This is the Grade 5 Filipino self-learning module for Quarter 2 (Ikalawang Markahan), Module 5: “Pagbabahagi ng Isang Pangyayaring Nasaksihan o Naobserbahan/Pagpapahayag ng Sariling Opinyon o Reaksyon sa Isang Napakinggang Balita, Isyu o Usapan” (sharing an event you witnessed or observed, and expressing your own opinion or reaction to a news report, issue, or conversation you heard). It was prepared by DepEd Region VIII for home learning under the Alternative Delivery Mode (First Edition, 2020). After working through it, learners can describe events they have seen and respond to issues using polite expressions of agreement or disagreement.
What learners will learn
The module lists these skills:
- Identify events they have witnessed or observed (natutukoy ang mga pangyayaring nasaksihan o naobserbahan)
- Value the events they have witnessed or observed
- Give or express their own opinion or reaction to a news report, issue, or conversation they heard
- Use common expressions for stating an opinion or reaction to a news report, issue, or conversation
Lessons in this module
The module has one lesson, Aralin 1, with the same title as the module. It moves from a pretest, to a short review, to a reading about education during COVID-19, then a discussion and several writing activities.
Key ideas: sharing what you observed
The module explains that identifying events you have witnessed or observed is an important skill. It helps you:
- look closely at your surroundings and understand what is happening
- become aware of real events in your community and society
- give your own opinion or reaction to the issues you notice
You can share an observed event by giving information, stating an opinion (kuro-kuro), or telling about your experience. The module names four ways of doing this:
| Way of sharing | What it means |
|---|---|
| Pagsasalaysay (narration) | Telling a story; presenting events in order |
| Paglalarawan (description) | Showing the whole of a thing or event, or giving a visual picture of things, people, places, or events |
| Paglalahad (exposition) | Explaining things related to a person’s communication tasks |
| Pagmamatuwid (argumentation) | Using reasonable statements to convince listeners or readers to believe or do something |
Key ideas: giving your opinion or reaction
When we share what we observed, we often add our own opinion, reaction, or view about the topic. A reaction can show agreement (pagsang-ayon) or disagreement (pagtutol). The module gives these common expressions:
- Sumasang-ayon ako… (I agree…)
- Tutol ako sa sinabi… (I disagree with what was said…)
- Nais ko lamang magbigay ng puna… (I would just like to give a comment…)
- Payag ako, pero sa palagay ko ay dapat… (I agree, but I think we should…)
- Magaling ang iyong ideya o naiisip… (Your idea is good…)
The module reminds learners that sharing observations and giving opinions go together, and that they should always be respectful when sharing and talking with others.
The module’s own examples use real situations. In the pretest, the observed event is that many businesses closed during the pandemic and many people lost their jobs; the sample reaction is that more programs and financial help are needed for families in need. In another example, the observation is that families had more time together during the pandemic, and the reaction is that we should stay positive even in hard times.
Activities in the module
- Subukin (pretest): list five events you observed about the COVID-19 pandemic and your reaction to each.
- Balikan (review): recite the poem “Maglaro tayo!” (Let’s play!) with correct tone, stress, pauses, and feeling, while a parent or sibling scores you with the rubric provided.
- Tuklasin (explore): read “Edukasyon sa Panahon ng COVID-19” (education during COVID-19), answer six questions, and share an observation and opinion about it.
- Suriin (discussion): the lesson on observed events and reactions explained above.
- Pagyamanin (practice): give your reaction to three photos (a child drawing, firefighters at a burning vehicle, a building damaged by fallen trees), then pick one and connect it to something you observed.
- Isaisip (reflect): write what you learned about the two skills and how you can improve them.
- Isagawa (apply): observe your surroundings and write five important events with your opinion on each.
- Tayahin (assessment): choose a photo showing something you have seen and share your opinion and reaction.
- Karagdagang Gawain (extra activity): read a short passage about curfew for minors in a barangay and give your opinions using the diagram.
How to use this module
- Learners: Start with the pretest, then go through each part in order. Write all answers on a separate answer sheet and do not write on the module, so others can use it. Contact your teacher if any part is hard to understand.
- Parents and guardians: Listen to your child recite the poem in Balikan and score it using the rubric. Encourage honest, respectful opinions in the writing tasks.
- Teachers: The answer key (Susi sa Pagwawasto) gives answers only for Tuklasin items 1 to 4. For Subukin, Pagyamanin, Isaisip, Isagawa, Tayahin, and Karagdagang Gawain, and for Tuklasin items 5 and 6, the module asks teachers to prepare their own rubric, since learners give their own answers. The Balikan rubric can be used for scoring the poem recitation.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is for Grade 5 Filipino, Quarter 2 (Ikalawang Markahan), and it is Module 5.
Does the module have an answer key?
Yes, but it only gives answers for Tuklasin items 1 to 4. Most activities ask for the learner’s own opinions, so teachers are asked to make their own rubric for scoring them.
What expressions can learners use to give a reaction?
The module lists Sumasang-ayon ako (I agree), Tutol ako sa sinabi (I disagree with what was said), Nais ko lamang magbigay ng puna (I would like to comment), Payag ako, pero sa palagay ko ay dapat (I agree, but I think we should), and Magaling ang iyong ideya (Your idea is good).
What are the four ways of sharing an observed event?
The module names pagsasalaysay (narration), paglalarawan (description), paglalahad (exposition), and pagmamatuwid (argumentation).
How many lessons does this module have?
It has one lesson, Aralin 1, which shares the module’s title.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
5
Filipino Ikalawang Markahan – Modyul 5: Pagbabahagi ng Isang Pangyayaring Nasaksihan o Naobserbahan/ Pagpapahayag ng Sariling Opinyon o Reaksyon sa Isang Napakinggang Balita, Isyu o Usapan
[illustration: students and a teacher reading, writing, and studying with a globe and a lamp; a child reads by lamplight]
Pag-aari ng Pamahalaan, Hindi Ipinagbibili
Filipino – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 5: Pagbabahagi ng Isang Pangyayaring Nasaksihan o Naobserbahan/Pagpapahayag ng Sariling Opinyon o Reaksyon sa Isang Napakinggang Balita, Isyu o Usapan Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Gesille G. Gagni-Grande Editor: Ma. Teresa B. Afable, Virginia C. Dulfo, Shirley B. Bacal, Jennifer A. Ballena, Tagasuri: Virgina C. Dulfo, Jenniefer A. Ballena, Michael Q. Balan, Tagalapat: Allan C. Arma Tagapamahala:
Ramir B. Uytico | Bernardo A. Adina Arnulfo M. Balane | Gaudencio C. Aljibe, Jr. Rosemarie M. Guino | Lea C. Aberia Teodorico C. Peliño | Virginia C. Dulfo Joy B. Bihag | Ma. Teresa B. Afable Ryan R. Tiu | Shirley B. Bacal Dandy G. Acuin |
Inilimbag sa Pilipinas ng _____ Department of Education – Region No. VIII Office Address: Government Center, Candahug, Palo, Leyte Telefax: 053-832-2997 E-mail Address: region8@deped.gov.ph
5
Filipino
Ikalawang Markahan – MELC Modyul 5: Pagbabahagi ng Isang Pangyayaring Nasaksihan o Naobserbahan/ Pagbabahagi ng Sariling Opinyon o Reaksyon sa Isang Napakinggang Balita, Isyu o Usapan
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Sa modyul na ito, inaasahang matututuhan ang sumusunod na kasanayan:
a. Natutukoy ang mga pangyayari na nasaksihan o naobserbahan; b. Napahahalagahan ang mga pangyayaring nasaksihan o naobserbahan; c. Naibibigay/naipahahayag ang sariling opinyon o reaksiyon sa napakinggang balita, isyu o usapan; d. Nagagamit ang iba’t ibang pahayag na karaniwang ginagamit sa pagpapahayag ng sariling opinyon o reaksiyon sa isang napakinggang balita, isyu o usapan
Subukin
Ibigay ang hinihingi sa bawat hanay sa dayagram sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
| Pangyayaring iyong naobserbahan o nasaksihan tungkol sa isyung dulot ng pandemya o COVID-19 | Sariling reaksiyon o opinyon tungkol sa natukoy na pangyayaring iyong naobserbahan o nasaksihan |
|---|---|
| Halimbawa Maraming nagsara na mga negosyo at kompanya kaya maraming nawalan ng trabaho at nagkaroon ng problema sa pinansiyal. | Kailangan pang dagdagan ang mga programang tutulong sa mga mamamayan na nawalan ng trabaho. Dapat ding maglaan ng sapat na tulong pinansiyal sa bawat pamilyang higit na nangangailangan. |
| 1. | |
| 2. | |
| 3. | |
| 4. | |
| 5. |
Aralin 1: Pagbabahagi ng isang Pangyayaring Nasaksihan o Naobserbahan/Pagbabahagi ng Sariling Opinyon o Reaksyon sa Isang Napakinggang Balita, Isyu o Usapan
Panibagong aralin na naman ang iyong pag-aaralan. Inaasahang patuloy kang magtatagumpay sa iyong pagkatuto ng mga bagong kaalaman.
