Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan – Modyul 15: Hawak Kamay, Tungo sa Tagumpay

Lipunang Sibil, Midya at Simbahan

Ang modyul na ito ay dinesenyo at sinulat para sa iyo. Narito ito upang tulungan kang maging bihasa sa Lipunang Sibil, Media at Simbahan. (ESP9PL-ih-4.3)

Nahihinuha na:

a. Ang layunin ng Lipunang Sibil, ay ang likas-kayang pag-unlad, ng isang ulirang lipunan na pinagkakaisa ang mga panlipunang pagpapahalaga tulad ng katarungang panlipunan, pang-ekonomiyang pag-unlad (economic viability), pakikilahok ng mamamayan, pangangalaga ng kapaligiran, kapayapaan, pagkakapantay-pantay ng kababaihan at kalalakihan (gender equality) at ispiritwalidad.

b. Ang layunin ng midya ay ang pagpapalutang ng katotohanang kailangan ng mga mamamayan sa pagpapasya.

c. Sa tulong ng simbahan, nabibigyan ng mas mataas na antas ng katuturan ang mga materyal na pangangailangan na tinatamasa natin sa tulong ng estado at sariling pagkukusa.

Ang saklaw ng modyul na ito ay nagpapahintulot na gamitin sa iba’t-ibang sitwasyon.

LAYUNIN:

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Naiisa-isa ang mga layunin ng lipunang sibil, midya, at simbahan sa lipunan;

2. Naipaliliwanag ang layunin ng Lipunang Sibil, ang likas-kayang pag-unlad ng lipunan, maging ng iba pang intstitusyon gaya ng midya at simbahan batay sa panlipunang pagpapahalaga nito; at

3. Nahihinuha ang mangyayari kapag sama sama ang pagkilos ng lipunang sibil, midya at simbahan para sa pagtupad ng mga hangarin nito sa
lipunan.

esp9_q1_mod15_hawakkamaytungosatagumpay_v2

Can't Find What You'RE Looking For?

We are here to help - please use the search box below.

Leave a Comment