This is Module 10 for Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) Grade 5, Quarter 3 (Ikatlong Markahan). Its title is “Paglikha ng Proyekto Gamit ang Iba’t ibang Multimedia at Technology Tools” (creating a project using different multimedia and technology tools). It is a self-learning module from DepEd Region VIII (First Edition, 2020). It helps Grade 5 learners use tools such as audio, video, and graphics to support community rules on cleanliness, safety, health, and peace, using real projects from the COVID-19 pandemic as examples.
What learners will learn
The module has one learning competency:
- Make a project using different multimedia and technology tools to support laws on cleanliness, safety, health, and peace (kalinisan, kaligtasan, kalusugan, kapayapaan), and take part honestly in activities that help the country and the world. (EsP5PPP-IIIi-31-32)
Lessons in this module
The module has one lesson:
- Aralin 1: Paglikha ng Proyekto Gamit ang Iba’t ibang Technology Tools (creating a project using different technology tools). Learners see how modern technology is a fast and effective way to carry out community projects. They then plan and make their own project with a multimedia tool.
Key ideas: technology and multimedia during the pandemic
The module builds on the previous module, where learners studied the kinds of technology and multimedia tools and how to use them responsibly. It reminds learners that on March 11, 2020, the World Health Organization (WHO) declared the COVID-19 outbreak a pandemic. Large gatherings were banned, people stayed home, and face masks and face shields were required outside. With fewer authorities able to keep order in person, technology and multimedia tools became a key way to share information about projects, help for citizens, and laws.
The five tools and the module’s examples
| Tool | Example project from the module |
|---|---|
| Audio | The Telemedicine Service Hotline and Bayanihan E-Konsulta, where patients with COVID-19 symptoms can call instead of going to a hospital |
| Graphics | Graphs showing the share of the population already vaccinated, plus information on vaccines and health rules (such as the Bida Bakunation materials) |
| Video | Explaining the contents of Republic Act No. 11469, the Bayanihan to Heal as One Act, passed as a response to COVID-19 |
| Animation | Showing, during the nationwide lockdown, ways to stay healthy and keep surroundings clean, such as proper handwashing |
| Text | Contact tracing, using paper or online information sheets to find people who were near a COVID-19 patient (such as the StaySafe app) |
Citizens helping each other
The module also points to projects started by ordinary people. One example is the community pantry, with the motto “Magbigay ayon sa kakayahan, Kumuha batay sa pangangailangan” (give according to your ability, take according to your need). Technology and multimedia helped this idea spread across the country. The module says this shows that Filipinos still live by unity, bayanihan (community cooperation), and care for one another.
Even at home, Grade 5 learners can help. They can stay informed and share correct information by making posters, announcements, short videos, and recordings.
Activities in the module
- Subukin (pretest): 10 multiple-choice questions on COVID-19, RA 11469, and the projects above.
- Balikan (review): Unscramble letters to name the five tools: text, video, graphics, animation, and audio.
- Tuklasin: Fill in a table of barangay rules on health, safety, peace, and cleanliness and how each was announced. Then answer five guide questions.
- Pagyamanin: List barangay projects, how they are carried out, and the tool used. The example is a lockdown announced through a public address system (audio).
- Isaisip: Complete a graphic organizer on how these tools help the community and why we must use them responsibly.
- Isagawa: Choose one project. Options are a digital poster for the program “Bakuran Mo, Gulayan Mo” (encouraging home vegetable gardens), an audio ad reminding people to keep their distance and wear face masks, or a video ad on proper handwashing. It is scored with a rubric of 20, 15, 10, or 5 points.
- Tayahin (post-test): 10 multiple-choice questions.
- Karagdagang Gawain: Think of a community project and present it as an ad in audio, text, video, graphics, or animation form. It is graded on timeliness (30%), creativity (30%), use of technology tools (30%), and on-time submission (10%).
How to use this module
Learners: Start with the pretest, then work through the parts in order. Write all answers on separate paper and do not write on the module, so others can use it. Check your work honestly with the answer key (Susi sa Pagwawasto). Contact your teacher if anything is unclear.
Parents and guardians: Help your child find examples of barangay rules and announcements for Tuklasin and Pagyamanin. Help with a phone or other device if your child chooses an audio or video project.
Teachers: The answer key covers the pretest, Balikan, and post-test. Tuklasin, Pagyamanin, Isaisip, Isagawa, and Karagdagang Gawain have open answers, so use the rubrics in the module to grade them. The module says it comes with a separate teacher’s or facilitator’s guide.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this EsP module for?
It is for Grade 5 Edukasyon sa Pagpapakatao, Quarter 3 (Ikatlong Markahan), Module 10.
What competency does the module cover?
Learners make a project using different multimedia and technology tools to support laws on cleanliness, safety, health, and peace (EsP5PPP-IIIi-31-32).
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for the pretest, the Balikan review, and the post-test. The other activities have open answers and are graded with rubrics.
What project can learners choose in the Isagawa activity?
They can make a digital poster for the Bakuran Mo, Gulayan Mo gardening program, an audio ad about distancing and wearing face masks, or a video ad on proper handwashing.
What are the five multimedia and technology tools in the module?
Text, video, graphics, animation, and audio.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikatlong Markahan – Modyul 10: Paglikha ng Proyekto Gamit ang Iba’t ibang Multimedia at Technology Tools
[illustration: mga batang nagbabasa at nag-aaral sa ilalim ng puno, may guro, globo, at lampara]
PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI
CO_Q3_ESP 5_ Modyul 10
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 10: Paglikha ng Proyekto Gamit ang Iba’t ibang Multimedia at Technology Tools Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Maria Fe P. Alas, Juliet L. Lim Editor: Josefina E. Tanciongco, Maria Cicelia B. Pacantarra Tagasuri: David C. Alcober, Mico May R. Cayaco Tagaguhit: Crisanto L. Lopera, Lemuel P. Valle Jr. Tagalapat: Gualberto R. Gualberto Jr. Tagapamahala: Ramir B. Uytico Arnulfo M. Balane Rosemarie M. Guino Joy B. Bihag Ryan R. Tiu Amenia C. Aspa Mariza S. Magan Edgar Y. Tenasas Mark Chester Anthony G. Tamayo Gretel Laura M. Cadiong Ranulfo L. Baay Juliet L. Lim
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Region No. VIII Office Address: Government Center, Candahug, Palo, Leyte Telefax: 053 – 323 – 3156 E-mail Address: region8@deped.gov.ph
[transcriber’s note: this page repeats the cover title block (“Edukasyon sa Pagpapakatao / Ikatlong Markahan – Modyul 10: Paglikha ng Proyekto Gamit ang Iba’t ibang Multimedia at Technology Tools”) with the DepEd logo and the number 5; it is not transcribed again]
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Ang kapayapaan na minimithi ng bawat isa ay nag-uugat sa pagkakaisa at pagtutulungan ng mga mamamayan sa mga gawaing makatutulong sa bansa at sa daigdig. Maraming mga gawain na bagaman maliit ngunit malaki ang naitutulong nito sa pag-unlad ng ating bansa. Ang paggawa natin ng mga gawaing iniatang sa atin ay nararapat lamang na gawin nang buong husay at may katapatan.
Ang sumusunod na mga layunin ang tatalakayin sa modyul na ito:
- Nakakagawa ng isang proyekto gamit ang iba’t ibang multimedia at technology tools sa pagpapaunlad ng mga batas sa kalinisan, kaligtasan, kalusugan, kapayapaan at nakikiisa nang buong tapat sa mga gawaing nakatutulong sa bansa at daigdig. (EsP5PPP-IIIi-31-32)
Subukin
Panuto: Basahin ang mga tanong at ilagay ang letra ng sagot sa sagutang papel.
Kailan inanunsyo ng WHO ang Covid-19 outbreak bilang isang ganap na pandemya?
- A. Abril 21, 2020
- B. Enero 16, 2020
- C. Pebrero 14, 2020
- D. Marso 11, 2020
Ang batas na Republic Act No. 11469 ay ipinatupad upang _____________.
- A. Madagdagan ang dalawang taon ang pag-aaral sa batayang edukasyon
- B. Maging tugon sa paglaban sa Covid-19
- C. Maiwasan ang karahasan sa paaralan
- D. Ayusin ang ang sistema ng pagbubuwis sa bansa
Ito ay programa ng pamahalaan kung saan maaaring tumawag sa mga hotlines ang mga pasyente na nakararanas ng sintomas ng Covid-19 virus.
- A. Telemedicine Service Hotlines at Bayanihan E-Konsulta
- B. Online streaming
- C. Contact Tracing
- D. Lockdown
Ito ay proyekto ng mga ordinaryong mamamayan sa kani-kanilang pamayanan na naglalayong mamahagi ng mga libreng pagkain sa nangangailan. Ito ay may katagang “Magbigay ayon sa kakayahan, Kumuha batay sa pangangailangan.”
- A. Online selling
- B. Donation drive
- C. Community pantry
- D. Clean-up drive
Ang mga sumusunod ay mga mungkahing dapat gawin upang maprotektahan ang sarili sa Covid-19 maliban sa isa.
- A. Pananatili sa tahanan
- B. Pagsuot ng face mask at face shield sa tuwing lalabas
- C. Pagdalo sa mga malalaking party
- D. Pagpapanatili ng kalinisan sa paligid at pagpapalakas ng pangangatawan
Ang Republic Act 11469 ay kilala rin bilang ____________.
- A. Cybercrime Prevention Act of 2012
- B. Bayanihan to Heal as One Act
- C. TRAIN Law
- D. Enhanced Basic Education Act of 2013
Ito ay mga pag-uugaling kinakailangan sa panahon ng pandemya.
- A. Pakikiisa, pagsuporta sa mga programang pampamayanan o pambansa at malasakit sa kapwa
- B. Pagsasawalang bahala sa problema
- C. Hindi pagsunod sa mga alituntuning pangkaligtasan at pangkalusugan
- D. Pagiging makasarili
Ginagawa upang malaman ang mga taong nakasalamuha ng pasyenteng may Covid-19.
- A. Bayanihan E-Konsulta
- B. Lockdown
- C. Telemedicine Service Hotline
- D. Contact tracing
Maaaring gamitin upang maayos, ligtas at mabilis ang pagbabahagi ng mga mahahalagang impormasyon ngayong pandemya.
- A. Mga liham
- B. Dyaryo
- C. Technology at Multimedia tools
- D. Kompyuter
Ano ang ibig sabihin ng WHO?
- A. World Happiness Organization
- B. World Health Organization
- C. Working Healthy Organizers
- D. World Hunger Organization
Aralin 1: Paglikha ng Proyekto Gamit ang Iba’t ibang Technology Tools
Ang paggawa ng proyekto at programang pampamayanan ay nakatutulong sa pangkalahatang kaunlaran. Maraming paraan upang maisagawa ang mga proyekto at programang nais nating isagawa. Isa sa mga mabilis at epektibong pamamaraan ng pagsasagawa ng mga proyekto at programang ito ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya. Sa araling ito, matututuhan mo ang iba’t ibang paraan ng paggamit ng teknolohiya sa paglikha ng mga proyekto.
Balikan
Panuto: Tukuyin kung ang tinutukoy ng pahayag sa pamamagitan ng pagbuo ng salita mula sa mga halo-halong letra na nasa kahon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
- Ito ay isa sa pinakamahalaga at pinaka karaniwang uri ng technology at multimedia tool.
X E T T
- Ito ay tumutukoy sa mga gumagalaw na larawan na sinasamahan ng mga tunog tulad ng nakikita sa telebisyon.
D I O E V
- Ito ay ginagamit upang ipaliwanag o ituro ang mahalagang konsepto o impormasyon nang mabilis at maayos.
C S R G A H P I
- Ito ay proseso kung saan ang mga magkakasunod na larawan ay maaaring ipalabas na tila gumagalaw.
N N M A I I O A T
- Ito ay pinagsamang mga tunog tulad ng musika, dayalogo, sound effects at talumpati na maaaring gamitin kasama ng iba pang uri ng technology at multimedia tools.
U A I D O
Tuklasin
Panuto: Punan ang talahayanan sa ibaba ng mga batas o alituntunin sa inyong pamayanan o barangay na may kinalaman sa kalinisan, kalusugan, kaligtasan, o kapayapaan at ibahagi kung paano naipapaalam ang mga alituntunin na ito sa mga tao sa inyong pamayanan. Matapos punan ang talahanayan, sagutin ang mga gabay na tanong sa sagutang papel.
| TUNGKOL SAAN | BATAS/ALITUNTUNIN | PAANO IPINAALAM SA PAMAYANAN |
|---|---|---|
| Kalusugan | Halimbawa: Libreng Flu Vaccine para sa mga Senior Citizen | Graphics na nasa anyong tarpaulin |
| Kalusugan | ||
| Kaligtasan | ||
| Kapayapaan |
transcriber’s note: table continued from the previous page
| Kalinisan |
Mga gabay na tanong:
- Ano-ano ang mga batas o alituntunin na ipinapatupad sa inyong pamayanan?
- Paano mo nalalaman ang mga impormasyon tungkol sa mga batas o alituntunin na ito?
- Bakit mahalaga na may sapat tayong kaalaman tungkol sa mga batas at alituntunin sa pamayanan?
- Ano ang katangiang dapat taglayin ng mga kabilang sa pamayanan upang mapanatiling naipapatupad ang mga batas at alituntunin?
- Bilang mag-aaral, magbahagi ng iyong karanasan ng pagsunod sa mga batas o alituntunin sa inyong pamayanan.
Suriin
Sa nakaraang modyul, iyong natutuhan ang kahalagahan ng pakikiisa sa mga batas o gawaing pang-pamayanan para sa layuning pangkalinisan, pangkalusugan, pangkaligtasan, at pangkapayapaan. Natutuhan mo rin na maaaring gumamit ng iba’t ibang technology at multimedia tools sa pagpapalaganap ng mga impormasyon o mensahe sa iyong pamayanan. Natalakay sa iyo ang mga uri at halimbawang application ng bawat isang tool. Nalaman mo rin ang mga magagandang dulot ng paggamit nito sa proyektong pangpamayanan maging ang iyong tungkulin sa responsableng paggamit nito. Sa modyul na ito, iyong magagamit ang iyong mga natutuhan upang maiparating ang iyong pakikiisa sa mga proyektong pampamayanan sa panahon ng pandemya.
Noong Marso 11, 2020 nang inanunsyo ng World Health Organization na ang Covid-19 virus outbreak ay kumalat na sa buong mundo at idineklara na itong isang pandemya. Dahil dito, maraming mga bagay na nakagawian ang unti-unting nabago. Isa sa mga pagbabagong ito ay ang pagbabawal sa mga malakihang pagtitipon, pagpapanatili sa tahanan, pagbabawal sa gawain na nangangailangan ng pisikal na ugnayan. Kinakailangan din mag-suot ng mga face mask at face
shield sa tuwing lalabas bilang proteksyon sa virus. Lahat ng mga ito ay ipinatupad bilang pag-iingat sa pagpapakalat at pagkuha ng sakit. Naging limitado ang bilang ng mga awtoridad na tumutulong sa pagpapanatili ng kaayusan sa bansa at sa pamayanan. Malaking papel ang ginagampanan ng technology at multimedia tools upang magpatuloy ang pamamahagi ng mga mahahalagang impormasyon tungkol sa mga konkretong proyekto, hakbang sa pagtulong sa mga mamamayan at pati na rin ang pagpapatupad ng mga batas.
