Filipino 3 Quarter 1 Module 12: Pagsasalaysay Muli sa Nabasang Teksto sa Tulong ng Pamatnubay na Tanong at Balangkas

Filipino 3 Q1 Module 12 helps learners retell a story in the correct order using guiding questions and an outline, with activities and an answer key.

This is the Filipino 3 self-learning module for Quarter 1 (Unang Markahan), Module 12: “Pagsasalaysay Muli sa Nabasang Teksto sa Tulong ng Pamatnubay na Tanong at Balangkas” (retelling a text you have read with the help of guiding questions and an outline). It is written for Grade 3 learners studying at home, with support from a parent or another adult. After the module, learners should be able to retell a story with its events in the correct order, using guiding questions and a simple outline.

The module was prepared by DepEd Region XI as part of its Alternative Delivery Mode materials (first edition, 2020). Its writers are Gerlie R. Banico and Jessa Mae R. Pendon. It has one lesson, Aralin 1, and four short stories that learners read and retell.

On this page 6 sections

What learners will learn

The module states one learning competency. Learners will:

  • Retell a text with the correct sequence of events with the help of guiding questions and an outline (F3PN-Ig-6.1, F3PN-IIf-6.4, F3PB-IIg-12.2, F3PB-IIIg-12.3, F3PN-IVh-6.6).

Key ideas in the module

What retelling means

The module defines pagsasalaysay (narration) as expressing ideas in order to tell the events of a story. There are two kinds:

  • Pasalita: spoken retelling
  • Pasulat: written retelling

The module stresses one point: guiding questions and an outline make it easier to put the events in the right order.

Parts of a story

The module explains each part of a story using its own story, “Ang Pamilya” (The Family).

PartMeaningExample from “Ang Pamilya”
Pamagat (title)What the story is aboutAng Pamilya
Tauhan (characters)The people in the storyMang Deon, Aling Elay, Lelel, Sugar, Jing, Jam and Bong
Tagpuan (setting)Where the story happensbukirin (the farm)
Suliranin (problem)The problem in the storyInsects were damaging the fruits of their mango trees
Solusyon (solution)How the problem is solvedThe fruits were wrapped one by one in old newspapers
Katapusan (ending)What happens at the endThe family shared good food prepared by Aling Elay

The review activity also uses the word banghay (plot), which it describes as the events or summary of the story.

Guiding questions and the outline

  • Pamatnubay na tanong (guiding questions) are questions that help learners recall a story. The module gives Ano, Sino, Saan, Kailan, Bakit and Paano (what, who, where, when, why, how), shortened to ASSaKaBaPa, as examples.
  • Balangkas (outline) lists the important details of a text in the order the events happen.

The guided outline in the module asks learners for the title, the setting, the character, the events in order, the problem, and the solution. Learners can use the same steps to retell any story.

Activities in this module

  1. Subukin (pretest): Learners read “Si Pam”, a story about a girl who loves to sing, dance, recite poems and draw. Then they answer five questions about it.
  2. Balikan (review): Learners complete sentences about the parts of a story using pamagat, tauhan, tagpuan and banghay.
  3. Tuklasin (explore): Learners read “Ang Pamilya”. They match questions to answers, then retell the story by filling in 15 blanks.
  4. Suriin (explain): This part gives the meaning of retelling, the parts of a story, guiding questions and the outline.
  5. Pagyamanin (practice): Learners read “Hardin ni Mang Apolo” (Mang Apolo’s garden). In it, Lisa and Lito help their sick neighbor. Learners fill in graphic organizers for the title, characters and setting, and for the first event, problem, solution and ending. They then match events to guiding questions and complete a guided outline.
  6. Karagdagang Gawain (additional activity): Learners read “Si Allen at Si Ningning”, about two cousins. They number five picture story strips from 1 to 5 to retell the story in order.

The answer key (Susi sa Pagwawasto) is at the end of the module.

How to use this module

  • Learners: Start with the pretest, then go through each part in order. Write all answers on a separate sheet of paper, not on the module, so other learners can use it after you. Check your work with the answer key only after you finish, and be honest when you do.
  • Parents and guardians: Read the stories with your child. Ask the guiding questions (who, what, where, when, why, how), then have your child retell the story aloud in the right order. Spoken retelling is one of the two kinds the module teaches.
  • Teachers: The pretest shows which learners may need extra help. The graphic organizers and story strips show how well a learner can put events in sequence. The module asks learners to contact their teacher right away if they have trouble with the lesson.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this Filipino module for?

It is for Grade 3 Filipino, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 12.

What does pamatnubay na tanong mean?

It means guiding questions. These are questions that help learners recall and retell a story. The module gives Ano, Sino, Saan, Kailan, Bakit and Paano (ASSaKaBaPa) as examples.

What is a balangkas?

A balangkas is an outline. It lists the important details of a text in the order the events happen.

What are the two kinds of pagsasalaysay?

The module names two kinds: pasalita (spoken) and pasulat (written).

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end of the module gives answers for the pretest, the review, the explore activities, the practice activities and the additional activity.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Filipino Unang Markahan – Modyul 12: Pagsasalaysay Muli sa Nabasang Teksto sa Tulong ng Pamatnubay na Tanong at Balangkas

3

[illustration: children and adults reading, studying, and working together, with a globe and a lamp]

CO_Q1_Filipino 3_ Module 12

Filipino – Ikatlong Baitang

Alternative Delivery Mode

Unang Markahan – Modyul 12: Pagsasalaysay Muli sa Nabasang Teksto sa Tulong ng Pamatnubay na Tanong at Balangkas

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Gerlie R. Banico, Jessa Mae R. Pendon

Editor: Cristy S. Agudera, Lorna C. Ragos

Tagasuri: Ame Grace I. Pamongcales, Alemer O. Veloso, Myla P. Bergonia, Althea S. Llameg

Tagawasto: Iris Kristine A. Mejos

Tagaguhit at Tagalapat: Precious Jean Enriquez at Jecson L. Oafallas

Tagapamahala: Allan G. Farnazo, Josephine L. Fadul, Mary Jeanne B. Aldeguer, Christine C. Bagacay, Analiza C. Almazan, Lorna C. Ragos, Ma. Cielo D. Estrada, Cristy S. Agudera, Mary Jane M. Mejorada, Alma D. Mercado

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region XI Office Address: F. Torres St., Davao City Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147 E-mail Address: region11@deped.gov.ph * lrms.regionxi@deped.gov.ph

3

Filipino

Unang Markahan – Modyul 12: Pagsasalaysay Muli sa Nabasang Teksto sa Tulong ng Pamatnubay na Tanong at Balangkas

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Magandang araw sa iyo!

Sa modyul na ito, matutuhan mong isalaysay ang teksto nang may tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa tulong ng pamatnubay na tanong at balangkas.

May mga gawain akong inihanda para sa iyo upang mahasa ang iyong kaalaman tungkol dito.

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

  • Naisasalaysay muli ang teksto nang may tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa tulong ng pamatnubay na tanong at balangkas (F3PN-Ig-6.1, F3PN-IIf-6.4, F3PB-IIg-12.2, F3PB-IIIg-12.3, F3PN-IVh-6.6).

Subukin

Basahin ang kuwento at sagutin ang mga tanong na kasunod nito.

Si Pam

ni: Girlie Ravara-Banico

[illustration: smiling girl with long dark hair drawing with crayons or pencils at a table]

Ito si Pam. Isa siyang batang matalino, masayahin at maganda. Mahilig siyang kumanta at sumayaw. Marunong din siyang tumula. Isa rin sa kinahihiligang gawin ni Pam ay ang pagguhit. Masaya si Pam tuwing siya ay gumuguhit. Marami-rami na rin ang kanyang naguhit gaya ng mga bundok, punong-kahoy, prutas, bulaklak at magagandang tanawin gaya ng palayan at karagatan. Araw-araw sa kanilang tahanan ay naging libangan na ni Pam na gumuhit ng mga bagay na nakapagpapasaya sa kaniya.

Sa lahat ng iginuhit ni Pam, ang larawan ng kaniyang mahal na pamilya ang pinakapaborito niya. Makikita rito sina Mang Pol at Aling Mari, ang mga magulang niyang palaging nakasuporta sa mga nais niyang gawin. Inaaruga at tinuturuan nila nang husto si Pam kaya naman siya naging mabait, matalino at mapagmahal na bata.

Sagutin ang sumusunod na tanong mula sa kuwentong napakinggan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
  1. Ano ang pamagat ng kuwento?



  2. Sino ang batang matalino, masayahin at maganda?



  3. Saan nangyari ang kuwento?



  4. Ano ang mga hilig gawin ni Pam?



  5. Bakit naging mabait, matalino at maoagmahal si Pam?



Aralin 1 Pagsasalaysay Muli sa Nabasang Teksto sa Tulong ng Pamatnubay na Tanong at Balangkas

Balikan

Buoin mo ang pangungusap at piliin ang angkop na salita na nasa panaklong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

(pamagat, tauhan, tagpuan at banghay)

  1. Ang _____ ang paksa ng kuwento.
  2. Ang _____ ay ang lugar kung saan nangyayari ang kuwento.
  3. Ang _____ ang pangyayari o buod ng kuwento.
  4. Ang _____ ang gumaganap sa mga kuwento.
  5. “Ang Matalik Kong Kaibigan” ay halimbawa ng _____.

Tuklasin

Basahin at unawain mo ang kuwento at sagutin ang kasunod na mga tanong.

Ang Pamilya ni: Girlie Ravara-Banico

[illustration: a family of seven standing together in front of hills and trees]

Sina Mang Deon at Aling Elay ay masisipag at mapagmahal na mga magulang. Mayroon silang limang anak na nagsisikap mag–aral nang mabuti. Ito ay sina Lelel, Sugar, Jing, Jam at Bong. Mababait at masunurin ang kanilang mga anak kaya naman palaging masaya ang kanilang pamilya.

Tuwing walang pasok sa eskwela ay nagpupunta ang buong pamilya sa kanilang bukirin. Marami silang tanim na mga prutas gaya ng mangga, makopa, durian, santol at lansones.

Isang araw, nakita nilang nasisira ang mga bunga ng kanilang mga punong mangga dahil sa mga insekto. Agad nilang binalot ng lumang dyaryo ang mga bunga. Madaling natapos ang kanilang gawain. Talagang napakasaya ng pamilya kung lahat ay nagtutulungan at nagmamahalan.

I.

Sagutin ang sumusunod sa sagutang papel. Pagtugmain ang Hanay A at Hanay B batay sa nabasang kuwento gamit ang linya/guhit.

Hanay AHanay B
1. Ano ang pamagat ng kuwento?A. Mang Deon, Aling Elay, Lelel, Sugar, Jing, Jam at Bong
2. Sino-sino ang mga kasapi ng pamilya?B. kapag walang pasok
3. Saan sila pumupunta upang makasagap ng sariwang hangin?C. Ang Pamilya
4. Kailan sila pumupunta sa bukirin?D. dahil sila ay nagtutulungan at nagmamahalan
5. Bakit masaya ang kanilang pamilya?E. sa bukirin
II.

Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Isalaysay ang nabasang kuwento sa tulong ng mga gabay. Punan ng tamang sagot ang mga patlang.

Ang pamagat ng kuwento ay 1_____________________.

Sina 2_________________ at Aling Elay ay masisipag at mapagmahal na mga magulang. Mayroon silang 3_________________ na nagsisikap mag – aral nang mabuti. Ito ay sina Lelel, 4___________, Jing, 5___________ at Bong.

6_________________ at 7_________________ang kanilang mga anak kaya naman palaging masaya ang kanilang pamilya.

Tuwing 8_________________ sa eskwela ay nagpupunta ang buong pamilya sa kanilang 9_________________. Marami silang tanim na mga prutas gaya ng mangga, santol, durian, 10_________________ at lansones.

Isang araw, nakita nilang 11__________ ang mga bunga ng kanilang mga punong 12____________ dahil sa mga 13 __________. Agad nilang 14____________ng lumang dyaryo ang mga bunga. Madaling natapos ang kanilang gawain. Talagang napakasaya ng pamilya kung lahat ay 15 ______________at nagmamahalan.

Suriin

Sa pagsasalaysay sa teksto, dapat tandaan na sa tulong ng pamatnubay na tanong at balangkas nagiging madali ang pagpili ng tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

Ang pagsasalaysay ay ang pagpapahayag na may layuning magkuwento ng mga pangyayari. May dalawang uri ng pagsasalaysay: pasalita at pasulat.

Kahulugan ng mga bahagi ng kuwento at mga halimbawa nito:

Pamagat- tungkol saan ang kuwento Halimbawa: Ang Pamilya

Tauhan- ang mga gumaganap sa kuwento Halimbawa: Mang Deon, Aling Elay, Lelel, Sugar, Jing, Jam at Bong

Tagpuan- lugar kung saan naganap ang kuwento Halimbawa: bukirin

Suliranin- problema na nangyari sa kuwento Halimbawa: nakita nilang nasisira ang bunga ng kanilang mga punong mangga dahil sa mga insekto

Solusyon- kasagutan sa problemang nangyari sa kuwento Halimbawa: kumuha si Mang Deon at Aling Elay ng mga lumang dyaryo upang balutin isa-isa ang mga bunga

Katapusan- ano ang nangyari sa hulihan ng kuwento o wakas Halimbawa: Pinagsaluhan nila ang masasarap na pagkain na inihanda ni Aling Elay.

Ang tanong na Ano, Sino, Saan, Kailan, Bakit at Paano (ASSaKaBaPa) ay halimbawa lamang ng pamatnubay na tanong.

Ang balangkas naman ay ang pagkakasunod-sunod ng importanteng detalye ng teksto. Ito ay isinusulat ng naaayon sa pagkakasunod ng mga pangyayari.

Pagyamanin

Basahin at unawain mo ang kuwento at sagutin ang kasunod na mga gawain at tanong.

Hardin ni Mang Apolo ni: Jessa Mae R. Pendon

[illustration: two children playing in a garden with fruit trees while a man watches]

Naisipan ng mga batang sina Lisa at Lito na pumunta sa hardin ni Mang Apolo upang maglaro ng habulan at taguan. Namangha ang mga bata sa malawak na hardin ni Mang Apolo. Marami itong mga tanim na puno at mga prutas tulad ng santol, saging, papaya at bayabas. May makikita rin ditong mga ibong umaawit na madalas dumadapo sa mga puno.

[illustration: a man in bed being fed by a woman while a boy stands beside him]

Tuwang-tuwa naman si Mang Apolo na pagmasdan ang mga batang masasayang naglalaro sa kaniyang hardin.

Pamagat ng kuwento

Isang araw, hindi nakita ng mga bata na lumabas ng bahay si Mang Apolo. Dahil dito, naglakas-loob ang mga batang katukin ang kaniyang bahay.

Nilalagnat pala si Mang Apolo. Humingi ng tulong ang mga bata sa kanilang magulang. Nagamot si Mang Apolo sa ospital at naalagaan nang maayos kaya siya gumaling.

I.

Mula sa nabasang kuwento, punan ang graphic organizer. Piliin ang tamang sagot na nasa loob ng kahon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

[chart: graphic organizer; Hardin ni Mang Apolo]

Contents as printed:

  • Box: Mang Apolo, mga bata
  • Box: hardin
  • Central box: Hardin ni Mang Apolo
  • Cloud: Pamagat ng kuwento
  • Drop: Tagpuan
  • Drop: Tauhan

Values are not labeled on the chart.

II.

Punan ang graphic organizer ng letra ng tamang sagot na nasa loob ng kahon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

a. Humingi ng tulong ang mga bata sa kanilang magulang. b. Naglalaro ang mga batang sina Lisa at Lito sa malawak na hardin ni Mang Apolo. c. Isang araw, hindi nila nakitang lumabas si Mang Apolo dahil may lagnat ito. d. Nagamot si Mang Apolo sa ospital at naalagaan nang maayos kaya siya gumaling.

[chart: graphic organizer, flower-shaped; no number or title printed]

Petals and center labels as printed:

  • Unang Pangyayari
  • Solusyon
  • Katapusan
  • Suliranin

Values are not labeled on the chart.

III.

Batay sa kuwentong binasa mo, ibalangkas ang sumusunod na pangayayari sa tulong ng pamatnubay na tanong na nasa graphic organizer. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Ginamot siya sa ospital.

Naglalaro ang mga batang sina Lisa at Lito sa hardin ni Mang Apolo.

Ang mga bata ay humingi ng tulong sa kanilang mga magulang.

Marami siyang tanim na puno at prutas sa kaniyang hardin.

Naglakas loob ang mga batang katukin ang kaniyang bahay.

Graphic Organizer
  1. Ano ang ginawa ng magkakaibigan nang malamang may sakit si Mang Apolo?


  1. Saan ginamot si Mang Apolo noong siya ay nagkasakit?


  1. Ano ang ginagawa ng mga bata sa hardin ni Mang Apolo?


  1. Ano ang ginawa ng mga bata nang hindi nila nakitang lumabas sa bahay si Mang Apolo?


  1. Ano ang nasa bakuran ni Mang Lino?


Ginabayang balangkas ng kuwento:

  1. Ano ang pamagat ng kuwento?
    Ang pamagat ng kuwento ay _____.


  2. Saan naganap ang kuwento?
    Ang kuwento ay nangyari sa _____.


  3. Sino ang tauhan sa kuwento?
    Ang tauhan sa kuwento ay si _____.


  4. Ano-ano ang pangyayari sa kuwento? Isulat ito ayon sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari.














  1. Ano ang suliranin ng kuwento?

_____.

  1. Ano ang solusyon sa suliranin ng kuwento?

_____.

Karagdagang Gawain

Basahin ang kuwento at sagutin ang kasunod na tanong.

Si Allen at Si Ningning ni: Girlie Ravara-Banico

[illustration: two children, a boy and a girl with a ponytail, standing side by side]

Sina Allen at Ningning ay magpinsan. Si Allen ay nasa ikatlong baitang na samantalang si Ningning ay nasa unang baitang pa lang. Tuwing umaga ay dinadaanan ni Allen si Ningning sa kanilang bahay upang sabay na sila sa pagpasok sa paaralan.

Mabait na kuya si Allen. Palagi niyang binibigyan ng baon si Ningning at tinutulungan ito sa kaniyang mga takdang-aralin. Magkasundung-magkasundo ang magpinsan. Hinahatiran ni Ningning ang kaniyang Kuya Allen ng mga kakaning gaya ng biko at suman. Sabay nila itong kinakain habang nanonood ng kanilang paboritong palabas sa telebisyon na cartoons.

Karagdagang Gawain

Isalaysalay muli ang buong kuwentong nabasa sa tulong ng mga balangkas ng story strips na may larawan. Lagyan ng bilang 1 hanggang 5 ang kahon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

[transcriber’s note: each strip has an empty numbered box to its left, for numbering 1 to 5]

[illustration: a boy and a girl with backpacks standing together]

Mabait na kuya si Allen. Palagi niyang binibigyan ng baon si Ningning.

[illustration: two girls sitting at a table watching television, with a cat shown on the screen]

Hinahatiran ni Ningning ang kanyang Kuya Allen ng mga kakaning gaya ng biko at suman. Sabay nila itong kinakain habang nanonood ng kanilang paboritong palabas sa telebisyon na cartoons.

[illustration: a girl standing at the doorway of a house while another girl walks toward her]

Tuwing umaga ay dinadaanan ni Allen si Ningning sa kanilang bahay upang sabay na sila sa pagpasok sa paaralan.

Karagdagang Gawain

[transcriber’s note: each strip has an empty numbered box to its left, for numbering 1 to 5]

[illustration: a boy and a girl wearing name tags marked “Grd. 3” and “Grd. 1”]

Sina Allen at Ningning ay magpinsan. Si Allen ay nasa ikatlong baitang na samantalang si Ningning ay nasa unang baitang pa lang.

[illustration: a boy and a girl at a table, the girl pointing to an open book]

Tinutulungan ni Kuya Allen si Ningning sa kanyang mga takdang-aralin.

Susi sa Pagwawasto

TuklasinBalikanSubukin
I.
1. C
2. A
3. E
4. B
5. D
II.
1. Ang Pamilya,
2. Mang Deon,
3. limang anak,
4. Sugar,
5. Jam,
6. Mababait ,
7. masunurin,
8. walang pasok,
9. bukirin
10. makopa,
11. nasisira
12. mangga
13. insekto
14. binalot
15. nagtutulungan
1. pamagat
2. tagpuan
3. banghay
4. tauhan
5. pamagat
1. Si Pam
2. si Pam
3. sa tahanan
4. kumanta, sumayaw, tumula at gumuhit
5. inaaruga at tinuturuan nang husto ng kanyang magulang mga

Pagyamanin

I. Hardin ni Mang Apolo – Pamagat ng kuwento Mang Apolo, mga bata – Tauhan hardin – Tagpuan

II. B – Unang pangyayari C – Suliranin A – Solusyon D – Katapusan

III.

  1. Humingi sila ng tulong.
  2. Dinala siya sa ospital.
  3. Naglalaro ang mga bata sa hardin.
  4. Naglakas-loob silang katukin ang kaniyang bahay.
  5. May mga puno at prutas sa kaniyang hardin.
Karagdagang GawainTayahinIsagawa
3
5
2
1
4
Ang Batang si Pat
1. sapa
2. si Pat
3. Si Pat ay mahilig mag ehersisyo at kumain ng masusustansiyang pagkain para maging malusog ang kaniyang katawan. Pangarap niyang maging sundalo kaya tinuruan si Pat ng kaniyang ama ng paglangoy at pangigisda. Nakarinig siya ng boses na humihingi ng saklolo, agad na tinulungan ni Pat ang batang nalulunod sa sapa. Pagkatapos niyang sagipin ang bata ay inihatid niya ito sa bahay. Tunay ngang magiging magaling na sundalo si Pat pagdating ng panahon.
4. Nalunod ang bata sa sapa.
5. Sinagip ni Pat sa pagkakalunod at
6. inihatid sa bahay nila.
1. Hardin ni Mang Apolo
2. Mang Apolo, Lisa at Lito
3. sa hardin ni Mang Apolo
4. pagmasdan ang mga batang masayang naglalaro sa kaniyang hardin
5. may lagnat
6. katukin ang bahay ni Mang Apolo
7. sa ospital, naalagaan nang maayos kaya siya gumaling
8. tumulong sa taong may sakit

Sanggunian

Amaflor, Alde, Lea Agustin, Aireen Ambat, Josenette Brana, Cardinoza, Florenda, Dolorosa Castro, Modesta Jaurigue, Louiegrace Magallo, Natasha Rae Natividad, Ronald Ramilo, Cynthia Reyroso, Agnes G. Roller, Jeny-Lyn Trapane at Mercelita Salazar. Batang Pinoy Ako Kagamitan ng Magaaral sa Filipino 3. Pasig: Lexicon Press, Inc. 2014, 39- 40, 59-60

Cardinoza, Florenda, Jenny-Lyn Trapane, Amaflor Alde, Agnes G. Rolle, Josenette Brana, Ronald Ramilo, Louiegrace Margallo, Mercelita Salazar, Aireen Ambat, Lea Agustin, Natasha Rae Natividad, Cynthia Reyroso, Dolorosa Castro, at Modesta Jaurigue, Batang Pinoy Ako Patnubay ng Guro 3. Pasig: REX Bookstore, 2015, 67, 114-123.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district