This is the Filipino self-learning module for Grade 4 (Ikaapat na Baitang), Quarter 3, Module 5. It is an Alternative Delivery Mode module, First Edition 2020, printed by DepEd Region V. It teaches learners to use the linkers called pang-angkop (-ng, -g, and na) correctly, and to build sentences with a proper simuno (subject) and panaguri (predicate).
The module opens by asking learners how they get along with friends, parents, and siblings. Its point is that words in a sentence also need good connections: when our words are clear and correct, the people we talk to understand us better.
What learners will learn
The module states two learning goals. Learners should be able to:
- Use the pang-angkop (-ng, -g, and na) correctly in sentences and in conversation. The module calls this “Nagagamit nang wasto ang pang-angkop (-ng, -g, at -na) sa pangungusap at pakikipagtalastasan.”
- Use a correct and fitting simuno and panaguri in a sentence. The module calls this “Nagagamit nang wasto at angkop ang simuno at panaguri sa pangungusap.”
Both goals are taught together in one lesson, Aralin 1.
Key idea 1: The pang-angkop (linkers)
A pang-angkop is a small word or ending that links two words so they are spoken smoothly. Which one you use depends on the last letter of the first word.
| Linker | When to use it | Examples from the module |
|---|---|---|
| na | The first word ends in a consonant other than -n | masipag na doktor, mabigat na sako ng bigas |
| -ng | The first word ends in a vowel (a, e, i, o, u) | masayang pamilya, malayong lugar |
| -g | The first word ends in -n | balong malalim, mayamang pamilya |
The module shows these linkers in a short dialogue between two friends, Rene and Rosa. They volunteer to put up posters about keeping their school clean. Their lines include these examples:
- “magandang ilagay”: ganda ends in a vowel, so it takes -ng.
- “sa mga lugar na madaling makita”: lugar ends in r, so it takes na.
- “maayos nating maikabit”: natin ends in n, so it takes -g.
Key idea 2: Simuno and panaguri (subject and predicate)
A pangungusap (sentence) has two parts, and these parts are often joined with a linker.
- Simuno is the topic the sentence talks about.
- Panaguri is the part that tells something about the simuno.
The module’s example comes from Rene and Rosa’s dialogue: “Ako ay sang-ayon sa iyong mungkahi” (I agree with your suggestion).
- The simuno is “Ako.”
- The panaguri is “sang-ayon sa iyong mungkahi.”
A second example shows a simuno, a linker, and a panaguri together: “Si Jose Rizal ay tinuruang bumasa ng kaniyang ina.”
Parts of the module
- Alamin (learn): the introduction and the learning goals.
- Subukin (try): a pretest. In Part A, learners fill in the linkers in a letter from Angelika to her Kuya Danny about the community quarantine. In Part B, learners complete sentences using a given simuno or panaguri.
- Balikan (review): a review of giving reactions to a current issue. With a caregiver, learners discuss “Modyular na Pag-aaral: Sagot sa Mabisang Pagkatuto?” (Is modular learning the answer to effective learning?) and write views for and against.
- Tuklasin (discover): the Rene and Rosa dialogue.
- Suriin (examine): questions about the dialogue and an explanation of the linkers.
- Pagyamanin (enrich): practice completing sentences, and filling in linkers in a cooking talk between Nanay and Jingjing about torta ng talong.
- Isaisip (remember): learners explain simuno and panaguri in their own words and complete a definition of pang-angkop.
- Isagawa (apply): learners fill in linkers in a conversation among Carol, Ben, and Alvin.
- Tayahin (assess): the final test. Learners link words such as “matalas _ lapis” and “makabago _ teknolohiya,” then complete sentences about reading books.
- Karagdagang Gawain (extra activity): learners write a paragraph using linked phrases such as “masayang pamilya,” “handang umagapay,” and “Poong Maykapal.”
- Susi sa Pagwawasto (answer key): answers to the activities and tests, with a sample paragraph for the extra activity.
How to use this module
- Learners: Take the pretest first. Then go through the parts in order. Write all your answers on separate paper, not on the module, so others can use it later. Check your work honestly with the answer key. The pretest has a scoring guide: 9-10 correct answers is Napakahusay (excellent) and 6-8 is Magaling (very good).
- Parents and guardians: The Balikan activity asks you to share your opinion on modular learning with your child. Sit with your child for this part, and help them read the dialogues aloud.
- Teachers: The pretest shows which learners need extra help. The module asks learners to contact you right away if they have trouble understanding the lesson.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this Filipino module for?
It is for Grade 4 (Ikaapat na Baitang), Quarter 3. It is Module 5 of the Filipino self-learning modules.
When do you use na, -ng, and -g?
Use na when the first word ends in a consonant other than n, as in masipag na doktor. Use -ng when it ends in a vowel, as in masayang pamilya. Use -g when it ends in n, as in mayamang pamilya.
What are simuno and panaguri?
The simuno is the topic the sentence talks about. The panaguri is the part that tells something about the simuno. In “Ako ay sang-ayon sa iyong mungkahi,” the simuno is Ako.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers to the pretest, the activities, and the final test. It also includes a sample paragraph for the extra activity.
Should learners write on the module?
No. The module asks learners to keep it clean so others can use it, and to write their answers on separate paper.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Filipino Kwarter 3 – Modyul 5
Nagagamit nang Wasto ang Pang-angkop (-ng, -g at na) sa Pangungusap at Pakikipagtalastasan Nagagamit nang Wasto at Angkop ang Simuno at Panaguri sa Pangungusap
CO_Q3_Filipino4_Modyul 5
Filipino –Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan-Modyul 5: Nagagamit nang Wasto ang Pang-angkop (-ng, -g at na) sa Pangungusap at Pakikipagtalastasan Nagagamit nang Wasto at Angkop ang Simuno at Panaguri sa Pangungusap Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
| Role | Name | Name |
|---|---|---|
| Manunulat: | Rey Antoni S. Malate | |
| Editor: | Laila C. Namoro | |
| Tagasuri: | Rechie O. Salcedo | |
| Tagaguhit: | Jerome R. Guadalupe | Mark Anthony O. Taduran |
| Tagalapat: | Rey Antoni S. Malate | Analyn J. Madera |
| Tagapamahala: | Gilbert T. Sadsad Grace U. Rabelas Nora J. Laguda Belen B. Pili | Francisco B. Bulalacao Ma. Leilani R. Lorico Jerson V. Toralde Rechie O. Salcedo |
Inilimbag sa Filipinas ng Department of Education – Region V
Office Address: Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500 Mobile Phone: 0917 178 1288 E-mail Address: region5@deped.gov.ph
Filipino
Kwarter 3- Modyul 5
Nagagamit nang Wasto ang Pang-angkop (-ng, -g at na) sa Pangungusap at Pakikipagtalastasan Nagagamit nang Wasto at Angkop ang Simuno at Panaguri sa Pangungusap
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pagunawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Sa modyul na ito, inaaasahan na:
- Nagagamit nang wasto ang pang-angkop (-ng, -g, at –na) sa pangungusap at pakikipagtalastasan; at
- Nagagamit nang wasto at angkop ang simuno at panaguri sa pangungusap.
Aralin 1
Nagagamit nang Wasto ang Pang-angkop (-ng, -g at na) sa Pangungusap at Pakikipagtalastasan
Nagagamit nang Wasto at Angkop ang Simuno at Panaguri sa Pangungusap
Alamin
Kumusta ang pakikipag-ugnayan mo sa iyong mga kaibigan, mga magulang, at kapatid?
Mahalaga ang pakikipag-ugnayan natin sa iba gaya ng wastong ugnayan ng mga salita sa pangungusap at sa ating pakikipagtalastasan.
Kapag malinaw at wasto ang ating mga salita, higit kang mauunawaan ng iyong kausap at iyan ang tuon ng ating aralin ngayon, kaya’t tara na, simulan na natin ang aralin!
Sa modyul na ito, inaaasahan na:
- Nagagamit nang wasto ang pang-angkop (-ng, -g, at –na) sa pangungusap at pakikipagtalastasan; at
- Nagagamit nang wasto at angkop ang simuno at panaguri sa pangungusap.
1 CO_Q3_Filipino4_Modyul 5
Subukin
Subuking gawin ito.
A. Panuto: Gamitin ang mga pang-angkop sa ibaba na bubuo sa kahulugan ng pangungusap sa liham. Isulat sa papel ang iyong sagot.
-g -ng -na
Lirio St. Diliman, Lungsod Quezon Ika-1 ng Hunyo 2020
Mahal kong Kuya Danny,
Kumusta po? Nabalitaan kong maging diyan sa probinsiya ay nagpatupad ng ‘community quarantine’ bilang paraan ng pagpigil sa pagkalat ng nakahahawa_____ (1) sakit na Covid-19. Kami ay pinayuhan____ (2) manatili sa loob ng bahay upang hindi mahawa ng sakit. Bagama’t mahirap ang ganitong sitwasyon ay maayos pa naman ang aming kalagayan. Sinisikap namin _____ (3) gawing makabuluhan ang pananatili sa loob ng bahay. Nagpapaturo akong magluto at gumawa ng mga gawain_____ (4) bahay. Sinisikap ko rin po na pagbutihin ang aking pagbabasa. Higit sa lahat ay sama-sama po kami____ (5) nagdadasal upang humingi ng tulong sa Diyos na matapos na itong pandemya. Mag-iingat po kayo diyan.
Lubos _____ (6) gumagalang,
Angelika Q. Iraola
2 CO_Q3_Filipino4_Modyul 5
B. Panuto: Gamitin ang angkop na simuno at panaguri sa loob ng kahon upang mabuo ang pangungusap. Isulat ang sagot sa nakalaang patlang sa iyong sagutang papel.
- Si Nanay Rosa ay ____________________.
- ______________ay pupunta sa Manila Zoo.
- Ang buhay ng tao ay ___________________.
- Matinong mag-aaral si Mario_____________________.
Ang mag-anak kaya maraming humahanga sa kaniya magaling manahi sadyang mapaglaro
Binabati kita! Natapos mo ang unang pagsubok. Alamin natin sa pahina 15 ang wastong sagot. Saang antas ka nabibilang? 9-10 tamang sagot – NAPAKAHUSAY 6-8 tamang Sagot – MAGALING 3-5 tamang sagot –PAGBUTIHAN PA 0-2 tamang sagot – KAYA MO IYAN
3 CO_Q3_Filipino4_Modyul 5
Balikan
Magbalik-aral ka. Naalala mo pa ba ang pagbibigay ng reaksiyon sa isang napapanahong isyu?
Panuto: Sa tulong ng iyong tagapag-alaga, pakinggan ang kanilang opinyon hinggil sa isyu na nasa ibaba. Mula sa napakinggang opinyon, bumuo ng iyong sariling paliwanag sa bawat panig sa magalang na paraan. Kopyahin ang talahanayan sa iyong sagutang papel.
- “Modyular na Pag-aaral: Sagot sa Mabisang Pagkatuto?”
| Sang-ayon | Hindi Sang-ayon |
|---|---|
4 CO_Q3_Filipino4_Modyul 5
Nagboluntaryong tumulong sa pagkabit ng mga poster at mga anunsiyo tungkol sa pagpapanatili ng kalinisan sa kanilang paaralan sina Rene at Rosa. Narito ang kanilang usapan tungkol sa kanilang gagawin.
Tuklasin
Magsimula ka rito. Basahin mo ang maikling usapan ng magkaibigang Rene at Rosa.
Nagboluntaryong tumulong sa pagkabit ng mga poster at mga anunsiyo tungkol sa pagpapanatili ng kalinisan sa kanilang paaralan sina Rene at Rosa. Narito ang kanilang usapan tungkol sa kanilang gagawin.
Rosa, saan kaya sa tingin mo magandang ilagay ang mga poster?
Tama! Ako ay sang-ayon sa iyong mungkahi. Ilagay natin sa may tabi ng poste itong isa.
Sige, siguradong matutuwa si Ma’am kapag maayos nating maikabit ang mga ito.
Sa palagay ko Rene angkop na ilagay iyon sa mga lugar na madaling makita.
Ilagay naman natin sa may bulletin board itong isa.
Tara na! Simulan na natin ang pagkakabit ng mga poster at iba pang anunsiyo.
[illustration: a boy with glasses waving and a girl pointing upward, speaking]
Balikan ang usapan ng magkaibigang Rene at Rosa. Pansinin ang pangungusap na ito.
“Ako ay sang-ayon sa iyong mungkahi.”
- Ano ang tawag natin dito?
- Ano ang dalawang bahagi ng pangungusap?
- Ano ang simuno?
- Ano naman ang panaguri?
- Anong bahagi sa pangungusap sa itaas ang simuno?
- Anong bahagi sa pangungusap sa itaas ang panaguri?
Balikan muli natin ang usapan ng magkaibigang Rene at Rosa. Pansinin ang mga nakaitim na titik sa bawat pangungusap.
Suriin
Ano ang masasabi mong katangian ng magkaibigan?
Tama ba ang ginawa nilang mga hakbang?
Nararapat bang tularan ang ginawa ng magkaibigan?
[illustration: a boy with spiky hair gesturing with an open hand]
Balikan ang usapan ng magkaibigang Rene at Rosa. Pansinin ang pangungusap na ito.
“Ako ay sang-ayon sa iyong mungkahi.”
“Rosa, saan kaya sa tingin mo magandang ilagay ang mga poster?”
- Ano ang titik bago ang nakaitim na kataga?
Ang titik bago ang nakaitim na kataga ay a.
- Paano napag-ugnay ang simuno at panaguri sa pangungusap?
Ginagamit ang ng kapag ang unang salita ay nagtatapos sa patinig gaya ng (a, e, i, o at u).
“Sa palagay ko Rene angkop na ilagay iyon sa mga lugar na madaling makita.”
- Ano ang titik bago ang nakaitim na kataga?
Ang titik bago ang nakaitim na kataga ay r.
- Paano napag-ugnay ang simuno at panaguri sa pangungusap?
Ginagamit ang na kapag ang unang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa -n.
“Sige, siguradong matutuwa si Ma’am kapag maayos nating maikabit ang mga ito. “
- Ano ang titik bago ang nakaitim na kataga?
Ang titik bago ang nakaitim na kataga ay n.
- Paano napag-ugnay ang simuno at panaguri sa pangungusap?
Ang g ito ay idinudugtong kapag nagtatapos sa -n ang salita.
Lagi mong tatandaan…
Ang pang-angkop ay mga katagang nag-uugnay sa dalawang salita upang maging madulas o tuloy-tuloy ang pagbigkas nito.
Narito ang mga pang-angkop na maaaring gamitin sa pangungusap at sa pakikipagtalastasan.
- na = ginagamit ito kapag ang unang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa -n. Halimbawa: masipag na doktor, mabigat na sako ng bigas
- ng = ginagamit ito kapag ang unang salita ay nagtatapos sa patinig gaya ng (a, e, i, o at u). Halimbawa: masayang pamilya, malayong lugar
- g = ito ay idinudugtong kapag nagtatapos sa -n ang salita. Halimbawa: balong malalim, mayamang pamilya
Ano ang mahahalagang impormasyon ang iyong nalaman? Makatutulong kaya ang mga ito sa iyong pag-aaral? Itiman ang puso sa ibaba ayon sa antas ng iyong pagkaunawa.
Lubos na naunawaan [illustration: outline heart]
Naunawaan [illustration: outline heart] Naguluhan [illustration: outline heart]
[illustration: a woman with glasses, standing with one hand raised, beside the reminder box]
Pagyamanin
A. Panuto: Ipagpatuloy ang pagsasanay. Piliin ang wastong simuno o panaguri mula sa talaan sa ibaba upang mabuo ang pangungusap at pang-angkop na: ng, g, at na na ilalagay sa loob ng kahon sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
- Dala-dala niya ang mabigat ☐ _____________________.
- _____________________ ☐ liham para sa kanyang kaibigan.
- _____________________ ☐ artista.
- Isa ito ☐ tanyag ☐ _____________________.
- _____________________ sa buwan ☐ maliwanag.
| Ngumiti sa kanya ang sikat | pasyalan sa Bikol |
| Kagabi ay natuwa ako | bag patungo sa paaralan |
| Sumulat siya ng mahaba |
[transcriber’s note: the talaan has no printed column headings; the header row above is blank]
Ang pangungusap ay binubuo ng dalawang bahagi na kadalasang ginagamitan ng pang-angkop.
- Simuno = ang paksang pinag-uusapan sa pangungusap.
- Panaguri = bahaging nagsasaad tungkol sa simuno.
Halimbawa:
Si Jose Rizal ay tinuruang bumasa ng kaniyang ina.
simuno pang-angkop panaguri
B. Panuto: Basahin mong mabuti ang usapan at punan ang patlang ng wastong pang-angkop. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Nanay : Halika, Jingjing tuturuan kita____ (1) magluto ng masarap na gulay. Jingjing : Sige po, nanay. Gustong-gusto ko____(2) matuto. Nanay : Ang lulutuin natin ay Torta_____ (3) talong. Jingjing : Paano po ang pagluluto niyan? Nanay : Madali lang. Hugasan______ (4) mabuti ang talong, bago hiwain. Tanggalin ang mga balat nito. Haluan ng binating itlog na may kaunting asin. Pagkatapos, iprito sa kaunting mantika. Jingjing : Wow! Ang sarap ng ulam ko. Sa susunod, iba______ (5) ulam naman po.
Criselda T. Taduran, F4,Q3,M3, Tulay
Isaisip
A. Panuto: Ipaliwanag ang dalawang bahagi ng pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa loob ng kahon.
| Simuno | Panaguri |
|---|---|
B. Panuto: Kumpletuhin ang pahayag.
Ang pang-angkop ay _____________________________________________
Isagawa
Mahusay mo nang nagagamit ang pang-angkop na (-g, -ng at –na) sa pangungusap kung kaya’t gawin mo na ang sunod na pagsasanay. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
[illustration: four students standing together and talking]
Kumusta ka, Carol? Mukha___ (1) masaya ang araw mo ngayon ah.
Tama ka, Ben. Masaya____(2)-masaya ako ngayon dahil umuwi na ang aking mga magulang mula sa ibang bansa.
Saan___ (3) bansa ba galing ang mga magulang mo? Siguro ay mapagmahal ____ (4) magulang ang nanay at tatay mo kaya’t masayang-masaya ka na nakauwi na sila.
Sang-ayon ako sa sinabi mo, Alvin. Sa tingin ko ay mabubuti_____ (5) magulang ang nanay at tatay mo Carol.
Tayahin
Hanggang saan na ba ang iyong kahusayan sa paggamit nang wasto ng mga pang-angkop sa pangungusap at pakikipagtalastasan? Sige, tingnan mo kung talagang natutuhan mo na ang wastong paggamit ng pang-angkop.
A. Panuto. Tukuyin ang mga kagamitan na maaaring gamitin upang mapanatili ang pakikipag-ugnayan sa iba. Gamitin ang mga pang-angkop na -g, -ng, at -na upang pag-ugnayin ang mga salita na katapat ng larawan. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
- [illustration: pencil] matalas _____ lapis
Source: lrmds.deped.gov.ph/create/detail/15
- [illustration: laptop computer] makabago_____ teknolohiya
Source: lrmds.deped.gov.ph/create/detail/616
[illustration: sheet of paper with lines] malinis _____ papel
[illustration: telephone] maayos _____ telepono
Source: lrmds.deped.gov.ph/create/detail/96
B. Panuto
Dugtungan ng angkop na simuno o panaguri tungkol sa pagbabasa ng aklat ang mga pahayag na nasa ibaba upang makabuo ng makabuluhang pangungusap. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
- Ang pagbabasa ng aklat _____
- Maraming impormasyon _____
- Patuloy na magbabasa._____
- Tayong lahat _____
- Ang bawat mag-aaral _____
Malugod na pagbati! Napagtagumpayan mo ang mga gawain sa modyul na ito. Pagtibayin mo pa ang iyong natutuhan sa pagsagot sa karagdagang gawain.
Karagdagang Gawain
Gamitin sa sariling pangungusap ang mga salitang pinag-ugnay upang makabuo ng isang talata na may angkop na simuno at panaguri.
- masayang pamilya
- nagtatrabahong mahusay
- handang umagapay
- gawaing bahay
- Poong Maykapal
Sa wakas ay narating mo ang dulo ng aralin. Ang saya-saya ko at napagtagumpayan mo ang mga pagsasanay at gawain.
Ang husay mo, bata!
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: this answer key page is printed upside down; some answer words are hard to read and are marked [?]]
Subukin:
A.
- ng
- ng
- ng
- ng
- ng
- na
B. 7. magaling mananahi 8. Ang mag-anak 9. sadyang mapaglaro 10. kaya maraming humahanga sa kanya
Balikan:
| Sang-ayon | Hindi Sang-ayon |
|---|---|
| Ang sagot ay batay sa panig ng mag-aaral. | Nagpapakita ng mga patunay at dahilan. |
Suriin:
- Pangungusap
- Simuno at panaguri
- Ang paksang pinag-uusapan sa pangungusap
- Ito ay bahaging nagsasaad tungkol sa simuno
- Ako
- Sang-ayon sa iyong mungkahi
Payamanin:
A.
- ng
- ng
- na
- ng
- na
B.
- ng ang bag patungo sa paaralan na [?]
- Sumulat siya ng mahaba
- Ngumiti sa kanya ang sikat
- Pasyalan sa Bikol [?]
- Kagabi ay natuwa ako
Isaisip:
Simuno – ang paksang pinag-uusapan sa pangungusap Panaguri – bahaging nagsasaad tungkol sa simuno
Isagawa:
- ng
- ng
- ng
- na
- ng
Tayahin:
A.
- na
- ng
- na
- ng
B. (iba-iba ang sagot)
Karagdagang Gawain (halimbawang sagot, tanggapin ang iba-ibang sagot)
Ang isang masayang pamilya ay kapuri-puri. Ito ay binubuo ng nagkakaisang mag-anak. Mayroong tatay na nagtatrabahong mahusay para sa pangangailangan ng kanyang pamilya. Isang nanay na laging handang umagapay sa mga anak. Ang mga anak ay nagtutulungan sa mga gawaing bahay. Hindi rin nila nakakalimutan ang magdasal sa Poong Maykapal sa araw-araw upang magpasalamat.
Sanggunian:
Illustrations(2013,October,30)sharpened_pencil.png.lrmds.deped.gov.ph/create/detail/15
Illustrations(2013,November,7)phone_sign_dpi.png.lrmds.deped.gov.ph/create/detail/616
Illustrations(2014,January,24)icon_computer.png.lrmds.deped.gov.ph/create/detail/96
DLP(2019)Filipino4_quarter3_week6_day3
Lalunio, L. at Gil, F. (2010). Hiyas sa wika 4 (Binagong Edisyon). Quezon City: LG & M Corporation.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply