This is the Araling Panlipunan 3 self-learning module for Quarter 1 (Unang Markahan), Module 4: “Katangiang Pisikal na Nagpapakilala ng Iba’t Ibang Lalawigan sa Rehiyon” (physical features that identify the different provinces in the region). It was prepared by DepEd Region XI for Grade 3 learners studying at home, and it uses the Davao Region as its example. After the module, learners should be able to describe, compare, and value the landforms and bodies of water that make each province in their region special.
On this page 7 sections
What learners will learn
The module says that, by the end of the lesson, learners are expected to:
- Analyze the different provinces in the region by their physical features and geographic identity, using the region’s topographic map (AP3LAR-Ie-7)
- Identify the importance of the landforms (anyong lupa) and bodies of water (anyong tubig) that identify the province and region
- Compare the physical features of the different provinces in the region
- Show appreciation for the physical features that identify the province and region
The Davao Region and its provinces
The module has one lesson, Aralin 1, with the same title as the module. It teaches that the region is blessed with many beautiful landforms and bodies of water. These give people resources for their livelihood, so everyone should take care of them for the good of all and for future generations.
According to the module, the Davao Region is in the southeastern part of Mindanao. Like other regions, it has wide plains, mountains, hills, valleys, seas, rivers, waterfalls, and other features. It is made up of five provinces:
- Davao de Oro
- Davao del Norte
- Davao del Sur
- Davao Occidental
- Davao Oriental
Famous places in each province
The module’s reading, activities, and answer key link these places to the provinces:
| Province | Places and features named in the module |
|---|---|
| Davao de Oro | Maragusan, the Summer Capital of the region; Malumagpak Falls, Maco Mainit Falls, Tagbibinta Falls, Awao Falls; Maco Mainit Sulfuric Hot Spring; mostly mountainous land |
| Davao del Norte | Vanishing Island; Samal Island, home of Davao Pearl Farm Resort |
| Davao del Sur | Mt. Apo (Bundok Apo); Passig Islet; a forest made into a natural park as a home for animals |
| Davao Occidental | Colagsing Haven Beach Resort |
| Davao Oriental | Aliwagwag Falls; Dahican Beach |
The module also connects these features to people’s lives:
- Mt. Apo helps protect the people of Davao del Sur from typhoons.
- Aliwagwag Falls helped tourism grow in Davao Oriental.
- Fishing and farming are main livelihoods in Davao Oriental and Davao del Norte because of their physical features.
- Tourists visit Samal because it has many beautiful beaches.
In the final activities, learners think about how to care for these places, for example by continuing to plant trees. They also think about what happens when people value them and what happens when people neglect them.
Parts of the module
- Alamin (learn): the purpose of the module and its objectives.
- Subukin (try): a pretest where learners write the province of five pictured places, such as Davao Pearl Farm Resort and Aliwagwag Falls.
- Balikan (look back): review questions on the previous lesson about population and religions in the Davao Region.
- Tuklasin (discover): a reading on the provinces and their famous landforms and waters.
- Suriin (examine): questions such as why Mt. Apo and Dahican Beach are famous.
- Pagyamanin (enrich): Gawain A (multiple choice) and Gawain B (true or correct the underlined word).
- Isaisip (keep in mind) and Isagawa (do): reflection questions on valuing landforms and bodies of water.
- Tayahin (assess): a five-item multiple-choice test.
- Karagdagang Gawain (additional activity): draw one landform and one body of water from your own place or province, and describe what makes it different from other places.
- Susi sa Pagwawasto: the answer key for Subukin, Pagyamanin, and Tayahin.
How to use this module
- Learners: Start with the pretest, then work through each part in order. Write all answers on a separate sheet of paper, and do not write on or mark the module so others can use it. Use the answer key honestly, only to check your work. Contact your teacher if you have trouble understanding the lesson.
- Parents and guardians: Read the instructions with your child and help them understand each step. The pretest shows whether your child needs extra help.
- Teachers: Remind learners to use separate answer sheets. The module says all answer sheets and projects, including the drawing in Karagdagang Gawain, are submitted to the teacher for grading.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is for Grade 3 Araling Panlipunan, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 4.
Which region does the module use as its example?
It uses the Davao Region in southeastern Mindanao and its five provinces: Davao de Oro, Davao del Norte, Davao del Sur, Davao Occidental, and Davao Oriental.
What competency does the module cover?
It covers AP3LAR-Ie-7: analyzing the provinces of the region by their physical features and geographic identity, using the region’s topographic map.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest (Subukin), the Pagyamanin activities, and the final test (Tayahin).
Where are Mt. Apo and Samal Island according to the module?
The module places Mt. Apo in Davao del Sur and Samal Island, where Davao Pearl Farm Resort is, in Davao del Norte.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 4: Katangiang Pisikal na Nagpapakilala ng Iba’t Ibang Lalawigan sa Rehiyon
[illustration: students reading and writing under a tree, a teacher with students at a desk, and a student holding a globe]
CO_Q1_AP 3_ Module 4
Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Katangiang Pisikal na Nagpapakilala ng Iba’t ibang Lalawigan sa Rehiyon Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brandname, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyulna ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Jean M. Salomon, Gina L. Ticong
Editor: Mailen D. Cabillan, Anita S. Tampos, Hannie P. Zamora
Tagasuri: Jesyl F. Avanceña, Edgardo D. Pamugas III, Rosemarie T. Realino, Guillesar P. Villarente, Jean Christi B. Rivera, Jeneth D. Tabungar
Tagaguhit: Cris A. Aquino, Aiza Lou A. Bernaldez, Cherie Mae A. Caduyac, Eduardo, Jr. A. Eroy, Jules Bernard G. Guinita, Marvin P. Linogao, Edieson John C. Mag-aso, Sharon C. Marimon, Ryan R. Padillos, Nylle Ernand D. Silayan
Tagalapat: Alpha Amor G. Manglicmot, Patrick John P. Peresores
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, Nelson C. Lopez, Mary Jeanne B. Aldeguer, Cheerylyn A. Cometa, Analiza C. Almazan, Christopher P. Felipe, Danilo R. Dohinog, Leonora Liza D. Dacillo, Ma. Cielo D. Estrada, Alicia I. Ayuste
Inilimbag sa Pilipinas ng________________________
Department of Education – Region XI Office Address: F. Torres St., Davao City Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147 E-mail Address: region11@deped.gov.ph * lrms.regionxi@deped.gov.ph
Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 4: Katangiang Pisikal na Nagpapakilala ng Iba’t Ibang Lalawigan sa Rehiyon
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Ang modyul na ito ay ginawa upang makilala ang sariling lalawigan upang maipakita ang pagpapahalaga nito. Mahalaga sa atin ito sapagkat dito tayo nabibilang at nakatira kasama ang ating pamilya at mga kaibigan. Nararapat na alamin natin kung ano ang natatangi sa lipunang ating ginagalawan maging sa karatig-pook nito upang lubos na maipakilala ito sa ibang tao. Halika at pag-aralan natin ang magagandang lugar sa ating lalawigan, ang mga anyong pisikal na makikita rito kasama ang mga tanyag na lugar na nagpapakilala sa pagiging katangi-tangi nito sa ibang lugar ng rehiyon.
Sa araling ito, inaasahang:
Nasusuri ang iba’t ibang lalawigan sa rehiyon ayon sa mga katangiang pisikal at pagkakakilanlang heograpikal nito gamit ang mapang topograpiya ng rehiyon (AP3LAR-Ie-7);
natutukoy ang mga kahalagahan ng mga anyong lupa o anyong tubig na nagpapakilala sa lalawigan at rehiyon;
naihahambing ang katangiang pisikal ng iba’t ibang lalawigan sa rehiyon; at
naipakikita ang pagpapahalaga sa mga katangiang pisikal na nagpapakilala ng lalawigan at rehiyon.
Subukin
Halina’t tayo’y maglakbay. Alam mo ba ang mga natatanging lugar sa iyong lalawigan at mga karatig nito? Isulat ang lalawigan na kinaroroonan ng mga nasa larawan sa sagutang papel.
[photo: beach resort with a multi-tiered thatched pavilion over the water, backed by forested hills] Photo Credits to: GD PONTILLAS Photo Credits to: Villa Salanio
- Davao Pearl Farm Resort
- Aliwagwag Falls
[photo: thatched-roof open pavilion on a sandy beach beside palm trees] [photo: waterfall cascading down rock into a pool, surrounded by forest] Photo Credits to: Ruth G. Conat Photo Credits to: Ed Flourence Jun T. Quiatchon
- Passig Islet
- Tagbibinta Falls
[photo: rocky coastline with a small cove and hills along the shore] Photo Credits to: Ingrid Sarmiento
- Colagsing Haven Beach Resort
Aralin 1
Katangiang Pisikal na Nagpapakilala sa Iba’t Ibang Lalawigan ng Rehiyon
Ang ating rehiyon ay biniyayaan ng maraming magagandang anyong lupa at anyong tubig. Marami tayong makukuhang yaman mula sa iba’t ibang anyong lupa at anyong tubig na binigay ng ating Panginoong Diyos para sa ating kabuhayan at sa darating na bagong henerasyon. Kaya dapat natin itong ingatan at pagyamanin para sa ikabubuhay at kabutihan ng lahat.
Balikan
Panuto: Sagutin ang mga tanong batay sa inyong natutuhan at natatandaan sa nakaraang leksiyon.
- Ano ang tawag sa kabuoang bilang ng mga naninirahan sa isang lugar o pook?
- Ano-ano ang relihiyon sa Davao Region maliban sa Katoliko Romano?
- Anong lalawigan sa Davao ang may mataas na bilang ng populasyon noong 2015?
- Bakit mas mataas ang populasyon sa lungsod kaysa sa mga karatig lugar nito? Ano ang katangian ng lungsod na humihikayat sa mga tao upang manirahan dito?
- Kung ikaw ang papipiliin, saan mo gustong tumira at bakit?
Tuklasin
Ang Davao Region ay binubuo ng limang lalawigan. Ang mga ito ay ang lalawigan ng Davao de Oro, Davao del Norte, Davao del Sur, Davao Occidental at Davao Oriental.
Ang Davao Region ay matatagpuan sa Timog-Silangan ng Mindanao. Ito ay biniyayaan ng magandang katangiang pisikal tulad ng anyong tubig at lupa. Tulad din ng ibang rehiyon, ang Davao Region ay binubuo ng malawak na kapatagan, kabundukan, burol, lambak, dagat, ilog, talon at iba pa.
Sa lalawigan ng Davao de Oro matatagpuan ang Summer Capital ng Davao Region, ang munisipalidad ng Maragusan. At dito din makikita ang Malumagpak Falls, Maco Mainit Falls, Tagbibinta Falls at Awao Falls. Sa Lalawigan naman ng Davao del Norte matatagpuan ang Vanishing Island. Dito din makikita
Mga Tala para sa Guro
Basahin at ipaunawa nang mabuti ang mga panuto sa bawat hakbang at gawain. Ipaalala sa mag-aaral na gumamit ng hiwalay na papel sa pagsulat ng kanilang mga sagot sa mga gawain. Lahat ng sagutang papel at mga proyektong nagawa ay ipapasa sa guro upang mabigyan ng nararapat na marka.
Suriin
Sagutin ang sumusunod na mga tanong sa sagutang papel.
- Ano-ano ang anyong lupa at anyong tubig ang matatagpuan sa Davao Region?
- Paano naging tanyag ang Mt. Apo?
- Bakit naging tanyag ang Davao Pearl Farm Resort?
- Bakit dinarayo ang Baybayin ng Dahican sa Davao Oriental?
- Anong lugar sa Davao Occidental ang mayaman sa coral reef formation?
Pagyamanin
Gawain A
Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
- Saan matatagpuan ang Colagsing Haven Beach Resort?
- a. Davao de Oro
- b. Davao del Sur
- c. Davao del Norte
- d. Davao Occidental
- Alin sa sumusunod ang nasasakupan ng Davao del Norte?
- a. Mt. Apo at Passig Islet
- b. Dahican Beach at Pujada Island
- c. Samal Island at Vanishing Island
- d. Maco Mainit Falls at Tagbibinta Falls
- Ano-anong anyong lupa ang matatagpuan sa Davao del Sur?
- a. Mt. Apo at Passig Islet
- b. Samal Island at Vanishing Island
- c. Sleeping Dinasaur at Pujada Island
- d. Mt. Apo at Little Boracay Beach
Gawain B
Isulat ang Tama kapag ang pangungusap ay nagsasaad ng katotohanan at palitan ang salitang nakasalungguhit kapag ang pahayag nito ay mali upang maging tama.
[transcriber’s note: the underlined words are underlined in the original]
- Ang malaking bahagi ng lalawigan ng Davao de Oro ay bulubundukin.
- Nakakatulong sa mga taga-Davao del Sur ang natatanging anyong lupa na Mt. Hamiguitan laban sa bagyo.
- Sa lalawigan ng Davao del Sur makikita ang kagubatan na ginagawang Natural Park upang tirahan ng mga hayop.
- Napaunlad ang turismo sa Davao de Oro dahil sa natatanging katangian ng Aliwagwag Falls.
- Ang pulo ng Samal na kinaroroonan ng Davao Pearl Farm Resort ay bahagi ng lalawigan ng Davao Oriental.
Isaisip
Ano-ano ang tanyag na anyong tubig at anyong lupa sa inyong rehiyon?
Paano naging tanyag ang lalawigan ng Davao del Sur? Davao Oriental?
Isagawa
Sagutin ang sumusunod na mga tanong sa sagutang papel.
- Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa mga anyong lupa at anyong tubig sa inyong lalawigan?
- Anong mangyayari kung papahalagahan natin ang ating mga anyong lupa at anyong tubig?
- Ano naman ang mangyayari kapag tayo ay nagpabaya sa mga ito?
Tayahin
Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
Kung ang Davao de Oro ay mayroong Maco Mainit Sulfuric Hot Spring, Anong anyong tubig naman sa Davao Oriental?
- a. Passig Islet
- b. Dahican Beach
- c. Maco Mainit Falls
- d. Malumagpak Falls
Ano-anong pangunahing hanapbuhay ang makikita sa Davao Oriental at Davao del Norte ayon sa katangiang pisikal nito?
- a. pangingisda at pagtuturo
- b. pangingisda at pagsasaka
- c. pagsasaka at pangangalakal
- d. pangangalakal at pangangaso
Sa paanong paraan magkatulad ang katangiang pisikal ng Davao Oriental at Davao Occidental?
- a. magkatulad ang mga anyong lupa dito
- b. parehong may magkatulad na bundok
- c. magkalapit ang dalawang lalawigan sa lungsod ng Davao
- d. mayroong mga natatanging baybayin at dagat na dinarayo ng mga turista
Bakit dinarayo ng mga turista ang lugar ng Samal?
- a. Malalaki ang mga gusali rito.
- b. Magaganda ang mga tanawin dito.
- c. Magaganda ang pakikitungo ng mga tao.
- d. Marami ang magagandang dalampasigan.
Paano mo mapanatili ang katangian ng iba’t ibang anyong tubig sa lalawigan ng Davao de Oro?
- a. ipagdasal ang kalusugan ng mga tao
- b. ipaalam ang mga plano sa kinauukulan
- c. ibahagi ang kaalaman sa ibang mag-aaral
- d. ipagpatuloy ang pagtatanim ng mga puno
Karagdagang Gawain
Gumuhit ng isang anyong tubig at isang anyong lupa ng iyong kinabilangang lugar o lalawigan sa malinis na papel. Ilarawan ang natatanging katangiang pisikal nito sa ibang mga lugar.
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: the answer key is printed upside down in three panels; the panels are transcribed in reading order below]
Subukin
- Davao del Norte
- Davao Oriental
- Davao del Sur
- Davao de Oro
- Davao Occidental
Pagyamanin
Gawain A
- D
- C
- A
Gawain B
- Tama
- Bundok Apo
- Tama
- Davao Oriental
- Davao del Norte
Tayahin
- B
- B
- A
- D
- C
Sanggunian
Manalo, Thea Joy G., Charity A. Capunitan, Walter F. Galarosa, and Rodel C. Sampang, Araling Panlipunan 3 Kagamitan ng Mag-aaral Sinugbuanong Binisaya. Pasig City Philippines: Book Media Press, Inc. 2015, 57 – 63.
Manalo, Thea Joy G., Charity A. Capunitan, Walter F. Galarosa, and Rodel C. Sampang, Araling Panlipunan 3 Gabay ng Guro. Pasig City Philippines: Book Media Press, Inc. 2015, 27 – 31.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply