Ang modyul na ito ay dinesenyo at sinulat para sa iyo. Ito ay ginawa upang mapahusay ang iyong kaalaman at kakayahan at upang matulungan kang maging bihasa sa Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat (1.2 Nakapagsusuri ng mga halimbawa ng pagsasaalang-alang sa kabutihang panlahat sa pamilya, paaralan, pamayanan o lipunan).
Nakapaloob sa modyul na ito ang mga sumusunod:
A. Pagkakaiba ng Lipunan sa Komunidad
B. Iba’t ibang Sektor o Institusyong Panlipunan na Nakaaapekto sa Paghubog ng Pagkatao ng Tao
C. Mga Halimbawa ng Pagsasaalang-alang sa Kabutihang Panlahat sa Pamilya, Paaralan, Pamayanan o Lipunan
Inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
A. natutukoy ang iba’t ibang sektor o institusyong panlipunan;
B. nakapagsusuri ng mga halimbawa ng pagsasaalang-alang sa kabutihang panlahat sa pamilya, paaralan, pamayanan o lipunan; at
C. nakapagsasagawa ng survey tungkol sa mga suliraning kinakaharap ng komunidad o pamayanan.
esp9_q1_mod02_sektornglipunansalaminngpagkataoatkabutihan_v2