Filipino 3 Quarter 1 Module 3: Pagsagot sa Tanong Tungkol sa Kuwento, Usapan, Balita, at Tula

Filipino 3 Quarter 1 Module 3 helps Grade 3 learners answer who, what, where, when, and why questions about stories, conversations, and poems.

This is the Filipino 3 self-learning module for Unang Markahan (Quarter 1), Modyul 3: “Pagsagot sa Tanong Tungkol sa Kuwento, Usapan, Balita, at Tula” (answering questions about stories, conversations, news, and poems). It was prepared by DepEd Region XI under the Alternative Delivery Mode for Grade 3 learners studying at home. After the module, learners should be able to answer questions about a story, conversation, news report, or poem they have read.

On this page 6 sections

What learners will learn

The module states one learning goal. The learner is expected to:

  • answer questions about a story, conversation, news report, and poem they have read (nasasagot ang mga tanong tungkol sa kuwento, usapan, balita at tulang binasa), under competencies F3PB-Ib-3.1, F3PN-IIc-3.1.1, F3PB-I-d-3.1, and F3PN-Iva 3.1.3.

Key idea: understand first, then use the question words

The module’s main message is in the Isaisip (what to remember) part. Learners can answer questions about a story or conversation once they understand what happened in it. Questions become easy when you know what each question word asks for:

Question wordEnglishWhat it asks for
AnoWhatthe thing, title, or event
SinoWhothe person or character
SaanWherethe place
KailanWhenthe time or day
BakitWhythe reason

Some activities also ask “Paano” (how), for example how a learner can help during a barangay celebration. Many items end with a “Sa iyong palagay” (in your opinion) question, where learners give their own view based on the text.

Texts and activities in this module

The module has one lesson, Aralin 1, and uses short texts written by the module’s authors. Each text is followed by five questions.

  • Subukin (pretest): “Ang Piknik sa Energy Park,” a story about the Mercado family, who go to church every Sunday and then picnic at the park. Learners answer where the story happens, when the family goes out, what “nagpipiknik” means, and why spending time with family matters.
  • Balikan (review): “Ang Saranggola,” about Isko, who flies his kite on a hill one Saturday with his friends. Learners match each question to its answer, such as Sino (Isko), Kailan (araw ng Sabado), and Saan (sa burol).
  • Tuklasin (discover): “Gintong Paalala,” a conversation in which Boboy’s parents remind him that hard work and patience in studying are the key to reaching his dreams.
  • Pagyamanin (practice): questions about caring for the environment, such as where the trash is scattered and why we should protect our surroundings for the next generation.
  • Isagawa (apply): “Araw ng Barangay,” a story about how everyone helps prepare for the barangay celebration, ending with why working together matters.
  • Tayahin (assessment): “Pamilyang Nagkakaisa,” a conversation in which Emily is reminded to water the plants and her sister Jona offers to help. Learners write their answers on the blank.
  • Karagdagang Gawain (extra activity): the poem “Pagtitipid” (saving money), which teaches buying only what is important and saving for the right time.

How to use this module

  • Start with the pretest. The Subukin shows what the learner already knows and whether extra help from a parent or teacher is needed.
  • Follow the parts in order: Alamin, Subukin, Balikan, Tuklasin, Pagyamanin, Isaisip, Isagawa, Tayahin, then Karagdagang Gawain.
  • Use separate paper. The module asks learners not to write on or mark any part of it, so other learners can use it later.
  • Check answers honestly. A Susi sa Pagwawasto (answer key) is included at the end. For Tayahin items 4 and 5, any reasonable answer from the learner is accepted.

For learners: Read each text carefully, then find the question word in each question before you answer. Contact your teacher right away if a part is hard to understand.

For parents: Help your child read the texts aloud and ask the same who, what, where, when, and why questions in your own words.

For teachers: The module comes with a teacher’s or facilitator’s guide that has reminders and strategies for those guiding learners at home.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this module for?

It is for Grade 3 Filipino, Unang Markahan (Quarter 1), Modyul 3.

What will learners be able to do after this module?

They should be able to answer questions about a story, conversation, news report, or poem they have read, using question words such as ano, sino, saan, kailan, and bakit.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the activities. For Tayahin items 4 and 5, the learner’s own reasonable answer is accepted.

Can learners write their answers on the module?

No. The module asks learners to use a separate sheet of paper so that the module can be used again by others.

What texts are used in the module?

It uses short stories, conversations, and a poem, including Ang Piknik sa Energy Park, Ang Saranggola, Gintong Paalala, Araw ng Barangay, Pamilyang Nagkakaisa, and the poem Pagtitipid.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Filipino Unang Markahan – Modyul 3: Pagsagot sa Tanong Tungkol sa Kuwento, Usapan, Balita, at Tula

[photo: illustration of children studying outdoors and indoors with a teacher, a globe, and a lamp]

CO_Q1_Filipino 3_ Module 3

Copyright and Credits

Filipino – Ikatlong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Pagsagot sa Tanong tungkol sa Kuwento, Usapan, Balita, at Tula Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Airene S. Hinay, Girlie R. Banico, Jaycel D. Suganob

Editor: Cristy S. Agudera, Lorna C. Ragos

Tagasuri: Glofer Jane T. Urbano, Alemer O. Veloso, Jessa Y. Torres

Tagawasto: Rhenan H. Nisperos

Tagaguhit at Tagalapat: Precious Jean Enriquez, Maria Liza Juanir at Jecson L. Oafallas

Tagapamahala:

Allan G. FarnazoJosephine L. Fadul
Mary Jeanne B. AldeguerChristine C. Bagacay
Analiza C. AlmazanLorna C. Ragos
Ma. Cielo D. EstradaCristy S. Agudera
Mary Jane M. MejoradaAlma D. Mercado

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region XI Office Address: F. Torres St., Davao City Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147 E-mail Address: region11@deped.gov.ph * lrms.regionxi@deped.gov.ph

Filipino

Unang Markahan – Modyul 3: Pagsagot sa Tanong Tungkol sa Kuwento, Usapan, Balita, at Tula

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Kumusta ka na?

Binabati kita sa pagtatagumpay mo sa naunang gawain!

Sa modyul na ito, mapag-aalaman mong sagutin ang mga tanong tungkol sa kuwento at usapan.

May mga gawain akong inihanda para sa iyo upang mahasa ang iyong kaalaman tungkol dito.

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

  • nasasagot ang mga tanong tungkol sa kuwento, usapan, balita at tulang binasa (F3PB-Ib-3.1, F3PN-IIc-3.1.1, F3PB-I-d-3.1, F3PN-Iva 3.1.3).

Subukin

Basahin ang maikling kuwento at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Bilugan ang letra ng iyong napiling sagot.

Ang Piknik sa Energy Park Isinulat ni: Cristy S. Agudera

[illustration: pencil icon beside the Subukin heading; target icon beside the Alamin heading]

Nagsisimba ang pamilya ni G. Rudy Mercado tuwing Linggo. Pagkatapos magsimba, nagpipiknik silang mag-anak sa Energy Park. Sama-sama silang kumakain sa parke sa inihandang pagkain ni Nanay Alma tulad ng adobong manok, sinigang na hipon na may gulay, inihaw na bangus at mga prutas. Nagdarasal muna sila bago kumain.

1

CO_Q1_Filipino 3_ Module 3

2

CO_Q1_Filipino 3_ Module 3

Matapos kumain ay nagpapalipad ng saranggola sina Jef at Jec sa malawak na parke. Si Kris naman ay aliw na aliw sa duyan. Abala naman ang kanilang nanay sa paghahanda ng meryenda nila. Masayang-masaya ang mag-anak.

[illustration: family at a park with a kite, a swing, and a woman with a box of food]

  1. Saan naganap ang kuwento?
    a. sa bahay b. sa parke c. sa palengke


  2. Kailan namamasyal ang mag-anak?
    a. Araw ng Lunes b. Araw ng Linggo c. Araw ng Sabado


  3. Batay sa pangungusap na may salungguhit sa kuwento, ano ang ibig sabihin ng nagpipiknik?
    a. kumakain sa parke
    b. sumasakay sa duyan
    c. nagpapalipad ng saranggola


  4. Sa iyong palagay, bakit namasyal ang mag-anak?
    a. dahil wala silang magawa sa bahay
    b. sapagkat marami silang perang panggastos
    c. upang maglaan ng oras at panahon sa pamilya


  5. Mahalaga bang maglaan ng panahon para sa pamilya?
    a. Hindi, dahil dagdag gastusin lang ito.
    b. Oo, upang malimutan ang isa’t isa.
    c. Oo, upang maging mas matibay ang pagsasamahan.


3

CO_Q1_Filipino 3_ Module 3

Aralin 1: Pagsagot sa Tanong tungkol sa Kuwento, Usapan, Balita at Tula

Balikan

Basahin ang maikling kuwento.

Ang Saranggola Isinulat ni: Airene S. Hinay

Araw ng Sabado noon at maagang nagising si Isko dahil gusto niyang maglaro kasama ang kaniyang mga kaibigan. Napansin ni Isko na malakas ang hangin sa labas kaya naisipan niyang magpalipad ng saranggola. Tinawag niya ang kaniyang mga kaibigan at dali-daling nagpunta sa burol.

Masayang nagpalipad ng saranggola si Isko at kaniyang mga kaibigan ng biglang sumabit sa puno ang saranggola ni Isko. Sa tulong ng mga kaibigan, inakyat nila ang puno at kinuha ang saranggola ni Isko. Masaya si Isko dahil bukod sa nakapagpalipad siya ng saranggola, nakatagpo rin siya nang mabubuting kaibigan.

Pagtambalin ang mga tanong sa Hanay A sa wastong sagot nito na nasa Hanay B.

AB
1. Sino ang bata sa kuwento?a. Isko
2. Kailan pumunta sa burol si Isko?b. sa burol
3. Bakit maagang gumising si Isko?c. araw ng Sabado
4. Ano ang gagawin ni Isko sa burol?d. dahil eksayted siyang maglaro
5. Saan pumunta sina Isko at kaniyang kaibigan?e. magpalipad ng saranggola

[illustration: puzzle-piece icon beside the Balikan heading]

4

CO_Q1_Filipino 3_ Module 3

Tuklasin

Basahin ang usapan.

Gintong Paalala Isinulat ni Airene S. Hinay

Hapon ng alas-tres noon nang nagkuwentuhan ang maganak sa sala habang nanonood ng palabas sa telebisyon.

Nanay: O ikaw anak, dapat gayahin mo ang pag-uugali ng bida sa palabas. Masipag mag-aral upang makamit mo ang mga pangarap mo sa buhay.

Tatay: Oo nga anak. Lagi kang mag-aral ng mga leksiyon mo sa klase upang makakuha ka ng mataas na marka. Ang sipag at tiyaga sa pag-aaral ang magiging susi mo sa pagkamit ng iyong mga pangarap.

Boboy: Opo ‘nay at ‘tay. Tatandaan ko po ang inyong mga paalala. Mag-aaral po ako nang mabuti para sa inyo at para sa mga pangarap ko.

[illustration: seedling icon beside the Tuklasin heading]

  1. Saan nagkalat ang mga basura?
    a. karagatan
    b. kapaligiran
    c. kabahayan


  2. Sa iyong palagay, kailan dapat pangalagaan ang kapaligiran?
    a. bawat oras
    b. tuwing hapon
    c. tuwing umaga


  3. Bakit mahalagang pangalagaan ang kapaligiran?
    a. dahil ito ay tirahan lamang ng mga hayop.
    b. upang maging madumi ang hangin at madaming tao ang magkasakit.
    c. para may masilayan at mapakinabangan pa ang susunod na henerasyon.


Isaisip

Punan mo ng angkop na salita ang bawat patlang upang mabuo ang ipinapahayag nitong diwa.

Masasagot ang mga tanong sa kuwento at usapan kapag naintindihan ang mga pangyayari nito. Ang mga tanong ay madaling masasagot kung alam mo ang tinutukoy ng bawat salitang pananong tulad ng; (1) _____, (2) _____, (3) _____, (4) _____, at (5) _____.

Isagawa

Basahin mo ang kuwento sa ibaba at sagutin ang mga tanong. Bilugan ang letra ng iyong sagot.

Araw ng Barangay
Isinulat ni: Airene S. Hinay

Bata at matanda ay may kani-kaniyang gawain sa pagdiriwang ng Araw ng Barangay. Lahat ay abala sa kanilang mga gawain. Ang mga kababaihan ang nag-aayos ng mga palamuting bulaklak sa entablado para sa gagawing programa. Ang mga kalalakihan naman ang nakatoka sa pagkabit ng mga banderitas.

Abala ang mga kabataan sa pag-eensayo ng sayaw para sa paligsahan, Kami naman ay tumutulong sa paglilinis ng aming mga tahanan.

[illustration: children decorating a barangay stage with flowers and banderitas, and cleaning near a house]

  1. Tungkol saan ang kuwento?
    a. Araw ng Bayan
    b. Araw ng Barangay
    c. Araw ng Lalawigan


  2. Sino ang nag-ayos ng mga bulaklak sa entablado?
    a. kabataan b. kalalakihan c. kababaihan


  3. Saan naganap ang kuwento?
    a. sa bayan b. sa paaralan c. sa barangay


  4. Paano ka makatutulong sa pagdiriwang ng Araw ng Barangay?
    a. maghihintay na tawagin
    b. maglilinis ng paligid nang hindi inuutusan
    c. magpapabayad sa pagsasabit ng banderitas at palamuti


  5. Bakit mahalagang magtulungan sa bawat gawain?
    a. upang madaling matapos ang mga gawain
    b. para maabutan pa ng bukas ang mga gawain
    c. upang maging magulo ang paggawa ng mga gawain


Tayahin

Basahin ang kuwento at sagutin mo ang mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

Pamilyang Nagkakaisa
Isinulat ni: Airene S. Hinay

Pagkatapos maghapunan, pinaaalahanan ng nanay si Emily sa kaniyang gawaing bahay kinabukasan.

Nanay: Emily anak, huwag niyong kalilimutan ang iyong gawaing bahay bukas ha? Ikaw ang nakatoka sa pagdidilig ng halaman sa hardin.

Emily: Opo ‘nay. Gigising po ako ng maaga bukas para madali po akong matapos.

Jona: Nanay, maaari po bang tulungan ko si Ate Emily sa pagdidilig ng halaman?

Nanay: Oo naman anak, maganda iyang naisip mo. Dahil sa pagtutulungan madaling matatapos ang mga gawain.

[transcriber’s note: the questions for this story are not printed on this page]

[transcriber’s note: no section heading is printed on this page]

  1. Ano ang pamagat ng usapan?



  2. Sino ang inatasan ng nanay na magdilig ng halaman sa hardin?



  3. Kailan nag-usap ang mag-anak?



  4. Sa iyong palagay, bakit kaya nais tumulong ni Jona sa kaniyang Ate Emily?



  5. Mahalaga bang tumulong sa mga gawaing bahay? Bakit?



Karagdagang Gawain

Basahin ang tula at sagutin mo ang mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

Pagtitipid
Isinulat ni: Jaycel D. Suganob

Sa panahon natin ngayon
Huwag bumili rito, bumili roon
Bagay na mahalaga, dapat bilhin
Pag-aaksaya ay hindi makabubuti sa atin.

Pagtitipid ating laging ugaliin
Paggasta nang mabuti dapat isipin
Dapat tayong matutong mag-ipon
Nang may madukot sa tamang panahon.

  1. Ano ang pamagat ng tula?



  2. Sino ang dapat matutong mag-ipon?



  3. Saan dapat gastusin ang pera sa panahon natin ngayon?



  4. Kailan dapat gastusin ang mga naipong pera?



  5. Bakit importante na tayo ay maging matipid?



Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: the answer boxes on this page are printed rotated 180 degrees; they are transcribed below in their section order]

Balikan
  1. a. Isko
  2. c. Araw ng Sabado
  3. c. Dahil eksayted siyang maglaro
  4. e. Magpalipad ng saranggola
  5. b. Sa burol
Tuklasin
  1. b. nagkukuwentuhan
  2. c. Boboy
  3. a. sa sala
  4. b. Dahil gusto nilang magtagumpay sa buhay si Boboy
  5. c. Oo, dahil mas maganda ang uri ng trabaho pag may pinag-aralan ka.
Pagyamanin
  1. a. Tagubilin
  2. c. bata at matatanda
  3. b. kapaligiran
  4. a. bawat oras
  5. c. para may masilayan at mapakinabangan pa ang susunod na henerasyon
Pagyamanin
  1. a. Tagubilin
  2. c. bata at matatanda
  3. b. kapaligiran
  4. a. bawat oras
  5. c. para may masilayan at mapakinabangan pa ang susunod na henerasyon
Isaisip
  1. ano
  2. Sino
  3. Saan
  4. Kailan
  5. Bakit
Isagawa
  1. b. Araw ng Barangay
  2. c. kababaihan
  3. c. sa barangay
  4. a. naglilinis ng paligid
  5. a. upang madaling matapos ang mga gawain
Tayahin
  1. Pamilyang Nagkakaisa
  2. si Emily
  3. pagkatapos maghapunan
    4-5. Tanggapin ang sagot ng mag-aaral para sa bilang na ito.
Karagdagang Gawain
  1. Pagtitipid
  2. lahat ng tao
  3. sa mga mahalagang bagay
  4. sa tamang panahon upang may magamit sa panahon ng kagipitan

Sanggunian

Cardinoza, Florenda, Jeny-Lyn Trapane, Alde Amaflor, Agnes G. Roller, Josenette Brana, Ronald Ramilo, Louiegrace Magallo, Mercelita Salazar, Aireen Ambat, Lea Agustin, Natasha Rae Natividad, Cynthia Reyroso, Dolorosa Castro, Modesta Jaurigue.Batang Pinoy Ako Patnubay ng Guro 3. Pasig: Rex Bookstore, 2015.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district