EsP 9 Quarter 1 Module 14: Lipunang Sibil, Media at Simbahan: Adhikaing Panlipunan

Grade 9 EsP Quarter 1 Module 14 on the social goals of civil society, media, and the Church, with examples, activities, and an answer key.

This is the Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) Grade 9 self-learning module for Quarter 1, Module 14: “Lipunang Sibil, Media at Simbahan: Adhikaing Panlipunan” (civil society, media, and the Church: social goals). It is an Alternative Delivery Mode (ADM) module from DepEd Region IX, first edition 2020, written by Ivana Arozzal and Joy P. Icao. It helps Grade 9 learners understand why groups of citizens, the media, and the Church organize and act for the common good (kabutihang panlahat).

On this page 8 sections

What learners will learn

The module is built on competency 4.2: Nasusuri ang mga adhikaing nagbubunsod sa mga lipunang sibil upang kumilos tungo sa kabutihang panlahat (analyzes the goals that move civil society to act for the common good). By the end of the lesson, learners are expected to:

  • Analyze the goals that move civil society groups to act for the common good.
  • Describe examples of the goals of different civil society groups, the media, and the Church.
  • Appreciate why it matters that these groups act for the common good.

Why we need others

The module opens with a question: can you meet all your needs, such as food, a home, clothing, and education, on your own? It points to times of disaster, like a string of earthquakes, typhoons, or COVID-19, when people depend on help from others. It quotes the saying “walang tao sa mundo na nabubuhay na mag-isa” (no one in the world lives alone) to show that we need our neighbors and our community for needs we cannot meet alone.

Key ideas: lipunang sibil, media, and simbahan

Lipunang sibil (civil society)

Civil society is a society that people organize voluntarily to meet citizens’ needs that the government and business have failed to meet, through working together. The module stresses that:

  • It is not pushed by politicians or businesspeople with personal interests.
  • It aims for sustainable development (likas kayang pag-unlad), not the rushed, temporary solutions of government and business.
  • Because the government carries many responsibilities and sometimes falls short, civil society acts as its partner (katuwang) in setting things right.
  • In the module’s words, civil society is “ang mata ng lipunan” (the eyes of society).

Media

The media’s main goal, as a form of civil society, is to promote the good of every member of society. That is why its duty is to tell the whole truth and to correct right away any wrong information it has spread, since people may base their decisions on it.

Simbahan (the Church)

The Church is a religious institution that guides our spiritual growth. Through its leaders and members, it raises the material things we enjoy to a higher level of meaning. Your faith is lived out by helping society.

Examples from the module

  • Gabriella: this group gained a representative in Congress and pushed for laws such as the Anti-Sexual Harassment Act, the Women in Development and Nation-Building Act, the Anti-Rape Law, the Rape Victims Assistance and Protection Act, the Anti-Trafficking in Persons Act, and the Anti-Violence Against Women and Their Children Act.
  • Peace Advocates Zamboanga (PAZ): formed after the Catholic Church in Zamboanga, Basilan, Tawi-Tawi, and Sulu organized a Consultation on Peace and Justice. It works to strengthen ties between Christians, Muslims, and indigenous peoples, publishes an alternative newspaper, and does research on Christian-Muslim relations. After the 20-day clash in Zamboanga in September 2013, it held a “Forum on Rehabilitation and Reconciliation” the following month.
  • Volunteer organizations in the matching activity: Gawad Kalinga (ending poverty for five million Filipino families), the Philippine Red Cross (blood, disaster, safety, health, social, and youth services), the Philippine Animal Welfare Society or PAWS (humane treatment of animals), Greenpeace Philippines (protecting the environment), and Habitat for Humanity (safe, decent, and affordable homes).

Parts and activities of the module

PartActivity
Subukin (pretest)Gawain 1: 10-item multiple-choice test
Balikan (review)Gawain 2: Comic Strip, a short written answer
Tuklasin (discover)Gawain 3: Larawan Suriin, matching goals to organization logos
Suriin (analyze)Gawain 4: Tanong Ko, Sagot Mo, reflection questions, plus the reading on civil society, media, and the Church
Pagyamanin (enrich)Gawain 5.1 to 5.4: defining the terms, Havey o Waley (true or false), a graphic organizer, and questions
Isaisip (remember)Logo…Logo…: five situations where civil society can help
Isagawa (apply)Quiet Time: a written reflection for your portfolio
Tayahin (assess)Gawain 8: 10-item multiple-choice test
Karagdagang Gawain (extra)Gawain 9: Poster-rific, a poster scored out of 40 points

How to use this module

  • Learners: Start with the pretest to see what you already know, then work through each part in order. Do not write on the module; answer on separate paper. For the poster, choose only one goal from the lesson and follow the rubric (content, relevance, originality, overall look, and creativity). Use the answer key honestly, and contact your teacher if you have trouble understanding the lesson.
  • Parents and guardians: The module comes with a guide for the facilitator. Help your child keep the module clean so other learners can use it, and check that the reflection goes into the portfolio.
  • Teachers: The answer key covers the pretest, the matching activity, Havey o Waley, the graphic organizer, and the final test. Open-ended tasks, such as the comic strip, reflections, and questions, are scored by the teacher using the rubrics printed in the module.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this module for?

It is for Grade 9 Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP), Quarter 1, Module 14.

What does lipunang sibil mean?

Lipunang sibil, or civil society, is a society people organize voluntarily to meet needs the government and business have failed to meet. The module calls it the eyes of society and a partner of the government.

What is the main goal of the media according to the module?

The media aims to promote the good of every member of society. Its duty is to tell the whole truth and quickly correct any wrong information it has spread.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for the pretest, the matching activity, Havey o Waley, the graphic organizer, and the final test. Open-ended activities are scored by the teacher.

What examples of civil society does the module give?

It discusses Gabriella, Peace Advocates Zamboanga, the media, and the Church. It also features Gawad Kalinga, the Philippine Red Cross, PAWS, Greenpeace Philippines, and Habitat for Humanity in an activity.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Edukasyon sa Pagpapakatao: Unang Markahan – Modyul 14: Lipunang Sibil, Media at Simbahan: Adhikaing Panlipunan

9

[illustration: students reading and studying outdoors and at a desk, with a globe and a lantern]

CO_Q1_EsP9_ Module14

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

Copyright

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 14: Lipunang Sibil, Media, at Simbahan: Adhikaing Panlipunan Unang Edisyon, 2020

Isinaaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Ivana Arozzal at Joy P. Icao Editor: Xilca H. Celicious, Filma B. Catalan Tagasuri: Mona Lisa M. Babiera at Dr. Rose Marie E. Diocares Tagaguhit: Tagalapat: Liezel R. Capitanea Tagapamahala: Isabelita M. Borres Eugenio B. Penales Sonia D. Gonzales Jeanelyn A. Aleman Evelyn F. Importante Rose Marie Diocares

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region IX Office Address: Regional Center, Balintawak, Pagadian City E-mail Address: region9@deped.gov.ph

9

Edukasyon sa Pagpapakatao

Unang Markahan – Modyul 14: Lipunang Sibil, Media, at Simbahan: Adhikaing Panlipunan

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang Makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kani na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Lipunang Sibil, Media at Simbahan: Adhikaing Panlipunan

Ang modyul na ito ay dinesenyo at sinulat para sa iyo. Nandito ito upang tulungan kang maging bihasa sa Lipunang Sibil, Media, at Simbahan: Adhikaing Panlipunan (4.2 Nasusuri ang mga adhikaing nagbubunsod sa mga lipunang sibil upang kumilos tungo sa kabutihang panlahat). Ang saklaw ng modyul na ito ay nagpapahintulot na gamitin sa iba’t-ibang sitwasyon.

LAYUNIN:

Sa pagtatapos ng aralin ang mag-aaral ay inaasahang:

  1. Nasusuri ang mga adhikain na nagbubunsod sa mga lipunang sibil na kumilos tungo sa kabutihang panlahat;
  2. Nailalarawan ng mag-aaral ang mga halimbawa ng mga adhikain ng iba’t ibang lipunang sibil media at simbahan; at
  3. Napapahalagahan ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng mga adhikain na kumilos tungo sa kabutihang panlahat.
Panimula

Magagawa mo bang makuha ang lahat ng iyong pangangailangan na mag-isa? Ikaw lamang ang maghahanap, gagawa o bubuo sa mga ito? Kagaya ng mga pagkain, bahay, damit, at edukasyon bilang pangunahing pangangailangan ng tao para mabuhay. Kung oo, mapalad ka at kung hindi naman ang iyong magiging sagot sa puntong ito kailangan mo ng tulong na nagmumula sa ibang tao bilang katuwang mo upang makuha o maabot mo ang lahat ng iyon. Ngayon, tayahin ang sarili, sapat ba ang mga ito para maging maayos o komportable ang iyong pamumuhay sa pang-araw-araw lalo na sa panahon na ang lahat ay apektado ang buhay dahil sa mga sakuna gaya ng sunod-sunod na lindol, bagyo, o itong COVID-19?

Sa araling ito, bigyang pansin, suriin, at pag-aralan ang mga adhikain ng lipunang sibil, media, at simbahan sa pagtugon ng ilan sa iyong pangangailangan na nagmumula sa iba. Ang pamahalaan at ang kapwa tao natin ay nariyan upang bukas palad na tumulong upang tulungang maabot ng tao ang pinakamataas na antas ng pangangailangan nito. Ika nga sa kasabihan na “walang tao sa mundo na nabubuhay na mag-isa”, kaya kailangan natin ang kapwa maging ang komunidad para matugunan ang iba pang pangangailangan na hindi natin kayang magawa na mag-isa.

Subukin

Handa ka na ba? Umpisahan mo nang sagutin ang paunang gawain na nakalaan para lamang sa iyo.

Gawain 1

PANUTO: Basahin at unawain ang mga tanong. Isulat ang pinakatamang sagot sa sagutang papel.

  1. Ano ang pangunahing adhikain ng simbahan bilang isang anyo ng Lipunang Sibil?

    • a. Agarang makatugon sa mga tutuong nangangailangan ng tulong.
    • b. Maiwasang maaksaya ang oras ng taong kasama o kasangkot sa gawain.
    • c. Mailagay sa mas mataas na antas ng kabuluhan ang mga materyal na bagay na ating tinatamasa.
    • d. Lahat ng nabanggit
  2. Ano ang mahalagang papel na ginagampanan ng lipunang sibil sa isang bansa?

    • a. Isinusulong ang pangkalahatang pag-unlad ng buhay tao.
    • b. Pinupunan nito ang pagkukulang ng pamahalaan sa mga tao.
    • c. Katuwang ng pamahalaan sa paghahatid ng serbisyo publiko.
    • d. Lahat ng nabanggit
  3. Bakit nagkukusa tayong mag-organisa at tugunan ang pangangailangan ng nakararami?

    • a. Walang ibang maaring gumawa nito para sa atin.
    • b. Hindi sapat ang kakayahan ng pamahalaan upang tumugon.
    • c. Sa ganito natin maipapakita ang ating pagkakaisa.
    • d. Ang sama-samang pagkilos ay nagpapagaan sa gawain.
  4. Ano ang pangunahing adhikain ng media bilang isang anyo ng Lipunang Sibil?

    • a. Tungkulin nito ang pagsabi ng katotohanan at ang pagtutuwid ng maling impormasyon na maaaring batayan sa pagpapasya ng aksyong gagawin.
    • b. Hindi isinasaalang-alang ang kalagayang panlipunan ng mga kasapi.
    • c. Walang pinipigilan o dinidiktahan sa pagpapahayag ng saloobin
    • d. Hindi ito nagsusulong ng pampolitikang hangarin ng sino mang nasa pamahalaan.
  5. Ano ang pinakamabigat na dahilan kung bakit kailangan nating magpatulong sa iba?

    • a. May mga pangangailangan tayo na hindi natin makakalap o matatamo natin ng mag-isa.
    • b. Isinasaalang-alang ang kalagayang panlipunan ng mga kasapi.
    • c. Walang ibang maaring gumawa nito para sa atin.
    • d. Hindi sapat ang kakayahan ng pamahalaan upang tumugon.
  6. Sa pamamagitan ng mga lider at iba pang mga kasapi nito, nailalagay natin sa mas mataas na antas ng kabuluhan ang mga material na bagay na ating tinatamasa.

    • a. Simbahan c. Pamilya
    • b. Paaralan d. Mass Media
  7. Binuo ang Gabriella at nagkaroon sila ng kinatawan sa Kongreso. Sa kanilang pagsusulong ay naisabatas ang mga sumusunod maliban sa:

    • a. Rape Victims Assistance and Protection Act (2003)
    • b. Anti-Trafficking in Persons Act (2003)
    • c. Naglathala ng alternatibong pahayagan, at nagsaliksik sa ugnayang Kristiyano at Muslim.
    • d. Anti-Violence Against Women and Their Children Act (2004)
  8. Ang Lipunang Sibil ay ang mata ng lipunan. Ang halimbawa ng lipunang sibil ay ang mga sumusunod maliban sa:

    • a. Mass Media
    • b. Mga Samahan
    • c. Simbahan
    • d. Internet Provider
  9. Ito ay tumutukoy sa anumang bagay na nasa pagitan o namamagitan sa nagpadala at pinadalhan. Sila ang naghahatid ng balita para sa lahat ng mga mamamayan. Ito ay tinatawag na medium kung marami.

    • a. Media
    • b. Internet
    • c. ICT
    • d. Simbahan
  10. Ito ay ang larawan ng lipunang sibil na sumusulong ng adhikain tungo sa kabutihang panlahat maliban sa:


  • a. [logo: Habitat for Humanity Philippines] c. [logo: Philippine Red Cross]
  • b. [logo: Greenpeace] d. [illustration: heart outline]

Aralin 1: Lipunang Sibil, Media, at Simbahan: Adhikaing Panlipunan

Ang modyul na ito ay ginawa upang mapahusay ang kaalaman at kakayahan sa Lipunang Sibil, Media, at Simbahan: Adhikaing Panlipunan na naaayon sa pamantayan ng araling Edukasyon sa Pagpapakatao sa ika-9 na baitang.

Balikan
Gawain 2: Comic Strip

PANUTO: Basahin at unawain ang tanong sa ibaba. Gumamit ng ibang papel para sa iyong sagot.

[illustration: a girl with pigtails asking a question in a speech bubble, and a boy with a blank answer bubble labeled “Sagot:”, both in school uniform]

Speech bubble (girl): Para sa iyo ano ang kahalagan ng adhikain na nagbubunsod sa lipunang sibil upang kumilos tungo sa kabutihang panlahat?

Speech bubble (boy): Sagot:______________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ __________________.

Pinagkunan ng larawan: https://www.freepik.com/free-vector/boy-girl-school-uniform_6052413.htm

Tuklasin

Gawain 3: LARAWAN SURIIN

PANUTO: Itugma ang mga adhikain tungo sa kabutihang panlahat sa akma nitong larawan ng lipunang sibil. Ilagay lamang ang bilang ng adhikain sa patlang na nasa ibaba ng akmang larawan.

ADHIKAIN LIPUNANG SIBIL

  1. Ang Gawad Kalinga Community Development Foundation, Inc. sy idsng kilusang may misyon na tapusin ang kahirapan ng limang milyong pamilyang Pilipino sa pamamagitan ng tatlong sumusunod na mga hakbang: Social Justice (hustisyang panlipunan), Social Artistry (sining panlipunan), and Social Progress (pag-unlad ng lipunan). [logo: Philippine Red Cross] 1.___________


  2. Isa sa mga kilalang volunteer organization sa Pilipinas ay ang Red Cross na naglalayong tulungan ang sambayanan handog ang iba’t ibang serbisyo tulad ng nasyonal na dugo, disaster management, pangkaligtasan, pangkalusugan, panlipunan, at pangkabataang mga serbisyo. [logo: Habitat for Humanity Philippines] 2.___________


  3. Ang Philippine Animal Welfare Society o PAWS ay isang non-profit na organisasyon na naglalayong protektahan at isulong ang karapatan at makataong pagtrato sa lahat ng uri ng mga hayop. Tumutulong ang PAWS sa rehabilitasyon ng mga hayop sa pamamagitan ng paghahanap ng kanilang bagong tahanan. Aktibo rin itong tumututol sa paggamit ng mga hayop bilang aliwan tulad ng mga pa-away o sabong [logo: Greenpeace] 3.___________


  4. Ang Green Peace Philippines ay isang volunteer organization na aktibong nangangampanya para sa misyong pagligtas sa kalikasan. Kabilang sa kanilang pangangampanya ang pag-tigil sa climate change, pag-ayaw sa genetic engineering, at pagtanggol sa karagatan. [logo: Philippine Animal Welfare Society (PAWS)] 4.___________


  5. Ang Habitat for Humanity ay isang lider na nangunguna sa pagtugon sa mga isyu ng kahirapan sa 70 bansa. Mahigit 6.8 milyong ka-tao na ang natulungang nitong makahanap ng lakas, katatagan, at pagsasarili sa pamamagitan ng ligtas, disente, at abot-kayang tahanan. [logo: Gawad Kalinga] 5.___________


Pinagkunan ng mga larawan: https://en.wikipedia.org/wiki/Philippine_Red_Cross https://en.wikipedia.org/wiki/Habitat_for_Humanity https://newsline.ph/top-stories/2019/08/25/envi-group-wants-long-term-solution-on-waste-importation/ https://en.wikipedia.org/wiki/Philippine_Animal_Welfare_Society https://en.wikipedia.org/wiki/Gawad_Kalinga

Para sa iba pang kaalam ukol sa Lipunang Sibil maaring buksan lamang ang link sa ibaba: https://quizlet.com/493660274/community-nstp-fnl-1-flash-cards/ https://primer.com.ph/business/2016/02/14/list-of-volunteer-organizations-you-can-join-in-ph/

Suriin

Gawain 4: TANONG KO, SAGOT MO

PANUTO: Basahin at unawain ang tanong sa ibaba. Gumamit ng ibang papel para sa iyong sagot.

  1. Ano ang iyong naramdaman habang ginagawa ang gawain? Mayroon ka bang mga napag-tanto? Ibahagi ang iyong mga saloobin ukol sa iyong mga natutunan.

Sagot:___________________________________________






  1. Ikaw ba ay nahirapan sa mga Gawain? Kung oo, saan banda? Sa tingin mo bakit ka nahirapan o hindi nahirapan sa pag-sagot?

Sagot:___________________________________________






  1. Ano-ano ang natuklasan mo habang sinasagutan ang gawain? Ilista ang iyong mga natutunan.

Sagot:___________________________________________






PAMANTAYAN SA PAGGAWA
Kraytirya4321
Natutukoy ang saloobin/damdamin ukol sa gawain sa pagganap.Natutukoy ang apat o higit pa na saloobin o damdamin ukol sa gawainNatukoy ang tatlo na saloobin o damdamin ukol sa gawainNatukoy ang dalawang saloobin o damdamin ukol sa gawainIsa lamang ang natukoy na saloobin o damdamin ukol sa gawain
Naibigay ang kadahilanan kung bakit mahirap ang gawain iyon.Nakapagbigay ng apat o higit pa na kadahilanan kung bakit mahirap ang gawain.Nakapagbigay ng tatlo na dahilanan kung bakit mahirap ang gawain.Nakapagbigay ng dalawang kadahilanan kung bakit mahirap ang gawain.Isang kadahilanan lamang ang natukoy kung bakit mahirap ang gawain
Naipaliwanag ang konsepto ng gawain.Nakapagpaliwanag ng apat o higit pa na naunawaan sa konseptoNakapagpaliwanag ng tatlong naunawaan sa konseptoNakapagpaliwanag ng dalawang naunawaan sa konseptoIsa lamang ang napaliwanag na naunawaan sa konsepto
Kabuuan

Panuto: Basahin at unawain ang mga konsepto tungkol sa lipunang sibil, media at simbahan sa pamamagitan ng pagbibigay ng supplementary copy o karagdagang kahulugan base sa iyong naunawaan.

MgaTermino:

  • LipunangSibil
  • Media
  • Simbahan
Lipunang Sibil

Ito ay isang uri ng lipunan na kusang loob na ino-organisa na naglalayong matugunan ang mga pangangailangan ng mamamayan na bigong tugunan ng pamahalaan at kalakalan sa pamamagitan ng pagtutulungan at pagsama-sama.

Media

Tungkulin ng media ang paghahatid ng balita o impormasyon na pawang katotohan lamang at kina-kailangan ng lipunan para sa ikabubuti ng bawat kasapi nito. Ganoon na rin ang pagtutuwid sa mga maling impormasyon.

Simbahan

Ang simabahan ay ang panrelihiyong institusyon na nagsisilbing gabay natin sa ating ispiritwal na kaganapan. Ang iyong pananampalataya ay naisasabuhay mo sa pamamagitan ng pagtuwang sa lipunan.

Ngayon naman ay iyong linangin ang kaisipan tungkol sa ating aralin. Halika na’t basahin at unawain mo ang teksto na nasa ibaba.

Mga Adhikain ng Lipunang Sibil

Ang lipunang sibil ay kusang pag-oorganisa ng sarili tungo sa sama-samang pag-tuwang sa isa’t –isa. Hindi ito isinusulong ng mga politiko o ng mga negosyante na may pansariling interes. Ito ay binubunsod ng pagnanais ng mga mamamayan na matugunan ang kanilang mga pangangailangan na bigong tugunan ng pamahalaan at kalakalan. Ito din ay nagsasagawa ng mga pag-tugon na sila mismo ang nagtataguyod ng likas kayang pag-unlad (sustainable development) na hindi tulad ng minamadali at pansamantalang solusyon ng pamahalaan at kalakalan. Dahil sa dami ng responsibilidad ng inaatang sa pamahalaan may mga pagkakataong nagkukulang ang pamahalaan na tugunan ang mga ito. Kaya mahalagaang ginagampanan ng lipunang sibil bilang katuwang ng pamahalaan sa pagsasaayos dito para sa ikabubuti ng lipunan. Ang lipunang sibil ay ang mata ng lipunan.

Mga halimbawa ng Lipunang Sibil:

  1. Binuo ang Gabriella at nagkaroon sila ng kinatawan sa Kongreso. Sa kanilang pagsusulong ay naisabatas ang mga sumusunod:

    • Anti-Sexual Harassment Act (1995);
    • Women in Development and Nation-Building Act (1995);
    • Anti-Rape Law (1997);
    • Rape Victims Assistance and Protection Act (1998);
    • Anti- Trafficking in Persons Act (2003); at
    • Anti-Violence Against Women and Their Children Act (2000)
  2. Inorganisa ng Simbahang Katoliko sa Zamboanga, Basilan, Tawi-tawi at Sulu ang Consultation on Peace and Justice. Matapos ang konsultasyon, nabuo ang Peace Advocates Zamboanga (PAZ).

    • Layunin ng adbokasiyang ito na palakasin ang mabuting ugnayan ng mga Kristiyano at Muslim, at ng iba pang mga katutubo.


    • Nagdaraos ito ng mga pagsulong ng kapayapaan, naglalathala ng alternatibong pahayagan, at nagsasaliksik sa ugnayang Kristiyano at Muslim.


    • Matapos ang dalawampung araw na sagupaan ng MNLF at AFP/PNP sa Zamboanga noong Setyembre 2013, idinaos ng PAZ ang “Forum on Rehabilitation and Reconciliation” ng sumunod na buwan.


    • Ikabubuti ng lahat ang muling pagbuo ng mga nawasak na tahanan, ang muling pagbangon ng nalugmok na kabuhayan, at higit sa lahat, ang muling pagpapasigla ng nanlamig na mga ugnayan.


  3. Ang pangunahing layunin ng media bilang isang anyo ng lipunang sibil, ay magsulong ng ikabubuti ng bawat kasapi ng lipunan. Ito ang dahilan kung bakit tungkulin ng media ang pagsasabi ng buong katotohanan, at kagyat na pagtutuwid sakali mang may naipahatid na maling impormasyon na maaaring maging batayan ng iba sa pagpapasya ng ikikilos.


  4. Simbahan. Sasama-sama nating paghahanap ay naoorganisa natin ang ating sarili bilang isa pang anyo ng lipunang sibil, isang panrelihiyong institusyon, na tinatawag ng marami bilang Simbahan. Sa pamamagitan ng mga lider at iba pang mga kasapi ng Simbahan, nailalagay natin sa mas mataas na antas ng kabuluhan ang mga materyal na bagay na ating tinatamasa.


Pinagkunan: https://www.depednegor.net/uploads/8/3/5/2/8352879/esp_9_lm_draft_3.31.2014-2.pdf https://philnews.ph/2020/03/07/lipunang-sibil-ano-nga-ba-ang-lipunang-sibil-at-mga-halimbawa/

Para sa iba pang kaalaman ukol sa Lipunang Sibil maaring buksan lamang ang link sa ibaba: https://www.depednegor.net/uploads/8/3/5/2/8352879/esp_9_lm_draft_3.31.2014-2.pdf (Modyul 4, pahina 6-20.)

PAMANTAYAN SA PAGGAWA
Kraytirya4321
Naipaliwanag ang wastong kahulugan ng paksa.Naipaliwanag ng kumpleto at wasto ang kahulugan ng paksa.Naipaliwanag ng bahagya ang kahulugan ng paksa.Sinubukang ipaliwanag ang kahulugan ng paksa ngunit may isa o dalawang pagkakamali.Sinubukang ipaliwanag ang kahulugan ng paksa ngunit higit pa sa dalawa ang pagkakamali.
Naitukoy ang wastong adhikain ng paksa.Naitukoy ng kumpleto at wasto ang kahulugan ng paksa.Naitukoy ng bahagya ang kahulugan ng paksa.Sinubukang itukoy ang kahulugan ng paksa ngunit may isa o dalawang pagkakamali.Sinubukang itukoy ang kahulugan ng paksa ngunit higit pa sa dalawa ang pagkakamali.
Naibigay ang wastong kahalagahan na paksa.Naibigay ng kumpleto at wasto ang kahulugan ng paksa.Naibigay ng bahagya ang kahulugan ng paksa.Sinubukang ibigay ang kahulugan ng paksa ngunit may isa o dalawang pagkakamali.Sinubukang ibigay ang kahulugan ng paksa ngunit higit pa sa dalawa ang pagkakamali.
Kabuuan

Pagyamanin

Gawain 5.1: Pagbigyang Kahulugan

PANUTO: Ilahad at ipaliwanag ang kahulugan, adhikain, at kahalagahan ng lipunang sibil, media, at simbahan sa pamamagitan ng pagbibigay ng supplementary copy o karagdagang kahulugan base sa iyong naunawaan.

  1. Lipunang Sibil 2. Media 3. Simbahan

[chart: speech bubbles with blank lines; Gawain 5.1: Pagbigyang Kahulugan]

  • Bubble 1, Lipunang Sibil: _________ / _______________ (7 lines)
  • Bubble 2, Media: ___________ / __________________ (4 lines)
  • Bubble 3, Simbahan: _____________________ (7 lines)

Values are not labeled on the chart.

PAMANTAYAN SA PAGGAWA
Kraytirya4321
Naipaliwanag ang wastong kahulugan ng paksa.Naipaliwanag ng kumpleto at wasto ang kahulugan ng paksa.Naipaliwanag ng bahagya ang kahulugan ng paksa.Sinubukang ipaliwanag ang kahulugan ng paksa ngunit may isa o dalawang pagkakamali.Sinubukang ipaliwanag ang kahulugan ng paksa ngunit higit pa sa dalawa ang pagkakamali.
Naitukoy ang wastong adhikain ng paksa.Naitukoy ng kumpleto at wasto ang kahulugan ng paksa.Naitukoy ng bahagya ang kahulugan ng paksa.Sinubukang itukoy ang kahulugan ng paksa ngunit may isa o dalawang pagkakamali.Sinubukang itukoy ang kahulugan ng paksa ngunit higit pa sa dalawa ang pagkakamali.
Naibigay ang wastong kahalagahan na paksa.Naibigay ng kumpleto at wasto ang kahulugan ng paksa.Naibigay ng bahagya ang kahulugan ng paksa.Sinubukang ibigay ang kahulugan ng paksa ngunit may isa o dalawang pagkakamali.Sinubukang ibigay ang kahulugan ng paksa ngunit higit pa sa dalawa ang pagkakamali.
Kabuuan

Matapos mong mapalalim ang iyong kaalaman sa paksa. Maaari ka nang tumungo sa susunod na bahagi ng aralin. Ihanda mo ang iyong sarili para sa mas malalim pang pag-unawa sa pamamagitan ng pagsagot sa iba pang gawain.

GAWAIN 5.2: Havey O Waley

PANUTO: Sagutin ng buong katapatan. Isulat sa patlang na nakalaan ang salitang HAVEY kung TAMA ang pahayag at WALEY naman kung ang pahayag ay MALI.

______1. Tanging ang simbahan lamang ang gumagabay sa tao sa ispiritwal na kaganapan.

______2. Lipunang Sibil ang naghahatid ng balita para sa lahat ng mga mamamayan.

______3. Ang Lipunang Sibil ang mata ng Lipunan.

______4. Ang pangunahing layunin ng media bilang isang anyo ng lipunang sibil ay magsulong ng ikabubuti ng bawat kasapi ng lipunan.

______5. Binuo ang Gabriella at nagkaroon sila ng kinatawan sa Kongreso.

Matapos mong mapalalim ang iyong kaalaman sa paksa. Maaari ka nang tumungo sa susunod na bahagi ng aralin. Ihanda mo ang iyong sarili para sa mas malalim pang pag-unawa sa pamamagitan ng pagsagot sa iba pang gawain.

PAMANTAYAN SA PAGGAWA
Kraytirya5 Lubos na kasiya-siya3 Kasiya-siya1 HIindi kasiya-siya
Magaling at kakaiba ang konsepto
Maganda at madaling maunawaan ang mensahe na gustong iparating sa gawaing isinagawa
GAWAIN 5.3: Taos-Puso

PANUTO: Isulat ang konseptong iyong nauunawaan gamit ang graphic organizer.

[chart: graphic organizer; GAWAIN 5.3: Taos-Puso]

  • Left box: “Ang Lipunang Sibil ay ______” followed by blank lines
  • Vertical label: HALIMBAWA NG LIPUNANG SIBIL
  • Arrows numbered 1., 2., 3., with blank lines
  • Arrow label: LAYUNIN NITONG
  • Heart with blank lines

Values are not labeled on the chart.

[illustration: heart with blank lines inside]

Pinagkunan ng larawan: https://www.freepik.com/free-vector/collection-decorative-hearts_1074209.htm#page=1&query=heart&position=18

GAWAIN 5.4: Tanong at Sagot

PANUTO: Basahin at unawain ang tanong sa ibaba. Sagutan ang mga tanong ng may kagalakan, isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

  1. Ano ang nararamdaman mo habang ginagawa ang gawain?


_________________________________________________________________________________.

  1. Anu-ano ang natuklasan mo habang sinasagutan ang gawain?


_________________________________________________________________________________.

  1. Ano ang kahalagahan ng mga adhikain ng lipunang sibil para sa kabutihang panlahat?



Isaisip

GAWAIN 6: Logo…Logo…

PANUTO: Balikan mo ang Gawain 3 at unawain ang ginagampanan at tungkulin ng mga lipunang sibil. Maglista ng limang pagkakataon na sa tingin mo ay makatutulong ang mga lipunang sibil. I-akma ito sa sumusunod na mga logo:

[logo][logo][logo][logo][logo]
1.
2.
3.
4.
5.
PAMANTAYAN SA PAGGAWA
Kraytirya5 Lubos na kasiya-siya3 Kasiya-siya1 Hindi kasiya-siya
Magaling at kakaiba ang konsepto
Maganda at madaling maunawaan ang mensahe na gustong iparating sa gawaing isinagawa
Kabuuan

Isagawa

GAWAIN 6: Quiet Time

PANUTO: Sa pagkakataong ito sumulat ka ng isang repleksyon sa mga napagtanto mo sa mga tunay na adhikain ng lipunang sibil bilang katuwang ng pamahalaan sa mga pampublikong gawain. Isulat ang repleksyon sa iyong portfolio.

PAMANTAYAN SA PAGGAWA
Kraytirya4321
Natutukoy ang saloobin/damdamin ukol sa gawain sa pagganap.Natutukoy ang apat o higit pa na saloobin o damdamin ukol sa gawainNatukoy ang tatlo na saloobin o damdamin ukol sa gawainNatukoy ang dalawang saloobin o damdamin ukol sa gawainIsa lamang ang natukoy na saloobin o damdamin ukol sa gawain
Naipaliwanag ang konsepto ng adhikaing panlipunanNakapagliwanag ng apat o higit pa na naunawaan sa konsepto ng adhikaing panlipunanNakapagpaliwanag ng tatlong naunawaan sa konsepto ng adhikaing panlipunanNakapagpaliwanag ng dalawang naunawaan sa konsepto ng adhikaing panlipunanIsa lamang ang napaliwanag na naunawaan sa konsepto ng adhikaing panlipunan
Naibigay ang kahalagahan ng paksa sa gawainNakapagbigay ng apat o higit pa na kahalagahan ng paksa sa gawainNakapagbigay ng tatlo na kahalagahan ng paksa sa gawainNakapagbigay ng dalawang kahalagahan ng paksa sa gawainIsang kahalagahan ng paksa sa gawain
Kabuuan

Tayahin

Gawain 8: Pagpipilian

PANUTO: Basahin at unawain ang mga tanong. Isulat ang pinakatamang sagot sa sagutang papel.

  1. Ano ang pangunahing adhikain ng media bilang isang anyo ng Lipunang Sibil?

    • a. Tungkulin nito ang pagsabi ng katotohanan at ang pagtutuwid ng maling impormasyon na maaaring batayan sa pagpapasya ng aksyong gagawin.
    • b. Hindi isinasaalang-alang ang kalagayang panlipunan ng mga kasapi.
    • c. Walang pinipigilan o dinidiktahan sa pagpapahayag ng saloobin.
    • d. Hindi ito nagsusulong ng pampolitikang hangarin ng sino mang nasa Pamahalaan.
  2. Ano ang pinakamabigat na dahilan kung bakit kailangan nating magpatulong sa iba?

    • a. May mga pangangailangan tayo na hindi natin makakalap o matatamo natin ng mag-isa.
    • b. Isinasaalang-alang ang kalagayang panlipunan ng mga kasapi.
    • c. Walang ibang maaring gumawa nito para sa atin.
    • d. Hindi sapat ang kakayahan ng pamahalaan upang tumugon
  3. Ano ang pangunahing adhikain ng simbahan bilang isang anyo ng Lipunang Sibil?

    • a. Agarang makatugon sa mga tutuong nangangailangan ng tulong.
    • b. Maiwasang maaksaya ang oras ng taong kasama o kasangkot sa gawain.
    • c. Mailagay sa mas mataas na antas ng kabuluhan ang mga materyal na bagay na ating tinatamasa.
    • d. Lahat ng nabanggit
  4. Ano ang mahalagang papel na ginagampanan ng lipunang sibil sa isang bansa?

    • a. Isinusulong ang pangkalahatang pag-unlad ng buhay tao
    • b. Pinupunan nito ang pagkukulang ng pamahalaan sa mga tao.
    • c. Katuwang ng pamahalaan sa paghahatid ng serbisyo publiko.
    • d. Lahat ng nabanggit
  5. Bakit nagkukusa tayong mag-organisa at tugunan ang pangangailangan ng nakararami?

    • a. Walang ibang maaring gumawa nito para sa atin.
    • b. Hindi sapat ang kakayahan ng pamahalaan upang tumugon.
    • c. Sa ganito natin maipapakita ang ating pagkakaisa.
    • d. Ang sama-samang pagkilos ay nagpapagaan sa gawain.
  6. Binuo ang Gabriella at nagkaroon sila ng kinatawanan sa Kongreso. Sa kanilang pagsusulong ay naisabatas ang mga sumusunod maliban sa:

    • a. Rape Victims Assistance and Protection act (1998)
    • b. Anti-Trafficking in Persons Act (2003)
    • c. Naglalathala ng alternatibong pahayagan, at nagsasaliksik sa ugnayang Kristiyano at Muslim.
    • d. Anti-Violence Against Women and Their Children Act (2004)
  7. Sa pamamagitan ng mga lider at iba pang mga kasapi nito, nailalagay natin sa mas mataas na antas ng kabuluhan ang mga material na bagay na ating tinatamasa.

    • a. Simbahan
    • b. Paaralan
    • c. Pamilya
    • d. Mass Media
  8. Ito ay tumutukoy sa anumang bagay na nasa pagitan o namamagitan sa nagdala at pinadalhan. Sila ang naghahatid ng balita para sa lahat ng mga mamamayan. Ito ay tinatawag na medium kung marami.

    • a. Media
    • b. Internet
    • c. ICT
    • d. Simbahan
  9. Ito ay ang larawan ng lipunang sibil na sumusulong ng adhikain tungo sa kabutihang panlahat maliban sa:

    • a. [logo] c. [logo]
    • b. [logo] d. [illustration: outlined heart]
  10. Ang Lipunang Sibil ay ang mata ng lipunan. Ang halimbawa ng lipunang sibil ay ang mga sumusunod maliban sa:

    • a. Mass Media
    • b. Mga Samahan
    • c. Simbahan
    • d. Internet Provider

Mahusay! Napagtagumpayan mo nang maisagawa ang mga nakaatang na gawain.

Karagdagang Gawain

GAWAIN 9: Poster-rific

PANUTO: Gumawa ng isang pagguhit na nasa anyong poster na nagpapakita ng kahalagahan ng mga adhikain ng lipunang sibil, media, at simbahan. Paalala, pumili lamang ng isang uri o konsepto mula sa mga nabanggit o natalakay na adhikain. Gamiting gabay ang rubriks sa paggawa ng Gawain.

RUBRIK PARA SA POSTER
PamantayanDeskripsyonPuntosNatamong Puntos
Nilalaman (Content)Naipakita at naipaliwanag nang mahusay ang isang ideal na adhikain ng lipunang sibil batay sa mga konseptong nakapaloob sa poster.10
Kaangkupan ng konsepto (Relevance)Maliwanag at angkop ang mensahe sa paglalarawan ng konsepto ng isang ideal na adhikain ng lipunang sibil.10
Pagkamapanlikha (Originality)Orihinal ang ideyang ginamit sa paggawa ng poster.10
Kabuuang presentasyon (Overall)Malinis at maayos ang kabuuang larawan.5
Pagkamalikhain (Creativity)Ang mga kulay at konsepto, simbolismong ginamit ay nakatulong nang lubos upang maipahayag ang mensahe at konsepto ng isang ideal na adhikain ng lipunang sibil.5
KABUUANG PUNTOS40

Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: the answer-key boxes on this page are printed upside down; they are transcribed in the order they are read on the page]

Isagawa

Gawain 7: Quiet Time

Note: Maaaring ang guro ang magbigay ng puntos sa mag-aaral.

Isaisip

Gawain 6: Logo…Logo…

Note: Maaaring ang guro ang magbigay ng puntos sa mag-aaral.

Suriin

Gawain 4: Tanong Ko, Sagot Mo

Note: Maaaring ang guro ang magbigay ng puntos sa mag-aaral.

Balikan

Gawain 2: Comic Strip

Note: Maaaring ang guro ang magbigay ng puntos sa mag-aaral.

Tuklasin

Gawain 3

  1. 2
  2. 5
  3. 4
  4. 3
  5. 1
Tayahin

Gawain 8:

1.A 2.A 3.C 4.A 5.B 6.C 7.A 8.A 9.D 10.D

Subukin

Gawain 1:

  1. C
  2. A
  3. B
  4. A
  5. A
  6. A
  7. C
  8. D
  9. A
  10. D
Pagyamanin

Gawain 5.1

Note: Maaaring ang guro ang magbigay ng puntos sa mag-aaral.

Gawain 5.2 HAVEY 0 WALEY

  1. HAVEY 2. WALEY 3. HAVEY 4. HAVEY 5. HAVEY

Gawain 5.3 Taos-Puso

Ang lipunang Sibil ay isang uri ng lipunan na kusang loob na nag-oorganisa ang ating mga sarili tungo sa sama-samang pagtuwang sa isa’t isa.

Halimbawa ng lipunang Sibil

  1. Media
  2. Simbahan
  3. Mga samahan

Layunin nitong tugunan ang pangangailangan bilang katuwang ng pamahalaan sa pagsasaayos para sa ikabubuti ng lipunan.

Gawain 5.4 Tanong at sagot

Note: Maaaring ang guro ang magbigay ng puntos sa mag-aaral.

Sanggunian

chrislyn_orada. “Community NSTP FNL 1.” Quizlet. Accessed August 9, 2020. https://quizlet.com/493660274/community-nstp-fnl-1-flash-cards/

“Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9 Unang Markahan MODYUL 4: LIPUNANG SIBIL.” (modyul 4:6-20) Accessed August 9, 2020. https://www.depednegor.net/uploads/8/3/5/2/8352879/esp_9_lm_draft_3.31.2014-2.pdf

Ki. 2020. “Lipunang Sibil: Ano Nga Ba Ang Lipunang Sibil at Mga Halimbawa.” Philnews. Accessed August 9, 2020. https://philnews.ph/2020/03/07/lipunang-sibil-ano-nga-ba-ang-lipunang-sibil-at-mga-halimbawa/

“LIST: Volunteer Organizations in the Manila Where You Can Join.” 2016. Philippine Primer. Accessed August 9, 2020. https://primer.com.ph/business/2016/02/14/list-of-volunteer-organizations-you-can-join-in-ph/

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district