Narito ang ilan sa mga proyekto na maaaring gamitan ng technology at multimedia tools:
| URI NG TECHNOLOGY AT MULTIMEDIA TOOLS | MGA HALIMBAWA NG MGA PROYEKTONG PAMPAMAYANAN/PAMBANSA NA MAAARING GINAGAMITAN NG TECHNOLOGY AT MULTIMEDIA TOOLS |
|---|---|
| Audio | Ang pamahalaan at iba’t ibang organisasyon ay naglunsad ng Telemedicine Service Hotline at “Bayanihan E-Konsulta” kung saan maaaring tumawag ang mga pasyente na nakakaranas ng mga sintomas ng Covid-19 o nasa proseso na ng pagpapagaling mula dito, sa halip na pisikal na pumunta sa mga hospital. [illustration: poster titled “PAGGAMOT SA BANAYAD NA MGA SINTOMAS HABANG NASA BAHAY”, listing telemedicine contacts: TelAventusMD (TelAventusMD/fb page); MedCheck E-Consult (www.medcheck.com.ph); TrinityCare (0917-1111-975); Cloud PX (https://consult.cloudmd.com.ph/ [?]); HealthNowPH (https://healthnowph.ph/); SeeYouDoc (https://www.seeyoudoc.com)] Pinagkunan:https://caro.doh.gov.ph/paano-pangalagaan-ang-isang-taong-may-mild-o-moderatesymptoms-ng-covid-19/?fbclid=IwAR0AF7sji54gHDmQNHEumo7ReUpTip18lVRRS2-E7S8GVDcR0ggV4Bd2Q0 |
| Graphics | Nagsimula ang unti-unting pagbabakuna kontra Covid-19 sa mga mamamayan sa iba’t ibang parte ng bansa. Maaaring gumamit ng graphs upang maipakita ang bahagdan ng populasyon na nakatanggap na ng bakuna, mga impormasyon tungkol sa iba’t ibang bakuna at ang pagpapatupad ng mga panuntunang pangkalusugan. |
transcriber’s note: table continued from the previous page
| URI NG TECHNOLOGY AT MULTIMEDIA TOOLS | MGA HALIMBAWA NG MGA PROYEKTONG PAMPAMAYANAN/PAMBANSA NA MAAARING GINAGAMITAN NG TECHNOLOGY AT MULTIMEDIA TOOLS |
|---|---|
| [illustration: “Bida Bakunation” poster headed “ALAMIN ANG TOTOONG IMPORMASYON SA BIDA BAKUNATION!”, with the question “Paano nilalabanan ng bakuna ang sakit?” and the answer “Ginagaya ng bakuna ang virus o bacteria na nagdudulot ng sakit at naghuhudyat ng paggawa ng katawan ng antibody. Ang mga antibody ang siyang maghibigay proteksyon sa pagkakataong mahawa ng aktwal na virus o bacteria na nagdudulot ng sakit.”; footer “OfficialDOHgov”, “@DOHgovph”, “doh.gov.ph”, “(02) 894-COVID / 1555”] Pinagkunan: https://caro.doh.gov.ph/bida-bakunation/ | |
| Video | Nagkaroon ng pagsasabatas ng Republic Act No. 11469 o kilala sa “Bayanihan to Heal as One Act” upang maging tugon sa Covid-19. Sa paggamit ng video, maiisa-isa ang mga nilalaman ng batas na ito. [illustration: news graphic reading “MAGANDANG BALITA! APRUBADO NA ANG BAYANIHAN TO HEAL AS ONE ACT”] Pinagkunan: https://www.youtube.com/watch?v=Fjy6tFvEDTM |
| Animation | Pagdedeklara ng lockdown sa buong bansa upang mapanatili ang kaligtasan ng mamamayan mula sa banta ng Covid-19. Maipapakita sa pamamagitan ng animation ang mga paraan na maaaring gawin upang mapanatiling malusog ang pangangatawan at malinis na kapaligiran. |
transcriber’s note: table continued from the previous page
| URI NG TECHNOLOGY AT MULTIMEDIA TOOLS | MGA HALIMBAWA NG MGA PROYEKTONG PAMPAMAYANAN/PAMBANSA NA MAAARING GINAGAMITAN NG TECHNOLOGY AT MULTIMEDIA TOOLS |
|---|---|
| [illustration: cartoon of two children beside a “40 secs” timer, with the caption “It’s also important to keep your hands clean”] Pinagkunan: https://www.youtube.com/watch?v=1qVxTcaN1RM | |
| Text | Ipinatupad ang contact tracing sa bawat lugar gamit ang information sheet na sinusulatan o sinasagutan online bago makapasok sa isang lugar o gusali. Ito ay ginagawa upang malaman ang mga taong nakasalamuha ng pasyenteng may Covid-19. Contact Tracing Sheet [illustration: Department of Health form titled “PROFILE OF THE COVID-19 CLOSE CONTACTS”, with fields for demographic profile, known medical conditions, and nature of exposure; small form text illegible] Pinagkunan: https://doh.gov.ph/sites/default/files/health-update/dm2020-0189.pdf Digital Contact Tracing Form |
transcriber’s note: table continued from the previous page
| URI NG TECHNOLOGY AT MULTIMEDIA TOOLS | MGA HALIMBAWA NG MGA PROYEKTONG PAMPAMAYANAN/PAMBANSA NA MAAARING GINAGAMITAN NG TECHNOLOGY AT MULTIMEDIA TOOLS |
|---|---|
| [illustration: StaySafe app screens; left screen “Update Status” with symptom checkboxes (Fever, Dry Cough, Sore Throat, Shortness of Breath, Loss of Smell and Taste, Fatigue, Aches and Pains, Runny Nose, Diarrhea, Headache, None of the above) and “UPDATE” button; right screen “Health Declaration Form” with questions: “Have you worked together or stayed in the same close environment of a confirmed COVID-19 case?”; “Have you had any contact with anyone with fever, cough, colds and sore throat in the past 2 weeks?”; “Have you travelled outside of the Philippines in the last 14 days?”; “Have you travelled to any area in NCR aside from your home?” with “SPECIFY” field; “UPDATE” button] Website o App: https://www.staysafe.ph/ |
Ilan lamang sa marami pang mga proyekto ng pamahalaan ang nabanggit sa talahanayan ang ipinatutupad sa kasalukuyan. Inaasahan na sa pagdaan ng mga araw ay madadagdagan pa ito.
Ang mga ordinaryong mamamayan ay nagpapakita rin ng kanilang mga malasakit sa iba’t ibang paraan. Ang ilan ay nagbabahagi ng mga relief goods, mga produktong pangkabuhayan na hindi mabenta at piniling ipamahagi upang mapakinabangan ng mga nangangailangan. Kamakailan lamang, lumitaw ang “Community Pantry” na may nakasulat na katagang “Magbigay ayon sa kakayahan, Kumuha batay sa pangangailangan” na may layon na tulungan ang mga mamamayan sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan sa pagkain. Sa tulong ng mga technology at multimedia tools, kumalat ito at nagsilbing inspirasyon at kalaunan ay ginawa na rin sa iba’t ibang parte ng bansa. Pagpapatunay lamang ito na buhay pa rin sa mga Pilipino ang diwa ng pagkakaisa, bayanihan, at malasakit sa isa’t isa. Hindi pa man maaaring pisikal na makibahagi, ngunit sa tulong ng mga technology at multimedia tools ay mas mabilis, ligtas at malawakan ang pagpapakalat ng kamalayan, hakbang at magandang layunin para sa ikabubuti ng lahat. Ang iyong suporta at pakikiisa ay higit na kinakailangan upang sama-samang mapagtagumpayan ang laban na ito.
Kahit nasa loob lamang ng tahanan, maipapadama ang malasakit sa kapwa at maipakikita ang pakikiisa at suporta sa mga proyektong pampamayanan o pambansa na may kinalaman sa Covid-19. Ito ay sa pamamagitan ng pagiging maalam sa mga bagong balita o impormasyon tungkol dito at sa pagpapakalat nito sa iba’t ibang paraan gamit ang technology at multimedia tools. Ang mga bata at
mag-aaral na nasa ikalimang baitang na tulad mo ay maaaring makibahagi at makatulong sa pamamagitan ng paggawa ng poster, anunsyo, maikling video at pagre-record upang mabilis at ligtas na maiparating sa kapwa mamamayan ang importanteng balita o impormasyon. Ang pagsasagawa ng mga ito ay maituturing na malaking bagay hindi lamang sa iyong pamayanan kundi maging sa buong bansa at mundo.
Pagyamanin
Batay sa mga proyektong ipinapatupad ng inyong barangay na tinukoy sa Tuklasin, maglista ng mga paraan kung papaano ipinapatupad ng iyong barangay ang kanilang mga programa. Isulat sa loob ng kahon ang iyong sagot.
| Proyekto ng Barangay/o batas na pinapatupad | Paraan ng pagpapatupad | Multimedia at Technology tool na ginamit |
|---|---|---|
| Hal. Lockdown | Nagpapalabas at inaanunsiyo gamit ang trumpa na tinatawag na public address. | Audio |
Isaisip
Panuto: Sa iyong sagutang papel, kumpletohin ang mga pahayag na nasa loob ng graphic organizer.
Technology and Multimedia Tools
| Nakatutulong ang mga technology at multimedia tools sa pamayanan sa pamamagitan ng… | Kailangang maging responsable at maingat sa paggamit ng mga technology at multimedia tools dahil… |
|---|---|
| ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ _________________. | ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ _________________. |
Isagawa
Pumili ng iyong kayang gawin para iyong maipakita kung papano ka makatutulong sa pagpapatupad ng batas tungkol sa kalinisan, kaligtasan, at kapayapaan nang may paggamit ng iba’t ibang multimedia at technology tools.
Gawing gabay sa paggawa ang rubriks sa ibaba.
- Gumawa ng isang digital poster na maghihikayat sa inyong pamayanan na magtanim sa kanilang mga bakuran. Ang programang ito ay pinamagatang “Bakuran Mo, Gulayan Mo”; o
- Gumawa ng audio recording na patalastas na nagpapaalala sa mga tao na panatilihin ang distansya sa isa’t isa at palaging suotin ang face masks upang maiwasan ang pagkalat ng sakit na COVID-19; o
- Gumawa ng video recording na patalastas tungkol sa tamang paraan ng paghuhugas ng kamay upang maiwasan ang pagkalat ng mga mikrobyo at virus.
| Katumbas na Marka | Mga Pamantayan |
|---|---|
| 20 Napakahusay | Napakahusay ng nilalaman ng presentasyon. Naipakita nang buong husay kung paano makatutulong sa pagpapatupad ng batas sa pamayanan. Ang kabuuang presentasyon ay may napakaayos na organisasyon. Ang ginawang presentasyon ay napakamalikhain. |
| 15 Mahusay | Mahusay ang nilalaman ng presentasyon. Naipakita nang mahusay kung paano makatutulong sa pagpapatupad ng batas sa pamayanan. Ang kabuuang presentasyon ay may maayos na organisasyon. Ang ginawang presentasyon ay malikhain. |
| 10 Katamtamang Husay | Hindi gaanong mahusay ang nilalaman ng presentasyon. Hindi gaanong naipakita nang mahusay kung paano makatutulong sa pagpapatupad ng batas sa pamayanan. Ang kabuuang presentasyon ay hindi gaanong maayos ang organisasyon. Ang ginawang presentasyon ay hindi gaanong malikhain. |
| 5 Kailangang Paghusayan | Hindi mahusay ang nilalaman ng presentasyon. Hindi naipakita kung paano makatutulong sa pagpapatupad ng batas sa pamayanan. Ang kabuuang presentasyon ay hindi maayos. Ang ginawang presentasyon ay hindi malikhain. |
Tayahin
Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at piliin ang titik ng tamang sagot sa bawat katanungan. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Ang batas na Republic Act No. 11469 ay ipinatupad upang _____.
A. Madagdagan ang dalawang taon ang pag-aaral sa batayang edukasyon
B. Maging tugon sa paglaban sa Covid-19
C. Maiwasan ang karahasan sa paaralan
D. Ayusin ang ang sistema ng pagbubuwis sa bansaIto ay programa ng pamahalaan kung saan maaaring tumawag sa mga hotlines ang mga pasyente na nakararanas ng sintomas ng Covid-19 virus.
A. Telemedicine Service Hotlines at Bayanihan E-Konsulta
B. Online streaming
C. Contact Tracing
D. LockdownKailan inanunsyo ng WHO ang Covid-19 outbreak bilang isang ganap na pandemya?
A. Abril, 21, 2020
B. Enero 16, 2020
C. Pebrero 14, 2020
D. Marso 11, 2020Ang mga sumusunod ay mga mungkahing dapat gawin upang maprotektahan ang sarili sa Covid-19 maliban sa isa.
A. Pananatili sa tahanan
B. Pagsuot ng face mask at face shield sa tuwing lalabas
C. Pagdalo sa mga malalaking party
D. Pagpapanatili ng kalinisan sa paligid at pagpapalakas ng pangangatawanIto ay proyekto ng mga ordinaryong mamamayan sa kani-kanilang pamayanan na naglalayong mamahagi ng mga libreng pagkain sa nangangailan. Ito ay may katagang “Magbigay ayon sa kakayahan. Kumuha batay sa pangangailangan”.
A. Online selling
B. Donation drive
C. Community pantry
D. Clean-up driveIto ay mga pag-uugaling kinakailangan sa panahon ng pandemya.
A. Pakikiisa, pagsuporta sa mga programang pampamayanan o pambansa at malasakit sa kapwa
B. Pagsasawalang bahala sa problema
C. Hindi pagsunod sa mga alituntuning pangkaligtasan at pangkalusugan
D. Pagiging makasariliAng Republic Act 11469 ay kilala rin bilang _____.
A. Cybercrime Prevention Act of 2012
B. Bayanihan to Heal as One Act
C. TRAIN Law
D. Enhanced Basic Education Act of 2013Ginagawa upang malaman ang mga taong nakasalamuha ng pasyenteng may Covid-19.
A. Bayanihan E-Konsulta
B. Lockdown
C. Telemedicine Service Hotline
D. Contact tracingAno ang ibig sabihin ng WHO?
A. World Happiness Organization
B. World Health Organization
C. Working Healthy Organizers
D. World Hunger OrganizationMaaaring gamitin upang maayos, ligtas at mabilis ang pagbabahagi ng mga mahahalagang impormasyon ngayong pandemya.
A. Mga liham
B. Dyaryo
C. Technology at Multimedia tools
D. Kompyuter
Karagdagang Gawain
Panuto: Mag-isip ng isang proyekto na gusto mong gawin sa inyong pamayanan at ipaliwanag kung paano maisasakatuparan ang proyektong ito sa pamamagitan ng isang patalastas na maaaring nasa anyong audio, text, video, graphics o animation.
Rubrik o batayan sa pagmamarka:
Napapanahon (Ang gagawing proyekto ay angkop sa kasalukuyang pangangailangan ng tao na maaring may kaugnayan sa kalinisan, kaligtasan, kalusugan at kapayapaan) ………………………… 30%
Pagkamalikhain (Ang gawa ay nagpapakita ng iyong kagalingan at kahusayan sa paglalahad ng ideya.) ……………………………………………30%
Gamit na technology tools (Ang gawa ay mabisang nailahad gamit ang multimedia at technology tools.)…………………………………… 30%
Takdang oras ng pagpasa (Ang gawa ay naipasa sa guro ayon sa takdang oras.)…………………………………………………………………… 10%
100%
Susi sa Pagwawasto
Subukin
- D
- B
- A
- C
- C
- B
- A
- D
- C
- B
Balikan
- TEXT; 2. VIDEO; 3. GRAPHICS; 4. ANIMATION; 5. AUDIO
Tuklasin
Iba-iba ang magiging sagot
Pagyamanin
Iba-iba ang magiging sagot
Isaisip; Iba-iba ang magiging sagot
Isagawa: Iba-iba ang magiging sagot
Tayahin
A.
- B
- A
- D
- C
- C
- A
- B
- D
- B
- C
Karagdagang Gawain
Iba-iba ang magiging sagot
Sanggunian
A. (2021, April 23). Noxopharm’s Veyonda prevents cytokine storm in Covid-19 trial. Pharmaceutical Technology. Nakuha noong Abril 22, 2021 mula sa https://www.pharmaceutical-technology.com/news/who-declares-covid-19-pandemic/
Department of Education. 2016. K to 12 Curriculum Guide 2016 in EsP Grade 5. Philippines: Department of Education.
Department of Education. n.d. Region Test Item Bank for EsP 5. Philippines: Department of Education.
Department of Education. n.d. Tacloban City Division Contextualized Lesson Plan. Tacloban: Department of Education.
Robredo’s “e-Konsulta” project provides free COVID-19 care kits for patients. (00). Cnn. Nakuha noong Abril 22, 2021 mula sa https://cnnphilippines.com/news/2021/4/11/COVID-care-kit-Robredo-e-Konsulta-.html
Paano pangalagaan ang isang taong may mild o moderate symptoms ng COVID-19?. (n.d). Nakuha noong Abril 22, 2021 mula sa https://caro.doh.gov.ph/paano-pangalagaan-ang-isang-taong-may-mild-o-moderate-symptoms-ng-covid-19/
Bakit kailangan natin manatili sa loob ng bahay: Isang coronavirus explainer para sa mga bata. (2020, April 18). [Video]. YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=1qVxTcaN1RM
Bayanihan to Heal as One Act. (2020, March 24). [Video]. YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=Fjy6tFvEDTM
BIDA Bakunation. (n.d). https://caro.doh.gov.ph/bida-bakunation/
https://doh.gov.ph/sites/default/files/health-update/dm2020-0189.pdf
Leave a Reply