This is the Self-Learning Module (SLM) for Filipino 5, Ikalawang Markahan (Quarter 2), Modyul 1: “Pagbibigay ng Mahahalagang Pangyayari/Pagsagot sa Nabasang Talaarawan, Journal, Talambuhay at Anekdota” (giving the important events and answering questions about a diary, journal, biography, and anecdote you have read). It is written for Grade 5 learners studying at home, with help from a parent or guardian. It was prepared by DepEd Region VIII and written by Gesille G. Gagni-Grande of the Borongan City Division.
After this module, learners should be able to read a diary, journal, biography, or anecdote, pick out its important events, and answer questions about it.
What learners will learn
The module lists three skills. Learners are expected to:
- give the important events in, and answer questions about, a diary, journal, biography, and anecdote they have read (naibibigay ang mahahalagang pangyayari/nasasagot ang mga tanong)
- identify the important events in a diary, journal, biography, and anecdote they have read (natutukoy ang mahahalagang pangyayari)
- value the events in the diary, journal, biography, and anecdote they have read (napapahalagahan ang mga pangyayari)
Two friendly characters, Kakay and Kokoy, guide learners through the lesson.
The four kinds of texts
The module has one lesson (Aralin 1). Its core is the Suriin part, which explains how the four kinds of texts differ.
| Term | English | What it is, according to the module |
|---|---|---|
| Talaarawan | Diary | A day-to-day record, mostly of personal experiences, feelings, observations, and views. It is written as if talking to someone, such as “Mahal kong Diary” (Dear Diary), or to a name given to it. |
| Talambuhay | Biography | A form of literature that tells the life story of a person based on true records, events, or information. It can be about another person or about the writer (an autobiography). |
| Journal | Journal | A record of things around a person that caught their attention. It can be a reflection on important events that guided them or stirred their feelings. |
| Anekdota | Anecdote | A short story about an interesting incident in a person’s life. It aims to entertain, teach, and show a trait of the main character. |
A few more points from the module:
- A diary usually holds personal experiences and views, but it can also give useful information about an event in history.
- The usual subjects of anecdotes are well-known people. Some anecdotes tell true events, while others are imagined.
Reading selections and activities
The module teaches the skill through many short readings. After each one, learners list the important events in a diagram or answer questions.
- Subukin (pretest): a short diary about a child who gets ready for school, then learns there are no classes because of the pandemic. This is followed by “Ang Talaarawan ni Sophia” (Sophia’s diary), with entries from June 2020 about a car fire, an online worship service, planting at the family farm, and her mother’s birthday.
- Balikan (review): a pie graph of a family’s monthly budget, which reviews the last topic of the first quarter.
- Tuklasin: a three-day diary about a cat giving birth to four kittens, naming them, and burying one that died. It is followed by the writer’s own life story, “Kuwento Ko ‘To: Ang Aking Talambuhay” (my story: my autobiography).
- Pagyamanin: the anecdote “Ang Modyul ni Emry” (Emry’s module), about a Grade 2 boy who is excited to get his module but finds it is not in English.
- Isaisip: five fill-in-the-blank items on the meaning of each type of text.
- Isagawa: the biography of Don Juan Sumulong. Learners fill in a diagram of the important events in his life.
- Tayahin (final test): Gyle’s journal about his first online classes in August 2020, and a short, funny anecdote about teachers checking modules.
How to use this module
The module asks learners to do the following:
- Take the Subukin pretest first. It shows what you already know and whether you need extra help from your teacher or guardian.
- Work through the parts in order: Balikan, Tuklasin, Suriin, Pagyamanin, Isaisip, Isagawa, and then the Tayahin test.
- Copy each diagram onto your own paper and fill it in. Do not write on or mark the module, so that other learners can use it.
- Check your work with the Susi sa Pagwawasto (answer key) at the end, and be honest when you use it.
- If any part is still unclear, go back to it, ask someone at home, or call your teacher.
For parents and guardians: the module says it comes with a separate Gabay sa Guro/Tagapagdaloy (guide for teachers and facilitators), with tips for helping children at home.
For teachers: many items, such as listing important events, accept the learner’s own answer. For these, the answer key asks the teacher to prepare a rubric for checking.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this Filipino module for?
It is for Grade 5 Filipino, Ikalawang Markahan (Quarter 2). The cover labels it Modyul 1.
What is the difference between a talaarawan and a journal?
According to the module, a talaarawan (diary) is a day-to-day record of personal experiences, feelings, and views, written as if talking to someone. A journal records observations of things around a person that caught their attention, and it can reflect on important events.
What is an anekdota?
An anekdota (anecdote) is a short story about an interesting incident in a person’s life. It aims to entertain, to teach, and to show a trait of its main character.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for each part. For open-ended items, it asks the teacher to prepare a rubric for checking.
Should learners write their answers in the module?
No. The module asks learners to use separate paper and not to write on or mark any part of it, so that other learners can use it.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Filipino Ikalawang Markahan – Modyul 1: Pagbibigay ng Mahahalagang Pangyayari/Pagsagot sa Nabasang Talaarawan, Journal, Talambuhay at Anekdota
[illustration: students reading and writing outdoors and indoors, a teacher, and a student with a globe and a lamp]
CO_Q2_Filipino 5_Modyul 1
PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI
Copyright
Filipino – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 7: Pagbibigay ng Mahahalagang Pangyayari sa Nabasang Talaarawan, Talambuhay at Dokumentaryo Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, 2 asana2 sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Gesille G. Gagni-Grande Editor: Ma. Teresa B. Afable, Shirley B. Bacal, Jennifer A. Ballena Tagasuri: Virgina C. Dulfo, Arnulfo B. Mendiola, Jennifer A. Ballena Tagalapat: Allan C. Arma Tagapamahala: Ramir B. Uytico, Bernardo A. Adina, Arnulfo M. Balane, Gaudencio C. Aljibe, Jr., Rosemarie M. Guino, Lea C. Aberia, Teodorico C. Peliño, Joy B. Bihag, Ma. Teresa B. Afable, Ryan R. Tiu, Shirley B. Bacal, Dandy G. Acuin
Inilimbag sa Pilipinas ng _____ Department of Education – Region No. VIII Office Address: Government Center, Candahug, Palo, Leyte Telefax: (053) 832-2997 E-mail Address: region8@deped.gov.ph
5
Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Pagbibigay ng Mahahalagang Pangyayari/Pagsagot sa Nabasang Talaarawan, Journal, Talambuhay at Anekdota
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
[illustration: girl standing with a folder and a bag]
Kumusta kaibigan! Nandito na muli ako ang iyong kaibigan na si Kakay na bumabati sa inyo ng maligayang pagtatagpo para sa panibagong markahan.
Narito ang aralin na gagabay sa iyo upang lubosan maunawaan ang mga mahahalagang pangyayari sa nabasang talaarawan, talambuhay at napanood na dokumentaryo.
At narito naman ako muli ang Kaibigan mong si Kokoy na makakasama mo rin sa iyong pagkamit ng mga bagong kaalaman.
Sa modyul na ito, inaasahang matututuhan mo ang sumusunod na mga kasanayan:
a. naibibigay ang mahahalagang pangyayari/nasasagot ang mga tanong sa binasang talaarawan, journal, talambuhay at anekdota
b. natutukoy ang mahahalagang pangyayari sa nabasang talaarawan, journal, talambuhay at anekdota
c. napapahalagahan ang mga pangyayari sa nabasang talaarawan, journal, talambuhay at anekdota
[illustration: boy sitting cross-legged with a laptop]
CO_Q2_Filipino 5_Modyul 1
Subukin
Sa naunang mga aralin ay naituro na sa iyo ang ilang kasanayang maaaring makatulong sa pagsagot sa bahaging ito. Subukin isagawa ang kasunod na gawain.
A. Panuto: Basahin ang talaarawan sa ibaba. Kopyahin ang diyagram at ibigay ang hinihinging impormasyon.
Lunes, Hunyo 1
Maaga akong gumising upang maghanda sa pagpasok sa paaralan. Inihanda ko ang aking uniporme bago ako maligo. Kumain din ng masarap na almusal at uminom ng isang basong gatas. Ngumiti ang nanay ko sabay sabi niyang hindi pala tuloy ang klase dahil sa pandemya. Kaya bumalik ako sa aking silid at nagpalit muli ng aking pambahay.
Martes, Hunyo 2
Tinuruan ako ng ate ko na magluto ng masarap na hotcake. Natuwa ang aming magulang dahil marami kaming natututuhan sa panahon ngayon. Kahit pa walang pasok, tuloy-tuloy din ang aming pagbabasa ng mga babasahin na binibili sa amin ng aming magulang. Pero mas gusto ko pa rin ang gaya ng dati na nakalalabas ng bahay at nakapupunta sa paaralan at sa iba pang lugar. Kaya bago ako matulog, pinagdadasal ko sa Panginoon na mawala na ang COVID-19 at bumalik na sa normal ang lahat.
-Gesille G. Grande, DepEd, Borongan City Division
[chart: flowchart; diagram for Subukin A, with a central box labeled “Mahahalagang Pangyayari” and three arrows leading to three empty boxes]
Central box: Mahahalagang Pangyayari Output boxes: (empty), (empty), (empty)
transcriber’s note: the top output box contains only a stray “.” mark; the other two output boxes are blank.
B. Panuto: Basahin ang talaarawan ni Sophia sa buwan ng Hunyo sa ibaba. Kopyahin ang dayagram at ibigay ang hinihinging impormasyon kasunod nito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Ang Talaarawan ni Sophia
Hunyo 1, 2020
Nagising ako sa lakas na tila pumutok na bomba. Dali-dali akong bumangon at lumabas ng aming bahay. Nagkukumpulan sa kalsada ang aking pamilya at mga kapitbahay. Hindi pala bomba ang pumutok kundi isang sasakyan na nilalamon ng apoy. May mga fire truck at police car na naroon. May mga pulis na nagsasaway sa mga taong gustong lumapit. May mga kalalakihan mula sa aming barangay na tumulong sa pag-apula ng apoy sa pamamagitan ng pag-igib ng tubig mula sa poso malapit sa kalsada. Ang iba ay pinauwi ng mga pulis dahil delikado daw ito. Umuwi na rin kami sa aming bahay. Nag-aalala ako sa maaring maging dulot ng sunog sa paligid. Maitim ang usok at amoy gasolina ito. Paano na lang ang mga bata at matatandang maysakit na nakakaamoy dito. Maaari itong maging sanhi ng sakit, lalo na sa may mga hika. Ipinagdasal ko na sana ay maapula na ito at mawala na rin ang amoy na nanggagaling dito.
- Gesille G. Grande, DepEd, Borongan City Division
Ang Talaarawan ni Sophia
Hunyo 7, 2020
Tumulong ako sa mama ko sa paghahanda ng altar para sa birtuwal na pagsimba. Inayos namin ang aming sala. Naglagay kami ng bibliya at bulaklak sa mesa sa harap ng telebisyon. Nagbihis din kami ng pansimbang damit. Pagsapit ng ikasiyam ng umaga ay nagsimula na ang worship service. Kumanta muna kami kasabay ng aming mga churchmates ng praise and worship songs. Napakaganda ng mensahe ng aming pastor. Tinalakay niya dito ang pagkakaisa ng pamilya sa panahon ng problema. May mga aral siya na ibinahagi tungkol sa pagkakaisa lalo na sa panahon na lahat tayo ay kumakaharap ng problema sa COVID 19. Pinayuhan niya ang bawat pamilya na manatiling maniwala at makinig sa mga salita ng Diyos dahil Siya lamang ang makakasalba sa atin. Nanatili ito sa aking isipan hanggang sa aking pagtulog.
- Gesille G. Grande, DepEd, Borongan City Division
Ang Talaarawan ni Sophia
Hunyo 20, 2020
Maganda ang sikat ng araw ngayon. Pumunta ang aming pamilya sa aming farm. Nagdala kami ng iba’t ibang halaman na aming itatanim. Mayroong iba’t-ibang buto ng gulay. Mayroon din kaming mga tanim na namumulaklak. Nakahanda na ang mga plot na aming pagtataniman. Kaniya-kaniya kami sa pagpili kung ano ang aming itatanim. Ang Ate Erin ko ay piniling magtanim ng sunflower. Ako naman ay nagtanim ng petsay. Si bunso ay talong ang pinili, samantalang sina Mama at Papa ay ampalaya at mani. Si Kuya Intoy, ang tagabantay ng farm ay naghanda ng tubig para idilig sa halaman.
Pagkatapos naming magtanim ay naghanda ang aming tita ng meryenda. Mayroong biko, pansit at buko juice. Masaya kaming nagsalo-salo sa aming cottage. Panay ang pagpapatawa ni papa sa amin. Ikinuwento niya ang kaniyang buhay habang lumalaki siya dito sa farm. Madalas daw ay napapalo siya nina lolo at lola mahilig siyang umakyat sa puno ng mangga at lansones. Minsan daw pagbaba niya ay nagaabang na ang lola na may pamalong nakahanda. Tatalon daw siya kaagad at tatakbo nang mabilis para hindi mapalo. Nagkuwento din si Papa na minsan daw ay may nakita siyang malaking sawa. Sumigaw daw siya at naalerto ang ahas. Sa halip na tumakbo ang papa ay ang ahas daw ang lumayo, kaya laking pasalamat niya na hindi siya nakagat. Mula noon ay natakot na siyang maglakad ng mag isa sa farm.
- Gesille G. Grande, DepEd, Borongan City Division
Ang Talaarawan ni Sophia
Hunyo 26, 2020
Kaarawan ngayon ng mama. Naghanda kami ng iba’t-ibang putahe. Tinulungan kami ng tita sa paghahanda. Inayos namin kahapon ang aming cottage sa may garahe. Naglagay kami ng mga lobo, pabitin at malaking happy birthday na kulay dilaw. Si papa naman ay nagpagawa sa kaniyang kumare ng birthday cake. Pinalagyan pa niya ito ng pera sa loob. Pinagbihis namin si mama ng kulay pula na damit. Nagsimulang magdatingan ang aming mga tito at tita kasama ang aming mga pinsan. Nagdasal muna kami at nag-alay ng aming mga mensahe para kay mama. Nakita kong lumuha si mama habang nagsasalita ang papa at kaming magkakapatid. Alam kong luha iyon ng saya. Nagpasalamat si mama sa aming ginawang paghahanda. Inawitan namin siya ng mga kanta ng pagpapasalamat.
Oras na ng kainan. Pinuri nila ang aming inihandang pagkain. Nasiyahan din sila sa aming dekorasyon. Pagkatapos kumain, nagkaroon ng parlor games para sa aming magpipinsan. Meron din para sa aming mga tito at tita. Enjoy na enjoy ang lahat. Bago magsiuwi ang aming mga bisita, namigay kami ng mga souvenir. Talagang pinaghandaan namin ang espesyal na araw ni mama. Nagpasalamat sa amin si Mama. Talagang kay saya naming lahat sa araw na iyon.
- Gesille G. Grande, DepEd, Borongan City Division
Sagutin ang mga tanong sa sagutang papel.
- Sino ang sumulat ng talaarawan?
- Napansin mo ba kung paano siya sumulat ng kaniyang talaarawan?
- Ano ang nilalaman ng kaniyang talaarawan?
- Sumusulat ka rin ba ng gaya nitong talaarawan?
- Sa iyong palagay, bakit sumusulat ng talaarawan?
- Magtala ng mahahalagang pangyayari sa binasa. Kopyahin ang graph sa iyong sagutang papel.
[chart: concept web diagram; Mahahalagang Pangyayari sa talaarawan ni Sophia]
Central label: Mahahalagang Pangyayari sa talaarawan ni Sophia
[transcriber’s note: seven empty ovals are arranged around the central label, each connected by an arrow, for the learner to fill in]
Aralin 1: Pagbibigay ng mahahalagang pangyayari/pagsagot sa nabasang talaarawan, journal, talambuhay at anekdota
Ang talaarawan, journal, talambuhay at anekdota ay ilan lamang sa iyong nababasa. Kung minsan nga ay sinusubukan mo nang sumulat nito. Sa araling ito, matututuhan mo ang tungkol dito.
Balikan
Naalala mo pa ba ang huling napag-aralan sa unang markahan? May grap sa susunod na pahina tungkol sa badyet ng pamilya. Pag-aralan ito at sagutin ang mga tanong sa ibaba.
Badyet ng Pangangailangan ng Pamilya Ang sa Isang Buwan
[chart: pie chart; Badyet ng Pangangailangan ng Pamilya Ang sa Isang Buwan]
| Pangangailangan | Bahagdan |
|---|---|
| Ilaw at tubig | 10% |
| Pananamit at hindi inaasahang pagkakagastusan | 10% |
| Tirahan | 15% |
| Pag-aaral | 15% |
| Pag-iimpok | 5% |
| Pagkain | 45% |
Sagutin ang mga tanong.
- Ilang bahagdan sa kita ng mag-anak ang para sa edukasyon?
- Aling pangangailangan ang may pinakamalaking bahagdan?
- Ilang bahagdan ang para sa bahay at pananamit?
- Aling pangangailangan ang may pinakamaliit na bahagdan?
- Anong uri ng grap ang ginamit na ilustrasyon?
Tuklasin
Basahin ang talaarawan. Kopyahin ang dayagram at punan ng mahahalagang pangyayari.
Miyerkules, Hunyo 3, 2020
Madaling araw kanina ay nanganak ang aming pusa. Sabik naming inabangan ang paglabas ng mga munting kuting kaya naman maaga pa lang ay nasa kusina na kami. Habang naghahanda ng almusal ang nanay ay sumilip kami sa aming alaga. Parang pagod na pagod ito. Ang saya ng aking pakiramdam nang makakita ako ng apat na mga kuting na may kulay na puti, abo at mayroon din na magkahalong itim at abo.
Gesille G. Grande, DepEd, Borongan City Division
Gesille G. Grande, DepEd, Boronaan City Division
Huwebes, Hunyo 4, 2020
Hindi ako nakatulog kagabi agad dahil nag-isip ako ng mga pangalan na ibibigay sa apat naming kuting. Napagkasunduan naming magkapatid na hati kami sa pagbibigay ng pangalan. Papangalanan ko ang isa na Kitty at ang isa naman ay si Minnie. Bagay na bagay sa kanila ang mga pangalan na aking ibibigay. Ano kaya ang ibibigay na pangalan ng aking kapatid sa dalawa pang natitirang kuting?
- Gesille G. Grande, DepEd, Borongan City Division
Biyernes, Hunyo 5, 2020
Ginising ako nang maaga ng aking kapatid. Mangiyak-ngiyak siya habang nagkukuwento sa pagkamatay ng isang kuting. Nag-iyakan kaming dalawa nang makita namin ito. Inilabas namin ito at naghukay kami ng kaniyang paglilibingan. Kumuha kami ng mga bulaklak at nilagay ito sa lupa. Awang-awang kami sa aming pusa dahil hindi ito mapakali. Inilipat namin sila sa may sala. Doon, binantayan namin sila at inaalagaan nang maayos.
Gesille G. Grande, DepEd, Borongan City Division
[chart: flowchart; Mahahalagang Pangyayari]
Top box: Mahahalagang Pangyayari Branches: Hunyo 3 | Hunyo 4 | Hunyo 5 Each date box leads down to two empty boxes.
[transcriber’s note: the six lower boxes are blank in the module, for the learner to fill in]
A. Panuto: Basahin ang talambuhay. Sagutin ang mga tanong kasunod nito.
Kuwento Ko ‘To: Ang Aking Talambuhay
Ang pagtuturo sa mga bata ay isang adhikaing hindi mapapantayan ng kahit anong bagay. Para sa kaniya, ang pagiging guro ay hindi lamang propesyon na nagbibigay ng kabuhayan, kundi isa itong hangarin na ninanais makapagbago ng takbo ng buhay ng isang bata.
Siya ay panlima sa walong anak ng abogadong si Benjamin B. Gagni na taga-Pangasinan at ni Dolores T. Grafil, isang dating empleyado ng gobyerno na taga-lungsod ng Borongan. Ipinanganak siya noong Disyembre 25, apatnapung taon na ang nakalipas. Nag-aral siya ng kaniyang elementarya sa Borongan Pilot Elementary School. Nagtapos siya ng sekondarya sa Eastern Samar National Comprehensive High School noong 1996. Pinalad siyang makapasa sa University of the Philippines in the Visayas Tacloban College sa kursong Political Science.
Maaga siyang nag-asawa sa ngayo’y negosyanteng si Emar Allan Grande sa edad na 23 at biniyayaan ng tatlong anak na sina Gyle Eon, Emry Gaile at Elwyn Godofredo. Noong isa pa lamang ang kaniyang anak ay napagpasyahan niyang mag-aral muli. Kinuha niya ang kursong edukasyon sa Saint Mary’s College of Borongan. Pagkatapos ng dalawa at kalahating taon, naipasa niya ang Licensure Examination for Teachers (LET) sa pamamagitan ng self-review. Nilibang niya ang sarili habang naghihintay ng resulta sa pagbibiyahe. Noong 2013 ay ganap na siyang naging guro. Una siyang nagturo sa malayong barangay ng San Mateo. Doon ay nakilala niya ang kaniyang mga bagong kaibigan. Habang nagtuturo, ipinagpatuloy pa din niya ang edukasyon. Nag-enrol siya sa Asian Development Foundation College sa kanilang Post-Graduate Program ng Masters in Education, major in Reading. Sumulat siya ng aklat para matapos ang kursong ito. Natapos niya ito noong 2019.
Pagkatapos ng mahigit na anim na taong pagtuturo sa mababang paaralan ng San Mateo, nailipat siya sa mas malapit na paaralan sa kanilang tinitirhan, ang Sabang Central Elementary School. Patuloy siyang nagsisilbi bilang guro sa ikalawang baitang.
Ito po ang kuwento ng inyong tagasulat, Gesille G. Gagni-Grande. -Gesille G. Grande, DepEd, Borongan City Division
Mga tanong:
- Kaninong kuwento ng buhay ang iyong binasa?
- Paano niya sinulat ang kuwento ng kaniyang buhay?
- Ano ang tawag sa tulad ng iyong binasa na nagsasalaysay ng kuwento ng buhay?
- Bakit sinasabing hindi mapapantayan ng kahit anumang bagay ang pagtuturo sa mga bata?
- Magbigay ng limang mahahalagang pangyayari mula sa iyong binasa. (5 puntos)
Suriin
Narito ang kahulugan ng talaarawan, talambuhay, journal at anekdota. Basahin at unawain mo ang bawat isa upang malaman mo ang katangian at pagkakaiba nito.
Ang talaarawan ay isang pang-araw-araw na tala lalo na ng mga personal na karanasan, saloobin, obserbasyon at pananaw. Ito ay sinusulat na parang nakikipag-usap sa isang tao, na maaaring tawaging “Mahal kong Diary o Talaarawan” o maaari ring bigyan ng pangalan na parang isang tunay na tao ang sinusulatan.
Maaaring pansariling karanasan at pananaw lamang ang karaniwang laman ng talaarawan, ngunit ito ay depende sa sumusulat at sa kapaligiran ng pagsusulat. Maaaring kapulutan ang talaarawan ng mahalagang impormasyon tungkol sa isang pangyayari sa kasaysayan.
Ang talambuhay o biography ay isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao batay sa mga tunay na tala, pangyayari, o impormasyon.
Ang pagsulat ng isang talambuhay ay may dalawang paraan: maaari itong tungkol sa ibang tao o kaya sa manunulat mismo.
Ang journal ay tala ng mga obserbasyon sa paligid na nakatawag ng atensiyon ng isang indibidwal. Maaaring ito ay isang repleksiyon ng mahahalagang pangyayari na naging gabay o nakapukaw sa isang damdamin.
Ang anekdota ay maikling kuwento na isang nakawiwiling insidente sa buhay ng isang tao.
Ang karaniwang paksa ng anekdota ay mga taong kilala. Layunin nito ang ipabatid ang isang katangian ng pangunahing tauhan ng anekdota. Minsan ang anekdota ay nagsasalaysay ng mga tunay na pangyayari at mayroon ding minsan na ang mga pangyayari ay bungang-isip lamang. Mayroon ding mga anekdota na hindi hango sa talambuhay. Ang layunin ng anekdota ay mang-aliw, makapagturo, at makapaglarawan ng ugali ng tauhan.
Pagyamanin
Basahin ang anekdota. Sagutin ang mga tanong pagkatapos nito.
Ang Modyul ni Emry
Si Emry ay nasa ikalawang baitang ngayon. Libangan niya ang paglalaro sa kaniyang Ipad, pagguhit at panonood ng mga palabas sa Youtube channel. Dahil sa pandemic, hindi siya makalabas ng bahay.
Masaya siya nang magsimula ang pasukan. Hindi man siya makapunta sa paaralan, pinakahihintay naman niya ang pagdating ng modyul. Oktubre 5 nang magsimula ang klase. Hinintay niya ang pagdating ng kaniyang papa na siyang kumuha ng modyul. Sinalubong niya ito sa pintuan at agad na kinuha ang envelope na pinaglalagyan nito. Dali-dali niya itong binuksan at kinuha ang nasa loob.
“Papa, Papa, there’s a story book inside. Can I read it now?” tanong niya. Hindi pa man nakakasagot ang ama nito ay binuklat niya ito. “But this is not English, how am I suppose to understand this?”, malungkot na tanong niya. Ibinalik niya ang modyul sa envelope.
Sumabad ang lola ni Emry, “ayan kasi, pa-Ingles-ingles kayo sa anak niyo, ngayon paano ang pagsagot niyan?” Nagkatinginan ang mga magulang ni Emry at nagkatawanan sila. “No problem, Mother, I’ll be the translator, no sweat,” sagot ng Papa.
- Gesille G. Grande, DepEd, Borongan City Division
Mga tanong:
- Ano ano ang nakahiligang gawin ni Emry?
- Bakit kaya masaya siya kahit hindi nakalalabas ng bahay?
- Paano mo mapatutunayan na interesado si Emry na matuto?
- Sa iyong palagay, tama kaya ang lola ni Emry sa kaniyang sinabi? Patunayan ang iyong sagot.
- Magbigay ng tatlong mahahalagang pangyayari sa anekdotang nabasa.
Isaisip
Upang masuri kung may nalaman kayo sa araling ito, sikaping masagot ang mga sumusunod.
Punan ng tamang salita ang bawat patlang.
- Ang _____ ay tala ng nangyayari sa bawat araw.
- _____ at pananaw lamang ang karaniwang laman ng talaarawan, ngunit ito ay depende sa sumusulat at sa kapaligiran ng pagsusulat.
- Ang _____ ay isang anyo ng panitikan kung saan nagsasaad ito ng kasaysayan ng buhay ng isang tao batay sa mga tunay na tala, pangyayari, o impormasyon.
- Ang _____ ay tala ng mga obserbasyon sa paligid na nakatawag ng atensiyon ng isang indibidwal.
- Ang _____ ay maikling kuwento na isang nakawiwiling insidente sa buhay ng isang tao.
Isagawa
Basahin ang talambuhay at ibigay ang hinihinging impormasyon kasunod nito.
Talambuhay ni Don Juan Sumulong
Ipinanganak sa Antipolo, Rizal noong ika-27 ng Disyembre, 1875 si Juan Sumulong. Siya ay anak ng magsasakang si G. Policarpio Sumulong na naging Alkalde ng Antipolo at ni Gng. Arcadia Marquez. Nagtapos ng Bachelor of Arts sa Colegio de San Juan de Letran sa kabila ng kahirapan at sakripisyo. Naglako ng tabako pagkatapos ng klase sa umaga, tumulong sa kasera sa paghahanda ng almusal upang matugunan ang upa sa tinitirhan at nagtiis magsuot ng sapin sa paang yari sa kahoy kung tag-ulan upang hindi kaagad masira ang kaisa-isang pares ng sapatos. Nagpatuloy sa pag-aaral hanggang sa makapagtapos ng Abogasiya sa Unibersidad ng Santos Tomas.
Nang sumiklab ang rebolusyon laban sa mga Espanyol, sumapi siya sa mga rebolusyonaryong nakahimpil sa Lalawigan ng Morong. Nagsilbi bilang pribadong kalihim ng gobernador sibil sa Morong na nakahimpil sa Antipolo. Matapos ang naging pagpupulong upang magsanib ang Lalawigan
ng Morong at Lalawigan ng Maynila, na sinang-ayunan ni Konsehal Sumulong, tinawag itong Lalawigan ng Rizal. Siya rin ay naging mamamahayag sa La Patria, naging tagasuri ng kalagayang pampulitikal ng La Democracia, isang lathalain ng Federal Party, kung saan siya ay nagsilbi bilang patnugot ng mahabang panahon. Matapos makapasa ng pagsusulit pang-abogasiya noong 1901, nagsilbi bilang mambabatas habang nagtuturo sa Escuela de Derecho. Napagtagumpayan ang usaping hangganan ng Antipolo at Cainta. Noong 1925, nahalal bilang Senador ng anim na termino sa ikaapat na distrito na binubuo ng Maynila, Rizal, Laguna at Bataan. Naging kasapi ng Philippines Independence Mission sa Estados Unidos noong 1930 hanggang 1931. Kumandidato bilang katunggali ni Manuel L. Quezon sa pagkapangulo ng Pilipinas noong 1941, ngunit dalawang linggo bago ang eleksyon, naratay sa banig ng karamdaman hanggang sa pumanaw noong ika-9 ng Enero, 1942. Si Maria Salome Sumulong, ang kanyang nakaisang dibdib. Nagkaroon ng 11 anak, ngunit apat sa kanila ay namatay. Sina Lumen, Dimetria, Lorenzo, Paz, Juan Jr., Belen at Francisco ang natirang buhay. Si Dimetria Sumulong ay ikinasal kay Jose Chichioko Cojuanco mula sa Tarlac. Ang kanilang ikaapat na anak (apo ni Juan Sumulong) ay si Corazon C. Aquino, ang ikalabindalawang pangulo ng Pilipinas (1986-1992) na ina ng ikalabinlimang pangulo ng Pilipinas na si Benigno Aquino III.
Taglay ni Don Juan Sumulong ang katangian ng isang tunay na Antipolenyo, ang pagiging maka-Diyos, matulungin, magiliw sa pagtanggap ng mga panauhin, masayahin at mapagmahal sa kapwa at sa pamilya. Ipinangalan sa kanya ang ilan sa mga pribadong paaralang pansekondarya, ang Juan Sumulong Memorial School System. Ang Sumulong Highway na nabuo noong 1960, ang daan nagdudugtong sa Lalawigan ng Rizal, Metro Manila at Marikina ay ipinangalan din sa kanya.
– www.senate.gov.ph/senators/former_senators/juan_sumulong.html; https://lrmds.deped.gov.ph/detail/12683
[chart: flowchart; untitled, central box “Mahahalagang pangyayari sa buhay ni Don Juan Sumulong”]
transcriber’s note: the central box has three branches, each with three empty boxes. All nine boxes are blank in the printed page.
Tayahin
Sukatin natin ang iyong natutuhan sa aralin sa pamamagitan ng pagsubok na ito.
A. Basahin ang journal ni Gyle sa buwan ng Agosto. Kopyahin sa papel ang diyagram kasunod nito at punan ang hinihinging impormasyon.
Agosto 24, 2020
Inihanda ko ang mga gamit para sa aming unang araw ng online class. Masaya ako ngunit kinakabahan din ng kaunti. Ano kaya ang masasabi ng aking mga kaklase, o ng aking mga propesor sa bagong paraan ng pagkaklase ngayon? Ganap na ikasiyam ng umaga pa ang aming orientation program ngunit alas otso pa lang ngayon ay nakaharap na ako sa aking laptop. Naligo ako kanina at nagbihis ng aking uniporme. Pagbukas ko ng Zoom classroom namin ay marami na pala ang nagaabang, kasama na rito ang aming propesor. Binati namin si Sir. Halos sabay-sabay kaming nagsalita at nagtawanan kami. Narealize ko na miss na namin ang isa’t-isa.
Block section kami kaya sila pa rin ang aking mga kaklase noong Grade 11. Kumustahan, tawanan, at pagbalik ng alaala sa aming mga ginawa noong unang taon. Gusto sana naming na magkakasama kami sa pagkain sa aming break, pati na rin sa tanghalian gaya ng dati. Nasabi namin na sana ay bumalik ang panahon na kasama namin ang isa’t-isa. Kahit pa man minsan ay naglolokohan kami ng aming kamag-aral, kahit may tampuhan, minsan ay awayan pa, mas ninanais namin na bumalik pa rin ito. Ay sana Panginoon, matapos na po ang pandemyang ito at nang makakilos na po uli kami ng gaya ng dati.
Agosto 27, 2020
Eksaktong ikasiyam ng umaga nang pumasok ako sa aming klase. Naka-uniporme pa rin ako. Nandoon na pala ang aking mga kaklase at nagkukuwentuhan pa. May tawanan ulit. Pagpasok ng aming propesor ay tahimik kaming lahat. Mandarin Language ang aming asignatura ngayon. Unang beses na nagkaharap harap kami sa Zoom classroom namin sa aming propesor na isang Intsik. Unang bungad niya ang pangungumusta sa amin. Kinumusta rin namin siya. Tumahimik kami pagkatapos ng kumustahan. Tila alanganin ang lahat sa pagsasalita. Si Ma’am Choi ay galing Wuhan, ang sentro ng COVID 19 noon at ang pinanggalingan ng pandemya. Tinawag niya isa isa ang aming pangalan. Tahimik lang lahat hindi kagaya sa ibang klase na halos lahat gustong magsalita. Napansin ni Ma’am ito. Tinanong niya kami kung ano ang aming nararamdaman na kaharap namin siya. Nagsalita ako. Tinanong ko siya kung totoo bang galing sa paniki ang virus. Nagpakiramdaman kaming magkaklase. Nagsisi ako sa aking tanong dahil parang nasaktan si Ma’am. Ibinalik niya sa amin ang aking tanong. Sumagot si Mitch, isang half-Chinese na kagagaling lang bumisita sa kaniyang lolang nasa Beijing. Sinabi niya na sa kanilang mga Intsik, naniniwala sila na galing nga ito sa paniki. Sumunod ang iba kong mga kaklase na mga Intsik din. Ganon din ang kanilang paniniwala. Nang magsimulang magpaliwanag si Ma’am Choi, lahat kami nakatutok sa kanya. Para akong nakikinig ng isang dokumentaryo sa kanyang paliwang, wala nga lang video. Nabanggit niya ang sinasabing laboratoryong pinanggalingan daw ng virus. Sinabi niya na isa itong paninira sa kanilang gobyerno. Marami siyang ipinaliwanag tungkol dito. Halos maubos ang aming oras sa pag-uusap tungkol sa COVID. Magkakaiba man ang aming pananaw, pare-pareho naman ang aming hangad na sana ay matapos na ang pandemya at maibalik na sa normal ang lahat. Sa pagtatapos ng aming klase, napagtanto ko ang huling sinabi ni Ma’am na tama naman talaga. Ika niya, kung isasara natin ang ating isip sa ating gusting paniwalaan, kahit anong paliwanag ay hindi ito mababago. Ngunit kung bukas ang ating isip sa pagtanggap ng paliwanag ng iba, maaari itong makapagbukas ng bagong oportunidad sa ating buhay.
- Gesille G. Grande, Borongan City Division
[chart: flowchart; untitled, central box “Mahahalagang Pangyayari sa Journal ni Gyle”]
Left column, top to bottom: “Agosto 24, 2020”; four empty boxes. Right column, top to bottom: “Agosto 27, 2020”; four empty boxes.
transcriber’s note: the boxes below the two dates are blank in the printed page.
Tayahin (continued)
B. Basahin ang anekdota. Sagutin ang mga tanong kasunod nito.
Sa isang paaralan, isang hapon nasa isang mahabang mesa ang mga guro upang magwasto ng mga modyul galing sa mga bata. Napansin ni Gng. Rosario na mabilis magtsek ang isang guro sa unang baitang. “Gng. Altar, ang galing mo naman. Mabilis ka ka magtsek.” Tatawa-tawang sumagot si Gng. Altar, “Ay sus, mare, mabilis ako kasi yung mga bayad ko ng utang ang nilalagyan ko ng tsek.” Dadag pa niya, “Natapos ko na kasi itsek ang ibang modyul kagabi kaya kaunti na lang din ang itse-tsek ko ngayon.”
- Gesille G. Grande, DepEd, Borongan City Division
- Ano ang ginagawa ng mga guro sa paaralan?
- Ano ang napansin ni Gng. Rosario kay Gng. Altar?
- Bakit tawang-tawa si Gng. Altar sa sinabi ni Gng. Rosario?
- Magbigay ng dalawang mahahalagang pangyayari sa inyong binasang anekdota.
Mahusay! Binabati kita! Matagumpay mong natapos ang mga gawain sa modyul na ito. Kung may mga bahagi ng aralin na hindi pa rin malinaw sa iyo, maaari mo itong balikan. Magtanong ka rin sa mga kasama mo sa bahay o tumawag sa iyong guro upang lalo mo itong maunawaan. Kung ang lahat ay malinaw na sa iyo, maaari ka nang magpatuloy sa susunod na aralin.
transcriber’s note: this page is printed upside down; it has been read after rotation.
Susi sa Pagwawasto
Subukin A.
[chart: flowchart; untitled, central box “Mahahalagang Pangyayari”]
Three boxes, top to bottom:
- Nagdasal sa Panginoon na sana ay mawala na ang pandemya at bumalik sa normal ang lahat.
- [?] Nakuhang magtulog ng maaga [?]
- Naggising at naghanda para sa pagpasok sa paaralan [?]
transcriber’s note: the middle box is hard to read and the lower box’s wording is uncertain.
Subukin B.
- Si Sophia.
- Sinulat niya ang mga pangyayari at karanasan sa niya sa bawat araw. Makikita dito ang petsa kung kailan ito nangyari.
- Ang kaniyang karanasan, damdamin, at mahalagang pangyayari sa bawat araw.
- Sariling sagot ng mag-aaral (Maaaring maghanda ng rubric para sa pagwawasto ng sariling sagot).
[chart: web diagram; untitled, central oval “Mahahalagang Pangyayari sa Journal ni Sophia”]
Surrounding ovals, clockwise from the top:
- Naghanda ng pagkain para sa pagsimba sa bahay, nagkantahan at nakinig sa mensahe ng Pastor. [?]
- Tumulong sa paghahanda para sa kaarawan ng Mama.
- Nagdasal at nagbigay ng mensahe para sa kaarawan ng ina, namigay ng souvenir sa mga bisita.
- Nagising sa malakas na pagsabog.
- May nasunog na sasakyan at nagtulong-tulong ang mga residente upang mabilis na mawala ang apoy.
- Nagdasal siya na maapula ng tuluyan ang apoy at mawala ang masamang amoy nito na maaaring makapagdulot ng sakit.
- Nagpunta sa farm ang pamilya, tumulong sa pagtatanim at nakisalo sa pamilya.
transcriber’s note: the oval texts are read after rotation; some wording in the oval near the top is uncertain.
transcriber’s note: this page is printed upside down; it has been read after rotation.
Balikan
a. 15% b. Para sa pagkain c. 15% para sa bahay at pananamit 10% d. para sa pag-iimpok e. pie o circle graph
Tuklasin
Tuklasin A.
[chart: flowchart; untitled, central box “Mahahalagang Pangyayari”]
Hunyo 3, box: [?] Nangangalaga ang alagang pusa [?]; box: Masaya ang pakiramdam nang makita ang apat na kuting. Hunyo 4, box: Pinagkaguluhan nina Mimi at Kitty ang dalawang kuting; box: Hindi makatulog si [?] dahil nag-iisip ng [?] sa mga kuting. Hunyo 5, box: Ginising siya ng maaga ng kanyang kapatid; box: Inilibing ang namatay na kuting at nilagyan ito ng bulaklak.
transcriber’s note: several words in the flowchart are uncertain because the page is rotated.
Tuklasin B.
- Kay Gesille G. Grande-Grande.
- Sinulat niya ang mahahalagang pangyayari sa kaniyang buhay at mga impormasyong gaya ng magulang, asawa, anak, mga paaralang pinag-aralan, at mga pansariling pananaw sa buhay.
- Talambuhay
- Sariling sagot ng mag-aaral (Maaaring magkakaiba ang isagot ng mga bata)
- Maaaring magkakaiba ang sagot ng mga bata.
transcriber’s note: this page is printed upside down; it has been read after rotation.
Pagyamanin
- Paglalaro sa Ipad, pagdrowing at panonood ng mga palabas sa Youtube channel
- Dahil makakapag-aral pa rin siya kahit hindi makalabas ng bahay sa pamamagitan ng pagsagot sa mga modyul.
- Hinihintay niya ang pagdating ng kanyang papa na may dalang modyul at kaagad niya itong binuksan.
- (Maaaring magkakaiba ang sagot ng mga mag-aaral.)
A. naglilibang sa paggamit ng ipad, pagdrowing at panonood B. masayang naghintay sa pagdating ng modyul na sasagutan C. ibinalik muli sa envelope ang modyul dahil hindi niya ito maunawaan
Isaisip
- talaarawan
- pansariling karanasan
- talambuhay
- journal
- anekdota
Isagawa
[chart: flowchart; untitled, central box “Mahahalagang pangyayari sa buhay ni Don Juan Sumulong”]
Left branch, top to bottom: “Nagsilbi bilang mambabatas habang nagtuturo sa Escuela de Derecho”; “Nagsilbi bilang …”; “Nakapagtapos ng abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas” [?]. Middle branch, top to bottom: “Naging mamamahayag sa La Patria, nagsilbing tagasuri ng kalagayang pampulitikal ng La Democracia”; “Sumapi sa mga rebolusyonaryong nakahimpil sa Morong” [?]; “Nagtapos ng Bachelor of Arts sa Colegio de San Juan de Letran”. Right branch, top to bottom: “Nahalal bilang senador ng ikaapat na termino, naging kandidato bilang katunggali ni Manuel Quezon sa pagkapangulo noong 1941”; “Ipinanganak sa bayan ng Morong, Rizal noong Disyembre 27, 1875”; “Nagtapos ng pag-aaral … ” [?].
(Maghanda ang guro ng rubrik para sa pagwawasto ng mga sariling sagot ng mag-aaral.)
transcriber’s note: several boxes in the flowchart are uncertain because the page is rotated.
transcriber’s note: this page is printed upside down; it has been read after rotation.
Tayahin
Tayahin A.
(Maghanda ang guro ng rubrik para sa pagwawasto ng mga sariling sagot ng mag-aaral.)
[chart: flowchart; untitled, central box “Mahahalagang Pangyayari sa Journal ni Gyle”]
Left chain, bottom to top: “Agosto 27, 2020”; “Pumasok sa klase alas 9 ng umaga, nagkwentuhan at tawanan ang mga kaklase”; “Unang makakaharap ang kanilang propesor sa Mandarin na Intsik na galing sa lungsod ng Wuhan, China”; “Nagkaroon ng maraming talakayan tungkol sa pinagmulan ng COVID 19”; “Nabuksan ang kanyang isip na tanggapin ang tamang pagtingin sa pangyayari sa paligid”. Right chain, bottom to top: “Agosto 24, 2020”; “Naghanda ng mga gamit para sa online class”; “Nagkaroon ng orientation program para sa pagbubukas ng klase”; “Nagkumustahan, tawanan, at pagbabalik tanaw sa nakaraang pasukan”; “Nanalangin sa Panginoon na sana matapos na ang pandemya at bumalik na sa normal ang lahat”.
transcriber’s note: the chain order is read from the arrows; wording of the first left box is uncertain.
Tayahin B.
- Nagtsetsek ng mga modyul ng kanilang mag-aaral
- Mabilis magtsek ng modyul si Gng. Altar
- Dahil mali ang iniisip ni Gng. Rosario tungkol sa pagtsek ng modyul.
- Halimbawa ng pangyayari (maaaring iba-iba ang sagot)
- Nagpunta sa paaralan ang mga guro upang magwasto ng mga modyul ng mga mag-aaral.
- Masaya na nagwawasto ang mga guro sa paaralan at nagkatuwaan sila.
Sanggunian
www.senate.gov.ph/senators/former_senators/juan_sumulong.html/ https://lrmds.deped.gov.ph/detail/12683
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply