Filipino 5 Quarter 1 Module 9: Pagbibigay Kahulugan ng Pamilyar at Di-Pamilyar na mga Salita

This is the Self-Learning Module (SLM) for Filipino 5, Unang Markahan (Quarter 1), Modyul 9: “Pagbibigay Kahulugan ng Pamilyar at Di-Pamilyar na mga Salita” (giving the meaning of familiar and unfamiliar words). It is written for Grade 5 learners studying at home, with help from a parent or guardian. After working through it, learners should be able to recognize familiar and unfamiliar words in sentences and figure out what they mean.

The module is part of DepEd’s Alternative Delivery Mode, First Edition 2020, prepared by DepEd Region VIII. Its writer is Trinidad A. Tanglao.

What learners will learn

According to the module’s Alamin (what you will learn) section, the lesson helps learners:

  • recognize familiar and unfamiliar words used in sentences and statements
  • give the meaning of these words
  • identify the level of vocabulary to use for effective expression

The module does not print a competency code. It cites the Curriculum Guide in Filipino 5 as its reference.

The four ways to find a word’s meaning

The module has one lesson, Aralin 1. It teaches that the meaning of a familiar or unfamiliar word can be worked out through four clues: tono at damdamin, paglalarawan, diin, and tambalan.

A. Tono at damdamin (tone and feeling)

  • Tono (tone) is the writer’s attitude toward the word or topic. It can be happy, sad, playful, persuasive, or serious.
  • Damdamin (feeling) is the emotion the reader gets from the word or text, such as joy, sadness, anger, fear, admiration, love, surprise, or hope.

The module gives two examples. A familiar word: pag-ibig (love) in a song means something true, lasting, and without doubt. Its tone is happy and its feelings are joy and love. An unfamiliar use: in the Eraserheads song “Maskara,” the word maskara does not mean a real mask. It means hiding your feelings or facial expression. Its tone is happy and its feeling is hope or courage.

B. Paglalarawan (description)

Describing words make writing vivid when they are used correctly. The module compares matayog and matangkad. Both describe height, but matayog is used for tall buildings and cannot describe a person’s height. Matangkad is the word for a tall person.

C. Diin (stress)

Diin is the force, weight, or slight rise of the voice on one syllable of a word. Words with the same spelling can change meaning when the stress changes. For example:

WordMeaning
BU:haya person’s fate
bu:HAYstill breathing, alive
LA:mangunique, only
la:MANGahead, leading

The module also uses dictionary pairs such as talà and talâ, and bása and basâ, to show how marks on a word guide its meaning.

D. Tambalan (compound words)

A tambalan is a word made by joining two simple words to form a new word. Examples are bahay-ampunan (orphanage) and pamatid-uhaw (thirst quencher). The activities add others such as balat-sibuyas, pusong-mamon, takipsilim, and kapitbahay.

The story and activities

The Tuklasin part has learners read “Ang Kwento ni Angelito” by Rhoda Y. Sibullas. It is about a boy who disobeys his mother, swims in a river with his friends, and gets swept away by the current. A neighbor, Mang Tacio, saves him. Angelito learns that children should listen to their parents.

The module’s parts, in order, are:

  1. Subukin: a pretest with four short sets of items, one for each of the four ways
  2. Balikan: a review where learners mark word pairs as synonyms (smiling face) or opposites (sad face)
  3. Tuklasin: the story of Angelito
  4. Suriin: the lesson on the four ways
  5. Pagyamanin: practice on tone and feeling in song lyrics, describing words, stress, and compound words
  6. Isaisip: questions about the story and its lesson
  7. Isagawa: breaking compound words into their root words
  8. Tayahin: a 10-item matching test
  9. Karagdagang Gawain: read today’s news, list unfamiliar words, and look them up in a dictionary
  10. Susi sa Pagwawasto: the answer key

How to use this module

  • Learners: Start with the Subukin pretest, then follow the parts in order. Write all answers on a separate sheet of paper, not on the module, so that others can use it later. Check your work with the answer key honestly, and contact your teacher if any part is hard to understand.
  • Parents and guardians: Help your child follow the instructions. Encourage the use of a dictionary for the Subukin and Karagdagang Gawain activities.
  • Teachers: Use the pretest results to see which learners need more help. The answer key labels the Pagyamanin sets as Gawain B, C, and D, while the activity pages call them Gawain II, III, and IV, so point this out to learners.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this module for?

It is for Grade 5 Filipino, Unang Markahan (Quarter 1), and it is Modyul 9.

What are the four ways to find the meaning of a word in this module?

The module teaches tono at damdamin (tone and feeling), paglalarawan (description), diin (stress), and tambalan (compound words).

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end has answers for the pretest and the Pagyamanin, Isagawa, and Tayahin activities.

What is diin in Filipino?

Diin is the stress or slight rise of the voice on one syllable of a word. Changing the stress can change the meaning, as in BU:hay (fate) and bu:HAY (alive).

What is a tambalang salita?

It is a compound word formed by joining two simple words to make a new word, such as bahay-ampunan and pamatid-uhaw.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Filipino Unang Markahan – Modyul 9: Pagbibigay Kahulugan ng Pamilyar at Di-Pamilyar na mga Salita

5

Filipino

Unang Markahan – Modyul 9: Pagbibigay Kahulugan ng Pamilyar at Di-Pamilyar na na mga Salita

[illustration: students reading and studying under a tree, at a table, and with a globe, beside a student with a lamp]

CO_Q1_FILIPINO5_Modyul9

Filipino – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 9: Pagbibigay Kahulugan ng Pamilyar at Di-Pamilyar na mga Salita Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Trinidad A. Tanglao Editor: Lea C. Aberia, Virginia C. Dulfo, Shirley B. Bacal, Chinky F. Baculanta, Maricris Torres- Tolibas, Ma. Shiela C. Adona Tagasuri: Virgina C. Dulfo, Eleonor Distrajo Tagaguhit: Michael Q. Balan Tagalapat: Michael Q. Balan, Swelyn E. Forro

Tagapamahala: Ramir B. Uytico, Bernardo A. Adina Arnulfo M. Balane, Gaudencio C. Albije Jr. Rosemarie M. Guino, Lea C. Aberia Teodorico C. Peliño Jr., Virginia C. Dulfo Joy B. Bihag, Ma. Teresa B. Afable Ryan R. Tiu, Shirley B. Bacal Dandy G. Acuin

Inilimbag sa Pilipinas ng _____

Department of Education – Region VIII Office Address: Government Center, Candahug, Palo, Leyte Telefax: 053-832-2997 E-mail Address: region8@deped.gov.ph

5

Filipino

Unang Markahan – Modyul 9: Pagbibigay Kahulugan ng Pamilyar at Di-Pamilyar na mga Salita

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

[illustration: a smiling boy holding a book and a bag, beside a thought cloud]

Pagbati sa iyo kaibigan, narating mo na ang ikasiyam na modyul sa ating masaya at makulay na paglalakbay. Ang araling ito ay isinulat upang magabayan ka sa pagkilala at pagbibigay-kahulugan sa mga salitang pamilyar at di-pamilyar na gagamitin sa mga pangungusap/pahayag.

Gamit ang wika, matutulungan ka ring matukoy ang antas ng talasalitaan para sa epektibong pagpapahayag.

Subukin

[illustration: a smiling boy in a school uniform with a bag, beside a thought cloud]

Ang mga sumusunod ay ang panimulang pagsusulit na susukat sa lawak ng iyong kaalaman sa tatalakaying aralin.

Gawain I

Basahin ang sumusunod na mga pangungusap. Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa pamamagitan ng tono o damdamin.

  1. Hinalikan ako ng malamig na hangin.
  2. Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa atin.
  3. Nahiya ang buwan at nagkanlong sa ulap.
Gawain II

Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit ayon sa pagkakagamit nito sa pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot.

  1. Ang mabuting tao ay naghahatid ng kaluguran.
    a. kalungkutan
    b. kasiyahan
    c. kasaganahan
    d. katahimikan


  2. Siya ang aking katuwang sa mga gawaing-bahay.
    a. taong kasama o katulong
    b. taong kaaway
    c. taong hindi naniniwala sa iyong sinasabi
    d. taong palaging nakasunod sa iyo


  3. Maging matalino sa pagtahak sa landas ng buhay.
    a. pagdaan
    b. pag-alis
    c. paglalaro
    d. pagpili


Gawain III

Sumangguni sa diksiyonaryo. Piliin ang salitang angkop gamitin sa bawat pangungusap. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

  1. Inaabangan ko ang paglabas ng mga _____ sa langit tuwing gabi.
    a. talà
    b. talâ


  2. Katatapos lang niyang maligo kaya ang buhok niya ay _____.
    a. bása
    b. basâ


Gawain IV

Ibigay ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa bawat bilang. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

  1. Bukás-loob ang pagtulong ni Tia Patron sa mga rebolusyonaryo.
  2. Agaw-pansin ang sigawan ng mag-asawang nakasakay sa kalesa.

Aralin 1

Pagbibigay Kahulugan ng Salitang Pamilyar at Di-Pamilyar

[illustration: a smiling boy holding a book and a bag, beside a thought cloud]

Kumusta ka na? Alam kong inaabangan mo ngayon ang panibagong aralin. Nakasisiguro akong magugustuhan mo ang paksa na ating tatalakayin.

Naranasan mo na bang magbasa ng kahit anong uri ng babasahin pagkatapos mayroon kang nabasang mga salitang hindi pamilyar sa iyo? Oo. Alam kong naranasan mo na.

Ano bang mga kaparaanan ang iyong ginawa upang maunawaan mo ang mga ito? Hinuhalaan mo lang ba ang sagot o nagtatanong ka kay mama o kay ate? Wow, talaga namang maparaan ka kaibigan. Magaling ang iyong ginawa.

Alam mo ba na napakaraming paraan kung paano natin mabibigyan ng kahulugan ang mga pamilyar at di-pamilyar na salita? Bago ang lahat ay sagutin mo muna ang sumusunod na gawain.

Handa ka na ba? Tara, simulan mo na!

Balikan

Iguhit sa sagutang papel ang [smiling face icon] kung ang pangkat ng mga salita ay magkasingkahulugan at [sad face icon] kung ito ay magkasalungat. Ilagay ang guhit sa nakalaang kahon.

[transcriber’s note: the table below has no printed header row; the smiling and sad face icons are the printed answer symbols]

1malinis ————————– dalisay
2masaya ————————- maligaya
3maliwanag———————- madilim
4maluwang ———————- malawak
5magaspang ——————– makinis

Tuklasin

Halina’t basahin mo ang kuwento ng buhay ni Angelito. Alamin mo kung ano ang nangyari sa kaniya.

Ang Kwento ni Angelito

ni Rhoda Y. Sibullas

Si Angelito ay masigla, palakaibigan at makulit na bata. Siya ay mahilig maglaro at gustong-gusto niyang maligo sa ilog kasama ang kanyang mga kaibigan, ngunit lagi siyang hindi pinapayagan ng kanyang ina.

Isang araw habang nakaupo sa ilalim ng punong mangga si Angelito, siya ay napaisip kung bakit ang daming ipinagbabawal ng kanyang inang si Aling Gloria. Madalas niyang marinig ang salitang, “huwag” at napakaraming bawal.

[illustration: Ang Kwento ni Angelito; a woman and children sitting under a tree by a river] Iginuhit ni: Rolando S. Cada

Nalulungkot at sumasama ang kanyang loob kapag naririnig niya ang mga pahayag nito. May isang bagay na talagang gusto niyang gawin ngunit ipinagbabawal ito ng kanyang ina, ang maligo sa ilog.

“Napakabilis ng agos ng tubig sa ilog. Maaari kang matangay ng agos at baka ka pa malunod. Maliit ka pa at hindi mo pa kaya ang mag-isang maligo sa ilog,” sambit ng ina kay Angelito. Laging nagdaramdam si Angelito dahil gustong-gusto niyang maligo sa ilog kasama ang mga kaibigan.

Kinaumagahan, kinumbinsi ni Angelito ang kanyang sarili na kayang-kaya niyang lumangoy. “Matatakutin lang talaga si Nanay, hindi naman ako malulunod dahil tinuruan akong lumangoy ni Tito Lito,” sabi niya sa sarili. “Ang sarap sigurong lumangoy at maglaro sa ilog kasama ang aking mga kaibigan na sina Nonoy, Pepe at Benok. Mukhang malamig ang tubig sa ilog. Magiging masaya ang araw namin ngayon,” pilit niya sa sarili.

Kaya nga kinahapunan, kasama ng tatlong kalarong bata, masaya silang nagpunta sa ilog nang hindi nagpapaalam sa mga magulang. Mabilis na tumakbo at dali-dali silang naghubad ng kamiseta at tumalon sa tubig. “Ang sarap maglaro sa tubig.” Wika ni Angelito. “Ang lamig ng tubig.” Sabi naman ni Pepe. Wiling-wili ang mga bata.

Maya-maya, naisip ni Angelito na lumangoy sa bandang unahan. Unti-unti siyang umusad sa gitnang bahagi ng ilog. Bigla na lamang bumilis at lumakas ang agos ng tubig at siya’y tinatangay na palayo, patungo sa malalim na bahagi ng ilog. Pinipilit niyang pigilan ang katawan ngunit hindi niya makaya ang malakas na agos ng tubig.

“Nonoy, Benok, saklolo, tulungan niyo ako!” Nagmamakaawang sigaw ni Angelito. Ngunit hindi rin magaling lumangoy ang mga kasama niya. Nagulat, nabahala at nag-alala na lang sila sa di-masaklolohang kababata.

Mabuti na lang at may biglang tumalong lalaki mula sa mga kakahuyan. Naroon pala ang isang kanayon nila na may painuming kalabaw. Nasagip si Angelito ng lalaki ngunit ilang saglit muna ang lumipas bago siya nagkamalay. “Salamat po, Mang Tacio. Akala ko’y katapusan ko na. Nagdasal po ako at kayo ay dumating. Dapat nga pala akong sumunod sa sinasabi ni Nanay.” Pagpapasalamat ni Angelito.

“Tama ka Angelito, batid ng mga magulang ang nararapat sa mga anak kaya dapat silang sundin. Huwag kayong basta-bastang pumunta sa mga mapanganib na lugar at baka kayo ay mapahamak. Matuto kayong sumunod sa inyong mga magulang.” Pangaral ni Mang Tacio. “Opo, Mang Tacio”. Magalang na sagot ni Angelito. Masayang umuwi si Angelito sa kanilang bahay kasama ang kanyang tatlong kaibigan.

Ang Kwento ni Angelito ni Rhoda Y. Sibullas (2018) BLR

Suriin

Binasa mo bang mabuti ang akda? Naunawaan mo ba ito? Ano ang iyong nadama pagkatapos mabasa ang kuwento? Kung gayon, handa ka na para sa aralin natin.

Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di-pamilyar sa pamamagitan ng tono at damdamin, paglalarawan, diin at tambalan.

A. Tono at Damdamin

Ang pagbibigay ng kahulugan sa isang salita o teksto ay maaaring ipakita gamit ang tono at damdamin. Ang tono ay tumutukoy sa saloobin ng may-akda na ukol sa salita o paksang kaniyang isinulat. Ang tono ay maaaring masaya, malungkot, mapagbiro, mapangakit, o seryoso. Samantala, ang damdamin ay tumutukoy sa saloobing nalilikha ng mambabasa sa salita o teksto. Ito ay maaaring tuwa, lungkot, galit, pagkainis, takot, paghanga, pag-ibig, pagkagulat, pagtataka, pag-asa, kawalang pag-asa, katapangan, pangamba at iba pang emosyon o damdamin.

Mga halimbawa:

  • Pamilyar: pag-ibig ayon sa isang awit:
    • hindi basta-bastang napapalitan
    • tunay
    • walang pagdududa
    • habang-buhay

Tono : masaya Damdamin : tuwa, pag-ibig

  • Di-pamilyar: Mula sa awiting Maskara ng bandang Eraserheads

“Kung may problema ka Magsuot ng maskara Takpan mo ang iyong mata Buong mundo’y mag-iiba”

Ang salitang maskara ayon sa awitin ay hindi literal na maskara na sinusuot sa mukha. Nangangahulugan itong “pagtago ng damdamin o ekspresyon ng mukha.”

Tono: masaya Damdamin: pag-asa o lakas ng loob

B. Paglalarawan

Napatitingkad ang anumang akdang pampanitikan kapag wasto ang gamit ng mga salitang naglalarawan. Nakapaglalarawan tayo ng tiyak at angkop kapag alam natin ang gamit ng mga salita. Nakatutulong ito ng malaki sa paglalarawan at pagbibigay katangian sa mga sa mga bagay na bumubuo sa ating kapaligiran ang wastong paggamit sa salitang naglalarawan. Maaari ring tiyak na makapaglarawan sa katangian at ugali ng isang tao o hayop ang paggamit ng angkop na salitang naglalarawan. Samakatuwid, nakatutulong nang malaki ang mga salitang naglalarawan upang bigyang katangian ang isang bagay o ugali maging sa damdamin at mga pangyayari sa ating kapaligiran.

Mga halimbawa:

  1. Nakakatakot magpatayo ng mga matatayog na gusali sa lugar na may malambot na lupa.
  2. Matangkad ang aking panganay na anak sa kaniyang edad na walong taong gulang.

Ang matayog at matangkad ay parehong ginagamit bilang paglalarawan sa taas ngunit ang matayog ay hindi maaaring gamitin bilang paglalarawan sa taas ng tao.

C. Diin

Ang diin ay lakas, bigat, o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang pantig sa salita. Ang diin ay isang ponema sapagkat sa mga salitang may iisang tunog o baybay, ang pagbabago ng diin ay nakapagpapabago ng kahulugan nito.

Mga halimbawa:

BU:hay = kapalaran ng tao LA:mang = natatangi Bu:HAY = humihinga pa la:MANG = nakahihigit, nangunguna

D. Tambalan

Ito ay salita na binubuo ng dalawang payak na salita na bumubuo ng panibagong salita.

Mga halimbawa:

bahay-ampunan pamatid-uhaw

Pagyamanin

Ngayong batid mo na ang mga impormasyon tungkol sa ating aralin, maaari mo nang sagutin ang sumusunod na gawain.

Gawain A.1

Ibigay ang tono at damdamin ng mga sumusunod.

Tiwala ayon sa isang awit:

Tiwala ‘pag nasira na
mahirap nang ayusin pa
Di kayang ipagdikit
ang tiwala ‘pag napunit
Tiwala ‘pag namantsahan na,
mahirap nang linisin pa.

  • Choco Latte, Parokya ni Edgar

Tono: ____________ Damdamin: ______________

Tayo’y mga dahon lamang
Ng isang matatag na puno
Iisa ang ating pinanggalingan
Hindi pareho sa pagtubo
Maaaring ika’y isang dahong masigla
Ako nama’y dahong nalalanta na
Pareho tayong mahuhulog sa lupa Kaibigan,
‘wag ikababahala.

  • At tayo’y Dahon, Asin

Tono: ____________ Damdamin: ______________

Gawain A.2

Dugtungan ang talata na nasa ibaba.

Habang binabasa ko ang maikling kuwento ay naramdaman ko ang damdaming nadarama ni Angelito. Ito ay ang (1), (2), na matatagpuan sa talata (3)_____________________.

Gawain II

Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa bawat bilang sa tulong ng paglalarawan. Hanapin ang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang titik ng tamang sagot.

[transcriber’s note: the underlined words in items 1 to 5 are bulto, nagnanais, dulot, pamilyar, and humihikayat]

  1. Napakarami ng kanilang mga paninda sapagkat bulto sila kung mamili.
  2. Bawat tao ay nagnanais na magkaroon ng ligtas na kapaligiran kung kaya’t tumutulong sila sa pagbabantay ng paligid.
  3. Iba’t ibang sakit ang dulot ng polusyon tulad ng hika at sakit sa baga.
  4. Matagal na niyang naririnig ang tungkol sa recycling kaya’t pamilyar na siya sa paraan ng pagsasagawa nito.
  5. Sa tulong ng mga humihikayat ay nagawa naming maisama siya sa mga gawaing pangkalikasan.

A. bunga B. humihimok C. maramihan D. gusto E. alam na alam

Gawain III

May mga salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba ang diin at bigkas na makikita sa bawat bilang. Ibigay ang kahulugan ng mga salitang ito sa pamamagitan ng pagpili ng titik ng tamang sagot sa loob ng kahon.

  1. PU:no _______
    A. nangangahulugang may laman o umuokopa sa lahat ng espasyo
    B. malaking uri ng halaman gaya ng kahoy


  2. pu:NO _______


  3. ga:BI _______
    A. kasalungat ng araw
    B. isang uri ng halamang-ugat


  4. GA:bi _______


  5. SA:ya _______
    A. pagkatuwa, kagalakan o kaligayahan
    B. palda o damit pambabae


  6. sa:YA _______


  7. la:MANG _______
    A. nakahihigit at nangunguna
    B. natatangi


  8. LA:mang _______


  9. tu:BO _______
    A. dinadaluyan ng tubig
    B. ang katas nito’y ginagawang asukal


  10. TU:bo _______


Gawain IV

Bigyang-kahulugan ang tambalang salita na may salungguhit sa bawat pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

[transcriber’s note: the underlined words in items 1 to 5 are taong-grasa, balat-sibuyas, takipsilim, pusong-mamon, and nagtataingang-kawali]

  1. Nagsusumikap ang mga taong-grasa na mamuhay ng marangal sa kabila ng hirap na dinaranas.
    A. mayaman B. mahirap C. marangya D. dukha


  2. Mahirap biruin ang mga taong balat-sibuyas.
    A. matapang C. malungkutin
    B. matampuhin D. malakas ang loob


  3. Takipsilim na nang dumating ang aking mga magulang mula sa bukid.
    A. umaga na C. tanghali na
    B. madilim na D. lumulubog na araw


  4. Madaling kausapin ang mga taong pusong-mamon.
    A. mahinhin B. maawain C. malambot D. masayahin


  5. Madalas na nagtataingang-kawali ang aking kapatid kapag inuutusan.
    A. malaki ang tainga C. nagbubulag-bulagan
    B. nagbibingi-bingihan D. may deperensya sa pandinig


Isaisip

Mahusay ang ipinakita mong pagsagot sa mga gawain! Ngayon naman ay subukin mong gawin ito.

Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong. Isulat ito sa sagutang papel.

  1. Bakit labis na nalulungkot si Angelito? Ano ang gusto niyang gawin kasama ang kanyang mga kaibigan?
  2. Paano natupad ni Angelito ang kanyang nais gawin? Ano ang naging dulot ng pagsuway niya sa paalala ng kanyang ina?
  3. Ano ang gagawin mo kung ikaw ang nasa katayuan ni Angelito? Bakit? Anong aral ang natutunan mo sa kwento?

Isagawa

Natutuwa ako kaibigan kasi malapit mo nang matapos ang mga gawain sa araling ito. At alam kong marami ka na ring natutuhan. Subukan mo pang gawin ang gawaing ito.

Ang mga salita sa ibaba ay binubuo ng dalawang salitang pinagtambal. Isulat ang mga salitang-ugat o pinagmulan ng salitang ito.

Tambalang SalitaMga Salitang UgatMga Salitang Ugat
1. sangandaansangadaan
2. punongkahoy
3. dapithapon
4. sawimpalad
5. kapitbahay
6. takipsilim

[transcriber’s note: the printed table has a single “Mga Salitang Ugat” heading spanning two columns, and no separate sub-headers]

Tayahin

[illustration: girl holding a book, with a speech cloud]

Binabati kita kaibigan sa iyong kagalingan sa pagsunod sa mga panuto sa lahat ng gawain. Tingan natin kong lubos mong naunawaan ang ating aralin. Sagutin ang huling gawain na makikita sa susunod na pahina.

Pagtambalin ang mga salita na nasa Hanay A sa katumbas nitong kahulugan sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

Hanay AHanay B
1. magbukloda. karaniwang marurumi ang tubig na dumadaloy sa lugar na ito
2. salikb. inanod ang lupa
3. lumabanc. mga tuntuning dapat sundin
4. nagbabantad. nakasasama
5. panirahane. kaalaman
6. kabatiranf. nanganganib
7. regulasyong. tirahan
8. pag-agosh. bahagi
9. imburnali. pagtutol
10. hindi mabutij. magkaisa

Karagdagang Gawain

[illustration: boy in school uniform with a backpack, with a speech cloud]

Magaling! Mahusay ang ginawa mo kaibigan! Nagawa mo lahat ang mga gawain at naunawaan mo ang ating paksa. Ito na ang huling gawain para sa modyul na ito.

Magbasa ng balita ngayong araw sa pahayagan o news website. Itala ang mga di-pamilyar na salita na iyong mababasa. Hanapin ang kahulugan nito sa diksiyonaryo. Isulat sa sagutang papel ang iyong mga tala.

[illustration: boy in school uniform holding a book, with a speech cloud]

Binabati kita sa ipinakita mong pagtitiyaga at kahusayan. Natapos mo ang modyul na ito. Kung mayroong bahagi sa mga aralin na ito na hindi mo naunawaan, mangyaring makipag-ugnayan ka sa iyong guro.

Susi sa Pagwawasto

[illustration: key icon beside the heading]

PAGYAMANIN

Gawain A.1

Tono: Seryoso Dandamin: pangamba, pagibig

Tono: Seryoso, nagpapayo Dandamin: pag-aalala, pag-asa

Gawain B

  1. C
  2. D
  3. A
  4. E
  5. B

Gawain C

  1. B
  2. A
  3. A
  4. B
  5. B
  6. A
  7. A
  8. B
  9. B
  10. A

Gawain D

  1. B
  2. B
  3. D
  4. B
  5. B
TAYAHIN
  1. J
  2. H
  3. I
  4. F
  5. G
  6. E
  7. C
  8. B
  9. A
  10. D
ISAGAWA
  1. sanga, daan
  2. puno, kahoy
  3. dapit, hapon
  4. kapit, bahay
  5. takip, silim
SUBUKIN

Gawain I

  1. nadarama ang malamig na hangin
  2. kumikilanang o naglilinawang mga bituin sa langit [?]
  3. nagtago sa kaulapan

Gawain II

  1. B
  2. A
  3. D

Gawain III

  1. A
  2. B

Gawain IV

  1. tapat at buong-puso
  2. madaling mapansin
BALIKAN

[illustration: five smiley face icons numbered 1 to 5; the third face is shaded differently]

Sanggunian

Curriculum Guide in Filipino 5, pahina 93 ng 190.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *