Filipino 3 Quarter 1 Module 14: Panghalip na Ito, Iyan, Iyon, Nito, Niyan, Niyon

Filipino 3 Quarter 1 Module 14 teaches how to use ito, iyan, iyon, nito, niyan, and niyon in place of nouns, with activities and an answer key.

This is the Filipino 3 self-learning module for Quarter 1 (Unang Markahan), Module 14: “Paggamit ng Panghalip Bilang Pamalit sa Pangngalan na Ito, Iyan, Iyon, Nito, Niyan, Niyon” (using pronouns in place of nouns: ito, iyan, iyon, nito, niyan, niyon). It is for Grade 3 learners studying at home, with help from a parent or guardian. After the module, learners can choose the right pointing pronoun depending on where a thing or person is: held by the speaker, near the speaker or listener, or far away.

The module is an Alternative Delivery Mode resource from DepEd Region XI, first edition 2020.

On this page 7 sections

What learners will learn

By the end of the module, the learner is expected to use a pronoun in place of a noun (nakagagamit ng panghalip bilang pamalit sa pangngalan) with:

  • the markers ito, iyan, and iyon (F3WG-Ie-h-3.1)
  • the markers nito, niyan, and niyon (F3WG-IIg-j-3.1)

Lessons in this module

  • Aralin 1: Gamit ng Ito, Iyan, Iyon (uses of ito, iyan, iyon). Learners read a conversation among three friends, Mercy, Jeneth, and Ruthel, who are shopping for a birthday dress for Mercy’s mother, and notice how they point to dresses that are in hand, nearby, or far away.
  • Aralin 2: Gamit ng Nito, Niyan, Niyon (uses of nito, niyan, niyon). Learners read “Bangkang Papel” (paper boat), a short story about friends playing with paper boats after the rain, and fill in the missing pronouns.

Ito, iyan, and iyon

These are panghalip na pamatlig (demonstrative or pointing pronouns). The module explains them using a ball (bola) and a pencil (lapis):

  • Ito is used when the speaker is holding the thing being described. Example: “Maganda ang bola. Ito ang paborito kong laruan.”
  • Iyan is used when the thing is beside or near the speaker. Example: “Maganda ang bola. Iyan ang paborito kong laruan.”
  • Iyon is used when the thing is far from the speaker. Example: “Maganda ang bola. Iyon ang paborito kong laruan.”

The sentence stays the same; only the pronoun changes, depending on where the ball is.

Nito, niyan, and niyon

The module explains that nito, niyan, and niyon replace nouns that begin with “ng.” The difference among them is how far the person or thing is from the speaker and the listener.

PronounWhere the noun isExample from the module
nitonear the speakerHinawakan ko ang dulo ng bote. becomes Hinawakan ko ang dulo nito.
niyannear the listenerNagluto siya ng gulay. becomes Nagluto siya niyan.
niyonfar from both speakersAng mga bintana ng bahay ay bago. becomes Ang mga bintana niyon ay bago.

How to use this module

Each lesson follows the same parts:

  1. Alamin: what the lesson is about.
  2. Subukin: a short pretest.
  3. Balikan: a review of the earlier lesson.
  4. Tuklasin: a conversation or story that introduces the pronouns.
  5. Suriin: the explanation of the lesson.
  6. Pagyamanin: practice activities, such as filling in blanks, choosing the correct pronoun, and marking sentences Tama (correct) or Mali (wrong).
  7. Isaisip: a summary to remember.
  8. Isagawa: applying the lesson, for example describing a favorite toy, fruit, or animal using ito, iyan, or iyon.
  9. Tayahin: the end-of-lesson test.
  10. Karagdagang Gawain: an extra activity, such as writing sentences about pictures or replacing “ng” phrases with nito, niyan, or niyon.

For learners: Write your answers on a separate sheet of paper. Do not write on or mark the module so that others can use it. Contact your teacher if a lesson is hard to understand.

For parents and guardians: Point to real things at home, in your hand, beside your child, or across the room, and ask your child which pronoun fits. Use the answer key (Susi sa Pagwawasto) at the end only to check work after your child answers, and encourage honesty in using it.

For teachers: The pretest shows which learners may need extra help, and the Tayahin in each lesson measures what they learned. Some Isagawa and Karagdagang Gawain items have open answers, so check them by meaning, not by an exact match.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this Filipino module for?

It is for Grade 3 Filipino, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 14.

What is the difference between ito, iyan, and iyon?

Ito is used when the speaker is holding the thing, iyan when the thing is beside or near the speaker, and iyon when the thing is far from the speaker.

When do you use nito, niyan, and niyon?

They replace nouns that begin with ng. Nito is for something near the speaker, niyan for something near the listener, and niyon for something far from both.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end of the module has answers for the activities and tests, with sample answers for the open-ended items.

What competencies does this module cover?

It covers using pronouns in place of nouns with ito, iyan, and iyon (F3WG-Ie-h-3.1) and with nito, niyan, and niyon (F3WG-IIg-j-3.1).

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Filipino Unang Markahan – Modyul 14: Paggamit ng Panghalip Bilang Pamalit sa Pangngalan na Ito, Iyan, Iyon, Nito, Niyan, Niyon

[illustration: children studying outdoors and indoors with a teacher, a globe, a lamp, and a child writing on paper]

CO_Q1_Filipino 3_ Module 14

Filipino – Ikatlong Baitang

Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 14: Paggamit ng Panghalip Bilang Pamalit sa Pangngalan na Ito, Iyan, Iyon, Nito, Niyan, Niyon Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Ruthel C. Albesa, Dolly Jane Jamil at Ellainee Bagaslao

Editor: Cristy S. Agudera, Lorna C. Ragos

Tagasuri: Arcel W. Gacasan, Edgardo D. Pamugas III, Genelly Priagola, Althea S. Llameg, Gloria C. Sabanal

Tagawasto: Iris Kristine A. Mejos

Tagaguhit at Tagalapat: Maria Luisa Juanir, Jonathan Sensano at Jecson L. Oafallas

Tagapamahala:

Allan G. FarnazoJosephine L. Fadul
Mary Jeanne B. AldeguerChristine C. Bagacay
Analiza C. AlmazanLorna C. Ragos
Ma. Cielo D. EstradaCristy S. Agudera
Mary Jane M. MejoradaAlma D. Mercado
Department of Education – Region XI

Office Address: F. Torres St., Davao City Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147 E-mail Address: region11@deped.gov.ph * lrms.regionxi@deped.gov.ph

Filipino Unang Markahan – Modyul 14: Paggamit ng Panghalip Bilang Pamalit sa Pangngalan na Ito, Iyan, Iyon, Nito, Niyan, Niyon

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

[illustration: target with arrow]

Kumusta ka na?

Binabati kita sa pagtatagumpay mo sa naunang gawain!

Sa modyul na ito, matutuhan mong gamitin ang mga panghalip na ito, iyan at iyon.

May mga gawain akong inihanda para sa iyo upang mahasa ang iyong kaalaman tungkol dito.

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

  • Nakagagamit ng panghalip bilang pamalit sa pangngalan
    • ang panandang Ito/ Iyan/ Iyon (F3WG-Ie-h-3.1;
    • ang panandang Nito/ Niyan/ Niyon (F3WG-IIg-j-3.1).

Subukin

Suriin ang mga larawang nasa ibaba. Isulat sa patlang ang tamang panghalip upang mabuo ang pangungusap.

Ito Iyan Iyon

  1. [illustration: child writing with a pencil at a desk]
    Ang lapis ko ay bago.
    ______ ay matulis na gamit.


  2. [illustration: child writing at a desk]
    Ang lapis ko ay bago.
    ______ ay matulis na gamit.


  3. [illustration: child at a desk with a pencil placed apart]
    Ang lapis ko ay bago.
    _______ ay matulis na gamit.


  4. [illustration: child at a desk with a ball placed apart]
    Ang bola ay itim.
    ______ ay bilog.


  5. [illustration: child at a desk holding a ball]
    Ang bola ay itim.
    ______ ay bilog.


Aralin 1

Gamit ng Ito, Iyan, Iyon
Balikan

Basahin mo ang mga pangungusap at tukuyin ang mga panghalip na pamatlig ang ginamit at isulat ito sa loob ng puno na nasa ibaba.

  1. Akin ang itim na backpack. Iyan ang dadalhin ko sa biyahe.
  2. Gusto kong pitasin ang mga manggang iyon sa puno.
  3. Ang perang ito na hawak mo ay akin.
  4. Paki abot mo nga iyang aklat sa tabi mo.
  5. Nakasampay sa labas ang tuwalya. Kunin mo iyon dahil umuulan na.

[illustration: tree with five labeled branch boxes numbered 1 to 5 for writing answers]






Tuklasin

Basahin mo ang usapan ng magkakaibigan habang sila ay nasa loob ng mall.

Mercy: Halika Jeneth at Ruthel, aakyat tayo sa ikalawang palapag dahil bibili ako ng damit. Jeneth: Para saan ba ang damit na bago? Ano ba ang meron? Ruthel: Oo nga Mercy, ano ba ang okasyon? Mercy: Kaarawan ng mama ko bukas. Balak kong regaluhan siya ng damit.

Habang sila ay nasa RTW seksyon…

Ruthel: Ito, Mercy baka gusto mo para sa mama mo? Jeneth: Hindi iyan bagay sa mama mo Mercy, kasi mukhang maiksi. Mas bagay iyon na suot ng mannequin na nasa dulo. Mercy: Oo nga, mas gusto ko iyon, tara puntahan natin. At saka sinabing, Mercy: Ito ang bibilhin ko, bagay na bagay kay Mama. At umuwi ang magkaibigan na bitbit ang bagong damit para sa mama ni Mercy.

Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ito sa papel.

  1. Sino ang magkakaibigan?
    a. Mercy, Ruthel at Jeneth
    b. Mercy, Rachel at Jeneth
    c. Mercy, Ruthel at Janeth


  2. Bakit sila nasa mall?
    a. Bibili ng damit para sa mama ni Mercy.
    b. Bibili ng damit para sa mama ni Ruthel.
    c. Bibili ng damit para sa mama ni Jeneth.


  3. Bakit sumama sila Jeneth at Ruthel kay Mercy sa mall?
    a. Dahil gusto nilang pumunta sa mall
    b. Dahil gusto nilang sila ang pipili ng damit para sa mama niya
    c. Dahil kaibigan nila si Mercy at gusto nila itong samahan


  4. Anong salita ang ginamit ni Jeneth nang ituro ang damit na nasa malayo.
    a. Ito
    b. Iyan
    c. Iyon


  5. Kung ikaw si Mercy, isasama mo rin ba ang iyong kaibigan kung bibili ka ng regalo?
    a. Hindi po, dahil ayaw ko ng may kasama.
    b. Hindi po, dahil kaya ko naman pumili ng regalo.
    c. Opo, dahil hindi ko alam ang bumili ng damit.
    d. Opo, dahil mas marami ang pipili, mas maganda ang magiging regalo.


[illustration: teacher pointing and speaking]

Ano ang napansin mo sa mga larawan? Saan nakalagay ang mga lapis habang binabanggit ang mga ito?

Ano-ano ang ginamit na pamalit sa salitang lapis?

[illustration: boy writing with a pencil on a desk]

Ang lapis ko ay bago. Ito ay matulis na gamit.

[illustration: boy writing with a pencil on a desk, pencil lying on the desk]

Ang lapis ko ay bago. Iyan ay matulis na gamit.

[illustration: boy writing with a pencil on a desk, pencil beside him]

Ang lapis ko ay bago. Iyon ay matulis na gamit

Suriin

Panghalip na Ito, Iyan at Iyon

Ito

Ginagamit ang panghalip na ito kung hawak ng nagsasalita ang bagay na kaniyang inilalarawan o binabanggit.

[illustration: boy holding a ball]

Halimbawa:

Maganda ang bola. Ito ang paborito kong laruan.

Iyan

Ginagamit ang panghalip na iyan kung katabi o malapit sa nagsasalita ang bagay na kaniyang inilalarawan o binabanggit.

[illustration: boy pointing at a ball beside him]

Halimbawa:

Maganda ang bola. Iyan ang paborito kong laruan.

Iyon

Ginagamit ang panghalip na iyon kung malayo sa nagsasalita ang bagay na kaniyang inilalarawan o binabanggit.

[illustration: boy pointing at a ball far away]

Halimbawa:

Maganda ang bola. Iyon ang paborito kong laruan.

Pagyamanin

Suriing mabuti ang mga larawan at isulat sa patlang ang ito, iyan o iyon.

  1. [illustration: boy pointing at a shirt far away]
    Ang ganda ng damit. _____ ang bibilhin ko.


  2. [illustration: boy holding a shirt]
    Ang ganda ng damit. _____ ang bibilhin ko.


  3. [illustration: boy pointing at a shirt beside him]
    Ang ganda ng damit. _____ ang bibilhin ko.


  4. [illustration: boy pointing at a vase of flowers]
    Ang ganda ng bulaklak. _____ ang bibilhin ko.


  5. [illustration: boy pointing at a flower pot far away]
    Ang ganda ng bulaklak. _____ ang bibilhin ko.


Isaisip

[illustration: girl with hand gesture]

Speech bubble: Kailan po ba ginagamit ang panghalip na ito?

[illustration: woman pointing]

Speech bubble: Ginagamit ang panghalip na ito kung hawak ng nagsasalita ang bagay na kaniyang inilalarawan o binabanggit.

[illustration: girl with hand gesture]

Speech bubble: Sa panghalip na iyan, ano po ang dapat tandaan?

[illustration: woman pointing]

Speech bubble: Ginagamit ang panghalip na iyan kung katabi o malapit sa nagsasalita ang bagay na kaniyang inilalarawan o binabanggit.

[illustration: girl with hand gesture]

Speech bubble: At kalian naman ginagamit ang panghalip na iyon?

[illustration: woman pointing]

Speech bubble: Ginagamit ang panghalip na iyon kung malayo sa nagsasalita ang bagay na kaniyang inilalarawan o binabanggit.

Isagawa

Basahin ang mga pahayag na nasa ibaba. Gawin ang isinasaad ng mga ito sa patlang.

  1. Kung hawak-hawak mo ngayon ang isang bagay na paborito mo, paano mo ito ilalarawan gamit ang panghalip na ito?




  2. Kung nasa tabi mo lang ang pinakapaborito mong prutas, paano mo ito ilalarawan gamit ang panghalip na iyan?




  3. Kung malayo sa iyo ang pinakapaborito mong hayop, paano mo ito ilalarawan gamit ang panghalip na iyon?




  4. Kung malayo sa iyo ang pinakapaborito mong laruan, paano mo ito ilalarawan gamit ang panghalip na iyon?




  5. Kung katabi mo lang ang pinakapaborito mong bagay, paano mo ito ilalarawan gamit ang panghalip na iyan?




Tayahin

Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Paano kaya ilalarawan ng mga bata ang mga bagay na binanggit sa bawat pahayag? Bilugan ang letra ng tamang sagot.

  1. Hawak-hawak ni Ben ang robot. Paano niya ito babanggitin sa kaniyang kausap?
    a. Ito ang paborito kong laruan.
    b. Iyan ang paborito kong laruan.
    c. Iyon ang paborito kong laruan.


  2. Nasa tabi ni Len ang isang bayabas. Paano niya ito babanggitin sa kaniyang kausap?
    a. Ito ang pinakamasarap na prutas.
    b. Iyan ang pinakamasarap na prutas.
    c. Iyon ang pinakamasarap na prutas.


  3. Malayo ang kinatitirikan ng puno ng niyog sa magkaibigang Danny at Ted. Paano babanggitin ni Danny ang puno ng niyog kay Ted?
    a. Ito ang pinakamataas na puno rito sa atin.
    b. Iyon ang pinakamataas na puno rito sa atin.
    c. Iyan ang pinakamataas na puno rito sa atin.


  4. Hawak-hawak ni Erick ang binili niyang relo. Paano niya ito babanggitin sa kausap niyang si Joel?
    a. Ito ang regalo ko para sa iyo.
    b. Iyon ang regalo ko para sa iyo.
    c. Iyan ang regalo ko para sa iyo.


  5. Itinuturo ni Fatima ang ibong agila na malayo sa kaniya. Paano niya ito babanggitin kay Zenny?
    a. Iyon ang pinakamalaking ibon sa ating lugar.
    b. Ito ang pinakamalaking ibon sa ating lugar.
    c. Iyan ang pinakamalaking ibon sa ating lugar.


Karagdagang Gawain

Tingnan mo ang mga larawan na nasa ibaba at sumulat ng pangungusap na ginagamitan ng panghalip na ito, iyan, at iyon.

  1. [illustration: smiling girl touching her blouse]





  2. [illustration: boy with backpack pointing at a school building]





  3. [illustration: woman and girl looking at a teddy bear in a shop window]





  4. [illustration: woman at a stall with a sign reading “TELA”]





  5. [illustration: children flying a kite in a field]





Aralin 2 Gamit ng Nito, Niyan, Niyon

Alamin

Sa araling ito, inaasahang magagamit mo nang wasto ang panghalip na nito, niyan at niyon.

Subukin

Punan mo ng nito, niyan, at niyon ang bawat pangungusap.

nito niyan niyon

Maricel: Arlyn, mayroon ka rin bang kopya _____ng awit para sa ensayo natin mamaya para sa darating na patimpalak?

Arlyn: Naku, wala pa nga, Sige pahingi _________. Salamat.

Maricel: Walang anuman.

Balikan

Basahin ang mga pahayag at itapat ito sa tamang larawan gamit ang pagguhit ng linya.

Hanay AHanay B
1. Ito ang nabili kong lapis kahapon.
2. Iyan ang bola na ipapahiram ko sa iyo.
3. Iyon ang pinakamalaking bahay dito sa aming lugar.
4. Iyan ang duryan na ibibigay ko sa iyo.
5. Iyon ang pinakamalayong saranggola na nakikita ko.

[transcriber’s note: the Hanay B pictures are not placed beside the rows; they are printed in a column labeled a to e, listed below]

a. [illustration: a child beside a tripod-like stand with a leafy plant or flower on top]

b. [illustration: a child pointing toward a small house and trees in the distance]

c. [illustration: a child pointing up at a kite in the sky]

d. [illustration: a child writing at a desk]

e. [illustration: a small child standing beside a round dark object on the ground]

Tuklasin

Basahin ang usapan ng magkakaibigan. Isulat ang nito, niyan at niyon sa patlang.

Bangkang Papel

Matapos ang malakas na ulan, nagkayayaan ang magkakaibigan na maglaro ng bangkang papel.

[illustration: a boy holding up a paper boat, speaking]

Yehey! Ang bilis talaga _____ ng aking bangka.

[illustration: a boy looking at the paper boat held by the other boy, speaking]

Oo nga ano? Sana bumilis din ang aking bangka tulad _________.

[illustration: a boy holding a paper boat and looking at it]

Tingnan ninyo o, mas magaganda ang kulay _____ kaya lang mabagal.

[illustration: a boy pointing toward another person]

Halika! Lapitan natin ang may-ari _____.

Suriin

Ang panghalip na pamatlig na nito, niyan, at niyon ay ginagamit bilang pamalit sa mga pangngalan na nagsisimula sa ng.

  • Ang nito ay ginagamit kapag ang tao, o bagay ay malapit sa nagsasalita.


    [illustration: a girl holding a bottle]


    Hinawakan ko ang dulo ng bote.
    Hinawakan ko ang dulo nito.


  • Ang niyan ay ginagamit kapag ang tao, o bagay ay malapit sa kinakausap.


    [illustration: two children talking to each other]


    Nagluto siya ng gulay.
    Nagluto siya niyan.


  • Ang niyon ay ginagamit kapag ang tao, o bagay ay malayo sa nag-uusap.


    [illustration: a boy pointing toward a house]


    Ang mga bintana ng bahay ay bago.
    Ang mga bintana niyon ay bago.


Pagyamanin

Gawain1

Salungguhitan ang angkop na panghalip na pamatlig sa loob ng panaklong upang makabuo ng wastong pangungusap.

  1. May nakita si Roy na kalapati sa bubong. Nasaan kaya ang bahay (nito, niyan, niyon)?
  2. Ito ang bisiklita ni David. May butas daw ang gulong (nito,niyan, niyon).
  3. Kanina ka pa riyan sa sasakyan. Ano ba ang sira ng makina (nito, niyan, niyon)?
  4. Paborito ko itong kainin. Pabili ako (nito, niyan, niyon).
  5. Nakita mo ba ang kapares (nitong, niyang, niyong) sapatos ko?
Gawain2

Basahin ang mga pangungusap. Isulat kung Tama o Mali ang gamit ng panghalip na pamatlig.

____ 1. Ikaw ba ang may-ari niyang bola na hawak mo?

____ 2. May inihain akong pansit sa kusina. Gusto mo bang kumain nito?

____ 3. Tinitingnan ni Bb. Imee ang mga larawan sa paskilan. “Sino ang gumawa nito?”, tanong niya kay Myrna.

____ 4. Luma na ang laruan kong iyon. Ang mga parte niyon ay sira-sira na.

____ 5. Manonood ba kayo ng sine sa Sabado? Oo, manonood kami nito.

Isaisip

Tandaan na ang pagkakaiba ng mga panghalip na pamatlig na nito, niyan, at niyon ay ang kalayuan ng tinutukoy na pangngalan sa taong nagsasalita at sa taong kinakausap.

Panghalip na PamatligKinaroroonan ng Pangngalan
nito
niyan
niyon
malapit sa nagsasalita
malapit sa kinakausap
malayo sa nag-uusap

Isagawa

Bilugan ang panghalip na pamatlig na ginamit sa usapan.

Hawak ni Ginoong Santos ang mga bahagi ng nabasag na bintana. “Sino ang nakabasag nito?”, tanong ni Ginoong Santos sa mga mag-aaral. “Hindi po kami ang nakabasag niyan,” sagot ni Markus.

Tinitingnan ni Bb. Marcelino ang isang larawan sa eksibit. “Napakaganda ng larawan! Sino ang gumawa nito?” tanong ni Bb. Marcelino.

“Si Teresa po ang gumawa niyan. Magaling po siya gumuhit,” sagot ni Corinna.

Tayahin

Piliin at bilugan ang tamang panghalip na pamatlig para sa larawan.

  1. [illustration: a girl holding a bottle]

    • nito
    • niyan
    • niyon
  2. [illustration: a boy pointing at a star-shaped kite in the sky]

    • nito
    • niyan
    • niyon
  3. [illustration: a woman handing an object to a girl]

    • nito
    • niyan
    • niyon
  4. [illustration: a man pointing at a child who holds an object]

    • nito
    • niyan
    • niyon
  5. [illustration: a boy holding up an object in one hand]

    • nito
    • niyan
    • niyon

Karagdagang Gawain

Palitan ng tamang panghalip na pamatlig ang mga salitang may salungguhit. Gamitin ang nito, niyan, niyon.

  1. [illustration: a man drinking from a bottle]


    Uminom ako ng tubig.
    Uminom ako _______.


  2. [illustration: two people with a shoe]


    Gumagawa kami ng sapatos
    Gumagawa kami _______.


  3. [illustration: two people with a house in the background and a sign that reads “store”]


    Nagbebenta sila ng pamaypay.
    Nagbebenta sila ________.


  4. [illustration: three children looking at a cake]


    Kakain kami ng keyk.
    Kakain kami ________.


  5. [illustration: two children standing together]


    Bumili siya ng pagkain.
    Bumili siya ________.


Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: the answer-key tables on this page are printed rotated 180 degrees. The section labels and answers below follow the printed headings and cell order as read from the page.]

Aralin 1

Subukin

Maricel: Arlyn, mayroon ka rin bang kopya ng awit para sa ensayo natin nito, mamaya para sa darating na patimpalak?

Arlyn: Naku, wala pa nga. Sige pahiram niyan. Salamat.

Maricel: Walang anuman.

Balikan
  1. d
  2. e
  3. b
  4. a
  5. c
Tuklasin
  1. nitong
  2. niyan
  3. nito
  4. niyon
Pagyamanin
Gawain 1
  1. niyon
  2. nito
  3. niyan
  4. nito
  5. nitong
Gawain 2
  1. tama
  2. mali
  3. tama
  4. tama
  5. mali
Tayahin
  1. nito
  2. niyan
  3. niyan
  4. niyan
  5. nito
Isagawa
  1. nito
  2. niyo
  3. niyan
  4. niyan
  5. nito

[transcriber’s note: a stray letter “n” printed before item 1 in this cell is not transcribed as part of the answer]

Karagdagang Gawain
  1. nito
  2. niyan
  3. niyon
  4. niyan
  5. niyan

Aralin 2

Subukin
  1. Ito
  2. Iyan
  3. Iyon
  4. Iyan
  5. Ito
Balikan
  1. iyan
  2. Iyon
  3. Ito
  4. Iyang
  5. Iyon
Tuklasin
  1. a
  2. a
  3. c
  4. c
  5. d
Pagyamanin
  1. Iyan
  2. Ito
  3. Iyon
  4. Iyon
  5. Iyan
Tayahin
  1. a
  2. b
  3. b
  4. a
  5. c
Isagawa

(Mga Posibleng Sagot)

  1. Ito ang paborito kong laruan.
  2. Iyan ang paborito kong prutas.
  3. Iyon ang paborito kong hayop.
  4. Iyon ang paborito kong laruan.
  5. Iyan ang paborito kong bagay.
Karagdagang Gawain

(Magkaiba ang sagot ng mga bata.)

Sanggunian

K to 12 Filipino Gabay Pangkurikulum sa Filipino. DepEd Complex, Meralco Ave. 1600 Pasig City Philippines.

K to 12 Most Essential Learning Competencies (MELC) for Filipino Grade 3. DepEd Complex, Meralco Ave. 1600 Pasig City Philippines.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district