Filipino 5 Quarter 2 Module 2: Pagbibigay at Pagtatala ng Bagong Natuklasang Kaalaman Gamit ang Pangkalahatang Sanggunian

This is the Grade 5 Filipino self-learning module for the second quarter (Ikalawang Markahan), Module 2: “Pagbibigay at Pagtatala ng Bagong Natuklasang Kaalaman mula sa Binasang Teksto; Paggamit ng Pangkalahatang Sanggunian sa Pagtatala ng Mahahalagang Impormasyon tungkol sa Isang Isyu” (giving and recording new knowledge from a text you read, and using general references to record important information about an issue). It was prepared by DepEd Region VIII for learners studying at home. After this module, learners can note down key details from what they read and look up more facts in references such as the dictionary, encyclopedia, atlas, newspaper, almanac, and the internet.

What learners will learn

The module lists two objectives in its Alamin (what to know) part. By the end, learners should be able to:

  • give and record information from a text they have read (naibibigay at naitatala ang mga impormasyon mula sa binasang teksto);
  • use general references to record important information about an issue (nagagamit ang pangkalahatang sanggunian sa pagtatala ng mahahalagang impormasyon tungkol sa isang isyu).

Two friendly guide characters, Kokoy and Kakay, talk to the learner through the module.

Why recording information matters

The lesson, “Aralin 1: Pagtatala ng Impormasyon mula sa Binasang Teksto” (recording information from a text you read), explains that taking notes is an effective way to remember important details. According to the Suriin (explanation) part, recording what you read helps you:

  1. understand and remember key details better;
  2. answer questions about the text more easily;
  3. go back to the information quickly to study it again;
  4. use the recorded information for other purposes; and
  5. sharpen analytical and critical thinking.

The module adds that we often want to add to what we have heard, read, or watched, or check whether it is true. That is when we turn to references.

The six general references (pangkalahatang sanggunian)

ReferenceWhat you find in it
Diksiyonaryo (dictionary)Words in alphabetical order, with their meaning, correct spelling, pronunciation, part of speech, and origin
Ensiklopedya (encyclopedia)A set of books arranged alphabetically, with important information about people, things, and events
AtlasMaps of places, exact locations, land area, population, economy, and the landforms and bodies of water in a place
Pahayagan o diyaryo (newspaper)News and events inside and outside the country
AlmanacThe most important events of one year in sports, politics, the economy, and technology
InternetInformation on any field, using a laptop, tablet, or cellphone with an internet connection

Texts and activities in the module

The module uses short, real-life texts written by the module’s author:

  • Subukin (pretest): learners find an editorial about a current issue in a newspaper or news website, record the author’s opinion, say whether they agree, and support their own view using other references.
  • Balikan (review): a diary entry by Ana, dated April 27, 2020, about celebrating her 11th birthday at home during the COVID-19 pandemic, followed by reading comprehension questions.
  • Tuklasin (discover): “Sakit na Nakapaparalisa” (a paralyzing disease), a text about polio: it is caused by the poliovirus, enters the body through the mouth, spreads through food and drink contaminated with human waste, and can be prevented with the Inactivated Polio Vaccine (IPV). Learners answer questions, then research more facts and record them in a diagram.
  • Pagyamanin (enrichment): a text about dengue, which is spread by the bite of the female Aedes aegypti mosquito that lays eggs in clean, stagnant water. Learners fill in a diagram, then read an article on how to prevent dengue and write what they found.
  • Isaisip (remember): learners explain why recording information and consulting references are important.
  • Isagawa (apply): with the help of an older sibling, parent, or relative, learners borrow a newspaper, read the editorial, and summarize it, naming the author, the issue, and the author’s opinions.
  • Tayahin (assessment): learners research and fill in a diagram on COVID-19: what it is, its symptoms, how it spreads, and how to prevent it.
  • Karagdagang Gawain (additional activity): learners write a reflection on how they can improve at recording information and using references.

How to use this module

  • Learners: Work through the parts in order, starting with the pretest. Write all answers on a separate sheet of paper and do not write on or mark the module, so others can use it. Contact your teacher right away if you have trouble understanding a lesson.
  • Parents and guardians: Help your child find a newspaper, books, or safe internet sources for the research tasks. The Isagawa activity asks a family member to help borrow a newspaper.
  • Teachers: The Susi sa Pagwawasto (answer key) gives answers only for Balikan and Tuklasin A. For Subukin, Tuklasin B, Pagyamanin, Isagawa, Tayahin, and Karagdagang Gawain, the module asks teachers to make their own rubric for scoring learners’ answers.

The module asks learners to be honest when they use the answer key.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this Filipino module for?

It is for Grade 5 Filipino, Quarter 2 (Ikalawang Markahan), Module 2. It was produced by DepEd Region VIII under the Alternative Delivery Mode.

What are the general references (pangkalahatang sanggunian) taught in the module?

The module covers six: the dictionary, encyclopedia, atlas, newspaper, almanac, and the internet. It explains what kind of information each one contains.

Does the module have an answer key?

Yes, but it only gives answers for the Balikan and Tuklasin A parts. For the open-ended research and writing tasks, teachers are asked to make their own rubric.

What topics do the reading texts cover?

The texts include a diary entry about a birthday during the COVID-19 pandemic, a text about polio, and a text about dengue. The final assessment asks learners to research COVID-19.

Should learners write their answers in the module?

No. The module asks learners to use a separate sheet of paper and not to mark the module so others can use it.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Filipino Ikalawang Markahan Modyul 2: Pagbibigay at Pagtatala ng Bagong Natuklasang Kaalaman mula sa Binasang Teksto Paggamit ng Pangkalahatang Sanggunian sa Pagtatala ng Mahahalagang Impormasyon tungkol sa Isang Isyu

[illustration: students reading and writing under a tree and at a desk, with a globe and a lamp]

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

CO_Q2_Filipino5_Modyul 2

Filipino – Ikalimang Baitang

Alternative Delivery Mode

Ikalawang Markahan – Modyul 2: Pagbibigay at Pagtatala ng Bagong Natuklasang Kaalaman mula sa Binasang Teksto Paggamit ng Pangkalahatang Sanggunian sa Pagtatala ng Mahahalagang Impormasyon tungkol sa Isang Isyu

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Melinda Lourdes Camarillo-Amoyo Editor: Ma. Teresa B. Afable, Shirley B. Bacal Tagasuri: Virgina C. Dulfo, Crescente A. Beato Tagaguhit: Michael Q. Balan Tagalapat: Kevin Jhod C. Claro Tagapamahala:

  • Ramir B. Uytico
  • Arnulfo M. Balane
  • Rosemarie M. Guino
  • Teodorico C. Peliño
  • Joy B. Bihag
  • Ryan R. Tiu
  • Dandy G. Acuin
  • Bernardo A. Adina
  • Gaudencio C. Aljibe, Jr.
  • Lea C. Aberia
  • Ma. Teresa B. Afable
  • Shirly B. Bacal

Inilimbag sa Pilipinas ng _____ Department of Education – Region No. VIII Office Address: Government Center, Candahug, Palo, Leyte Telefax: 053-823-2997 E-mail Address: region8@deped.gov.ph

5

Filipino Ikalawang Markahan – MELC Modyul 2: Pagbibigay at Pagtatala ng Bagong Natuklasang Kaalaman Gamit ang Pangkalahatang Sanggunian

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

[illustration: cartoon boy with a backpack holding a book, beside a speech bubble]

Kumusta ka na kaibigan? Narito na naman tayo sa panibagong paglalakbay. Muli, ako ang iyong kaibigang si Kokoy, ang makakasama at gagabay sa iyo sa araling ito. Inaasahan na sa pagtatapos ng paglalakbay na ito ay:

a. Naibibigay at naitatala ang mga impormasyon mula sa binasang teksto.

b. Nagagamit ang pangkalahatang sanggunian sa pagtatala ng mahahalagang impormasyon tungkol sa isang isyu

Subukin

[illustration: cartoon girl with short hair holding a folder, beside a speech bubble]

Handa ka na ba kaibigan?

Ako nga pala ulit si Kakay.

Tara! Simulan natin ang ating aralin sa pagsagot ng mga gawain. Alam kong kaya mo yan! Kinakailangan lang ituon mo ang iyong buong atensiyon sa modyul na ito.

Panuto: Magsaliksik ng isang editoryal na tumatalakay sa isang napapanahong isyu, maaaring mula sa diyaryo o sa mga news website sa internet. Basahin at unawain ito saka sagutin ang sumusunod sa iyong sagutang papel.

  1. Sa anong pahayagan o news website mo nabasa ang editoryal?
  2. Ano ang pamagat at tungkol saan ang nabasang editoryal?
  3. Itala ang opinyon ng awtor tungkol sa isyung binanggit sa editoryal ?
  4. Sang-ayon ka ba sa kaniyang pananaw? Ipaliwanag.
  5. Magbigay ng iyong sariling pananaw o pangangatuwiran kaugnay sa isyu na iyong nabasa sa editoryal. Gumamit ng iba pang sanggunian gaya ng mga aklat, mga pangunahing sanggunian sa internet, pahayagan, at iba pa para lalong mapatotohanan ang iyong pananaw at katuwiran.

Aralin 1 Pagtatala ng Impormasyon mula sa Binasang Teksto

Ang pagtatala ng impormasyon mula sa binasang teksto ay mabisang paraan upang matandaan ang mga mahahalagang detalye sa binasa. Ito ay makatutulong upang mapadali ang pag-unawa at pagsagot sa bawat katanungan.

Balikan

[illustration: cartoon boy sitting cross-legged with a laptop, beside a speech bubble]

Kaibigan, tapos mo na bang sagutan ang pagsasanay sa bahaging Subukin? Binabati kita dahil nagawa mo itong lahat!

Bago tayo magtungo sa bagong aralin, balik-aralan muna natin ang iyong kakayahan sa pagbasa nang may pag-unawa. Handa ka na ba?

Basahin at unawain ang talaarawan. Sagutin sa inyong sagutang papel ang mga tanong kasunod ng binasa.

Abril 27, 2020

Ang araw na ito ay espesyal. Ito kasi ang araw ng aking pagsilang. Ang araw na ipinagpapasalamat ko sa Panginoon dahil binigyan niya ako ng buhay. Kaya naman, naging ugali ko na ang magsimba tuwing sasapit ang araw na ito.

Dati rati, maaga palang, abalang-abala na ang nanay ko sa paghahanda ng iba’t ibang masasarap na putahe. Dati rati, mag-iimbita ako ng mga kaklase ko sa hapon upang ipagdiwang ang mahalagang araw na ito.

Subalit ngayon, ikalabing-isang taon ng aking pagsilang, ibang-iba sa araw na nakasanayan ko. Walang bisita, walang masasarap na pagkain at wala ang mga kaibigan ko. Bagama’t nagpasalamat ako sa Panginoon sa biyaya ng buhay na ibinigay niya sa akin, di pa rin ito kompleto dahil hindi ako nakapasok sa simbahan dahil bawal akong lumabas.

Nang dahil sa pandemyang dulot ng Covid 19, naiba ang pagdiriwang sa araw na ito. Gayunpaman, nais ko pa ring batiin ang aking sarili–Maligayang kaarawan, Ana –sa akin…

Melinda Lourdes C. Amoyo, Sabang Central Elem. School, Borongan City Division, DepEd Region VIII

Mga tanong:

  1. Sino ang sumulat ng talaarawan?
    a. Bella b. Anac. Rhodora d. Nimfa
    [transcriber’s note: “Anac.” is printed as one run of text in the original; the choices are printed on one line]


  2. Bakit espesyal ang araw na iyon?
    a. Kaarawan niya c. Pasko
    b. Araw kaniyang pagtatapos d. Bagong Taon


  3. Ano ang ipinagkaiba ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan sa taong ito sa mga nakaraang pagdiriwang?
    a. Ipinagdiwang niya ito sa isang mamahaling hotel.
    b. Nagkulang ang pagkain dahil sa dami ng bisitang nagpunta.
    c. Dumating ang alkalde ng kanilang lugar bilang pangunahing bisita.
    d. Walang mga kaibigang dumating, walang pagkain at hindi siya nakapagsimba.


  4. Anong damdamin ang nangingibabaw sa pangunahing tauhan ng kuwento?
    a. malungkot b. kuntento c. masaya d. nanghihinayang


  5. Anong naramdaman mo habang binabasa ang ikatlong talata? Bakit?


Tuklasin

Nagustuhan mo ba ang taalarawang binasa? May mga nakasanayan ka rin ba na hindi na maaaring mangyari o isagawa dahil sa pandemya?

[illustration: a female student standing with a bag and a folder]

[illustration: a male student standing with a book]

Lahat tayo, hindi lamang dito sa atin, kundi buong mundo ay apektado ng pandemyang dulot ng COVID-19. Iyong mga ginagawa natin dati tulad halimbawa ng pagpasok araw-araw sa paaralan ay hindi na muna puwede. Kaya narito ako ngayon ang iyong kaibigan upang tulungan kang madagdagan ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagsagot sa iba’t ibang pagsasanay.

A. Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang talata. Sagutin ang kasunod na mga tanong sa iyong sagutang papel.

Sakit na Nakapaparalisa

Ang Poliomyelitis o mas kilala natin sa tawag na Polio ay isang mapanganib at nakahahawang sakit na dulot ng Poliovirus. Ito ay nakapapasok sa katawan ng tao sa pamamagitan ng bibig. Mabilis itong dumami sa loob ng bituka na siyang nagpapahina sa pasyente. Kapag hindi naagapan, kumakalat ito sa nervous system at dumaraan sa galugod (spine) papunta sa utak ng tao na nagiging sanhi ng kaniyang pagkaparalisa o pagkalumpo. Kapag lumala nang sobra, nauuwi ito sa kamatayan ng may sakit.

Ang Poliovirus ay nakukuha sa dumi ng tao. Ito ay nakapapasok sa katawan at naipapasa sa ibang tao. Ito ay maaari ring kumalat sa pamamagitan ng pagkain at inumin na kontaminado ng dumi ng may impeksiyon tao.

Upang maiwasan ang pagkakasakit ng Polio, hinihikayat ng pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Health ang lahat ng mga magulang na pabakunahan ang kanilang anak ng Inactivated Polio Vaccine (IPV). Ang bakunang ito ay nakatutulong upang mahadlangan ang pagpasok ng Polio Virus sa katawan ng tao.

Melinda Lourdes C. Amoyo, Sabang Central Elem. School, Borongan City Division, DepEd Region VIII

Mga Tanong:
  1. Tungkol saan ang binasa?
  2. Ano ang sakit na ito? Itala ang mga detalye kaugnay sa sakit na ito.
  3. Paano nakukuha, naipapasa, o nakahahawa ang sakit na Polio?
  4. Paano maiiwasan ang sakit na Polio?
B.

Dagdagan pa ang kaalamang natutuhan tungkol sa sakit na Polio. Gamit ang mga pangunahing sanggunian sa internet, mga aklat, at iba pa magsaliksik pa ng mga dagdag na impormasyon kaugnay rito. Itala sa dayagram ang mahahalagang impormasyon na iyong masasaliksik.

[chart: flow diagram; no number or title printed. Labels: “Mahahalagang impormasyon kaugnay sa Polio” with three arrows pointing to three empty boxes]

Suriin

Para lubos mong maunawaan ang aralin natin ngayon, basahin at unawain nang mabuti ang bawat paliwanag.

Alam ba ninyo na mahalagang kasanayan ang pagtatala ng mahahalagang impormasyon mula sa binasa? Sa pamamagitan nito:

  1. higit na mauunawaan at matatandaan ang mahahalagang detalye;
  2. mas madaling masasagot ang mga tanong kaugnay dito;
  3. maaari itong mabalikan agad upang muling pag-aralan;
  4. maaaring magamit ang mga naitalang impormasyon sa iba pang layunin; at
  5. mahahasa ang mapanuri at kritikal na pag-iisip.

Samantala, may mga pagkakataon na nais nating dagdagan ang mga natutuhan mula sa napakinggan, nabasa, at napanood, o kaya naman nais natin itong patunayan pa o tiyakin ang pagiging makatotohanan nito kaya gumagamit pa tayo ng iba’t ibang sanggunian.

Maraming mga sanggunian ang maaaring pagkunan ng impormasyon depende sa kung ano ang gusto mong malaman. Mababasa sa ibaba ang pangkalahatang sangguniang makatutulong sa iyo upang mas mapaunlad pa ang iyong mga natutuhan.

  1. Diksiyonaryo – Ang mga salita rito ay nakaayos nang paalpabeto. Ito ay naglalaman ng kahulugan, tamang baybay, tamang bigkas, bahagi ng pananalita at pinagmulan ng mga salita.
  2. Ensiklopedya – Ito ay isang pangkat ng mga aklat na nakaayos nang paalpabeto. Naglalaman ito ng mga mahahalagang impormasyon o paksa tungkol sa iba’t ibang tao, bagay at pangyayari,
  3. Atlas – Ito ay naglalaman ng mapa ng iba’t ibang lugar, eksaktong lokasyon, lawak, dami ng populasyon, lagay ng ekonomiya. Mababasa mo rin ang mga anyong lupa at tubig na matatagpuan sa isang tiyak na lugar.
  4. Pahayagan o Diyaryo – Naglalaman ito ng mga balita o mga pangyayari sa loob at labas ng bansa.
  5. Almanac – Ito ay aklat na naglalaman ng mga pinakamahahalagang pangyayari sa larangan ng palakasan, politika, ekonomiya, teknolohiya, na nangyari sa loob ng isang taon.
  6. Internet – Gamit ang laptop, tablet o cellphone at internet connectivity, ang teknolohiyang ito ay napakalaking tulong sa mga gustong maghanap ng mga impormasyon sa kahit na anong larangan.

Pagyamanin

A. Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang teksto. Punan ang diyagram ng wastong impormasyon.

Kaibigan, naunawaan mo ba nang mabuti ang iyong mga natuklasang kaalaman o paliwanag? Magaling!

Pamilyar ka ba sa sakit na Dengue? Ano ang alam mo tungkol dito?

Ang tekstong babasahin mo ay tiyak na makatutulong sa iyo upang lalo pang lumawak ang iyong kaalaman tungkol sa sakit na Dengue.

[illustration: a male student sitting with a laptop]

Dengue

Ang Dengue Virus na mula sa lamok ang sanhi ng sakit na Dengue. Bata o matanda, mayaman o mahirap kapag nakagat ng lamok na may dala ng Dengue Virus, ay tiyak na dadapuan ng sakit na ito. Lubhang mapanganib na kung minsan nauuwi sa kamatayan ng taong dinapuan nito.

Ang dengue virus ay naipapasa sa tao sa pamamgitan ng kagat ng babaeng lamok na Aedes Aegypti. Makikilala ang lamok na ito dahil sa mga puting stripes sa kaniyang mga binti at sa bandang tiyan at marka sa anyo ng isang lyre sa itaas ng thorax nito. Ayon sa mga eksperto, ang lamok na ito ay nagmula sa Africa at ngayon ay kumalat na sa mga bansang tropikal kagaya ng Pilipinas.

Ayon sa Department of Health, ang Aedes Aegypti ay nangingitlog sa malinis at hindi dumadaloy na tubig (stagnant water). Ito ay karaniwang kumakagat mula sa gilid o likod na tao. Buong araw itong nangangagat pero mas madalas dalawang oras mula sa pagsikat ng araw at dalawang oras bago sumikat ang araw. Mas dumarami ang lamok na ito kapag tag-ulan dahil nagkalat ang mga bagay na maaaring pangitlugan.

Melinda Lourdes C. Amoyo, Sabang Central Elem. School, Borongan City Division, DepEd Region VIII

B. Magbasa ng isang artikulo tungkol sa kung papaano maiiwasan ang sakit na dengue. Maaari kang pumili sa kahit na anong sangguniang napag-aralan para kunan mo ng impormasyon ukol dito. Isulat sa isang talata ang mga impormasyong iyong nakuha sa pagsasaliksik. Itala ito sa loob ng kahon na nasa ibaba.

[chart: flow diagram; no number or title printed. Top box: “Mga Bagong Kaalamang Natuklasan Tungkol sa Dengue” with four arrows pointing to four empty boxes]

[transcriber’s note: the answer box below the instruction is empty]

Isaisip

Kaunting hakbang na lang kaibigan malapit ka nang matapos. Kayang-kaya mo ‘yan!

Dito, gusto kong sukatin ang pangkalahatang pag-unawa mo sa ating aralin. Punan ang usapan ng wastong sagot.

[illustration: a male student speaking]

Kaibigan, bakit mahalaga ang pagtatala ng mga impormasyon na natutuhan mula sa binasang teskto?

[transcriber’s note: empty speech bubble for the answer]

Bakit mahalaga ang pagsangguni sa mga sanggunian sa pananaliksik?

[transcriber’s note: empty speech bubble for the answer]

[illustration: a female character speaking, shown twice]

Isagawa

Kaibigan! Malapit ka nang matapos. Alam kong nasasabik ka na sa panghuling mga gawain. Sa tulong ng iyong nakatatandang kapatid, magulang o kamag-anak, humiram ng diyaryo o pahayagan. Basahin at unawain nang mabuti ang editoryal.

Isulat sa ibaba ang buod ng binasang editoryal. Huwag kalilimutang isulat kung sino ang may-akda nito, ang isyung kaniyang tinatalakay at ang kaniyang mga kuro-kuro ukol dito.

[transcriber’s note: empty answer box]

Tayahin

Panuto: Saliksikin ang mga hinihinging impormasyon sa sumusunod na dayagram. Gumamit ng angkop na mga sanggunian sa pagsasaliksik. Kopyahin ang diyagram sa inyong sagutang papel at dito itala ang iyong mahahalagang impormasyong nasaliksik.

[chart: flow diagram; no number or title printed. Top box: “Ano ang COVID-19?” with three arrows pointing to three boxes:]

Box 1Box 2Box 3
Ano ang mga sintomas nito?Paano naipapasa o nakahahawa?Paano ito maiiwasan?

Karagdagang Gawain

[illustration: a male student with a laptop]

Sumulat ng sariling repleksiyon kung paano mo pa mapauunlad ang kasanayan sa pagtatala ng mahahalagang impormasyong natutuhan at paggamit ng mga pangunahing sanggunian.

[transcriber’s note: the answer key boxes on this page are printed upside down; the text is transcribed upright]

Susi sa Pagwawasto

Para sa bahaging SUBUKIN, TUKLASIN-B, PAGYAMANIN, ISAGAWA, TAYAHIN, at KARAGDAGANG GAWAIN inaasahang bubuo ang guro ng kanilang rubrik na magiging pamantayan sa pagmamarka sa sariling sagot ng mga mag-aaral.

Balikan
  1. b
  2. a
  3. d
  4. a
  5. Ang sagot ay depende sa naramdaman ng bata.
Tuklasin A
  1. Tungkol sa sakit na Poliomyelitis o Polio.
  2. Ito ay isang mapanganib at nakahahawang sakit na dulot ng Poliovirus. Ito ay nakapapasok sa katawan ng tao sa pamamagitan ng bibig. Mabilis itong dumami sa loob ng bituka na siyang nagpapahina sa pasyente. Kapag di naagapan, kumakalat ito sa nervous system at dumaraan sa galugod (spine) papunta sa utak ng tao na nagiging sanhi ng kaniyang pagkaparalisa o pagkalumpo. Kapag lumala nang sobra, nauuwi ito sa kamatayan ng may sakit.
  3. Ang Poliovirus ay nakukuha sa dumi ng tao. Ito ay nakapapasok sa katawan at naipapasa sa ibang tao sa pamamagitan ng pagkain at inumin na kontaminado ng dumi ng may impeksiyon tao. Ito ay maaari ring kumalat sa katawan at naipapasa sa ibang tao sa pamamagitan ng pagkain at inumin na kontaminado ng dumi ng may impeksiyon tao.
  4. Kailangang magpakuna ng Inactivated Polio Vaccine (IPV).

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *