EsP 5 Quarter 3 Module 9: Pakikiisa sa mga Gawaing Nakatutulong sa Bansa Gamit ang Multimedia

This is a Self-Learning Module (SLM) for Grade 5 Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP), Ikatlong Markahan (Quarter 3), Modyul 9: “Pakikiisa sa mga Gawaing Nakatutulong sa Bansa Gamit ang Multimedia” (taking part in activities that help the country, using multimedia). It was prepared by DepEd Region VIII for learning at home. After it, learners can explain how technology and multimedia tools help a community, and can make their own simple project that supports laws on cleanliness, safety, health, and peace.

What learners will learn

The module lists two learning competencies:

  • Make a project using different multimedia and technology tools to support laws on cleanliness (kalinisan), safety (kaligtasan), health (kalusugan), and peace (kapayapaan) (EsP5PPP-IIIh-31)
  • Take part sincerely in activities that help the country and the world (EsP5PPP-IIIh-32)

Lessons in this module

The module has one lesson, Aralin 1: Pakikiisa sa mga Gawaing Nakatutulong sa Bansa Gamit ang Multimedia. It explains that working together toward one goal helps finish community projects faster, and that multimedia tools, which combine pictures, text, visuals, and audio, spread information to people quickly. It also reminds learners that technology helped school continue during the COVID-19 pandemic, so they should use it responsibly and with a good purpose.

Why taking part in community activities matters

The module says that cooperation is the basis of a successful community project. A learner’s support, obedience, and awareness of laws on cleanliness, health, safety, and peace bring good results for the learner and the whole community. Even a Grade 5 learner can already help, for example by making materials or sharing information about community projects so that more people know about them and support them.

The module also connects good Filipino values, such as obeying the good advice of elders and parents, to being a responsible citizen in the “new normal.”

The five technology and multimedia tools

The module defines technology at multimedia tools as a combination of audio, pictures, words, animation, video, and graphics used to share information and communicate in a new way. It describes five types:

ToolWhat it isCommunity example from the moduleSample apps
TextThe most important and most common type; words, sentences, or paragraphsA poster with the slogan “Tapat Mo, Linis Mo” (clean the area in front of your home)Canva, Typorama, Picsart
VideoMoving pictures with sound, as on television; shares information in a short timeRecording events that authorities should act on, or good deeds others can copyPowerDirector, KineMaster, OpenShot
GraphicsExplains or summarizes an important idea quickly, for people who do not like long textLogos to mark bins for biodegradable and non-biodegradable wasteibis Paint X, Visme, Adobe Illustrator Draw
AnimationA series of pictures shown so they seem to move; catches attentionReminders to cross at the proper crossing, placed near schools, markets, and churchesPowtoon, FlipaClip, Toontastic
AudioCombined sounds such as music, dialogue, sound effects, and speechesA smartphone or microphone connected to speakers for announcementsWavePad, SoundCloud, Lexis Audio Editor

Benefits for the community

  • Citizens can help plan community activities or rules through online surveys.
  • Announcements about programs and important information become faster, easier, and wider.
  • Ads, posters, pictures, and videos let citizens share their observations, opinions, and complaints about programs or community problems.

Reminders when using these tools

  1. Think about your purpose: ask why, how, and for whom.
  2. Properly credit the original source of information and tools; ignoring this can lead to legal penalties.
  3. Share only information that may be made public.
  4. Do not use these tools to hurt others, and avoid offensive words.
  5. Ask your parents for guidance so you use them correctly.

How to use this module

The module follows the usual SLM parts, all answered on a separate sheet of paper (do not write on the module):

  1. Subukin (pretest): 10 multiple-choice questions to check what you already know.
  2. Balikan (Gawain A): match 10 situations to the value they show, such as joining community programs or caring for health.
  3. Tuklasin (Gawain B): with a parent, listen to radio or watch TV news about cleanliness, safety, peace, and health, fill in a table (what, what happened, where, when), and answer the guide questions.
  4. Suriin: read the lesson and the table of tools above.
  5. Pagyamanin: choose the best tool for five community situations.
  6. Isaisip: complete a graphic organizer on why cooperation matters, how you will take part, and how the tools help.
  7. Isagawa: make a digital poster about cleanliness, safety, and peace, or an audio recording ad about COVID-19 protocols or local safety and peace laws. A rubric scores it at 20, 15, 10, or 5 points based on content, organization, and creativity.
  8. Tayahin (post-test) and Karagdagang Gawain: a final 10-item quiz, then a table of three community programs, the right tool for each, and a short explanation.

For learners: check your work honestly with the answer key (Susi sa Pagwawasto) at the end, and contact your teacher if a part is unclear.

For parents: several activities ask for your guidance, especially watching the news and using apps or phones for the project.

For teachers: the Isagawa rubric can be used to grade the poster or audio output, while Tuklasin, Isagawa, and Karagdagang Gawain have open-ended answers.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this EsP module for?

It is for Grade 5 Edukasyon sa Pagpapakatao, Quarter 3 (Ikatlong Markahan), Module 9.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for Subukin, Balikan, Pagyamanin, and Tayahin. Tuklasin, Isagawa, and Karagdagang Gawain have answers that may vary.

What are technology and multimedia tools?

The module defines them as a combination of audio, pictures, words, animation, video, and graphics used to share information and communicate in a creative way. It names five types: text, video, graphics, animation, and audio.

What project do learners make in this module?

In Isagawa, learners choose to make either a digital poster about cleanliness, safety, and peace, or an audio recording ad about COVID-19 protocols or local safety and peace laws. A rubric worth up to 20 points guides the work.

What competencies does the module cover?

It covers EsP5PPP-IIIh-31, making a project with multimedia and technology tools to support laws on cleanliness, safety, health, and peace, and EsP5PPP-IIIh-32, sincerely taking part in activities that help the country and the world.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikatlong Markahan – Modyul 9: Pakikiisa sa mga Gawaing Nakatutulong sa Bansa Gamit ang Multimedia

5

Edukasyon sa Pagpapakatao

Ikatlong Markahan – Modyul 9: Pakikiisa sa mga Gawaing Nakatutulong sa Bansa Gamit ang Multimedia

[illustration: students reading and studying outdoors and at a table, a child with a lamp, and two students with a globe]

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

CO_Q3_ESP 5_ Modyul 9

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 9: Pakikiisa sa mga Gawaing Nakatutulong sa Bansa Gamit ang Multimedia Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Maria Fe P. Alas, Juliet L. Lim Editor: Caridad P. Baginon, Farrah Rudas-Delfin Tagasuri: David C. Alcober, Colin Dy Tupaz Tagaguhit: Crisanto L. Lopera, Lemuel P. Valle Jr. Tagalapat: Gualberto R. Gualberto Jr. Tagapamahala: Ramir B. Uytico Arnulfo M. Balane Rosemarie M. Guino Joy B. Bihag Ryan R. Tiu Amenia C. Aspa Mariza S. Magan Edgar Y. Tenasas Mark Chester Anthony G. Tamayo Gretel Laura M. Cadiong Ranulfo L. Baay Juliet L. Lim

Inilimbag sa Pilipinas ng _____________________

Department of Education – Region No. VIII Office Address: Government Center, Candahug, Palo, Leyte Telefax: 053 – 323 – 3156 E-mail Address: region8@deped.gov.ph

5

Edukasyon sa Pagpapakatao

Ikatlong Markahan – Modyul 9: Pakikiisa sa mga Gawaing Nakatutulong sa Bansa Gamit ang Multimedia

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Ano nga bang kaugalian ang dapat mong taglayin upang makatulong sa iyong kamag-aral, pamilya, at kapwa Pilipino? Maraming mga mahahalagang kaugaliang Pilipino ang dapat na isaisip, isapuso at isagawa ng isang mag-aaral na tulad mo. Ilan na dito ang pagiging masunurin sa mga mabubuting payo ng mga nakatatanda lalo na ng mga magulang. Nakatutulong ito upang lumaking may disiplina sa sarili at may pagpapahalaga na kaakibat ng pagiging mabuting mamamayan.

Sa panahon ng makabagong teknolohiya at panahon ng bagong normal, mahalaga na pag-ibayuhin ang mabubuting pag-uugaling Pilipino upang mas maging responsableng mamamayan. Kaugnay din nito, ang pagiging responsableng mamamayan ay maipapakita din sa pakikiisa sa mga programa at proyekto ng pamayanan. Ang pakikiisa ng mga mag-aaral na tulad mo ay makatutulong upang makamit ang minimithing mapayapang pamumuhay.

Ang pinapangarap na kapayaan at kaayusan ay maisasakatuparan lamang kung ang bawat isa ay makikiisa sa pangdaigdigan pagkakaisa tungo sa kapayapaan at kaayusan. Tatlo sa mga mahahalagang hangarin ng bansa at ng buong mundo ay ang pananatili ng kalinisan, pagkakaroon ng kaligtasan, at kapayapaan ang bibigyang pansin tungo sa kaayusan ng pandaigdigang pagkakaisa. At ang layunin na maisakatuparan at maipaalam ito ay sa tulong ng paggamit ng mga makabagong teknolohiya tulad ng multimedia.

Sa tulong ng modyul na ito, inaasahan ang mga mag-aaral na:

  • Nakagagawa ng isang proyekto gamit ang ibat-ibang multimedia at technology tools sa pagpapatupad ng mga batas sa kalinisan, kaligtasan, kalusugan, at kapayapaan (EsP5PPP-IIIh-31)
  • Nakikiisa nang buong tapat sa mga gawaing nakatutulong sa bansa at daigdig (EsP5PPP-IIIh-32)

Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.

  1. Ito ay kombinasyon ng audio, larawan, salita, animation, video, at graphics.
    A. Social Media
    B. Media
    C. Internet
    D. Technology at Multimedia tools


  2. Ano ang kinakailangan upang matagumpay na maipatupad ang mga proyektong pampamayanan?
    A. Pagsasawalang bahala
    B. Pakikiisa at suporta
    C. Pakikiisa kung kakilala lamang ang tagapagpatupad
    D. Pagiging pasaway


  3. Tumutukoy sa pinaka-karaniwang uri ng technology at multimedia tool.
    A. text
    B. video
    C. audio
    D. graphics


  4. Uri ng technology at multimedia tool na ginagamit sa pagbubuod ng isang konsepto o paksa.
    A. audio
    B. video
    C. graphics
    D. animation


  5. Alin sa sumusunod ang magandang dulot ng paggamit ng technology at multimedia tool sa pamayanan?
    A. Mas mabilis, madali, at malawakan ang anunsyo sa mga programa o importanteng impormasyon sa pamayanan.
    B. Magagamit upang makapagpakalat ng mga fake news
    C. Magagamit upang makapanakit ng ibang tao
    D. Magagamit upang magpakalat ng tsismis sa pamayanan


  6. Ano ang halimbawa ng kagamitang pangkomunikasyon na nagpapakita ng kumbinasyon ng tunog, video, at text?
    A. poster
    B. telebisyon
    C. speaker/stereo
    D. radyo


  7. Ang sumusunod ay mga dapat tandaan sa paggamit ng technology at multimedia tool maliban sa isa.
    A. Piliin lamang ang mga impormasyong maaaring isapubliko.
    B. Iwasan itong gamitin upang makapanakit ng ibang tao.
    C. Huwag gumamit ng mga salitang may masama o hindi kaaya-ayang kahulugan.
    D. Pag-angkin sa gawa ng ibang tao.


  8. Ito ay uri ng technology at multimedia tool kung saan ang mga larawan ay tila gumagalaw.
    A. audio
    B. text
    C. graphics
    D. animation


  9. Ito ay mga larawan na sinasamahan ng tunog na ginagamit sa pagbibigay ng impormasyon sa loob ng maikling panahon o oras.
    A. video
    B. animation
    C. text
    D. graphics


  10. Ang lahat ay mga halimbawa ng application na maaaring gamitin sa paggawa ng poster maliban sa isa.
    A. Canva
    B. Typorama
    C. Soundcloud
    D. Picsart


Aralin 1 – Pakikiisa sa mga Gawaing Nakatutulong sa Bansa Gamit ang Multimedia

Ang pakikiisa sa anomang gawain tungo sa iisang mithiin o hangarin ay nakatutulong upang madaling matapos ang isang proyekto. Gamit ang makabagong teknolohiya tulad ng ibat-ibang multimedia tools na may mga kumbinasyon ng mga larawan, teksto, biswal, at audio ay ilan lamang sa mga paraan upang agad na maiparating ang impormasyon sa mga tao. Nakakatulong ang mga kagamitang ito upang makabuo tayo ng mga malikhaing proyekto.

Napakalaki ng impluwensya ng makabagong teknolohiya lalo na sa larangan ng edukasyon. Sa kabila ng pandemya dulot ng COVID-19, naipagpapatuloy pa rin natin ang pag-aaral. Nagagawa rin natin ang mga bagay upang patuloy na magampanan ang tungkulin bilang isang mag-aaral at mamamayan ng bansa. Nararapat lamang na maging mapanuri at responsable sa paggamit ng teknolohiya at gamitin ito nang may makabuluhang hangarin.

Balikan
Gawain A

Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Piliin ang titik kung anong pagpapahalaga ang tinutukoy ng bawat sitwasyon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

a. Pakikilahok sa mga programang pampamayanan b. Responsableng mamamayan para sa maunlad na pamumuhay c. Pagtulong sa pagpapatupad ng mga tuntunin at batas d. Pangangalaga sa kalusugan

_____1. Nais ng pamilya ni Mang Aldo na umunlad ang kanilang pamumuhay. Dahil dito, nagsusumikap silang maging produktibo at kapakipakinabang. Sa tulong ng makabagong teknolohiya, naisipan nilang magtayo ng computer shop para kumita ng pera para sa pamilya.

_____2. Bawat mamamayan ng Barangay Sta. Isabel ay sumusunod sa ordinansa na linisin ang kanilang bakuran. Dahil dito, naideklara ang Barangay Sta. Isabel bilang pinakamalinis na barangay sa buong bayan.

_____3. Ang mga kagawad ng Barangay ay naglilibot para ipaalam sa mga mamayan na ang kanilang mga aso ay dapat nakatali para maiwasan ang pagkakalat ng dumi nito at aksidente.

_____4. Inanyayahan ng kapitan ng barangay si Berting at kanyang mga kasama sa Youth Club na dumalo sa pagpupulong sa barangay para sa isang proyektong gaganapin sa kanilang barangay pero susundin ang mga protokol sa pagpapatawag ng mga pagpupulong.

_____5. Matapat na nagbabayad ng buwis si Mang Gerry at ang kaniyang mga katrabaho sa opisina. Nais nilang tulungan ang pamahalaan upang magkaroon ng pondo para matugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan tulad ng pagpapatayo ng ospital, kalsada, palengke, at sweldo ng mga kawani nito.

_____6. Sinusunod ni Joaquin, anak ng isang mangingisda, ang paalaala sa pangingisda tulad ng:

  • Itapon ang mga basura sa tamang lalagyan.
  • Tumulong sa pangangalaga sa mga yamang tubig.
  • Sumunod sa mga alituntunin sa pangingisda.

_____7. Nagbago ang pang-araw-araw na buhay ng mga tao dahil sa COVID-19. Bawat isa ay nagtutulungan upang mapahinto ang pagkalat ng virus at mapanatiling ligtas ang lahat. Dahil dito, may mga hakbang na dapat gawin tulad ng madalas na paghuhugas ng mga kamay, pagsusuot ng facemask at face shield at pag-iwas sa mga matataong lugar.

______8. Isa sa mga ordinansang ipinatutupad sa inyong lugar ay ang pagbabawal sa pagsunog ng mga basura dahil nakakasama ito sa kalusugan. Kaya naisip ng magkaibigang Mark at Linda na paghiwa-hiwalayin ang mga ito at ibenta ang mga bagay na maaari pang mapakinabangan.

______9. Isinasaalang-alang ng bawat mamamayan ang pakikiisa at pagsunod sa mga kautusang pinaiiral sa kanilang lugar. Ipinakikita nila na hindi lamang pansariling kapakanan ang kanilang iniintindi kundi ang para sa nakararami.

______10. Sa murang edad ay pinangarap mo nang maging isang guro kaya labis kang nagsusumikap sa iyong pag-aaral. Subalit may mga araw na hindi ka nakakasagot ng iyong mga modules dahil sa iyong kalusugan. Para malabanan ang iyong sakit kumakain ka ng mga gulay at prutas.

Tuklasin
Gawain B

Panuto: Sa patnubay ng magulang, makinig sa radyo o manood sa telebisyon ng balita tungkol sa kalinisan, kaligtasan, kapayapaan, at kalusugan. Gamit ang sagutang papel, punan ang talahanayan sa ibaba ng mga hinahanap na impormasyon mula sa mga balitang napakinggan o napanood. Sagutin din ang mga gabay na tanong.

TUNGKOL SAANANONG NANGYARISAAN NANGYARIKAILAN NANGYARI
Halimbawa: KalinisanNagsagawa ng clean-up drive sa ang mga volunteer ng isang Non-Governmental OrganizationSa Manila BayNoong Hunyo 12, 2021
Kalinisan
Kaligtasan
Kapayapaan
Kalusugan

Mga Gabay na Tanong:

  1. Ano ano ang pagkakaiba o pagkakatulad ng mga balitang iyong napanood o napakinggan?


  2. Ano ang naramdaman mo matapos mapakinggan o mapanood ang mga balita? Bakit?


  3. Ano anong mga pagpapahalaga o values ang natuklasan mo mula mapakinggan o mapanood ang mga balita? Mahalaga ba ang pakikinig o panonood ng balita? Bakit oo/hindi?


  4. Bakit mahalagang mayroon tayong kaalaman sa kung ano ang mga pangyayari sa ating pamayanan?


  5. Bilang mag-aaral, paano ka makatutulong sa mga aktibidad o gawain sa inyong pamayanan?


Suriin

Ang pakikiisa sa mga gawaing pampamayanan ay mahalaga sapagkat ito ang magsisilbing batayan ng tagumpay ng isang proyekto o gawain. Ang iyong suporta, pagsunod, at kamalayan sa mga batas para sa kalinisan, kalusugan, kaligtasan, at kapayapaan ay magbubunga ng magandang resulta para sa iyo at sa pamayanan na iyong kinabibilangan. Paano nga ba mapapadali at maayos na maipabatid sa mga mamamayang tulad mo ang ang mga mensahe o impormasyon mula sa kinauukulan? Sa modyul na ito, iyong matutunan ang ilan sa mga maaaring magamit na kasangkapan upang epektibong makibahagi sa mga proyekto ng iyong pamayanan.

Mula sa mga dyaryo, mga sulat at mga nakapaskil na anunsyo, higit na mabilis at maayos ang sistema ng pakikipag-ugnayan sa mamamayan sa kasalukuyang panahon. Dahil ito sa tinatawag na technology at multimedia tools. Ang technology at multimedia tools ay kombinasyon ng audio, larawan, salita, animation, video, at graphics na ginagamit upang magpakita ng impormasyon at makipag-ugnayan sa kakaibang paraan. Ito ay maaaring magsilbing daan upang maipahayag nang mahusay, impormatibo, at malikhain ang mga kampanya at mga gawain sa pamayanan. Mas madali rin ipamahagi ang mga impormasyon kung ito ay ginagamitan ng technology at multimedia tools. Hindi ba’t higit mong maunawaan ang mensahe o impormasyon na nais iparating kung ito ay pinapakita sa malikhaing paraan at sa maikling oras lamang? Nakapupukaw din ito ng interes at atensyon lalo na sa mga mag-aaral na katulad mo.

Sa pamamagitan ng talahanayan sa ibaba, mapalalalim mo ang iyong kaalaman sa technology at multimedia tools maging ang paggamit nito sa pamayanan sa tulong ng iba’t ibang applications.

URI NG TECHNOLOGY AT MULTIMEDIA TOOLSKAHULUGANPAANO MAGAGAMIT SA MGA BATAS O PROYEKTONG PAMPAMAYANANMGA HALIMBAWA NG APPLICATIONS NA MAAARING GAMITIN
TextIto ay isa sa pinakamahalaga at pinakakaraniwang uri ng technology at multimedia tool. Ito ay ginagamit upang makagawa ng mga salita, pangungusap, o talata. Ito rin ay itinuturing na simple, mabilis, at mabisang uri ng pakikipag-ugnayan.Maaari itong gamitin sa pagpapaalala sa buong pamayanan sa pagpapanatili ng malinis na kapaligiran tulad ng paggawa ng poster na may katagang “Tapat Mo, Linis Mo.”Canva
Typorama
Picsart
VideoIto ay tumutukoy sa mga gumagalaw na larawan na sinasamahan ng mga tunog tulad ng nakikita sa telebisyon. Ito ay ginagamit sa pagbibigay ng impormasyon sa loob ng maikling panahon o oras.Maaaring kunan ng video ang pangyayari na sa iyong palagay ay dapat aksyonan ng mga awtoridad pati na rin ang mga mabubuting gawaing sa pamayanan upang mahikayat ang ibang tao na gawin rin ito.Power Director
Kinemaster
OpenShot
GraphicsIto ay ginagamit upang ipaliwanag o ituro ang mahalagang konsepto o impormasyon nang mabilis at maayos. Kadalasang ginagamit ng mga taong ayaw magbasa ng mahahabang text.Upang maayos na mapaghiwa-hiwalay ang mga basura sa nabubulok at hindi nabubulok, maaaring gumawa ng logo bilang tanda sa mga ito.iBis Paint X
Visme
Adobe
Illustrator Draw
AnimationIto ay proseso kung saan ang mga magkakasunod na larawan ay maaaring ipalabas na tila gumagalaw. Ito ay ginagamit upang makakuha ng atensyon at makapagbigay ng mensahe sa masining na paraan.Maaari itong gamitin bilang paalala sa mga mamamayan na ugaliing tumawid sa tamang tawiran. Maaari itong ilagay sa tapat ng mga paaralan, pamilihan, simbahan, at iba pa.Powtoon
Flipaclip
Toontastic

[transcriber’s note: table continued from the previous page; the Animation row above continues across the page break and is complete in that row]

URI NG TECHNOLOGY AT MULTIMEDIA TOOLSKAHULUGANPAANO MAGAGAMIT SA MGA BATAS O PROYEKTONG PAMPAMAYANANMGA HALIMBAWA NG APPLICATIONS NA MAAARING GAMITIN
AudioIto ay pinagsamang mga tunog tulad ng musika, dayalogo, sound effects, at talumpati na maaaring gamitin kasama ng iba pang uri ng technology at multimedia tools.Ang smartphone o microphone na nakakonekta sa speakers ay halimbawa ng kagamitan na makapagbibigay ng malakas na tunog. Maaari itong gamitin sa pagbibigay ng iba’t ibang anunsyo sa mga mamamayan.WavePad
Soundcloud
Lexis
Audio Editor
Magandang Dulot ng Paggamit ng Technology at Multimedia Tools sa Pamayanan
  1. Maaaring makibahagi ang mamamayan sa pagbuo at pagpapatupad ng mga plano para sa mga gawain o batas pampamayanan nang may parehong layunin sa pamamagitan ng mga online survey.
  2. Mas mabilis, madali, at malawakan ang anunsyo sa mga programa o importanteng impormasyon sa pamayanan.
  3. Nakatutulong ang paggamit ng mga patalastas, posters, larawan at video upang maipabatid ng mga mamamayan ang kanilang mga obserbasyon, opinyon, hinaing sa mga ipinatutupad na programa o mga problemang nakikita sa pamayanan.
Mga Dapat Tandaan sa Paggamit ng Technology at Multimedia Tools
  1. Isaalang-alang ang layunin sa paggamit ng technology at multimedia tools. Maaaring gawing batayan ang mga tanong na bakit, paano, at kanino upang maayos na magawa at maiparating ang impormasyon.


  2. Tiyakin na maayos at tama ang pagbibigay pagkilala sa orihinal na pinagkunan ng impormasyon at gagamiting technology at multimedia tool. Ang pagsasawalang bahala rito ay maaaring magdulot ng kaparusahang legal.


  3. Piliin lamang ang mga impormasyong maaaring isapubliko.


  4. Iwasan itong gamitin upang makapanakit ng ibang tao. Huwag din gumamit ng mga salitang may masama o hindi kaaya-ayang kahulugan.


  5. Humingi ng gabay sa mga magulang upang masigurong tama at maayos ang paggamit sa mga ito.


Ang mga mag-aaral na tulad mo na kahit nasa ikalimang baitang pa lamang ay maaari nang makibahagi sa mga gawain ng inyong pamayanan. Sa paggawa ng iba’t ibang materyal o pagbabahagi ng impormasyon ng ilang mga proyekto sa inyong pamayanan gamit ang technology at multimedia tools, maraming mamamayan ang magkakaroon ng kamalayan sa mga ito na magbubunga ng kanilang suporta at pakikiisa para sa ikabubuti ng buong pamayanan. Kailangan lamang isaisip na bagamat pinadali ng technology at multimedia tools ang iyong paraan ng pakikiisa o pakikibahagi, tungkulin mo rin na gamitin ang mga ito nang tama at naayon upang makamit ang magandang resulta.

Pagyamanin

Panuto: Tukuyin kung anong multimedia at technology tools ang pinakaangkop na gamitin sa sumusunod na sitwasyon. Lagyan ng tsek (/) ang mapipiling multimedia at technology tools.

Mga SitwasyonTextVideoGraphicsAnimationAudio
1. Nais magpaalala ni Kapitan James na panatilihin laging malinis ang mga kalsada sa Barangay Masigasig.
2. Si Kagawad Anna ay mag-aanunsyo na kailangan na lumikas ng mga tao dahil sa panganib na dulot ng flashflood.
3. Nais ni Teacher Annie na ipabatid sa mga mag-aaral ang pagkakaiba ng nabubulok, hindi nabubulok, at pwede pang i-recycle na basura.
4. Si Dr. Angelo ay nais ipaalam ang mga proseso bago mabakunahan ang mga taga Barangay Masigasig.
5. Gustong malaman ni Kagawad John kung sino-sino ang pumapasok sa Barangay Hall sa buong maghapon.
Isaisip

Ibahagi ang iyong mga natutuhan sa aralin sa pamamagitan ng pagkumpleto sa mga pahayag na nasa graphic organizer. Ilagay ang iyong sagot sa sagutang papel.

[chart: graphic organizer; Isaisip]

  • Gitnang kahon sa itaas: Mahalaga ang pakikiisa sa mga gawaing pampayanan dahil…
  • Kaliwang kahon: Bilang mag-aaral, makikibahagi ako sa mga gawaing pampayanan sa pamamagitan ng…
  • Kanang kahon: Nakatutulong ang mga technology at multimedia tools sa pamamagitan ng…
Isagawa

Panuto: Pumili ng iyong kayang gawin para iyong maipakita kung papano ka makatutulong sa pagpapatupad ng batas tungkol sa kalinisan, kaligtasan, at kapayapaan. Gawing gabay sa paggawa ang rubriks sa ibaba.

  1. Gumawa ng isang digital poster na magsisilbing paalala tungkol sa kalinisan, kaligtasan, at kapayapaan na maari mong maibahagi; o
  2. Gumawa ng audio recording na patalastas tungkol sa pagsunod sa protocols na ipinapatupad upang maiwasan ang pagkalat ng sakit na COVID-19 o mga ipinapatupad na batas para sa kaligtasan at kapayapaan ng inyong barangay.
Katumbas na MarkaMga Pamantayan
20 NapakahusayNapakahusay ng nilalaman ng presentasyon. Naipakita nang buong husay kung paano makatutulong sa pagpapatupad ng batas sa pamayanan. Ang kabuuang presentasyon ay may napakaayos na organisasyon. Ang ginawang presentasyon ay napakamalikhain.
15 MahusayMahusay ang nilalaman ng presentasyon. Naipakita nang mahusay kung paano makatutulong sa pagpapatupad ng batas sa pamayanan. Ang kabuuang presentasyon ay may maayos na organisasyon. Ang ginawang presentasyon ay malikhain.
10 Katamtamang HusayHindi gaanong mahusay ang nilalaman ng presentasyon. Hindi gaanong naipakita nang mahusay kung paano makatutulong sa pagpapatupad ng batas sa pamayanan. Ang kabuuang presentasyon ay hindi gaanong maayos ang organisasyon. Ang ginawang presentasyon ay hindi gaanong malikhain.
5 Kailangang PaghusayanHindi mahusay ang nilalaman ng presentasyon. Hindi naipakita kung paano makatutulong sa pagpapatupad ng batas sa pamayanan. Ang kabuuang presentasyon ay hindi maayos. Ang ginawang presentasyon ay hindi malikhain.

Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.

  1. Uri ng technology at multimedia tool na ginagamit sa pagbubuod ng isang konsepto o paksa.

    • A. audio
    • B. video
    • C. graphics
    • D. animation
  2. Ito ay kumbinasyon ng audio, larawan, salita, animation, video, at graphics.

    • A. social media
    • B. media
    • C. internet
    • D. technology at multimedia tools
  3. Tumutukoy sa pinaka karaniwang uri ng technology at multimedia tool.

    • A. text
    • B. video
    • C. audio
    • D. graphics
  4. Ano ang kinakailangan upang matagumpay na maipatupad ang mga proyektong pampamayanan?

    • A. Pagsasawalang bahala
    • B. Pakikiisa at suporta
    • C. Pakikiisa kung kakilala lamang ang tagapagpatupad
    • D. Pagiging pasaway
  5. Alin sa mga sumusunod ang magandang dulot ng paggamit ng technology at multimedia tool sa pamayanan?

    • A. Mas mabilis, madali at malawakan ang anunsyo sa mga programa o importanteng impormasyon sa pamayanan.
    • B. Magagamit upang makapagpakalat ng mga fake news
    • C. Magagamit upang makapanakit ng ibang tao
    • D. Magagamit upang magpakalat ng tsismis sa pamayanan
  6. Ang mga sumusunod ay mga dapat tandaan sa paggamit ng technology at multimedia tool maliban sa isa.

    • A. Piliin lamang ang mga impormasyong maaaring isapubliko.
    • B. Iwasan itong gamitin upang makapanakit ng ibang tao.
    • C. Huwag gumamit ng mga salitang may masama o hindi kaaya-ayang kahulugan.
    • D. Pag-angkin sa gawa ng ibang tao.
  7. Ano ang halimbawa ng kagamitang pangkomunikasyon nagpapakita ng kombinasyon ng tunog, video, at text?

    • A. poster
    • B. telebisyon
    • C. speaker/stereo
    • D. radyo
  8. Ito ay mga larawan na sinasamahan ng tunog na ginagamit sa pagbibigay ng impormasyon sa loob ng maikling panahon o oras.

    • A. video
    • B. animation
    • C. text
    • D. graphics
  9. Ang lahat ay mga halimbawa ng application na maaaring gamitin sa paggawa ng poster maliban sa isa.

    • A. Canva
    • B. Typorama
    • C. Soundcloud
    • D. Picsart
  10. Ito ay uri ng technology at multimedia tool kung saan ang mga larawan ay tila gumagalaw.

    • A. audio
    • B. text
    • C. graphics
    • D. animation
Karagdagang Gawain

Panuto: Sa iyong sagutang papel, gumawa ng talahanayan kagaya ng nasa ibaba at punan ang mga hinihinging kasagutan. Mag-isip ng tatlong (3) programa o aktibidad na may kinalaman sa kalinisan, kalusugan, kaligtasan, at kapayapaan sa pamayanan at tukuyin kung anong technology o multimedia tool ang naaangkop para dito. Lagyan ng maiksing paliwanag kung paano gagamitin ang technology/multimedia tool sa programang naisip.

Programa/AktibidadTechnology/Multimedia ToolMaiksing Paliwanag
Halimbawang Sagot: Munting basura, ibulsa pansamantalaTextGagawa ng poster na ipapaskil sa mga kalsada sa komunidad upang mapaalalahanan silang ibulsa ang maliliit na basura.

Susi sa Pagwawasto

Subukin
  1. D
  2. B
  3. A
  4. C
  5. A
  6. B
  7. D
  8. D
  9. A
  10. C
Balikan
  1. B
  2. C
  3. D
  4. C
  5. B
  6. C
  7. D
  8. B
  9. B
  10. D
Tuklasin

(Maaring iba-iba ang sagot)

Pagyamanin

Text Audio Graphics Animation Video

Isagawa

(Maaring iba-iba ang sagot)

Tayahin
  1. C
  2. D
  3. A
  4. B
  5. A
  6. D
  7. B
  8. A
  9. C
  10. D
Karagdagang gawain

(maaaring magkaiba-iba ang sagot)

Sanggunian

P. (2014, March 11). Using Technology to Develop Communities. PA TIMES Online. Nakuha noong Abril 20, 2021 mula sa https://patimes.org/technology-develop-communities/

Brown, C. (n.d). 19 free multimedia tools to inspire information people. Nakuha noong Abril 20, 2021 mula sa https://www.vable.com/blog/19-free-multimedia-tools-to-inspire

JEADigitalMedia.org. (2014, October 15). Multimedia Tools | JEADigitalMedia.org. Nakuha noong Abril 20, 2021 mula sa https://www.jeadigitalmedia.org/multimedia-tools/

Sehgal, D. R. (2020, July 1). Role of Ethics in Media and Technology. IPleaders. Nakuha noong Abril 21, 2021 mula sa https://blog.ipleaders.in/role-ethics-media-technology/amp/

Technology, Tools and Techniques to Reach Your Community. (2020, February 25). Western City Magazine. Nakuha noong Abril 21, 2020 mula sa https://www.westerncity.com/article/technology-tools-and-techniques-reach-your-community

Help Kids Become Responsible Digital Citizens | Education World. (n.d). Nakuha noong Abril 21, 2021 mula sa https://www.educationworld.com/a_tech/responsible-student-technology-use.shtml

Multimedia Introduction – Tutorialspoint. (n.d). Nakuha noong Abril 21, 2021 mula sa https://www.tutorialspoint.com/multimedia/multimedia_introduction.htm#:%7E:text=Video%2D%20The%20term%20video%20refers,for%20showing%20real%20life%20objects

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *