EsP 9 Quarter 1 Module 16: Sama-samang Pagkilos, Sama-samang Pag-unlad

Grade 9 EsP Quarter 1 Module 16 on how civil society, media, and the church advocate for the common good, with activities, tests, and an answer key.

This is the Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) 9 self-learning module for the first quarter (Unang Markahan), Module 16: “Sama-samang Pagkilos, Sama-samang Pag-unlad” (acting together, progressing together). It was prepared by DepEd Region IX for Grade 9 learners studying at home. It looks at the causes that civil society groups, the media, and the church promote, and how they work with the government to serve people and the common good.

On this page 6 sections

What learners will learn

The module covers competency 4.4 on Lipunang Sibil, Media at Simbahan (civil society, media, and the church). It asks learners to:

  • assess the advocacy of different civil society groups based on what they contribute to social justice, economic viability, citizen participation, care for the environment, peace, gender equality, and spirituality (the values a sustainable society needs)
  • carry out research in their community to find out whether a civil society group works there, what it advocates, and how well it performs

By the end of the module (competency code ESP9PL-ih 4.4), learners should be able to:

  1. Identify civil society groups based on the contributions of their advocacy.
  2. Explain why it matters for a civil society group to have a clear advocacy.
  3. Value the civil society groups working in the community for the common good.

Key ideas in the module

The module opens with a question. When you see people in crisis, you may feel pity. But can people wear or eat your pity? What can you actually do to ease their burden? It answers by showing how civil society, the media, and the church help people as partners of the government in public service.

What civil society, media, and the church do

The module’s first activity gives a short definition of each:

  • Lipunang sibil (civil society): a group of individuals outside the family, the state, and the market who work actively with people to reach a shared goal.
  • Mass media: delivers correct and true information to citizens to promote the common good.
  • Simbahan (church): strengthens each person’s faith and helps shape character.

Advocacy based on contribution

An advocacy (adbokasiya) is the cause or issue a group promotes. The module sorts the advocacy of civil society groups by their contribution to social justice, economic development, citizen participation, care for the environment, peace, gender equality, and spirituality. It uses three examples.

ExampleType in the moduleWhat it works for
HARIBON FoundationCivil societyA local Philippine group that defends nature from harmful acts by people or companies, with special care for endemic species found only in the country
Bayan Mo, I-Patrol Mo (BMPM)A program of ABS-CBN (media)Lets citizens share important information and news using their cellphones, such as cheating and corruption during elections, disasters, relief work, road repairs, and the building of community centers
Compassion InternationalChurch-based organizationLong-term development of children in poor countries, including financial, material, spiritual, and emotional help

The module adds more about Compassion International. It is a child-advocacy ministry that pairs caring sponsors with poor children to free them from spiritual, economic, social, and physical poverty. It works with more than 65 evangelical churches and mission groups and over 4,800 church-based child development centers. It describes itself as Christ-centered, child-focused, church-based, and committed to integrity.

The module stresses that these institutions matter because their advocacy is timely and meets people’s basic needs. They help people and the whole country move toward progress and a sustainable society.

Activities in the module

  • Subukin: a 10-item pretest.
  • Gawain 1, Complete It!: fill in missing letters to form “simbahan,” “lipunang sibil,” and “mass media,” then match each word to its meaning.
  • Gawain 2, Pik-Tuklas!: look at pictures, tell whether each shows civil society, media, or the church, and choose its contribution.
  • Gawain 3: answer questions about the pictures and name three civil society groups active in your community.
  • Gawain 4.1 to 4.4: a three-column matching exercise, a graphic organizer of institutions and their advocacy, a short essay on why a clear advocacy matters, and a “Pyramid of Knowledge” (ideya, pagkaunawa, katotohanan, pangkalahatan).
  • Gawain 5, Dugtungan Mo!: complete sentences about the advocacy of civil society, media, and the church.
  • Gawain 6, Magsiyasat at Magsaliksik!: research a civil society group in your community, including its name, leaders, advocacy, goals, when it started working there, your rating of its success, and your suggestions. It is scored with a 30-point rubric for content, viewpoint, and message.
  • Tayahin: a 10-item post-test.
  • Gawain 7, Ikampanya Mo Na!: make a campaign slogan on how you can help others during a crisis such as the COVID-19 pandemic. It is scored with a 35-point rubric.

How to use this module

  • Learners: Take the pretest first, then work through the parts in order. Write your answers on separate paper and do not write on the module, so others can use it. Contact your teacher if you have trouble understanding the lesson.
  • Parents and guardians: Help your child find a civil society group in your area for Gawain 6, and encourage honest use of the answer key.
  • Teachers: The answer key (Susi sa Pagwawasto) covers the pretest, post-test, Balikan, Tuklasin, and Gawain 4.1. The open-ended tasks, such as the essay, the research, and the pyramid, are scored by the teacher.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this EsP module for?

It is for Grade 9 Edukasyon sa Pagpapakatao, first quarter (Unang Markahan), Module 16.

What is the topic of Module 16?

It covers the advocacy of civil society, the media, and the church. It looks at how groups like HARIBON Foundation, Bayan Mo I-Patrol Mo, and Compassion International contribute to the common good.

What does adbokasiya mean in this module?

The module defines adbokasiya as the issue or cause a group promotes. It classifies advocacies by their contribution to areas such as social justice, the environment, peace, gender equality, and spirituality.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for the pretest, the post-test, and several activities. Open-ended tasks like the research activity are scored by the teacher.

What is the performance task in this module?

In Gawain 6, learners research a civil society group working in their community and record its leaders, advocacy, goals, and success. In Gawain 7, they make a campaign slogan about helping others during a crisis such as COVID-19.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan – Modyul 16: Sama-samang Pagkilos, Sama-samang Pag-unlad

9

Edukasyon sa Pagpapakatao

Unang Markahan – Modyul 16: Sama-samang Pagkilos, Sama-samang Pag-unlad

[illustration: people reading and studying under a tree and at a table, a child with a lamp writing, and a student with a globe]

CO_Q1_EsP9_ Module16

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang

Alternative Delivery Mode

Unang Markahan – Modyul 16: Sama-samang Pagkilos, Sama-samang Pag-unlad

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Jinly J. Enopia, Rosita A. Udani

Editor: Rosita A. Udani, Charie S. Bato, Filma B. Catalan

Tagasuri: Wynner B. Elba, Mona Lisa M. Babiera, Charie S. Bato

Tagaguhit: Jinky J. Enopia

Tagalapat: Jinly J. Enopia, Liezel R. Capitanea

Tagapamahala: Isabelita M. Borres, Eugenio B. Penales, Sonia D. Gonzales, Jeanelyn A. Aleman, Evelyn F. Importante, Rose Marie E. Diocares

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region IX Office Address: Regional Center, Balintawak, Pagadian City E-mail Address: region9@deped.gov.ph

9

Edukasyon sa Pagpapakatao

Unang Markahan – Modyul 16: Sama-samang Pagkilos, Sama-samang Pag-unlad

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sap ag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan naming na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kani na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Ang Modyul na ito ay dinesenyo at sinulat para sa iyo. Narito ito upang tulungan kang maging bihasa sa Lipunang Sibil, Media at Simbahan (4.4. a. Natataya ang adbokasiya ng iba’t ibang lipunang sibil batay sa kontribusyon ng mga ito sa katarungang panlipunan, pang-ekonomiyang pag-unlad (economic viability), pakikilahok ng mamamayan, pangangalaga ng kapaligiran, kapayapaan, pagkakapantay ng kababaihan at kalalakihan (gender equality) at ispiritwalidad (mga pagpapahalagang kailangan sa isang lipunang sustainable) b. Nakapagsasagawa ng mga pananaliksik sa pamayanan upang matukoy kung may lipunang sibil na kumikilos dito, matukoy ang adbokasiya ng lipunang sibil sa pamayanan, at matasa ang antas ng pagganap nito sa pamayanan.

Sa modyul na ito ay inaasahang maipapamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa: (ESP9PL-ih 4.4)

  1. Natutukoy ang mga lipunang sibil batay sa mga kontribusyon ng adbokasiya nito;
  2. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malinaw na adbokasiya ng iba’t ibang lipunang sibil; at
  3. Nabibigyang-halaga ang lipunang sibil na kumikilos sa pamayanan para sa pagkamit ng kabutihang panlahat.

Panimula

Kung makakakita ka ng mga taong nasa matinding pagsubok o krisis, ano ang iyong naiisip o mararamdaman? “Kawawa naman sila.” Bakit kaya hindi sila tulungan ng pamahalaan.” Sana may magawa ako.” Marahil ang mga salitang ito’y iyong masambit. Pagkatapos mong maawa, ano na ang gagawin mo? Maisusuot o makakain ba ang iyong awa? Maliban sa pakiramdam na ito, may magagawa ka pa ba na makababawas sa bigat ng kanilang nararamdaman?

Ang araling ito ay magbibigay sa iyo ng sapat na kaalaman tungkol sa iba’t ibang adbokasiya ng lipunang sibil, media, at simbahan pagpapaabot ng kani-kanilang tulong sa tao o sa lipunan kahit sa ano mang uri ng paglilingkod bilang mga katuwang ng pamahalaan sa paghahatid ng serbisyo publiko para sa kabutihang panlahat.

Subukin

PANUTO: Basahin at unawain ang mga tanong. Isulat ang pinakatamang sagot sa iyong sagutang papel.

  1. Alin sa mga nabanggit na lipunang sibil ang nagsusulong ng tamang pangangalaga sa kalikasan?


    a. HARIBON Foundation
    b. Bayan Mo, Ipatrol Mo
    c. Compassion International
    d. Gabriela


  2. Ano ang pinakamahahalagang adbokasiya ng simbahan bilang panrelihiyong institusyong anyo ng isang lipunang sibil?


    a. Isinusulong nito ang kabutihang panlahat.
    b. Isinusulong nito ang pagkakapatiran na walang pag-uuri-uri.
    c. Napauunlad ang kalidad ng buhay ng tao hindi lamang sa materyal na bagay maging sa ispiritwal na aspekto.
    d. Lahat ng nabanggit


  3. Alin ang HINDI nabanggit na adbokasiya (isinusulong na usapin) ng iba’t ibang lipunang sibil batay sa kontribusyon ng mga ito?


    a. katarungang panlipunan
    b. Panlipunang Reporma
    c. pagkakapantay-pantay ng kasarian
    d. pangangalaga sa kapaligiran


  4. Kung bibigyan ka ng pagkakataong umanib sa isang lipunang sibil, paano mo maibibigay ang tulong sa tao?


    a. Makikilahok ako sa mga gawaing panlipunan kapag marami sa mga kakilala ko ang sasama.
    b. Makikilahok ako sa pagbibigay ng tulong kapag may makuha akong benepisyo mula dito.
    c. Makikilahok ako sa mga gawaing panlipunan para makatulong sa mga nangangailangan.
    d. Makikilahok ako sa mga gawaing panlipunan kapag may bayad o suhol na matatanggap.


  5. Bakit mahalagang maging malinaw ang adbokasiya ng isang lipunang sibil na tumutugon sa mga pangangailangan ng tao?


    a. agarang makatugon sa mga totoong nangangailangan ng tulong
    b. maging organisado ang pagsasagawa ng kabuuan ng gawain
    c. maging makatotohanan ang paghahatid ng serbisyo sa mga tao
    d. maiwasang maaksaya ang oras ng taong kasama o kasangkot sa gawain


  6. Alin sa mga nabanggit ang institusyong nagsusulong at nagpapalutang ng mga impormasyon hindi lamang sa panahon ng halalan kundi maging sa iba’t ibang sakuna at trahedya, paghahatid ng tulong, pagsasaayos ng mga daan at pagtatayo ng mga sentrong pampamayanan?


    a. Bayan Mo, Ipatrol Mo
    b. Gabriela
    c. Compassion International
    d. HARIBON Foundation


  7. Ano ang pokus na adbokasiya ng Compassion International bilang halimbawa ng organisasyong binuo ng simbahan?


    a. pang-ekonomiya at pag-unlad
    b. pakikilahok ng mamamayan
    c. pagkakapantay ng mga kasarian at ispiritwalidad
    d. lahat ng nabanggit


  8. Alin sa mga nabanggit ang adbokasiya ng HARIBON Foundation bilang halimbawa ng lipunang sibil?


    a. panlipunang reporma
    b. katarungang panlipunan
    c. pangangalaga sa kapaligiran
    d. pagkakapantay-pantay ng kasarian


  9. Aling pagpapahalaga ang maaaring maging motibasyon ng tao upang tumulong o makisangkot sa mga institusyon sa lipunan?


    a. Ang biyaya na ipinagkaloob ng Diyos sa tao ay nararapat na ibahagi sa iba.
    b. Personal na hangarin ng tao para sa mga planong pampulitika sa hinaharap.
    c. Paghahangad ng kapalit na tulong sa panahon ng pangangailangan.
    d. Pagtatanaw ng utang na loob sa mga taong nag-abot ng tulong.


  10. Alin sa nabanggit ang halimbawa ng lipunang sibil?


    a. HARIBON Fondation
    b. Bayan Mo, Ipatrol Mo
    c. Compassion International
    d. Lahat ng nabanggit


Aralin 1 Sama-samang Pagkilos, Sama-samang Pag-unlad

Ang mga Gawain sa bahaging ito ay makatutulong sa iyo upang matuklasan mo ang adbokasiya ng iba’t ibang lipunang sibil batay sa kontribusyon ng mga ito kung paano ito makatutulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat. Upang higit na maging masaya at makabuluhan ang bahaging ito ay simulan mong sagutin ang mga sumusunod na gawain.

Balikan
Gawain 1: Complete It!

PANUTO: Isulat ang tamang letra sa patlang upang mabuo ang salita. Pagkatapos, tukuyin ang kahulugan nito mula sa pagpipilian na nasa ibaba. Titik lamang ng wastong sagot ang isulat sa patlang na nakalaan bago ang bilang. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa gawain.

_____ 1. ____I M____A H____N

_____ 2. L ____ P____ N____ N____ S____ B_____L

_____ 3. M___ S S M_____ I

PAGPIPILIAN:

A. Tagapaghatid ng tama at totoong impormasyon sa mga mamamayan na may layuning isulong ang kabutihang panlahat.

B. Grupo o koleksyon ng mga indibidwal na nakakategorya sa labas ng pamilya, estado, at merkado, at aktibong nakikipag-ugnayan sa mga tao upang makamit ang iisang adhikain.

C. May responsibilidad sa pagpapatibay ng pananampalataya ng bawat indibidwal at paghulma ng ugali.

Sa susunod na bahagi ay sasagutin mo ang isang gawain upang inisyal na masukat ang iyong nalalaman tungkol sa adbokasiya ng iba’t ibang lipunang sibil batay sa kontribusyon nito.

Tuklasin

Gawain 2: Pik-Tuklas!

PANUTO: Suriin ang mga larawan sa ibaba. I-tsek lamang kung ito ay lipunang sibil, media o simbahan at piliin sa loob ng kahon sa ibaba ang angkop na kontribusyon nito sa lipunan.

MGA KONTRIBUSYON
A. Pagbibigay ispirituwal na lakas ng loob, pangkalusugan, edukasyon, at pinansyal.
B. Ipararating sa nakararami ang nakalap na mahahalagang impormasyon.
C. Ipagtanggol ang inang kalikasan laban sa mapanirang gawa ng mga tao o kumpanya.

[illustration: globe with leaves and debris, bound by cords]

Iginuhit ni Jinly J. Enopia

Lipunang SibilMediaSimbahanKontribusyon AKontribusyon BKontribusyon C
1.

[illustration: children under an arch labeled “COMPASSION INTERNATIONAL”]

Iginuhit ni Jinly J. Enopia

Lipunang SibilMediaSimbahanKontribusyon AKontribusyon BKontribusyon C
1.

[illustration: hand holding a phone with app icons and question marks]

Iginuhit ni Jinly J. Enopia

Lipunang SibilMediaSimbahanKontribusyon AKontribusyon BKontribusyon C
1.
Gawain 3: Gawain 2, Take 2

PANUTO: Muling balikan ang Gawain 2 para sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

  1. Ano ang ipinapakita ng mga larawan?




  1. Mahalaga ba para sa iyo ang mga mensaheng nais na maiparating nito sa tao o komunidad?




  1. Magbigay ka ng tatlong halimbawa ng lipunang sibil at mga adbokasiya nito na aktibo sa inyong komunidad?




Suriin

Ang Adbokasiya ng Iba’t ibang Lipunang Sibil Batay sa Kontribusyon

Ang mga adbokasiya (isinusulong na usapin) ng iba’t ibang lipunang sibil ay maiuuri batay sa kontribusyon ng mga ito sa katarungang panlipunan, pang-ekonomiyang pag-unlad, pakikilahok ng mamamayan, pangangalaga ng kapaligiran, kapayapaan, pagkakapantay ng mga kasarian, at ispirituwalidad (mga pagpapahalagang kailangan sa isang sustainable society).

Halimbawa ng lipunang sibil ay ang HARIBON Foundation, ito’y isang lokal na organisasyon dito sa Pilipinas na isinusulong ang adbokasiya na ipagtanggol ang kalikasan laban sa mapanirang gawa ng mga tao, kumpanya o sinumang indibidwal na walang patumanggi sa pagsira sa kalikasan. Layunin ng HARIBON ang

mapangalagaan ang kalikasan lalo na ang mga “endemic species” na sa ating bansa lamang matatagpuan.

Ang “Bayan Mo I-Patrol Mo” (BMPM), ay nilikha na programa ng ABS-CBN na isang uri ng lipunang sibil. Ipinapakita nito sa sambayanan kung paano ipararating sa nakararami ang nakalap na mahahalagaang impormasyon o balita gamit ang kani-kanilang cellphone. Sa ganitong paraan ay maaaaring palutangin ng media, habang nangyayari, ang mga pandaraya at katiwalian sa halalan at ang anomalya ay mapipigilan kapag ito ay naisisiwalat. Bahagi sa adbokasiya ng programang ito ang pagpapalutang ng mga impormasyon hindi lamang sa panahon ng halalan kundi maging sa iba’t ibang sakuna at trahedya, paghahatid ng tulong, pagsasaayos ng mga daan at pagtatayo ng mga sentrong pampamayanan (community centers). Sheryl T. Gayola et.al. Edukasyon sa Pagpapakatao-Ikasiyam na Baitang.Modyul para sa mag-aaral Unang Edisyon 2015

Ang Compassion International ay dedikado naman sa pangmatagalang pagpapaunlad sa buhay ng mga kabataang nakatira sa mga bansang mahihirap; maaaring may kinalaman sa pinansyal, material, ispiritual, emosyonal, at iba pa. https://en.m.wikipedia.org./https://en.m.wiki.pediaorg›wiki›CompassionInternational.

Napakahalaga ng kontribusyon ng mga institusyon sa lipunan dahil sa mga isinusulong na adbokasiyang napapanahon at direktang tumutugon sa mga pangunahing pangangailangan ng tao upang mabuhay ng maayos sa lipunan. At higit sa lahat nakakatulong ito na maabot ng tao ang mataas na antas ng pagsulong at pag-unlad at sustainable society hindi lamang ng sarili kundi maging sa buong bansa sa kabuuan.

Karagdagang impormasyon tungkol sa Compassion International

Child-advocacy ministry, ipinapares ang mga mahabaging tao sa mga batang mahihirap upang palayain ang mga bata mula sa espirituwal, pang-ekonomiya, sosyal, at pisikal na kahirapan.

Magkaroon ng pribilehiyo na magtrabaho sa buong mundo na may higit sa 65 ebanghelikal na simbahan at mga samahan ng misyon, kasama ang pakikipag-ugnay ng ibat-ibang katutubong simbahan na may higit 4,800 church-based child development centers. Ang paraan ay natatangi dahil kami ay:

  • CHRIST CENTERED. Tinitiyak na naririnig ng bawat bata ang ebanghelyo at may pagkakataon upang magtiwala kay Jesus.
  • CHILD FOCUSED. Diretso ang ministeryo sa bawat bata bilang isang kumpletong tao.
  • CHURCH BASED. Ang bawat naka-sponsor na bata ay nauugnay sa isang simbahan na nakasentro kay Cristo sa kanyang pamayanan, at lahat ng mga

aktibidad sa pagbuo ng bata ay nagaganap sa pamamagitan ng mga proyekto ng simbahan.

  • COMMITTED TO INTEGRITY. Nangangako sa kahusayan at integridad upang tiyak na makikinabang ang mga bata na ating pinaglilingkuran. Nagsusumikap na matulungan ang mga bata, pamilya at simbahan na makalikha ng mga natatanging mga aktibidad sa pag-unlad ng isang bata.
https://www.compassion.com

Matapos mong mapalalim ang iyong kaalaman sa paksa. Maaari ka nang tumungo sa susunod na bahagi ng aralin. Ihanda mo ang iyong sarili para sa mas malalim pang pag-unawa sa pamamagitan ng pagsagot sa iba pang gawain.

Pagyamanin

Gawain 4.1: Match Me Twice!

PANUTO: Hanapin ang sagot ng HANAY A sa HANAY B, ang sagot naman ng HANAY B ay sa HANAY C. Titik lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel.

HANAY AHANAY BHANAY C
____1. Katarungang Panlipunan
____2. Pang-Ekonomiyang Pag-Unlad
____3. Pangangalaga Ng Kapaligiran
____a. Pagpapalutang ng mga impormasyong hindi lamang sa panahon ng halalan kundi maging sa iba’t ibang sakuna at trahedya, paghahatid ng tulong, pagsasaayos ng mga daan at pagtatayo ng mga sentrong pampamayanan (community centers).
____b. Ipagtatanggol ang kalikasan laban sa mapanirang gawain ng mga tao, kumpanya o sinumang indibidwal.
____c. Pagpapalaya ng mga kabataan sa pang-ekonomiko, sosyal at pisikal na kahirapan.
A. HARRIBON Foundation-Lipunang Sibil
B. Bayan Mo, IPatrol Mo-Media
C. Philippine Compassion-Simbahan

Matapos mong mapalalim ang iyong kaalaman sa paksa. Maaari ka nang tumungo sa susunod na bahagi ng aralin. Ihanda mo ang iyong sarili para sa mas malalim pang pag-unawa sa pamamagitan ng pagsagot sa iba pang gawain.

Gawain 4.2: Tulong Paglilingkod

PANUTO: Kompletuhin ang nilalaman ng graphic organizer sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

[chart: graphic organizer; Gawain 4.2: Tulong Paglilingkod]

Mga Institusyong Bumubuo sa Lipunang SibilMga HalimbawaAdbokasiya
HARIBON Foundation
Bayan Mo I-Patrol Mo
Compassion International
Gawain 4.3: Isulat Mo, Mag-Isip Ka…

PANUTO: Unawain at sagutin ang tanong. Gumamit ng hiwalay na sagutang papel.

Bakit mahalagang maging malinaw ang mga adbokasiya ng isang lipunang sibil na tutugon sa mga pangangailangan ng tao sa lipunan?

[transcriber’s note: the answer box below the question is blank]

Gawain 4.4: Pyramid of Knowlegde!

PANUTO: Ipagpatuloy ang gawaing ito bilang pagtaya sa mga kaalamang naidagdag mula sa mga impormasyon na tinalakay sa bahaging ito ng aralin. Gumamit ng hiwalay na papel para sa iyong mga sagot sa gawain.

[chart: pyramid diagram; Gawain 4.4: Pyramid of Knowlegde!]

Labels from top to bottom:

  • IDEYA
  • PAGKAUNAWA
  • KATOTOHANAN
  • PANGKALAHATAN

Nagawa mong mapagtagumpayang masagot ang mga nakahandang gawain para sa iyo. Maaari ka nang tumungo sa susunod na bahagi ng aralin. At ihanda mo ang iyong sarili para sa pagsasabuhay ng iyong mga natutuhan.

Isaisip

Gawain 5: Dugtungan Mo!

PANUTO: Punan ang kulang sa pahayag upang mabuo ang konsepto.

  1. Nakikita ko na ang adbokasiya ng LIPUNANG SIBIL ay _____



  1. Naisip ko na ang adbokasiya ng MIDYA ay_____


_____.

  1. Nadama ko na ang adbokasiya ng SIMBAHAN ay _____

_____.



Isagawa

Gawain 6: Magsiyasat at Magsaliksik!

PANUTO: Gamitin ang parehong pormat na nasa ibaba. Magsagawa ng pagsisiyasat at pananaliksik ng mga datos tungkol sa mga lipunang sibil na kumikilos sa inyong pamayanan. Pagkatapos, kunin ang mga sumusunod na datos:

Pangalan
Pamunuan
Adbokasya ng lipunang sibil

[transcriber’s note: table continued from the previous page]

Layunin ng adbokasya
Petsa kung kailan nagsimulang makisangkot ang lipunang sibil sa pamayanan
Sariling Pagtataya (Antas ng tagumpay ng adbokasiya)
Mungkahi Mo ayon sa kinalabasan ng pangangalap ng impormasyon
Rubrik sa Pagsisiyasat at Pagsasaliksik
PAMANTAYANDESKRIPSYONPUNTOSNakuhang Puntos
NilalamanWasto ang lahat ng impormasyon.10
Paglalahad ng PananawNakabatay sa moralidad, ebidensiya, at sariling pagsusuri ang paglalahad ng pananaw.10
MensaheMalinaw na naipabatid ang mensahe ng pgsasaliksik.10
Kabuuan Puntos30
Tayahin

PANUTO: Basahin at unawain ang mga tanong. Isulat ang pinakatamang sagot sa iyong sagutang papel.

  1. Alin ang HINDI nabanggit na adbokasiya (isinusulong na usapin) ng iba’t ibang lipunang sibil?
    a. panlipunang reporma
    b. pagkakapantay-pantay ng kasarian
    c. pangangalaga sa kapaligiran
    d. katarungang Panlipunan


  2. Alin sa mga nabanggit na lipunang sibil ang nagsusulong ng tamang pangangalaga sa kalikasan?
    a. Gabriela
    b. Bayan Mo, Ipatrol Mo
    c. HARIBON Foundation
    d. Compassion International


  3. Mahalagang maging malinaw ang adbokasiya ng isang lipunang sibil na tumutugon sa mga pangangailangan ng tao upang _____.
    a. maging organisado ang pagsasagawa ng kabuuan ng Gawain.
    b. agarang makatugon sa mga tutuong nangangailangan ng tulong.
    c. maging makatotohanan ang paghahatid ng serbisyo sa mga tao.
    d. maiwasang maaksaya ang oras ng taong kasama o kasangkot sa Gawain


  4. Kung mabigyan ka ng pagkakataong umanib sa isang lipunang sibil, paano mo maibibigay ang tulong sa tao?
    a. Makikilahok ako sa mga gawaing panlipunan kapag marami sa mga kakilala kong sasama sa Gawain.
    b. Makikilahok ako sa mga gawaing panlipunan para makatulong sa mga nangangailangan.
    c. Makikilahok ako sa pagbibigay ng tulong kapag may makuha akong benepisyo.
    d. Makikilahok ako sa mga gawaing panlipunan kapag may bayad o suhol na matatanggap.


  5. Alin sa mga nabanggit ang adbokasiya ng HARIBON Foundation bilang halimbawa ng lipunang sibil?
    a. panlipunang reporma
    b. katarungang panlipunan
    c. Pangangalaga sa kapaligiran
    d. pagkakapantay-pantay ng kasarian


  6. Alin sa mga nabanggit ang institusyong nagsusulong at nagpagpapalutang ng mga impormasyon hindi lamang sa panahon ng halalan kundi maging sa iba’t ibang sakuna at trahedya, paghahatid ng tulong, pagsasaayos ng mga daan at pagtatayo ng mga sentrong pampamayanan?
    a. Bayan Mo, Ipatrol Mo
    b. Gabriela
    c. Compassion International
    d. HARIBON Foundation


  7. Alin sa nabanggit ang halimbawa ng lipunang sibil?
    a. HARIBON Fondation
    b. Bayan Mo, Ipatrol Mo
    c. Compassion International
    d. Lahat ng nabanggit


  8. Ano ang pokus na adbokasiya ng Compassion International bilang halimbawa ng organisasyong binuo ng simbahan?
    a. pang-ekonomiya at pag-unlad
    b. pakikilahok ng mamamayan
    c. pagkakapantay ng mga kasarian at ispiritwalidad
    d. lahat ng nabanggit


  9. Aling pagpapahalaga ang maaaring maging motibasyon ng tao upang tumulong o makisangkot sa mga institusyon sa lipunan?
    a. Ang biyaya na ipinagkaloob ng Diyos sa tao ay nararapat na ibahagi sa iba.
    b. Personal na hangarin ng tao para sa mga planong pampulitika sa hinaharap
    c. Paghahangad ng kapalit na tulong sa panahon ng pangangailangan
    d. Pagtatanaw ng utang na loob sa mga taong nag-abot ng tulong.


  10. Ano ang pinakamahahalagang adbokasiya ng simbahan bilang panrelihiyong institusyong anyo ng isang lipunang sibil?
    a. Isinusulong nito ang kabutihang panlahat.
    b. Isinusulong nito ang pagkakapatiran na walang pag-uuri-uri.
    c. Mapaunlad ang kalidad ng buhay ng tao hindi lamang sa materyal na bagay maging sa ispiritwal na aspekto.
    d. Lahat ng nabanggit


Karagdagang Gawain

Gawain 7: Ikampanya Mo Na!

PANUTO: Bilang isang Pilipino, papaano ka makatutulong sa iyong kapwa o sa lipunan sa panahon ng krisis gaya ng pandemya na COVID-19 sa bansa ngayon? Ilahad ang iyong kasagutan gamit ang isang campaign slogan. Gamiting gabay ang rubrik sa ibaba sa pagsasagawa ng gawain.

RUBRIK SA PAGMAMARKA NG CAMPAIGN ISLOGAN

PAMANTAYANDESKRIPSIYONPUNTOSNakuhang Puntos
NilalamanAng ginawang campaign slogan ay mabisang nakapanghihikayat sa mga makababasa nito.10
PagkamalikhainAng paggamit ng mga angkop at malalalim na salita (matalinghaga) ay akma sa mga disenyo at biswal na presentasyon upang maging mas maganda ang islogan.10
Kaangkupan sa TemaAngkop sa tema ang ginawang islogan.10
KalinisanMalinis ang pagkakagawa ng islogan5
Kabuuang puntos35

Mahusay! Napagtagumpayan mo nang maisagawa ang mga inatang na gawain.

Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: the answer boxes on this page are printed upside down; they are transcribed upright, in reading order]

Subukin
  1. A
  2. D
  3. B
  4. C
  5. B
  6. A
  7. D
  8. C
  9. A
  10. D
Tuklasin
  1. Lipunang Sibil, C
  2. Simbahan, A
  3. Mass Media, B
Balikan
  1. SIMBAHAN C
  2. LIPUNANG SIBIL B
  3. MASS MEDIA A
Pagyamanin
Gawain 4.1
Hanay AHanay B
1. aa. B
2. cb. A
3. bc. C
Gawain 4.2
Gawain 4.3
Gawain 4.4

Maaaring ang guro ang magbigay ng puntos sa aaral – sagot ng mag-aaral

Gawain 5
Gawain 6

Maaaring ang guro ang magbigay ng puntos sa aaral – sagot ng mag-aaral

Tayahin
  1. A
  2. C
  3. A
  4. B
  5. C
  6. A
  7. D
  8. D
  9. A
  10. D
Suriin

Maaaring ang guro ang magbigay ng puntos sa aaral – sagot ng mag-aaral

Sanggunian

Mula sa Internet:

  • https://brainly.ph/question/36848
  • https://en.wikipedia.org/wiki/Compassion_International
  • https://www.adb.org/sites/default/files/publication/30174/csb-phi.pdf
  • https://www.compassion.com/about/about-us.htm
  • https://www.compassion.com/about/what-makes-us-distinct.htm

Aklat:

  • Gayola, Sheryl T. Edukasyon Sa Pagpapakatao-Ikasiyam Na Baitang.Modyul Para Sa Mag-Aaral. Unang Edisyon. DepEd-IMCS, 2015.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district