This is the Araling Panlipunan 3 self-learning module for Quarter 1 (Unang Markahan), Module 7: “Mga Lugar na Sensitibo sa Panganib Batay sa Lokasyon at Topograpiya” (places at risk of hazards based on location and topography). It was prepared by DepEd Region XI (Davao Region) for Grade 3 learners studying at home. After working through it, learners can name places that are prone to typhoons, floods, landslides, and earthquakes, and know how to prepare for these disasters in their own province and region.
The module opens with two questions for learners: Has a disaster ever happened in your province? Which disaster can you never forget, and why? It reminds learners that the Philippines lies in the path of typhoons, has earthquakes that no one can predict, and has very hot summers and heavy rains that cause floods.
On this page 5 sections
What learners will learn
The module states that learners are expected to:
- identify places that are sensitive to hazards based on their location and topography (AP3LAR-Ig-h-11);
- carry out steps to prepare for possible disasters in their own province and region; and
- value being ready for the hazards that a location can bring.
Key ideas in the module
Topography and hazard maps
The module defines topograpiya (topography) as the overall physical features of a province: the form, layout, flow, and shape of its landforms and bodies of water. Knowing a place’s topography helps people find out which areas are dangerous and prepare for disasters.
A hazard map shows which areas are affected by natural hazards such as earthquakes, floods, landslides, and volcanic eruptions. The module explains that the National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), which carries out Republic Act 10121 of 2010, studies hazard maps to see which places are at risk. Learners are asked to look at the Flood Hazard Map and the Landslide Prone Area Map of their town.
Hazards based on location
- Coastal areas: Because the country is surrounded by large bodies of water, places near the shore face a high risk of tsunamis and tidal waves. People living there need to evacuate to a safe place when warned.
- Mountain areas: People living near mountains should evacuate during heavy rain to avoid landslides (pagguho ng lupa).
- Typhoons: The path and strength of typhoons change. They are most dangerous for places near the sea and on high ground.
- Earthquakes: The whole country sits on the Pacific Ring of Fire, which has many active volcanoes. This is why earthquakes are common. Places near a fault line feel stronger earthquakes. No one can tell when an earthquake will happen, so people must always be prepared.
A real example: Typhoon Pablo
The module uses Bagyong Pablo (Typhoon Pablo), which struck on December 4, 2012. It was one of the strongest typhoons in history. The worst-hit towns were Baganga, Caraga, and Cateel in Davao Oriental, and Monkayo and New Bataan in Davao de Oro. The module points out that people helped each other evacuate and gave donations. It also notes that deforestation, a harmful human activity, is one of the causes of disasters.
Maps of the Davao Region
Learners study three maps: one showing provinces of the Davao Region affected by earthquakes (high, medium, and low levels), one showing towns affected by flooding, and one map of the Philippines showing how many typhoons different parts of the country get in a year. They answer questions about which places face higher or lower risk and what steps to take, such as going to an evacuation center when a typhoon is coming and supporting the plans of the local government.
Key message
The Isaisip (remember) part sums up the lesson: calamities, hazards, and disasters cause great damage to the environment, property, health, and people in the community. Using different kinds of maps helps identify places at risk based on location and topography.
How to use this module
The module follows the usual self-learning module parts:
- Subukin (pretest): five multiple-choice questions to check what the learner already knows.
- Balikan (review): five questions about places in the Davao Region from the previous lesson.
- Tuklasin (discover): the reading on topography, Typhoon Pablo, and hazards, with map questions.
- Suriin and Pagyamanin (analyze and enrich): true-or-false (Tama o Mali) statements about hazards and maps.
- Isaisip (remember): the key ideas of the lesson.
- Isagawa (apply): questions about the typhoon map of the Philippines.
- Tayahin (assess): mark each statement with a check (/) if correct or an ex (x) if not.
- Karagdagang Gawain (additional activities): in Gawain A, learners ask their parents or older siblings what to do before, during, and after a typhoon. In Gawain B, they cut out pictures of disasters such as typhoons, earthquakes, landslides, and floods, and write under each how to avoid harm and why preparing matters.
An answer key (Susi sa Pagwawasto) is included at the end.
- Learners: Do not write on the module. Write all answers on a separate sheet of paper, and contact your teacher if a lesson is hard to understand.
- Parents and guardians: Help your child with Gawain A by talking about what your family does before, during, and after a typhoon. Encourage honest use of the answer key.
- Teachers: The teacher’s notes ask you to explain each set of directions and to collect all answer sheets and projects for grading.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is for Grade 3 Araling Panlipunan, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 7. It was prepared by DepEd Region XI.
What competency does this module cover?
It covers AP3LAR-Ig-h-11: identifying places that are sensitive to hazards based on their location and topography.
What does topograpiya mean in this module?
Topograpiya (topography) means the overall physical features of a province, including the form, layout, flow, and shape of its landforms and bodies of water.
Which hazards does the module discuss?
It discusses typhoons, floods, landslides, earthquakes, tsunamis, and tidal waves, and uses Typhoon Pablo in the Davao Region as an example.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, review, map activity, true-or-false exercise, assessment, and application activity.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Araling Panlipunan – Unang Markahan – Modyul 7: Mga Lugar na Sensitibo sa Panganib Batay sa Lokasyon at Topograpiya
3
Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 7: Mga Lugar na Sensitibo sa Panganib Batay sa Lokasyon at Topograpiya
[illustration: children studying outdoors and indoors, with a globe, a lamp, and a boy writing on paper]
PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI
CO_Q1_AP 3_ Module 7
Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 7: Mga Lugar na Sensitibo sa Panganib Batay sa Lokasyon at Topograpiya Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng _____
Department of Education – Region XI Office Address: F. Torres St., Davao City
Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147 E-mail Address: region11@deped.gov.ph * lrms.regionxi@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Zenith G. Ilandag
Editor: Adelma D. Cudera, Kimberly E. Dueñas, Pamela L. Edisane,
Tagasuri: Zimrose R. Pedrera, Rosemarie T. Realino, Angelica M. Mendoza, Guillesar P. Villarente, Archie Año, Jeneth D. Tabungar
Tagaguhit: Cris A. Aquino, Aiza Lou A. Bernaldez, Cherie Mae A. Caduyac Eduardo, Jr. A. Eroy, Jules Bernard G. Guinita, Marvin P. Linogao, Edieson John C. Mag-aso, Sharon C. Marimon, Ryan R. Padillos, Nylle Ernand D. Silayan
Tagalapat: Alpha Amor G. Manglicmot, Patrick John P. Peresores
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, Nelson C. Lopez, Mary Jeanne B. Aldeguer, Cheerylyn A. Cometa, Analiza C. Almazan, Christopher P. Felipe, Danilo R. Dohinog, Leonora Liza D. Dacillo, Ma. Cielo D. Estrada, Alicia I. Ayuste
3
Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 7: Mga Lugar na Sensitibo sa Panganib Batay sa Lokasyon at Topograpiya
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
[illustration: target icon]
Speech bubble (left): “May kalamidad na bang nangyari sa iyong lalawigan?”
Speech bubble (right): “Anong kalamidad ang hindi mo malilimutan? Bakit?”
[illustration: a girl pointing and a boy gesturing, talking to each other]
May mga panganib na naidudulot ang iyong kapaligiran. Mahalagang malaman kung ano ang mga panganib na ito upang mapaghandaan at maiwasan ang anomang sakuna na maaaring maidulot nito. Bilang isang bansa na nasa daanan ng bagyo, nakararanas tayo ng maraming bagyo sa buong taon. Nakararanas ka rin ng mga pagyanig sa lupa. Hindi mo mahuhulaan kung kailan at saan ito mangyayari. Kung tag-init, ikaw ay nakararanas ng matinding init ng panahon o kung tag-ulan naman, sobrang lakas ng ulan na nagdudulot ng matinding pagbaha.
Sa araling na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
- natutukoy ang mga lugar na sensitibo sa panganib batay sa lokasyon at topograpiya nito (AP3LAR- Ig-h-11);
- nagagawa ang mga hakbang bilang paghahanda sa mga posibleng sakuna sa sariling lalawigan at rehiyon; at
- napahahalagahan ang pagiging handa sa mga panganib na maidudulot ng lokasyon.
1 CO_Q1_AP 3_ Module 7
Subukin
[illustration: pencil icon]
Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
Ang mga nakatira sa mga matataas na lugar ay mapanganib sa _____.
- A. baha
- B. tsunami
- C. pagguho ng lupa
- D. pagsabog ng bulkan
Anong lugar ang may pinakamalaking antas ng paglindol?
- A. malayo sa fault line
- B. malapit sa fault line
- C. eksakto ang layo sa fault line
- D. masyadong malayo sa fault line
Binigyang babala ang mga nakatira sa dagat kung magkaka-tsunami o tumaas ang tubig dagat, anong dapat gawin?
- A. makikinig ng balita sa radyo
- B. maglalaro sa labas ng bahay
- C. magtatampisaw sa tubig-ulan
- D. manonood ng palabas sa telebisyon
Anong panganib ang maidudulot ng malakas na ulan?
- A. baha
- B. lindol
- C. sunog
- D. Tsunami
Nakatira ang pamilya ni Mang Estong malapit sa bundok. Malakas na ang agos ng tubig mula sa bundok. Sila ay _____
- A. maglaro sa ulan
- B. lumikas na kaagad
- C. manatili na lamang sa bahay
- D. maglaro ng putik mula sa bundok
2 CO_Q1_AP 3_ Module 7
Aralin 1: Mga Lugar na Sensitibo sa Panganib Batay sa Lokasyon at Topograpiya
Ang National Disaster Risk Reduction & Management Council (NDRRMC) ay ang ahensiyang may kaugnayan sa mga sangay ng gobyerno, mga pampublikong grupo at pribadong organisasyon sa Pilipinas na itinataguyod ang Republic Act 10121 of 2010. Inaatasan ang institusyong ito na siguraduhin ang proteksiyon at kabutihang panlahat ng mga mamamayan ng bansa lalo na sa mga kalamidad tulad ng bagyo, baha, lindol, tsunami at iba pang mga sakuna.
Ang NDRRMC ay ang sumusuri ng mga hazard map kung aling lugar ang sensitibo sa panganib. Mahalagang malaman kung ano ang mga panganib upang ito ay mapaghandaan at maiwasan ang anomang sakuna na maaaring dumating.
Ang mga panganib batay sa lokasyon at topograpiya ay mahalagang malaman upang mapaghandaan at maiwasan ang mga maidudulot nito gamit ang iba’t ibang uri ng mapa. Sa mga mapang ito, makikita ang posibilidad ng pagkakaroon ng sakuna sa iba’t ibang lugar.
3 CO_Q1_AP 3_ Module 7
Balikan
[illustration: puzzle-piece icon]
Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
Anong anyo ng tubig ang higit na nakatutulong sa turismo ng Island Garden City of Samal?
- A. ilog
- B. talon
- C. dagat
- D. karagatan
Alin sa sumusunod ang madadaanan papuntang Davao Oriental magmula Davao del Norte?
- A. paanan ng Mt. Apo
- B. mahabang ilog ng Davao
- C. kapatagan ng Banaybanay
- D. bulubunduking bahagi ng Davao Occidental
Ano ang kadalasang hanapbuhay ng mga taong nakatira sa paanan ng Mt. Apo?
- A. pananahi
- B. pagtatanim
- C. pangingisda
- D. pangangalakal
Anong panganib ang posibleng haharapin ng mga taong nakatira sa Little Boracay Beach ng Davao Occidental?
- A. pagtaas ng tubig
- B. pagguho ng mga gusali
- C. pagkapal ng puting usok
- D. pagdaloy ng mga kumukulong putik
4 CO_Q1_AP 3_ Module 7
- Ano kaya ang maaaring gawin para mailayo sa kapahamakan ang mga nakatira sa bulubunduking bahagi ng Davao de Oro?
A. turuan ang mga tao ng wikang banyaga
B. mahalin ang mga bata ng bawat pamilya
C. taniman ang paligid ng mga punongkahoy
D. ayusin nang maigi ang mga palamuti sa bahay
Mga Tala para sa Guro
Basahin at ipaunawa nang mabuti ang mga panuto sa bawat hakbang at gawain. Ipaalala sa mag-aaral na gumamit ng hiwalay na papel sa pagsulat ng kanilang mga sagot sa mga gawain. Lahat ng sagutang papel at mga proyektong nagawa ay ipapasa sa guro upang mabigyan ng nararapat na marka.
Tuklasin
Ang topograpiya ay tumutukoy sa kabuoang pisikal na katangian ng isang lalawigan. Inilalarawan nito ang porma, ayos, daloy at hugis ng anyong lupa o anyong tubig na makikita sa isang lalawigan. Sa pag-aaral na ito, madaling malaman ang mga panganib na lugar at mapaghahandaan ng mga tao ang posibleng maidudulot nitong sakuna.
[photo: satellite image of a tropical cyclone over the Philippines, labeled “DOST PAGASA MTSAT IR1 20:30 UTC 03/12/2012”]
http://bagyo.ph/wp-content/uploads/2012/12/tcsatellite.gif(Retrieved 05-08-2017)
[photo: road lined with fallen and damaged coconut trees, with a pickup truck and motorcycles on the road]
http://www.mindanews.com/wp-content/uploads/2012/12/12pablo3.jpg (Retrieved 05-08-2017)
Bagyong Pablo, Nanalanta sa Rehiyon XI
Disyembre 4, 2012 ay araw na hindi malilimutan kailanman ng mga naninirahan sa lalawigan ng Davao de Oro at Davao Oriental. Sa hindi inaasahang lawak ng pinsala sa buhay at mga ari-arian, ang mga naninirahan sa mga lalawigang ito ay lubos ang pighati matapos bagyuhin ng isa sa mga pinakamalalakas na bagyo sa kasaysayan, ang Bagyong Pablo. Ang pinakamatinding nasalanta ng bagyo ay ang bayan ng Baganga, Caraga, Cateel sa Davao Oriental, Monkayo at New Bataan sa Davao de Oro.
Mapanganib ang dulot ng kalamidad at nangangailangan ng paghahanda upang maiwasan ang masamang dulot nito. Dahil napapaligiran ang ating bansa ng malalaking tubig, mataas ang posibilidad na magkaroon ng tsunami at tidal wave sa mga lugar na malapit sa baybayin. Kinakailangang lumikas ang mga naninirahan sa isang ligtas na lugar. Inaasahang rin ang paglikas ng mga taong naninirahan na malapit sa bundok sa panahon ng malakas na ulan upang maiwasan ang pagguho ng lupa. Ilan lamang ito sa mga paghahanda upang maiwasan ang mga masamang pinsalang hatid nito sa ating buhay at ari-arian.
Mga Panganib Batay sa Lokasyon at Topograpiya
Nagbabago ang daanan at lakas ng mga bagyo. Mapanganib ang bagyo lalong-lalo na sa mga lugar na malapit sa dagat at matataas na bahagi ng lupa. Dapat alamin ang lokasyon at topograpiya ng mga lugar sa ating rehiyon upang maiwasan ang panganib. Ang buong bansa ay nakatuntong sa na tinatawag na Pacific Ring of Fire, kaya maraming lugar ang may aktibong bulkan na pinagmulan ng paggalaw ng mga kontinente. Ang dulot nito ay ang karaniwang nararanasan nating lindol sa iba’t ibang lugar sa bansa. Bagaman hindi malalaman kung kailan magkakaroon ng lindol, nararapat pa rin nating maghanda para maiwasan ang malaking pinsala.
Gawain ng Tao at ang Panganib Batay sa Lokasyon at Topograpiya
Sa pananalanta ng bagyong Pablo, naipakita ng mga mamamayan ang pagtutulungan at pagdadamayan sa panahon ng kalamidad. Maraming mamamayan ang tumulong upang ilikas ang mga nasalantang kababayan. May mga nagbigay rin ng mga donasyon upang maiparating ang kanilang tulong at pagpapahalaga sa kapwa.
Gayunpaman, ayon sa National Disaster Coordinating Council (NDCC), maraming mamamayang naninirahan sa mga bayan ng Davao de Oro, Davao Oriental, at mga karatig bayan ang labis na naapektuhan ang kabuhayan dulot ng kalamidad. Batay sa pagsusuri, ang deforestation ay isa sa mga hindi tamang gawain ng mga tao na nakapagdudulot ng kalamidad.
Mahalagang malaman ang mga panganib na maaaring dulot ng pang-aabuso sa kapaligiran. Pansinin ang Flood Hazard Map at ang Landslide Prone Area Map sa iyong bayan. Sa mga mapang ito, makikita ang posibilidad ng pagkakaroon ng sakuna sa iba’t ibang lugar.
Saang lugar sa Davao Region ang hindi gaanong binabaha o kaya’y nagkakaroon ng landslide kapag malakas ang pagulan? Saan naman madalas nagkakaroon ng pagguho ng lupa tuwing tag-ulan? Ano ang mga impormasyon ang maaari pang makita sa mga mapang ito?
Bukod sa panganib ng bagyo, mapanganib din ang lindol. Sa palagay mo, ano ang mga lalawigan sa ating rehiyon na bahagi ng fault line na kadalasang nakakaranas ng mga paggalaw ng lupa.? Ano ang dapat gawin upang maiwasan ang sakuna tuwing may lindol?
A. Mga Lalawigan sa Davao Region na Apektado ng Lindol
[chart: map; A. Mga Lalawigan sa Davao Region na Apektado ng Lindol]
Labels printed on the map: DAVAO DE ORO; DAVAO DEL NORTE; DAVAO CITY; DAVAO ORIENTAL; DAVAO DEL SUR; DAVAO OCCIDENTAL.
Kahulugan ng Kulay
- HIGH
- MEDIUM
- LOW
B. Mga Lalawigan sa Davao Region na Apektado ng Pagbaha
[chart: map; B. Mga Lalawigan sa Davao Region na Apektado ng Pagbaha]
Labels printed on the map: Kapalong; Laak; Monkayo; Boston; Talisingod; San Isidro; Asuncion; Montevista; Compostela; Cateel; Santo Tomas; New Corella; Nabunturan; Baganga; Davao Oriental; Kapalong; Asuncion; New Bataan; Mawab; Braulio E. Dujali; Carmen; Panabo City; Davao City; Tagum City; Maco; Mabini; Maragusan; Pantukan; Island Garden City of Samal; Caraga; Manay; Tarragona.
Kahulugan ng Kulay
- Mababang antas
- Katamtamang antas
- Mataas na antas
http://www.ateneo.edu/sites/default/files/styles/full/public/LPA-Fig3.png July 7, 2017
Pag-aralan ang mapa sa iba’t ibang lalawigan ng Davao Region na apektado ng lindol at pagbaha. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
Alin sa sumusunod ang nakaranas ng mataas na antas ng paglindol?
A. Davao City
B. Davao Oriental
C. Davao del Norte
D. Davao OccidentalAnong lugar ang nakaranas ng katamtamang antas ng paglindol?
A. Davao City
B. Davao Oriental
C. Davao del Norte
D. Davao OccidentalAlin sa mga lugar na ito ang hindi nakararanas ng mababang antas ng paglindol?
A. Davao City
B. Davao de Oro
C. Davao del Sur
D. Davao del NorteAlin sa mga bayang ito ang nakaranas ng mataas na antas ng pagbaha?
A. Laak
B. Mabini
C. Manay
D. CaragaAnong lugar ang nakaranas ng mababang antas ng pagbaha?
A. Boston
B. Cateel
C. Mabini
D. Banganga
Suriin
Mahalagang malaman kung ano ang mga panganib na naidudulot ng kapaligiran. Kailangang mapaghandaan at maiwasan ang anomang sakunang maaaring maidulot nito. Sa pagtukoy ng mga lugar sa bansa na sensitibo sa panganib ay gumagamit tayo ng iba’t ibang uri ng mapa.
Ang hazard map ay may mga palatandaan kung anong mga lugar ang apektado laban sa mga panganib.
Ginagamit ito sa pagtukoy sa mga likas na panganib gaya ng paglindol, pagbaha, pagguho ng mga lupa o landslide at maging sa pagsabog ng bulkan.
Isulat ang salitang TAMA kung ito ay nagpapakita ng wastong pahayag, MALI naman kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
- Mahalagang malaman ang mga panganib na lugar sa ating kapaligiran.
- Ang mga lugar na sensitibo sa panganib ay hindi dapat bigyang-halaga.
- Mababa ang antas ng pagguho sa lupa ng mga taong nakatira sa bundok.
- Gumagamit ng isang uri ng mapa upang matukoy ang mga panganib na lugar sa bansa.
- Manatiling laging handa sa anomang mga sakuna o kalamidad.
Pagyamanin
Isulat ang salitang TAMA kung ito ay nagpapakita ng wastong pahayag, MALI naman kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
- Mahalagang malaman ang mga panganib na lugar sa ating kapaligiran.
- Ang mga lugar na sensitibo sa panganib ay hindi dapat bigyang-halaga.
- Mababa ang antas ng pagguho sa lupa ng mga taong nakatira sa bundok.
- Gumagamit ng isang uri ng mapa upang matukoy ang mga panganib na lugar sa bansa.
- Manatiling laging handa sa anomang mga sakuna o kalamidad.
Ang kalamidad, mga panganib, at sakuna ay itinuturing na mga pangyayaring nagdudulot ng malaking pinsala sa kapaligiran, ari-arian, kalusugan, at ng mga tao sa pamayanan.
Ang paggamit ng iba’t ibang uri ng mapa ay nakatutulong sa pagtukoy ng mga lugar na sensitibo sa panganib batay sa lokasyon at topograpiya.
Masdan at pag-aralang mabuti ang mapa ng Pilipinas.
Isaisip
Ang kalamidad, mga panganib, at sakuna ay itinuturing na mga pangyayaring nagdudulot ng malaking pinsala sa kapaligiran, ari-arian, kalusugan, at ng mga tao sa pamayanan.
Ang paggamit ng iba’t ibang uri ng mapa ay nakatutulong sa pagtukoy ng mga lugar na sensitibo sa panganib batay sa lokasyon at topograpiya.
Isagawa
Masdan at pag-aralang mabuti ang mapa ng Pilipinas.
[chart: map of the Philippines shaded by number of typhoons; Pangkatang Dami ng Bagyo sa Iba’t ibang Bahagi ng Pilipinas sa Buong Taon]
Labels printed on the map: Luzon; Visayas; Mindanao; Davao Region.
Bilang ng Bagyo
- 3.7 bagyo
- 2.1 bagyo
- 6.9 bagyo
- 1.1 bagyo
- 0.6 bagyo
- 0 bagyo
Values are not labeled on the chart.
Saang bahagi ng Pilipinas ang may pinakamaraming bilang ng naranasang bagyo sa buong taon?
- A. Gitnang bahagi
- B. Hilagang bahagi
- C. Kanlurang bahagi
- D. Katimugang bahagi
Anong panganib ang ipinakikita ng mapa sa ating bansa?
- A. baha
- B. lindol
- C. bagyo
- D. pagguho ng lupa
Mula sa ipinakitang larawan, anong paghahanda ang gagawin mo?
- A. maglinis ng bakuran
- B. magtanim ng mga puno
- C. magsunog ng mga gulong
- D. mag-igib ng maraming tubig
Ano ang iyong gagawin kung paparating na ang bagyo sa iyong lalawigan?
- A. lilinisan nang maigi ang buong bahay
- B. lilikas at pupunta sa evacuation center
- C. tatalian ng lubid ang bintana ng bahay
- D. tatago sa loob ng kwarto ng buong araw
Ano ang iyong mga hakbang para sa iyong kinabilangang lalawigan mula sa ipinakitang mapa?
- A. iwasan ang paggamit ng teknolohiya
- B. pagyamanin ang ugnayang panlabas
- C. panatilihin ang mga nakagisnang gawain
- D. suportahan ang mga plano ng lokal na pamahalaan
Tayahin
Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Lagyan ng tsek (/) kung ito ay nagsasaad ng wastong pahayag, ekis (x) naman kung hindi sa sagutang papel.
_____1. Ang mga lugar na malapit sa baybayin ay mapanganib sa bagyo at tsunami.
_____2. Nalalaman ang panganib dulot ng baha gamit ang Flood Hazard Map.
_____3. Ang mga lugar na sensitibo sa panganib ay hindi dapat bigyang halaga.
_____4. May mataas na antas sa pagguho ng lupa ang mga nakatira sa bundok.
_____5. Ang lokasyon at topograpiya ng isang lugar ay may kaugnayan sa kalamidad na maaaring mangyari.
Karagdagang Gawain
Gawain A
Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba. Magtanong sa mga magulang o nakatatandang kapatid kung ano ang nararapat gawin sa sumusunod na sitwasyon.
- Paparating pa ang bagyo
- Sa panahon ng bagyo
- Pagkatapos ng bagyo
Gawain B
Gumupit ng mga larawan ng iba’t ibang kalamidad na naganap sa ating rehiyon at ibang rehiyon gaya ng bagyo, lindol, landslide at baha.
Sa ibaba ng bawat larawan, isulat kung paano maiiwasan ang naturang kalamidad. Isulat kung gaano kahalaga ang paghahanda sa mga paparating kalamidad.
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: the answer boxes are printed upside down on the page; the answers below are read from the rotated text]
Subukin
- C 1.
- B 2.
- A 3.
- A 4.
- B 5.
Tuklasin
- B 1.
- D 2.
- C 3.
- D 4.
- D 5.
Balikan
- C 1.
- C 2.
- B 3.
- A 4.
- C 5.
Pagyamanin
- Tama 1.
- Mali 2.
- Mali 3.
- Mali 4.
- Tama 5.
Tayahin
- D 1.
- B 2.
- C 3.
- C 4.
- B 5.
Isagawa
- A 1.
- C 2.
- B 3.
- B 4.
- D 5.
Sanggunian
Ateneo De Manila University. “Report on the Low Pressure Area Affecting Mindanao.” April 20,2020. www.ateneo.edu/publications
Caraan, Maria Carla M., Rolan B. Catapang, Rodel A. Castillo and Portia R. Soriano. Edukasyon sa Pagpapakatao 3 Kagamitan ng Mag-aaral Sinugbuanong Binisaya. Pasig City Philippines: Studio Graphics Corp., 2014.
Course Hero. “Kahalagahan ng Pagiging Handa.” April 21, 2020. www.coursehero.com
Official Gazette of the Republic of the Philippines. “Maghanda para sa mga Kalamidad Likha ng Kalikasan mga Impormasyon at Takbuhan ng Tulong mula sa Gobyerno.” April 20, 2020. www.officialgazette.gov.ph/publications.
Manalo, Thea Joy G., Charity A. Capunitan, Walter F. Galarosa, and Rodel C. Sampang, Araling Panlipunan 3 Kagamitan ng Mag-aaral Sinugbuanong Binisaya. Pasig City Philippines: Book Media Press, Inc., 2015.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply