Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Unang Markahan – Modyul 16: Sama-samang Pagkilos, Sama-samang Pag-unlad

Ang Modyul na ito ay dinesenyo at sinulat para sa iyo. Narito ito upang tulungan kang maging bihasa sa Lipunang Sibil, Media at Simbahan (4.4.) a. Natataya ang adbokasiya ng iba’t ibang lipunang sibil batay sa kontribusyon ng mga ito sa katarungang panlipunan, pang-ekonomiyang pag-unlad (economic viability), pakikilahok ng mamamayan, pangangalaga ng kapaligiran, kapayapaan,pagkakapantay ng kababaihan at kalalakihan ( gender equality) at ispiritwalidad (mga pagpapahalagang kailangan sa isang lipunang sustainable) b. Nakapagsasagawa ng mga pananaliksik sa pamayanan upang matukoy kung may lipunang sibil na kumikilos dito, matukoy ang adbokasiya ng lipunang sibil sa pamayanan, at matasa ang antas ng pagganap nito sa pamayanan.

Sa modyul na ito ay inaasahang maipapamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa: (ESP9PL-ih 4.4)

1. Natutukoy ang mga lipunang sibil batay sa mga kontribusyon ng adbokasiya nito;

2. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malinaw na adbokasiya ng iba’t ibang lipunang sibil; at

3. Nabibigyang-halaga ang lipunang sibil na kumikilos sa pamayanan para sa pagkamit ng kabutihang panlahat.

esp9_q1_mod16_sama-samangpagkilossama-samangpag-unlad_v2

Can't Find What You'RE Looking For?

We are here to help - please use the search box below.

Leave a Comment