This is the Grade 5 Filipino self-learning module for Quarter 2 (Ikalawang Markahan), Module 6: “Paggamit ng Magagalang na Pananalita sa Pagsasabi ng Hinaing, Ideya sa Isang Isyu, at Pagtanggi” (using polite words when voicing a complaint, sharing an idea on an issue, and saying no). It was prepared by DepEd Region VIII for learning at home. After the module, learners can speak respectfully even when they disagree, complain, or turn down an invitation.
What learners will learn
The module states that after the lesson, learners will be able to:
- use polite words when expressing a complaint (hinaing o reklamo), sharing an idea on an issue, and refusing (pagtanggi);
- identify the polite words used in sentences;
- value the use of polite language.
Key ideas: speaking politely in every situation
The module has one lesson, Aralin 1, guided by the characters Kokoy and Kakay. It teaches that being polite shows good character. It keeps a conversation calm, builds good relationships, and helps avoid misunderstandings. Learners can start practicing at home, in school, and in the community.
The main example is a conversation between Kokoy and his teacher, Gng. Santos. Kokoy does not agree with the grade he got for his project. He still speaks politely:
- “Magandang umaga po Gng. Santos.” (Good morning, Mrs. Santos.)
- “Paumanhin po kung naabala ko kayo.” (Sorry to bother you.)
- “Hindi po kasi ako sang-ayon sa marka…” (I don’t agree with the grade…)
- “Sa tingin ko po, nasunod ko naman ang mga pamantayan…” (I think I followed the criteria…)
Gng. Santos thanks him for being honest and explains the rubric. The theme of the project was worth 35% of the grade, and his project did not match the expected theme.
Common polite expressions
The basic polite words are “po” and “opo,” “ho” and “oho,” and “paki” (please). The module also lists polite expressions for different situations:
| Situation | Examples from the module |
|---|---|
| Pagbati (greeting) | Magandang umaga po. Kumusta po? |
| Giving an idea, opinion, or reaction | Sa aking pananaw… Sa tingin ko… Sa palagay ko… Kung ako ang tatanungin… |
| Pagsang-ayon (agreeing) | Naniniwala po ako… Totoo na… |
| Pagtutol (disagreeing) | Paumanhin, subalit hindi ko po tinatanggap ang… Hindi po ako sang-ayon… Iba po ang pananaw ko… |
| Pagmumungkahi (suggesting) | Kung ganito po kaya ang gawin natin… Maaaring ganito po ang gawin… Subukin po natin ang ganito… |
The module reminds learners that everyone has the right to share their own thoughts and opinions, even when these differ from others. What matters is to stay respectful at all times.
Polite ways to say no
The activities show how to refuse kindly. A good refusal starts with something positive and then gives a reason. Examples from the module:
- “Nais ko sanang sumama ngunit may inuutos sa akin si Nanay. Sa susunod pipilitin kong makasama sa inyo.” (I’d like to come, but Mother asked me to do something. Next time I’ll try to join you.)
- “Hanga ako sa iyong ideya, pero hindi naman tama ang kopyahin ko ang sagot mo.” (I admire your idea, but it isn’t right for me to copy your answer.)
Parts of the module
- Subukin (pretest): circle the polite words in sentences, then choose and complete polite refusal expressions.
- Balikan (review): listen to a short reading on avoiding vices and caring for one’s health, then give five reactions.
- Tuklasin (explore): read the conversation of Kokoy and Gng. Santos and answer five questions.
- Suriin (analyze): the lesson discussion and the list of polite expressions.
- Pagyamanin (practice): write polite responses to situations, such as refusing a friend’s invitation to a computer shop.
- Isaisip (remember): fill in a table of what you learned and why it matters.
- Isagawa (apply): complete five sentences politely, such as “Maganda ang sinabi mo, ngunit…”
- Tayahin (assessment): a 10-item multiple-choice test.
- Karagdagang Gawain (additional activity): share polite opinions on issues like keeping Filipino games (larong pinoy) alive.
How to use this module
- Learners: Start with the pretest to see what you already know. Then follow the parts in order. Write your answers on a separate sheet of paper, and do not write on the module so others can use it. Contact your teacher if you find a lesson hard to understand.
- Parents: The Balikan activity asks a parent or older sibling to read a passage aloud. Help your child check answers honestly with the answer key.
- Teachers: The answer key (Susi sa Pagwawasto) gives answers for Subukin A, Tuklasin, and Tayahin. For Subukin B, Balikan, Pagyamanin, Isaisip, Isagawa, and Karagdagang Gawain, the module expects teachers to make their own rubric to grade learners’ own answers.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this Filipino module for?
It is for Grade 5 Filipino, Quarter 2 (Ikalawang Markahan), Module 6.
What does the module teach?
It teaches learners to use polite words such as po, opo, and paki, and polite expressions when complaining, sharing ideas on an issue, and refusing.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for Subukin A, Tuklasin, and the 10-item Tayahin. Open-ended activities are graded with a rubric the teacher makes.
What does pagtanggi mean?
Pagtanggi means refusing or saying no. The module shows how to refuse politely, for example by first saying something kind and then giving a reason.
Who made this module?
It was written by Arlene R. Domingo and published by DepEd Region VIII as part of the Alternative Delivery Mode, first edition 2020.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Filipino – Ikalawang Markahan – Modyul 6: Paggamit ng Magagalang na Pananalita sa Pagsasabi ng Hinaing, Ideya sa Isang Isyu, at Pagtanggi
5
Filipino
Ikalawang Markahan Modyul 6 Paggamit ng Magagalang na Pananalita sa Pagsasabi ng Hinaing, Ideya sa Isang Isyu, at Pagtanggi
[illustration: students reading and studying outdoors and at a desk, a girl with a globe, and a boy writing by a lamp]
Filipino – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 6: Paggamit ng Magagalang na Pananalita sa Pagsasabi ng Hinaing, Ideya sa Isang Isyu, at Pagtanggi Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Arlene R. Domingo Editor: Virginia C. Dulfo, Dandy G. Acuin Tagasuri: Virgina C. Dulfo, Michael Q. Balan, Ronald B. Llaneta Tagalapat: Chona C. Montes
Tagapamahala: Ramir B. Uytico Arnulfo M. Balane Rosemarie M. Guino Teodorico C. Peliño Joy B. Bihag Ryan R. Tiu Dandy G. Acuin Bernardo A. Adina Gaudencio C. Aljibe, Jr. Lea C. Aberia Virginia C. Dulfo Ma. Teresa B. Afable Shirley B. Bacal
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Region No. VIII Office Address: Government Center, Candahug, Palo, Leyte Telefax: 053-823-2997 E-mail Address: region8@deped.gov.ph
5
Filipino
Ikalawang Markahan Modyul 6 Paggamit ng Magagalang na Pananalita sa Pagsasabi ng Hinaing, Ideya sa Isang Isyu, at Pagtanggi
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga magaaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Kumusta ka kaibigan?
Naritong muli ang iyong paboritong kaibigang si Kokoy na handang gumabay sa iyong pag-aaral. Tiyak kong magiging kapana-panabik ang iyong paglalakbay dahil sa mga gawaing inihanda ko para sa iyo.
Inaasahan na pagkatapos ng ating paglalakbay ay magagawa mo ang sumusunod:
- Nagagamit ang magagalang na pananalita sa pagsasabi ng hinaing o reklamo, sa pagsasabi ng ideya sa isang isyu , at sa pagtanggi;
- Natutukoy ang mga magagalang na pananalita na ginamit sa mga pangugusap;
- Napahahalagahan ang paggamit ng mga magagalang na pananalita
Handa ka na ba? Tara, umpisahan na natin!
Subukin
A. Panuto: Bilugan ang magagalang na pananalita na ginamit sa bawat pangungusap.
- Masakit po ang aking tiyan, maaari po ba akong lumabas?
- Napakasarap po ng iyong nilutong pansit, inay!
- Lumalabo na yata ang aking paningin, pwede po ba ako magpatingin sa doktor?
- Salamat po sa pagtulong ninyo sa aking takdang-aralin.
- Paumanhin po, tumawid ako sa maling tawiran.
B. Panuto: Piliin sa kahon ang magagalang na pananalita sa pagtanggi at subukin dugtungan ito.
A. Sa susunod na lamang dahil… B. Hindi po ako sumasang-ayon dahil… C. Salamat po sa inyong opinyon, ngunit… D. Magandang umaga po! E. Hindi ako maaaring makasama dahil… F. Iba po ang pananaw ko. Sa tingin ko po… G. “Kung ganito po kaya ang gawin natin…
Magaling kaibigan! Naisagawa mo kaagad ang unang gawain.
Ngayon ay maaari mo nang simulan ang panibagong aralin.
Aralin 1: Paggamit ng Magagalang na Pananalita sa Pagsasabi ng Hinaing, Ideya sa Isang Isyu, at Pagtanggi
Nandito ulit ako ang kaibigan mo na si Kakay.
Mahalagang maalala at magamit ang magagalang na pananalita sa pang-araw-araw na buhay lalo na sa pagsasabi ng hinaing o reklamo, sa pagsasabi ng ideya sa isang isyu at sa pagtanggi. Maaaring simulan ito sa tahanan, paaralan at sa komunidad.
Balikan
A. Panuto: Makinig nang mabuti sa iyong magulang o kapatid habang binabasa nila ang sumusunod na talata. Magbigay ng iyong sariling opinyon o reaksyon tungkol sa pinakinggan. Magbigay lamang ng lima, isulat ito sa iyong sagutang papel.
Pag-iwas sa Masamang Bisyo: Alagaan ang Kalusugan
Droga, tawag sa gamot na pananggalang ng katawan laban sa sakit. Kung tama ang paggamit nito, ito ay makagagaling sa sakit at makabubuti sa katawan. Gayunpaman, may tinatawag na mga bawal o ilegal na gamot. Ito ay ipinagbabawal dahil ito ay mapanganib sa kalusugan at kaisipan ng tao kung ito ay aabusuhin at gagamitin nang hindi tama.
Maaaring masira ang kinabukasan ng sinumang malululong sa bawal na gamot at iba pang masamang bisyo. Kaya naman nararapat na habang bata pa lamang ay matutuhan ng alagaan ang sariling kalusugan at sikaping gawin ang mabuti sa katawan.
Tandaan na iisa lamang ang buhay. Kung gayon, mahalaga na piliin ang tama at mabuti para sa pag-unlad ng sarili. Kahit may mga problema sa buhay, maging matatag, manalangin, at magtiwalang may katapusan ang lahat ng suliranin.
Tuklasin
Panuto: Basahin at unawain ang usapan nina Kokoy at Gng. Santos. Sagutin ang mga kasunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
“Magandang umaga po Gng. Santos. Paumanhin po kung naabala ko kayo. Mayroon po sana akong nais linawin. Hindi po kasi ako sang-ayon sa marka na ibinigay ninyo sa aking ginawang proyekto. Sa tingin ko po, nasunod ko naman ang mga pamantayan sa pagbuo nito. Hindi ko po matanggap na mababa ang nakuha ko gayong pinagsumikapan ko po ito at ginawa nang maayos.”
“Magandang umaga rin sa iyo Kokoy. Salamat sa iyong matapat na pagsasabi ng iyong hinaing at ideya tungkol sa binigay kong marka sa iyong proyekto. Paumanhin kung hindi mo matanggap ang marka na binigay ko. Ipapaliwanag ko sa iyo kung bakit. Kung babalikan natin ang rubrik na pamantayan sa pagmamarka sa inyong proyekto, sinasabi doon na ang tema ng magiging nilalaman ng inyong proyekto ay may katumbas na 35% na marka sa kabuoan. Sa bahaging ito, nagkulang ang iyong proyekto. Hindi kasi tumutugma sa inaasahang tema ang iyong nabuong proyekto. Gayunpaman, hinahangaan kita sa iyong pagiging responsableng mag-aaral. Hayaan mo sa susunod na gawain maaari ka pang makabawi. Kailangan mo lamang laging unawaing mabuti ang mga pamantayan para sa susunod matiyak na tutugma ang ginawa mo sa inaasahan kalalabasan ng proyekto o gawain. Kung may mga tanong at paglilinaw na gaya nito puntahan mo lang ako sa faculty room.”
Mga tanong:
- Ano ang paksa ng binasang usapan?
- Ano ang nais linawin ni Kokoy sa kaniyang guro?
- Paano niya sinabi ang kaniyang hinaing at ideya tungkol sa proyekto sa kaniyang guro?
- Ano ang paliwanag ni Gng. Santos sa binigay niyang marka sa proyekto ni Kokoy?
- Ikaw, kapag may mga pagkakataon na nais mo sabihin ang iyong hinaing, reklamo, pagtanggi, o iyong mga ideya, paano mo ito sinasabi?
Suriin
Halika, suriin natin ang iyong binasang usapan. Ilarawan mo nga ang paraan ng pakikipag-usap o pananalita ni Kokoy sa kaniyang guro.
Mahusay! Gumamit siya ng magagalang na pananalita sa pagsasabi ng kaniyang ideya, hinaing, at reklamo. Pansinin ang sumusunod na pahayag ni Kokoy:
Magandang umaga po Gng. Santos.
Paumanhin po kung naabala ko kayo.
Hindi po kasi ako sang-ayon sa marka na ibinigay ninyo sa aking ginawang proyekto.
Sa tingin ko po, nasunod ko naman ang mga pamantayan sa pagbuo nito.
Bakit nga ba mahalaga ang maging magalang sa pakikipag-usap sa iba’t hinaing o reklamo sa kaniyang guro?
Mahalagang maging magalang sa pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon dahil nagpapakita ito ng mabuting pag-uugali. Sa pamamagitan ng pagiging magalang napananatili ang maayos na pag-uusap, naitataguyod ang magandang samahan at naiiwasan ang pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan.
Ang ilan sa pangunahing ginagamit na magagalang na salita ay “po” at “opo”, “ho” at “oho”, “paki”. Gayunpaman, mayaman ang ating wika sa mga pahayag na maaari pang magamit bilang paggalang sa iba’t ibang sitwasyon gaya ng halimbawa ng sumusunod:
Pagbati
Magandang umaga po.
Kumusta po?Pagsasabi ng ideya, opinyon, reaksyon
Sa aking pananaw…
Sa tingin ko…
Sa palagay ko…
Kung ako ang tatanungin…Pagsang-ayon
Naniniwala po ako…
Totoo na…Pagtutol o di-pagsang-ayon
Paumanhin, subalit hindi ko po tinatanggap ang…
Hindi po ako sang-ayon…
Iba po ang pananaw ko…Pagmumungkahi
Kung ganito po kaya ang gawin natin…
Maaaring ganito po ang gawin…
Subukin po natin ang ganito…
Karapatan ng bawat tao na magpahayag ng sariling mga kaisipan, opinyon, at pananaw –kahit na ito ay taliwas o hindi katulad ng opinyon o pananaw ng iba. Kailangan lamang na maging magalang sa lahat ng pagkakataon. Ang mga nabanggit na magagalang na pananalita ay maaaring magamit sa anumang sitwasyon gaya ng sa iyong binasa na pagsasabi ng hinaing, reklamo, at pagtanggi.
Pagyamanin
A. Panuto: Bumuo ng iyong sariling pangungusap o pahayag gamit ang magagalang na pananalita sa pagsasabi ng iyong hinaing o reklamo, pagtanggi, at pagbibigay ng ideya ayon sa sumusunod na sitwasyon. Gawin ito sa sagutang papel. Gawing gabay ang binigay na halimbawa.
| Sitwasyon | Paggamit ng magalang na pananalita sa pagsasabi ng iyong hinaing o reklamo, pagtanggi, at pagbibigay ng ideya |
|---|---|
| Halimbawa: Napapagod ka na sa paulit-ulit na pagsasanay para sa timpalak na iyong sasalihan. Paano mo sasabihin ang iyong hinaing o reklamo sa iyong tagapagsanay? | “Paumanhin po, pero napapagod na po ako sa maghapong pagsasanay. Maaari po bang magpahinga nang sandali.” |
| 1. Sinundo ka ng iyong kaibigan para maglaro sa computer shop ngunit hindi ka pinayagan ng nanay mo. Paano po sasabihin ang iyong pagtanggi sa paanyaya ng iyong kaibigan? |
[transcriber’s note: table continued from the previous page]
| Sitwasyon | Paggamit ng magalang na pananalita sa pagsasabi ng iyong hinaing o reklamo, pagtanggi, at pagbibigay ng ideya |
|---|---|
| 2. Nais mong dagdagan ng nanay mo ang baon mong pera para sa mga biglaang gastusin sa paaralan at iba pang pangangailangan. Paano mo sasabihin ang iyong hinaing sa iyong nanay? |
B. Panuto: Halimbawang ikaw ang nasa sitwasyon si Kokoy, paano mo sasabihin sa iyong guro ang iyong pananaw at hinaing na hindi mo tinatanggap ang binigay niyang marka sa iyong proyekto dahil sa pananaw mo ay nagawa mo ito nang buong husay. Isulat ito sa iyong sagutang papel.
[transcriber’s note: the answer space for item B is an empty speech bubble beside the illustration of Kokoy]
Isaisip
A. Punan ang sumusunod na talahanayan.
| Ano ang iyong mga natutuhan? | Gaano ito kahalaga? |
|---|---|
B. Kompletuhin ang sumusunod:
Mahalagang matutuhan ang pagiging magalang sa pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon lalo na sa pagtanggi, pagsasabi ng hinaing, at pagsasabi ng sariling ideya o pananaw dahil _____
Tumpak! Magaling kaibigan! Napatunayan mo sa iyong sarili na kayang-kaya mo ang mga gawaing inihanda para sa ‘yo.
Isagawa
Panuto: Basahin at dugtungan ang pahayag sa bawat bilang. Gumamit ng magagalang na pananalita sa pagbuo ng pangungusap.
- Maganda ang sinabi mo, ngunit…
- Hanga ako sa liwanag ng iyong ideya, ngunit …
- Alam ko pinag-isipan mo ng mabuti ito, pero…
- Oo nga sang-ayon ako sa sinasabi mo, pero…
- Iyon din ang nasa isip ko, ngunit…
Tayahin
A. Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon sa ibaba. Piliin ang titik na nagpapahayag ng magalang na pananalita.
Nawala ang iyong pera sa klase. Ano ang sasabihin mo sa iyong guro?
A. Nawala ang aking pera.
B. Hanapin niyo ang aking pera.
C. Ma’am nawala po ang aking pera.
D. Ikaw ba ang kumuha ng aking pera?Pinagalitan kayo ng inyong nanay dahil nag-away kayong magkakapatid.
A. Nanay, paumanhin po, hindi na po mauulit.
B. Sorry na.
C. Siya ang pagalitan mo.
D. Wala akong kasalanan.Ginamit mo ang sapatos ng iyong kapatid at nakita niya itong isinusuot mo?
A. Akin na lang ito.
B. Ipagpaumanhin mo, ginamit ko ang iyong sapatos.
C. Ibabalik ko na lang sa iyo mamaya.
D. Bawal bang gamitin?Nahulog ang iyong bolpen at kinuha ito ng klasmeyt mo. Ano ang sasabihin mo?
A. Huwag mong kukunin.
B. Pakibalik naman po ng bolpen ko.
C. Ibalik mo sa akin.
D. Sa akin yan.Nakita ka ng may-ari ng hardin na pinitas mo ang kaniyang bulaklak. Ano ang sasabihin mo sa kanya?
A. Paumanhin po, hindi ko na po uulitin.
B. Isa lang naman ang kinuha ko.
C. Babayaran ko na lang.
D. Huwag ka ng magalit.Gusto ni Ben na manood kayo ng sine kasama ng iyong mga kaibigan, ngunit may gagawin kang importante na ipinagagawa ng iyong nanay. Paano mo siya tatanggihan?
A. Ayaw ko, hindi naman maganda ang palabas ngayon.
B. Nais ko sanang sumama ngunit may inuutos sa akin si Nanay. Sa susunod pipilitin kong makasama sa inyo.
C. Hindi maaari, dahil may gagawin pa ako.Inanyayahan kang dumalo sa pagdiriwang ng kaarawan ng iyong kaklase, ngunit kaarawan din ito ng iyong nakababatang kapatid. Paano mo siya tatanggihan?
A. Gusto ko sanang sumama, pero nagdiriwang din ng kaarawan ang aking kapatid.
B. Hindi, dahil kaarawan din ng kapatid ko.
C. Sige pumunta tayo doon.May takdang-aralin kayo, ngunit nakalimutan mong gumawa. Binigyan ka ng iyong kaklase ng papel upang kopyahin mo na lang ang sagot. Tinanggihan mo ang alok nito. Paano mo ito sasabihin?
A. Hanga ako sa iyong ideya, pero hindi naman tama ang kopyahin ko ang sagot mo.
B. Hindi ako mangongopya sa iyo.
C. Hindi iyan tama.Magkakaroon ng selebrasyon para sa araw ng mga guro. Nagkaroon kayo ng pulong kung anong magandang regalo ang dapat ibibigay sa kanila. May nagmungkahi na dapat mamahalin ang regalong ibibigay sa mga ito. Bilang pagtanggi sa kanila, ano ang sasabihin mo?
A. Hindi naman kailangan mamahalin ang regalo natin sa kanila.
B. Maganda ang sinabi mo, ngunit hindi naman mahalaga ang mamahaling regalo, basta maipadama natin na mahal natin sila.
C. Hindi maganda ang iyong ideya dahil wala akong pambili.Inalok ka ng iyong kaibigan na tumigil na lang sa pag-aaral para magtrabaho sa Maynila. Paano mo siya tatanggihan?
A. Alam kong pinag-isipan mong mabuti ito pero mas maganda kung tatapusin muna natin ang ating pag-aaral.
B. Maling ideya iyon, ikaw na lang.
C. Hindi ako titigil sa pag-aaral para lang magtrabaho sa Maynila.
Karagdagang Gawain
A. Panuto: Ano ang masasabi mo sa sumusunod na isyu o sitwasyon sa ibaba? Gamitin ang magagalang na pananalita sa paglalahad ng iyong ideya.
Isyu:
- Ang mga larong pinoy ay hindi natin dapat kalimutan.
- Ang mga Pilipino ay likas na masining at malikhain.
B. Panuto: Basahin ang sitwasyon sa ibaba. Pangatwiranan ito gamit ang magagalang na pananalita.
Sitwasyon: Paano ka mangangatwiran sa iyong kapitbahay na inaway ka ng kanyang anak?
Binabati kita kaibigan. Napagtagumpayan mo ang lahat ng mga gawain sa modyul na ito. Nawa’y lahat ng iyong natutuhan ay naiwan sa iyong isipan. Hanggang sa muli, ito si Kokoy, ang iyong kaagapay sa pag-aaral.
Susi sa Pagwawasto
Para sa bahaging SUBUKIN B, BALIKAN, ISAISIP, PAGYAMANIN, ISAGAWA, at KARAGDAGANG GAWAIN inaasahang bubuo ang guro ng kanilang rubrik na magiging pamantayan sa pagmamarka sa sariling sagot ng mga mag-aaral.
[transcriber’s note: the answer key on this page is printed upside down in part; the sections below are transcribed in upright reading order]
Tuklasin
- Pagsasabi ni Kokoy ng kaniyang hinaing o reklamo sa kaniyang guro.
- nais niyang linawin ang binigay na marka ng kaniyang guro sa proyektong ginawa niya. Hindi niya ito matanggap dahil mahusay at maayos naman ang kaniyang proyekto.
- Matapat at magalang niyang sinabi ang kaniyang reklamo o hinaing sa kaniyang guro.
- Ayon sa rubrik ng guro, hindi tumugma sa inaasahang tema ang kaniyang proyekto kaya medyo mababa ang nakuha niyang marka.
- Sariling sagot ng mag-aaral.
Tayahin
- A. 1. C
- A
- B
- B
- A
- B
- A
- A
- B
- A
Subukin
- A. 1. Masakit po,
- Maaari po
- Napakasarap po
- Pwede po
- Salamat po
- Paumanhin po
- B. Gagamit ang guro ng rubric sa pagwawasto sa gawaing ito.
Sanggunian
Test Item Bank, Ikalawang Markahan – DepEd Region VIII Sariling katha na mga akda
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply