Filipino 3 Quarter 1 Module 9: Using Ako, Ikaw, Siya, Kami, Tayo, Kayo, and Sila

Grade 3 Filipino Quarter 1 Module 9 teaches the pronouns ako, ikaw, siya, kami, tayo, kayo, and sila in conversation, with activities and answer key.

This is the Filipino 3 self-learning module for Unang Markahan (Quarter 1), Modyul 9: “Paggamit sa Usapan ng mga Salitang Pamalit sa Ngalan ng Tao (Ako, Ikaw, at Siya; Kami, Tayo, Kayo, at Sila)” (using words that replace people’s names in conversation). It was prepared by DepEd Region XI for Grade 3 learners studying at home. After working through it, learners can use the personal pronouns ako, ikaw, siya, kami, tayo, kayo, and sila correctly in conversations and everyday situations.

On this page 6 sections

What learners will learn

The module states one learning competency:

  • Use pronouns as replacements for nouns, specifically ako, ikaw, siya, kami, tayo, kayo, and sila (F3WG-Ie-h-3, F3WG-IIg-j-3).

Along the way, learners also practice writing correct sentences: starting with a capital letter and ending with the right punctuation mark.

Lessons in this module

  1. Aralin 1: Gamit ng Ako, Ikaw, at Siya (uses of ako, ikaw, and siya). Learners read the story “Ang Kaarawan” (the birthday) and the dialogue “Ang Aming Pangarap” (our dream), then practice using the three singular personal pronouns.
  2. Aralin 2: Gamit ang Kami, Tayo, Kayo, at Sila (uses of kami, tayo, kayo, and sila). Learners practice the plural personal pronouns through sentences, pictures, and a short conversation activity.

Key ideas: panghalip panao (personal pronouns)

The module explains that ako, ikaw, and siya are panghalip panao (personal pronouns). We use them in place of a person’s name so we do not keep repeating the name.

PronounWho it replaces
Akothe person speaking (“I”)
Ikawthe person being spoken to (“you”)
Siyathe person being talked about (“he” or “she”)
Kamithe speaker and his or her companions, not including the listener (“we”)
Tayothe speaker, companions, and the listener (“we” including “you”)
Kayotwo or more people being spoken to (“you all”)
Silatwo or more people being talked about (“they”)

Examples from the module

  • In the dialogue “Ang Aming Pangarap,” Melvin asks, “Ikaw Rico, ano ang gusto mo paglaki?” Here ikaw means Rico, the person Melvin is talking to.
  • Rico says his Tiyo Alfredo encouraged him to become an engineer: “Siya ang naghikayat sa akin.” Here siya means Tiyo Alfredo, the person being talked about.
  • Marilou says, “Ako gusto kong maging dentista.” Here ako means Marilou herself, the speaker.
  • “Si Cassy, Marga at Romina ay magbabakasyon. Sila ay aalis ng Pilipinas mamayang gabi.” Sila replaces the three names.
  • “Ako at si Tanya ay mamamasyal sa tabing dagat. Magpapaalam muna kami sa aming mga magulang.” Kami replaces the speaker and Tanya.
  • “Ikaw, ako at si bunso ay inutusan ni tatay. Tayo ang maglilinis ng bahay.” Tayo includes the listener.
  • “Ikaw at si Marta ay mag-eensayo ng kanta. Kayo ang kakanta sa programa bukas.” Kayo replaces the listener and Marta.

Reminders for writing correct sentences

The “Tandaan” (remember) box in Lesson 1 lists four rules:

  1. Every sentence begins with a capital letter.
  2. Specific names of people, things, animals, places, and events begin with a capital letter.
  3. Every sentence ends with the right punctuation mark: a period (.), question mark (?), or exclamation point (!).
  4. Use a comma (,) to separate words listed one after another in a sentence.

How to use this module

Each lesson follows the usual self-learning module parts: Alamin (what you will learn), Subukin (pretest), Balikan (review), Tuklasin (discover), Suriin (examine), Pagyamanin (practice), Isaisip (remember), Isagawa (apply), Tayahin (assessment), and Karagdagang Gawain (additional activity). Work through them in order.

  • Learners: Answer the pretest first to see what you already know. Write your answers on a separate sheet of paper and do not write on the module, so other learners can use it. Contact your teacher right away if you find a lesson hard to understand.
  • Parents and guardians: Help your child read the stories and dialogues aloud, and ask who each pronoun refers to. Use the answer key honestly to check work after your child answers, not before.
  • Teachers: The answer key (Susi sa Pagwawasto) is at the end of the module. Some of its lesson labels appear to be switched between Aralin 1 and Aralin 2, so match answers by activity and item before checking learners’ work.

Frequently asked questions

Which grade and quarter is this module for?

It is for Grade 3 Filipino, Unang Markahan (Quarter 1), Modyul 9.

What is the difference between kami and tayo?

Kami refers to the speaker and his or her companions but not the listener. Tayo refers to the speaker, the companions, and the person being spoken to.

What are ako, ikaw, and siya?

They are panghalip panao, or personal pronouns. Ako replaces the name of the speaker, ikaw replaces the person being spoken to, and siya replaces the person being talked about.

Does the module have an answer key?

Yes, the Susi sa Pagwawasto is at the end of the module. Some lesson labels in it seem mixed up, so match each answer to the right activity.

What competency does this module cover?

It covers using pronouns ako, ikaw, siya, kami, tayo, kayo, and sila in place of nouns, with codes F3WG-Ie-h-3 and F3WG-IIg-j-3.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Filipino

Unang Markahan – Modyul 9: Paggamit sa Usapan ng mga Salitang Pamalit sa Ngalan ng Tao (Ako, Ikaw, at Siya; Kami, Tayo, Kayo, at Sila)

[illustration: students and a teacher learning together under a tree and at a desk, with a globe and a lamp]

CO_Q1_Filipino 3_ Module 9

Filipino – Ikatlong Baitang

Alternative Delivery Mode

Unang Markahan – Modyul 9: Paggamit sa Usapan ng mga Salitang Pamalit sa Ngalan ng Tao (Ako, Ikaw, at Siya; Kami, Tayo, Kayo, at Sila)

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Jessa Mae Pendon at Redem D. Evangelista

Editor: Cristy S. Agudera, Lorna C. Ragos

Tagasuri: Maricel M. Jamero, Bryan Ephraem E. Miguel, Rolibeth M. Labadia, Althea S. Llameg

Tagawasto: Rhenan Nisperos

Tagaguhit at Tagalapat: Precious Jean Enriquez, Oscar Edig at Jecson L. Oafallas

Tagapamahala: Allan G. Farnazo, Josephine L. Fadul, Mary Jeanne B. Aldeguer, Christine C. Bagacay, Analiza C. Almazan, Lorna C. Ragos, Ma. Cielo D. Estrada, Cristy S. Agudera, Mary Jane M. Mejorada, Alma D. Mercado

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region XI

Office Address: F. Torres St., Davao City

Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147

E-mail Address: region11@deped.gov.ph * lrms.regionxi@deped.gov.ph

Filipino

Unang Markahan – Modyul 9: Paggamit sa Usapan ng mga Salitang Pamalit sa Ngalan ng Tao (Ako, Ikaw, at Siya; Kami, Tayo, Kayo, at Sila)

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

[illustration: target with an arrow, icon beside the part title]

Magandang araw sa iyo!

Malugod kitang binabati dahil matagumpay mong nasagot ang naunang mga gawain.

Sa modyul na ito, matutuhan mong gamitin sa usapan ang mga salitang pamalit sa ngalan ng tao ang ako, ikaw, siya, kami, tayo, kayo at sila sa usapan at sitwasyon.

May mga gawain akong inihanda para sa iyo upang mahasa ang iyong kaalaman tungkol dito.

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

  • Nakagagamit ng panghalip bilang pamalit sa pangngalan ang panandang ako, ikaw, siya, kami, tayo, kayo at sila (F3WG-Ie-h-3, F3WG-IIg-j-3).

Subukin

[illustration: pencil icon beside the part title]

Gamit ang larawan, punan ng panghalip na Ako, Ikaw, at Siya ang patlang.

  1. _______________ pala ang kaibigan ni Lito.
    [illustration: two children with arms around each other’s shoulders]


  2. _______________ ay nanalo sa lotto!
    [illustration: a boy pointing to himself]


  3. _______________ saan ka nakatira?
    [illustration: a girl pointing toward another girl]


  4. _______________ ba ang iyong Ama?
    [illustration: a family with a child and a man gesturing]


  5. _______________ na ang maghugas ng pinggan.
    [illustration: a boy holding a plate while another child looks on]


Aralin 1: Gamit ng Ako, Ikaw, at Siya

Balikan

Basahin at unawain mo ang kuwento. Bilugan ang letra ng tamang sagot.

Ang Kaarawan

ni: Jessa Mae R. Pendon

[illustration: a girl at a birthday cake with a lit candle, surrounded by relatives and friends with party food; a calendar hangs on the wall]

Nakita ni Karla ang kalendaryo sa kanilang bahay. Ilang araw na lang pala at kaarawan na niya. Kumuha siya ng kuwaderno at bolpen. Isinulat niya ang kaniyang mga plano para sa kanyang kaarawan.

Kaarawan na niya. Abala ang lahat sa bahay. Dumating ang kaniyang mga bisita at binati siya ng maligayang kaarawan. Masayang-masaya siya dahil natupad ang kaniyang plano sa kaniyang kaarawan.

Mga tanong:

  1. Ano ang pamagat ng kuwento?
    a. Ang Sulat b. Ang Plano c. Ang Kaarawan


  2. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
    a. Karla b. Karel c. Kayla


  3. Saan naganap ang kuwento?
    a. mall b. bahay c. paaralan


  4. Alin sa sumusunod ang unang nangyari sa kuwento?
    a. Naghanda si Karla ng plano.
    b. Kumuha si Karla ng kuwaderno at bolpen.
    c. Nakita ni Karla ang kalendaryo sa kanilang bahay.


  5. Alin sa sumusunod ang huling nangyari sa kuwento?
    a. Nalungkot si Karla sa kaniyang kaarawan.
    b. Natupad ang plano ni Karla sa kaniyang kaarawan.
    c. Naghanda si Karla ng plano para sa kaniyang kaarawan.


Tuklasin

Basahin ang kuwento at sagutan ang sumusunod na tanong. Bilugan ang titik nang wastong sagot.

Ang Aming Pangarap ni: Ruthel C. Albesa

Masayang nagkuwentuhan ang magkakaibigan habang nasa labas sila ng bahay ni Mariz na natutulog sa mga oras na iyon.

[illustration: four children talking near an open doorway, two seated at a table]

Melvin: Wow! Ang galing mo palang umawit. Samakatuwid gusto mong maging singer. Ikaw Rico, ano ang gusto mo paglaki?

Rico: Nais kong maging enhinyero. Gusto kong gumawa ng kakaibang desinyo na mas maganda at tipid sa budget tulad ng aking Tiyo Alfredo. Siya ang naghikayat sa akin na maging enhinyero pagdating ng panahon.

Marilou: Ako gusto ko maging dentista. Gusto kong tumulong sa mga taong may sira ang ngipin at ayusin ang kanilang ngipin.

Mga tanong:

  1. Sino ang tinutukoy ni Melvin nang sabihin niyang ikaw?

Melvin: Ikaw Rico, ano ang gusto mo paglaki?

a. Si Melvin b. Si Rico c. Si Marilou

  1. Sino ang tinutukoy ni Rico nang sabihin niyang siya?

Rico: Gusto kong gumawa ng kakaibang desinyo na mas maganda at tipid sa budget tulad ng aking Tiyo Alfredo. Siya ang naghikayat sa akin na maging enhinyero pagdating ng panahon.

a. Melvin b. Marilou c. Tiyo Alfredo

  1. Sino ang nagsabi ng ako?

Marilou: Ako gusto kong maging dentista.

a. Rico b. Melvin c. Marilou

  1. Paano isinulat ang simula ng pamagat, “Ang Aming Pangarap”?


    a. maliit na letra
    b. malaking letra
    c. wala sa nabangit


  2. Anong bantas ang ginamit sa ibabang pangungusap?


Nais kong maging guro.

a. Tuldok b. Tandang pananong c. Tandang padamdam

Suriin
  • Ang ako, ikaw at siya ay mga panghalip panao. Ginagamit ang panghalip panao bilang pamalit sa ngalan ng tao upang maiwasan ang pag-uulit sa ngalan nito.
AkoPamalit sa ngalan ng taong nagsasalita.
IkawPamalit sa ngalan ng taong kinakausap.
SiyaPamalit sa taong pinag-uusapan.

[transcriber’s note: the table has no printed header row; the header above is left empty]

Halimbawa na ginamit sa usapan ang ako, ikaw at siya.

[illustration: a girl with an apple and a girl with a papaya, speech bubbles; a boy pointing at a bowl of fruit; a boy holding his stomach beside a table with fruit]

Ako ay kumakain ng mansanas. Ikaw, Rosa ano ang kinakain mo?

Ako ay kumakain ng papaya.

Ako ay kumakain ng bayabas. Siya naman ay kumakain ng santol, manga, ubas at durian.

Aray! Masakit ang tiyan ko! Dapat pala nginunguya ko nang mabuti ang aking kinakain.

Pagyamanin

I. Hanapin at bilugan ang letra na may tamang pagkakasulat ng pangungusap, batay sa larawang nakikita sa gilid nito.

[illustration: a boy with his hands pointing at his chest]

  1. a. Ako si Lino.
    b. Ikaw si Lino?
    c. Siya ay si Lino.

[illustration: two girls facing each other at a doorway]

  1. a. Ikaw ba si Rosa!
    b. Ikaw ba si Rosa.
    c. Ikaw ba si Rosa?

[illustration: a boy raising a trophy and cheering]

  1. a. Nanalo Ako?
    b. Nanalo Ako!
    c. Nanalo ako.

[illustration: two children standing at left, a girl packing items on a table at right]

  1. a. Siya ang kaibigan ni rosa na may dalang lapis, kuwaderno at aklat.
    b. Siya ang kaibigan ni Rosa na may dalang lapis kuwaderno at aklat!
    c. Siya ang kaibigan ni Rosa na may dalang lapis, kuwaderno at aklat.

[illustration: two children standing at left, a girl arranging clothes on a table at right]

  1. a. Siya ang magdadala ng damit!
    b. siya ang magdadala ng damit.
    c. Siya ang magdadala ng damit.

II. Isulat mo sa patlang ang panghalip panao na ako, ikaw at siya para sa pangngalang may salungguhit.

Halimbawa:

Si Mila ay pipili ng magiging kalahok sa paligsahan. Siya ay inutusan ng aming guro.

  1. “Saan ka nakatira Mila?” tanong ni Abel.
    “_____ ay nakatira sa Purok Bayanihan,” sagot ni Mila.


  2. Sinabi ni Mila kay Abel,
    “_____ ay kasama sa pamamasyal.”


  3. Saan ka pupunta Abel?
    “_____ ay pupunta sa paaralan,” sagot ni Abel.


  4. Sinabi ni Abel kay Mila,
    “_____ ay inuutusan ko na kumanta.”


  5. Si Cora ay bibili ng isda at karne sa palengke.
    _____ ay bibili ng isda at karne sa palengke.


Isaisip

Mga gamit ng panghalip panao sa pangungusap.

[illustration: a boy pointing to himself with both hands on his chest]

Ang ako ay ginagamit pamalit kapag ang tinutukoy ang sarili.

[illustration: a girl pointing at another girl who is facing her]

Ang ikaw ay ginagamit pamalit sa taong kinakausap.

[illustration: two children standing at left, a girl sitting at a table at right]

Ang siya naman ay ginagamit sa taong pinag-uusapan.

Tandaan

Mga dapat tandaan sa pagsulat ng tamang pangungusap o pahayag.

  1. Lahat ng pangungusap ay nag-uumpisa sa malaking letra.
  2. Lahat ng tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari ay nag-uumpisa sa malaking letra.
  3. Lahat ng pangungusap ay nagtatapos sa tamang bantas gaya ng tuldok (.), tandang pananong (?) at tandang padamdam (!)
  4. Gamitin ang kuwit (,) sa paghihiwalay ng magkakasunod na salitang binabangit sa isang pangungusap.
Isagawa

Isulat sa patlang ang angkop na panghalip panao na ako, ikaw at siya. Kumpletuhin din ang pagkakasulat ng ibang pangungusap gamit ang tamang bantas na nasa loob ng kahon.

. ! ?

Halimbawa: Inutusan si Mila, “Hindi ako (ako, ikaw, siya) tatanggi sa utos ninyo.

  1. (Ako, Ikaw, Siya) __________ ang aking guro sa Filipino__
  2. Tutulong __________ (ako, ikaw, siya) sa mga taong nasalanta ng bagyo__
  3. Bibili __________ (ako, ikaw, siya) ng aking pagkain__
  4. Aray! Napaso __________ (ako, ikaw, siya) ng kandila__
  5. Saan kaya __________ (ako, ikaw, siya) nakatira__
Tayahin

Base sa larawan, buoin mo ang mga pangungusap gamit ang panghalip panao na Ako, Ikaw at Siya na may tamang gamit ng malalaking letra at tamang bantas. Isulat ang iyong sagot sa patlang,

[illustration: a girl pointing at another girl, both standing]

  1. ________ ba si rang may-ari nitong aklat?

[illustration: a teacher and students seated around a table in a classroom]

  1. ________ si Gng. Cruz, ang guro sa baitang tatlo.

[illustration: two women walking side by side along a hallway]

  1. ________ na ang aalalay sa iyo.

[illustration: a woman handing a bag to a boy]

  1. _________ na ang magdala ng bag ko.

[illustration: two children standing in front of a school building]

  1. _________ ba ang bagong lipat sa ating paaralan?
Karagdagang Gawain

Basahin mo ang pangungusap na nakasalungguhit at sagutan mo ang kasunod na tanong. Ikahon ang titik nang wastong sagot.

  1. Ako ang bahala sa iyo.
    Paano nagsimula ang pangungusap?
    a. maliit na letra
    b. malaking letra
    c. wala sa nabanggit


  2. Ikaw ba ang kumain ng masanas?
    Ano ang ginamit na bantas sa pangungusap?
    a. Tuldok
    b. TandangPadamdam
    c. Tandang pananong


  3. Bakit nasa daan ang mga aso, pusa at kambing?
    Ano ang mga ginamit na bantas sa pangungusap?
    a. padamdam at tuldok
    b. kuwit at tandang pananong
    c. tandang pananong at padamdam


  4. Ang sarap nito!
    Ano ang gamit na bantas ng pangungusap?
    a. Tuldok
    b. Tandang Padamdam
    c. Tandang pananong


  5. Batay sa mga pangungusap na nkasalungguhit, bakit magkaiba ang mga bantas na ginamit sa bawat pangungusap?
    Magkakaiba ang bantas na ginamit dahil _____________.
    a. nagsisimula sa maliit na letra ang pangungusap
    b. nagsisimula sa malaking letra ang pangungusap
    c. magkaiba ang gamit ng mga bantas sa bawat pangungusap


Subukin

Salungguhitan mo ang angkop na panghalip sa pangungusap.

  1. Si Nat at ako ay pupunta sa lola ko.
    (Kami, Kayo, Tayo) ay kakain ng masarap doon.


  2. Sina Julia at Julio ay matalino.
    (Kami, Kayo, Sila) ay laging may matataas na mga marka.


  3. Ikaw at si Kuya Hector ang susundo sa akin.
    (Kami, Kayo, Sila) ang magdadala ng gamit ko.


  4. Si Kuya Ian at ang kanyang kapatid ay pupunta sa Bohol.
    (Kami, Kayo, Sila) ay sasakay ng barko papunta roon.


  5. Si ate, ikaw at ako ay uuwi bukas sa Tagum City.
    (Kami, Kayo, Tayo) ay manonood ng Mutya ng Tagum.


Aralin 2 Gamit ang Kami, Tayo, Kayo, at Sila

Balikan

Naglalakad ka nang mabilis papuntang silid-aralan, nang hindi sinasadya ay nabangga mo ang iyong guro. Ano ang iyong sasabihin? Guhitan ng bituin (☆)ang kahon nang may tamang sagot.

☐ 1. Pasensya na po ma’am, hindi ko po sinasadya.

☐ 2. Pasensya na po ma’am, paharang – harang ka kasi.

☐ 3. Pasensya na po ma’am, hindi ka kasi tumitingin sa iyong dinadaanan.

☐ 4. Patawarin niyo po ako ma’am, hindi ko po sinasadya.

☐ 5. Patawarin niyo po ako ma’am, sa pagmamadali ko po nabangga ko po kayo. Hindi ko po sinasadya.

Tuklasin

Hanapin mo sa puno ang mga tinutukoy sa bawat pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang.

[illustration: tree with labels “sila”, “kayo”, “tayo”, “kami” on its branches and “panghalip” on the trunk]

  1. Ang _____ay inihahalili sa ngalan ng tao.
  2. _____ ang ginagamit sa halip na ngalan ng taong nagsasalita at mga kasama.
  3. _____ ang ginagamit sa halip na ngalan ng taong kausap at mga kasama.
  4. _____ ang ginagamit sa halip na ngalan ng taong pinag-uusapan at mga kasama.
  5. _____ ang ginagamit sa halip na ngalan ng taong nagsasalita, kausap at kaniyang mga kasama.
Suriin

Basahin mo ang mga pangungusap. Sagutan ang mga tanong at tukuyin ang mga panghalip na ginamit at isulat ito sa loob ng kahon na nasa ibaba.

  1. Si Cassy, Marga at Romina ay magbabakasyon.
    Sila ay aalis ng Pilipinas mamayang gabi.
    Ano ang salitang pamalit kay Cassy, Marga at Romina?


    ☐


  2. Ako at si Tanya ay mamamasyal sa tabing dagat.
    Magpapaalam muna kami sa aming mga magulang.
    Ano ang salitang pamalit sa ako at Tanya?


    ☐


  3. Ikaw, ako at si bunso ay inutusan ni tatay.
    Tayo ang maglilinis ng bahay.
    Ano ang salitang pamalit sa ikaw, ako at si bunso?


    ☐


  4. Ikaw at si Marta ay mag-eensayo ng kanta.
    Kayo ang kakanta sa programa bukas.
    Ano ang salitang pamalit sa ikaw at si Marta?


    ☐


  5. Ikaw, ako at si Jose ay hinihintay na nina ate at kuya.
    Sabay sabay tayong maglakad patungong paaralan.
    Ano ang salitang pamalit sa ikaw, ako at si Jose?


    ☐


Pagyamanin

A. Bilugan mo ang angkop na panghalip upang mabuo ang bawat pangungusap.

  1. Si Sam at ako ay pupunta sa parke. Maglalaro (kami, kayo, sila, tayo) doon.


  2. Sina Anne, Vice, ikaw at ako ay ay inimbitahan ni Ryan sa kanyang kaarawan. Pupunta (kami, kayo, sila, tayo) mamaya.


  3. Ang aking mga kaibigan at ako ay maglalaro sa labas. (Kami, Kayo, Sila, Tayo) ay maglalaro ng taguan.


  4. Ikaw at ang mga kasama mo ang maglilinis ng hardin. (Kami, Kayo, Sila, Tayo) ay magdadala ng walis at sako.


  5. Ang mga bata ang magdadala ng mga bulaklak. (Kami, Kayo, Sila, Tayo) ang mag-aalay nito kay Mama Mary.


B. Sa tulong ng larawan, piliin mo ang angkop na pamalit sa ngalan ng tao sa bawat pangungusap at bilugan ito.

[illustration: group of children holding cleaning tools, with a boy in front]

  1. “Lahat (Kami, Tayo) ay maglilinis ng ating silid-aralan,” wika ni Andy.

[illustration: a boy pointing at two girls holding cleaning tools]

  1. “Nautusan (Kayo, Kami) na ang magpunas ng mga bintana.

[illustration: children with a broom near the outside of a classroom]

  1. At “(Sila, Kayo) naman magwawalis sa labas ng silid-aralan.

[illustration: children gardening and sweeping in front of a stage curtain]

  1. “Kayo naman ang magtatanim ng mga gulay sa ating hardin samantalang (Sila, Kami) ang mag-aalis ng mga agiw sa kisame.”
Isaisip

Kami → ginagamit na pamalit sa ngalan ng nagsasalita at ng kanyang kasama

Tayo → ginagamit na pamalit sa ngalan ng nagsasalita, kanyang kasama at kausap.

Kayo → ginagamit na pamalit sa ngalan ng dalawang tao o higit pa na kausap

Sila → ginagamit na pamalit sa ngalan ng dalawa o higit pang tao na pinag-uusapan

Isagawa

Isulat mo sa patlang ang angkop na panghalip sa pangungusap.

kami | kayo | sila | tayo

  1. Ikaw at ako ay bibigyan ni nanay ng premyo.
    _____ kasi ay mababait na bata.
  2. Sina Tani, Bebang at Ansing ay aking mga kapitbahay.
    _____ ay nakatira sa Quezon Street, Tagum City.
  3. Kuya Ian at Ate Rhea tawag _____ nina tito at tita.
  4. Nagbasketbol sina Lance at Renz. Nauhaw _____ kaya umuwi muna.
  5. “_____ ay mag-aral na,” wika ko sa aking mga kamagaral.
Tayahin

Punan ng tamang panghalip na kami, kayo, sila at tayo. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

  1. Ako at si Kevin ay gigising nang maaga bukas. Magbibisikleta _____ sa parke.
  2. Narito na ang mga kaklase mo. Sasabay _____ sa iyo papunta sa paaralan.
  3. Mga bata nagbibihis pa si Andrey. Umupo muna _____ sa sofa.
  4. Bryan, Kent at Patrick sa Huwebes na ang paligsahan sa sayaw. Handa na ba _____?
  5. Ang mga pinsan mo ay nasa sala. Bigyan mo muna _____ ng malamig na inumin.
Karagdagang Gawain

Tingnan mo ang larawan at buoin ang usapan gamit ang panghalip na kami, kayo, tayo at sila. Isulat sa walang lamang message balloon ang nabuong pangungusap.

[illustration: a kneeling person handing an object to another person, with a standing person and a child nearby; below, an elderly person with a cane, a young man, a woman with a cane, and a man carrying bags]

Speech balloons:

  • Balloon beside the handing scene (blank): _______________ / _______________ / _______________
  • “Salamat sa tulong mo, malaking bagay na ito sa akin.”
  • Balloon above the young man (blank): _______________ / _______________ / _______________
  • “Marco, samahan mo ako sa kapilya ngayon.”
  • Balloon above the group on the right (blank): _______________ / _______________ / _______________ / _______________
  • “Kayo ba ang naglinis ng kapilya kanina?”

[transcriber’s note: the blank balloons are listed in the order they appear on the page; their exact placement is shown by the illustration]

Susi sa Pagwawasto

Pagyamanin A.
  1. kami
  2. tayo
  3. kami
  4. kayo
  5. sila
Pagyamanin B.
  1. tayo
  2. kayong
  3. sila
  4. kami

Aralin 1

Subukin
  1. Kami
  2. Sila
  3. Kayo
  4. Sila
  5. Tayo
Balikan
  1. b
  2. a
  3. b
  4. c
  5. b
Tuklasin
  1. Panghalip
  2. Kami
  3. Kayo
  4. Sila
  5. Tayo
Suriin
  1. Sila
  2. Kami
  3. Tayo
  4. Kayo
  5. Tayo
Isagawa
  1. Tayo
  2. Kami
  3. Kayo
  4. Sila
  5. Tayo
Tayahin
  1. Ikaw
  2. Siya
  3. Ako
  4. Ikaw
  5. Ikaw
Karagdagang Gawain
  1. b
  2. c
  3. b
  4. b
  5. c.

Aralin 2

Subukin
  1. Ikaw
  2. Ako
  3. Ikaw
  4. Siya
  5. Ikaw
Balikan
  1. a
  2. a
  3. b
  4. c
  5. b
Tuklasin
  1. b
  2. c
  3. c
  4. b
  5. a
Suriin
  1. Sila
  2. Kami
  3. Tayo
  4. Kayo
  5. Tayo
Pagyamanin

I.

  1. a
  2. c
  3. b
  4. c
  5. c

II.

  1. Ako
  2. Ikaw
  3. Ako
  4. Ikaw
  5. Siya
Isagawa
  1. Siya ang aking guro sa Filipino.
  2. Tutulong ako sa mga taong nasalanta ng bagyo. [transcriber’s note: the printed word is partly obscured in the rotated image]
  3. Bibili siya ng pagkain ng aking pamilya [?].
  4. Aray! Napaso ako ng kandila!
  5. Saan kaya nakatira siya?

[transcriber’s note: the pronouns are printed in bold in the original]

Tayahin
  1. Ikaw
  2. Siya
  3. Ako
  4. Ikaw
  5. Ikaw
Karagdagang Gawain

(Maaaring Sagot)

  1. Walang Anuman ako ay nagagalak na tulungan ka.
  2. Opo, sasama ako sa kapilya.
  3. Opo, kami ang naglinis ng kapilya kanina.

Sanggunian

K to 12 Filipino Gabay Pangkurikulum sa Filipino3. Department of Education 2016, 45-66

K to 12 Most Essential Learning Competencies (MELCs) for Filipino Grade 3 Q1. Department of Education Curriculum and Instruction Strand 2020, DepEd Complex, Meralco Ave. 1600 Pasig City Philippines

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district