Sa modyul na ito ay matututunan mo na ang pagguhit sa isang tanawin ay nagsisimula sa isang simpleng sketch. Ang sketch ay maaaring magsimula sa isang linya at bilog na magsisilbing frame o anyo ng isang obra. Ang sketch, depende sa perspektibo na gamit ng isang tagaguhit, ay kailangang magpakita ng foreground, middle ground at background sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang laki ng mga linya at hugis. Ginagawa ang mga ito upang mas makatotohanan ang magagawang obra kung ikukumpara ito sa totoong tanawin.
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
1. Nakakikilala ng iba’t ibang bahagi sa pagguhit ng isang tanawin: foreground, middle ground at background;
2. Nakaguguhit ng isang tanawin ng sariling pamayanan, probinsiya o rehiyon na nagpapakita ng foreground, middle ground at background (A3PR-Ii).
Arts3_q1_mod8_pagguhitngmgatanawin_v2