This is the Grade 5 Filipino self-learning module for Ikalawang Markahan (Quarter 2), Modyul 3: “Pagbibigay ng Paksa, Layunin o Angkop na Pamagat sa Napakinggang Kuwento, Usapan o Talata at sa Napanood na Dokumentaryo” (giving the topic, purpose, or a fitting title of a story, dialogue, or paragraph you heard and a documentary you watched). It is an Alternative Delivery Mode module from DepEd Region VIII, first edition 2020, written for learners studying at home with help from a parent or another adult. After the module, learners should be able to say what a text or documentary is about, why its author made it, and what a good title for it would be.
What learners will learn
The module lists three skills:
- Give the topic or purpose (paksa/layunin) of a story, dialogue, or paragraph they listened to, and of a documentary or film they watched.
- Give a fitting title (angkop na pamagat) to a paragraph or text they listened to.
- Describe the setting and characters (tagpuan at tauhan) of a film they watched and a text they read.
Lesson in this module
The module has one lesson, Aralin 1, with the same title as the module. It explains that we hear a lot of information every day, so it matters that we can identify the topic of what we hear. This also helps us tell which information is true and which is false.
Key ideas: title, topic, and purpose
The Suriin part of the lesson defines three terms:
- Pamagat (title): stands for the whole content of a work or text. The entire story or work revolves around it.
- Paksa (topic): the main thing being talked about in a story, dialogue, news report, or similar text. It is the most important idea the author wants the reader to get. You can give the topic only if you understood the text well.
- Layunin (purpose): the author’s intention, or what the author wants the reader to understand. It is the author’s reason for writing the story, dialogue, or documentary.
Four steps for giving the topic, purpose, and title
- Understand well the text you are listening to, reading, or watching.
- Write down the important details and supporting information.
- Study what you wrote down and think carefully about each detail.
- Write the topic, purpose, and suggested title. Read them again and check that they fit the text.
Texts used in the module
- A paragraph about Apolinario Mabini (Subukin): born in Tanauan, Batangas, to a poor family, he finished his studies through intelligence and hard work, became a scholar at Colegio de San Juan de Letran, taught Latin, and studied law at the University of Santo Tomas. The paragraph has no title, and learners suggest one.
- A dialogue between David and Jhaziel (Tuklasin): David warns his neighbor that burning trash, especially plastic, releases harmful gases such as carbon monoxide and damages the ozone layer. Jhaziel promises to sort biodegradable, non-biodegradable, and reusable waste instead.
- A story about Titser Wilma and Joselito (Pagyamanin): a kind teacher helps a poor, sad Grade 1 pupil. Years later Joselito, now a seaman, thanks her and says that poverty is not a barrier to success.
- A selection about Manuel L. Quezon (Tayahin): his work as soldier, governor, senator, and Commonwealth president, and why he is called “Ama ng Wikang Pambansa” (Father of the National Language).
Parts and activities
| Part | What the learner does |
|---|---|
| Subukin | A family member reads the Mabini paragraph aloud; the learner answers six questions, including a suggested title and the author’s purpose |
| Balikan | Researches suggested screentime guidelines for children and records the key points |
| Tuklasin | Listens to the David and Jhaziel dialogue and answers five questions |
| Suriin | Reads the definitions and the four steps |
| Pagyamanin | Listens to the Titser Wilma story and answers seven questions |
| Isaisip | Fills in a table of what was learned and why it matters, and completes a sentence |
| Isagawa | Watches any documentary on TV or YouTube and fills in a graphic organizer: title, purpose, topic, and issues discussed |
| Tayahin | Reads the Quezon selection and answers a 10-item test |
| Karagdagang Gawain | Watches a documentary about education (on YouTube or TV) and answers five questions in a notebook |
How to use this module
- Learners: Follow the parts in order, starting with Subukin. Write all answers on a separate sheet of paper or in your notebook, and do not write on the module. Contact your teacher right away if you have trouble understanding the lesson.
- Parents and family members: Several activities ask a family member to read the paragraph, dialogue, or story aloud while the learner listens. You will also need to help find a documentary on TV or online for Isagawa and Karagdagang Gawain.
- Teachers: The answer key (Susi sa Pagwawasto) covers Subukin, Tuklasin, Pagyamanin, and Tayahin. Open-ended items and the Balikan, Isaisip, Isagawa, and Karagdagang Gawain parts are to be checked with a rubric that the teacher prepares.
The module asks everyone to be honest in using the answer key and to keep the module in good condition so other learners can use it.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this Filipino module for?
It is for Grade 5 (Ikalimang Baitang) Filipino, Quarter 2 (Ikalawang Markahan), Module 3.
What is the difference between paksa and layunin?
Paksa is the topic, or the main thing a text talks about. Layunin is the purpose, or the author’s reason for writing and what the author wants the reader to understand.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for Subukin, Tuklasin, Pagyamanin, and Tayahin. Open-ended items and some parts are checked by the teacher using a rubric.
Do learners need the internet to finish this module?
No. The documentary activities can be done with a YouTube video if the learner has internet access, or with any documentary shown on television if not.
How many lessons does the module have?
It has one lesson, Aralin 1, on giving the topic, purpose, or fitting title of a story, dialogue, paragraph, or documentary.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Filipino Ikalawang Markahan Modyul 3 Pagbibigay ng Paksa, Layunin o Angkop na Pamagat sa Napakinggang Kuwento, Usapan o Talata at sa Napanood na Dokumentaryo
[illustration: children reading and studying under a tree, a girl at a desk with a globe, and a boy reading by a lamp]
Filipino – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 3: Pagbibigay ng Paksa, Layunin o Angkop na Pamagat sa Napakinggang Kuwento, Usapan o Talata at sa Napanood na Dokumentaryo
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Melinda Lourdes Camarillo-Amoyo Editor: Ma. Teresa B. Afable, Virginia C. Dulfo, Shirley B. Bacal, Eleonor Distrajo Tagasuri: Alludia N. Badilla, Crescente A. Beato, Michael Q. Balan Tagaguhit: Michael Q. Balan Tagalapat: Chona C. Montes Tagapamahala: Ramir B. Uytico Arnulfo M. Balane Rosemarie M. Guino Joy B. Bihag Ryan R. Tiu Teodorico C. Peliño Dandy G. Acuin Bernardo A. Adina Gaudencio C. Aljibe, Jr. Lea C. Aberia Ma. Teresa B. Afable Shirley B. Bacal Virginia C. Dulfo
Inilimbag sa Pilipinas ng _____ Department of Education – Region No. VIII Office Address: Government Center, Candahug, Palo, Leyte Telefax: 053-832-2997 E-mail Address: region8@deped.gov.ph
Filipino
Ikalawang Markahan Modyul 3 Pagbibigay ng Paksa/Layunin sa Napakinggang Kuwento/Usapan/, at sa Napanood na Dokumentaryo
5
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
[illustration: girl student with a bag and a folder]
Kumusta kaibigan! Narito na naman ako upang sasamahan ka habang naglalayag sa panibagong mundo ng kaalaman na tiyak kong kaaaliwan mo.
Simulan natin sa iyo!
Sige nga ikuwento mo sa iyong kaibigan ang detalye ng pinakahuling usapan na narinig mo mula sa iyong mga magulang at kapatid,
Kumusta ang kuwentuhan?
Teka, pagkatapos ng paglalakbay na ito inaasahang matatamo mo ang sumusunod na kasanayan:
a. Naibibigay ang paksa/layunin ng napakinggang kuwento/usapan/talata, at pinanood na dokumentaryo/pelikula.
b. Nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa isang talata at tekstong napakinggan.
c. Nailalarawan ang tagpuan at tauhan ng napanood na pelikula at nabasang teksto.
Paalala na bawat bahagi ng modyul na ito ay nagtataglay ng mga gawain at pagsubok ayon sa iyong kakayahan. Huwag kang mag-alala dahil narito naman ako na nakahandang gumabay. Sundin mo lang ang aking mga panuto at gawaing ipagagawa. Handa ka na ba?
Subukin
Handa ka na ba? Maaari nang simulan ang mga gawaing. Maghanap ng isang miyembro ng pamilya na magbabasa ng talata. Makinig at unawaing mabuti ang mga detalye. Sagutin ang sumusunod na tanong sa ibaba.
[illustration: boy student holding a book and a bag]
Isa sa mga Pilipinong nakipaglaban para sa kalayaan ng Pilipinas ay si Apolinario Mabini. Siya ay ipinanganak noong July 23, 1864 sa Tanauan, Batangas. Mula siya sa isang mahirap na pamilya. Bagaman salat sa buhay, hindi ito naging hadlang para makapagtapos siya ng pag-aaral. Likas na matalino at masipag si Mabini kaya ito ang naging puhunan niya para makapagtapos ng pag-aaral. Naging iskolar siya sa Kolehiyo de San Juan de Letran kaya nakapag-aral siya nang libre sa kursong Batsilyer ng Sining. Nagturo siya ng Latin sa ilang pribadong paaralan sa Maynila para matustusan ang kaniyang mga pangangailangan sa pagkain, tirahan at iba pang gastusin. Nang makatapos ng kolehiyo, ipinagpatuloy niya ang pag-aaral ng abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas. Dahil sa laki ng gastusin sa pag-aaral, namasukan siyang istenograper sa Court of First Instance at klerk sa Intendencia General.
Melinda Lourdes C. Amoyo Sabang Central Elem. School, Borongan City Division, DepEd Region VIII
Mga Tanong:
- Sino ang pinag-uusapan sa talata?
- Ilarawan ang pangunahing tauhan sa binasa.
- Paano nakapagtapos ng pag-aaral si Mabini?
- Anong katangian ni Mabini ang iyong hinangaan? Bakit?
- Napansin mo bang walang pamagat ang talatang binasa? Kung gayon, magbigay ng mungkahing pamagat ng talata.
- Sa iyong palagay, ano kaya ang layunin ng awtor sa pagsulat ng talatang iyong binasa? Bakit niya ito sinulat?
Aralin 1: Pagbibigay ng Paksa, Layunin o Angkop na Pamagat sa Napakinggang Kuwento, Usapan o Talata at sa Napanood na Dokumentaryo
Mahusay ang ginawa mong pagsunod sa ating gawain kaibigan. Sa dinami rami ng iyong napakikinggang impormasyon sa araw-araw ay napakahalaga na marunong kang tumukoy ng paksa ng mga impormasyong ito. Nang sa ganoon ay malaman mo kung aling impormasyon ang tama sa mali.
[illustration: boy student smiling with a hand on his chest]
Balikan
Panuto: Magsaliksik o magbasa tungkol sa mungkahing pamantayan sa screentime para sa mga batang tulad mo. Gamitin ng angkop na sanggunian na natutuhan mo sa nakaraang aralin sa pagsasaliksik. Itala ang mahahalagang nakalap na impormasyon sa iyong sagutang papel.
[chart: flowchart; Balikan worksheet, central box “Mga Mungkahing Pamantayan sa Screentime para sa mga Bata” with four empty answer boxes connected by arrows]
Tuklasin
Kaibigan, paano mo ba pahahalagahan ang ating kalikasan? Kapag may nakita kang tao na hindi tama ang ginagawa, ano ang gagawin mo?
Ipabasa sa kapatid o kahit na sinong kasama sa bahay ang sumusunod na usapan. Makinig at unawain ito nang mabuti. Sagutin ang mga tanong sa ibaba sa iyong sagutang papel.
Mga tanong:
- Ano ang paksa ng binasang usapan?
- Sino ang dalawang nag-uusap? Ilarawan ang mga tauhan batay sa kanilang kilos at pahayag.
- Bakit hindi tamang magsunog ng mga basura lalong lalo na ang mga plastik?
- Sang-ayon ka ba kay David? Kung gayon, ano ang iyong mungkahi para mapangalagaan ang ating kapaligiran at kalikasan?
- Ano ang layunin ng awtor sa pagsulat ng usapan na iyong binasa?
Araw ng Sabado habang papalabas ng gate ng bahay si David nang makita niya ang kaniyang kapitbahay na si Jhaziel.
DAVID : Naku Jhaziel! Delikado sa kalusugan pati na rin sa ating kalikasan ang pagsusunog ng basura lalo na ang mga plastik na iyan. Huwag na huwag mong gagawin iyan.
JHAZIEL : Hayaan mo na David wala namang ibang nakakakita.
DAVID : Kahit na Jhaziel ang pagsusunog ng mga basura ay naglalabas ng lason tulad ng carbon monoxide, carbon dioxide at iba pa na maaring magresulta sa sakit sa baga kung ito’y malalanghap.
JHAZIEL : Ganun ba?
DAVID : Oo, hindi lamang iyon. Ito rin ay nakasisira sa ating Ozone Layer. Ang Ozone Layer ang nagpoprotekta sa atin sa matinding init ng araw.
JHAZIEL : Ganun ba, simula ngayon hindi na ako magsusunog ng mga plastik at iba pang basura. Sa halip ay paghihiwa-hiwalayin ko ang nabubulok, di-nabubulok, at mga basurang puwede pang magamit muli.
DAVID : Iyan ang nararapat mong gawin.
Melinda Lourdes C. Amoyo Sabang Central Elem. School, Borongan City Division, DepEd Region VIII
Suriin
Sabi ko na, madaling unawain ang ating aralin lalo na kung babasahin at uunawaing mabuti ang bawat talata.
Alam mo ba na ang pagbibigay ng pamagat, paksa at layunin ng napakinggan, nabasa, at napanood ay mahalagang kasanayan na humahasa sa iyong mapanuring pag-iisip.
ANG PAMAGAT, PAKSA, AT LAYUNIN NG TEKSTO
Ano ang pamagat?
Ang pamagat ang kumakatawan sa buong nilalaman ng isang akda o teksto. Dito umiikot ang kabuoan ng kuwento o anumang akda.
Ano ang paksa?
Ang paksa ang pangunahing pinag-uusapan o tinatalakay sa mga akdang gaya ng kuwento, usapan, diyalogo, balita, at iba pa. Ito ay tumutukoy sa pinakamahalagang kaisipang nais iparating ng may-akda sa mambabasa.
Maibibigay mo ang paksa ng iyong napakinggan, nabasa, at napanood kung naunawaan mo itong mabuti. Sa pamamagitan ng iyong pag-unawa ay masusuri mo sa kabuoan kung ano ang pinakapinag-uusapan sa akdang iyong napakinggan, nabasa, o napanood.
Ano ang layunin?
Ang layunin ay tumutukoy sa intensiyon o nais ng may-akda na ipaunawa sa mambabasa. Ito ang kaniyang dahilan sa pagsulat ng akdang gaya ng kuwento, usapan o dokumentaryo.
PAGBIBIGAY NG PAMAGAT, PAKSA, AT LAYUNIN NG TEKSTO
Para mahusay na maibigay ang paksa, layunin, at mungkahing pamagat ng napakinggan, nabasa, at napanood na akda o tekstong gaya ng kuwento, usapan o dokumentaryo, maaaring maging gabay ang sumusunod:
- Unawaing mabuti ang akda o tekstong pinakikinggan, binabasa, at pinanonood.
- Itala ang mahahalagang detalye at mga sumusuportang impormasyon mula rito.
- Suriin ang mga naitala, maging mapanuri sa bawat naitalang mahahalagang detalye.
- Isulat ang ibibigay na paksa, layunin, at mungkahing pamagat ng binasa. Basahin itong mabuti at pag-aralan kung ito ba ay naaangkop na paksa. layunin, at pamagat.
Pagyamanin
Kaunti na lang matatapos na ang ating paglalakbay. Tara! tayahin natin ang iyong nalaman! Alam kong kaya mo iyan!
Ipabasa sa kapamilya ang kuwento. Makinig at unawain ito nang mabuti. Isulat sa ibaba ng bawat katanungan ang tamang sagot nang may wastong baybay at bantas kung kinakailangan.
Si Titser Wilma ay nagtuturo sa unang baitang ng Mababang Paaralan ng San Andres. Mayroon siyang tatlumpo’t walong mag-aaral. Isang batang lalaki ang palagi niyang napapansing tahimik at matamlay. Siya ay si Joselito.
Isang araw kinausap niya ito at tinanong kung bakit siya malungkot. Napag-alaman ni Titser Wilma na ang nanay niya ay isang labandera at may sakit na tuberkulosis. Wala na siyang ama at tatlo silang magkakapatid. Ayon sa bata, hirap sila sa kanilang pang-araw-araw na gastusin.
Awang-awa si Titser Wilma sa bata. Kaya naman madalas binibigyan niya ito ng pagkain. Pinapayuhan din niya si Joselito na tulungan ang nanay sa mga gawaing-bahay, mag-aral nang mabuti at huwag humintong mangarap. Lagi din niyang ipinapaalaala sa kaniya na humingi ng tulong sa Diyos at magtiwala sa Kaniya. Ang gawaing ito ni Titser Wilma ay nagpatuloy hanggang sa nakatapos si Joselito ng elementarya.
Mga tanong:
- Sino-sino ang tauhan ng binasang kuwento?
- Ilarawan ang mga ito batay sa kanilang mga kilos at pahayag.
- Ano ang napag-alaman ni Titser Wilma na problema ni Joselito?
- Paano pinalakas ni Titser Wilma ang loob ni Joselito?
- Paano nagtagumpay si Joselito?
- Ano sa iyong palagay ang layunin ng awtor o may-akda sa pagsulat ng kuwentong iyong binasa?
- Magbigay ng iyong mungkahing pamagat sa binasang kuwento.
Likas na mabait at matulungin si Titser Wilma kaya naman kahit saan siya mapunta, napagtatagumpayan niya ang hamon ng isang pagiging guro. Lumipas ang labinlimang taon, siya ay nalipat sa ibang paaralan. Iba’t ibang katangian ng mga bata ang kaniyang nakita na nagbigay daan upang maghanap siya ng ibang pamamaraan na makatutulong upang lalo pa siyang maging mas mahusay at epektibong guro.
Isang araw, habang nag-aabang siya ng sasakyan pauwi sa kanila, may humintong sasakyan at pilit na pinasasakay siya. Tumanggi siyang sumakay dahil hindi niya kilala ang nagmamaneho nito. Lumabas ang drayber at nagpakilala. Siya pala si Joselito, ang dati niyang mag-aaral sa unang baitang. Tuwang-tuwa si titser nang makilala niya ito. Agad siyang sumakay sa magarang sasakyan ni Joselito.
Dinala siya ni Joselito sa isang mamahaling restaurant. Marami silang napagkuwentuhan. Nalaman niya na nagsumikap si Joselito sa kaniyang pag-aaral. Para makatapos sa kolehiyo, ito ay pumasok bilang utusan sa isang tindahan ng bisekleta. Ang Diyos rin ang naging sandigan ni Joselito upang makamit ang pangarap na maging isang seaman.
Umapaw sa galak ang puso ni Titser Wilma lalo na nang sabihin ni Joselito sa kanya ang mga katagang ito:
“Maraming salamat, Titser Wilma sa mga tulong, inspirasyon at pagtitiwala na ibinigay mo sa akin nang ako ay nasa elementarya pa. Maraming salamat po sa mga payo niyo na tumatak sa puso at isipan ko. Tunay nga na ang kahirapan ay hindi hadlang sa pagkamit ng tagumpay,” pasasalamat niya sa kaniyang titser.
Kuwento ni Celerina P. Balein, Sabang Central Elem. School, Borongan City Division, DepEd Region VIII
Isaisip
Kaunting hakbang na lang kaibigan malapit ka nang matapos. Dito, gusto kong sukatin ang pagkakaunawa mo sa ating aralin.
A. Punan ang sumusunod na talahanayan.
| Ano ang iyong mga natutuhan? | Gaano ito kahalaga? |
|---|---|
B. Kompletuhin ang sumusunod:
Mahalagang matutuhan ang kasanayan sa pagbibigay ng paksa, layunin at mungkahing pamagat sa teksto dahil _____ _____ _____.
Isagawa
Binabati kita sa matagumpay mong pagsagot sa mga gawain at di magtatagal ay matatamo mo na ang bunga ng iyong pagsusumikap.
Manood ng kahit na anong dokumentaryo sa telebisyon o kaya sa youtube. Punan ang grapiko sa ibaba ng tamang sagot batay sa iyong napanood.
[chart: flowchart; graphic organizer with no number or title printed]
Pamagat ng Dokumentaryo (box, empty) → Layunin (box, empty) → Paksa (box, empty) → Isyung Tinalakay → three empty boxes below Isyung Tinalakay
transcriber’s note: the labels above are printed in the flowchart. The boxes for answers are blank in the source, so none are transcribed.
Tayahin
Kaibigan malapit ka nang matapos, nananabik ka na ba?
Anong alam mo tungkol kay Manuel L Quezon? Anong mahalagang papel ang ginampanan niya sa kasaysayan ng Pilipinas?
Basahin at unawain nang mabuti ang seleksiyon. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
Si Manuel Quezon ay isang masigla at masipag na lider. Anumang gawaing ninanais niya ay isinasakatuparan niya agad. Ayaw niya na may masayang na panahon dahil naniniwala siya na ang oras ay ginto. Mahalaga ang bawat sandali kaya’t hindi niya ito inaaksaya. Ayon sa kaniya, ang magagawa ngayon ay hindi na dapat ipagpabukas pa.
Naging kawal siya noong panahon ng himagsikan. Naging gobernador din siya, at matapos nito ay naging senador. Naging kinatawan pa siya ng Pilipinas sa Washington, United States of America. Si Quezon ay mahusay sa batas dahil siya ay isang abogado. Di nagtagal, siya ay naging pangulo ng Senado ng Pilipinas at nahalal na pangulo ng Commonwealth o ng Malasariling Pamahalaan noon.
Sa pamamagitan ng pagsasakatuparan ng Katarungang Panlipunan, binigyan niya ng pantay na pagpapahalaga ang mahihirap at mayayaman. Si Quezon din ang nagpasimula sa pagkakaroon natin ng pambansang wika. Kung hindi dahil sa kaniya, walang isang wika na magbubuklod sa lahat ng Pilipino. Dahil dito, siya ay tinawag na “Ama ng Wikang Pambansa.”
DepEd, The Philippine Informal Reading Inventory Manual 2018, Panimulang Pagtatasa, Ikalimang Baitang, Set D, p.212-214
Sino ang Ama ng Wikang Pambansa?
a. Andres Bonifacio
b. Jose Rizal
c. Diosdado Macapagal
d. Manuel QuezonBakit siya tinawag na Ama ng Wikang Pambansa?
a. Tinuruan niyang magsalita ng Filipino ang mga tao.
b. Kilala siya sa pagiging magaling magsalita ng Filipino.
c. Sinimulan niya ang pagkakaroon ng pambansang wika.
d. Hinimok niya ang mga Filipino na isa lamang ang gamiting wika.Alin sa sumusunod ang naging trabaho ni Quezon?
a. guro, doktor, abogado
b. senador, modelo, kawal
c. alkalde, kongresista, pangulo
d. abogado, gobernador, senadorAnong uri ng pamahalaan ang pinamunuan ni Manuel Quezon?
a. Pamahalaan ng Biak na Bato.
b. Pamahalaang Commonwealth.
c. Pamahalaan ng Ikatlong Republika.
d. Pamahalaang Rebolusyunaryo.Bakit kaya niya sinabing ang magagawa ngayon ay hindi na dapat ipagpabukas pa?
a. Madali siyang mainip, kaya dapat tapusin agad ang gawain.
b. Pinapahalagahan niya ang oras, kaya hindi ito dapat sayangin.
c. Marami siyang ginagawa, kaya kailangang sundin ang iskedyul.
d. Lagi siyang nagmamadali, kaya hindi dapat nahuhuli sa gawain.Alin sa sumusunod ang nagpapakita na makamahirap si Quezon?
a. Tumira siya sa bahay ng mahihirap.
b. Binibigyan niya ng pera ang mahihirap.
c. Pinatupad niya ang Katarungang Panlipunan.
d. Iba ang tingin niya sa mahihirap at mayayaman.Sa pangungusap na “Naging kawal siya noong panahon ng himagsikan,” ano ang iba pang kahulugan ng salitang kawal?
a. bayani
b. doktor
c. manunulat
d. sundaloAnong uri ng seleksyon ang binasa mo?
a. alamat
b. kuwentong-bayan
c. pabula
d. talambuhayAlin sa sumusunod ang nararapat na pamagat ng teksto?
a. Mga Ambag ni Manuel Quezon
b. Ama ng Wikang Pambansa
c. Manuel Quezon at ang Pamahalaang Komonwelth
d. Manuel Quezon at ang bansang PilipinasSang-ayon ka ba sa ginawang hakbang ni Quezon na magkaroon tayo ng pambansang wika, oo o hindi? Ipaliwanag ang sagot.
Karagdagang Gawain
A. Kung ikaw ay may access sa internet, manood sa YouTube ng kahit anong dokumentaryo tungkol sa edukasyon. Itatype mo lang sa search bar ng YouTube ang Investigative Documentaries tungkol sa edukasyon. Pagkatapos manood, sagutan ang mga tanong sa ibaba at isulat ito sa iyong kuwaderno.
- Ano ang pamagat ng pinanood na dokumentaryo?
- Ano ang paksa nito?
- Sino ang may-akda ng dokumentaryo?
- Ano ang layunin ng dokumentaryo?
- Anong aral ang mapupulot natin sa pinanood na dokumentaryo?
B. Kung wala ka namang access sa internet, manood ng kahit anong dokumentaryo sa telebisyon. Unawain ito nang mabuti at sagutan ang mga katanungan sa ibaba at isulat sa kuwaderno.
- Ano ang pamagat ng pinanood na dokumentaryo?
- Ano ang paksa nito?
- Sino ang may-akda ng dokumentaryo?
- Ano ang layunin ng dokumentaryo?
- Anong aral ang mapupulot natin sa pinanood na dokumentaryo?
Pagbati sa iyo kaibigan, natapos mo nang matagumpay ang aralin na ito.
Mahusay!
Susi sa Pagwawasto
Para sa bahaging BALIKAN, ISAISIP, ISAGAWA, at KARAGDAGANG GAWAIN inaasahang bubuo ang guro ng kanilang rubrik na magiging pamantayan sa pagmamarka sa sariling sagot ng mga mag-aaral.
SUBUKIN
- Tungkol kay Mabini.
- Siya ay mula sa mahirap na pamilya. Likas na matalino at masipag kaya sa kaniyang pagsumikap ay nakapagtapos ng pag-aaral.
- Naging iskolar, nagturo siya ng Latin sa ilang pribadong paaralan sa Maynila para matustusan ang kaniyang mga pangangailangan sa pagkain, tirahan at iba pang gastusin.
4-6. Sariling sagot ng mag-aaral na dapat iwasto ng guro gamit ihahandang rubrik.
TUKLASIN
- Ang pagsusunog ng basura gaya ng plastik ay masama sa kapaligiran at kalikasan.
- Sina David at Jhaziel.
- Ito ay nakasisira sa ozone layer.
4-5. Sariling sagot ng mag-aaral na dapat iwasto ng guro gamit ihahandang rubrik.
PAGYAMANIN
- Tungkol kay Joselito at sa kaniyang Titser Wilma.
- Si Joselito ay mula sa mahirap na pamilya, mayroong nanay na may sakit. Si Titser Wilma naman ay [?]. Nagsumikap at nagtapos ng pag-aaral. Si Titser Wilma ay mabuting guro.
- Nalaman niyang maysakit ang nanay ni Joselito, wala ng ama, at mahirap ang kalagayan.
- Sinabihan niyang magtiwala sa Diyos at magsumikap sa pag-aaral.
- Sinunod niya ang payo ni Titser Wilma, nanalig sa Diyos at nagsumikap sa pag-aaral.
6-7. Sariling sagot ng mag-aaral na dapat iwasto ng guro gamit ihahandang rubrik.
Tayahin
- d
- c
- D
- b
- b
- c
- D
- d
- b
- Depende sa ibinigay ng bata.
Sanggunian
Celerina P. Balein, Sabang Central Elem. School, Borongan City Division, DepEd Region VIII
DepEd, The Philippine Informal Reading Inventory Manual 2018, Panimulang Pagtatasa, Ikalimang Baitang, Set D, p.212-214
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply