EsP 9 Quarter 1 Module 8: Kapit-bisig na Pagsulong Tungo sa Sabay na Pag-ahon

Grade 9 EsP Quarter 1 Module 8 on the principles of subsidiarity and solidarity, with the Bayanihan to Heal as One example, activities, and answer key.

This is the Self-Learning Module (SLM) for Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP, Values Education) Grade 9, Unang Markahan (Quarter 1), Modyul 8: “Kapit-bisig na Pagsulong Tungo sa Sabay na Pag-ahon” (moving forward arm in arm toward rising together). It is for Grade 9 learners studying at home, and for the parents and teachers who guide them. After the module, learners should be able to judge whether the Principle of Subsidiarity and the Principle of Solidarity are upheld or violated in the family, school, barangay, and the wider society and nation.

The module was published by the Department of Education Region IX (Pagadian City) as part of its Alternative Delivery Mode materials, first edition 2020. Its writers are Jocelyn L. Marquez, Marlyn A. Caloñge, and Annabelle V. Magdula.

On this page 6 sections

What learners will learn

The module centers on the political society (Lipunang Pampolitiko), the Prinsipyo ng Subsidiarity (Principle of Subsidiarity), and the Prinsipyo ng Pagkakaisa (Principle of Solidarity). It asks two essential questions: How can a person meet his or her economic, cultural, and peace-related needs? Why is it important for the principles of subsidiarity and solidarity to be in place?

Learners are expected to show that:

  • People have needs they cannot meet as individuals and can meet only through the government or organized groups, such as economic, cultural, and peace-related needs.
  • When the Principle of Subsidiarity is in place, communities and groups at lower levels keep their initiative, freedom, and responsibility, and the dignity of each member is respected.
  • Every person needs to take part in efforts to improve life in society and the nation, especially in lifting people out of poverty, because the progress of society depends on it (Principle of Solidarity). (EsP9PL-Id-2.3)
  • They can assess or judge whether the principles of subsidiarity and solidarity are upheld or violated in the family, school, community (barangay), and society or nation. (EsP9PL-Id-2.4)

Key ideas in the module

Helping one another during the COVID-19 pandemic

The Suriin (analyze) part uses the government’s pandemic response as its main example. Under the Bayanihan to Heal as One Act, government agencies worked together to help people who lost their jobs because of COVID-19.

  • Apart from the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), the Department of Social Welfare and Development (DSWD) was tasked to reach vulnerable sectors through the Social Amelioration Program (SAP), which gave beneficiaries an emergency cash subsidy.
  • Other departments joined in, including DOLE, the Department of Agriculture, DOH, DILG, and DepEd.
  • A group of teachers in the Distrito ng Mabuhay contributed rice, noodles, canned goods, and more for their neighbors, and gave face masks and mineral water to frontliners.
  • Provinces and many private groups also gave relief goods.

The module draws the lesson that the government enforces the law to keep the country secure, but it needs its various agencies and departments to carry this out, and that all citizens have a duty to work together for the progress of society.

Values linked to solidarity and subsidiarity

The module lists five values that make the two principles work in a community:

  1. Pakikipagkapwa-tao (treating others as fellow human beings): a community is made of many people, not one, so this value keeps relationships strong.
  2. Pagkakaisa (unity): a group cannot succeed without it.
  3. Interes (shared interest): the goal must be clear not only to each person but to the whole community.
  4. Pagiging responsable (responsibility): when each member does his or her part, the community progresses faster.
  5. Matatag na samahan (a strong bond): the principles lose meaning if neighbors are not firmly united.

Parts and activities of the module

PartWhat learners do
Subukin (pretest)Answer a 10-item multiple-choice test
Balikan (review)Give the meanings of SAP, IATF, GCQ, ECQ, MCQ, and MGCQ, and reflect on their own experience
Tuklasin (explore)Explain the saying about teaching people to fish instead of just giving fish in 3 or 4 sentences; list the aid given in their community, by agency, items, amount, and beneficiaries
Suriin (analyze)Read about the Bayanihan to Heal as One Act and the five values
Pagyamanin (enrich)Fill in a table on the possible results of having or lacking the two principles in the family, school, barangay, town, and nation
Isaisip (remember)Read lyrics from the song “Pagbangon” sung by Julie Ann San Jose and answer questions on how Filipinos face crises and calamities
Isagawa (apply)Watch the Inquirer documentary “EDSA 20: Isang Larawan” and write a short reflection
Tayahin (assess)Answer a 10-item multiple-choice post-test
Karagdagang Gawain (extra activity)Research local events that show cooperation, describe them, and list five to ten activities

The written tasks come with rubrics. For example, the Isaisip answers are scored on content (10 points), organization (10 points), and presentation (5 points), for a total of 25 points.

How to use this module

  • Learners: Start with the Subukin pretest to see what you already know, then work through each part in order. Write all answers on separate paper or in your EsP notebook, and do not write on the module so others can use it. Check your answers honestly with the Susi sa Pagwawasto (answer key) at the end, and contact your teacher if a lesson is hard to understand.
  • Parents and guardians: The module is meant for home study. Help your child find examples of bayanihan in your own barangay for the Tuklasin and Karagdagang Gawain activities, and encourage honest use of the answer key.
  • Teachers: The two tables in Tuklasin and Pagyamanin and the reflection in Isagawa work well as outputs for checking with the rubrics provided, while the pretest and post-test show learning gains on competencies EsP9PL-Id-2.3 and EsP9PL-Id-2.4.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this EsP module for?

It is for Grade 9 Edukasyon sa Pagpapakatao, Unang Markahan (Quarter 1), Modyul 8.

What competencies does Module 8 cover?

It covers EsP9PL-Id-2.3, on every person’s part in improving society through solidarity, and EsP9PL-Id-2.4, on judging whether subsidiarity and solidarity are upheld or violated in the family, school, barangay, and nation.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives the answers to the Subukin pretest and the Tayahin post-test.

What example does the module use to explain solidarity?

It uses the COVID-19 response under the Bayanihan to Heal as One Act, including the DSWD’s Social Amelioration Program and teachers who donated food, face masks, and water.

What are the values linked to solidarity and subsidiarity?

The module lists pakikipagkapwa-tao, pagkakaisa (unity), shared interest, responsibility, and a strong bond among neighbors.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Edukasyon sa Pagpapakatao – Unang Markahan – Modyul 8: Kapit-bisig na Pagsulong Tungo sa Sabay na Pag-ahon

9

Edukasyon sa Pagpapakatao

Unang Markahan – Modyul 8: Kapit-bisig na Pagsulong Tungo sa Sabay na Pag-ahon

[illustration: learners reading and studying outdoors and at home, a teacher at a desk, a student with a lamp and a globe]

CO_Q1_EsP9_ Module 8

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang

Alternative Delivery Mode

Unang Markahan – Modyul 8: Kapit-bisig na Pagsulong Tungo sa Sabay na Pag-ahon

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Mga Manunulat: Jocelyn L. Marquez, Marlyn A. Caloñge, Annabelle V. Magdula

Editor: Carlos G. Magdula Jr., Charie S. Bato, Filma B. Catalan

Tagasuri: Mona Lisa M. Babiera, Julie Cris P. Baltazar, Charie S. Bato

Tagaguhit:

Tagalapat: Gemma B. Malicay

Tagapamahala: Isabelita M. Borres, Eugenio B. Penales, Sonia D. Gonzales, Jeanelyn A. Aleman, Evelyn F. Importante, Rose Marie E. Diocares

Inilimbag sa Pilipinas ng _____

Department of Education – Region IX

Office Address: Regional Center, Balintawak, Pagadian City

E-mail Address: region9@deped.gov.ph

[transcriber’s note: this page repeats the title block of page 1 (the “9” grade mark, the title “Edukasyon sa Pagpapakatao – Unang Markahan – Modyul 8: Kapit-bisig na Pagsulong Tungo sa Sabay na Pag-ahon” and the DepEd logo); its text is not repeated here]

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kani na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Ang modyul na ito ay dinesenyo at sinulat para sa iyo. Narito ito upang tulungan kang maging bihasa sa Lipunang Pampolitiko, Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa upang makapagtaya o makapanghusga kung umiiral ang Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa ay umiiral o nilabag sa pamilya, Paaralan, Pamayanan, lipunan at bansa.

Sa modyul na ito ay inaasahang masasagot ang mahalagang tanong na: Paano matutugunan o makakamit ng tao ang kaniyang pangangailangang pangkabuhayan, pangkultura at pangkapayapaan? Bakit mahalaga ang pag-iral ng Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa

Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang mga sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:

Napapatunayan na:

a. May mga pangangailangan ang tao na hindi niya makakamtan bilang indibidwal na makakamit niya lamang sa pamahalaan o organisadong pangkat tulad ng mga pangangailangang pangkabuhayan, pangkultural, at pangkapayapaan.

b. Kung umiiral ang prinsipyo ng Subsidiarity, mapananatili ang pagkukusa, kalayaan at pananagutan ng pamayanan o pangkat na nasa mababang antas at maisasaalang-alang ang dignidad ng bawat kasapi ng pamayanan.

c. Kailangan ang pakikibahagi ng bawat tao sa mga pagsisiskap na mapabuti ang uri ng pamumuhay sa lipunan / bansa, lalo na sa pag-angat ng kahirapan, dahil nakasalalay ang kanyang pag- unlad ng lipunan (Prinsipyo ng Pagkakaisa). (EsP9PL-Id-2.3)

d. Nakapagtataya o nakapaghuhusga kung umiiral ang Prinsipyo ng Subsidiarity at Pagkakaisa ay umiiral o nilalabag sa pamilya, paaralan, pamayanan (baranggay), at lipunan/bansa (EsP9PL-Id-2.4)

Subukin

PANUTO. Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik nito sa kuwaderno.

  1. Ang ating lipunan ay binubuo ng mga batas na nilikha para sa kabutihang panlahat. Alin sa sumusunod ang hindi tunay na diwa nito?
    A. protektahan ang mayayaman at may kapangyarihan
    B. kondenahin ang mapagsamantala sa kapangyarihan
    C. itaguyod ang karapatang-pantao
    D. ingatan ang interes ng marami


  2. Paano sinikap ng ating estado na iangkop ang kultura bilang pagkilala sa karapatan ng bawat mamamayan?
    A. sa pamamagitan ng pagbuo ng konstitusyon kalakip ang mga karapatan at proteksiyon ng mga mamamayan
    B. sa pamamagitan ng pagtatayo ng maraming imprastraktura senyales ng pag-unlad ng ekonomiya ng bansa
    C. sa pamamagitan ng pagtatatag ng iba’t ibang samahan na sasagot sa pangangailangan ng bawat mamamayan
    D. sa pamamagitan ng paglikha ng maraming mga batas


  3. Alin sa sumusunod ang naglalarawan na tama ang isang pasya?
    A. magdudulot ito ng kasiyahan
    B. makapagpapabuti sa tao
    C. ito ay ayon sa mabuti
    D. walang nasasaktan


  4. Ano ang makakamit ng Lipunan kung ang lahat ng mamamayan ay nakikilahok?
    A. pag-unlad
    B. pagkakaisa
    C. kabutihang panlahat
    D. pagtataguyod ng pananagutan


  5. Sa isang lipunang pampolitika, sino/ alin ang kinikilalang tunay na boss?
    A. pangulo
    B. mamamayan
    C. pinuno ng simbahan
    D. kabutihang panlahat


  6. Sa ating lipunan, alin ang nagpapatunay na naitatali na ng tao ang kaniyang sarili sa bagay?
    A. Mas nararapat lamang na makatanggap ang isang tao ng tulong mula sa pamahalaan, kahit na kaya naman niya itong bilhin o kaya ay hindi naman kailangan, dahil karapatan niya ito bilang mamamayang nagbabayad ng buwis.
    B. Hindi mabitawan ni Sheila ang kanyang mga lumang damit upang ibigay sa kamag-anak dahil mayroon itong sentimental value sa kanya.
    C. Inuubos ni Jerome ang kanyang pera sa pagbili ng mamahaling relo na sa ibang bansa lamang mahahanap. Ayon sa kanya, sa ganitong paraan niya nakukuha ang labis na kasiyahan.
    D. Lahat ng nabanggit


  7. Alin ang pinakamabigat na dahilan kung bakit kailangan nating magpatulong sa iba?
    A. iba-iba ang ating kakayahan
    B. nais nating magkaroon ng saysay ang kakayahan ng iba
    C. magkakaroon tayo ng panahon para sa iba pa nating nais gawin
    D. hindi lahat ng pangangailangan natin ay matatamo ng mag-isa


  8. Sino ang may tungkulin na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan at kinabukasan ng pamayanan?
    A. batas
    B. pinuno
    C. kabataan
    D. mamamayan


  9. Ang pamahalaan ay gumagawa at nagpapatupad ng batas upang matiyak na _____
    A. walang nagmamalabis sa lipunan
    B. Ang lahat ay magiging masunurin.
    C. Matugunan ang pangangailangan ng lahat.
    D. Bawat mamamayan ay may tungkuling dapat gampanan.


  10. Bakit nagkukusa tayong mag-organisa at tugunan ang pangangailangan ng nakararami?
    A. Sa ganitong paraan natin maipapakita ang ating pagkakaisa.
    B. Hindi sapat ang kakayahan ng pamahalaan upang tumugon.
    C. Ang sama-samang pagkilos ay nagpapagaan sa gawain.
    D. Walang ibang maaring gumawa nito para sa atin.


Aralin 1 Kapit-bisig na Pagsulong Tungo sa Sabay na Pag-ahon

Balikan

Panuto:

  1. Ibigay ang mga kahulugan ng mga acronym sa ibaba.
  2. Isangguni sa guro kung tama ang iyong sagot at ibahagi sa klase.
  3. Mga katanungan:
    a. Saan maiuugnay ang mga acronyms na ito?
    b. May karanasan ka ba sa ganitong mga pangyayari?
    c. Anu-ano ang mga natutunan mo sa mga kaganapang ito?
SAP-ECQ-
IATF-MCQ-
GCQ-MGCQ-
Tuklasin
Gawain 1:

Panuto: Ipaliwanag ang pahayag sa 3 o 4 na pangungusap lamang. Isulat ang iyong sagot sa iyong EsP na kwaderno.

“Iyong pagtulong huwag ka lamang magbigay ng isda, kundi turuan mo silang mangisda”

Rubrik para sa Pabguo ng Sanaysay

Antas/PamantayanMahusay(5)Magaling(3)Pagbutihan pa(2)Iskor
NilalamanAng nilalaman ng sanaysay ay tumpak sa ibigay na paksa.Ang nilalaman ng sanaysay ay hindi masyadong tumpak sa ibigay na paksaAng nilalaman ng sanaysay ay malayo sa ibigay na paksa.
TemaAng kabuuan ay may kaisahan at kaugnayan.Karamihan sa nilalaman ay kaugnay sa tema.Ilan sa nilalaman ay hindi kaugnay sa tema.
Kabuuan
GAWAIN 2:

Panuto:

  1. Suriin ang mga tulong o ayuda na ipinamahagi sa inyong komunidad. Anu-ano ito? Isa-isahin.
  2. Gamiting gabay ang pormat sa ibaba.
Mga Ahensiyang Namahagi ng AyudaMga Aytem/s na IpinamahagiDami ng Aytem/HalagaMga Benepisyaryo
DSWDSAP5,000Senior Citizen
DEPEdFace masks at Mineral Water2 bawat isa, 2 boteFrontliners

Suriin

Bayanihan to Heal as One Act

Isa sa mga pinakamahalagang tulong ng pamahalaan na pinangungunahan ng ibat-ibang ahensya ng gobyerno ay napasailalim sa Bayanihan to Heal as One Act. Ito ay upang matulungan ang mga pangangailangan sa mga taong nawalan ng trabaho ng dahil sa pandemya COVID-19.

Bukod sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay inatasan ng pamahalaan at iba pang mga ahensiya upang maipaabot ang tulong sa mga vulnerable sectors sa pamamagitan ng Social Amelioration Program (SAP). Ang SAP ay isang programa sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act na isinasagawa sa kalagitnaan ng COVID-19 crisis. Sa programang ito ang mga benepisyaryo ng SAP aid ay makakakuha ng emergency cash subsidy.

Mga departamento na nagtutulungan: Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Agriculture (DOA), Department of Health (DOH), Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Education (DepEd) at iba pang ahensyang nakibayanihan upang makatulong kahit papaano. Katulad ng grupo ng mga guro sa Distrito ng Mabuhay, nagbigay ng kontribusyon para makatulong ng kaunti sa mga kababayan tulad ng bigas, noodles, canned goods at iba pa. Para sa mga frontliners namimigay din ang mga guro dito ng facemask at mineral water.

Karamihan sa mga probinsya ng bansa ay namimigay din ng mga relief goods at ito’y malaking tulong sa atin at marami pang mga pribadong sektor ng bansa ang tumutulong. Dito natin makikita ang pagkakaisa ng mamamayang Pilipino.

Ang pamahalaan ang nagpapatupad ng batas upang matiyak at mapanatili ang seguridad ng ating bansa ngunit ang mga iba’t-ibang ahensiya at departamento ang kailangan upang maisagawa at maisakatuparan ito.

Tungkulin nating magtulungan tungo sa pag-unlad ng ating lipunan.

Mga Pagpapahalagang Kaugnay ng Solidarity at Subsidiarity

1. Pakikipagkapwa tao

Binubuo hindi ng isang indibidwal lamang kundi ng mga sama-samang tao ang isang komunidad. Mahalagang isagawa at isapuso ang pagpapahalagang ito upang makasiguro ng matibay na samahan.

2. Pagkakaisa

Paano nga makapagtatagumpay ang isang samahan kung walang pagkakaisa? Isa rin itong mahalagang salik na makapagsasabi kung magtatagumpay ang isang pamayanan.

3. Interes

Kailangang maging malinaw ang layunin o hangarin hindi lang ng isang indibidwal kundi maging ng buong pamayanan.

4. Pagiging Responsable

Mahalaga ito upang mapabilis ang pag-unlad ng pamayanan. Kung ang bawat isa ay magiging responsable sa kanilang mga gampanin bilang bahagi nito, tiyak na magtatagumpay.

5. Matatag Na Samahan

Mawawalang saysay din ang prinsipyo ng solidarity at subsidiarity kung hindi rin matatag ang samahang magkakapitbahayan. Kung namumuno sa kanilang pagitan ang napakatibay na bigkis, na di basta-bastang mapapatid, ay magiging epektibo ang lahat ng mga layuning maganda ng bawat isa na makatutulong sa pagpapanday ng maunlad at masaganang pamaya

Pagyamanin

Gawain: Tuklas -Kaalaman

Panuto: Punan ang kolum sa ibaba. Magbigay ng limang sitwasyon ng posibleng bunga ng pag-iral at kawalan ng Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng pagkakaisa sa lipunang iyong kinabibilangan.

Posibleng bunga ng: Pag-iral ng Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng pagkakaisaPosibleng bunga ng: Kawalan ng Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng pagkakaisa
1. Pamilya
2. Paaralan
3. Barangay
4. Bayan
5. Bansa

Rubriks sa Pagmamarka

Pamantayan1073
1. NilalamanNaipaliwanag ng maayos ang nilalaman na hinihingi sa talahanayan.May kaunting kakulangan ang pagpapaliwanag na ibinahagi sa talahanayan.Maraming kakulangan ang pagbuo ng talahanayan.
2. OrganisasyonBuong husay at malikhaing naisulat ang pagkakasunod ng ideya.Mahusay ang pagkakasulat ng ideya.Di gaanong maliwanag ang pagkakasunod ng ideya.

Isaisip

Gawain:

Panuto:

  1. Basahin at intindihin ang sumusunod na liriko ng isang awitin.
  2. Sagutin ang mga katanungan.

Ilugmok man tayo nang bagong pagsubok
Mga puso nati’y di mapapagod
Abutin ang kamay na handang dumamay
Mga puso nati’y di mapapagod
Nasa puso ng bawat Pilipino
Pagmamahal sa kapwa at Serbisyong totoo
Isang bayan, tayo’y aahon, walang maiiwan sa pagbangon
Isang lakas, isang pag-asa, patungo sa bagong umaga…

Ang mababasa sa itaas ay liriko ng awiting inawit ni Julie Ann San Jose, tungkol sa pagharap ng mga Pilipino sa mga pagsubok. Ipinapahiwatig sa awiting ito kung paano harapin ang mga pagsubok, at pairalin ng bawat isa ang pagtutulungan, pagdadamayan at tatag, kasama sa pag ahon ang lakas at pag-asa. (“halaw sa awiting “Pagbangon”)

Sa iyong pananaw sa krisis (COVID-19) at kalamidad (bagyo at hidwaan) na kinakaharap ng bansa sa kasalukuyan:

  1. Paano ito hinaharap ng mga Pilipino? Ipaliwanag.


  1. May pagtutulungan bang naganap sa kinakaharap na mga pagsubok?



MGA PAMANTAYAN SA PAGGAWA

Nilalaman – 10 puntos Organisasyon – 10 puntos Presentasyon – 5 puntos Kabuuan – 25 puntos

Isagawa

Panuto: Gawin ang mga sumusunod:

  1. Panoorin ang Edsa 20 ‘Isang Larawan”-An inquirer Documentary.
    Maaari mo itong mapanood sa youtube sa sumusunod na url: https://youtu.be/UdcuiXOytPo


  2. Sumulat ng maikling pagninilay tungkol sa nakitang palabas.


  3. PAMANTAYAN SA PAGGAWA


10741
NilalamanAng mensahe ay mabisang naipakitaDi gaanong naipakita ang mensaheMedyo magulo ang mensaheWalang mensaheng naipakita
KaugnayanMay malaking kaugnayan sa paksaDi gaanong may kaugnayan sa paksaKaunti lang ang kaugnayan sa paksaWalang kaugnayan sa paksa
KalinisanMalinis na malinis ang kabuuanMalinis ang pagkakabuoDi gaanong malinis ang pagkakabuoMarumi ang pagkakabuo
Kabuuan

Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na mga tanong. Piliin ang titik na may pinakaangkop na sagot at isulat sa papel.

  1. Sa ating lipunan, alin ang nagpapatunay na naitatali na ng tao ang kaniyang sarili sa bagay?
    A. Mas nararapat lamang na makatanggap ang isang tao ng tulong mula sa pamahalaan, kahit na kaya naman niya itong bilhin o kaya ay hindi naman kailangan, dahil karapatan niya ito bilang mamamayang nagbabayad ng buwis.
    B. Hindi mabitawan ni Sheila ang kanyang mga lumang damit upang ibigay sa kamag-anak dahil mayroon itong sentimental value sa kanya.
    C. Inuubos ni Jerome ang kanyang pera sa pagbili ng mamahaling relo na sa ibang bansa lamang mahahanap. Ayon sa kanya, sa ganitong paraan niya nararamdaman ang labis na kasiyahan.
    D. Lahat ng nabanggit


  2. Alin ang pinakamabigat na dahilan kung bakit kailangan nating magpatulong sa iba?
    A. Iba-iba ang ating kakayahan.
    B. nais nating magkaroon ng saysay ang kakayahan ng iba
    C. magkakaroon tayo ng panahon para sa iba pa nating nais gawin
    D. hindi lahat ng pangangailangan natin ay matatamo ng mag-isa


  3. Sino ang may tungkulin na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan at kinabukasan ng pamayanan?
    A. batas
    B. pinuno
    C. kabataan
    D. mamamayan


  4. Ang pamahalaan ay gumagawa at nagpapatupad ng batas upang matiyak na ___________.
    A. Walang nagmamalabis sa lipunan.
    B. Ang lahat ay magiging masunurin.
    C. Matugunan ang pangangailangan ng lahat.
    D. Bawat mamamayan ay may tungkuling dapat gampanan.


  5. Bakit nagkukusa tayong mag-organisa at tugunan ang pangangailangan ng nakararami?
    A. Sa ganitong paraan natin maipakikita ang ating pagkakaisa.
    B. Hindi sapat ang kakayahan ng pamahalaan upang tumugon.
    C. Ang sama-samang pagkilos ay nagpapagaan sa gawain.
    D. Walang ibang maaring gumawa nito para sa atin.


  6. Ang ating lipunan ay binubuo ng mga batas na nilikha para sa kabutihang panlahat. Alin sa sumusunod ang hindi tunay na diwa nito?
    A. protektahan ang mayayaman at may kapangyarihan
    B. kondenahin ang mapagsamantala sa kapangyarihan
    C. itaguyod ang karapatang-pantao
    D. ingatan ang interes ng marami


  7. Paano sinikap ng ating estado na iangkop ang kultura bilang pagkilala sa karapatan ng bawat mamamayan?
    A. sa pamamagitan ng pagbuo ng konstitusyon kalakip ang mga karapatan at proteksiyon ng mga mamamayan
    B. sa pamamagitan ng pagtatayo ng maraming imprastraktura senyales ng pag-unlad ng ekonomiya ng bansa
    C. sa pamamagitan ng pagtatatag ng iba’t ibang samahan na sagot sa pangangailangan ng bawat mamamayan
    D. sa pamamagitan ng paglikha ng maraming mga bata.


  8. Alin sa sumusunod ang naglalarawan na tama ang isang pasiya?
    A. magdudulot ito ng kasiyahan
    B. makapagpapabuti sa tao
    C. ito ay ayon sa Mabuti
    D. walang nasasaktan


  9. Ano ang makakamit ng Lipunan kung ang lahat ng mamamayan ay nakikilahok?
    A. pag-unlad
    B. pagkakaisa
    C. kabutihang panlahat
    D. pagtataguyod ng pananagutan


  10. Sa isang lipunang pampolitika, sino/ alin ang kinikilalang tunay na boss?
    A. Pangulo
    B. Mamamayan
    C. pinuno ng simbahan
    D. kabutihang panlahat


Karagdagang Gawain

Panuto:

  1. Magsaliksik ng mga pangyayari sa iyong lugar kung saan makikita ang pagtutulungan at pagkakaisa ng mga tao upang makamit ang adhikain ng gawain na iyon. (Hal: 52nd Araw ng Mabuhay 2020). Ilarawan kung anu-ano ang mga kaganapan.
  2. Isulat ang kasagutan sa iyong EsP notebook kung saan nakikita mo na may naiambag ka sa tagumpay ng gawain na iyong iniisip.
  3. Magtala ng lima hanggang sampung aktibidad.

Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: the answer key is printed rotated 180 degrees in two boxes; the answers are read here and arranged in columns]

TayahinSubukin
1.ab
2.da
3.db
4.dc
5.cb
6.ba
7.ad
8.bd
9.cd
10.bc

Sanggunian

Baliao and Parcon (2012), Society and Culture in a Changing World, Quezon City: Rex Bookstore

Blackburn, S. (2005), Oxford Dictionary of Philosophy, New York: Oxford University Press

Dinio and Cuano (2011), Ang Pagsasabuhay, Quezon City: Rex Bookstore

Dy, M B. (2013) Contemporary Social Philosophy, Makati City: Katha Publishing Co., Inc.

Glenn, PhD, STD, Paul J. (1965). Ethics A Class Manual in Moral Philosophy, London: B. Herder Book Co.

Law, Stephen (2007). Philosophy, Strand, London: Dorling Kindersley Limited

Panopio and Raymundo (2004), Sociology Focus on the Philippines, Quezon City: Ken Inc.

Plattel, M.G. (1965) Social Philosophy. Translated by Henry J. Koren. Pittsburgh: Duquesne University Press

Punsalan et al., Kaganapan sa Paggawa, Quezon City: Rex Bookstore, 2007

Contemporary Social Philosophy. Edited by Manuel B. Dy, Jr. Quezon City: JMC Press, Inc., 1994.

Rorty, R. (1998). Truth and Progress: Philosophical Papers. Vol. 3. Cambridge: Cambridge University Press

Scheler, M. (1973) Formalism in Ethics and Non-Formal Ethics of Values: A New Attempt toward the Foundation of an Ethical Personalism. Translated by Manfred S. Frings and Roger L. Funk. Evanston: Northwestern University Press

Walgrave, J. (c1965). Person and Society: A Christian View. Pittsburgh, Duquesne University Press

Website:

“Lex Christianorum.” 2014. Lexchristianorum.Blogspot.Com. January 31. http://lexchristianorum.blogspot.com

Richard. 2009. “Subsidiarity Man.” Federal Union. September 20. http://www.federalunion.org.uk/subsidiarity-man/

[transcriber’s note: this page continues the References section from earlier pages]

“Subsidiarity – Google Search.” 2020. Www.Google.Com.Ph. Accessed August 9. https://www.google.com.ph/search?q=subsidiarity&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ei=uvqCUttT5JaIB6qrgagH&sqi=2&ved=0CAcQ_AUoAQ&biw=1366&bih=665#q=solidarity&tbm=isch.

“The Principles Of Solidarity And Subsidiarity.” n.d. Www.Inquisition.Ca. http://www.inquisition.ca/en/polit/artic/solidarite.htm

顏之推. 2011. “Albert Schweitzer on Ethics.” Beings Akin. April 20. http://beingsakin.wordpress.com/2011/04/19/albert-schweitzer-on-ethic

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district