EsP 9 Quarter 1 Module 2: Sektor ng Lipunan: Salamin ng Pagkatao at Kabutihan

EsP 9 Quarter 1 Module 2 explains society vs. community, the sectors that shape a person, and the common good, with activities and a community survey task.

This is the self-learning module for Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) Grade 9, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 2: “Sektor ng Lipunan: Salamin ng Pagkatao at Kabutihan” (sectors of society: a mirror of personhood and goodness). It was prepared by DepEd Region IX as part of its Alternative Delivery Mode materials (first edition, 2020), so Grade 9 learners can study at home with help from a parent or guardian. After this module, learners should be able to tell society and community apart, name the sectors that shape a person, and spot examples of the common good in daily life.

On this page 8 sections

What learners will learn

The module builds the competency on Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat (the purpose of society: the common good), specifically 1.2: analyzing examples of how the common good is considered in the family, school, community, or society.

By the end of the module, learners are expected to:

  • identify the different sectors or social institutions (sektor o institusyong panlipunan);
  • analyze examples of considering the common good in the family, school, community, or society; and
  • carry out a survey about the problems their community faces.

What the module covers

The module has one lesson, Aralin 1, with three main topics:

  1. Pagkakaiba ng Lipunan sa Komunidad: the difference between society and community.
  2. Iba’t ibang Sektor o Institusyong Panlipunan: the different sectors or institutions that shape a person’s character.
  3. Mga Halimbawa ng Pagsasaalang-alang sa Kabutihang Panlahat: examples of the common good at home, in school, and in the wider community.

Key ideas: society, community, and the common good

The lesson starts from the saying “Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang” (no one lives for himself alone). It cites Dr. Manuel Dy Jr., a philosophy professor, who says that human life is social. It also asks learners to reflect on the line “Binubuo ng tao ang lipunan, binubuo ng lipunan ang tao” (people make up society, and society shapes people).

TermMeaning in the module
Lipunan (society)From the root word “lipon,” meaning group. People belong to a group that shares one direction or goal.
Komunidad (community)From the Latin “communis,” meaning common. Made up of people in a particular place who share interests, habits, or values; the unique traits of each member matter more.
Kabutihang panlahat (common good)The good of every individual in society; the general condition shared equally for the benefit of all members; goodness in line with human morality and the Natural Moral Law (Likas na Batas Moral).

Key ideas: the sectors of society

In the first activity, learners write a short script for six picture scenarios. The module then explains what each scenario shows:

  • Family: parents guide their children by teaching good manners, correcting mistakes, and shaping their character.
  • School: the second home, where a teacher helps learners grow in knowledge and work toward their dreams.
  • Kalakalan (trade and business): business helps the economy and the community grow by meeting people’s needs.
  • Love for others: giving to those in greater need, even in hard times, as in a food drive.
  • Hinaing ng masa (voice of the people): calling the government’s attention so people’s concerns are heard and peace and unity are kept.
  • Pananampalataya (faith): faith guides people to respect other beliefs; a difference in religion is no barrier to unity and respect.

The Isaisip (key message) part sums it up: being with others gives true fullness to our personhood, and the society we grow up in shapes who we are.

Activities in the module

  • Subukin: a 10-item multiple-choice pretest.
  • Tuklasin, Gawain 1: writing a script for six pictured scenarios on bond paper.
  • Pagyamanin: matching terms in Hanay A with Hanay B (for example, school with knowledge, government with law); a photo collage on the common good made from recyclable materials on cartolina; a “Puno ng Kabutihan” (tree of goodness) labeled with the elements of the common good; and a journal entry on how the common good can be achieved and kept. The collage, tree, and journal each come with a scoring rubric.
  • Isagawa: a community survey (see below).
  • Tayahin: a 10-item multiple-choice post-test.
  • Karagdagang Gawain: a short research write-up on the school, church, businesses, and government: their purpose, contribution, current state in the country, influence, and how they help a person grow.

The survey task

Learners choose one sector: school, church, family, businesses, or government. They ask people in their community what problems they see, which may be environmental, about peace, about order, or about education. Leaders of the chosen sector should be included. Learners then pick three problems, rank them by importance, write the full survey report on clean paper, and submit it to the teacher. It is graded on content (50%), relevance (20%), organization (20%), and neatness and overall presentation (10%). The module reminds learners to follow basic health protocols against COVID-19 while doing the survey.

How to use this module

  • Learners: Take the pretest first, then go through the parts in order. Write all answers on a separate sheet of paper, since the module asks you not to write on it so others can use it. Contact your teacher right away if a lesson is hard to understand.
  • Parents and guardians: The module notes that a teacher’s or facilitator’s guide comes with it, with tips for guiding your child at home. Help your child stay safe and organized during the community survey.
  • Teachers: The pretest shows who needs extra help, and the module ends with an answer key (Susi sa Pagwawasto) for the post-test and the matching activity. The survey and the extra research task are submitted to you and scored with the criteria printed in the module.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this EsP module for?

It is for Grade 9 Edukasyon sa Pagpapakatao, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 2.

What is the difference between lipunan and komunidad in this module?

Lipunan comes from “lipon” (group) and refers to people who share one goal or direction. Komunidad comes from the Latin “communis” (common) and refers to people in a particular place who share interests, habits, or values, where each member’s unique traits matter more.

What does kabutihang panlahat mean?

It means the common good: the good of every person in society, shared equally for the benefit of all, and in line with human morality and the Natural Moral Law.

Which sectors of society does the module discuss?

It discusses the family, school, business and trade, government, and church or faith, along with acts of charity, as forces that shape a person’s character.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the Tayahin post-test and the Pagyamanin matching activity.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Edukasyon sa Pagpapakatao – Unang Markahan – Modyul 2: Sektor ng Lipunan: Salamin ng Pagkatao at Kabutihan

9

CO_Q1_EsP9_ Module2

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 2: Sektor ng Lipunan: Salamin ng Pagkatao at Kabutihan Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Glorely V. Caparida, Luzviminda S. Cadungon Editor: Josephine V. Abedin, Leonel Rechie P. Cahanap, Filma B. Catalan Tagasuri: Lotta G. Ferraris, Mona Lisa M. Babiera, Charie S. Bato, Tagaguhit: Leonel Rechie P. Cahanap, Venice Jocefel S. Cahanap Tagalapat: Leonel Rechie P. Cahanap, Liezel R. Capitanea Tagapamahala: Isabelita M. Borres, Eugenio B. Penales, Sonia D. Gonzales, Jeanelyn A. Aleman, Evelyn F. Importante, Rose Marie E. Diocares

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region IX Office Address: Regional Center, Balintawak, Pagadian City E-mail Address: region9@deped.gov.ph

9

Edukasyon sa Pagpapakatao

Unang Markahan – Modyul 2: Sektor ng Lipunan: Salamin ng Pagkatao at Kabutihan

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa ihihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang Makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat Gawain at pagsusulit. Inaasahan naming na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sap ag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kani na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Ang modyul na ito ay dinesenyo at sinulat para sa iyo. Ito ay ginawa upang mapahusay ang iyong kaalaman at kakayahan at upang matulungan kang maging bihasa sa Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat (1.2 Nakapagsusuri ng mga halimbawa ng pagsasaalang-alang sa kabutihang panlahat sa pamilya, paaralan, pamayanan o lipunan).

Nakapaloob sa modyul na ito ang mga sumusunod:

A. Pagkakaiba ng Lipunan sa Komunidad B. Iba’t ibang Sektor o Institusyong Panlipunan na Nakaaapekto sa Paghubog ng Pagkatao ng Tao C. Mga Halimbawa ng Pagsasaalang-alang sa Kabutihang Panlahat sa Pamilya, Paaralan, Pamayanan o Lipunan

Inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:

A. natutukoy ang iba’t ibang sektor o institusyong panlipunan; B. nakapagsusuri ng mga halimbawa ng pagsasaalang-alang sa kabutihang panlahat sa pamilya, paaralan, pamayanan o lipunan; at C. nakapagsasagawa ng survey tungkol sa mga suliraning kinakaharap ng komunidad o pamayanan.

Subukin

PANUTO: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang mga tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik nito sa sagutang papel.

  1. Alin ang HINDI kabilang sa mga hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat?
    a. paggawa ng tao ayon sa kaniyang pansariling hangad
    b. pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiaambag ng sarili kaysa sa nagagawa ng iba
    c. pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit pagtanggi sa pagbabahagi para sa pagkamit nito
    pagkakait ng tulong para sa kapwa na nangangailangan
    [transcriber’s note: option d has no letter printed in the original; the text is printed as a separate line below option c]


  2. Ano ang pagkakaiba ng lipunan sa komunidad?
    a. Sa lipunan, ang nangingibabaw ay ang iisang tunguhin o layunin samantalang sa komunidad ang mahalaga ay ang pagkakabukod- tangi ng mga kabilang nito.
    b. Sa lipunan, ang pangkat ng mga tao ay may nagkakaisang interes, mithiin at pagpapahalaga samantalang sa komunidad, ang namumuno ang nagbibigay ng direksiyon sa mga taong kasapi nito.
    c. Sa lipunan, ang namumuno ay inaatasan ng mga mamamayan na kamtin ang mithiin ng mga kasapi nito samantalang sa komunidad, ang mga tao ang nararapat na manaig sa pagkamit ng kanilang mga mithiin.
    d. Sa lipunan, mas malaking pamahalaan ang nakasasakop samantalang sa komunidad ay mas maliit na pamahalaan.


  3. Paano nakaaapekto sa buhay ng tao ang lipunang kanyang kinabibilangan?
    a. Ang lipunan ay nakatutulong sa pagbubuo ng pagkatao.
    b. Ang tao ay hinuhubog ayon sa lipunang kaniyang kinabibilangan.
    c. Ang tao kailanman ay hindi naaapektuhan ng lipunan.
    d. Ang lipunan ay walang kontribusyon sa paghubog ng pagkatao.


  4. Alin ang HINDI nagpapakita ng halimbawa ng kabutihang panlahat?
    a. Pakikipagkapwa-tao
    b. Pagbibigayan
    c. Panghuhusga
    d. Paggalang


  5. Ang bawat sektor ng lipunan ay nakaaapekto sa paghubog ng isang tao.


    [transcriber’s note: the sentence above is printed inside a box beside question 5]


    Aling sektor ang nakaaapekto sa kaalaman ng tao?
    a. Pamahalaan
    b. Simbahan
    c. Paaralan
    d. Ekonomiya


  6. Sa tahanan natin unang natutunan ang tamang asal at pag-uugali. Alin ang nagpapakita ng tamang kabutihang panlahat sa tahanan at pamilya?
    a. Pagpalo at pagpaparusa sa anak upang matuto sa pagkakamali.
    b. Pagtatanim ng sama ng loob sa magulang dahil napagalitan.
    c. Pagsunod sa utos at payo ng mga magulang na may paggalang.
    d. Pagsunod sa mga ipinag-uutos habang nagdadabog at nagmamaktol.


  7. Si Gwen ay mahilig mag-post sa social media sa tuwing siya ay nagbibigay donasyon sa mga mahihirap na mga kababayan para maipagmalaki na siya ay mayaman at maipakita na siya ay tumutulong sa mga mahihirap.


    [transcriber’s note: the paragraph above is printed inside a box beside question 7]


    Sang ayon ka ba sa ginawa ni Gwen?
    a. Oo, dahil may karapatan si Gwen na ipakita sa buong mundo ang kaniyang ginagawang pagtulong.
    b. Oo, upang magkaroon ng malaking utang na loob ang mga tao sa kaniya.
    c. Hindi, dahil ang pagtulong sa kapwa ay dapat bukal sa puso at hindi pagpapakitang tao lamang.
    d. Hindi, dahil pagpapasikat lamang ang kaniyang mga ginagawang pagtulong.


  8. Aling sektor ng lipunan ang sumasaklaw sa mga pinapairal na batas, alituntunin at katarungan para sa pagkakapantay-pantay ng bawat isa – mahirap o mayaman?
    a. Simbahan
    b. Pamahalaan
    c. Paaralan
    d. Komunidad


  9. Ang pakikilahok sa rally ng mga grupong aktibista, pagsalungat sa hakbang ng gobyerno, pagpo-post ng bulgar na memes sa social media, paggawa ng mga sensitibong artikulo at pahayag laban sa gobyerno ay iilan sa mga halimbawa ng “freedom of expression”


    [transcriber’s note: the paragraph above is printed inside a box beside question 9]


    Matatawag ba na mga halimbawa ng kabutihang panlahat ang nakasaad sa talata?
    a. Oo, dahil ito ay paglalabas lamang ng sariling hinaing laban sa gobyerno.
    b. Oo, dahil mas mabilis na maiintidihan ng iba ang sariling hinaing laban sa gobyerno
    c. Hindi, dahil naaapakan mo ang integridad at pagkatao ng iyong kapwa ng walang tamang basehan.
    d. Hindi, dahil may hangganan ang freedom of expression at ang mga ito ay hindi naaayon sa karapatang pantao at mga pinapairal na batas.


  10. Alin ang HINDI nagpapakita ng kabutihang panlahat?
    a. Pagbibigay ayuda sa mga piling pamilya at indibidwal na nabibilang lamang sa low-income families sa gitna ng COVID-19 pandemic
    b. Pagbabawal ng pagtanggap sa mga OFWs na nais bumalik sa kanilang probinsya sa gitna ng COVID-19 pandemic sa hangaring maging ligtas ang ibang mamamayan.
    c. Pamamahagi ng libreng konsultasyon, gamot at tulong-medikal sa lahat ng mamamayan sa bawat komunidad.
    d. Pagbibigay ng libreng PhilHealth sa mga kwalipikadong beneficiaries na walang kakayahang magbayad ng Health Insurance.


Aralin 1

Sektor ng Lipunan: Salamin ng Pagkatao at Kabutihan

Sa dalawang taon mong pag-aaral ng Edukasyon sa Pagpapakatao, nagkaroon ka ng pagkakataong masuri ang iyong pananagutan sa sarili at sa iyong kapwa. Ngayong taon ay mamumulat ang iyong mga mata sa lipunang iyong ginagalawan. Napag-aralan mo sa asignaturang Araling Panlipunan ang maraming bagay tungkol sa lipunan, ang kahulugan nito, layunin at marami pang iba. Sa pagkakataong ito, mauunawaan mo ang pagkakaiba at pagkakaugnay nito sa aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao sa baitang na ito.

Balikan

Kung natatandaan mo, iyong natutunan ang kahalagahan ng mga Elemento Ng Kabutihang Panlahat sa unang aralin. Ang kabutihang panlahat ay naaayon sa moralidad ng tao at Likas na Batas Moral.

Sa kasalukuyan, paano mo naipapakita ang paggalang sa iyong mga magulang o sa mga nakatatanda sa iyo? Nagagawa mo ba ang pagmamano at pagsagot ng may “po” at “opo”? Paano mo naipapakita na ikaw ay may paggalang sa iyong lipunang kinabibilangan? Sinusunod mo ba ang mga alituntunin at mga batas na pinaiiral ng ating pamahalaan? Sa anong paraan? Paano ka nakatutulong sa pagpapalaganap at pagpapanatili ng kapayapaan? Sa anu-anong paraan mo naipapakita ang mga gawaing ito?

Ito ang mga paraan upang mapatunayan mo na iyong isinasaalang-alang ang mga kabutihang panlahat.

Tuklasin

Gawain 1: Pagbuo ng Iskrip

Panuto: Gamit ang sumusunod na mga larawan, bumuo ng iskrip na naglalarawan ng kabutihan base sa iyong nakikita. Gumamit ng isang malinis na papel (bond paper).

SENARYO 1

[illustration: a father kneeling beside his daughter while a mother bends over her, with three blank speech bubbles]

https://https//l.facebook.com/l.php?u=http%3A%2F%2Ftime.com%2Fparent-comforting-their-daughter-mother-father-caring-child-happy-family-relationship-vector-illustration-parents-

SENARYO 2

[illustration: children in a messy room, with three blank speech bubbles]

https://www.facebook.com/flx/warn/?u=http%3A%2F%2F6.crushpxel.com%2Fstock-vector%2Fteacher-handle-angry-boy-class

SENARYO 3

[illustration: construction workers with a cement mixer and cranes at a building site]

https://time.com/search/?q=http%3A%2F%2Ftime.com%2Fstock-illustration-builders-building-site-industrial-illustration-workers-crane-concrete-mixer-machine-machine-images&site=time

SENARYO 4

[illustration: two girls at a table marked “FOOD DRIVE” holding food items and a box, with two blank speech bubbles]

https://clipartlook.com/img-140629.html?fbclid=IwAR0fjArUvwYjQUxn8QftX_5lFP9maVOXBMw4bmR-eV9ZHGxM9Wf8cReHqA

SENARYO 5

[illustration: a crowd marching with placards, with three blank speech bubbles]

https://www.facebook.com/flx/warn/?u=http%3A%2F%2Ftime.com%2Fstock-illustration-illustration-demonstrating-crowd-peaceful-march-stylized-drawing-protest-image92712680%3Ffbclid%3DIwAR0ymIF6b_6_sAUYayQcg_U6n8gj6sWeBeEuFiPEtHmeSkItn8_m8nGC tK0&h=AT0afGd5YjRLKC5u0KrOroCoePYtd7SsXA3JElU4VQDIk8VB_U_OYdKy5AFHeNStIHmVLr8QzJUOrs4l7DsMbR0qFCQP5759wKWJz2D3zdG7t6t7M78xYaEuGBh92w2yrA0og

SENARYO 6

[illustration: a woman, a boy, a girl, and a man standing together in front of a church, with four blank speech bubbles]

https://www.clipart.email/clipart/church-family-clipart

Suriin

Ngayon, ating susuriin at tatalakayin ang unang gawain na iyong ginawa – ang paggawa ng iskrip na binubuo ng ibat-ibang senaryo na nakapaloob sa mga elemento ng kabutihang panlahat.

Unang Senaryo

Naglalarawan ng isang buong pamilya na kung saan ipinapakita ang paggabay ng mga magulang sa kanilang mga anak katulad ng pagtuturo ng mabubuting asal, pagtatama sa mga mali, pagpapaalala, at ang paghubog sa ating pagkatao.

Pangalawang Senaryo

Tinutulungan ng guro ang isang mag-aaral. Ang paaralan ang pangalawang tahanan ng mga mag-aaral kung saan sila ay natututo at nagpapalago ng kaalaman. Tulad ng tahanan, ang paaralan ay isang institusyon na gumagabay sa mga estudyante upang mabuo ang kanilang mga pangarap kasabay sa paglinang ng kanilang ganap na pagkatao.

Pangatlong Senaryo

Kalakalan. Pagpapalago ng ekonomiya ng isang bansa. Ito ang dahilan sa pag-unlad ng ating komunidad sa tulong ng iba’t ibang mangangalakal na tumutugon sa bawat pangangailangan ng mamamayan.

Pang-apat na Senaryo

Pag-ibig sa kapwa ang siyang dahilan kung bakit tayo ay hindi napapagod na magbigay at mag-alay ng kung anumang mayroon tayo. Dito natin naipapamalas ang malasakit sa mas higit na nangangailangan. Tumutugon tayo sa hinaing ng mga nangangailangan kahit sa gitna ng unos.

Panglimang Senaryo

Hinaing ng masa. Ang bawat indibidwal ay may kanya-kanyang prinsipyong pinapairal. Sa pagkakaibang ito, ang pagtawag ng pansin sa ating pamahalaan ay siyang daan upang marinig ang ating boses at matugunan ng naaayon upang mapanatili ang kapayapaan at pagkakaisa.

Pang-anim na Senaryo

Pananampalataya. Magkakaiba man tayo ng paniniwala, ang ating pananampalataya ang gumagabay sa atin upang igalang ang iba pang paniniwala.

Halimabawa: Ang pagkakaiba ng relihiyon ay hindi hadlang sa pagkamit ng pagkakaisa at paggalang sa kapwa.

“Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang”. Kinakailangan ng taong makibahagi at mamuhay sa LIPUNAN.

Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr., isang propesor ng Pilosopiya, ang buhay ng tao ay panlipunan.

Ano ang iyong sariling opinyon ukol sa mga katagang ito:

“Binubuo ng TAO ang LIPUNAN, Binubuo ng LIPUNAN ang TAO”

Ipinapahiwatig ng mga katagang ito na walang lipunang mabubuo kung wala ang mga tao dahil saklaw ng lipunan ang mga taong nasasakupan nito. Kinakailangan ng taong makibahagi at mamuhay sa lipunan.

Ano nga ba ang Lipunan?

LIPUNAN

  • nagmula sa salitang ugat na “lipon” na nangangahulugang pangkat
  • Ang mga tao ay may kinabibilangang pangkat na mayroong iisang tunguhin o layunin.

Ano naman ang Komunidad?

KOMUNIDAD

  • nagmula sa salitang Latin na communis
  • common o nagkakapareho
  • binubuo ng mga indibidwal na nagkakapareho ng mga interes, ugali, o pagpapahalaga na bahagi ng isang partikular na lugar
  • mas nabibigyang-halaga ang natatanging katangian ng mga kasapi o kabahagi

Ano ang Kabutihang Panlahat?

  • Ito ay ang kabutihan para sa bawat isang indibdwal na nasa lipunan.
  • Ito ang pangkalahatang kondisyong pantay na ibinabahagi para sa kapakinabangan ng lahat ng kasapi ng isang lipunan.
  • Ito ay tumutukoy sa kabutihang naaayon sa moralidad ng tao, sa Likas na Batas Moral.

Napapansin mo ba kung ano na ang nangyayari sa ating lipunan? Maraming mga bagay na hindi nagkakasundo o nagkakaroon ng alitan hindi lamang sa ating bansa kundi maging sa buong mundo. Paano ba makakamit at mapananatili ang kabutihang panlahat? Bakit mahalagang ito ay makamit at mapanatili?

Nakahanda ka na bang makaalam at makialam sa lipunang iyong ginagalawan? Kung gayon, nakahanda na ang mga gawain para sa iyo.

Simulan mo na!

Pagyamanin

Gawain 1: Paghahanay

Panuto. Hanapin sa HANAY B ang tinutukoy sa HANAY A.

HANAY AHANAY B
a. paaralana. batas
b. simbahanb. magulang
D. pamilyac. paniniwala
E. mga negosyod. pangkat ng tao
F. pamahalaane. malasakit sa iba
G. lipunanf. kaalaman
H. institusyong. ekononomiya
I. pakikipagkapwa-taoh. organisasyon
J. kabutihani. pagbigay-galang
K. respetoj. malinis na kalooban
Gawain 2: Photo Collage

Panuto:

A. Bumuo ng photo collage na naglalarawan ng kabutihang panlahat gamit ang recyclable materials sa isang cartolina.

B. Ipaliwanag ang mensahe ng iyong awtput at anong aral ang naidudulot nito sa iyo at sa kapwa mo mag-aaral.

Pamantayan5710
PagkamalikhainHindi naging malikhain sa pagbuo ng collageNaging malikhain sa pagbuo ng collageLubusang nagpamalas ng pagiging malikhain sa pagbuo ng collage
Kaangkupan sa paksaHindi angkop ang nabuong collageAngkop ang ilang bahagi ng collageLubusang napakaangkop ng nabuong collage
PresentasyonHindi naging malinaw ang intensyon o detalyeng ipinahayag ng collageNaging malinaw ang intensyon o detalyeng ipinahahayag ng collageLubusang malinaw ang intensyon o detalyeng ipinahahayag ng collage
MensaheHindi angkop ang mensaheng ipinahahatid ng collageAngkop ang mensaheng ipinahahatid ng collageLubusang angkop na angkop ang mensahe ng collage
Kalinisan at KaayusanDi malinis at maayos ang pagkakabuo ng collageNaging malinis at maayos ang pagkakabuo ng collageLubusang napakalinis at maayos ang pagkakaguhit ng collage
Gawain 3: Puno ng Kabutihang Panlahat

Panuto:

A. Lagyan ng angkop na salita ang mga parte ng puno gamit ang mga elemento ng kabutihang panlahat. Gumamit ng malinis na papel (bond paper).

B. Bigyan ng interpretasyon ang iyong ginawa.

Puno ng Kabutihan

[illustration: a black tree with roots]

https://www.facebook.com/flx/warn/?u=http%3A%2F%2FGet.drawings.com%2Ftree-with-roots-drawingodLIdP4CBVDv-j8G7BcF_9Ig
PamantayanNapakahusay 10Mahusay 7Nalilinang 5
Nilalaman- 20%
May tuwirang kaugnayan sa paksa
Buo ang diwa
Magkakaugnay
Makatotohanan
Nagpamalas ng 4 mula sa 4 na pamantayanNagpamalas ng 3 mula sa 4 na pamantayanNagpamalas ng 2 mula sa 4 na pamantayan
Pagbibigay ng interpretasyon- 10%Napakahusay at napakaangkop sa diwa ng nilalaman ang pagpapakahulugan/ interpretasyonMahusay at angkop sa diwa ng nilalaman ang pagpapakahulugan/ interpretasyonHindi mahusay at hindi angkop sa diwa ng nilalaman ang pagpapakahulugan/ interpretasyon
Gawain 4: Journal Writing

Isulat sa Journal:

Paano makakamit at mapananatili ang kabutihang panlahat? Bakit mahalagang ito ay makamit at mapanatili?

Pamantayan35710
OrganisasyonHindi maayos ang organisasyon ng mga ideya at walang panimula at konklusyonMay lohikal na organisasyon ngunit hindi masyadong mabisa ang panimula at konklusyonMaayos ang organisasyon pagkakabuo ng talata na may angkop na simula at konklusyonMahusay ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya sa kabuuan ng talata, mabisa ang panimula at malakas ang konklusyon.

[transcriber’s note: table continued from the previous page]

Pamantayan35710
Lalim ng Pagmuni-muniNapakababaw na walang pag-uugnay ang dati at bagong kaalamanMababaw at hindi gaanong nakikita ang pag-uugnayan ng dati sa bagong kaalamanMalalim na nakikita ang pag-uugnayan ng dati sa bagong kaalamanNapakalalim na nakikita ang pag-uugnayan ng dating kaalaman at karanasan sa bagong kaalaman
Paggamit ng Wika at MekaniksKailangang baguhin dahil halos lahat ng pangungusap ay may mali sa grammar, baybay at gamit ng bantasMaraming mali sa grammar, baybay at gamit ng bantasMahusay dahil kakaunti lamang ang mali sa grammar, baybay at gamit ng bantasNapakahusay dahil walang mali sa grammar, baybay at gamit ng bantas
PresentasyonMahirap basahin dahil hindi maayos at malinis na pagkakasulatMay kahirapang unawain ang pagkakasulat ng pangungusapMalinis ngunit hindi lahat ay maayos ang pagkakasulat ng mga pangungusapMalinis at maayos ang pagkakasulat ng talata

Isaisip

Bilang mag-aaral, ano ang pinakamahalagang mensahe ang nahinuha at naipamalas mo mula sa aralin?

Ang ating pagiging kasama-ng-kapwa ay isang pagpapahalaga na nagbibigay ng tunay na kaganapan sa ating pagkatao. Makakamit lamang ito kung makikilahok at makikipamuhay ka sa kapwa.

Ang pagsisikap ng bawat tao na makamit at mapanatili ang kabutihang panlahat sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng moral na pagpapahalaga ay mga puwersang magpapatatag sa ating lipunan. Ang lahat ng aspektong ito ay tumutulong sa paghuhubog at pagbabago ng ating pagkatao. Ang lipunan na ating kinalalakihan ang siyang humuhubog sa ating pagkatao.

Isagawa

Pagsasagawa ng Survey

Pumili ng isa sa mga sektor ng lipunan upang makapagsagawa ng isang survey tungkol sa mga suliraning kinakaharap ng komunidad o pamayanan.

  • Paaralan
  • Simbahan
  • Pamilya
  • Mga Negosyo
  • Pamahalaan

Ang suliranin ay maaaring pangkapaligiran, pangkapayapaan, pangkaayusan, o pang-edukasyon.

Magsagawa ng pagtatanong sa mga naninirahan sa komunidad o pamayanan kung ano ang kanilang nakikitang suliranin sa paligid.

Mahalagang isama ang mga namumuno sa napiling sektor sa isasagawang survey.

A. Matapos maglaan ng panahon sa pangangalap ng datos ay gumawa ng pangkalahatang ulat ukol sa naging resulta ng survey.

Pumili ng tatlo sa mga nakalap at iantas ang mga ito batay sa inyong kahalagahan. Magbigay ng tatlong pangunahing suliranin.

  1. Isulat ang kabuuang survey sa malinis na papel.
  2. Ipasa ang resulta ng survey sa guro.

Pamantayan sa Pagwawasto:

  • Nilalaman – 50%
  • Katuturan/ Kaangkupan – 20%
  • Organisasyon – 20%
  • Kaayusan/Kabuuang Presentasyon – 10%
  • 100%

Mahalagang isaalang-alang ang pagsunod sa mga pangunahing protokol ng kalusugan para maging ligtas sa peligrong pagkahawa sa COVID-19 sa pagsasagawa ng survey.

Tayahin

PANUTO: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik nito sa sagutang papel.

  1. Alin ang HINDI hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat?
    a. Paggawa ng tao ayon sa kaniyang pansariling hangad
    b. Pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiiambag ng sarili kaysa sa nagagawa ng iba
    c. Pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat at pagbabahagi para sa pagkamit nito
    d. Pagkakait ng tulong para sa kapwa na nangangailangan


  2. Ano ang pagkakaiba ng lipunan sa komunidad?
    a. Sa lipunan, ang nangingibabaw ay ang iisang tunguhin o layunin samantalang sa komunidad ang mahalaga ay ang pagkakabukod-tangi ng mga kabilang nito.
    b. Sa lipunan, ang pangkat ng mga tao ay may nagkakaisang interes, mithiin at pagpapahalaga samantalang sa komunidad, ang namumuno ang nagbibigay ng direksyon sa mga taong kasapi nito.
    c. Sa lipunan, ang namumuno ay inatasan ng mga mamamayan na kamtin ang mithiin ng mga kasapi nito samantalang sa komunidad, ang mga tao ang nararapat na manaig sa pagkamit ng kanilang mga mithiin.
    d. Sa lipunan, mas malaking pamahalaan ang nakasasakop samantalang sa komunidad ay mas maliit na pamahalaan.


  3. Paano nakaaapekto sa buhay ng tao ang lipunang kanyang kinabibilangan?
    a. Ang lipunan ay nakatutulong sa pagbubuo ng pagkatao.
    b. Ang tao ay hinuhubog ayon sa lipunang kaniyang kinabibilangan.
    c. Ang tao kailanman ay hindi naaapektuhan ng lipunan.
    d. Ang lipunan ay walang kontribusyon sa paghubog ng pagkatao.


  4. Alin ang HINDI nagpapakita ng halimbawa ng kabutihang panlahat?
    a. Pakikipagkapwa-tao
    b. Pagbibigayan
    c. Panghuhusga
    d. Paggalang


  5. Ang bawat sektor ng lipunan ay nakaaapekto sa paghubog ng isang tao.


    Aling sektor ang nakaaapekto sa kaalaman ng tao?
    a. pamahalaan b. paaralan
    c. simbahan d. ekonomiya


  6. Si Gwen ay mahilig magpopost sa social media sa tuwing siya ay nagbibigay donasyon sa mga mahihirap na mga kababayan para maipagmalaki na siya ay mayaman at maipakita na siya ay tumutulong sa mga mahihirap.


    Sang ayon ka ba sa ginawa ni Gwen?
    A. Oo, dahil may karapatan si Gwen na ipakita sa buong mundo ang kaniyang ginagawang pagtulong.
    B. Oo, upang magkaroon ng malaking utang na loob ang mga tao kaniya.
    C. Hindi, dahil ang pagtulong sa kapwa ay dapat bukal sa puso at hindi pagpapakitang tao lamang.
    D. Hindi, dahil pagpapasikat lamang ang kaniyang mga ginagawang pagtulong.


  7. Ang pakikilahok sa rally ng mga grupong aktibista, pagsalungat sa hakbang ng gobyerno, pagpo-post ng bulgar na memes sa social media, paggawa ng mga sensitibong artikulo at pahayag laban sa gobyerno ay iilan sa mga halimbawa ng “freedom of expression”


    Matatawag ba na mga halimbawa ng kabutihang panlahat ang nakasaad sa talata?
    a. Oo, dahil ito ay paglalabas lamang ng sariling hinaing laban sa gobyerno.
    b. Oo, dahil mas mabilis na maiintidihan ng iba ang sariling hinaing laban sa gobyerno
    c. Hindi, dahil naaapakan mo ang integridad at pagkatao ng iyong kapwa ng walang tamang basehan.
    d. Hindi, dahil may hangganan ang freedom of expression at ang mga ito ay hindi naaayon sa karapatang pantao at mga pinapairal na batas.


  8. Alin ang HINDI nagpapakita ng kabutihang panlahat?
    a. Pagbibigay ayuda sa mga piling pamilya at indibidwal na nabibilang lamang sa low-income families sa gitna ng COVID-19 pandemic
    b. Pagbabawal ng pagtanggap sa mga OFWs na nais bumalik sa kanilang probinsya sa gitna ng COVID-19 pandemic sa hangaring maging ligtas ang ibang mamamayan.
    c. Pamamahagi ng libreng konsultasyon, gamot at tulong-medikal sa lahat ng mamamayan sa bawat komunidad.
    d. Pagbibigay ng libreng PhilHealth sa mga kwalipikadong beneficiaries na walang kakayahang magbayad ng Health Insurance.


  9. Sa tahanan natin unang natutunan ang tamang asal at pag-uugali. Alin ang nagpapakita ng tamang kabutihang panlahat sa tahanan at pamilya?
    a. Pagpalo at pagpaparusa sa anak upang matuto sa pagkakamali.
    b. Pagtatanim ng sama ng loob sa magulang dahil napagalitan.
    c. Pagsunod sa utos at payo ng mga magulang na may paggalang.
    d. Pagsunod sa mga ipinag-uutos habang nagdadabog at nagmamaktol.


  10. Aling sektor ng lipunan ang sumasaklaw sa mga pinapairal na batas, alituntunin at katarungan para sa pagkakapantay-pantay ng bawat isa – mahirap o mayaman?
    a. simbahan c. paaralan
    b. pamahalaan d. komunidad


Karagdagang Gawain

Kasunduan:

  1. Magsaliksik: Sumulat ng maikling paglalarawan ng bawat isang institusyon o sektor ng lipunan na naitala sa ibaba.
    a. paaralan c. mga negosyo
    b. simbahan e. pamahalaan


  2. Magsulat ng maikling paglalarawan ng bawat institusyon o sektor ng lipunan na naitala sa itaas.
    a. Ano ang layunin ng bawat sektor?
    b. Ano ang kontribusyon nito sa lipunan?
    c. Ano ang nakikitang tunguhin ng mga ito sa kasalukuyan at ang kalagayan nito sa ating bansa?
    d. Ano ang nagiging implumensya nito sa mga mamamayan at naiaambag na tulong sa pag unlad ng ating lipunan?
    e. Paano makakatulong ang mga sektor na ito ng lipunan sa pagkamit ng kaganapan ng iyong pagkatao?


Pamantayan sa Pagwawasto:

  • Nilalaman – 50%
  • Katuturan/ Kaangkupan – 20%
  • Organisasyon – 20%
  • Kaayusan/Kabuuang Presentasyon – 10%
  • 100%

Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: this page is printed upside down; the answer keys below are read from the rotated page]

Tayahin
Tayahin
A.c
B.b
C.a
D.c
E.c
F.c
G.d
H.a
I.b
Pagyamanin
Pagyamanin
A.f
B.c
C.b
D.g
E.a
F.d
G.h
H.e
I.j
J.i

Sanggunian

Mga Aklat:

“Edukasyon Sa Pagpapakatao 9 Modyul Para Sa Mag-Aaral.” Kagawaran ng Edukasyon, 2015. • Unang Edisyon 2015, DepEd, pahina 1-20.

Mga Larawan, hinango sa:

https://l.facebook.com/l.php?u=http%3A%2F%2Ftime.com%2Fparent-comforting-their-daughter-mother-father-caring-child-happy-family-relationship-vector-illustration-parents-image162028436%3Ffbclid%3DIwAR3Z-U2Z-us7fMI2RO-5rrV8CJuCJCu8JtsVLPO8oALDRrMXTjLNI-yj_U&h=AT3WTVKyS1TFCuNWPPvWSfTymHf7DxzuWti7L55YvPSXZ2CAhFkxnQkyzUEIGjqCctgzJgWm2C0mxh5sj81Kq1dByJ1Zsk92xnDzWs8_ET10wBRECJa98fHuxTDQtON2-yiT5KRHUhCW_KcDoowqA, n.d.
https://l.facebook.com/l.php?u=http%3A%2F%2F6.crushpixel.com%2Fstock-vector%2Fteacher-handle-angry-boy-class-1168714html%3Ffbclid%3DIwAR33nAUyF2e_fuM-
https://l.facebook.com/l.php?u=http%3A%2F%2Ftime.com%2Fstock-illustration-builders-building-site-industrial-illustration-workers-crane-concrete-mixer-machine-machine-images53120111%3Ffbclid%3DIwAR1t4NvZwmhznMvm2f1BJwqhkz5Ba7NiY2oB1zb6BttgokruZceyilNlbI&h=AT3WTVKyS1TFCuNWPPvWSfTymHf7DxzuWti7L55YvPSXZ2CAhFkxnQkyzUEIGjqCctgzJgWm2C0mxh5sj81Kq1dByJ1Zsk92xnDzWs8_ET10wBRECJa98fHuxTDQtON2-yiT5KRHUhCW_KcDoowqA, n.d.
https://l.facebook.com/l.php?u=http%3A%2F%2FClipart.email%2Fclipart%2Fchurchfamily-clipart4511.html%3Ffbclid%3DIwAR0AcACbcRxayGT0DHx28QaJeHx6eLZgi6BcfzrGTT-HTWL5U-OOvpP5do&h=AT3WTVKyS1TFCuNWPPvWSfTymHf7DxzuWti7L55YvPSXZ2CAhFkxnQkyzUEIGjqCctgzJgWm2C0mxh5sj81Kq1dByJ1Zsk92xnDzWs8_ET10wBRECJa98fHuxTDQtON2-yiT5KRHUhCW_KcDoowqA, n.d.
https://l.facebook.com/l.php?u=http%3A%2F%2Ftime.com%2Fstock-illustration-illustration-demonstrating-crowd-peaceful-march-stylized-drawing-protest-image92712680%3Ffbclid%3DIwAR0ymIF6b_6_sAUYayQcg_U6n8gj6sWeBeEuFiPEtHmeSkItn8_m8nGCtK0&h=AT1Cz7i4vrLPH61Hy6fSCmXvrzjOrwr5ONEtYC2W5IumrBLYTr2L9aI5vXe_Hx4ldcGNRhWKKoBkHdv2gu4zMW14XxecWMFUg4Ia_nnpfOLZFer37EfLEvN7ewk5z6gW8-UeBKF27qwt1Z8JXCJ1w, n.d.
https://l.facebook.com/l.php?u=http%3A%2F%2Fclipartlook.com%2Fimg140629.html%3Ffbclid%3DIwAR0fjArUvwYjQUxn-8QftX_5lFP9maVOXBMw4bmReV9ZHGxM9Wf8cReHqA&h=AT3WTVKyS1TFCuNWPPvWSfTymHf7DxzuWti7L55YvPSXZ2CAhFkxnQkyzUEIGjqCctgzJgWm2C0mxh5sj81Kq1dByJ1Zsk92xnDzWs8_ET10wBRECJa98fHuxTDQtON2-yiT5KRHUhCW_KcDoowqA, n.d.

Mv8IBYE9bMeKYw7o04tkYTJzSZJuXAfSnsYZoaE_o4M&h=AT3S_L6-HwyVjNc7LuZStQc_Oa8IUgKJii_4M2voOlfB9Gk_kbUgIBRWCsfawI9E7QMxyPi4ZKy9kz

TTmSpVR11ENyTT138T-vwxojndICIOxk1Y-z6sHvXOBvXwEepHX2REDc5WXBhHig9FTCQW, n.d.

https://l.facebook.com/l.php?u=http%3A%2F%2FGet.drawings.com%2Ftree-with-roots-drawing%3Ffbclid%3DIwAR1T-amBCl8XeZhmwagxxKl0xW5ISmgIH1EhUKK4w_0943HXyiHK5HNNfOE&h=AT3WTVKyS1TFCuNWPPvWSfTymHf7DxzuWti7L55YvPSXZ2CAhFkxnQkyzUEIGjqCctgzJgWm2C0mxh5sj81Kq1dByJ1Zsk92xnDzWs8_ET10wBRECJa98fHuxTDQtON2-yiT5KRHUhCW_KcDoowqA, n.d.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district