transcriber’s note: in the original, the adverbs in these four examples are underlined: “Sabik”, “Buwan-buwan”, “Talagang”, “Masigasig”]

May iba’t ibang uri ang Pang-abay, ngunit tandaan, ang tuon ng ating pag-aaral ngayon ay ang Pang-abay na Pamaraan o Pang-abay na naglalarawan ng kilos ng Pandiwa.

Uri ng Pang-abay
  1. Pang-abay na Pamanahon– nagsasaad ng panahon ng pagganap ng kilos ng pandiwa at kalimitang sumasagot sa tanong na kailan.


    Halimbawa: Umpisa bukas ay gigising na ako nang maaga.
    Pumupunta kami sa Maynila taon-taon.


  2. Pang-abay na Panlunan– nagsasaad ng pook o lugar na pinangyarihan ng kilos na isinasaad ng isang pandiwa. Ito ay sumasagot sa tanong na saan.


    Halimbawa: Maraming masarap na pagkaing itinitinda sa kantina.
    Namasyal kami kahapon sa parke ng aking pamilya.


  3. Pang-abay na Pamaraan– nagsasaad o naglalarawan kung paano nangyari ang kilos ng pandiwa. Kalimitang sumasagot sa tanong na paano.


    Halimbawa: Mahigpit niyang niyakap si ama.
    Umiiyak nang palihim ang ama.
    Patagilid kung matulog si Kuya.


Ang ng ay ginagamit bilang pang-ukol (preposition) na pananda ng tagaganap ng pandiwa (doer of the action verb).

Halimbawa: Nagbasa ng makapal na modyul si Kia.

Ang nang ay ginagamit bilang pananda na sinusundan ng pang-abay (adverb).

Halimbawa: Nagsayaw nang nagsayaw

Ang na ay ginagamit bilang pang-angkop na inilalagay sa pagitan ng salitang naglalarawan at inilalarawan na ang nauuna’y nagtatapos sa katinig maliban sa n.

Halimbawa: Malinis na bahay, masarap na pagkain

Narito ang ilang pang halimbawa ng Pang- abay na Pamaraan:

dahan-dahan pabigla pangiti pabulong sadya pahalik agad

Ang Pang-uri – ay bahagi ng panalitang tumuturing sa pangngalan at panghalip na panao. Salitang naglalarawan ng uri o katangian ng tao, bagay, hayop, pook, o pangyayari.

Mga halimbawa ng mga salitang Pang-uri: masipag, maganda, maamo, malayo, magaspang, masaya

[transcriber’s note: in the original, the examples “bukas”, “taon-taon”, “sa kantina”, “sa parke”, “palihim”, and “Patagilid” are underlined]

May tatlong kaantasan ng pang-uri:
  1. Lantay– ito ang pinakasimpleng paraan ng paglalarawan sa katangian.


    Mga Halimbawa: mainit, maaraw, makulay
    Maaaring gamitin ang mga pang-uring nasa payak na anyo (e.g., payat, banal atbp..)


  2. Pahambing-pinaghahambing ang katangian ng dalawang pangalan o panghalip.


    a. Kapag magkapareho ang katangiang pinaghahambing, ito’y kinakabitan ng mga unlaping magkasing-, sing- o kasing-


    Mga Halimbawa: kasing-init magkasintamis kasinlalim


    b. Kapag hindi magkapareho ang katangiang pinaghahambing, ginagamitan naman ito ng mga kataga o salitang tulad ng mas, higit na, o di-gaano, at kaysa sa o kay


    Mga halimbawa:
    Mas matangkad si Maria May kay June Reynald.
    Higit na matangkad si Jan Francel kaysa kay Kia Mae.


  3. Pasukdol– ang katangian ng Pangngalan o Panghalip kung ito ay namumukod o katangi-tangi sa lahat. Ginagamitan ito ng mga unlaping pinaka-, napaka-, o kay-.


    Mga Halimbawa:
    pinakamainit napakainit pinakamaganda napakaganda


    Maaari ding idagdag ang mga salitang ubod ng o walang kasing-


    Halimbawa:
    Ubod ng bigat ang Dugong.
    Walang kasing lalim ang Karagatang Pasipiko.
    Napakaganda ng nanalong Miss Universe 2019.


    Maaaring ring ulitin ang pang-uri upang ipahayag ang kaantasang pasukdol.


    Halimbawa:
    Kilalang-kilala ang Tarsier sa Bohol.
    Kamangha-mangha ang mga agila sa Davao.
    Nakakabighani ang kagandahan ng dagat sa Coron Palawan.


[illustration: a cartoon boy holding a tablet, with a speech bubble reading “Magaling kang bata! Naging malinaw ba sa iyo ang aralin?”]

Magaling kang bata! Naging malinaw ba sa iyo ang aralin?

Panghalip– ay bahagi ng pananalita na ginagamit na panghalili o pamalit sa ngalan ng tao, bagay, pook, o pangyayari. Ang panghalip ay may limang uri:

  1. Panghalip na panao-ginagamit panghalili sa ngalan ng tao.


    Hal: ako, siya, tayo, sila


  2. Panghalip na pamatlig-ay ginagamit panturo sa isang bagay.


    Hal. ito, iyan, iyon, doon


  3. Panghalip na pananong-ginagamit sa pagtatanong tungkol sa tao, pook, bagay at pangyayari


    Hal. Sino, saan, alin, kanino, anu-ano, sinu-sino


  4. Panghalip na panaklaw-nagsasaad ng dami o bilang ng tao o bagay.


    Hal. lahat, alinman, madla


  5. Panghalip na pamanggit– ginagamit bilang tagapag-ugnay ng dalawang pananalita.


    Hal.: na, ng


Pagyamanin

Gawain 1: Panuto: Mula sa pagpipiliang mga sagot sa loob ng kahon, punan ang patlang na nakalaan sa bawat pangungusap sa ibaba ng angkop na pang-abay na pamaraan. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

palukso napakabilis tahimik maingat padausdos

  1. _____ na magsalita ng aming panauhin.
  2. Tinawid ni Ericson nang _____ ang kanal.
  3. _____ na naglakad palayo ang pulubi.
  4. Si Noli ay _____ na bumaba mula sa itaas ng niyog.
  5. Ang bundok ay _____niyang inakyat.

Gawain 2: Panuto: Suriing mabuti ang sumusunod na pangungusap sa ibaba. Pagkatapos, tukuyin ang pang-abay na pamaraan at pandiwang tinuturingan sa bawat pahayag. Gawing gabay ang halimbawa sa ibaba sa pagsagot sa gawaing ito. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.

Halimbawa: Padabog na kinuha ni Riza ang balde na puno ng tubig.

Padabog – kinuha Pang-abay Pandiwa

  1. Malumanay na sinagot ni Rizal ang kanyang Ina.
  2. Ang trumpo ay paikot na pinaglaruan ng mga bata.
  3. Ang biko ay malinamnam na kinain ng mga dumalo sa kasiyahan.
  4. Ang van ay pagiwang-giwang na nahulog sa bangin.
  5. Pakusot na nilabhan ni Nanay ang aking mga medyas.

Gawain 3: Panuto: Salunggihatan ang pang-uring ginamit sa sa bawat pangungusap. Kopyahin ang mga pangungusap sa sagutang papel.

  1. Matingkad na kulay asul na tubig ang makikita sa karagatan ng Palawan.
  2. Dahil sa COVID-19, lumubo ang bilang ng mga nawalan ng trabaho.
  3. Matumal ang negosyo nang ipatupad ang GCQ sa Metro Manila.
  4. Ang lahat ng mga pasyalan sa buong Pilipinas ay matamlay dahil sa pandemya.
  5. Malungkot ang taong nagpositibo sa Covid-19.

Gawain 4: Panuto: Unawaing mabuti ang sumusunod na pangungusap. Pagkatapos, tukuyin ang pang-uri at ang tinuturingan nitong pangngalan o panghalip sa bawat pahayag. Gawing gabay ang halimbawa sa ibaba sa pagsagot sa gawaing ito. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.

Halimbawa: Ang pamilya ni Kiko ay masayang nagpiknik.

masaya – pamilya ni Kiko Pang-uri Pangngalan

  1. Malakas ang agos ng tubig sa pampang.
  2. Malutong pa ang pakwan na pinitas ni Johnny.
  3. Kahel ang kulay ng damit ni Lola.
  4. Siya ay may porselanang kutis.
  5. Ang bulaklak sa parang ay mahalimuyak.
Isaisip

[illustration: light bulb]

Tandaan!

Ang Pang-abay ay bahagi ng panalita na tumuturing sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay.

Ang Pang-abay na Pamaraan ay uri ng pang-abay na naglalarawan ng kilos ng pandiwa. Kalimitang ito ay sumasagot sa tanong na paano.

Ang Pang-uri ay bahagi ng panalita na tumuturing sa pangngalan at panghalip. Inilalarawan nito ang katangian ng tao, bagay, pook, o mga pangyayari.

Isagawa

[illustration: wrench and bolts]

Gawain: Panuto: Bumuo ng isang pangungusap na ginamitan ng angkop na pang-abay o pang-uri ayon sa hinihingi ng sitwasyon. Gawin ito sa iyong kuwaderno. Gawing gabay sa pagsagot ang halimbawa sa ibaba.

Halimbawa: mga gawain sa bahay Maingat na niluluto ni Nanay ang ulam.

  1. karanasan sa covid-19 pandemya



  2. ginagawa sa loob ng paaralan



  3. nakikita sa loob ng mall



  4. dinaanan ng bagyo



  5. Pasko sa Pilipinas



[transcriber’s note: in the original, the example sentence “Maingat na niluluto ni Nanay ang ulam.” is underlined]

Tayahin

Gawain 1

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang maikling kuwento. Pagkatapos, piliin ang mga pang-abay na pamaraan at mga pang-uri na ginamit sa kuwento. Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.

Si Bebeth ay nakatira sa isang maliit na kubo sa isang nayon. Araw-araw ay ginagawa niya ang mga gawaing bahay nang masinop. Tahimik niyang nilalabhan ang mga damit, maayos na niluluto ang mga pagkain, at mabilis niyang nililinis ang kanilang bahay. Kaya palagi siyang pinupuri sa kanilang lugar dahil sa kaniyang kasipagan. Libangan na niya ang maglaro sa mayabong na puno. Tuwing hapon, kasama niya ang kaniyang masipag na nanay na pumupunta sa kapilya at taimtim na nagdarasal para maligtas sa sakit na Covid-19. Lumalakad nang paluhod si Bebeth tuwing sila’y nagdarasal sa kapilya. Masayang-masaya siya tuwing papauwi na sila ng kaniyang nanay galing sa kapilya.

Gawain 2

Panuto: Tukuyin kung anong uri ng pang-abay ang nasalungguhitan sa bawat pangungusap. Ito ba’y pamaraan, pamanahon o panlunan? Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

  1. Maingat na inakyat ni Jushua ang puno ng abokado.
  2. Si Alden ay kanina pa naghihintay kay Maine.
  3. Mahinahong nag-uusap sina Pang at Abay sa may daan.
  4. Sa kalsada naglaro ang mga bata kaya sila pinagalitan ng kanilang mga nanay.
  5. Maingay na pumasok sina Nora at Sharon sa kanilang silid-aralan.

Karagdagang Gawain

Gawain

Panuto: Gamit ang mga pang-abay na pamaraan at mga pang-uri, sumulat ng isang maikling sanaysay tungkol sa mga suliraning pangkapaligiran na kasalukuyan ninyong nararanasan, at kung paano ito malulunasan. Gawin mo ito sa iyong sagutang papel.

[illustration: a boy holding a laptop with an apple logo, speech bubble text below]

Napakahusay mo kaibigan!

Natapos at napagtagumpayan mo ang araling ito. Sana’y naikintal sa iyong isipan ang lahat ng mga napag-aralan natin tungkol sa paglalarawan gamit ang mga pang-abay at pang-uri. Sa wakas, tapos na tayo sa araling ito. Ngunit, muling ihanda ang iyong sarili sa susunod na bagong aralin, ang

Modyul 2: Pagsunod-sunod ng mga pangyayari sa tekstong napakinggan at pagsasalaysay sa napakinggang teksto.

Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: the answer-key boxes on this page are printed upside down; they are transcribed here in reading order and upright]

Subukin
Gawain 1
  1. matagumpay
  2. patiwarik
  3. napakaganda
  4. pagalit
  5. mabilis
    malalaki
Tuklasin
Gawain 1
  1. sa tumana
  2. Nagsunog ng kilay sa pag-aaral
  3. nag-ipon ng sahod buwan buwan
  4. sa tumana, sabik na yumakap, nagsunog ng kilay, nahumaling sa kagandahan,
  5. lumuwa, napakalawak, matingkad ang mata, naglalakihang bato
Gawain 2
  1. Malimit mamasyal sa tumana si Andrea.
  2. Si Andrea ay nagsunog ng kilay o aral nang mabuti para makamit ang pangarap.
  3. Nag-ipon si Andrea ng kanyang sahod para may magastos siya sa pagpasyal sa mga lugar na kanyang pinapangarap na marating.
  4. Ang mga pang-abay na ginamit sa kuwento ay: nagsunog ng kilay, sabik na sabik, sa palibot, unti-unti, mangha-manghang
  5. Ang mga pang-uri na ginamit sa kuwento ay: kaunti, makukulay, matingkad
Balikan
Gawain 1

(Tanggapin ang iba-ibang pangungusap na isusulat ng mga bata. Pero puwede ganito ang mga sagot;)

  1. Padabog na kinuha ng bata ang kanyang bag.
  2. Ang kanilang palayan ay nasa malawak na lupa.
  3. Ang bata ay maliksing tumatalon.
  4. Taus-pusong pinasasalamatan ng punong-guro ang kanyang mga guro.
  5. Ang kanilang pagtatapos sa pag-aaral ay sa susunod na taon.
Pagyamanin
Gawain 1
  1. napakabilis
  2. palukso
  3. marahan
  4. padausdos
  5. maingat
Gawain 2
  1. malumanay – sinagot
  2. paikot – pinaglaruan
  3. malinamnam – kinain
  4. pigiwang-giwang – nahulog
  5. pakusot – nilabhan
Pagyamanin
Gawain 3
  1. Matingkad ang kulay asul na tubig ang makikita sa karagatan ng Palawan.
  2. Dahil sa COVID-19, lumubo ang bilang ng mga nawalan ng trabaho.
  3. Matumal ang negosyo nang ipatupad ang GCQ sa Metro Manila.
  4. Ang lahat ng mga pasyalan sa Maynila ay matamlay dahil sa pandemya.
  5. Malungkot ang taong nagpositibo sa covid-19.
Gawain 4
  1. malakas – agos ng tubig
  2. malutong – pakwan
  3. kahel – kulay ng damit
  4. may porselanang – kutis
  5. mahalimuyak – bulaklak
Isagawa

(Maaaring magkakaiba ang sagot ng mga mag-aaral. Ang isaalang-alang sa pagwawasto ay ang kaangkupan sa paggamit ng Pang-abay o Pang-uri sa ipinahahayag na kaisipan.)

Gawain
  1. (Maaaring magkakaiba ang sagot ng mga mag-aaral. Ang isaalang-alang sa pagwawasto ay ang kaangkupan sa paggamit ng Pang-abay o Pang-uri sa ipinahahayag na kaisipan.)
  2. Mga magulang na kumukuha at naghahatid ng mga modules. (maaaring iba ng mga sagot – tanggapin ang pagkakaiba kung kaangkupan sa paggamit ng pang-abay o pang-uri.)
  3. Magagarang kasuutan ang mamamalas mo sa loob ng SM Mall.
  4. Pahandusay na nangabuwal ang mga puno ng niyog dahil sa bagyo.
  5. Ang Pasko sa Pilipinas ay masagana.
Tayahin
Gawain 1
  1. pamaraan
  2. pamanahon
  3. pamaraan
  4. panlunan
  5. pamaraan
Gawain 2
  1. pamaraan
  2. pamanahon
  3. pamaraan
  4. panlunan
  5. pamaraan
Karagdagang Gawain

Tanggapin ang mga naisulat ng mga bata na may konsiderasyon sa wastong gamit ng Pang-abay at Pang-uri

Sanggunian

Julian, Aileen Baisa 2018. Pinagyamang Pluma 5, Wika at Pagbasa para sa Elementarya, Quezon City: PhoenixPublishing House, Inc.

Agarrado, Francia, Guerrero III, and Gojo Cruz.2016. Alab Filipino 5 Batayang Aklat, pahina 109-110, Vibal Group.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *