Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Unang Markahan – Modyul 13: Lipunang Sibil, Alamin at Pagyamanin

Lipunang Sibil, Alamin at Pagyamanin

Ang araling ito ay magbibigay sa iyo ng sapat na kaalaman tungkol sa iba’t ibang lipunang sibil at mga kasamang institusyon nito sa lipunan. Ang
sama-samang pagkilos ng tao sa komunidad ay nagbibigay ng magandang simulain upang maabot ng mga tao o lipunan ang pinakamataas na antas ng pag-unlad at pagsulong bilang katuwang ng pamahalaan sa paghahatid ng tulong o serbisyo publiko para sa kabutihang panlahat.

Sa modyul na ito ay inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:

1. Natutukoy ang mga halimbawa ng lipunang sibil at ang kanikaniyang papel na ginagampanan ng mga ito upang makamit ang kabutihang panlahat.

Layunin 1: Nakapagbibigay ng limang halimbawa ng pangalan ng lipunang sibil, at ang uri ng paglilingkod nito;

Layunin 2: Nasusuri ang ginagampanang papel ng isang lipunang sibil; at

Layunin 3: Nakagagawa ng isang uri ng paglilingkod sa kapwa-tao sa lipunan o sa komunidad.

esp9_q1_mod13_lipunang-sibil-alamin-at-pagyamanin_v2

Can't Find What You'RE Looking For?

We are here to help - please use the search box below.

Leave a Comment