This is the Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) Grade 9 self-learning module for Quarter 1 (Unang Markahan), Module 4: “Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat, Lahat Maiaangat” (the goal of society: the common good, so that everyone is lifted up). It was prepared by DepEd Region IX as an Alternative Delivery Mode (ADM) module, first edition 2020. It is for Grade 9 learners studying at home, and it helps them plan and carry out a project that serves their community.
The module is built around one essential question: “Paano nakatutulong sa paghubog ng pagkatao ang lipunan?” (How does society help shape a person?)
On this page 6 sections
What learners will learn
The module targets competency 1.4: learners carry out a project that helps a community or sector with its livelihood, cultural, or peace needs. By the end, learners should be able to:
- Plan a project or activity that helps a community or sector with its livelihood, cultural, and peace needs.
- List the steps for doing a project that shows the common good (kabutihang panlahat).
- Carry out a project or activity that helps a community or sector with its livelihood, cultural, and peace needs.
Parts of this module
The module has one lesson, Aralin 1, with the same title as the module. It follows the usual self-learning module parts:
- Subukin (pretest): 10 multiple-choice questions on the common good.
- Balikan (review): a recall of the earlier lesson on the elements of the common good. It asks how you show respect to parents and elders, for example through pagmamano and saying “po” and “opo”, and how you follow laws and help keep peace.
- Tuklasin, Gawain 1: plan an activity that shows the common good and list its steps in order.
- Suriin: the main reading, with key terms and obstacles to the common good.
- Pagyamanin, Gawain 2: carry out the Gawain 1 plan, take photos of the community activity, and make a video presentation.
- Isaisip, Gawain 3: match terms to their meanings.
- Isagawa, Gawain 4: explain in your notebook how institutions help a person.
- Tayahin, Gawain 5: a 10-item posttest.
- Karagdagang Gawain, Gawain 6: “Pagkakawan” (giving help), a helping activity during the COVID-19 pandemic.
- Susi sa Pagwawasto: the answer key.
Key ideas: society and the common good
The Suriin section starts from the saying “Binubuo ng TAO ang LIPUNAN, Binubuo ng LIPUNAN ang TAO” (people make up society, and society shapes people). No society can exist without people, and our life with others, being “kasama-ng-kapwa”, gives our humanity its fullness. That only happens when we take part and live with others.
The module defines these terms:
| Term | Meaning in the module |
|---|---|
| Pamilya (family) | The basic unit of society: two or more people related by blood, marriage, adoption, or living in one home |
| Paaralan (school) | An organization, institution, or place where learners’ moral, physical, and spiritual minds are formed |
| Lipunan (society) | A group of people linked by patterns of relationships, who share a distinct culture and/or institutions |
| Komunidad (community) | A group of interacting people living close together, in space, time, or relationship |
| Kabutihang panlahat (common good) | Good that agrees with human morality and the natural moral law |
Obstacles to the common good
The module names three hindrances (mga hadlang):
- Enjoying the benefits of the common good but refusing to do your share to achieve it.
- Individuals who pursue only their personal goals.
- Feeling cheated, or feeling that you contribute more than others.
Examples from the module
The tests show what the common good looks like in daily life. Joining a bayanihan to clean the neighborhood, taking part in barangay programs that help those in need, and defending someone who is being bullied all show the common good. Judging others (panghuhusga) does not. Helping only when friends help or only when paid also falls short.
In Gawain 4, learners think about how the school, church, family, business, and government help a person. They also consider what would happen to society if these sectors failed to do their duties. The module states that the goal of society is a peaceful life for every citizen.
How to use this module
- Learners: Start with the Subukin pretest, then work through the parts in order. Write your answers on a separate sheet or in your notebook, and do not write on the module. Check your answers with the Susi sa Pagwawasto honestly. For Gawain 6, choose one activity, such as making masks and PPE, making a thank-you slogan or video for frontliners, or helping with barangay relief goods. Then document it in time order.
- Parents and guardians: Help your child plan and safely carry out the community activity in Gawain 1, 2, and 6. Gawain 2 asks learners to post the video on Facebook, so check with the teacher if that is not possible.
- Teachers: The module notes ask you to check answers and give feedback right after the learner finishes. If a score is below 100%, encourage the learner to repeat until they reach full mastery.
The performance tasks (Gawain 1, 2, 4, and 6) use the same rubric:
| Criterion | Weight |
|---|---|
| Nilalaman (content) | 50% |
| Presentasyon (presentation) | 30% |
| Pagkamalikhain (creativity) | 15% |
| Pagkana sa panahon (timeliness) | 5% |
| Total | 100% |
Frequently asked questions
What grade and quarter is this EsP module for?
It is for Grade 9 Edukasyon sa Pagpapakatao, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 4.
What does kabutihang panlahat mean?
It means the common good. The module defines it as good that agrees with human morality and the natural moral law.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for the Subukin pretest, the Isaisip matching activity, and the Tayahin posttest.
What are the obstacles to the common good?
The module lists three: enjoying the benefits without doing your share, pursuing only personal goals, and feeling that you contribute more than others.
How are the project activities graded?
They use a rubric of content (50%), presentation (30%), creativity (15%), and timeliness (5%).
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Edukasyon sa Pagpapakatao – Unang Markahan – Modyul 4: Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat, Lahat Maiaangat
9
Edukasyon sa Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 4: Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat, Lahat Maiaangat
[illustration: students reading and studying under a tree, at a desk, and with a globe, with a child studying by lamplight]
CO_Q1_EsP9_ Module4
PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 4: Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat, Lahat Maiaangat
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang ano mang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Hannah Cristina A. Limen, Jodith B. Cabañog Editor: Hannah Cristina A. Limen, Jodith B. Cabañog, Filma B. Catalan Tagasuri: Mona Lisa M. Babiera, Baby Aida S. Awang, Rose Marie E. Diocares Tagaguhit: Tagalapat: Gemma S. Malicay Tagapamahala: Isabelita M. Borres, Eugenio B. Penales, Sonia D. Gonzales, Jeanelyn A. Aleman, Evelyn F. Importante, Rose Marie E. Diocares
Department of Education – Region IX Office Address: Regional Center, Balintawak, Pagadian City E-mail Address: region9@deped.gov.ph
9
Edukasyon sa Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 4: Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat, Lahat Maiaangat
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan naming na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kani na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Ang modyul na ito ay dinesenyo at sinulat para sa iyo. Nandito ito upang tulungan kang maging bihasa sa Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat (1.4 Naisasagawa ang isang proyekto na makatutulong sa isang pamayanan o sector sa pangangailangang pangkabuhayan, pangkultural, at pangkapayapaan. Ang saklaw ng modyul na ito ay nagpapahintulot na gamitin sa iba’t-ibang sitwasyon.
Sa modyul na ito ay inaasahang masasagot mo ang mahahalagang tanong na: Paano nakatutulong sa paghubog ng pagkatao ang lipunan? At inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
- Nakapagpaplano ng isang proyekto o gawain na makatutulong sa isang pamayanan o sector sa pangangailangang pangkabuyan, pangkultural, at pangkapayaan
- Nakapagpapatala ng mga hakbang upang makagawa ng isang proyektong nagpapakita ng kabutihang panlahat
- Naisasakatuparan ang isang proyekto o gawain na makatutulong sa isang pamayanan o sector sa pangangailangang pangkabuyan, pangkultural, at pangkapayaan
Subukin
PANUTO. Basahing mabuti ang bawat pangugusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik nito sa sagutang papel.
Alin ang nagpakita ng kabutihang panglahat? “Ang tunguhin ng lipunan ay kailangang pareho sa tunguhin ng bawat indibidwal.” Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil sa ganitong pagkakataon matitiyak na makakamit ang tunay na layunin ng lipunan.
b. Tama, dahil mahalagang makiayon ang bawat indibidwal sa layuning itinalaga ng lipunan.
c. Mali, dahil may ibat-ibang katangian at pangangailangan ang bawat isang indibidwal.
d. Mali, dahil ang bawat indibidwal ng ating lipunan ang nararapat na nagtatakda ng mga layunin.Paano maisakatuparan ang konsepto ng katagang ito? “Kalayaan at pagkakapantay-pantay ang nararapat na manaig sa lipunan”
a. Ang kalayaan ay mahalaga upang mangingibabaw ang paggalang sa mga karapatan ng tao.
b. Pagkapantay pantay makamit ng tao sa lipunan ayon sa likas na batas.
c. Sa kalayaan masasakripisyo ang kabutihan ng indibidwal.
d. Sa pagitan ng kalayaan at pagkapantay pantay lahat ay mag alay ng sakripisyong mithiin.Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pagpapakita ng kabutihang panglahat?
a. Pagbisita ng regular sa bahay ng mga pinabayaang matatanda.
b. Pag-aalay ng magagandang mensahe para sa mga frontliners ng pandemyang Covid 19.
c. Pagtulong sa pamamahagi ng pagkain at damit sa mga nasalanta ng bagyo.
d. Pagtanggap ng mga pagkaing bigay ng pamahalaan.Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng kabutihang panlahat?
a. Nakikitang naglalaro si Jane sa kalsada kasama ang mga kaibigan.
b. May bayanihan sa paglilinis ng pamayanan nina Marko at isa siya sa tumutulong magbuhat ng mga mabibigat na bagay.
c. Naglilinis ng bahay ang nanay ni Ella habang siya ay nakahiga.
d. Nagluluto ang mga kapatid nina Joel at Ana para sa piknik.Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kabutihang panlahat?
a. Makisali sa kaguluhan sa inyong barangay.
b. Makilahok sa programa ng barangay sa pag-abot ng tulong sa mga nangangailangan.
c. Hayaan na lamang ang mga opisyal ng barangay ang gumawa ng paraan.
d. Magbigay ng ambag sa abot ng makakaya upang makatulong.Bakit mahalaga na makamit ang kabutihang panlahat?
a. para magkaroon ng matiwasay na samahan sa isang lipunan/pamayanan
b. para maging maayos ang buhay ng bawat isa
c. upang maipakita sa madla na may nagagawang tulong para sa kanila
d. para sa ikauunlad ng bayanAlin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng katangiang panlahat?
a. pakikiisa sa proyektong paglilinis
b. tutulong kung tutulong din ang mga kaibigan
c. tutulong kung may bayad na matatanggap
d. pag-iwas sa pagtulong sa paglilinis sa barangay dahil nahihiya kang makita ng mga kakilala moAng mga sumusunod ay hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat maliban sa:
a. paggawa ng tao ayon sa kaniyang pansariling hangad
b. pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiiambag ng sarili kaysa sa nagagawa ng iba
c. pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat at pagbabahagi para sa pagkamit nito
d. pagkakait ng tulong para sa kapwa na nangangailanganAng mga sumusunod ay nagpapakita ng halimbawa ng kabutihang panlahat maliban sa:
a. pakikipagkapwa-tao c. panghuhusga
b. pagbibigayan d. paggalangkabutihang panlahat ang pagtatanggol sa kapwa kapag siya ay inaapi?
a. Oo, sapagkat ito ay tungkulin natin bilang isang tao na magpapakita ng kabutihan sa kapwa.
b. Oo, sapagkat sa hinaharap ay makakatulong din sila sa atin.
c. Hindi, sapagkat tayo ay madadamay sa ginagawang pang-aapi sa ating kapwa.
d. Hindi, sapagkat hindi natin tungkulin na tumulong sa iba.
Aralin 1: Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat, Lahat Maiaangat
Ang modyul na ito ay ginawa upang mapahusay ang kaalaman at kakayahan sa Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat na naaayon sa pamantayan ng araling Edukasyon sa Pagpapakatao sa ika-9 na baitang.
Simulan ang modyul na ito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na nasa tekstong nasa ibaba.
Balikan
Iyong natutunan ang kahalagahan ng mga Elemento Ng Kabutihang Panglahat sa unang aralin. Ang kabutihang panglahat ay naaayon sa moralidad ng tao at Likas na Batas Moral.
Sa kasalukuyan, paano mo naipakikita ang paggalang sa iyong mga magulang o sa mga nakatatanda sa iyo? Nagagawa mo ba ang pagmamano at pagsasagot ng may “po” at “opo”? Paano mo naipakikita na ikaw ay may paggalang sa iyong lipunang kinabibilangan? Sinusunod mo ba ang mga alituntunin at mga batas na pinaiiral ng ating pamahalaan? Sa anong paraan? Paano ka nakatutulong sa pagpapalaganap at pagpapanatili ng kapayapaan? Sa anu-anong paraan mo naipapakita ang mga gawaing ito?
Ito ang mga paraan upang napatuyan mo na iyong isinasaalang-alang ang mga kabutihang panglahat.
Mga Tala para sa Guro
Suriin ang sagot ng mag-aaral. Bigyan agad ng komento ang mag-aaral pagkatapos makompletong masagot at magawa ang mga Gawain. Kung ang resulta ng pagsusuri ay mababa pa sa 100%, hingkayatin ang mag-aaral na ulitin hanggang maabot ang 100% kahusayan.
Tuklasin
Gawain 1:
- Magplano ng isang gawain na makapagpapakita ng kabutihang panlahat.
- Gumawa ng isang listahan ng mga magkakasunod-sunod na hakbang kung paano ito isasagawa.
| Pamantayan sa Pagwawasto | |
|---|---|
| Nilalaman | 50% |
| Presentasyon | 30% |
| Pagkamalikhain | 15% |
| Pagkana sa panahon | 5% |
| 100% |
Suriin
Ang ating pagiging kasama-ng-kapwa ay isang pagpapahalaga na nagbibigay ng tunay na kaganapan sa ating pagkatao. Makakamit lamang ito kung makikilahok at makikipamuhay ka sa kapwa.
Magbigay ng sariling opinion ukol sa mga katagang ito:
“Binubuo ng TAO ang LIPUNAN, Binubuo ng LIPUNAN ang TAO”
Ipinapahiwatig ng mga katagang ito na walang lipunang mabubuo kung wala ang mga tao dahil saklaw ng lipunan ang mga taong nasasakupan nito.
PAMILYA
- Pangunahing yunit ng lipunan
- Lipon ng dalawa o higit pa sa dalawang tao na magkaugnay sa dugo, sa bisa ng sakramento ng kasal o sa pamamagitan ng pag-aampon o paninirahan sa isang tirahan.
PAARALAN
- Isang organisasyon, institusyon o lugar kung saan hinuhubog at nililinang ang kaisipang moral, pisikal at spiritual ng mga mag-aaral.
LIPUNAN
- Isang pangkat ng mga tao na binibigyan ng katangian o paglalarawan sa mga huwaran ng mga pagkakaugnay ng bawat isa na binabahagi ang naiibang kultura at/o mga institusyon.
KOMUNIDAD
- Ito ay maaaring isang pangkat ng nag-uugnayang mga tao, na nabubuhay na magkakalapit, na ang kalapitan ay ayon sa puwang, oras o ugnayan.
KABUTIHANG PANLAHAT
- Kabutihang naayon sa moralidad ng tao at likas na batas moral.
MGA HADLANG SA PAGKAMIT NG KABUTIHANG PANLAHAT
- Nakikinabang sa benepisyo hatid ng kabutihang panlahat, subalit tinatanggihan ang bahaging dapat gampanan upang mag-ambag sa pagkamit nito.
- Mga indibidwal na may personal na mithiin.
- Ang pakiramdam na siya ay nalalamangan o mas malaki ang naiambag sa organisasyong mithiin.
[illustration: hand placing blocks]
Pagyamanin
Gawain 2:
- Mula sa Gawain 1, isasakatuparan ito sa pamamagitan ng pagkuha ng mga ilang larawan na nagpapakita ng gawaing komunidad o panlahat.
- Gumawa ng isang video presentation gamit ang mga nakuhang larawan at ilagay sa facebook; gawing sukatan sa paglinang ng kaalaman ang mga likes o komento nito.
Pamantayan sa Pagwawasto:
| Criterion | Weight |
|---|---|
| Nilalaman | – 50% |
| Presentasyon | – 30% |
| Pagkamalikhain | – 15% |
| Pagkana sa panahon | – 5% |
| 100% |
Isaisip
[illustration: hand holding a light bulb]
Gawain 3:
PANUTO. Piliin ang titik na may tamang kahulugan na nasa kahon at isulat sa patlang ng bawat aytem.
a. Tulong c. Pamayanan e. Batas b. Bayanihan d. Anti-korapsyon f. Karapatan
_____1. Nagpapakita ng pagtutulungan, pagdadamayan at pagkakaisa. _____2. Pamamahagi ng pagkain, damit at pera sa mga mahihirap. _____3. Ito ay karaniwang tumutukoy sa isang yunit na panlipunan o pakikipagkapwa na mas malaki kaysa sa isang tahanan, mag-anak o pamamahay na may pinagsasaluhang karaniwang mga pagpapahalaga at may matibay na pagsasamahang panlipunan. _____4. Ito ay mga alituntunin sa magandang asal na nag-uutos o nagbabawal sa pagitan ng tao at kapisan. _____5. Ang kapangyarihan o kalayaan na matarog na ipinagkaloob ng sinuman.
Isagawa
[illustration: hand holding nuts and bolts]
Gawain 4:
Ang layunin ng ating lipunan ay mabigyan ng matiwasay na pamumuhay ang bawat mamamayan.
Panuto: Sa inyong kwaderno gawin ang mga sumusunod:
- Paano nakatutulong sa isang indibiwal ang mga sumusunod na institusyon?
- Paaralan • Negosyo
- Simbahan • Pamahalaan
- Pamilya
- Sa iyong palagay, ano ang maaaring mangyari sa ating lipunan kung ang bawat sektor na ito ay hindi naisakatuparan ang kanilang tungkulin sa lipunan?
Pamantayan sa Pagwawasto:
| Criterion | Weight |
|---|---|
| Nilalaman | – 50% |
| Presentasyon | – 30% |
| Pagkamalikhain | – 15% |
| Pagkana sa panahon | – 5% |
| 100% |
Tayahin
[illustration: hand holding a pencil]
Gawain 5:
PANUTO: Basahing mabuti ang bawat pangugusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinaka angkop na sagot at isulat ang titik nito sa sagutang papel.
Alin ang nagpakita ng kabutihang panglahat? “Ang tunguhin ng lipunan ay kailangang pareho sa tunguhin ng bawat indibidwal” Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil sa ganitong pagkakataon matitiyak na makakamit ang tunay na layunin ng lipunan.
b. Tama, dahil mahalagang makiayon ang bawat indibidwal sa layuning itinalaga ng lipunan.
c. Mali, dahil may ibat-ibang katangian at pangangailangan ang bawat isang indibidwal.
d. Mali, dahil ang bawat indibidwal ng ating lipunan ang nararapat na nagtatakda ng mga layunin.Paano maisakatuparan ang konsepto ng katagang ito? “Kalayaan at pagkakapantay-pantay ang nararapat na manaig sa lipunan”
a. Ang kalayaan ay mahalaga upang mangingibabaw ang paggalang sa mga karapatan ng tao.
b. Pagkapantay pantay makamit ng tao sa lipunan ayon sa likas na Batas.
c. Sa kalayaan masasakripisyo ang kabutihan ng indibidwal.
d. Sa pagitan ng kalayaan at pagkapantay pantay lahat ay mag alay ng sakripisyong mithiin.Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pagpapakita ng kabutihang panglahat?
a. Pagbisita ng regular sa bahay ng mga pinabayaang matatanda.
b. Pag-aalay ng magagandang mensahe para sa mga frontliners ng pandemyang Covid 19.
c. Pagtulong sa pamamahagi ng pagkain at damit sa mga nasalanta ng bagyo.
d. Pagtanggap ng mga pagkaing bigay ng pamahalaan.Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng kabutihang panlahat?
a. Nakikitang naglalaro si Jane sa kalsada kasama ang mga kaibigan.
b. May bayanihan sa paglilinis ng pamayanan nina Marko at isa siya sa tumutulong na magbuhat ng mga mabibigat na bagay.
c. Naglilinis ng bahay ang nanay ni Ella habang siya ay nakahiga.
d. Nagluluto ang mga kapatid nina Joel at Ana para sa piknik.Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kabutihang panlahat?
a. Makisali sa kaguluhan sa inyong barangay.
b. Sumama sa kilusan ng barangay sa pamimigay ng pangunahing pangangailangan ng mga lubos na nangangailangan.
c. Hayaan na lamang ang mga opisyal ng barangay ang gumawa ng paraan.
d. MagbigayBakit mahalaga na makamit ang kabutihang panlahat?
a. Para magkaroon ng matiwasay na samahan sa isang lipunan/ pamayanan.
b. Para maging maayos ang buhay ng bawat isa.
c. Upang maipakita sa madla na may nagagawang tulong para sa kanila.
d. Para sa ikauunlad ng bayan.Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng katangiang panlahat?
a. Pakikiisa sa proyektong paglilinis.
b. Tutulong kung tutulong din ang mga kaibigan.
c. Tutulong kung may bayad na matatanggap.
d. Pag-iwas sa pagtulong sa paglilinis sa barangay dahil nahihiya kang makita ng mga kakilala mo.Ang mga sumusunod ay hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat maliban sa:
a. Paggawa ng tao ayon sa kaniyang pansariling hangad
b. Pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiiambag ng sarili kaysa nagagawa ng iba
c. Pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat at pagbabahagi para sa pagkamit nito
d. Pagkakait ng tulong para sa kapwa na nangangailanganAng mga sumusunod ay nagpapakita ng halimbawa ng kabutihang panlahat maliban sa:
a. Pakikipagkapwa-tao
b. Pagbibigayan
c. Panghuhusga
d. PaggalangNagpapakita ba ng kabutihang panlahat ang pagtatanggol sa kapwa kapag siya ay inaapi?
a. Oo, sapagkat ito ay tungkulin natin bilang isang tao na nagpapamalas ng kabutihan sa kapwa.
b. Oo, sapagkat sa hinaharap ay makakatulong din sila sa atin.
c. Hindi, sapagkat tayo ay madadamay sa ginagawang pag-aapi sa ating kapwa.
d. Hindi, sapagkat hindi natin tungkulin ang tumulong sa iba.
Karagdagang Gawain
[illustration: hand holding gears]
Gawain 6: Pagkakawan
- Pumili ng isang gawain na iyong maitutulong sa panahon ng krisis o pandemiya (Covid-19)
- Gumawa ng mga mask at PPE
- Gumawa ng slogan/video ng pagpapasalamat sa mga frontliners
- Makilahok sa programa ng barangay sa pamamahagi ng relief goods
- Mamahagi ng mga pangunahing pangangailangan sa mga sslubos na naapektuhan ng pandemiyang covid-19.
- Gawaan ng kronolohiyang dokumentasyon ang napiling gawain.
Pamantayan sa Pagwawasto:
| Criterion | Weight |
|---|---|
| Nilalaman | – 50% |
| Presentasyon | – 30% |
| Pagkamalikhain | – 15% |
| Pagkana sa panahon | – 5% |
| 100% |
Susi sa Pagwawasto
[illustration: hand holding a key]
Tayahin
B 1.
A 2.
D 3.
B/D 4.
B 5.
A 6.
A 7.
C 8.
C 9.
A 10.
Isaisip
B 1.
A 2.
C 3.
E 4.
F 5.
Subukin
B 1.
A 2.
D 3.
B/D 4.
B 5.
A 6.
A 7.
C 8.
C 9.
A 10.
Sanggunian
“Edukasyon Sa Pagpapakatao 9 Modyul Ng Mag-Aaral, Pp. 4-11,” March 31, 2014.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply