EsP 9 Quarter 1 Module 7: Tulong Mo, Tulong Ko: Ang Sasagip sa Mundo

Grade 9 EsP Quarter 1 Module 7 explains political society and the principles of subsidiarity and solidarity, with activities, tests, and an answer key.

This is the Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) Grade 9 self-learning module for Quarter 1, Module 7: “Tulong Mo, Tulong Ko: Ang Sasagip sa Mundo” (your help, my help: what will save the world). It is a DepEd Alternative Delivery Mode module (first edition, 2020) from DepEd Region IX, written for Grade 9 learners studying at home. After working through it, learners can explain why political society exists and judge whether the principles of subsidiarity and solidarity are followed or violated in their family, school, barangay, community, and country.

On this page 6 sections

What learners will learn

The module states these learning goals:

  • Explain:
    • the reason why political society (lipunang pampolitika) exists
    • the Principle of Subsidiarity (Prinsipyo ng Subsidiarity)
    • the Principle of Solidarity (Prinsipyo ng Pagkakaisa)
  • Assess whether the Principle of Subsidiarity and the Principle of Solidarity are present or absent in the family, school, barangay, community, or society and nation.

The module is built around two big questions: How can people meet their economic, cultural, and peace-related needs? And why is it important for the principles of subsidiarity and solidarity to be at work in society?

Key ideas in the module

The module has one lesson, Aralin 1, which opens with the saying of Edmund Burke: “All that is necessary for the triumph of evil is that good men do nothing.” It then builds its ideas step by step, starting from something every high school student knows: the barkada (group of close friends).

From barkada to community to political society

  • Barkada. Friends come together because they share interests, dreams, beliefs, or experiences, and their friendship deepens over time.
  • Community as a big barkada. A community is like a large barkada, held together first by the place where people live. The module’s example is “Barangay Katapatan,” where the whole neighborhood celebrates Aling Norma’s valedictorian child and worries about Manuel’s motorcycle accident.
  • Culture (kultura). The habits a community builds over time: its traditions, customs, ways of making decisions, and shared goals, kept alive in songs, art, and rituals.
  • Political society. As groups grow, it gets harder to listen to everyone and to rely on give-and-take alone. A society with many interests, views, and cultures needs a clearer system of deciding and running things. Leaders, like the module’s examples Tonio and Aling Cora, naturally emerge because of their vision, passion, and ability to inspire others toward a shared goal.

Subsidiarity and solidarity

The module stresses that society is not run by a few people. Good governance does not flow only from the “top” down; leaders and citizens must work together. Two principles guide this relationship:

  • Principle of Subsidiarity. The government helps citizens do what will help them develop. It makes sure nothing blocks citizens’ freedom, while citizens contribute their taxes, strength, and talent to the state. Government leaders do not interfere in how citizens develop themselves.
  • Principle of Solidarity (Pagkakaisa). Citizens have the duty to help one another, and the government has the duty to build the right structures so they can. The module puts it simply: if you need to do something you cannot do alone, it is my duty to help you as much as I can, and the same is true when I need help.

Shared responsibility and the true “boss”

  • Kapwa-pananagutan (shared responsibility). Leaders are trusted by the community to guide the group and care for its members. Members, in turn, must take part in thinking, deciding, community work, and their own livelihoods. The progress of a society is not the work of the leader alone, but of every member’s talent and effort.
  • Why one voice matters. Even if the majority decides, each person should still speak up. The module cites Ninoy Aquino, Martin Luther King, and Malala Yousafzai as single voices that moved many, and compares society to a walis-tingting (broom made of coconut midribs) that cannot exist without each single stick.
  • Trust can be withdrawn. In the face of corruption, citizens must stay alert. Power is only entrusted to leaders; leaders are not above the people.
  • Who is the “boss”? The module recalls Noynoy Aquino telling the people, “Kayo ang boss ko!” (you are my boss). It concludes that the leader and the people are both “boss” to each other, but the true boss is the common good (kabutihang panlahat). Political society is defined as the process of seeking the common good and organizing oneself and the community to achieve it better.

Parts and activities of the module

PartWhat learners do
AlaminRead the learning goals
SubukinAnswer a 10-item multiple-choice pretest
BalikanPick five words from a box (such as karapatan, tungkulin, konstitusyon) and explain them from experience in a journal
TuklasinRead the lesson on political society, subsidiarity, and solidarity
SuriinGawain 1: make a creative profile (like a scrapbook page) of a group you belong to; Gawain 2: analyze a May 2020 stay-at-home order and answer questions
PagyamaninShow in a graphic organizer how political society reaches the common good, and answer reflection questions
IsagawaRecord scenes in your barangay that show subsidiarity and solidarity being followed or violated
TayahinAnswer a 10-item multiple-choice post-test
Karagdagang GawainWrite a letter about small ways you can help the common good, and post your ideas on a metacard in your room

Most activities come with scoring rubrics, for example 25 points for content, organization, and presentation, and 50 points for the group profile.

How to use this module

  • Learners: Start with the pretest, then go through each part in order. Write all answers in your notebook or on separate paper; the module asks you not to write on it so others can use it. Check your pretest and post-test with the answer key (Susi sa Pagwawasto) honestly, and contact your teacher if any part is hard to understand.
  • Parents and guardians: Help your child gather materials for the group profile (old magazines, scissors, paste, coloring materials, 2×2 photos) and talk with them about scenes in your barangay for the Isagawa activity.
  • Teachers: Use the pretest to see who needs extra help, and the rubrics to score the profile, essay questions, and letter. The module notes that a Teacher’s/Facilitator’s Guide accompanies it.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this EsP module for?

It is for Grade 9 Edukasyon sa Pagpapakatao, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 7.

What is the Principle of Subsidiarity in this module?

It means the government helps citizens do what will help them develop and does not interfere in how they develop themselves, while citizens contribute their taxes, strength, and talent to the state.

What is the Principle of Solidarity (Prinsipyo ng Pagkakaisa)?

It is the duty of citizens to help one another, with the government building the right structures so they can. If someone needs to do something they cannot do alone, others have the duty to help as much as they can.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers to the 10-item pretest (Subukin) and the 10-item post-test (Tayahin).

Who is the true boss in a political society, according to the module?

The module says the leader and the people are each a boss to the other, but the true boss is the common good (kabutihang panlahat).

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Edukasyon sa Pagpapakatao

Unang Markahan – Modyul 7: Tulong Mo, Tulong Ko: Ang Sasagip sa Mundo

[illustration: students reading and studying outdoors and at a table, with a family member, a student holding a globe, and a student writing by a lantern]

CO_Q1_EsP9_ Module7

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 7: Tulong Mo, Tulong Ko: Ang Sasagip sa Mundo Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Carlos G. Magdula Jr.

Editor: Althea Chloe S. Gabunilas, Filma B. Catalan, Orlyn E. Santos

Tagasuri: Monalisa M. Babiera, Charie S. Bato, Rose Marie E. Diocares

Tagaguhit:

Tagalapat: Gemma Malicay

Tagapamahala: Isabelita M. Borres, Eugenio B. Penales, Sonia D. Gonzales, Jeanelyn A. Aleman, Evelyn F. Importante, Rose Marie E. Diocares

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region IX Office Address: Regional Center, Balintawak, Pagadian City E-mail Address: region9@deped.gov.ph

CO_Q1_EsP9_ Module7

Edukasyon sa Pagpapakatao

Unang Markahan – Modyul 7: Tulong Mo, Tulong Ko: Ang Sasagip sa Mundo

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

[illustration: hand pressing a button inside a circle]

Ang modyul na ito ay dinesenyo at sinulat para sa iyo. Narito ito upang tulungan kang maging bihasa sa Lipunang Pampolitikal, Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa upang makapagtaya o makapanghusga kung ang Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa ay umiiral o nilalabag sa pamilya, paaralan, pamayanan, lipunan at bansa.

Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang mga sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:

2.1 Naipaliliwanag ang: a. dahilan kung bakit may lipunang pampolitika b. Prinsipyo ng Subsidiarity c. Prinsipyo ng Pagkakaisa

2.2 Natataya ang pag-iral o kawalan sa pamilya, paaralan, baranggay, pamayanan o lipunan/bansa ng: a. Prinsipyo ng Subsidiarity b. Prinsipyo ng Pagkakaisa

Nakahanda ka na bang lalong maunawaan kung paano makakamit ng lipunan ang kabutihang panlahat? Nakahanda ka na bang malaman kung ano ang bahaging iyong nararapat na gampanan? Simulan na natin, ngayon na!

1

Subukin

[illustration: hand holding a pencil inside a circle]

Panuto: Basahin at suriing mabuti ang bawat aytem/tanong. Isulat ang titik ng pinakawastong sagot sa iyong kwaderno o sagutang papel.

  1. Ang sumusunod ay ang nagpapakita ng Prinsipyo ng Pagkakaisa, MALIBAN sa:
    A. pagkakaroon ng kaalitan
    B. bayanihan at kapit-bahayan
    C. sama-samang pagtakbo para sa kalikasan
    D. pagkakaroon ng panahon sa pagpupulong


  2. Sino ang may tungkulin na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan at kinabukasan ng mamamayan?
    A. batas
    B. mamamayan
    C. kabataan
    D. pinuno


  3. Aling pagkilos ang nagpapakita ng mahusay na daloy ng pamamahala sa isang lipunan?
    A. mula sa mamamayan patungo sa namumuno
    B. mula sa namumuno patungo sa mamamayan
    C. sabay ang pagkilos ng namumuno at mamamayan
    D. pagkilos para lamang sa mga namumuno sa bayan


  4. Saan maaaring ihambing ang isang pamayanan?
    A. Pamilya
    B. barkadahan
    C. organisasyon
    D. magkasintahan


  5. Ano ang pinagbabatayan upang maging isang pinuno ang isang indibidwal?
    A. personal na katangiang pinagtitiwalaan ng pamayanan
    B. kakayahang gumawa ng batas
    C. angking talino at kakayahan
    D. pagkapanalo sa halalan


  6. Ano ang tawag sa proseso ng paghahanap sa kabutihang panlahat at pagsasaayos ng sarili at ng pamayanan upang higit na matupad ang layuning ito?
    A. lipunang politikal
    B. pamayanan
    C. komunidad
    D. pamilya


  7. Alin ang kinikilala na tunay na “boss” sa isang lipunang pampolitika?
    A. mamamayan
    B. pangulo
    C. pinuno ng simbahan
    D. kabutihang panlahat


  8. Sino ang isang halimbawa ng may puso para sa lipunan dahil sa adbokasiya niya ng pagkilala sa tao lagpas sa kulay ng balat?
    A. Ninoy Aquino
    B. Martin Luther King
    C. Malala Yuosafzai
    D. Nelson Mandela


  9. Ano ang tawag sa nabuong gawi, tradisyon, mga nakasanayan, mga pamamaraan ng pagpapasiya, at mga hangarin na pinagbabahaginan sa paglipas ng panahon ng isang pamayanan?
    A. politika
    B. kultura
    C. pamayanan
    D. panlipunan


  10. Alin ang HINDI halimbawa ng Prinsipyo ng Subsidiarity?
    A. pagsisingil ng buwis
    B. pagbibigay daan sa Public Bidding
    C. pagsasapribado ng mga gasolinahan
    D. pagkakaloob ng lupang matitirikan para sa pabahay


2

3

lakas karapatan pantay na proteksyon tungkulin bansa kalayaan paggawa ng desisyon estado katarungan sistemang legal serbisyong publiko pagsasabat pagsasabatas pagkamamayan resolusyon ng hidwaan konstitusyon

Aralin 1

Tulong Mo, Tulong Ko: Ang Sasagip sa Mundo

Narinig mo na ba ang kasabihang, “Ang tanging kailangan upang magtagumpay ang kasamaan ay ang hindi pagkilos ng mga mabubuting tao.” (“All that is necessary for the triumph of evil is that good men do nothing.”-Edmund Burke)? Kung minsan, hindi naman sinasadya ng mga tao na wala silang gawin. Kung minsan, hindi lamang nila alam kung ano ang papel nila at kung paano sila makatutulong. Kung minsan, akala nila ay may iba nang gagawa. Sa takot na makagulo pa, lumalayo na lamang sila sa eksena.

Sa modyul na ito ay inaasahang masasagot ang mahalagang tanong na:

Paano matutugunan o makakamit ng tao ang kaniyang pangangailangang pangkabuhayan, pangkultura at pangkapayapaan? Bakit mahalaga ang pagiral ng Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa?

Balikan

[illustration: hand holding a puzzle piece inside a circle]

Panuto: Gawin ang mga sumusunod.

  1. Mayroong labinlimang salita o parirala na nasa kahon sa ibaba. Pumili ng lima at ipaliwanag ang mga ito. Ibatay ang paliwanag sa iyong sariling karanasan. Isulat sa journal ang iyong paliwanag.
lakaskarapatanpantay na proteksyontungkulin
bansakalayaanpaggawa ng desisyonestado
katarungansistemang legalserbisyong publikopagsasabat
pagsasabataspagkamamayanresolusyon ng hidwaankonstitusyon
  1. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat pa rin sa iyong journal.
    a. Saan maiuugnay ang mga salitang nasa kahon?
    b. Nagkaroon ka na ba ng karanasan tungkol sa mga konseptong ito? Sa paanong paraan?
    c. Ano ang mga salitang hindi pamilyar para sa iyo?

4

Tuklasin

Lipunang olitikal, Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa (Solidarity)

Isa sa pinakamasayang bahagi ng buhay-high school ang paghahanap ng mga matatalik na kaibigan. Mahirap manimbang sa simula subalit kapag naging kaibigan mo na, tuloy-tuloy na ang ligaya. Sila ang kasamang sumusubok ng maraming karanasan. Sila ang kabiruan at kaasaran. Sila ang kakuwentuhan sa maraming mga seryoso at malalim na kaisipan. Sila ang kasamang pumalaot sa higit pang dakilang tunguhin sa buhay.

Natanong mo na ba kung paano nagsimula ang inyong barkada? Paano kayo naging magkakaibigan? Bakit sila ang naging matatalik mong mga kaibigan?

Sa isang mahiwagang paraan, nagsasama-sama ang mga magkakatulad. Maaaring magkakatulad ng interes, ng hilig, o ng mga pangarap. Maaaring magkakatulad ng pananampalataya o ng pilosopiya sa buhay. Sino pa nga ba ang magsasama-sama kundi ang magkakapareho hangarin sa buhay.

Napalalalim ng isang pinagdadaanan ang pagsasama. Ang parehong karanasan ang naging dahilan ng pagkakakilala at pag-uugnayan. Ganyan nabubuo ang barkada. Magkakapareho at magkakaiba rin. Umuusad at lumalalim ang pagkakaibigan sa paglipas ng panahon dahil sa mas marami pang pagkukwentuhan at sama-samang pagdanas.

MGA PAMANTAYAN SA ISAHANG GAWAIN
Nilalaman10 puntos
Organisasyon10 puntos
Presentasyon5 puntos
Kabuuan25 puntos

[illustration: hand holding a leafy sprout inside a circle]

Isang malaking barkada

Hawig sa barkadahan ang isang pamayanan. Pinagsama-sama sila, una na, ng kanilang kinatatayuang lugar. Halimbawa, Barangay Katapatan! Doon sila nakatira at doo’y sama-sama silang bumubuo ng mga sistema kung paano haharapin ang mga hamon sa buhay. May mga kuwento silang pinagdadaanan. May kuwento silang binubuo. Ang valedictorian na anak ni Aling Norma, tagumpay ng buong kapitbahayan. Ang aksidente ni Manuel sa motor ay lubhang ipinag-alala ng buong baranggay. Ang pagliligawan nina Eric at Jenny, ikinakilig ng lahat. Ang problema sa patubig ang laman ng usapan sa barberya at palengke.

Ang kwentong nilikha nila at ang mga pagkilos upang ingatan at paunlarin ang kanilang pamayanan ay kilos ng pagbuo ng kultura. Kultura ang tawag sa mga nabuong gawi ng pamayanan. Ito ang mga tradisyon, nakasanayan, mga pamamaraan ng pagpapasya, at mga hangarin na kanilang mag-bahaginan sa paglipas ng panahon. Iniukit ang mga ito sa mga awit, sining, at ritwal upang huwag makalimutan. Gabay ang mga tradisyong ito sa mga hamon sa kinabukasan.

[transcriber’s note: the following sidebar text box sits beside the paragraph above]

Kultura ang tawag sa mga nabuong gawi ng pamayanan.

Lipunang Pampolitika

Habang lumalaki ang mga grupo, nagiging mas mahirap na pakinggan ang lahat at panatilihin ang dating nakukuha lamang sa bigayan at pasensiyahan. Kung ang magkakabarkada ay nagkakaunawaan na sa kindatan at ang magkakapit-bahay sa pakiramdaman at delikadesa, sa isang lipunan, nangangailangan na ng isang mas malinaw na sistema ng pagpapasya at pagpapatakbo. Sa dami ng interes na kailangang pansinin at pakinggan, sa dami ng nagkakaiba-ibang pananaw, sa laki ng lugar na nasasakop, mas masalimuot na ang sitwasyon. Hindi na lamang iisang kultura ang mayroon, marami pang nagkakaiba-iba at nagbabanggaang kultura ang umiiral na pare-parehong nagnanasa ng pagyabong. Ito ang kinakaharap ng lipunan: paano siya makagagawa at magiging produktibo sa harap ng maraming mga kulturang ito? Paano magiging isa pa rin ang direksyon ng bayan sa dami ng mga tinig at lugar na gustong tunguhan ng mga tao?

Sa barkada at pamayanan, basta sumusunod ang mga kasapi sa mga tumatayong lider kahit sa una’y ayaw naman talaga. Bakit? Mayroong nakikita sa kanilang pag-aalab ng kalooban. May matatayog silang pangarap na nakikita nilang maaaring maabot sa pakikipagtulungan sa iba. May talas sila ng paningin upang makita ang potensiyal ng grupo o pamayanan. Malay sila sa layuning komyunal. Mulat sila sa mga katutubong yaman ng grupo at ang mga potensyal sa pag-unlad nila nang samasama. May husay sila sa pagsasalita upang ipahayag ang kanilang nakikita at may kakayahan silang pag-alabin din ang damdamin ng kanilang mga kasama tungo sa isang hangarin. Hindi lahat ng tao ay ganyan. At ang mga ganyan, ang mga Tonio at Aling Cora, ang natural na nagiging pinuno ng lipunan.

[transcriber’s note: the following sidebar text box sits beside the paragraph above]

Ito ang kinakaharap ng lipunan ang makagawa at maging produktibo sa harap ng maraming mga kulturang ito. Maging isa pa rin ang direksyon ng bayan sa dami ng mga tinig at lugar na gustong tunguhan ng mga tao.

Tayo

Isang pagpapabaya ang isipin na ang mga gawain nina Tonio at Aling Cora na lamang ang dapat magpatakbo ng lipunan, na ilagak na lamang sa kanilang mga kamay ang kasalukuyan at kinabukasan nating lahat dahil sa pagtitiwalang magaling sila. Ang lipunan ay hindi pinapatakbo ng iilan. Kailangan pa ring makilahok ng taumbayan, gawin ang kayang gawin ng bawat isa, at ibahagi ang bunga ng paggawa sa bayan. Maaaring mahusay na pinuno si Tonio, ngunit kailangan niya ng katuwang upang maisagawa ang malalaki niyang proyekto. Ang totoo, hindi naman talaga sa kaniya ang proyektong kaniyang pinasisimulan. Ang mga ito ay proyekto ng kaniyang mga kasamahan na nagkataong siya lamang ang nakapagpaliwanag at nanguna sa paggawa. Ang proyekto ng pinuno ay hindi proyektong para sa kanyang sarili. Ito ay proyekto ng at para sa kaniyang pinamumunuan.

Kaya’t hindi mula sa “itaas” patungo sa “baba” ang prinsipyo ng mahusay na pamamahala. Kailangan ang pakikipagtalaban ng nasa “itaas” sa mga nasa “ibaba.” Ang gagawin ng pinuno ay ang gusto ng mga pinamumunuan at ang pinamumunuan naman ay susumunod din sa giya ng kanilang pinuno. Gabay sa ugnayang ito ang Prinsipyo ng Subsidiarity at Pagkakaisa (Solidarity) na pangunahing kondisyon upang maging maayos ang lipunan. Sa Prinsipyo ng Subsidiarity, tutulungan ng pamahalaan ang mga mamamayan na magawa nila ang makapagpapaunlad sa kanila. Sisiguraduhin nito na walang hahadlang sa kalayaan ng mga mamamayan mula sa mga pinuno sa pamamagitan ng pag-aambag sa estado ng kanilang buwis, lakas at talino. Hindi panghihimasukan ng mga lider ng pamahalaan kung paano mapauunlad ng mga mamamayan ang kanilang sarili.

Sa Prinsipyo ng Pagkakaisa, tungkulin ng mga mamamayan ang magtulungan at ng pamahalaan ang magtayo ng mga akmang estruktura upang makapagtulungan ang mga mamamayan. Mailalagay sa ganitong balangkas ang Prinsipyo ng Pagkakaisa: “May kailangan kang gawing hindi mo kayang gawing mag-isa, tungkulin ko ngayong tulungan ka sa abot ng makakaya ko. Ako naman ay may kailangang gawin nang mag-isa, tungkulin mo ngayon na tulungan ako sa abot ng makakaya mo”. Tungkulin nating magtulungan tungo sa pag-unlad ng ating lipunan.

Kapwa-Pananagutan

Ang lipunang pampolitika ay isang ugnayang nakaangkla sa pananagutan-ang pananagutan ng pinuno na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan ng pamayanan. Iginagawad sa kanila ng buong pamayanan ang tiwala na pangunahan ang grupo—ang pangunguna sa pupuntahan, ang paglingap sa pangangailangan ng bawat kasapi, ang pangangasiwa sa pagsasama ng grupo. Kasama nito ang pananagutan ng mga kasapi sa lipunan na maging mabuting kasapi sa lipunan. Kung hindi tutuparin ng mga kasapi ang kanilang papel, kung hindi sila makikisali sa pag-iisip at pagpapasya, kung hindi sila makikilahok sa mga komyunal na gawain, kung hindi sila magiging maigi sa kanilang mga paghahanap-buhay, hindi rin tatakbo ang pamahalaan at lipunan.

Ang pag-unlad ng isang lipunan ay hindi gawa ng pinuno. Gawa ito ng pag-aambag ng talino at lakas ng mga kasapi sa kabuuang pagsisikap nglipunan

Dagdag na Komplikasyon

Marahil may magtatanong kung bakit pa siya makikilahok kung sa huli’t huli ay ang mayorya naman ang masusunod. Sasabihin niya, “Hindi rin naman mahalagang magsalita pa. Nag-iisa lang naman ako. Ang masusunod naman ay ang marami.“

Kailangan pa ring magsalita kahit isang mumunting tinig lamang ang sa iyo. Hindi mabubuo ang marami kung wala ang iilan. Sa kabila ng dunong ng pinuno at/o ng mayorya, kung minsan, mula sa isang salungat na opinyon isinisilang ang pinakamahusay na karunungan. Si Ninoy ay isang tinig lamang na nagpasimula ng pagsasalita ng marami pang ibang sinisikil ng diktadurang Marcos. Si Martin Luther King ay isang tinig lamang ng mga African-American na sumigaw ng pagkilala sa tao lagpas sa kulay ng balat. Si Malala Yousafzai ay isang tinig ng musmos na naninindigan para sa karapatan ng mga kababaihan na makapag-aral sa Pakistan sa kabila ng pagtatangka sa kaniyang buhay. Hindi mabubuo ang walis-tingting kung wala ang isang tangkay.

Maaaring tututol pang muli ang nawalan ng pagtitiwala sa namumuno. Kanyang sasabihin: “Matagal na akong tumutulong sa pamahalaan. Tapat ako sapagbabayad ng buwis. Naglilingkod ako nang wagas sa bayan. Ang lahat ng paghihirap ko ay inuubos lamang ng mga kurap sa pamahalaan.” Lalong higit tuloy ngayon kailangang gumising at magbantay. Sa harap ng garapal at talamak na kurapsyon, kailangang maging mas maingat ang taumbayan sa pagbibigay ng tiwala. Ang pagtitiwala ay ipinagkakaloob at maaari ring bawiin. Hindi utang na loob ng taumbayan sa mga pinuno ng pamahalaan ang kanilang paglilingkod.”Baliktad ito: ang kapangyarihan ay ipinagkatiwala lamang sa mga namumuno. Ang bayan ay ipinagkatiwala lamang sa mga namumuno. Ang namumuno ay hindi espesyal na nilalang na hiwalay sa kasaysayan ng tao at ng bayan. Nangunguna lamang sila sa grupo, hindi nasa itaas ng iba. Bahagi pa rin sila sa kuwento at kinabukasan ng bayan. Utang na loob nila sa taumbayan na ipinaubaya sa kanila ang pangunguna sa mga hangarin ng bayan.

Sino ang “boss”?

Sa unang talumpati ni Noynoy Aquino pagkatapos niyang manumpa bilang pangulo ng bansa, sinabi niyang “Kayo (ang taumbayan) ang boss ko!” Kontra ito sa nakasanayang pangingibabaw ng mga pinuno sa lipunan. Hudyat ito ng pagbabago sa pagtingin sa pamahalaan bilang nasa itaas at ang mamamayan ang nasa ibaba. Inilagay ang mga mamamayan sa pedestal; ang pangulo ang maglilingkod sa kanila. Subalit, hindi pa rin maaalis ang katotohanang may higit na kapangyarihan at lawak ng pananaw ang pinuno na kailangang yukuan at pagtiwalaan ng ordinaryong mamamayan. Kaya’t sino talaga ang “boss”?

Kapwa “boss” ang pangulo at ang mamamayan. Tulad ng isang barkada, walang sinuman ang nangunguna. Totoo, may mas bibo at may hindi aktibo, ngunit kapwa silang nag-uugnayan sa loob ng barkada. Sa Lipunang Pampolitika ang ideal ay mabigyang prayoridad at pagpapahalaga ang mga ugnayan sa loob nito. Hindi ang mga personalidad ang mahalaga. Ang mahalaga ay ang kabutihang panlahat, ang pag-unlad ng bawat isa. Ang modelo ay ang relasyon ng magkakabarkada. Walang

“boss” sa barkada. Hindi ang pinuno, hindi ang mas marami, hindi rin naman ang iilan. “Boss” ng bayan ang pinuno—magtitiwala ang bayan sa pangunguna ng pinuno dahil may nakikitang higit at dakila ang pinuno para sa kasaysayan at kabutihang panlahat. “Boss” naman ng pinuno ang taumbayan—walang gagawin ang pinuno kundi ingatan, payabungin, at paunlarin ang mga karapatan at kalayaan ng mga tao sa bayan. Ngunit nakasukob sila sa kaisa-isang kabutihang panlahat na nakikita at natutupad sa kanilang pag-uusap at pagtutulungan. Ang Lipunang Pampolitika ay ang proseso ng paghahanap sa kabutihang panlahat at pagsasaayos ng sarili at ng pamayanan upang higit na matupad ang layuning ito. Ang tunay na “boss” ay ang kabutihang panlahat—ang pag-iingat sa ugnayang pamayanan at ang pagpapalawig ng mga tagumpay ng lipunan.

Suriin

Gawain 1: Samahang aking Kinabibilangan!

Panuto: Gawin ang mga sumusunod:

  1. Gumawa ng profile ng samahang kinabibilangan. Pumili ng isa sa mga sumusunod:
    a. pamilya
    b. barkada
    c. klase sa paaralan
    d. organisasyong kinaaaniban, at iba pa
  2. Ang magiging anyo ng profile na bubuuin ay isang pahina ng scrapbook, magasin, o iba pang malikhaing disenyo.
  3. Kakailanganin mo ang mga sumusunod na kagamitan:
    a. lumang magasin
    b. gunting
    c. malinis na papel
    d. pandikit
    e. pangkulay
    f. mga larawan na may sukat na 2 x 2
    g. panulat
    h. pandisenyo (gamit ang recycled materials)
  4. Sumulat ng maikling paglalarawan sa bawat isa. Mahalagang maipakita sa paglalarawan kung paanong namumubukod-tangi ang bawat isa.
  5. Kailangang isa-isahin ang mga sumusunod:
    a. pagkakapare-pareho ng mga katangian (ano ang katangiang taglay ng lahat)
    b. pagkakaiba-iba ng bawat isa (ano ang nagpapabukod-tangi sa bawat isa)
  6. Tiyaking maipapakita ang pagkamalikhain sa isasagawang gawain.
  7. Pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod:
    a. Paano nakatutulong ang inyong pagkakapare-pareho sa pagiging isang matatag na samahan?
    b. Paano naman ninyo/mo hinaharap ang pagkakaiba-iba upang mapanatili ang magandang samahan?

REVISED RUBRICS SA PAGGAWA NG PROFILING

Napapakita angNapa-kaga-lingMaga-lingPwede naKulang sa GalingKulang na kulang sa Galing
Nilalaman ng Paksa (Ang pinakideya ng usapin at mga sariling halimbawa o sitwasyon) 20 puntos
Organisasyon ng Ideya (Naiuugnay-ugnay ng tama ang mga konseptong nailalahad/naipaliwanag 15 puntos
Pagkamalikhain (Paggamit ng mga estratehiya na nakapukaw sa atensyon at imahinasyon ng iba 10 puntos
Kalinisan (Malinis ang pagkakagawa) 5 puntos
Kabuuan50 puntos
Gawain 2: Gawin Ko!

Panuto: Bumuo ng kaisipan. Basahin ang isang sitwasyon sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

[illustration: two people beside a STOP sign with “STAY AT HOME” lettering and a virus graphic] https://www.sccgov.org/sites/covid19/Pages/publichealth-orders-tl.aspx

Noong Mayo 4, 2020 nagbigay ng bagong kautusan ang pamahalaan na magpatuloy sa pananatili sa tirahan hanggang Mayo 31, 2020. Pinahihintulutan nito ang ilang mga negosyo na magbukas na dati pinatigil muna sa operasyon sa ilalim ng Kautusan noong Marso 31 at ang ilang mahahalagang aktibidad na pinayagang magpapatuloy katulad ng lumahok sa “mahahalagang aktibidad” o magtrabaho para sa isang “mahalagang negosyo” kung hindi kayo maaaring magtrabaho sa bahay.

Nangangahulugan ito na pinahihintulutan kayong umalis sa inyong bahay para sa mga tinukoy na kadahilanan – tulad ng tiyakin na mayroon kayong mga pangangailangan sa buhay tulad ng pagkuha ng pagkain at gamot, o magsagawa ng trabaho para sa isang mahalagang negosyo na hindi makumpleto sa bahay. Pinapayagang lumabas upang alagaan ang alagang hayop o mag-ehersisyo hangga’t hindi magtitipon sa isang grupo at mapanatili ang hindi

bababa sa anim na talampakan na distansya sa pagitan ng ibang mga tao na hindi bahagi ng inyong pamilya o tirahan. Pinapayagan din ng bagong Kautusan ang”mga panlabas na negosyo” upang buksan ang kanilang mga pasilidad sa publiko.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa kuwaderno.

  1. Ano-ano ang mga katangiang nakikita sa sitwasyon na hawig sa isang lipunan?
  2. Mula sa mga katangiang ito, maari bang ituring na isang lipunang pampolitika ang sitwasyong ito? Pangatwiranan.
  3. Bakit mahalagang mayroong samahan at namumuno? Pangatwirana ang iyong sagot.
  4. Paano magkakaroon ng katiwasayan sa isang pangkat o samahan?
  5. Anu-ano ang mga pangangailangan ng tao na hindi niya kayang tugunan nang mag-isa?
  6. Sino ang makatutulong sa kaniya upang ito ay tugunan? Sa paanong paraan?
  7. Sa paanong paraan makakamit ng samahan ang kanilang mga layunin? Ano-ano ang mga bahaging gagampanan ng mga kasapi sa pagkamit nito?

PAMANTAYAN SA PAGGAWA

PAMANTAYAN10 puntos7 puntos4 puntos1 puntosIbinigay na puntos
NilalamanAng mensahe ay mabisang naipakitaDi gaanong naipakita ang mensaheMedyo magulo ang mensaheWalang mensaheng naipakita
KaugnayanMay malaking kaugnayan sa paksaDi gaanong may kaugnayan sa paksaKaunti lang ang kaugnayan sa paksaWalang kaugnayan sa paksa
KalinisanMalinis na malinis ang kabuuanMalinis ang pagkakabuoDi gaanong malinis ang pagkakabuoMarumi ang pagkakabuo
Kabuuan
Pagyamanin

Anong mahalagang konsepto ang nahinuha mo mula sa nagdaang gawain at babasahin? Gamit ang graphic organizer, ipakita kung paano naaabot ng lipunang pampolitika ang tunguhin na kabutihang panlahat.

Pag-uugnay ng Batayang Konsepto sa Pag-unlad Ko Bilang Tao
  1. Ano ang kabuluhan ng Batayang Konsepto sa aking pag-unlad bilang tao?
  2. Anu-ano ang maaari kong gawin upang mailapat ang aking mga pagkatuto sa modyul na ito?

[illustration: a lightbulb and a hand holding it]

MGA PAMANTAYAN SA PAGGAWA

  • Nilalaman – 10 puntos
  • Organisasyon – 10 puntos
  • Presentasyon – 5 puntos
  • Kabuuan – 25 puntos

Ano ang naunawaan mo sa iyong binasa? Upang masubok ang lalim ng iyong naunawaan sagutin mo ang sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno:

  1. Ilahad ang pagkakaiba ng pamayanan at lipunan.
  2. Ano ang tungkulin ng pamahalaan?
  3. Gaano kahalaga ang prinsipyo ng pakikipagtulungan at pakikipagbukluran sa loob ng lipunan?
  4. Ipaliwanag kung bakit ang pagpapatakbo sa lipunan ay kapwapananagutan ng pinuno at mamamayan?
  5. Bakit may mga taong ayaw makilahok sa lipunan? Ano nga ba ang nararapat na gawi o kilos ng tao sa lipunan?
  6. Paano mo mapangangatwiranan na hindi dapat tumigil sa pakikilahok sa pagpapatakbo ng estado kahit na marumi at magulo ang Lipunang Pampolitika?
  7. Sa anong sitwasyon ginagamit ang salitang “boss” upang ipaliwanag ang paghaharing angkan sa pagpapatakbo ng estado?

Pamantayan sa Gawain

Kraytirya15105Kabuuan
Kaalaman / Pag-unawaMalalim ang pag-unawa sa sitwasyon na binibigyang reaksiyon- Nakaangkla sa moral na batayan ang ibinigay na reaksiyonKatamtaman ang lalim ng pag-unawa sa sitwasyong binibigyang reaksiyon – May pinagbatayan ang ibinigay na reaksiyonMababaw ang pag-unawa sa sitwasyon na binibigyang reaksiyon – Walang pinagbatayan ang ibinigay na reaksiyon
Gamit ng isip at kilos-loobIpinakita ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loobIpinakita ang gamit at kilos-loobHindi masyadong nabigyang pokus ang gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob
OrganisasyonMaayos at malinaw ang pagkakabuo at pagkakalahad ng reaksiyonHindi gaanong maayos at malinaw ang pagkakabuo at pagkakalahad ng reaksiyonMay kalabuan ang pagkakabuo at pagkakalahad ng reaksiyon

Isagawa

Gawain 1 Pagtatala

Panuto: Gawin ang mga sumusunod sa kuwaderno:

  1. Magtala ng mga tatlong (4) kapansin-pansin na eksena sa inyong baranggay na nagpapakita ng pag-iral o pag-labag sa Prinsipyo ng Subsidiarity at Solidarity. Maaring gamitin ang pormat na nasa ibaba.
EksenaPag-iral: SubsidiarityPag-iral: SolidarityPaglabag: SubsidiarityPaglabag: Solidarity
1.
2.
3.
4.

a. Pagkatapos, sagutin ang mga sumusunod na tanong:

  • i. Ano sa mga eksenang iyong naitala ang kayang magawa ng isang kabataang katulad mo?
  • ii. Alin sa mga naitala ang mahalagang masimulan mo nang gawin? Ipaliwanag.
  • iii. Paano matiwasay na iiral ang isang lipunan?
  • iv. Paano matitiyak na mananaig ang Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa?
PAMANTAYAN SA PAGGAWA
PAMANTAYAN10 puntos7 puntos4 puntos1 puntosIbinigay na puntos
NilalamanAng mensahe ay mabisang naipakitaDi gaanong naipakita ang mensaheMedyo magulo ang mensaheWalang mensaheng naipakita
KaugnayanMay malaking kaugnayan sa paksaDi gaanong may kaugnayan sa paksaKaunti lang ang kaugnayan sa paksaWalang kaugnayan sa paksa
KalinisanMalinis na malinis ang kabuuanMalinis ang pagkakabuoDi gaanong malinis ang pagkakabuoMarumi ang pagkakabuo
Kabuuan

Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik nito sa iyong kuwaderno.

  1. Alin ang HINDI tumutukoy sa kultura?

    • A. gawi
    • B. tradisyon
    • C. lipunan
    • D. nakasanayan
  2. Ano ang mangyayari sa isang lipunan kung walang pagkakaisa?

    • A. Magtutulungan
    • B. Magbibigayan
    • C. magkakawatak-watak
    • D. magkakasama
  3. Aling pagpapasya ang pinaiiral ng isang namumuno sa Lipunang Politikal?

    • A. kapakanan ng iilan
    • B. kabutihang panlahat
    • C. sariling interes
    • D. mahigpit na pamamalakad
  4. Paano mo masasabi na pinamamahalaan nang mahusay ang isang lipunan?

    • A. laging nangongolekta ng buwis
    • B. inuuna ang kapakanan ng sarili
    • C. isinasaalang-alang ang kabutihang panlahat
    • D. isinasantabi ang mga suliranin kinakaharap ng lipunan
  5. Bakit pinaiiral ng pamahalaan ang mga batas na dapat sundin ng mamamayan?

    • A. upang magkaroon ng sistema at kaayusan sa lipunan
    • B. upang maisakatuparan ang iminungkahing batas
    • C. para magkaroon ng pagbabago sa lipunan
    • D. para maging alerto ang lahat
  6. Anong katangian mayroon ang isang mahusay na pinuno?

    • A. mapagkakatiwalaan ng pamayanan
    • B. may angking talino at kakayahan
    • C. may higit na tiwala sa sarili
    • D. nakagagawa ng mga batas
  7. Ano ang magyayari sa isang baranggay na apektado ng lockdown ng halos isang buwan dahil sa paglaganap ng COVID-19 Pandemic kung walang tulong na matatanggap mula sa gobyerno?

    • A. maghahanapbuhay ang mga tao
    • B. maghihintay ang mga tao
    • C. magbibigayan ang mga tao
    • D. mag-aalsa ang mga tao
  8. Aling gawain ang tumutukoy sa prinsipyo ng pagkakaisa?

    • A. pagbabayad ng buwis
    • B. bayanihan
    • C. pag-aaklas
    • D. 4Ps
  9. Bakit mahalaga ang prinsipyo ng solidarity at subsidiarity sa loob ng lipunan?

    • A. magkaroon ng kapayapaan
    • B. para maiwasan ang pagkawatak-watak
    • C. upang maging matiwasay ang pamamalakad
    • D. pagkakaroon ng pagkakaisa tungo sa pag-unlad
  10. Sa paanong paraan uunlad ang isang lipunan?

    • A. pag-aambag ng talino at lakas ng bawat kasapi sa kabuuang pagsisikap ng lipunan
    • B. pagsisikap ng mga kasapi lamang na mapaunlad ang lipunan
    • C. pagpupunyagi ng mga tao na makapaghanapbuhay
    • D. pagsisikap ng pangulo na umunlad ang lipunan

Karagdagang Gawain

Pagsulat ng Liham

Panuto:

  1. Gumawa ng isang liham na magpapakita ng kagustuhan na maabot ang kabutihang panlahat sa pamamagitan ng maliit ngunit epektibong kakayahan na magmumula sa iyo.
  2. Isulat ang mga mumunting kakayahan na puwede mong magawa sa isang metacard. Idikit ito sa loob ng iyong kwarto upang madaling makita at matandaan. (Hal.: Simula ngayon, bibigyan ko ng pagkakataon ang iba kong kaklase na magbahagi ng kanilang opinyon o ng ibang gawain sa isang pangkatang proyekto para mas mapadali ang mga gawaing pampaaralan.

MGA PAMANTAYAN SA PAGGAWA

Nilalaman – 10 puntos Organization – 10 puntos Presentasyon – 5 puntos Kabuuan – 25 puntos

Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: the answer keys on this page are printed upside down]

Subukin
  1. a
  2. d
  3. c
  4. b
  5. a
  6. a
  7. d
  8. b
  9. b
  10. c
Tayahin
  1. c
  2. c
  3. b
  4. c
  5. a
  6. d
  7. b
  8. b
  9. d
  10. a

Sanggunian

Baliao and Parcon (2012), Society and Culture in a Changing World, Quezon City: Rex Bookstore

Blackburn, S. (2005), Oxford Dictionary of Philosophy, New York: Oxford University Press

Dinio and Cuano (2011), Ang Pagsasabuhay, Quezon City: Rex Bookstore

Dy, M B. (2013) Contemporary Social Philosophy, Makati City: Katha Publishing Co., Inc.

Glenn, PhD, STD, Paul J. (1965). Ethics A Class Manual in Moral Philosophy, London: B. Herder Book Co.

Law, Stephen (2007). Philosophy, Strand, London: Dorling Kindersley Limited

Panopio and Raymundo (2004), Sociology Focus on the Philippines, Quezon City: Ken Inc.

Plattel, M.G. (1965) Social Philosophy. Translated by Henry J. Koren. Pittsburgh: Duquesne University Press Punsalan et al., Kaganapan sa Paggawa, Quezon City: Rex Bookstore, 2007

Contemporary Social Philosophy.Edited by Manuel B. Dy, Jr. Quezon City: JMC Press, Inc., 1994.

Rorty, R. (1998). Truth and Progress: Philosophical Papers. Vol. 3. Cambridge: Cambridge University Press

Scheler,M. (1973) Formalism in Ethics and Non-Formal Ethics of Values: A New Attempt toward the Foundation of an Ethical Personalism. Translated by Manfred S. Frings and Roger L. Funk. Evanston: Northwestern University Press

Walgrave, J. (c1965). Person and Society: A Christian View. Pittsburgh, Duquesne University Press

Websites:

http://www.inquisition.ca/en/polit/artic/solidarite.htm

http://www.inquisition.ca/en/polit/artic/solidarite.htmlexchristianorum.blogspot.com [transcriber’s note: the original line break falls inside this URL, between “solidarite.ht” and “mlexchristianorum”; the two parts are joined here]

http://www.federalunion.org.uk/subsidiarityman/

https://www.google.com.ph/search?q=subsidiarity&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ei=uvqCUttT5JaIB6qrgagH&sqi=2&ved=0CAcQ_AUoAQ&biw=1366&bih=665#q=solidarity&tbm=isch&facrc=_&imgdii=_&imgrc=ZvDQ9C4bLRe0CM%3A%3BUo6YLbQQBhx

5rM%3Bhttp%253A%252F%252Fwww.wallsave.com%252Fwallpapers%252F1024x1024%252Fembroidery-design%252F300226%252Fembroidery-design-solidarity-economy-movement-network-300226.jpg%3Bhttp%253A%252F%252Fwww.wallsave.com%252Fwallpaper%252F1024x1024%252Fembroidery-design-solidarity-economy-movement-network-300226.html%3B1024%3B1024

Albert Schweitzer on Ethics

httpwww.federalunion.org.ukwpcontentuploads200909subsidiarityman-753766.gif

http://hans.wyrdweb.eu/wp-content/uploads/2009/07/peer-group.jpg

httpwww.dsusd.k12.ca.ususerskevin.husenAmericanGovBookebookproducts0-13-251359-5MAG01se0101a5258.gif

http://www.bridgemarkbranding.com/resources/Bridgemark/BackgroundImages/About_PeopleLanding_LG.jpg

http://www.thelazy.info/wp-content/uploads/2011/03/what_politics_say48305.jpg

https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/boy-with-medical-mask- andhand-sanitizer- gel-vector-30574699
https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/coronavirus-2019-ncov-worldstop-icon- corona-vector-30711846
https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/stay-at-home-young-man-withprotective-mask-in-vector-30386077

https://www.sccgov.org/sites/covid19/Pages/public-health-orders-tl.aspx

https://youtu.be/5inFaaX1Grg

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district