Balikan
Balikan ang nakaraang aralin. Bigkasin ang tula nang may wastong tono, diin, antala, at damdamin. Iparinig ito sa magulang o sa kapatid. Ipagamit sa magulang o kapatid ang rubrik sa ibaba para markahan ang ginawang pagbigkas ng tula.
Maglaro tayo!
I.
Habulan tayo!
Tayo’y maglaro.
Kahit saan tumungo
malayang tumakbo.
II.
Gumalaw sa’yong posisyon,
sa magkakaibang direksiyon.
Takbo pakanan, pakaliwa,
paharap, at palikod
at magpahinga kung mapagod.
III.
Maaaring huminto
at muling tumakbo.
Iwasang mataya,
gumalaw nang malaya–
padiretso, pakurba, o pa-zigzag pa
IV.
Sa habulan,
di laging mabilisan,
katamtaman minsan,
o kaya mabagal kung kailangan.
V.
Halina’t maglaro,
sa mga patag na espasyo.
Gumalaw nang patayo o paupo,
pahilis o paikot, anuman ang gusto.
Halina’t maglaro, magsaya tayo!
Pamantayan sa Pagmamarka
| Mga Pamantayan | Napakahusay (5) | Mahusay (4) | Mahusay -husay (3) | Di-gaanong mahusay (2) | Kailangan pa ng Pag-unlad (1) |
|---|---|---|---|---|---|
| 1. Nabibigkas nang may wastong tono, diin, antala at damdamin ang tula. | |||||
| 2. Nabibigyang diin ang bahagi ng tula na may mataas na tono, may diin, antala at damdamin | |||||
| 3. Nabibigkas ang tula nang angkop ang bawat kilos, ekspresyon ng mukha, kumpas ng kamay, galaw ng mata, at tamang tindig. | |||||
| Kabuoang Puntos |
Tuklasin
Basahin at unawain ang sumusunod. Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
Edukasyon sa Panahong ng COVID-19
Bagaman malaki ang epekto ng COVID-19 sa edukasyon kailangang magpatuloy pa rin ang pag-aaral at pagkatuto. Kasabay nito, ang pagtiyak sa kalusugan at kaligtasan ng mga mag-aaral kaya ipinagpaliban ang pagbubukas ng klase at pansamantalang wala munang face-to-face classes.
Bilang alternatibong pamamaraan ng pag-aaral ngayong panahon ng pandemya, ipinatupad ang distance learning ng Kagawaran ng Edukasyon. Dito kahit nasa kani-kanilang tahanan ang mga mag-aaral ay maaari silang mag-aral at matuto. Maaaring mamili kung ano ang nais na pamamaraan para magpatuloy sa
pag-aaral, gaya sa pamamagitan ng online, paggamit ng modyul, TV/Radio-based na pag-aaral, o kaya naman kombinasyon ng mga ito.
Mahalaga ang edukasyon para sa pag-unlad ng bayan. Kaya naman, kahit nahaharap tayo sa pandemya kailangang magtulungan ang bawat isa upang matiyak na ligtas ang lahat habang nagpapatuloy ang pag-aaral at pagkatuto ng mga mag-aaral.
Mga Tanong:
- Ano ang paksa ng iyong binasa?
- Bakit kailangang ipagpaliban ang klase at pansamantalang itigil ang face-to-face classes?
- Ano ang ipinatupad ng Kagawaran ng Edukasyon upang magpatuloy ang edukasyon ngayong panahon ng pandemya?
- Ano-ano ang maaaring pagpilian ng mag-aaral na pamamaraan sa kanilang pag-aaral ngayong pandemya?
- Bakit mahalagang ipagpatuloy ang edukasyon ngayong panahon ng pandemya?
- Magbahagi ng isang pangyayari na iyong naobserbahan o nasaksihan tungkol sa binasa. Magbigay ng iyong opinyon kaugnay sa isyu ng edukasyon sa panahon ng COVID-19.
| Pangyayaring iyong naobserbahan o nasaksihan tungkol sa isyu ng edukasyon sa panahon ng COVID-19 | Sariling reaksiyon o opinyon tungkol sa natukoy na pangyayaring iyong naobserbahan o nasaksihan |
|---|---|
Suriin
Binabati kita dahil natapos mo na ang bahaging TUKLASIN, ngayon naman ay pag-aralan at unawaing mabuti ang talakay.
Pagtukoy ng mga Pangyayaring Nasaksihan o Naobserbahan at Pagbabahagi ng Sariling Opinyon/Reaksyon
Ang pagtukoy ng mga pangyayaring nasaksihan o naobserbahan ay isang mahalagang kasanayan na dapat mong matutuhan.
Sa pamamagitan nito:
- mahihikayat ka na maging mapanuri sa iyong paligid at unawain ang mga sitwasyong nagaganap;
- magkakaroon ka ng kamalayan sa mga tunay na pangyayaring nagaganap sa lipunan na iyong kinabibilangan;
- mahihikayat kang magbigay ng iyong sariling opinyon o reaksyon kaugnay sa mga natutuklasan mong isyu.
Ang pagtukoy ng pangyayaring nasaksihan o naobserbahan ay maaaring sa pamamagitan ng pagbibigay impormasyon, ng opinyon o kuro-kuro, pagbabahagi ng karanasan at iba pang kaugnay. Maaaring ito ay sa pamamaraan ng pagsasalaysay, paglalarawan, paglalahad at pagmamatuwid.
- Ang pagsasalaysay ay pagkukuwento. Ito ay pagpapahayag na naglalayong mailahad nang sunod-sunod ang mga pangyayari.
- Ang paglalarawan ay pagpapahayag ng kabuoan ng isang bagay, ng pangyayari o nagbibigay ng isang biswal na imahen ng bagay-bagay, ng tao, pook o pangyayari.
- Ang paglalahad ay isang uri ng pagpapaliwanag ng tao ukol sa mga bagay-bagay na may kaugnayan sa kaniyang mga gawaing pangkomunikasyon.
- Ang pagmamatuwid o argumentasyon ay sining ng pagsisikap na mapag-aralan o maimpluwensyahan ang ibang tao sa pamamagitan ng makatuwirang pahayag upang mapaniwala at mapakilos ang mga tagapakinig o mambabasa sa kung ano ang nais niyang paniwalaan o gawin nila.
Samantala, sa pagbabahagi ng mga pangyaaring nasaksihan o naobserbahan may mga pagkakataon na nagbibigay tayo ng sarili nating opinyon, reaksiyon o palagay tungkol sa paksa o isyung pinag-uusapan. Maaaring sa pagbibigay ng reaksiyon ay magpahayag ng pagsang-ayon o pagtutol.
Narito ang mga pahayag na karaniwang ginagamit sa pagbibigay ng reaksiyon:
- Sumasang-ayon ako…
- Tutol ako sa sinabi…
- Nais ko lamang magbigay ng puna…
- Payag ako, pero sa palagay ko ay dapat…
- Magaling ang iyong ideya o naiisip…
Magkaugnay ang kasanayan na pagbabahagi ng nasaksihan o naobserbahan at pagbibigay-reaksiyon/opinyon. Dapat lamang din na tandaang maging magalang sa pagbabahagi at pakikipag-usap.
Pagyamanin
Pag-aralan mabuti ang sumusunod. Magbigay ng iyong sariling opinyon o reaksyon sa sitwasyon o pangyayari sa bawat larawan.
| Pangyayari/Sitwasyon | Sariling opinyon o reaksyon |
|---|---|
| [photo: a child kneeling on the floor drawing on a large sheet of paper] 1. Gesille G. Grande, Borongan City Division | |
| [photo: firefighters spraying water on a burning vehicle] 2. Gesille G. Grande, Borongan City Division | |
| [photo: a damaged building with fallen trees and debris] 3. Gesille G. Grande, Borongan City Division |
A. Pumili ng isang pangyayari o sitwasyon mula sa mga larawan sa itaas at tumukoy ng isang pangyayaring nasaksihan o naobserbahan tungkol dito. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
| Napiling pangyayari/sitwasyon mula sa larawan sa itaas (Sabihin na lamang kung anong bilang ng larawan) | Pagtukoy ng pangyayaring nasaksihan/ naobserbahan tungkol o kaugnay sa napiling larawan |
|---|---|
| Halimbawa: Larawan #1 | Gaya ng kapatid ko ang nasa larawan. Magaling siyang gumuhit. Araw-araw nagsasanay siya. Sumasali siya sa mga timpalak ng pagguhit. Masipag din siya sa kaniyang pag-aaral |
Isaisip
Sagutin ang mga tanong sa dayagram. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
| Kasanayang dapat mong matutuhan | Ano ang natutuhan mo tungkol sa kasanayang ito? | Paano mo pa mapauunlad ang iyong natutuhan tungkol sa kasanayang ito? |
|---|---|---|
| 1. Pagtukoy ng mga pangyayaring nasaksihan o naobserbahan | ||
| 2. Pagbibigay/pagpapahayag ang sariling opinyon o reaksiyon sa isang isyu |
Isagawa
Maging malaya sa pagsusuri sa iyong paligid. Tumukoy ng mga pangyayaring iyong nasaksihan o naobserbahan na sa palagay mo ay mahalaga. Magbigay din ng iyong sariling opinyon o pananaw tungkol dito.
| Pangyayaring iyong naobserbahan o nasaksihan na sa iyong palagay ay mahalaga | Sariling reaksiyon o opinyon tungkol sa natukoy na pangyayaring iyong naobserbahan o nasaksihan |
|---|---|
| Halimbawa: May mabuti pa rin sa panahon ng pandemya. Nagkaroon ng mas maraming panahon ang bawat pamilya na magsama-sama at magtulungan. | Minsan kahit na may mga pagsubok, kailangan pa ring maging positibo at tingnan kung ano ang mabuti at makatutulong sa sitwasyon. |
| 1. | |
| 2. | |
| 3. | |
| 4. | |
| 5. |
Tayahin
Pag-aralan ang bawat larawan. Pumili ng isa mula rito na nasaksihan o naobserbahan mo na. Ibahagi ito at magbigay ng iyong sariling opinyon at reaksiyon. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
1 [photo: a toddler pouring something into a pot among plants in a garden] [transcriber’s note: a fragment of the credit line “Gesille G. Grande, Borongan City Division” is cut off at the left edge of this page]
2 [photo: children in traditional costumes performing in a parade with a man filming them]
3 [photo: two children playing with toy trucks and figures on the ground] Gesille G. Grande, Borongan City Division
Karagdagang Gawain
Basahin ang sumusunod na talata at magbigay ng sariling opinyon o reaksyon kaugnay sa isyung tinatalakay.
Curfew
Ano nga ba ang curfew? Ito ay isang patakaran na ipinatutupad ayon sa batas. Ito ay nagtatakda at naglilimita ng oras kung kailan nasa loob lamang ng bahay o nasa labas. Kadalasan ipinapatupad ito sa mga lugar na may banta sa seguridad, o minsan din naman para sa pagpapatupad ng kapayapaan at kaayusan sa isang komunidad.
Sa isang barangay, mahigpit ang pagpapatupad nito sa mga menor de edad. Pinagbabawalan silang lumabas ng bahay sa gabi. Ang mga tanod ay naglilibot upang masigurong walang sinuman ang lumalabag sa kautusang ito. Ito ay para maging matiwasay at maayos ang kanilang lugar.
-Gesille G. Grande, DepEd, Borongan City Division
Gamiting gabay ang dayagram sa iyong pagbibigay ng opinyon at reaksyon sa isyu.
[chart: flowchart; untitled diagram]
- Top box: Pagpapatupad ng Curfew
- Three boxes below, each labeled: Opinyon/Reaksyon
- Arrows from the top box to the left and right boxes, and a thick arrow down to the bottom box
Susi sa Pagwawasto
Para sa mga Guro:
Para sa bahaging SUBUKIN, PAGYAMANIN, ISAISIP, ISAGAWA, TAYAHIN, at KARAGDAGANG GAWAIN inaasahang bubuo ang guro ng kanilang sariling rubrik na magiging pamantayan sa pagmamarka ng mga sariling sagot ng kanilang mga mag-aaral.
Maaaring tingnan ang binigay na rubrik sa bahaging BALIKAN bilang pamantayan sa pagmamarka sa pagbigkas ng tula.
TUKLASIN
[transcriber’s note: the following block is printed upside down on the page]
- Pagpapatuloy ng edukasyon sa panahon ng pandemya o COVID-19.
- Para matiyak ang kalusugan at kaligtasan ng mga guro at mag-aaral.
- Ipinatupad ang Distance learning ng DepEd bilang alternatibong pamamaraan sa pag-aaral ngayong panahon ng pandemya.
- Maaari silang mag-aral nang online, gumamit ng modyul, manood sa telebisyon at makinig sa radyo ng kanilang aralin, o kaya naman ay kombinasyon ng mga ito.
5-6. Sariling sagot ng mag-aaral na dapat iwasto ng guro gamit ihahandang rubrik.
Sanggunian
2020 Most Essential Learning Competencies (MELCs)
Sariling kathang mga akda
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply