Ang modyul na ito ay dinesenyo at sinulat para sa iyo upang tulungan kang maging bihasa sa Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat. Ang saklaw ng modyul na ito ay nagpapahintulot na gamitin sa iba’t ibang sitwasyon.
Sa modyul na ito ay inaasahang masasagot mo ang mahahalagang tanong na:
- Paano makakamit at mapananatili ang kabutihang panlahat? Bakit mahalagang makamit at mapanatili ito?
At inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
1.1 Maibigay ang implikasyon ng kabutihang panglahat sa bawat gawain ng isang tao para sa ikakabuti ng lipunan.
1.2 Maisagawa ang gawain o aktibidad na nagpapakita ng pagsisikap ng bawat tao na makamit at mapanatili ang kabutihan panglahat.
1.3 Maisabuhay ang moral na pagpapahalaga ng mga puwersang magpapatatag sa lipunan.
esp9_q1_mod03_pinagtagpi-tagping-baro_v2